my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 70

406 20 0
By unicachicca

Eleven.

"Anak ng." gulat kong reaksyon nung makita ko siya pagkalabas ko ng kwarto ko. "You're here." nagugulat ko paring sambit. 

Kumikintab yung mga mata niyang nakatingin sa akin na nakasuot na ng jersey. Mukha siyang excited ngayon dahil iba yung awra ng mukha niya. 

"Hi, Love." ngingiti at masaya niyang bati sa akin. Bigla naman niya akong niyakap pagkabati at pinugpog ako ng halik sa pisngi ko kaya natatawa akong nakikiliti. 

"I was about to fetch you on your place."  sambit ko sa kaniya habang nakayakap parin siya sa akin. "Nauna ka pa, ikaw na mismo sumundo sa akin. Late na ba ako talaga?" 

Inaaya nya kasi ako na manood ng laro nila ngayon. Napag desisyunan kasi nilang magkita kita ng mga former teammates niya nung college at magpustahan ngayon. Matagal na rin daw kasi silang hindi nagkikita kita. 

Kaya grabe na lang yung tuwa ko nung masabi niyang isasama niya ako para manood daw ako ng laro niya. Nung naging kami na kasi ni Amber, bumalik na rin yung sigla ko pag usapang volleyball. Bumabalik rin yung mga memories ko bilang fan niya lang sa sulok. Bumabalik ulit yung pakiramdam na 'yun.  

"Am I really late?"  tanong ko ulit. 

"Hindi. Napaaga lang ako, kaya ako na yung sumundo sa'yo." sambit niya. "I am just really excited today." sabay lapit niya sa leeg ko at sinisinghot singhot ako doon. "Shit. Ang bango mo talaga, Love." 

"Syempre bagong ligo ako eh." 

Napapabungisngis ako dahil nakikiliti ako sa pagsisinghot singhot niya sa leeg ko. Hinahalik halikan pa ako doon! 

Napaka pilyo talaga nitong girlfriend ko.

Mabuti na lang talaga at nakalabas ako ng kwarto nang nakabihis na. Kung hindi, baka hindi na lang ganito yung gawin niya sakin. Napaka pilyo pa naman nitong si Amber. 

"Tara na ba? Baka malate pa tayo."

"We actually have time pa naman, Love."  sambit niya habang nakatingin sa akin sa mata na parang nangungusuap yung mga tinginan niya. Naramdaman kong tumaas lahat ng balahibo ko nung maramdaman ko yung haplos niya sa dibdib ko nang seductive. "To have some sex." 

Anak ka ng! Ayan na naman siya.

Pinisil ko siya sa ilong nang mahina. "Enough being naughty, mahal." iling iling kong sabi na natatawa. "Alam mo naman kung anong isasagot ko diyan diba?" 

Inirapan niya ako at pinanliitan ng mata. "Wala ka talagang puso." 

"Mahal. . ." 

"We can do it quick! Saglit lang." pamimilit pa niya. 

"But we're not in that phase yet."

Malalim siyang napabuntong hininga. "Hanggang kailan pa ba kita aantayin, love?" 

"Nag aaya ka eh samantalang may laro ka ng Volleyball."

"Kaya ko naman!" 

"Mahal naman eh."   

Napabusangot naman siya. "Ikaw lang yung kilala kong matanggihin sa ganito." inis niyang sabi. 

"Bakit, si Black ba oo agad?" tanong ko bigla nang hindi pinag isipan kaya natigilan ako. "Sorry."  nakng. Bakit ba minsan hindi ko pinag iisipan yung mga biro ko bago ko sabihin?

"Ni hindi ako nag aya sa kaniya kahit once!" sambit niya na parang hindi man lang kumurap nung marinig yung pangalan ni Black sa akin. "Siya lang yung may gusto." 

Nanlaki yung mata ko sa nalaman. "What?" hindi ko makapaniwalang tanong. Seryoso ba?

"I never asked him to have sex. Siya lang parating nag iinsist." sambit niya. "Sa'yo lang naman ako nagka ganito at mabuti na rin ikaw 'yun. I don't know, iba ka lang talaga. Ako na mismo yung nag iinsist, ikaw pa yung tumatanggi sa kin." 

Para namang ang pogi-pogi ko para ayain niya ako ng mga ganitong bagay. "Ganun na ba talaga ako ka-pogi sa paningin mo?"  tanong ko nang nagbibiro.

"Palagi naman, love." mabilis niyang sagot. Hindi na pinag isipan yung sagot. Napakagat ako ng labi at napaiwas ng tingin. Bakit ba nya ako parating pinapakilig? "Kaya mas lalo akong naging patay na patay sa'yo."

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa narinig sa kaniya. Napaka galing niya talagang magpakilig sa mga ganyang salita niya. Nakakainis!

Kinuha ko sa kaniya yung sports bag niya at ako ang nag prisentang magbitbit non.

Habang naglalakad kami paalis, sinubukan kong hawakan yung kamay niya pero mas gusto niyang humawak sa braso ko kaya hinayaan ko na lang. Sobrang dikit niya sa akin sa pagka hawak niya sa braso ko na parang takot mawala sa tabi niya.

"Bakit hindi twenty-three yung nilagay mong number sa jersey mo?" tanong ko sa kaniya. Yun kasi yung parati niyang pinapalagay sa jersey niya. Yung birthday niya. Kaya takhang takha ako kung bakit hindi na 'yun yung number ng jersey na ginagamit niya ngayon.

"Is that your name? Twenty-three?" tanong niya sa akin ng nakataas yung kilay.

"Hindi, pero yun yung favorite number mo. Birthday mo 'yun, 'di ba? Lucky number mo 'yun."

"But it's not you." sambit niya sa akin. "Mas gusto ko 'tong number eleven. Besides, this is my new lucky number."

"Ganon?"

"Oo." sagot niya. "I thought you knew." 

"Hindi lang ako sanay na number eleven yung nasa likuran mo."

"You need to get used to it, love. Ito na yung permanent number na gagamitin ko sa mga future jersey ko."

Napangiti ako at napailing. Ibang klase talaga yung pakiramdam kapag nagiging ganyan siya. Pati sa number ng jersey, kinoconsider niya yung pangalan ko na i-include.

Hehehe.

"Mas maganda rin kung pati yung last name mo yung magamit ko sa jersey, love." lambing niyang boses. "When we can get married again?" biglang singit niya.

Naisingit niya pa 'yun.

"We're not yet ready for that, mahal." sagot ko sa kaniya. "Kaya yung last name mo parin yung gagamitin mo sa jersey mo."

Inirapan niya ako at napanguso. "Wala talagang puso." ayan na naman siya.

Hawak hawak niya parin ako sa braso kahit paglabas namin ng kotse. Hindi naman naging matagal yung byahe namin dahil hindi naman heavy traffic.

Sa kapit niya sa akin, mapapansin talaga kami ng mga tao na mag syota. Kumikinang kinang pa yung mga mata niya na napapatingin sa akin na nakangiti. Kaya imposibleng hindi kami mapagkamalang magka relasyon.

"Naks." nakuha ng atensyon namin ng babaeng pareho ng jersey ni Amber na suot. Nagbatian silang dalawa ni Amber at nagkumustahan hanggang sa mapunta na yung atensyon ng kausap niya sa akin. "Sino yang kasama mo, captain?" tukso niyang tanong. 

"He's my husband." ngingiti ngiti niyang pakilala sa akin sa kausap. Mabilis naman akong nag react dahil hindi pa naman kami kasal.

