Part 35

413 45 4
                                    

Asiwang sinulyapan ni Lead ang dalagang nakalingkis sa kanya. Malambing na nakayapos sa leeg niya si Mary Grace habang nakasandal ang gilid ng mukha sa kanyang balikat. Magkatabi silang dalawa sa sofa habang nanonood ng tv. Normal sana 'yon sa pagitan nila kung hindi dahil sa kasalukuyang outfit ng babae. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang nightie na suot. She was wearing a dark purple negligee na lalong nagpatingkad sa maputing balat nito. Medyo nasisilip niya ang cleavage nito. Maging ang makikinis na hita nito ay litaw. 

Wala na siyang ginawa kundi ang lumunok. Alam niyang nakausap nito si Andrea at di naging malinaw sa kanya kung ano ang napag-usapan ng dalawa. But damn heavens! He was actually aroused in such a sight! To think na pinagnanasaan niya ang munting dalagang ito sa tabi niya, nawawala na siya sa kanyang sarili. 

"You're an assassin but before anything else, you're just a man." Tila naglalaro pa sa kanyang isip ang mga salita ni Andrea.

"Xeph... Sleep with me," anas nito.

Hindi siya kumibo kahit narinig niya ito. Ano naman ang isasagot niya? Nang isama niya ito, alam niyang mangyayari 'yon ano mang oras. Pero kailangan niyang kontrolin ang sarili pagdating sa babaeng ito. 

Bakit? Iyon ang umuukilkil sa isang bahagi ng utak niya. 

Nang tangayin niya ito, pinayagan niya din ang iba pang posibilidad na kaakibat ng damdamin niya sa dalaga. He knew he was doing it half-heartedly. Nahulog na siya sa butas pero hindi niya pinahintulutan ang sariling mahulog ng husto. Dahil kung gagawin niya 'yon, para na rin niyang inilagay sa alanganin ang kapakanan nito kapalit ng kasakiman niya. He wanted to be with her and he would be with her but not forever. 

Iyon ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin gaano man siya kasaya sa piling ni Mary Grace. At iyon ang isang bagay na nilimitahan niya sa sarili, ang kunin ang kamuwangan nito. Andrea was right. Sa huli ay tungkol ang lahat sa disposisyon ng utak niya. It was all about him! Ang mga bagay na puwede at di puwede niyang gawin dito. Hindi ba't iyon din ang kabiyak na mukha ng pagiging makasarili?

"Hey... I said sleep with me," ulit nito. Umalis ito sa pagkakasandig sa kanya at tiningala siya. And he swore! That was the cutest gesture he had ever seen. She was pouting her lips—the total sign that she was sulking.

Matapos pakawalan ang isang malalim na buntong-hininga, ginulo niya ang buhok nito. "Okay. I'll sleep with you. Tatabihan kita sa kama hanggang sa makatulog ka. Gusto mo bang kantahan pa kita ng lullaby?"

Tumapik ang magkabilang kamay nito sa kanyang pisngi. Kunot na kunot ang noo nito. "Hindi mo 'ko sineseryoso, no?"

"You are the one who aren't serious. Masyado kang padalus-dalos sa desisyon. You're just acting out of impulsiveness."

Sumimangot ito. "At umaakto ka na parang isang magulang. And again, jumping to conclusions. Alam ko kung ano ang gusto ko... at seryoso ako, Xeph." May kislap ng determinasyon ang mga mata ng babae. "Ayokong magsisisi. I want you. I really want you. Kung may isang bagay dito sa mundo na magtatali sa buhay nating dalawa, gagawin ko ang lahat para makuha 'yon."

Di siya nakahuma sa narinig. Sa tuwina ay nagugulat siya sa mga sinasabi nito. And every time she said those kind of things, she really looked so womanly in his eyes. Parang isang magnet, muli ay nahahatak siya palapit—naaakit. At natagpuan ng mga labi niya ang mga labi nito.

Hinalikan niya ito na tila iyon ang pinaka-natural na bagay sa mundo. Halik na nagpapikit sa kanyang mga mata at mainit na mga labing kanyang dinama. Nagtungo ang kanyang mga kamay sa leeg nito, sa panga. Lalo niya itong kinabig upang magpasasa sa malalambot nitong mga labi. When he savored the insides of her mouth using his tongue, everything was gone. It shattered all his reasoning, his issues, and his control. Lalo na nang maramdaman niya ang palad ng dalaga na humahaplos sa kanyang dibdib. 

