One Shot Stories

By HartleyRoses

24.1K 1.3K 165

These are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it... More

One Shot Stories
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
061
062
063
064
065
066
067
068
069
070
071
072
073
074
075
076
077
078
080
081
082
083
084
085
086
087
088
089
090
091
092
093
094
095
096
097
098
099
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171

079

91 3 0
By HartleyRoses

UNNOTICED
[Read at your own risk!]

"MAGBABAYAD KAYONG LAHAT! MAGBABAYAD!" Halos lahat kaming pamilya ay napalingon sa ate Marjure na nagwawala na ngayon.

"Anak, anong nangyayari sayo?" Marahan pa siyang hinaplos ni mama pero tinabig niya lang ang kamay nito at pinanlisakan ng mata si mama.

"LAHAT SILA! MAGBABAYAD!" Napansin kong dumodoble pa ang boses ni Ate Marjure, na siyang nagbigay takot sa aming lahat.

Pero habang patuloy siya sa pagsisigaw ay napansin ko ang luha sa kanyang mga mata.

Paulit-ulit lang ang kanyang sinasabi, na lahat sila ay magbabayad na siyang hindi namin maintindihan.

"Sinasaniban si Marjure!" sigaw ng isa sa mga kapamilya namin.

"Ted! Pumunta kayo sa simbahan, tawagin niyo si Father! Bilisan niyo!" sigaw naman ni mama.

Nakita kong nag tulong-tulong sila sa paghawak kay Ate Marjure na nagwawala pa rin hanggang ngayon.

"Bitawan niyo ako! Magbabayad sila!" sigaw muli ni ate Marjure.

"A-Ate Analyn," mahina lamang ang aking pagkakasabi pero sapat na iyon para marinig nilang lahat.

Lahat sila ay natahimik pati si ate Marjure na nagwawala at ngayon ay lumuluha na.

"Ate Analyn!" agad akong lumapit sa kanya at niyakap ang munti kong katawan sa ate ko.

Sa lahat ay ako ang pinaka close ni ate Analyn.

Naramdaman ko rin ang yakap ni Ate Analyn.

"Salamat Ary! Salamat at may nakakilala sa akin." Hindi katulad kanina, ngayon ay huminahon na siya.

"Analyn ikaw ba 'yan?" lumuluhang tanong ni mama.

Pinakawalan ako ni Ate Analyn.

"Mama..." nanginginig ang boses ni ate Marjure na sigurado akong sinaniban ni ate Analyn.

Kahit katawan ni ate Marjure ay ramdam ko kanina ang takot ni ate Analyn— ang panginginig niya.

Bumuhos ang masaganang luha sa lahat ng pamilya ko.

Isang linggo ng nawawala si ate Analyn at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita.

Niyakap agad siya ni mama at ni papa.

"Mama, t-tulungan n—niyo po ako..." ramdam ko ang hirap sa boses niya.

"Anak! Anong nangyari sayo?" Nakita kong umiling-iling si ate hanggang sa humagulgol ito ng iyak.

"Ma, w-wala na po ako. B-binaboy n—nila ako."

Lahat ng kamag-anak namin ay nagsi-iyakan na, hindi rin makapaniwala sa sinasabi ni Ate.

"Ikwento mo anak. Magbabayad silang lahat." Narinig kong mariing sinabi ni papa.

"Pa..."

"Anak, pagbabayarin natin sila." Hinaplos-haplos na ni mama si ate para kumalma ito kahit papaano.

Kitang-kita na ang panginginig ni ate sa takot nang magsimula na siyang mag kwento.

"P-pauwi na po ako galing school. Nang nasa lugar na po ako na walang masyadong tao, may bigla na l-lang pong pumukpok sa akin na matigas na bagay. Nanlaban ako, pinilit kong gumising, at nakita ko— nakita ko ang malalabo nilang imahe, marami sila at puro mga lalaki pero ni isa ay wala akong matandaan na mukha dahil tuluyan na po akong nahimatay." Umiyak si Ate habang umiiling na para bang hindi pa rin siya makapaniwala.

"G-Gumising ako. Naka piring ang mga mata at bibig ko. M-mabaho yung amoy ng lugar, nakaupo ako sa upuan at nakatali ang buong katawan. Mama... Papa..." At muli na naman siya umiyak.

Kahit ako na bata pa lamang ay natatakot sa dinanas ng aking ate.

"Ipagpatuloy mo anak, pagbabayarin natin sila... shhh tahan na."

"N-Naramdaman k-ko po yung mga h-haplos nila sa maseselang bahagi ng aking katawan. Puro tawanan yung mga narinig ko mama. Takot na takot ako. Wala akong m-magawa, ni hindi ako makasigaw, hindi nakagalaw, walang makita.

"Gusto kong humingi ng t-tulong, p-pero wala. G-Gusto ko ng makaalis sa lugar na iyon, pero sa kinauupuan ko nga ay h-hindi ko magawa.

"M-may p-pinasinghot p-po sila sa a-kin, at n-narinig ko po sa kanila mama na s-shabu 'yon. N-nahilo po ako, p-parang umiiikot yung mundo k-ko.

"Naramdaman ko po yung paghawak ng isa sa kanila sa pisngi ko, tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko at pinipilit nila akong pangitiin dahil may camera pa lang nakatutok sa akin. N-Nagmakaawa ako, pero pinagpatuloy pa rin nila. Vinideohan po nila ako, lahat po ng ginawa nila sa akin ay naka r-record. Inumpisahan nilang h-hubadin ang l-lahat ng d-damit k-ko. N-naramdaman k-ko... s-sakit— s-super s-sakit n-na parang s-sinusunog ang buong k-katawan k-ko, n-naramdaman ko p-po na bote na plastik po n-na p—pinasok s-sa..."

Nakita kong hindi na makahinga ang ate ko habang nag k-kwento. Kung titignan siya ay parang hindi na siya makaalis sa lugar kung saan siya binaboy, na para bang ginagawa pa rin nila iyon sa kanya hanggang ngayon. Pati ako ay umiiyak na rin— lahat kami na naririto na nakikinig sa kanya.

Kahit hirap siya ay nagpatuloy siya.

"D-Doon na po nila ako inumpisahang b-babuyin. M-May mga paso pa ng s-sigarilyo akong naramdaman. Paulit-ulit. Paulit-ulit ang g-ginawa nila sa akin h-hanggang s-sa tumigil na a-ako sa kakasigaw. Nanghihina na po a-ako, wala na akong maramdaman kundi a-ang sakit na lang po.

"A-Akala ko doon na matatapos l-lahat. A-Akala ko. B-binuhat nila a-ako at nilagay sa isang kahon na kahoy. H-hindi a-ako makahinga, w-walang h-hanging p-pumapasok—" natigil si Ate ng bigla siyang niyakap ni mama na humahagulgol na rin.

"A-Anak— tama na ang pag k-kwento. Hindi mo na kaya, tama na yung sakit. Pagbabayarin natin sila."

"Mama... magbabayad s-sila. L-lahat s-sila." Tumango-tango si mama.

At habang magkayakap silang umiiyak ay bigla na lang nahimatay si Ate.

Maya-maya pa ay gumising na ang katawan ni ate Marjure.

"A-ano pong nangyari?" Hinang-hinang sabi ni ate Marjure pero muli ulit siyang nahimatay.

"Magbabayad sila. Pangako 'yan ate Analyn." Munting bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa walang malay kong ate Marjure na siyang ginamit ni ate Analyn para sabihin ang lahat ng katotohanan.

--

Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa projector kung saan napanood nila ang video na siyang kinuhaan ng Tita ko ilang taon na ang nakakalipas.

Nakita ko pa ang sarili ko sa video na sobrang bata pa.

Elementary pa lang ako no'n pero maaga na akong namulat sa karahasan.

Tumigil ang video at tumingin ako sa lahat ng tao sa loob na tahimik at tulala matapos marinig at mapanood lahat.

Marahan kong pinahid ang luha sa mata ko.

"Ilang taon na ang nakakalipas. Hindi sapat ang ebidensyang 'yan. Ginawa ng parents ko ang lahat pero wala pa ring nagawa dahil sa walang ebidensya."

Naglakad-lakad ako sa harap nilang lahat.

"And I, Attorney Ary Alba, sister of Analyn Alba. Ang affidavit na sinulat ko na siyang sinabi ng ate Analyn ko nang sinaniban niya ang ate Marjure ko ay tumugma sa lahat ng ebidensyang hawak ko."

Nagsumikap ako, nag-aral ako ng mabuti para maging isang ganap na Abogado at para makuha ang hustisya na hinangad ng buong pamilya namin at ni ate Analyn.

"Bakit si Ate Analyn pa? Maraming pangarap ang ate ko, marami siyang gustong mangyari ngunit ng dahil lamang sa punyetang libog! Nawala lahat! Panoorin niyo ito," mariing sabi ko at kinalikot ang loptop ko at ni-play ang panibagong video na siyang tatapos sa lahat.

"Ngumiti ka!" narinig kong sabi sa video ng isang lalaki.

"M-maawa po k-kayo..." Mariing napapikit ako ng narinig ko ang boses ni ate Analyn na nagmamakaawa.

May luhang tumulo sa mga mata ko. Kahit paulit-ulit ko na itong napanood ay masakit pa rin, at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako.

Pero ngayon may kasama ng ngiti, dahil sa wakas... malapit na.

Lahat ng kababuyang ginawa nila ay nasa video na iyon. Natapos ang video sa paglalagay nila sa ate ko sa kahon na kahoy na parang kabaong.

Buhay pa ang ate ko, kitang-kita sa video, pero 'di na pinakita kung ano ang ginawa nila pagkatapos nilang ilagay si ate doon pero alam ko, alam ko na nilibing nila ng buhay ang ate ko!

"Ngayon lang nagsilabasan ang lahat ng evidence. And through out my journey, I realize one thing. Maraming nakakaalam pero ni-isa walang nagsalita. UNTIL WHEN?! UNTIL WHEN ARE WE GOING TO BE BLIND BY OUR OWN FEARS?!" Nanuot ang sigaw ko sa kwartong ito.

"Nag imbistiga ako sa sarili ko. Hindi man nila alam ang buong pangyayari pero may alam sila kung sino ang maaring may sala, pero walang nagsalita dahil sa takot. Kaya kahit taon na ang nakalipas ay narito ako sa harapan niyong lahat para wakasan iyon."

Napatingin ako sa lalaking hinahatulan na ngayon na isa sa dahilan ng pag hihirap ng ate ko.

Lumapit ako sa kanya.

"Ary! Akala ko mahal mo ako kaya sinabi ko sayo lahat! Mahal na mahal kita!" Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang pagbabadya ng aking mga luha.

Paano niya nagawa iyon? Minahal din siya ng ate Analyn ko. Siya ang boyfriend ni ate noong nabubuhay pa siya na naging boyfriend ko rin ngayon para maisakatuparan ko ang lahat.

"Totoo lahat ng pinakita ko sayo. Minahal kita pero mas mahal ko ang ate ko." Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

This man! Bakita siya pa? Totoong minahal ko siya pero hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Nagbago na ako hindi ba?" Napangiti ako ng mapait sa narinig.

Lumingon ako sa mga pamilyang nagsisigawan at nag iiyakan ngayon dahil nakuha na rin nila ang hustisya katulad ko.

"Siguro mapapatawad pa kita dahil mahal kita Clide. Mahal na mahal na handang patawarin lahat ng ginawa mo. Pero nagbago? Hindi mo lang sa ate ko iyon ginawa! Maraming inosente ang nawala dahil sa inyo! Nakikita mo ang mga pamilyang 'yan?!" Pareho kaming tumingin sa mga pamilya na nasa panig ko dahil may anak at kapamilya na nabiktima ng lalaking kaharap ko at ng mga kasamahan niya.

"Alam ko yung nararamdaman nila! Kaya wala kang karapatan! Kulang pa ang kamatayan sa inyo sa mga kasalanan at kahayupang ginawa niyo!"

Napayuko siya. "I'm sorry."

"Walang kapatawaran ang mga ginawa niyo. Mabulok kayong lahat sa bilangguan hanggang sa mamatay kayo! And I assure you that." Tinalikuran ko na siya.

Nakita ko pa ang papa ko at ang pamilya ko na pinagsasapak ang mga ibang salarin sa pagkamatay ng ate Analyn ko.

May mga pulis ng humarang at dinampot ang mga salarin sa kasong ito.

Tumingin ako sa lahat at napangiti.

"At last. Ate nakuha na natin ang hustisya, sana ay maging masaya ka na kung nasaan ka man ngayon." Bulong ko sa aking sarili na parang katulad lamang noon nung bata ako na nangako na gagawin ang lahat makuha lamang ang hustisya.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
42K 818 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
3.5K 106 49
Evonna Elise tried to confess her feelings about her long time crush. Finally, she had the courage to confess her feelings with him. But unfortunatel...
4M 69K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...