"Actually, mag boyfriend pa lang kami." awkward kong ngiti. Kinunutan niya ako ng noo agad pero kinurot ko lang siya sa nang mahina sa pisngi. "Advance lang talaga siya mag isip."

"Pogi ha!" react niya kay Amber. "I'm Ace by the way." makikipag shake hands sana siya sa akin kaya lang bigla yun kinabig ni Amber.

"No need for that." awkward niyang tawa.

Kunot noo siyang tinignan ni Ace. "Grabe naman 'to! Lesbian ako! Hindi ko yan aagawin sa'yo."

"Better safe than sorry." natawa ako nang mahina nung marinig ko yun kay Amber. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang better safe than sorry? Nagpapakilala lang naman sa akin yung tao. 

"Why are you still here? Where is everybody?" 

"Nasa loob na sila, may inaantay pa ako dito." sambit niya kay Amber. "Hinahanap ka na rin nila sa loob." 

"Sige, see you later." sagot naman niya at hinatak na ako papasok ng court.

"Grabe ka naman, parang shake hands lang." bulong ko sa kaniya pagka lampas namin kay Ace pero hindi niya ako pinansin.

Habang dumadaan kami, maraming nakakakilala kay Amber kaya binabati siya at ina-address siya bilang captain. Kahit yung mga salungat ng jersey ng suot niya, binabati parin siya.

Ramdam na ramdam ko yung mga paningin nila sa akin na napapatingin habang binabati nila si Amber. Kaya siguro mas humigpit yung kapit niya sa akin.

"So this is what it feels like na maging girlfriend ang isang volleyball player." ngingiti ngiti kong sambit sa kaniya. "Dati, napapa wonder lang ako. Ngayon, ito na talaga. Dinadala na mismo ako sa tabi ng court."

"Dapat lang na maranasan mo 'to." sambit niya. "Ikaw lang ang palagi kong dadalhin dito."

"Parang dati lang, galit na galit ka pa sa akin nung sumama kami sa'yo ni Klarisse noon." sambit ko na pinapaalala yung dati na sinama niya kami noon ni Klarisse nung kasal pa kami.

Naalala ko talaga 'yun. Kitang kita sa mukha niya yung sama ng loob nung nakasama kaming dalawa ni Klarisse sa liga niya.

Kung ikukumpara mo yung noon sa ngayon, sobrang ibang iba. Ni hindi ko nga na-imagine na pwede palang mangyari 'to.

"It was against my will." sagot niya sa akin. "I was being blackmailed by my sister, that's why I was really pissed that day."

"Oo, eh ayaw na ayaw mo sa akin noon."

"And that was the biggest mistake I ever did, yung halos isumpa ka." sagot naman niya ulit. "Sana naging mabait ako sa'yo noon. Pasensya ka na, Love."

"Okay na 'yon."

"Kaya sana ngayong araw, makabawi ako sa'yo." sambit niya. "Ako na nga mismo yung excited na isama ka dito, Love."

Natawa naman ako nang mahina. "Excited rin naman ako ha!"

Ngingiti ngiti siya na napapatingin sa semento. Parang may inaalala na hindi ko alam kung ano.

"Bakit ka ngumingiti ngiti diyan ha?" pang aasar ko sa kaniya. "May iniisip ka bang ibang lalaki?" biro ko sa kaniya.

"Ikaw lang naman tumatakbo parati sa utak ko, love." depensa niyang sagot. "Naalala ko lang yung mini diary mo na nabasa ko sa kwarto mo nung wala ka."

Natigilan ako bigla.

Anak ng.

Oo nga pala, putek. Naikwento nga pala niya noon na nabasa niya yung mga mini diary ko na iniwan ko sa kwarto.

Bakit ba kasi hindi ko naisipang itago 'yun nang hindi niya talaga makikita? Nabasa niya tuloy yung mga kalandian ko sa buhay nung crush na crush ko siya nung college!

"H-Huwag mo na paalala."

"Why not? Kinukwento mo pa doon kung gaano mo ako kinacrush lalo na sa court—"

"Shh! Nakakahiya!" tinakpan ko yung bibig niya pero masyado siyang malakas para matanggal niya yung kamay kong tumatakip sa kaniya.

Tahimik niya akong tinitignan na hindi man lang kumukurap. Tinitignan niya ako na parang sinasabi niya sa mga tingin niya kung gaano siya natutuwa sa akin.

"When I read about your sentiments regarding sa mga laro ko during college days, tinulungan mo akong maalala kung gaano ka-importante sa akin yung volleyball." kwento niya sa akin nang may sinseridad. "Kaya nakakapaglaro ulit ako kahit na may trabaho ako. Ikaw yung naging inspirasyon ko para ituloy 'tong bagay na 'to, love."

Bumilis yung tibok ng puso ko sa mga narinig sa kaniya.

Hindi ako nakaimik. Hindi ako makasagot.

Parang ang laking epekto nung mga sinabi niya sa akin. Para akong binabalik sa panahon na crush na crush ko siya nang sobra.

Iba yung pakiramdam ngayon na sabihin kang ikaw na yung nagiging inspiration niya sa mga ganitong liga.

Bilang fan niya noon, napaka laking bagay non.

"Masaya ka ba na malaman mo na fanboy mo ako?" tanong ko sa kaniya, nagbibiro.

"Sobra yung kilig ko, love. Kung alam mo lang." ngingiti ngiti niyang sambit.

Pinisil ko yung pisngi niya na natatawa.

"Sana nilandi mo na ako noon pa lang." sambit niya na nagbibiro. "Ikaw sana nakilala ko, hindi si Black. Sinayang ko tuloy yung oras ko sa kaniya."

Malakas naman akong natawa. 

Ano na naman bang pumasok sa utak niya para isingit niya yung ex niya sa usapan naming dalawa? Nakakatawa lang na ganon yung mga sinasabi niya. Parang sinusumpa talaga nya na naging magkarelasyon silang dalawa ni Black.

"Bilang your fan, masaya na akong makita at mapanood ka sa court. Wala naman akong hinahangad na mas higit pa doon." sambit ko. "Nagkataon lang na ikaw pala yung gustong ipakasal sa akin nung lolo ko. Kaya sa'yo ako kinasal."

"Pero sana nilandi mo 'ko noon." natawa naman ako nung marinig ko ulit 'yon. Ang cute talaga niya! Nakng. "Napaka daya mo talaga. Ikaw lang nakakakilala sa akin noon! If I knew sooner, ako na mismo siguro yung lalandi sa'yo noon."

Lumakas pa yung tawa ko dahil sa narinig.

Nakuha ko tuloy yung atensyon ng iba na nandito rin kaya bigla akong naconscious at napatingin sa kanilang mga nakatingin. 

"Si Mika ba 'yon?" tanong ko bigla nung makita ko yung mga nakatingin sa amin. Nakng. Yan yung ka-teammate niya noon!

Gago. 

Para bang may bumabalik na alaala sa akin nung college days. 

Sila sila yung mga kateammate ni Amber noon! Anak ng. 

Ngayon ko na lang uli sila nakita na makakasama niya sa laro!

Nakakakilig naman! Putek.

Mabuti na lang talaga sumama ako ngayon. 

Mabilis na nag iba yung ekspresyon ng mukha niya at nangungunot ngunot na yung noo.

"How do you know her?" ramdam ko sa kaniya yung inis sa boses. Bakit siya naiinis? Naiinis ba siya na kilala ko yung ka-teammate niya? "Bakit mo siya kilala?"

"Tindi ng tandem niyo, kaya kilala ko siya! She's your team setter. How can I not know her?" masaya kong sambit.

