One Shot Stories

HartleyRoses tarafından

24.1K 1.3K 165

These are my compilation of one shot stories that I've posted on my facebook account and I wanted to share it... Daha Fazla

One Shot Stories
001
002
003
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
061
062
063
064
065
066
067
068
069
070
071
072
073
074
075
076
077
078
079
080
081
082
083
084
085
086
087
088
089
090
091
092
093
094
095
096
097
098
099
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
166
167
168
169
170
171

004

446 29 29
HartleyRoses tarafından

A MAN'S BESTFRIEND;

Napakamalas na araw. Bakit kasi wala akong masakyan na jeep? Maglalakad tuloy ako ng 'di oras.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa magkakaibigan na masayang nagtatawanan at nag-aasaran

"Tsk, pinaplastik lang naman yung isa't-isa," bulong ko sa aking sarili. I don't have friends, and kung mayroon man... dati 'yon, hindi na ngayon. Trinaydor nila ako at hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na mangyari ulit 'yon.

Hindi ko na lang pinansin ang mga ka-school mate ko.

Lumapit ako sa may mga bilihan ng street foods. Gutom na rin ako kaya bibili na ako.

"Manong tig sampung piraso sa kikiam at fishball." Tumango lang 'yung tindero sa akin, at kinuha 'yung gusto kong bilhin.

Pagkatapos kong makuha ang binili ko ay nagbayad na ako, at nagpatuloy muli sa paglalakad habang kumakain.

Nakakaisang subo pa lang ako sa aking pagkain ng may sumusunod pala sa aking kalsadang aso.

"Malas ba talaga ako?" tanong ko sa sarili ko. Mas lalo akong nairita ng inamoy-amoy pa ako ng aso.

"Argh! How I hate dogs!" sigaw ko habang tinataboy ang aso gamit ang paa ko.

Hindi pa rin ito nagtigil kaya mas lalo akong nainis.

"Ano bang gusto mong aso ka?!" sigaw ko, kaya nakuha ko ang ibang atensyon ng tao. Napayuko ako sa kahihiyan.

Binigay ko na lang sa aso yung pagkaing binili ko sa kanina. Nanahimik naman yung aso kaya napabuntong hininga na lang ako. Gutom lang pala.

Pinagpagan ko ang aking sarili at handa nang umalis.

Naglakad na ako, pero napalingon ako sa asong kinakain na ang pagkain ko dapat. Pero natigilan ako ng nakatingin pala ito sa akin, parang nangungusap ang mga mata.

Napailing na lang ako. "Ang dugyot-dugyot nang aso na 'yon, mapayat, galisin, at ayaw ko sa mga aso dahil muntikan na akong makagat no'n."

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad, at iniwan na yung aso.

--

Muli na naman akong naglakad pauwi. Wala na naman kasing masakyan na jeep. Nakakainis.

Pero habang naglalakad ay naalala ko yung aso. Dalawang araw na ang nakakalipas nung una ko siyang makita.

Dumaan muna ako sa bilihan ng mga kikiam at fishball pero this time hindi para sa akin, kundi para sa asong 'yon.

Habang naglalakad ay palingon-lingon ako. "Nasaan ka na bang aso ka?"

Patuloy ko pa ring hinahanap yung aso, pero agad akong napilingon sa mga tawanan ng mga bata. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa aso?" sigaw ko sa mga bata, nagulat naman sila at agad na nagtakbuhan. Kinakawawa at pinagpapalo lang naman nila yung aso.

Agad kong nilapitan yung aso, siya yung hinahanap ko.

Napatingin siya sa akin, na parang humihingi ng tulong. Kita ko yung hina at pagod sa mga mata niya. Ito ba yung dahilan kung bakit marami siyang sugat? Dahil sa mga batang 'yon?

"Aso," banggit ko, napatingin ako sa pagkaing binili ko kanina, na para sa kanya

"Kain ka na, binili ko ito para sayo," sabi ko, pero ni-pagbangon ay hindi niya magawa.

Halatang nanghina siya sa ginawa ng mga bata kanina.

Kinuha ko kaagad yung hoody na palagi kong dala. Aircon kasi sa school namin kaya palagi akong may dalang hoody.

Agad ko iyong pinulupot sa katawan ng aso. Hihintayin ko muna na manumbalik yung lakas niya, bago ako umalis dito.

Ginawa kong unan ang hita ko para makahiga ang aso. "Ganito rin ba sila kalupit sayo? Magkaiba man tayo ng dahilan, pero parehas tayong walang masasandalan at matatakbuhan."

Napangiti ako ng mapait. Siguro baliw na ako dahil kinakausap ko yung aso.

Mga ilang oras pa akong nakaupo. Napaangat ang tingin ko ng mag-gagabi na pala.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ng aso. Aalis na ako.

Tumayo at pinagpagan ko ang aking sarili. Napatingin ako sa aso. Iiwan ko ba siya dito?

Nanghihina pa siya, pero nakapagdesisyon na ako. Kukunin ko siya at aampunin... wala namang nagmamay-ari sa kanya.

Binuhat ko siya, at medyo magaan lang siya dahil siguro hindi ito nakakakain.

--

"Ahh!" Nilapag ko ng dahan-dahan ang aso pagkarating sa aking apartment.

"Nakakapagod kang buhatin," kausap ko sa tulog na aso. Napailing na lang ako.

"Bakit ba kita kinuha?" naiinis kong tanong. Paano ba naman kasi, sobrang dumi niya talaga. Ang daming sugat, sobrang payat-- hays ewan!

Iniwan ko na lang muna ang aso sa may sala.

Kumain muna ako at pagkatapos ay nagbanlaw ng aking katawan bago matulog.

Humiga na ako sa aking kama, at tumingin ako sa aking kisame.

"Mag-isa na naman ako," bulong ko sa aking sarili. Kailan pa ba ako masasanay?

Pero ng may maalala ay napalingon ang gawi ko sa sala kung nasaan ang asong kinuha ko. Napangiti ako.

"May kasama na pala ako."

--

Ilang buwan ko ng nakasama ang aso. Pinaliguaan, nilinisan, pinakain, lahat ay ginawa ko sa kanya. At nagbunga naman lahat ng ginawa ko.

Isang napakacute na aso ang mayroon ako. At napamahal na rin ako sa kanya.

"Pancake! Aalis na ako, pupunta na akong school. Babye! Bantayan mo yung apartment natin ah? Baka may magnakaw." Nakangiti ako habang hinihimas-himas ko ang ulo ni Pancake. And yes, Pancake ang tinawag ko sa kanya dahil kakulay niya ang panda at parehas pa kaming mahilig sa cake, kaya 'yon ang pinangalan ko sa kanya.

Tumahol-tahol at kinakampay niya lang ang kanyang buntot.

"Bye! Aalis na ako" kiniss ko muna ang forehead niya bago umalis para pumunta sa school.

--

"Uyy, pancake! Nagre-review pa nga ako e, mamaya ka na makilaro sa akin." Napangiti na lang ako sa kakulitan ni Pancake.

Bigla akong napaisip. Malapit na pala akong grumaduate bilang senior high school.

"Ano kayang kukunin kong course sa college, Pancake? Hanggang ngayon ay wala pa rin akong napipili." At as usual, tumahol-tahol lamang ito. Pero masaya ako dahil nandito siya sa tabi ako.

Kapag umiiyak ako, nandiyan lang siya para yakapin ako na para bang naiintindihan niya ako. Si Pancake lang palagi ang kasama ko.

"Pancake, huwag mo akong iiwan ah? Hindi ko kasi kakayanin." Hindi ko alam, pero parang naramdaman niya ang sinabi ko. Niyakap niya kasi bigla ang binti ko at hinimas-himas ang ulo sa akin.

"Basta Pancake, huwag ka munang lumandi at magpabuntis ah? May pangarap pa tayo." Natawa na lang ako sa sinabi at naisip ko.

Napailing na lamang ako at muling bumalik sa pag re-review.

--

Excited na akong umuwi dahil anniversary na namin ni pancake simula nung inampon ko siya. Parang kailan lang, nag-isang taon na pala kami. May surprise kasi ako sa kanya.

"Pancake!" malakas kong sigaw pagkapasok sa apartment ko. Agad ko naman siyang nakita na palapit sa akin. Inamoy-amoy niya kaagad ako.

"Gosh! Pancake may kiliti nga ako diyan sa paa, haha!" Napapatawa na lang ako sa kakulitan niya.

"By the way pancake, I have a surprise for you." Kinuha ko ang aking bag at kinuha ang regalo ko para sa kanya.

"Tsaran! Diba ang ganda?" Tumahol at nagtatatalon naman siya na parang masaya rin sa nakita.

"Masaya ako na masaya ka. Halika dito isusuot ko na 'yung collar mo. Pinagawa ko talaga ito ah? Nakaukit pa riyan yung name mo na Pancake," pagkausap ko sa kanya habang sinusuot yung regalo ko.

"Ayan! Ang ganda!" Natawa na lang ako ng bigla itong tumakbo papunta sa kitchen at kumain.

"Hays, pagkain is life ka din Pancake ah! Hintayin mo ako. Mag c-celebrate tayo."

Kahit dalawa lang kami ni Pancake ay masaya na ako. Naghanda ako, at syempre hindi mawawala yung favorite naming dalawa na Cake.

I'm so happy that she's here. Hindi man tao si Pancake but I considered her as my family, lalo na't wala na akong pamilya na maituturing.

Natulog kami ni Pancake, at ngayon ay pinayagan ko siya na humiga sa kama ko.

--

Nagising ako na kayakap si Pancake sa kama. I kiss her forehead.

"Pancake, aalis na ako. Baka malate ako ng uwi ah? Gagawa kasi kami sa Thesis namin." Kanina pa akong hindi maka-alis dahil parang umiiyak si Pancake.

"Pancake naman e!" Nakita ko yung lungkot sa mata niya. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako? I sighed, napaparanoid na naman ako.

"Okay, isasama na kita sa school namin." Kinuha ko yung tali ni Pancake, at masayang lumabas ng apartment ko para makapunta sa school.

Masaya kaming naglakad ni Pancake. Wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan na kami sa school. Dadalhin ko pa rin siya.

"Ahm, manong guard. Dito muna si Pancake ah? Bawal na po kasi siya sa loob ng room namin." Tumango at nginitian lang ako nung guard, mabuti na lang at medyo close kami.

"Dito ka lang pancake ah? Mag-iingat ka, babalikan kita mamaya." Hinimas ko lang ang ulo niya, at umalis. Mabuti na lamang at hindi na siya kumulit kagaya kanina.

Kanina pa akong panay tingin sa aking relo. Kanina pa namin uwian pero ginagawa pa kasi namin yung sa Thesis namin.

Mag gagabi na. At salamat natapos namin.

"Sige, mauna na ako," sabi ko sa mga ka-goupmates ko. Agad akong umalis.

"Pancake! Namiss kita. Salamat po manong guard sa pag-alaga sa kanya." Nginitian lang ako ni manong guard.

Nagsimula na kaming maglakad ni Pancake.

"Pancake? Diba favorite mo rin yung fisball at kikiam? Tara bibili tayo." Masaya kaming naglakad ni Pancake.

Bumili kami, kagaya nang sinabi ko kanina. Umupo kami sa may bench at kumain.

"Halika na Pancake, uuwi na tayo. Gabi na." Kami na lang ang mag-isa sa iskinita ni Pancake. Medyo kinakabahan na ako dahil feeling ko may nakasunod sa amin.

At hindi nga ako nagkakamali. Tumatahol si Pancake na parang nagagalit.

"Hi miss, ang ganda naman ng aso mo, kasing ganda mo." Napaatras ako ng may malaking lalaki na lumapit sa amin. Nakakatakot yung mukha niya. At mukhang lasing ata siya.

"Layuan mo kami!" sigaw ko.

"Sorry miss, pero pagkakataon ko na itong makatikim ng masarap na putahe." Kanina pa tumatahol si Pancake, na parang ramdam din ang panganib.

"Ahh!" sigaw ko ng pwersahan akong hinawakan ng lalaki. No!

"Huwag ka ng makulit miss. Magugustuhan mo din naman ang gagawin ko sayo." Nagsimula na siyang halikan ang aking leeg, na halos magpatindig ng aking balahibo.

Nagulat ako ng biglang na lang natumba yung lalaki. Tinalunan pala siya ni pancake.
"Pancake!" napasigaw ako ng makita kong binalibag nung lalaki si Pancake.
"Panira kang aso ka, dapat sayo ay mamatay!"

Nanlaki ang mata ko nang makitang may patalim palang dala yung lalaki. At sasaksakin niya si Pancake! Agad akong lumapit.

Kinagat ko yung kamay ng lalaki para sana mabitawan niya yung kutsilyo, pero malakas siya.

