The Prince Who Built the Snow...

By VentreCanard

7.6M 439K 150K

In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his eve... More

The Prince Who Built the Snowman
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 19

108K 7.6K 3.1K
By VentreCanard

Chapter 19

Breadstick

How could he say that I was feeling cold when all I could feel right now was an utter warmth?

How could he give me those icy stares, yet my cheeks couldn't help but to fluster?

How could he freeze the moment with his simple gesture like we were just the only people in the world?

How could he hold my pulse with his back on me, whisking me away like a prince who stole his princess from the crowd?

How could he act like a jealous boyfriend if all he could do was to deduct my salary? (very odd, right?)

How could he make my pulse ran like a marathon when all he did was to scowl at me?

How could he act like this and made me confused as hell?

How could he ignite hotness, yet I've first met him with his coldness?

How could he be so devastatingly handsome while mad?

Oh my gosh! Did I just admit that he's gwapo...? No way, walang gwapo gwapo sa mga kuripot na instik na katulad niya.

I glanced at him again, on his back as he continued to pull me. I couldn't help but feel dazed. Tang ina mo, Samonte... ang gandang lalaki mo po.

I bit my lower lip to stop myself from praising him. He's not gwapo, he's not. He's not... pero gwapo talaga e, tang ina niya na lang talaga.

The sunlight continued to glitter against our skin, his skin like a crystal kissed glamour in the ocean, and mine as a chocolate bar slowly melting with steam.

The sand continued to tingle against our feet, the waves of the ocean danced with my brittle emotions, and my pulse was making its unusual rhythm.

"S-Samonte... inaano ba talaga kita?" I tried to pull my hand away from him, but his grip tightened.

Patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. "Samonte..."

Wala akong natanggap na sagot sa kanya sa haba ng nilakad namin. We stopped in front of a nipa hut that sells printed shirts.

Humarap sa tindera si Keaton na hindi man lang pinapakawalan ang kamay ko. Ilang beses ko na iyong hinila pero mas lumalabas iyong ugat sa leeg, noo at kamay niya kapag ginawa ko iyon.

He's so scary. Wala na talaga akong suswelduhin.

"Winter jacket." Ani niya.

Umawang ang bibig ko, saan siya bibili ng winter jacket sa isang resort? Kamote ba siya?

"A-ano po, sir?" Kahit iyong tindera ay nanlaki ang mata sa kanyang narinig.

"I mean... that one..." may itinurong shirt na blue si Samonte.

Dahil mukhang marunong lumanghap ng sitwasyon ang tindera o dahil kitang-kita naman sa hitsura ng boss ko na mainit ang kanyang ulo, sobrang bilis niyang kinuha iyong itinuro ni Keaton Samonte, kahit naman ako ay gano'n din ang gagawin ko.

"D-damitan mo talaga ako? Resort 'to, of course—" he looked sternly at me.

"Choose, then. Dadamitan o huhubaran?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at natulala na ako sa mukha niya at sa ilang bakat ng ugat sa kanyang noo na parang puputok na anumang oras.

Nang maibigay na sa kanya ang shirt ay tinanggal na niya agad iyon sa lagayan. Pinakawalan na niya ang kamay ko at sinimulan niyang ipagsalikop iyong damit na parang siya ang magsusuot sa akin.

"Don't run. Hahabulin kita."

Paano pa ako tatakbo sa sinabi niyang iyon?

"W-why are you acting like this to me?"

Ilang beses akong napalunok. Iyon na lamang ang tumatakbo sa isip ko matapos ang larong naganap sa volleyball court kanina. He's been acting so strange. His gestures were beyond being a boss.

Para siyang natauhan sa tanong kong iyon, he blinked thrice like he was trying to process our situation and the shirt on his hands.

Instead of giving me an answer, he harshly shoved the shirt on my head. "What the fuck!?"

Marahas ko iyong tinanggal at nang sisigawan ko na sana si Samonte ay wala na siya sa harapan ko. He walking away from me.

"What the hell is that, Samonteng lamig!?" I shouted at him. Alam kong narinig niya ako pero pinagpatuloy niya ang paglalakad.

Wala akong pinagpilian kaya tumakbo ako patungo sa kanya habang nagsusuot ng t-shirt. I tackled his back with the weight of my whole body, dahil hindi naman niya inaasahan ang atakeng iyon pareho kaming bumagsak dalawa sa buhangin.

I heard him curse. "Get off me, Ashanti!"

Nakasubsob kasi siya sa buhangin habang ako naman ay nasa likuran niya. Our position was awkward so I immediately followed him.

And the realization hit me. Simula yata nang makilala ko itong si Samonte lagi na yata siya nasasaktan (literal). I could still remember when some of my rally friends threw stone at him, pumutok yata ang kilay niya no'n? When I epically kicked his balls, when a kid hit him a basketball, and lastly this one.

Nanatili kaming nakaupong dalawa sa buhanginan. He's two hands were supporting him at the back, and I just found myself sitting between his legs. I arched my brows when he noticed our position, I crossed my arms in front of him and held my head up high to answer his eyes.

Hindi siya pwedeng umalis nang hindi sinasagot ang tanong ko. He couldn't act just like that without any explanations.

I am just his secretary with a lot of salary deductions. Paano kung deduction pa rin ang suot kong 'to?

"Now tell me, Mr. Samonte..."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at sa dagat niya itinuon kanyang mga mata. Pero pinanatili niya iyong posisyon naming dalawa.

"I will not deduct the shirt."

"Wow! Thank you very much! Ang dami kong mabibiling bigas. Nakakataba ng puso."

"Good."

Muntik na akong mapamura. Hindi niya ba naiintindihan na sarcastic iyon? Instik siya!

"Not that, Mr. Samonte... tell me, are you jealous of Michael?"

Marahas siyang lumingon sa akin. He looked at me incredulously. Hindi ko rin alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para tanungin iyon. Pero hindi ba't iyon naman talaga ang ikinikilos niya kanina?

Or he could be part of the pa-fall boys. Akala mo type ka, 'di naman pala. Sabagay iyong kapatid nga niya, nag-aalok ng kasal iyon pala fake news lang. Dapat 'di na ako nagugulat kung gano'n din si Keaton Samonte.

"Excuse me, Miss La Rosa?"

Nagkibit balikat ako sa kanya. "Wala nang bawian, ah? This is not a deduction."

Nauna na akong tumayo sa kanya na agad din naman niyang sinundan. Pinagpagan ko ang katawan ko at gano'n din ang ginawa niya.

Hihiwalay na sana ako nang magsalita ulit siya. "Going back to the game?"

I snorted. "How? Kakahiya na. Akala siguro nila mag-on tayo."

Nagsimula na akong mag-inat ng aking mga braso habang nakatanaw sa dagat. Makapag-swimming na lang kaya?

"But that was really weird... you shouldn't act like that. Kasi kung marupok iyong babae, bibigay talaga. Pa-fall talaga kayong mga Samonte." Tipid akong natawa. Lalo na nang maalala ko kung paano ako kiligin kay Langston noon.

"You really did fall for my brother."

Hindi ako lumingon sa kanya. Na-inlove ba talaga ako kay Kalas? Maybe I was just in love with the idea that someone gave an interest to me. Kasi si Langston talaga iyong nagparamdam sa akin sa unang pagkakataon na hindi ko kailangang gumaya sa mga kapatid ko para sabihing isa akong babae.

That I don't need to act so feminine and classy to get an appreciation. The feeling of satisfaction and contentment inside me were present. A princely, perfect and, a sweet guy like him could easily cloud a woman like me with a mist of fake love. Kung anumang ginawa sa akin ni Langston Samonte, the pain that he had inflicted was not all about the heartache, but my pride. Na iyong pinatunayan ko sa mga kapatid ko na makakahanap ako ng lalaki na hindi katulad ng paraan nila ay hindi rin naman pala magtatagal.

A farce slap to their faces. Ako pa rin iyong talunan, ako pa rin ang walang nagawang mabuti sa pagiging matigas ng ulo ko.

I am in love with my principles to beat my sisters in getting a man through my strange talents rather than beauty. The face would fade as time passes by, but the intelligent mind, abilities, and will of a woman never cease to yield, rather than those contours or concealers.

A woman's beauty has its peak, but a woman's mind is infinite.

Isang bagay na gusto kong laging isinasampal sa mga kapatid ko. At sinasagot nilang bitter lang talaga ako dahil wala akong boyfriend.

Being pretty is not bad naman, iritado lang talaga ako sa mga kapatid ko na sa tuwing makikita ko ay wala nang ginawa kundi magpaganda nang magpaganda. Edi wow.

Sa sobrang layo na ng narating ng isipan ko hindi ko na nagawang sagutin si Keaton Samonte. I thought he would leave my side, kasi iyon naman talaga dapat ang gagawin niya pero iyon at magkatabi pa rin kami.

We're both pre-occupied while watching the waves of the sea.

"I'm hungry, nakakagutom talagang maglaro. Kain tayo, boss. KKB."

"Barbeque? That's BBQ, right?" he innocently asked. Pero halatang nagtataka siya sa kanyang mukha.

I laughed. "No. It's not BBQ. KKB, that means, kanya-kanyang bayad. My gosh!"

Hindi siya sumagot. Akala ko ay hindi na siya sasama pero pansin ko na sinabayan na niya ako maglakad.

"I just noticed... you really eat a lot. But your body--" he stopped in midway.

I grinned at him. "Yes! Sabi nga nila hindi ako tumataba."

Nagpatuloy kami sa paglalakad, nakapamulsa na siya habang nasa likuran naman ang dalawa kong kamay. I was whistling a happy song while my heads were busy looking for a good stall to eat.

"How about Aldus?"

"What about him?" mabilis niyang sagot.

"Hindi ba magkasama kayo? Baka hinahanap ka na niya."

"Not really..."