She was undoing the buttons of his sweatshirt like a pro. Pero dama niya ang panginginig ng kamay nito. Na siyang ebidensiya na hindi ito sanay sa ganoon. It was really sweet and adorable. Her urgency to please him despite her greenness made his libido go crazy. Gusto niyang yapusin ang buong katawan nito. At sinunod niya ang nais. Sumalikop ang mga kamay niya sa baywang nito at walang kahirap-hirap itong iniangat sa kanyang kandungan. Later on they were kissing senselessly while her legs were strangling on his waist. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, ibinaon ni Lead ang mukha sa dibdib ng babaeng kaulayaw habang ang mga kamay niya ay nasa likod nito. Kinailangan niyang huminto dahil alam niyang hindi na niya kayang kontrolin pa ang sumunod na magaganap sa natitirang himaymay ng kanyang katinuan.

"I'm sorry..." hinihingal na anas niya sa malat na boses. The softness of her breast made him even more stirred. She smelled so damn good! Iniangat niya ang mukha matapos taniman ng halik ang gilid ng leeg ni Mary Grace. Nang mabistahan niya ang mukha nito, humihingal din ito at bakas ang sorpresa sa mga mata nito. Patunay lang na wala itong muwang sa mga nararanasan. Napakalakas ng udyok ng sarili niyang katawan na nag-uutos na muli itong hilahin pero sa halip ay pinakawalan niya ito.

Litong nakatingin sa kanya ang babae nang umupo ito sa tabi niya.

"Let's stop," aniya habang nakayuko. Kung masusulyapan niya man lang ito, baka bigla niya na lang itong itulak pahiga. "For now," dugtong niya. Nakapagdesisyon na siyang hindi niya papayagang may ibang lalaking humawak man lang sa dalaga. The thought of it frightened him to the bones. He would be the one to take her chastity. And not anyone else. Pero hindi mismo sa mga oras na 'yon.

"S-sorry din..." guilty ang tono nito gayung siya ang nanghalik dito. "K-kung pinipilit kita sa isang bagay na hindi mo gustong gawin."

Doon niya ito tiningnan. "Hindi 'yan totoo. You were actually seducing a very willing man. But I want to cherish you, sweetheart." He caressed her cheek. "Nakahanda akong maghintay hanggang sa hindi ka na isang teenager."

Napakurap si Mary Grace at biglang umaliwalas ang mukha. "Bukas!" Naroon ang excitement sa tinig nito.

Napatawa siya. "Stubborn little girl. I said I'll wait 'till you pass your teens. Tomorrow is impossible."

Sinunggaban nito ang kamay niya. "Bukas nga! Birtday ko bukas. I'm turning twenty."

Kumurap siya at tinitigan ito. Inaanalisa kung seryoso ito sa bagay na isinantinig. "Bakit ngayon mo lang nabanggit?" Hawak niya ito sa magkabilang balikat. Crap! If it was really her birthday, then he was doomed. Ngayon pa lang ay nakukulta na ang utak niya sa pag-iisip ng regalong puwede niyang ibigay sa babae. Kailanman ay di niya pa 'yon ginawa sa kung sino. Pero ang pinag-uusapan dito ay si Mary Grace. Siyempre, kailangan niya itong bilhan ng regalo.

She puckered her lips. "Nakalimutan kong kaarawan ko bukas."

Ilang segundo siyang hindi nakakilos. Pamaya-maya pa ay pumuno ang halakhak niya sa buong kabahayan. "That's ridiculous! Paano mong nakalimutan ang birthday mo? At naalala mo lang dahil gusto mo ng sex?"

Inismiran siya nito at hinampas siya sa dibdib. Pulang-pula ang mukha. Muli di niya napigilan ang sariling gigil na pisilin ang pisngi nito at pupugin ng halik ang mukha at leeg nito. Dinig niya ang ginawang paghagikgik nito at musika 'yon sa kanyang pandinig.

"Let's celebrate tomorrow," saad niya nang huminto siya sa pangingiliti dito.

Yumakap ito sa kanya. "Sure ka? Wala ka bang ibang gagawin?" Halata sa ipinahihiwatig nito na ang tinutukoy nitong ibang gagawin niya ay patungkol sa kanyang misyon.

"No. Nitro and Tin still have to monitor. And I won't miss the day you were born for any other day. The day you came out to this world was my salvation," madamdaming pahayag niya. Yumapos ito sa kanya ng mahigpit at naramdaman niya ang kahulugan ng sariling mga kataga.

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon