THE WEDDING VOW;
"Baka hindi matuloy kasal niyo, bro" I smiled bitterly sa sinabi ng kaibigan ko. I patted his shoulder before I utter.
"Bro, I don't have much time. Kailangan palagi lang siyang nasa tabi ko" napanguso ito, siya ang bestman ko sa kasal ko bukas.
"Cobe, you know naman ata yung tinatawag nilang kasabihan. Isang linggo bago ang kasal, ay dapat hindi nagkikita ang ikakasal, pero kayo? Nagkikita pa rin kayo" mahaba niyang salaysay
"Bro. I know you understand me, kung bakit ko ito ginagawa" he sighed
"Pero bakit hindi mo pinili si--"
"Hon!" agad kong sigaw kaya hindi natuloy ni Andrius ang kanyang sasabihin, dahil nakita kong pumasok galing sa pintuan si Hart. Baka kung ano pa ang marinig ng magiging asawa ko.
"Hi, hon. Nandito na yung wedding dress ko!" she happily said, kaya napangiti na rin ako
"Nandito na pala ang bride, oh sige! Iwan ko muna kayong dalawa at makapagsolo man lang, haha" tumawa si Andrius sa sinabi niya, hinampas naman siya ni Hart.
"Sira ka talaga" sabi ni Hart kay Andrius, pero itong Andrius ay tinawanan lang kami bago lumabas.
"So where is your wedding dress?" tanong ko
Itinuro ng kamay niya ang malaking puting box na naglalaman siguro ng wedding dress niya. May kasama kasi siya kanina na kasambahay na buhat-buhat ang malaking box na 'yon para maidala dito.
"Oh, magdahan-dahan ka naman Hon" inalalayan ko si Hart na maupo sa may kama
"A-ahh, Cobe paki abot naman ng wedding dress ko. Gusto ko lang makita at sukatin" agad kong sinunod ang utos niya. Binuksan ko ang box at kinuha doon ang pinakamagandang gown na nakita ko
"Wow, akin na Hon! Susukatin ko dali!" nilapitan ko siya at ibinigay sa kanya ang wedding dress niya
Itinapat niya sa katawan niya ang wedding dress at tumingin sa salamin.
Lumapit ako sa kanya, pagkatapos niyang maisuot ang wedding dress "You're so Gorgeous on that wedding dress"
She pouted in front of the mirror "Hmm? I don't thinks so, binobola mo lang ako e"
"Ofcourse not! You're so beautiful, no! You're more than that" I smiled, but I saw the pain in her eyes so I looked away.
"Susmaryusep, kayong dalawa. Alam niyo bang bawal sukatin ang wedding dress kapag ikakasal na? Baka hindi matuloy ang kasal niyo!" sabay kaming napalingon ni Hart sa nagsalita
"Nay naman, sinusukat ko lang naman yung wedding dress ko e" she said while pouting
"Pagbigyan niyo na po si Hart" gatong ko naman, and I saw her Mother heavily sighed
"Kayo talaga. Basta hubarin mo na 'yan Hart" napapailing sabi ng nanay ni Hart
"Yes po Nay"
[WEDDING DAY]
Napatingin ako ng bumukas ang pintuan ng Simbahan, at nakita ko ang babaeng napakaganda.
Kasama si Andrius na best man ko, hinihintay namin ang bride na makarating sa aisle.
I smiled kahit na medyo kinakabahan. Ganito pala yung pakiramdam na maikasal.
My best man, patted my shoulder "Bro, huwag kang kabahan"
I just smiled at him and nodded.
"Ingatan mo ang anak namin" tuluyan ng nakalapit sa amin si Hart kasama ang magulang niya. Tinanguan ko ang sinabi ng Dad niya.
"I'm excited at the same time kinakabahan" bahagya akong napatawa sa sinabi ni Hart, ramdam ko kasi yung lamig ng kamay niya.
"You're so Gorgeous today" I whispered at her, and she smiled
"Thanks sa make-up artist ko, natakpan yung kaputlaan ng face ko" nawala bigla yung ngiti ko, at napatingin sa kanya
"Tara na?" tanong niya, kaya nagsimula na kaming maglakad.
Umupo kami ni Hart sa may upuan kaharap ng Aisle at ni Father.
Pinatayo na kami para sa Wedding vow namin.
"Do you Cobe Lei Ferrer take Hart Grey, to be your lawfully wedded wife, to share your life openly, standing with her in sickness and in health, in joy and in sorrow, in hardship and in ease, to cherish and love forever more?" I smiled
"I do" napangiti si Father at lumipat ang tingin sa bride ko
"Do you Hart Grey take Cobe Lei Ferrer, to be your lawfully wedded husband, to share your life openly, standing with him in sickness and in health, in joy and in sorrow, in hardship and in ease, to cherish and love forever more?"
I heard, Hart heavily sighed. Napatingin na ako sa kanya ng hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ni Father.
Pati rin ang mga tao sa loob ng simbahan ay nagsimula ng magbulungan.
"Father? Can I have the microphone?" tanong ni Hart, binigay naman ni Father yung microphone kahit naguguluhan na rin
"Cobe Lei Ferrer, asawa ko. This is my wedding vow for you" dahan-dahan lamang siyang nagsasalita
"I love you, and you know that. God knows that. I just wanted to say this, at naisip ko na ito before mag start ang wedding natin" hindi ako nagsalita, nakatitig lamang ako sa mga mata niya
"Life is beautiful, na siyang pinagkait sa akin. You know that I have cancer and may taning na ang buhay ko. This is the end of my line. Alam kong siya pa rin ang mahal mo" hindi ko na nakayanan at nagsalita na ako
"But I chose you" umiling siya
"No. Wala kang pinili sa amin, dahil alam ko na siya lang. Siya lang ang mahal mo" bigla akong napayuko sa sinabi niya
"Love her, Cobe. Love her with all your heart. Don't be afraid to be happy. Masaya na ako na maging masaya ka sa kanya. Ayoko ng ikulong ka sa akin. Ayoko ng pilitin ang sarili ko na baka someday mamahalin mo rin ako." nagsimula ng maglaglagan ang kanyang luha.
At napatayo ang lahat ng tao sa loob ng simbahan, ng biglang nanghihinang mapaupo si Hart.
Kita ko yung pagod at lungkot sa kanya. Inalalayan ko siya at umupo kami sa aming upuan.
"Tignan mo ang labas ng simbahan. She was there" agad akong napatingin sa labas ng simbahan
And nandoon nga siya. Ang babaeng pinakamamahal ko ay nasa labas, umiiyak habang pinapanood kaming ikasal ni Hart.
"Papakawalan na kita, pero may isa lang akong kahilingan. Dito ka muna sa aking tabi, kahit ngayon lang"
Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Bakit ganito? Bakit kailangang masaktan ang mga babaeng mahalaga sa buhay ko.
Bakit hindi na lang ang babaeng katabi ko ang minahal ko? Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Ang babaeng nandiyan palagi sa tabi ko. Bakit hindi na lang siya?
Kahit na lang sana ay ang mabuhay siya, pero pinagkait pa rin sa kanya? Bakit kailangang mangyari ito sa kanya?
"C-Cobe?" narinig kong nanghihina niyang sabi. Pinunasan ko ang aking luha.
"Hmm?"
"Nakakapagod ang araw na ito 'no? Pwede na ba akong matulog?" I reached her cheeks and wiped her tears.
"Yes, hon. Alam kong pagod ka na, magpahinga ka na" masakit man sabihin, pero alam kong hindi na niya kaya.
She closed her eyes. At nang marinig ko ang huli niyang hinga, doon na ko napahikbi at umiyak na kanina ko pa pinipigilan.
Ang sakit malaman na ang babaeng katabi ko ngayon na ang ginawa lamang ay mahalin ako, ay tuluyan ng nawala.
Narinig ko din ang mga taong nasa loob ng simbahan ay umiiyak. Imbis na maging masaya ang kasalang ito, puno ng hikbi ang maririnig sa mga sulok ng simbahang ito.
"Thank you for loving me Hart. Mahal din kita but i'm sorry dahil hanggang kaibigan, at kapatid lamang ang kaya kong ibigay sayo. Hinding-hindi kita makakalimutan. Sana ay maging masaya ka na din kung nasaan ka man ngayon. Hiling ko sa next life mo, na sana sa tamang tao mo na maibigay ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin."
--
HarteyRoses