MEET-UP ;
[This is just purely imagination]
Meet-up na ng Cobenian's Familei. I can't wait.
Kasalukuyan akong naghihintay ng bus para makapunta sa MOA. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga naging mahahalagang tao sa buhay ko.
Makikita ko na si Cobe na Idol ko, ang mga Cobenian's and also si Deib na naging ka-Relationship ko sa RPW.
I love him, kahit na hindi ko pa siya nakikita. And also him, minahal niya rin ako. He's portraying Deib Lohr Enrile in the story entitled He's into her.
I looked at the window of this bus.
Napatingin ako sa phone ko. Ang tagal naman ni Deib mag-open. Support niya kasi ako kay Cobe Lei, na idol kong writer. Since ngayon yung meet-up lahat ng Cobenian's, naisipan na rin namin ni Deib na mag meet-up na din.
Excited na ako kasi makikita ko na siya. Hindi ko siya kilala at kahit name niya ay hindi ko din alam.
I chatted him.
Me: Luv? Where are you? Just chat me or call my number kapag nakarating ka na. I love you po.
Nag chat naman din siya kaagad.
Deib: Okay.
Napakunot ang aking noo. Himala at hindi siya sweet ngayon, mamaya lang ito sa akin kapag nagkita na kami.
Argh! Nahihilo talaga ako pag sumasakay ng bus. Mabuti na lang at nandito na ako. Nagsimula na akong maglakad.
Napatingin ako sa paligid. May mga kasabayan ako, at may narinig din akong pangalan ni Cobe.
I smiled. Excited na ako but medyo kinakabahan.
Kinakabahan din ako kasi, paano kung hindi ako magustuhan ni Deib? Paano kung ayaw niya pala sa akin pagkatapos niya akong makita.
Nasaan na ba siya? Ang sabi niya kasi ay naka all black siya ngayong araw at may mask na suot.
Tinawagan ko yung number niya at hindi naman niya ito sinasagot. Hindi din siya naka online.
Nagtatampo na ako. Kung sakaling hindi siya sisipot sa meet-up namin, doon na lang ako kila Cobe and sa mga cobenian's. Hmp!
Pumunta na ako sa lugar kung nasaan mag me-meet ang mga Cobenian's. And woah! Ang dami namin. Makapagpapicture man lang sana ako kay Cobe, hihi. Pero mas love ko pa rin naman si Deib 'no! Idol ko lang talaga si Cobe at may konting crush lang naman.
Nagsimula ng pumila ang mga fans ni Cobe sa may mesa kung nasaan siya, para makapagpapicture sa kanya. Wala pa naman siguro si Deib kaya pipila na rin ako.
Kinakabahan ako. Hindi ko kasi masyadong mamukhaan si Cobe dito sa malayo dahil medyo malabo ang mata ko.
Nagtitilian ang mga fans niya lalo na yung mga tapos ng makapagpapicture sa kanya ang yung mga malapit na sa kanya.
Nakita ko naman si Cobe na parang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi ko na lang 'yon pinansin.
Tinignan ko ang phone ko at nakaopen na si Deib. Tinadtad ko siya ng message ko.
Me: Luuuuuuuuv!
Me: Mag open ka na, luuuuv ko!!!!
Me: Asawaaaaq??!!!
Me: Where are youuu??
Pero kahit seen ay hindi niya man lang ginawa. Naiinis na ako ah? Bahala siya diyan!
Palapit na ako ng palapit kay Cobe, kaya nawala ang atensyon ko sa aking phone.
This is it! Makikita ko na in person ang idol ko!
Ako na yung next na makakalapit kay Cobe ng mag tumawag sa akin.
Shocks! Tumatawag si Deib. Huminga ako ng malalim. Lagot talaga siya sa akin!
Pagkasagot ko ay sumigaw na agad ako at hindi na bumati sa kabilang linya.
"Ano?! Kanina pa ako nandito, hindi ka man lang nag chat sa akin! Nasaan ka na ba?! Nakakainis ka!" halos maputulan ako ng hininga sa walang hintong pagsasalita ko.
Lahat ng nandito ay napahinto at napatingin sa akin, dahil sa pagsigaw ko.
Gusto kong kainin na lang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. Napalakas pala ang sigaw ko.
Napatingin ako kay Cobe Lei ng nakatingin din ito sa akin. May phone din siya na nakatapat sa kanyang tenga, na parang may katawag din.
