my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 44

246 16 2
By unicachicca

Hinilot ni Raven yung likod ni Luella habang nakahiga ito nang nakatalikod. Napapangisi siya dahil nasasarapan si Luella sa paghihilot sa kaniya. Hindi maiwasan ni Luella ang mapaungol sa satispaksyon dahil hinahanap hanap niya yung masahe ngayon pagkatapos nang napakatagal na shift sa trabaho.

Napapangisi naman si Raven. Pakiramdam niya ang galing galing niyang mag masahe. "You really like this, huh?"

"Ikaw kaya yung magtrabaho ng dalawang araw." pagsusungit sa kaniya ng kaibigan.

"Hinihilot ka na nga eh."

Naisipan niyang dito na lang muna siya sa bahay ni Luella habang nasa bahay si Klarisse. Pakiramdam niya sa tuwing nasa tabi niya si Klarisse, hindi siya pagbibigyang makapag isip nang maayos dahil sa bibig nito.

Sinubukan niya naman. Sumubok naman siya pero hindi niya talaga kayang harapin nang buo yung nakaraan niya.

"Dito muna ako." sambit niya nang humiga na siya sa tabi ni Luella. Nakatingin yung dalawang mata niya sa kisame na malalim ngayon yung iniisip.

"Geez." umayos na nang higa si Luella at tumingin sa katabi. "Why? Do you wanna have sex?"

Umiling siya. Hindi naman yun yung pinunta niya dito. "No."

Nakahinga naman nang maluwag si Luella. Akala niya gusto siyang ayain makipag sex ngayong gabi kaya nandito ngayon na tumatabi sa kaniya. "Dapat lang." sabi ni Luella. "I'm so tired from work."

"Ikaw lang naman yung nag aaya diyan." nakuha niya pang magbiro pero inirapan lang siya. "But no, I don't want to be steamy with you tonight."

"Then why are you here?"

"Gusto ko lang." palusot niya.

"Really?" sarkastikong tanong ng kaibigan. Hindi naniniwala si Luella na gusto niya lang na nanditong nakatabi. "You just want to sleep here? Really?" alam ng kaibigan na hindi siya nagkukusang makitulog kapag hindi naman siya inaaya. Napapatanong at napapaisip tuloy si Luella kung ano yung gusto ni Raven.

"Sabihin mo lang kung napipilitan ka lang na nandito ako." biro naman niya kay Luella na inilingan yung sinabi niya. "May damit pa naman ako dito sa kwarto mo 'di ba?"

"Yah." humihikab na sagot ni Luella.

Natahimik silang dalawa. Nakatitig lang yung kaibigan sa kaniya na nag aantay sa kaniya na may sabihin. Napansin naman niyang nag aantay yung katabi niya na magsalita siya kaya naghanap na lang siya ng pag uusapan.

"What are your plans for next week?" tanong niya bigla sa kaibigan.

Natigilan si Luella. Hindi nito aakalain na didiretsuhin siya ng tanong ni Raven. Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung anong plano niya para sa susunod na linggo dahil sa tuwing dumadaan yung araw na yun, nabibigatan parin siya sa pagkawala ng yumaong asawa.

Parang gusto na lang niyang malusaw na parang bula sa hiya. Nakalimutan niyang hindi dapat tinatanong yung bagay na yun.

Nagtitigan silang dalawa. Kitang kita niya sa dalawang mata ni Luella kung gaano siya nakaramdam ng lungkot nang maalala yung yumaong asawa. Gusto niyang bawiin yung tanong pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya ngayon, napaka insensitive niya.

Hiniga ni Luella yung ulo niya sa dibdib ni Raven at yumakap yung braso sa tiyan. "I don't know." napaisip si Luella na siya na lang talaga yung hindi nakaka let go dahil si MM na namatayan rin ng asawa, naka move on na at may girlfriend na. Ngayon, hindi niya parin alam kung hanggang kailan siya malulungkot sa mismong araw na yun. "Work? Or maybe I'll go out of town with my baby."

Napabuntong hininga si Raven. Nakaramdam ng pag aalala. "Gusto mo ba akong sumama?" tanong niya sa kaibigan habang sinusuklay yung buhok ng katabi.

"We're fine."

"Sasamahan ko kayo sa out of town niyo ni Ronan." sabi niya. Ayaw niyang iwanang mag isa si Luella na kasama si Ronan dahil alam naman niya kung gaano kabigat sa kaniya yung araw na yun. Baka kung anong mangyaring masama. Gusto niyang maniguro lang.

Naramdaman niyang umiling yung kaibigan sa dibdib niya. "Hindi na kailangan ng babysitter."