Bigla siyang natahimik at napabusangot sa tabi pero hindi 'yun naging hadlang para maitanong ko sa excitement yung nakita ko pang mga pamilyar na mga mukha.

"Si Aly!" masaya kong sabi. "Yan yung libero niyo noon." sambit ko. "Ang galing! Magkakaibigan pa pala kayo."

"Mukhang magiging hindi na kung ganyan ka mag react sa kanila." masama niya akong tinignan kaya napatigil ako.

Napakamot ako ng ulo dahil hindi parin nawawala yung sama ng tingin niya sa akin.

"B-Bakit?"

"Nagagalingan ka sa kanila?"

"Oo. Magaling naman talaga sila, teammates mo sila eh." mabilis kong sagot. Hindi naman nagpapalit ng reaksyon si Amber.

Anak ng.

"Akala ko ba nasa akin lang paningin mo parati sa game noon?" inis niyang tanong.

Mahina naman akong natawa. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Naglalambing. "Wala namang mas gagaling pa sa'yo sa paningin ko." paglalambing ko. "Magaling sila kasi ikaw yung captain nila." pambobola ko.

Napansin ko yung presensya nilang palapit sa gawi naming dalawa ni Amber.

"Look who's here!" bati nila kay Amber. "Kumusta!"

Nakipag beso beso sila kay Amber at nakipagbatian.

"At sino naman yang kasama mo?" sabay tukoy nila sa akin at napunta lahat ng atensyon sakin mismo. Tinutukso tukso pa nila si Amber.

"He's my partner." sagot ni Amber.

"Hello." bati ko.

"Hello rin." sambit nila. "Familiar ka ha? Schoolmate ka ba namin dati?"

Nakita kong nanlaki yung mata ni Amber sa narinig. Takha ko siyang tinignan pero hindi ko masyadong in-entertain. "Familiar siya sa inyo?" gulat na gulat na sabi niya.

"Oo nga, parang nakikita ko siya sa campus."

"Ah oo." kamot ko sa ulo at nahihiyang magpakilala. "Actually schoolmate niyo ako dati." sagot ko.

"Kaya naman pala eh." sambit ni Aly.

"Hindi ka ba namin naging kaklase?" tanong nila sakin. "Parang sobrang familiar mo talaga. Kilalang kilala ko yung mukha mo."

Paanong hindi magiging familiar, parati nila akong nakikita sa audience na nanonood. Maliban lang kay Amber dahil wala siyang pakialam sa crowd. Focus lang talaga siya sa pagiging varsity niya.

"Siguro nakikita niyo lang ako pero hindi niyo talaga ako naging kaklase. Ever."

"Oo nga pala, Mika pala. Nakalimutan kong magpakilala."

"I'm Aly." pakilala rin ni Aly sa akin.

"Yes, I know both of you." ngiti kong sagot sa kanila. "Mahilig ako manood ng game ninyo noon nung college kaya kilala ko kayo."

Siniko ako ni Amber kaya napatingin ako sa kaniya. "Why?" bulong ko.

"Ay talaga ba, napapanood mo kami?" tanong nila na nagugulat. "Kumusta naman ba kami noon?"

"Magaling kayo—" natigilan ako nung hinawakan ako sa kamay ni Amber at pinisil niya bigla 'yun.

Napansin naman 'yun nila Mika at ni Aly.

"Wait. . .ikaw ba yung boyfriend na tinatago tago ni Amber noon kay coach?" tanong ni Aly sa akin.

Anak ng. Hindi ako 'yun!

"Hindi siya 'yun!" sabat ni Mika.

"Masyado na kayong madaldal." seryosong sambit ni Amber. "Let my boyfriend have his seat."

"Okay lang—"

"Maupo ka na." maawtoridad na boses ni Amber kaya napaupo na ako sa bleachers sa gilid ng court.

Lumibot yung paningin ko sa buong court at napapamangha.

Ganito pala pakiramdam kapag guest ka ng player. Dito ka pinapaupo sa gilid ng court. Nasa iyo pa yung gamit pati yung towel ng player na nag invite sa'yo.

Dati, iniimagine ko lang 'to. Ngayon, naeexperience ko na. May nakalaan ng upuan para sa akin. Alam kong laro-laro lang nila 'to ng may pustahan lang pero iba parin yung pakiramdam na mainvite ka ng ganito.

Hindi katulad noon, nasa tuktok ako o nasa pinakadulo lang para makanood ng laro niya.

Ngayon para akong naka VIP.

Nung unang araw ko sa Pilipinas, dinala niya rin ako sa laro niya. Pero yung mga panahon na 'yon, hindi ko talaga kayang manood ulit ng volleyball. Lalo na't siya yung nasa laro. Masyado pa akong kinakain ng sakit at sama ng loob noon.

Ngayon na maayos na yung pakiramdam ko sa amin, sarap na sarap akong maupo dito. Tuwang tuwa ako.

Iba rin pala kapag healed ka na. Hindi pa completely healed pero alam kong nandon na ko, malapit na.

Nag iistretching na sila at halata sa mukha ni Amber na hindi siya mapakali. Patingin tingin siya sa akin.

Pagkatapos nilang mag stretching, mabilis siyang lumapit sa akin at seryosong seryoso yung mukha.

"They keep talking about you." kwento niya sa akin bigla.

"Huh? Bakit?"

"Bakit ba ang pogi-pogi mo kasi?"

Nanlaki yung mata ko. "What are you talking about?"

"Pinag uusapan ka nila dahil gwapo ka."

Mahina naman akong natawa.

"Are you mad?"

Para siyang may sinasabi na binubulong sa hangin at hindi ko yun naintindihan. Pinaulit ko sa kaniya pero pinanliitan niya lang ako ng mata.

"Seryoso ba na hindi ikaw 'yon? Yung boyfriend niya noon na tinatago tago kay coach?" gulat ako na nasa tabi na pala namin si Aly na umiinom ng gatorade.

"Leave him alone, Aly." inis na singhal ni Amber.

"No, it wasn't me." si Black 'yun. Yung gagong 'yun.

"Oh." tatango tango niyang sabi. "Sorry." sa hiya niya, hindi na siya umimik at umalis na.

Inis na inis na tinitignan ni Amber yung mga teammates niya kaya takhang takha ko siyang tinitignan.

"Why?"

"The keep looking at you!" inis niyang sambit.

Napailing ako na napapangisi. "Hindi lang siguro sila sanay na may dinala kang boyfriend."

Dabog siya nang dabog na parang inis na inis talaga siya.

"Mahal." tawag ko sa kaniya. "Tell me what's making you mad?"

"I am not mad."

"But you look mad."

"I'm annoyed." sambit niya. "You know my teammates before. You even praised how good players they are like how you used to praise me before."

Napakamot ako sa ulo ko.

Kaya pala inis na inis siya. Nagseselos na pala siya na pinuri ko kanina yung mga teammates niya.

"Actually, they're great but—"

"See? Paano ako mapapanatag dito?" kunot noo niyang sabi. Mali yata yung mga salitang nasabi ko. "Baka mamaya mas magalingan ka sa kanila! Kaya mo nga ako nagustuhan noon dahil sa ganito. Paano kung mas magustuhan mo sila maglaro? Paano kapag naagaw nila yung paningin mo sa akin?"

Napabuntong hininga ako.

"Calm down, mahal." may lambing sa boses kong sabi. "I'm sorry if you felt that way, mahal. Hindi ko masyado napaliwanag nang maayos sa'yo. Oo nagagalingan ako sa kanila, pero it doesn't mean na naiisip ko sila na mas magaling pa sa'yo. You're really great, mahal. Sobra. Siguradong sigurado ako na hindi nila maaagaw yung admiration ko sa'yo. Hindi lang bilang pagiging volleyball player mo kundi buong pagkatao mo."