Napaaray ako ng sinuntok niya ang aking sikmura. Napahiga ako sa sobrang sakit.

"Mamaya ka na, uunahin ko muna itong istorbo mong aso." Nanlalabo na ang aking paningin.

"P-Pancake..." mahinang bulong ko. Nakita kong lumalaban si Pancake. Kinagat niya ang lalaki na mas lalong nagpagalit sa kanya.

"T*ngina mong aso ka! Dapat sayo ay mamatay. Kinagat mo pa ako!" Parang nawala lahat ng sakit sa katawan ng makita ko ang ginawa niya kay Pancake.

Pinagsasaksak-saksak niya yung aso ko.

"Pancake!" malakas kong sigaw.

"Wala hiya ka! Wala hiya ka! Bakit mo 'yon ginawa?!" Nilabanan ko yung lalaki. Lalabanan niya rin sana ako ng may marinig kaming maingay, may mga tanod atang paparating.

Mabilis na tumakbo yung lalaki palayo. Agad akong napatingin sa gawi ni Pancake. Halos maligo na siya sa dugo.

"Pancake!" lumapit agad ko at niyakap siya. Ang dami niyang saksak.

"Please pancake, lumaban ka. Please..." Sunod-sunod na naglaglagan ang luha ko.

"Please, hindi ko kaya. Ikaw na lang ang mayroon ako. Tulong! Tulungan niyo kami!" Nanginginig kong kinuha ang bag ko at kinuha ang panyo. Tinapal ko ito sa mga sugat ni Pancake pero hindi pa rin tumitigil yung pag agos ng dugo.

"Tulong! Pancake, lumaban ka." Binuhat ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko kayang makita siyang naghihingalo. Ayoko! Hindi ko kaya.

"Please, pati ba naman ikaw mawawala sa akin?" Nakita kong may butil ng luha ang tumulo sa mata ni Pancake, kaya mas lalo akong napaiyak.

"Ayoko, hindi ko kaya. Hindi ko matatanggap." Tumahol pa siya ng mahina, at inangat ang paa para haplusin ang kamay ko na nakayakap sa kanya.

"Huwag kang mamaalam, mabubuhay ka pa. Masaya pa tayo kahapon e!" Napatingin ako sa mga taong papalapit sa amin.

"Tulungan niyo kami!" Agad kong binuhat si Pancake, pero pagtingin ko kay Pancake halos gumuho ang mundo ko. Hindi na siya humihinga. Wala na siya.

"Pancake!!!" sigaw ko. Lumapit sa akin ang mga tao. Wala na akong pakialam.

Pinunasan ko ang luha ko. Bakit kailangan pa siyang kunin sa akin?

Napaupo ako habang buhat at yakap si Pancake.

Kung papansinin. Everything was perfect. Kahapon ang saya namin at nag celebrate pa. Tapos kagabi katabi ko siyang matulog, at paggising ko, siya pa rin ang katabi ko. Masaya kaming naglakad sa kalsada. Kumain at naglaro.

Pero bakit kailangang mangyari ito?

Maraming tao ang nag-uusap pero hindi ko na sila pinansin. Lahat sila ay wala namang pakialam sa akin. Si Pancake lang ang mayroon ako. Siya ang nagligtas sa akin. Siya lang ang matatakbuhan ko.

Tumulo ang luha ko pero muli kong pinunasan ang aking luha.

--

Napatingin ako sa mga asong nakikita ko. Katulad ni Pancake ay galing silang lahat sa kalsada.

Mayroon akong organization na kumukuha ng mga aso na walang nag-aalaga at kukupkupin namin sila.

Napatingin ako sa hawak kong collar na may nakaukit na Pancake. Ito yung collar niya. Kinuha ko ito kay Pancake noong inilibing ko siya.

Isa na akong Veterinarian. Kung dati ay hindi ko alam kung ano kukunin ko, pero ngayon tignan mo nga naman.

Si Pancake ang nagturo sa akin. Wala ako ngayon sa aking kinatatayuan kung hindi dahil kay Pancake.

Wala na siya sa aking tabi, pero mananatili siya sa aking puso. Siya na nandiyan palagi para sa akin. Siya na itinuring kong aking pamilya. I miss Pancake so much.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

42K 818 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
181K 2K 12
A pervert bestfriend who she love.
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...