Napayuko ako "S-sorry for that"
"Hartley?" napatingin ang lahat ng magsalita si Cobe, kasama na ako doon dahil tinawag niya ang gamit kong name sa RPW.
"Y-you know my name?" tanong ko
"Hartley Roses Grey?" napanganga naman ako ng binanggit na ni Cobe ang buong name na ginagamit ko.
"How d-did you know?" tanong ko ulit. He smiled brightly, and ang gwapo!
"This is me! Deib Lohr Enrile" ang kaninang gulat kong mukha ay mas may igugulat pa pala.
"Y-you're Deib?"
"Yes! Luv, this is me. That's my other account na walanh nakakakilala na ako 'yon." pati yung mga fans niya ay gulat na gulat din sa nangyayari.
Kaya pala hindi man lang siya makapag-open dahil busy siya dito.
Halos malaglag ang panga ko ng niyakap niya ako bigla.
May narinig akong mga nagsalita. May kinilig at may nalungkot. Narinig ko din ang name na gamit ko sa RPW.
"Siya si Ate Hart? Oh my- she's my favorite writer"
"Yeah, kilala ko siya sa RPW. Writer nga siya"
I smiled. May nakakakilala pala sa akin dito.
Narinig kong bumulong si Deib- I mean, si Cobe.
"See? You're a good writer, don't bring yourself down, okay?" I just nodded.
"We need privacy. And kailangan nating mag-usap" sabi ni Cobe
"Paano yung mga fans mo?" I asked
"Mga admins ko na bahala sa kanila. And don't worry, babalik tayo dito mamaya" I smiled
Umalis kami ni Cobe. Narinig ko pang nagsigawan ang ibang fans ni Cobe na tinatawag siya.
We're here in chinese restaurant. Pinilipit niya pa akong ilibre, e kaya ko naman mag bayad. Pero in the end, siya ang nanalo.
Tumitig siya sa akin, habang hinihintay ang pagkain.
"Bilisan na natin dito, kawawa naman yung mga fans mo doon na naghihintay. Malalayo pa ang pinanggalingan nila" tinanguan niya lang ako at bumalik ulit siya sa paninitig sa akin kaya hindi ako mapakali sa aking kinauupuan.
"You're beautiful" hindi ko alam pero nabatukan ko si Cobe.
"Ikaw talaga"
I heard him laugh "Sadista nga talaga ang Girlfriend ko"
Napanguso ako "Kumain na nga tayo"
Nang magsimula kaming kumain ay nagsalita ako "So, bakit hindi mo sa akin sinabi na ikaw si Cobe? Hmmp!"
Narinig ko ulit siyang tumawa "Surprise"
"Surprise-suprise ka pa diyang nalalaman. Hindi ka man lang nag reply sa akin" I pouted my lips
"Aww, my Girlfriend is so cute when she's tampo with me" hindi ko na napigilan at napatawa na ako
"Para kang baliw!" he just smiled at me
"Baliw sayo" I rolled my eyes at him.
Baliw din ako sayo! Sabi ng isip ko pero mas minabuti ko na lang na manahimik.
I stared at him. I can't believe na yung idol ko ay boyfriend ko pala. Yung kinababaliwan ko ah baliw din pala sa akin.
"Huwag mo akong titigan baka matunaw ako" agad akong umiwas ng tingin
"Hart?" tanong niya
"You can call me Rose. That's my real name" I said
"Rose. Beautiful name" kinurot ko yung balikat niya
"Kanina ka pa nambobola!"
"Hindi kaya!"
"Oo na po!"
Then we smiled at each other. Parang hindi ito yung first time na nagkita kami. Sobrang komportable na kami sa isa't-isa, and i'm so happy.
"Can you say that three majic words?" nagulat ako ng sabihin 'yon ni Cobe. Madaling sabihin sa chat pero nakakakaba pala sabihin kapag sa personal.
"I l-love y-you" I sighed nang masabi ko ang salitang 'yon
"I love you more." napakunot ang noo ko sa mabilisang sagot niya sa akin, pero ngumiti din naman agad ako.
"Halika na nga! Puntahan na natin yung mga kuting mo. Ang cheesy mo na, hahaha"
"Let's go. Tapos pagkatapos nito, pasyal tayo ah?"
"Opo"
And he held my hand.
I think i'm the luckiest fangirl in the world.
--
HartleyRoses