Mukha naman nakahinga siya nang maluwag at napatango tango naman. Minsan lang talaga kailangan ng kaunting lambing para hindi siya masyadong nadidistract sa mga naiisip niyang mga thoughts.

"Sa akin ka lang magfofocus." hawak niya sa baba ko. May maawtoridad pa yung boses.

"Ikaw pa."

Hinalikan niya ako kaya mabilis na may sumilay na ngiti sa mukha ko.

"I love you, love." tinatawag na sila kaya nagpaalam na siya sa akin. "I'll be on court. Manood ka ha. Gusto kong makita kitang nanonood. Doon ako ginaganahan maglaro."

"I will." ngiti kong sabi. "Kahit hindi mo sabihin, manonood talaga ako. Katulad ng ginagawa ko dati."

Nasa loob na silang lahat ng court at hawak hawak na rin ng kabila yung bola para magsimula na sa laro. Service ng kabila.

Nakakatuwa lang na makita sila halos lahat na naglalaro ulit katulad ng dati.

Matagal ko na din silang hindi nakikitang magkakasama na maglaro. Nung kauuwi ko lang galing America at diretso ako para manood ng laro niya, hindi sila yung mga kasama niya sa court.

Para lang daw kasi 'tong laro-laro na may pustahan katulad ng sinabi ko kanina. Gusto lang nilang mag bond ulit siguro. Sa ganitong paraan.

Kita sa mga mata niya na parati niya akong tinitignan. Lagi siyang napapatingin sa akin lalo na kapag katatapos niya lang umatake at pumalo.

Halatang halata sa kaniya na nagpapakitang gilas siya sa akin. Napapabungisngis ako madalas dahil kapag nakaka i-score siya, nginiginitian niya ako at kinikindatan sa mata. Ang cute lang! Kakainis.

Ganito pala yung pakiramdam kapag nasa akin na yung atensyon niya. Noon kasi, hindi. Ngayon, siya pa yung parang takam na takam na ibigay ko yung buong paningin atensyon ko sa kaniya.

Iba pala yung pakiramdam na parang ikaw yung ginagawang inspirasyon sa mga bagay na ginagawa niya.

Para niya rin akong binabantayan sa upuan ko kung sa kaniya lang ba ako naka tingin o kung papalakpak ba ako sa iba.

Ito talagang mahal ko! Napaka selosa. Akala mo naman talaga sobrang pogi nung boyfriend niya kung maka react siya ng ganito sa akin.

Sa tuwing natatapos yung set, dumidiretso siya sa akin at nagpapapunas ng pawis niya. Ako naman 'tong sumusunod lang sa utos ni Amber.

"Tangina, may taga punas pa ng pawis." natatawa nilang sambit na parang binibiro nila si Amber. "Iba ka talaga, boss Amber."

Lahat sila ay tinutukso kami dahil sa mga sweet gestures na ginagawa ko siguro sa kaniya.

Napatingin ako sa kanila na nahihiya pero hinawakan lang agad ni Amber yung chin ko at tinutuon niya yung atensyon ko sa kaniya.

"Don't mind them, love." sambit niya na napapailing. "Hayaan mo silang mainggit. Focus on me. Sa akin lang yung tingin mo."

"Ang galing mo talaga, mahal." ngiti kong puri sa kaniya. "Swabe ka talaga umatake sa court. Minsan 'di ko mabasa yung mga gagawin mong move."

"Are you enjoying?"

"Lagi naman lalo na kapag ikaw yung nasa loob ng court." ngiti kong sagot.

"Mabuti." ngiti niya na parang satisfied sa mga narinig niya sa akin.

Nag hudyat na yung mga referee na tapos na yung break kaya mabilis na nagpaalam si Amber at mabilis rin akong hinalikan sa labi. 

"Goodluck, mahal."

Hindi ko alam kung anong klaseng energy yung mayroon siya ngayon at halatang game na game sa laro.

Dahil hindi man lang nila pina abot ng fifth set yung laro sa sobrang aliw na aliw silang umi-score.

Alam ko sobrang nakakapagod yung mga exhibition niya sa court pero parang wala lang talaga sa kaniya ngayon yung pagod.

Ni hindi nga siya nakipag substitute eh. Umpisa hanggang dulo ng laro, babad siya. Hindi naman halatang nagpapakitang gilas sa akin. 

Pagkatapos ng laro nila, sa akin kaagad siya dumiretso at katulad ng kanina, inuutusan niya ulit akong punasan yung pawis niya.

"How's my game?"

Napangiti naman akong tinignan siya. "You never dissapoint." sagot ko sa kaniya. "Ikaw parin ang pinaka magaling sa mata ko."

"Really?" kumikinang kinang yung mga matang nakatingin sa akin na parang gustong marinig na totoo yung mga sinasabi ko sa kaniya.

"Really."

Tuwang tuwa naman yung puso ko dahil ako na mismo yung gumagawa sa kaniya ng mga bagay na 'to. Ako yung nag aabot ng tubig sa kaniya, ako yung naghahanap ng hinahanap niya sa bag, ako rin yung nagpupunas ng pawis niya.

Sobrang proud siguro nung college student na fanboy na si Eleven Hernandez sa present self ko. Nakng.

Tinatawag siya ng mga ka team niya na nagkukumpulan sa tabi na nag uusap usap at nagtatawanan. Inaaya siyang lumabas at kumain pero mabilis yun na tinanggihan ni Amber.

"Minsan na nga lang eh!" kulit sa kaniya nila Mika. "Dalian mo na, ngayon lang naman. Kasama naman yung jowa mo."

"May lakad kami." sagot niya na hindi man lang nagdalawang isip.

"Ayaw mo bang sumama sa kanila?" tanong ko sa kaniya at natuon naman sa akin yung atensyon niya agad.

"Ikaw yung gusto kong kasama."

"Minsan lang naman sila mag aya, palagi naman tayong magkasama eh." kumbinsi ko sa kaniya. "Inaaya ka nila. Ayaw mo bang mag bonding kayo?"

"I'm good." sambit niya. "I really want to be with you. Makakapag kita pa naman kami sa susunod na araw para sa sunod na laro."

Napatango tango na lang ako. Baka lang naman kasi gusto niya sumama sa kanila, baka iniisip niya lang na wala lang akong kasama at hindi ako pumayag kaya ayaw niya pero hindi naman ako ganon na boyfriend.

Nagpaalam na muna siya sa akin dahil magbibihis na muna daw siya sa locker room dahil pawis na pawis daw siya.

"Hi." nakuha ni Mika yung atensyon ko na lumapit na pala sa gawi ko. "Can I?"

Tumango naman ako at ngumiti.

"Kaya lang baka magalit yung asawa ko." biro ko sa kaniya.

"Jusko naman! May asawa't anak na ko." sambit naman niya na ikinatawa ko. "Hindi na akma sakin lumandi sa iba."

"Anyway, good game ha." sambit ko naman sa kaniya.

"Huy, thank you! Mukhang 'di ka naman na-bored kanina manood."

Umiling ako. "I'm a volleyball fan. Kaya hindi ako mabuburyo."

"Kaya siguro kayo nagkakilala ni Amber."

Napangisi ako. Mukhang ako lang ang may alam ng existence niya noon.

"Bago ka pa lang ba niya naging boyfriend? Or nung college pa?"

"Actually, it's really complicated." sagot ko sa kaniya. "Kaya mahirap sagutin."

"Well, kita naman sa mata niya na happy siya with you. Kaya nakakatuwa kayo tignan kanina. Iba yung pagkatao nung gagang 'yon kapag ikaw ang kaharap kaya naamaze ako kanina." kwento niya kaya nabigyan ako ng interes na mas makinig pa sa kaniya. "If you don't mind me sharing this with you, hindi kami pwedeng mag boyfriend nung varsity kami."

"Yeah, I heard about it."

"Pero nakapuslit yan. Kilala ko actually yung guy, ako lang ang nakakakilala kung sino. Pero alam ng buong team namin na meron siyang jowa. Hindi lang nila kilala kung sino." kwento naman niya.

"Oo, narinig ko rin yung tungkol doon." kamot ko sa ulo na mahinang natatawa.

"Malayong malayo yung guy sa'yo ha. Kaya alam ko talaga na hindi ikaw 'yun nung tinanong ka ni Aly kanina kung ikaw ba 'yun."

"Akala niya talaga ako 'yun."

"Oo nga." sambit niya sa akin. "Okay lang ba kinukwento ko yung ex niya? Omg! Sobrang chismosa ko talaga."

"It's fine. Wala na rin naman sa akin." sagot ko sa kaniya. 

"Wala lang, naikwento ko lang." sambit niya. "Kasi kahit may jowa yan noon, hindi yan ganyan kasaya. Laging nanlulumo yan noon, ni hindi ko nga nakitang masaya yan nung naging mag jowa sila nung ex niya. Kaya hirap kami kapag distracted siya sa laro dahil don sa ex jowa niya. But now, she really looks happy! It's good to see her happy, as in."

"Mas maganda siya kapag masaya diba?" wala sa sarili kong tanong.

"Oo naman! Tuwang tuwa talaga ako kanina. Never ko yan nakitang ganyan noon. Kaya naninigao talaga ako." sagot naman niya. "Ganyan pala siya kapag inlove 'no? Nakakatuwa na annoying."

Natawa naman ako sa narinig. Anak ng.

"What are you both laughing at?" iritang tanong niya sa amin kaya kami natahimik ni Mika.

"Andiyan ka na pala, Amber."

Hinawakan niya ako sa braso at dumikit. "Why are you talking to him?"

"As your friend, kinikilatis ko lang yung jowa mo." sagot naman niya na parang hindi man lang siya kumukurap sa maawtoridad na tingin ni Amber sa kaniya. "It was nice meeting you! Ano nga pala name mo? I forgot to ask."

"Enough." inis niyang sambit. "Nawala lang ako saglit." masama niyang tinignan si Mika.

"Ano ka ba! Hindi ko yan aangkinin, may anak na ako. Jusko."

Nagpaalam na siya sa amin habang ako naman ay nasasala sa kumukulong dugo ni Amber.

"W-Why are you staring at me like that?"

"In love ka na ba sa kaniya?"

"What?" takha ko siyang tinanong. What is she talking about?

"You talked to her." sambit niya. "I know how charming she is. She's great in volleyball too. You might like her. Baka maging crush mo siya katulad nung nagawa mo noon sa akin."

Napabuntong hininga ako. Hinawakan ko siya sa pisngi at tinignan.

"We just talked about you." paliwanag ko sa kaniya. "We were talking about you and your ex. Ni hindi kami nagkumustahan o naglandian. Ikaw lang laman ng topic namin hanggang sa dumating ka."

"Why are you both talking about me?"

"She's just glad to see you happy with me." sagot ko sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng noo. "Sinabi niya lang kung gaano siya natutuwa na tayo yung nagkatuluyan."

"Sinabi niya 'yun?" gulat niyang tanong.

"Yes, she said it." sagot ko. "It's great to know na may kaibigan kang masaya rin kapag masaya ka."

Hindi na rin siya umangal nung kinwento ko 'yun. Mukhang hindi na niya masyadong inooverthink yung pag uusap naming dalawa ni Mika. Mabuti na rin.

Inaantay ko lang siyang matapos sa ginagawa niya. Nung natapos siya, hinila niya naman ako agad at yumakap ulit sa braso ko habang naglalakad kami papuntang parking.

Hinayaan ko lang siya na dalhin kami sa kung saan niya gusto. Ang sabi niya gusto niya lumabas kasama ako kaya pinabayaan ko na siya sa gusto niyang puntahan.

Dinala lang naman niya ako sa kainan sa isang sikat na mall. Akala ko pagkatapos naming kumain, may balak na siyang umuwi dahil pagod siya sa laro pero hindi.

Gustong gusto niya pa maglibot kami dito sa mall. Gusto niya pa nakahawak kami pareho ng kamay. Kahit ako, gusto ko rin. Hehe.

Sa paglalakad namin, nagulat na lang ako nung napahinto siya bigla at natuon ng atensyon niya yung store na puro pang infants wear.

Nakatingin siya sa mga laruan at sa mga damit pambata.

Anong tumatakbo sa isip mo ngayon, Amber?

May ibig sabihin ba ito?

Hindi niya mapigilang pagmasdan nang taimtim yung mga nasa harapan namin.

"Are you alright, mahal?" tanong ko sa kaniya. "May naalala ka ba?"

Malalim siyang huminga at dahan dahang tumingin sa akin.

"I want to bear a child, Love." sambit niya. "I want to have a family with you. I wanna marry you. I wanna grow old with you. Gusto kong magka anak sa'yo."

"Mahal. . ."

"Maybe we should try now, Love?" hawak niya sa kamay ko at kinukumbinsi ako ng magaganda niyang maya. "I want to give you a family. Gusto ko na 'yun maibigay sa'yo."

Parang natutunaw yung puso ko sa sobrang sarap pakinggan nung mga 'yun sa kaniya.

Gusto kong maranasan 'yun sa kaniya. Gustong gusto. Pero para sa akin, masyado pa yun maaga. Masyado pang maaga para sa dalawang sumusubok pa na mag work itong relasyon na 'to.

Marami pa kaming pagdadaanan. Wala pa kami sa ganung level at nararamdaman ko 'yon.

Hinalikan ko siya sa noo. "Soon, mahal." may lambing sa boses ko para hindi siya masyadong magtampo sa sagot ko. "We're still not on that phase yet. We should remember na we're trying to work this out in a slow phase."

"Pero kailan pa kaya tayo sa ganung klaseng phase na 'yon?"

Hindi ako nakasagot.

Para tuloy pakiramdam ko, pinag aantay ko siya nang napaka tagal sa naging tanong niya sa akin.

---

"God." nakangiwing sambit ni Klarisse na nakatingin sa amin nang nakahalukipkip. "Get a fucking room."

Nahiya ako bigla nung nagreklamo si Klarisse sa amin kaya mabilis akong dumistansya kay Amber. "Sorry." hiya kong sabi kay Klarisse. 

Pinanliitan ako kaagad ng mata ni Amber at hinila ako palapit ulit sa kaniya. Hindi pumayag na may distansya kaming dalawa. Ibinalik niya pa yung  braso ko sa balikat niya at mas lalo dumikit sa akin. 

"God, ate." iling iling niyang sabing nakangiwi sa ate niya. "Nakakahiya ka." 

Para namang walang narinig si Amber sa kapatid at hindi nakaramdam ng hiya rito. 

"This is crazy. Why am I even here?" reklamo pa ulit ni Klarisse na parang hindi niya masikmuraan na ganito sa akin yung ate niya. "You're not like this before." 

"You should get used to this." 

"You're not like that to Black." kaswal na sabi ni Klarisse na parang hindi man lang pinag isipan na banggitin yung pangalan na 'yun. Nanlalaki tuloy yung mata ko ngayon. 

"Because he's not Eleven to begin with." sagot naman ng katabi ko na parang hindi man lang kumurap nung sabihin yun. "Besides, I don't love him this much." 

Gulat na gulat ko siyang tinignan na parang kaswal na kaswal niya lang 'yun sabihin na parang siguradong sigurado sa sinabi. 

"Atsaka, stop mentioning his fucking name. He's rotting in hell now and he deserves it." mas lalo akong nagulat nung marinig ko yun sa kaniya.

Pinapagalitan ko siya sa mata pero nagkibit balikat lang siya sa akin. Hindi pinagsisisihan yung sinabi. 

"Amber, I think that's rude." sambit ko dahil hindi gumana yung pagsuway ko sa tingin.

"I don't care. He tried to kill you." tila nag apoy yung mga mata niya sa galit nung binanggit niya yung bagay na 'yun sa akin. "That's why he deserves to rot in hell."

"About that, how's your back? Does it still hurt, bayaw?" tanong sa akin ni Klarisse na parang nag alala nung maalala 'yun. 

"It's fine. Hindi naman na siya biglang sumasakit katulad ng dati." sagot ko. "Magaling rin kasi mag alaga yung kapatid mo. Kaya hindi na ako nakakaramdam ng stress para sumakit bigla yung likod ko." pasimple kong sabi na napapabungisngis.

Mukhang natuwa yung katabi ko na ngayon ay napapakagat ng labi at hindi na mapigilang mapangiti. Napalo pa ako sa braso! "Aw." 

Lumapit sya bigla sa tenga ko at may binulong. "Mag overnight ako sa condo mo, Love." malambing niyang sambit. "So I can give you a massage." 

"Hindi naman sumasakit yung likod ko eh."

"Kahit na. Marelax ka lang." 

Malawak naman akong napangiting nakatingin sa kaniya. "Kaya lang wala akong pangbayad sa'yo, mahal." biro ko.

"Hindi naman ako nagpapabayad ng pera." sabay hawak niya sa crotch ko na ikinataas ng balahibo ko sa buong katawan. Anak ka ng! "This is how you can repay me later."   

"S-Stop." hinawakan ko yung kamay niya sa hiya! Nasa public place kami! Nakakaloko naman 'tong si Amber. Nakakahiya.

 "Jesus Christ." ngiwing reklamo sa amin ni Klarisse ngayon. "Can you both stop?" 

Nandito pa si Klarisse at nakikita yung ganong klaseng ginawa niya. Mas lalo akong nahiya nang sobra. 

"Why don't you buy us a coffee so you won't see us flirting?" 

"Ako? Inuutusan mo?" 

"Yes." 

"You don't have the right to ask shits." inis na sambit ni Klarisse. "Ikaw na nga yung pinapauna kong magpakasal, ikaw pa yung may ganang utos utusan ako. Siraulo ka ba? Ako ba yung may utang na loob sa'yo?"   

Nagkatinginan kaming dalawa ni Amber at nag usap sa tinginan naming dalawa.

Walang idea si Klarisse na hindi pa kami ikakasal. Hindi pa namin sa kaniya sinasabi na hindi na muna kami matutuloy. 

"Ako dapat ang nagpapabili sa'yo ng kape." inis na sambit ni Klarisse sa ate niya. 

Para na naman silang nagsasabunutan sa mga tinginan nilang dalawa hanggang sa umawat si Amber sa titigan nila. Mainahong tinanggal ni Amber yung braso ko sa kaniya at inirapan ang kapatid na nagdadabog na umalis para bumili ng mga kape namin.

Pinanood namin siyang lumayo papuntang counter atsaka naman nagsalita si Klarisse. "Are you sure about your decision?" tanong ni Klarisse sa akin. "To stay for her?"

Napabuntong hininga ako at ngumiti nang tipid. "Kahit anong tanggi ko, siya padin talaga." sambit ko sa kaniya. "Kaya nandito parin ako. I guess I gambled my life again but so far, it turns out really well." 

"Aren't you scared?" mainahon niyang tanong sa akin na alam kong naniniguro sa nararamdaman ko ngayon. 

"Sa totoo lang, natatakot ako."  sagot ko at ngumiti ulit nang tipid. "But whenever na nandiyan siya sa tabi ko, nabubura lahat ng doubts and worries ko." sagot ko habang nakatingin sa umoorder sa counter na si Amber. "It's scary. But her assurance help me to shoot my shot." 

"Whatever your decision, bayaw. I'm always here to support you." sambit niya nang may sinseridad sa boses. "Except on cheating." 

Napailing ako. "No, that's impossible." sagot ko. "Lalo pa't sobra magparamdam ng love yung ate mo. Sobrang enough na 'yon sa akin. Hindi ko na maiisipang maghanap pa ng higit pa don kasi nahigitan na niya ng sobra." paliwanag ko. "Ganito pala mainlove yung ate mo 'no?" 

"Nakakadiri." sambit niya at napapairap. "But I'm happy to see her like that." bawi niya bigla. "She really looks happy. She glows when she's with you."

"I have no idea na ganito siya ka-expressive." 

Nakatingin kaming dalawa ni Klarisse sa palapit na si Amber na may hawak hawak na biniling drinks.

"Yep." sagot ni Klarisse. "Ako rin. Hindi ko alam na magiging ganyan 'yan."

"Here's yours, love." nakangiti niyang inabot sa akin yung frappe ko. "Since you don't drink coffee, frappe yung binili ko for you."  

"Where's mine?" tanong ni Klarisse.

"Buy your own coffee." ibinigay niya yung sobrang pera kay Klarisse while looking at me, smiling. 

"Hindi mo siya binilhan?" takha kong tanong. Samantalang inuutusan siya ni Klarisse kaya siya bumili dito sa coffee shop. 

"Nevermind." iling iling na sabi ni Klarisse at sinukbit na yung bag sa balikat niya. "I'm going."

"Agad?" takha kong tanong naman sa kaniya. Ang bilis naman.

"I can't stand seeing her flirty."

"Good." sambit naman ni Amber na parang hindi nababahala na aalis na yung kapatid niya agad. Ni hindi pa nga kami nakaka isang oras na magkakasama dito. "Nang masolo ko 'tong boyfriend ko."

Sinenyasan ako ni Klarisse na aalis na siya. "Hatid na muna kita sa labas." offer ko sa kaniya.

"No, I'm fine."

Tinignan naman namin siyang makalabas ng coffee shop at nagkitingan kaming dalawa pagkatapos nang nakangiti.

"She really can't stand seeing me like this." tumabi ulit siya sa akin at pinatong na naman niya yung braso ko sa balikat niya. Magkadikit na naman kami. 

"Kunwari lang yun." sagot ko sa kaniya. "She's happy for you. For us."

"Did you tell her?" tanong niya sa akin at alam ko na kaagad kung ano yung tinutukoy niya. 

 "No. That's a surprise." sambit ko. Hindi naman ako tanga o KJ para sabihin kung anong plano naming dalawang mag syota para sa kanila. 

We are planning to surprise them to get married first instead. Kasi mas handa naman silang ikasal ni Sebun kaysa sa amin. Na-postpone lang naman yung kasal nilang dalawa dahil gusto niyang mauna kaming dalawa ikasal sana para sa kumpanya. Ngayon na hindi naman na urgent ang kasal namin, naisipan kong i-suggest kay Amber na isurpresa silang dalawa na sila yung makasal. Pumayag naman siya.  

Masyado na maraming tinulong sa amin si Klarisse at gusto na namin ibalik lahat ng mga nagawa niya para saming dalawa ni Amber. I think it's time to make her happy too. Hindi lang dapat kami yung ganito.

Nag stay pa kaming dalawa ni Amber sa coffee shop hanggang sa maubos naming dalawa yung iniinom namin. Pagkatapos, inaya niya akong mag grocery kaming dalawa dahil wala na daw siyang grocery stock sa bahay. 

"Bakit isang push cart lang?"  tanong niya sa akin nung sinabi kong isa lang. 

"Marami pa naman akong stock sa bahay." sagot ko sa kaniya. "Ako na magtutulak ng pushcart mo ha." sabay kuha ko sa kaniya.

"At kailan ka nag grocery?" intriga niyang tanong.

"Yesterday."

"You went without me?"

"You were busy."

"Kahit na."

Napakamot ako ng ulo at ngumiti. Sinusubukang madali siya ng ngiti ko as lambing. 

"I'm sorry." hingi ko ng sorry. "Nag crave kasi ako ng ramen kagabi kaya naisipan ko na rin na magrocery since nasa grocery na rin naman ako kagabi." paliwanag ko. 

"Nambabae ka ba?" seryoso niyang tanong. 

"Huh?" takha kong tanong. 

"You're with someone yesterday 'no?" 

Malakas akong natawa. Anak ng. Napagkamalan pa akong nambabababae! "I went alone." sagot ko. "Sino pa bang babae yung lalandiin ko bukod sa'yo?" 

"Just don't cheat, okay? Subukan mo lang." pagbabanta niya nang may maawtoridad na boses. "You know you're mine."

Natawa na naman ako at napailing. 

"Why are you laughing? I am not even joking."

Marahan ko siyang hinalikan sa noo. "I am not going to cheat on you. I swear to god." sambit ko. 

"Siguraduhin mo lang." sambit niya. "I don't want to see you with another woman. Madamot ako lalong lalo na pagdating sa'yo." 

"I know, mahal." ngingisi ngisi kong sambit. "I went alone yesterday. Kahit ipa check mo pa yung CCTV sa grocery na pinuntahan ko." 

Mukha naman siyang nakahinga nang maluwag sa sinabi ko. 

"I'm just worried na baka maagaw ka sa akin ng iba." sambit niya. "Masyado kang mabilis mahalin. You're so lovable and you're great in bed too." 

Bigla akong na-conscious dahil may nagsi tinginan sa amin nung narinig si Amber na magsalita ng ganon. 

"Shh." suway ko sa kaniya. 

"Sinong hindi mahuhulog sa'yo?" tinuloy niya parin yung mga sinasabi niya kahit pinatatahimik ko na siya dahil may nakakarinig na ng mga sinasabi niya.

"Mas pinili mo nga si Black sa akin noon." biglang biro ko sa kaniya. 

Mabilis naman siyang napangiwi. "Ew! That was the biggest mistake and the most embarassing thing I ever did." inis niyang sambit. "Pinagsisisihan ko 'yun hanggang ngayon." sambit niya.

"Pero pinili mo siya kaysa sa akin noon." 

"I was stupid, Love." diring diri niyang sambit. "And for the record, ikaw lang yung minahal ko ng ganito. Sa'yo lang ako nahulog ng ganito kalalim at mahuhulog pa yung loob ko as time goes by." 

Napakagat ako ng labi na pinipigilang mapangiti. Anak ng.

Ang galing niya talaga magpakilig. Ni hindi ko nga sigurado kung aware ba siya na pinapakilig niya ako eh. 

Nagdire diretso kaming dalawa habang namimili siya ng mga gamit at food sa grocery. Hinahayaan ko lang siya na magdadampot habang tinutulak tulak ko yung pushcart.

Habang busy siya sa kabilang section, ako naman 'tong hindi mawala yung paningin sa damit na naka hanger na binebenta rin dito sa grocery store. 

Mukhang bagay pa naman sa kaniya. "Mahal, ano nga ulit yung size ng damit mo?" 

Napalingon naman siya at nakataas yung kilay na tumingin sa akin. "Parang may iba kang hinuhubaran bukod sa akin kung makatanong ka."

Kumunot yung noo ko at napakamot pa ako sa batok. Bakit naman niya isisingit yung ganung bagay? "I am genuinely asking."

"Hindi mo alam?"

"Gusto ko lang makasigurado." sagot ko. "I am just making sure na yung pipiliin ko ay tama." 

"You should know, ikaw ang naghuhubad sa akin."

Marami na namang napalingon sa amin at napapa side eye. Nakng. 

Hindi ko alam kung paano ko itatago yung mukha ko sa hiya dahil naririnig kaming dalawa ni Amber na ganito. Nahihiya talaga ako kapag naririnig kaming ganito ni Amber sa public area. 

Mayroon parin naman akong hiya sa katawan. 

Sa sobrang hiya ko, binitawan ko na lang yung damit na hawak ko dahil pinopolosopo niya lang akong sagutin.

Habang naglalapag siya ng mga item sa pushcart at naghahanap ng bibilhin pa dito sa grocery store, napag uusapan naming dalawa kung ano ano ba yung mga dapat naming i-prepare sa suprise wedding ni Klarisse. Kami na kasi yung bahala sa preparation na 'yun bilang kami nakaisip na i-surprise sila non. 

"How about a double wedding?" suhestyon niya. 

"Pwede naman. Pero sinong couple?" 

"Us."

Natigilan ako saglit at napabuntong hininga. "We will get married but hindi pa sa ngayon, mahal." sagot ko sa kaniya. "Besides that we already talked about this, right?" 

Napanguso siya. Parang gustong gusto na niya talagang magpakasal talaga kami ulit.

"Let's stop stealing their thunder." sambit ko pa. "At least tayo, naexperience na natin makasal. Sila wala pa. Hayaan na muna natin silang mauna." 

"Okay." 

"Let's take this slow, mahal. Ang mahalaga mayroon tayong binubuild na relationship kaysa sa wala." 

"Naiinggit lang ako."

"Pakakasalan mo parin naman ako at pakakasalan parin kita, pero kailangan lang nating mag antay ng tamang panahon." 

Mukha namang naging panatag yung loob niya sa mga sinabi ko kaya naging maayos parin yung mood niya hanggang sa matapos kaming mag grocery. 

Ngayon na tapos na kami sa grocery store, naglalambing siya na ihatid ko siya sa bahay. Hindi na ako nakahindi dahil talagang pinipilit niya ako. Kaya ito ako ngayon, nasa tapat na ng bahay. Gabing gabi na rin halos.

"Halika, pasok ka muna sa loob."

"Hindi na, hinatid lang talaga kita." sambit ko. Alam kong mas gagabihin pa ako kapag nag stay ako. "Pauwi na rin ako—"

"Huwag mo akong tanggihan." maawtoridad niyang sambit.

Malalim akong huminga at napatango na lang. "Alright." hindi na ako nakatanggi dahil namimilit talaga siya.

Pagkalabas ko ng kotse, nakangiti siya sa akin na parang may ibang balak. "Why?"

"Dito ka na matulog."

Napaawang yung bibig ko sa narinig. "Akala ko ba papasok lang muna ako sa loob?"

"Sa tingin mo, pauuwiin pa kita?" sarkastiko niyang tanong. "Gabi na. Delikado na bumyahe."

Anak ng. Trap pala 'yun! 

Kapag pala nakapasok na ako dito, hindi na ako makakalabas. 

"Hindi ba ako pwedeng umuwi?" 

"Hindi. Gabi na."

"Pero I don't have any clothes here."

"You have."

"Wala naman akong gamit na iniwan dito—"

"Every time I go shopping, I also buy you clothes. Kaya marami ka ditong damit na hindi mo pa nagagamit." ngiti niyang sabi sa akin. "Naging hobby ko yun simula pa lang nung nasa America ka."

"You're unbelievable."

"Kaya wala ka na ibang reason not to stay here." ngingisi ngisi pa niyang sambit. "May mga gamit ka dito. Bago pa lahat."

I guess I have no choice but to stay here. 

"Okay." sagot ko at pumasok na ng bahay, mukha naman siyang natuwa. "But I'll sleep in my old room." 

Nanlaki yung mata niya at mabilis na nag react. "No!" 

"Mahal naman eh." lambing kong tawag sa kaniya. "I just want to be careful."  

Sinamaan niya ako ng tingin. 

"Kaya nga kita pina stay para makatabi kita ngayong gabi!"

"Mahal." suway ko sa kaniya kaya masama ang loob niyang tinignan ako.

"Fine." dabog niya at natawa na lang ako sa likod ng isip kong napapailing. Iba ka talaga, Amber.

Nagpresinta akong mag ayos ng mga pinamili naming groceries. Siya naman ay may ginagawa sa dati kong kwarto at nandoon siya. Hindi ko lang alam kung ano 'yun pero hinayaan ko na lang.

"Okay na rin yung panligo mo, Love."  sambit niya kaya napalingon ako. Nasa pintuan siya ng dati kong kwarto. Yun na pala yung ginagawa niya sa loob. "Inayos ko na rin yung kama mo. Bago na yung bed sheet at pillow sheets. Your clothes are already in there too."

"You don't have to do that, mahal." lambing kong sabi. "But you still did. Thank you so much." 

"Wala ba akong kiss as my reward?" 

Nakangiti akong lumapit sa kaniya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. 

"Dito pa." turo niya sa pisngi at natawa naman akong hinalikan siya sa magkabilaan niyang pisngi. "Dito pa." turo niya sa leeg niya kaya pinanliitan ko na siya ng mata. 

"I think it's enough."   

"Napaka damot mo." inis niyang sabi kaya natawa naman ako. "Masyado kang madamot." 

"Nag iingat lang." 

"Since you don't want to be naughty, I'll go take a shower alone." irap niya sa akin sabay akyat sa kwarto niya. 

Natawa naman ako. Napaka pilyo talaga ng mahal ko.

Mabuti na rin at natapos na ako sa pag aayos ng grocery at nakaligo na rin ako. Makakapag pahinga na rin sa kama.

Akala ko kapag nahiga na ako sa kama, makakatulog na ako. 

Pero hindi.

Nakatingin lang ako sa pinto na parang may iniisip na may darating at tatabihan ako. 

Dahil don, para akong hindi dinadalaw ng antok. 

Pakiramdam ko, inaantay ko siya. Inaantay ko siyang tumabi sa akin.  

Tangina. 

Para akong tanga. 

Bakit ko ba iniisip na pupunta siya dito? 

Mukha namang hindi 'yun pupunta dahil sinabihan mo huwag masyadong maging pilyo, Eleven. Gago ka talaga.

Halos isa't kalahating oras na akong nag aantay ng darating pero walang pumapasok. 

Anak ng. 

Umabot na rin ng dalawa oras.

Wala parin siya.

Putek. I hate this.

Ngayon na nag iisip ako ng pwedeng gawin, wala ako sa sariling lumabas ng kwarto ko at tila may sariling isip yung mga paa kong umakyat sa kwarto niya.

Bahala na. 

Kumatok ako sa kwarto niya. Sa isang katok pa lang, pinagbuksan niya na agad ako. 

Bumungad kaagad sa akin yung pilyong ngiti niya at yung napakaganda niyang mukha.  

"Hi, Love." may lambing sa boses niyang bati sa akin. 

Napalunok ako. 

Para akong naestatwa na hindi makakilos dahil sa nakita kong suot niyang pantulog. S-Sobrang sexy niyang tignan. 

W-Wala pang bra.

Mabilis akong napaiwas ng tingin at napakagad ng labi. Bwisit na imahinasyon yan! "G-Gusto ko lang mag goodnight." sambit ko na parang hindi pa sigurado sa sinabi ko. 

"Goodnight, love."

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ayaw ko pang umalis dito. Gusto ko pang mag stay. Parang hindi lang goodnight yung pinunta ko dito. 

"G-Goodnight." nagkatitigan pa kami ulit at hindi parin ako makalakad. 

Parang may ineexpect pa akong gawin siya pero nakatayo lang talaga siya at inaantay lang yata talaga akong makababa. 

"Goodnight." ulit ko. Pinilit kong hatakin yung sarili kong makababa pero hinatak niya yung braso ko para matigil. "B-Bakit?" 

"You forgot something."

"Alin?" 

"Where's my goodnight kiss?"

Napalunok ako. Nangangamba. Natutukso.

Paano kung hindi lang kiss yung magawa ko? Paano kung matukso ako?

"No." sagot ko na labag sa loob ko. Umiiwas ako na baka hindi lang halik yung magawa ko. 

Pero dahil sa naging sagot ko, mabilis siyang napabusangot. Hindi natuwa sa naging sagot ko.

Hindi ko siya matiis. Tangina. 

Napapikit ako saglit at napabuntong hininga.  

I can't take this anymore. 

Nag aapoy yung pagnanasa kong hinalikan siya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at alam ko kung ano yung rason non. 

Mabilis lang sana ang gusto kong mangyaring halik, smack lang sana. Pero halos hindi ko magawa dahil sa pagnanasa kong halikan siya nang napakalalim. 

Nang makahanap ako ng lakas ng loob na pigilan yung nag aapoy na pagnanasa ko, lalayo na sana ako pero kinakabig niya parin yung ulo ko para ituloy ko lang yung halik naming dalawa.

Nagtuloy tuloy lang 'yun hanggang sa binigyan niya na ako ng oras para makahinga ako. Napalayo na kaming dalawa sa isa't isa.

"You kissed me."  parang dyamante yung mga mata niyang kumikislap habang nakatingin sa akin. 

"You asked me to kiss you!" I said panicking. "I-I'm sorry."

She's still looking at me na parang matutunaw ako dahil sa ganung klaseng tingin niya. Kumakabog parin yung dibdib ko na hindi parin natigil dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin. 

Anak ng. 

Kailan kong pigilan yung sarili ko. 

Kailangan kong makahanap ng paraan para hindi kami matukso. "Bababa na ako, mahal." paalam ko sa kaniya.

Pababa na sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso, pinipigilang makababa. "Sa tingin mo pabababain pa kita ngayon pagkatapos mo akong halikan?" 

Napalunok ako.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa naring sa kaniya. 

Kitang kita sa mata niya yung nag aapoy na pagnanasa at pamilyar na pamilyar yung ganong klaseng tinginan niya. 

Yan yung mga tingin na hinding hindi ko kayang labanan. 

"Mahal. . ."

Hinatak niya ako sa braso papasok ng kwarto niya atsaka ako hinalikan nang napakalalim hanggang sa makarating kami sa kama niya.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
5.5K 75 35
Isa lang naman yung gusto ko sa buhay.. Isa lang.... Yung tratuhin ako ng asawa kung mahal na mahal ko. Di ko alam kung kailan yung araw na yun? K...
432K 13K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
8.7K 380 39
MEND SERIES anong gusto niya? yakapin ko siya? yakapin ko ang rason ng tuluyan pagkasira ng buong pagkatao at pangarap ko? photos used are not mine...