Habang naglalakad kami muntik na akong mapatalon sa tuwa nang may madaanan kaming mas malaking nipa hut at pansin ko na mas maraming tao roon.

"Oh gosh! Dito tayo!"

Lakad takbo ako para makarating doon, ilang beses ko pang kinawayan si Keaton dahil sa bagal niya sa paglalakad.

Ibinigay sa amin ng isang service crew ang coupon.

"Eating challenge?" he asked.

I nodded at him. "Partner daw, e. Kahit ako na magbayad. I am always competitive with this!"

Wala sa sarili kong hinila na si Keaton Samonte sa bakanteng upuan, nakahilera na rin doon iyong mga magkakakampi. I was late to realized that most of our competitors were couples. I don't care, though.

Kilala ang Montenegro Resort sa masasarap nilang pagkain lalo na sa iba't-iba nilang seafoods. Isa pa, hindi biro iyong premyo. One-year free accommodation! Na pwedeng magsama ng dalawa pa!

I heard birthday raw nang anak ng may-ari kaya maraming mga ganitong event ngayon sa resort.

Nagsimula nang maglagay ng maraming pagkain iyong mga crew sa mahaba naming lamesa. Naghugis puso ang mga mata ko habang inihehelera iyon sa harapan ko.

When I turned to look at my boss, he quickly avoided his gaze on me. Nasa harapan ko kasi siya, arte niya.

"Eat a lot, Samonte..." I winked at him.

One of the crews explained the mechanics. Unahan nga lang na maubos ang pagkain, pero kakaiba iyong panghuli. May mahabang breadstick na siyang sabay na kakainin ng magpartner.

Tumaas lang ang kilay ko. Everything's easy for me.

Bago kami kumain ay kumanta pa kami ng happy birthday para kay Patrick Montenegro na kasama ng isang crew na sumilip sa event. He's a cute boy, probably three to four years ang tanda ko sa kanya.

Nang sabihing magsimula na sa pagkain, wala na akong ibang nakita kundi iyong mga nasa lamesa. Isama pa na talaga gutom na gutom na talaga ako, lahat ng mahawakan ko ay mabilis ko lang nangunguya at nalulunok. Ilang beses pa akong nakarinig ng paghanga ng mga tao sa pagkain ko.

Lalo na sa tanong na kung saan daw napupunta iyong mga kinakain ko. Nang nangangalahati na iyong pagkain namin ni Keaton sa lamesa, naririnig ko na inuubo na siya o kaya nasasamid sa pagkain.

Gusto ko siyang tawanan pero pinagtuunan ko pa rin ang pansin ang pagkain. I glanced at him when he stopped from eating.

"Eat more..."

Umiling na siya. Namumutla na.

"Weak." Umirap ako at pinagpatuloy ko ang pagkain.

Nang marinig kong nagsisigawan na iyong mga tao sa dulo ng lamesa, naalarma na ko. Isinubo ko na ang natitirang dessert bago ko hinagip iyong breadstick.

"Samonte!"

"Shit, ayoko na. Ano'ng kain 'yan, La Rosa?"

Marahas akong umiling sa kanya. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at isinampa ko na ang isa kong hita sa lamesa. I pulled Keaton Samonte's face for me to successfully stuck the break stick on his mouth.

"Don't move. I'll eat." Hinawakan ko na ang magkabilang pisngi niya habang iyong mata niya ay pinauulanan na 'ko ng mura.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Mas binilisan ko ang pagkain sa breadstick pero nang marinig ko na parang nahuhuli kami, mas dumiin na ang hawak ko kay Keaton. He probably felt that. Ayokong matalo.

Akala ko ay matatalo na nga kami, pero tumayo na rin si Keaton Samonte. People got wilder when he cupped my face too. Kapwa na magkahawak ang aming mga kamay sa isa't-isa habang gumagalaw ang aming mga labi para maubos iyong breadstick.

And when we were an inch closer the last bite was from his... swiftly brushing his lips against mine. Mariin akong napapikit nang humiwalay siya sa akin.

He smiled at the crowd for the first time causing my heart to hammered wild on my ribcage. Fuck.

"We won, Shanti..."

Nanatili akong nakatitig sa kanya at hinihintay na sabihin na may deduction ako sa kanya. Nahawakan ko na naman ang boss ko.

Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang pagkatulala ko. He slowly wet his lips before looking at my eyes again.

From fortune cookies, kalamay, and now breadsticks... hmm... mukhang marami pa akong ipapakain sa kanya...

"Salary deduction?" I asked hesitantly.

He looked at my lips again. "I think... I'll give you bonus this time."

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 272K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
11.4M 426K 47
Mia Mills is an aspiring singer with a painful past. Jarren Reyes is a known song writer with a broken heart. When two lonely souls met, they start t...
235K 17.4K 21
The guitarist The publicist The past they both run away from Eula and Sancho's story Saint Claire Series #2 - Genre: Romance Written by: april_avery ...
224K 4.5K 75
A happy crush. A Chain message. An epistolary. : sorry wrong send : again? - Started: 04|05|20 Finished: 05|11|20