"Ayaw mong magpa babysit sa akin?"

"Hindi na."

"Are you sure you're okay without me?" tanong niya na naniniguro. Nag aalala talaga siya sa kaibigan na baka hindi kayanin na mag isa sa araw na yun. Nasa utak na niya na may responsibilidad siyang tulungan ito na makaraos sa susunod na linggo. Taon taon niyang ginagawa yun sa kanilang dalawa ni MM.

"May ribbon cutting ka that day." paalala naman sa kaniya ni Luella.

Nasampal niya yung noo. "Ah! Nakalimutan ko bigla." sambit niya. Hindi niya pwedeng hindi siputin yung seremonya ng araw na yun dahil siya ang inaasahan na mag gugupit ng ribbon sa bagong establishment ng kumpanya. "Are you sure you're okay?" medyo mabigat yung pagkakatanong niya dahil gusto niyang masamahan si Luella sa araw na yun at madamayan pero importante yung araw na yun sa trabaho.

"Ikaw, are you okay?" baling naman ni Luella kay Raven. Siya naman ngayon yung natigilan. Hindi rin nakasagot kaagad.

Nangangapa siya kung anong sasabihin o kung anong i-eexcuse sa tanong kay Luella kaya ang tagal niyang sumagot. Pinag iisipan niya nang mabuti kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo.

Malalim siyang huminga. Hinahanda niya yung sarili para subukan magkwento tungkol sa nangyayari ngayon sa kaniya.

"I don't. . .I mean. . .yeah. . .I mean. . .no. . .I'm not. . .really. . .okay." ilang minuto niyang pinag isipan yung sagot. Hindi niya kailanman gawain talaga na maglabas ng hinanakit o magkwento ng problema kahit sa kaibigan o kahit sa kapatid.

Pero this time, susubukan niyang sabihin sa kaibigan kung ano nga ba talaga yung tumatakbo sa isip niya. "Nag usap kami ni April last time about. . .my ex-wife." napalunok siya. Hindi niya alam kung kaya niya ba talagang pag usapan pero susubukan niya parin. "Sabi niya, I am still into her at hindi yun mawala sa isip ko hanggang ngayon."

"Isa pang factor yung kapatid niya. . ." kwento niya. "I am really pissed whenever she's trying to bring up something about my ex-wife. She doesn't want to shut up about my past."

"Narinig ko pa yung boses ng ex wife ko dahil sa kaniya after a long time. Mas lalo akong naiinis dahil hindi mawala sa isip ko yung boses na yun." sambit niya na may inis sa tono ng boses. Naiinis kasi ito dahil sa tuwing tahimik yung paligid niya, parang naririnig niya yung boses ng dating asawa kahit wala naman siya sa tabi. Paulit ulit pa.

Malalim ulit siyang huminga. "I don't know if I'm. . . .just. . " denying. Isang salitang hindi niya mabigkas. Hindi niya kayang tanggapin na pwedeng tama si April. Dahil ang tagal niyang pinagsikapang ibaon sa limot lahat lalong lalo na yung nararamdaman niya sa asawa niya. "Tapos naiisip ko pa kung bakit parang hinahanap niya yung presensya ko nung narinig niya yung boses ko sa telepono."

Isang malaking misteryo yun sa kaniya. Gustuhin niya mang itanong yun kay Klarisse pero ayaw niyang pag usapan. Ayaw niyang ungkatin yung nakaraan dahil para lang niyang sinira yung tinahi niyang parte ng nasira sa kaniya kung gagawin niya yun.

"It was so hard to think about it." pakiramdam niya, talong talo talaga siya sa ganitong bagay. Ayaw na niyang matalo pero parang natatalo na naman siya. Nagwawagi na naman. "Because I did my best to stop being emotionally affected and invested with someone who I gave my heart but treated me shit and ito na naman ako ngayon, nagiging apektado na naman dahil sa kaniya."

Inaantay niyang sumagot yung kausap niya pero wala siyang narinig kahit na anong salita. Parang walang naging reaksyon sa mga kinwento sa kaniya.

Yun pala, humihilik na. Narinig na lang niya yung malakas na hilik ng kaibigan pero parang hindi siya naniniwala. Baka nagtutulog tulugan lang.

"Luella?" tinawag niya yung kaibigan dahil baka nga nagkukunwari lang itong tulog. Pagkatingin niya sa mukha ni Luella, para siyang namutla sa gulat.

"Shit!" lumundag yung puso niyang napabangon bigla.

Bigla niyang nakita yung mukha ng dating asawa sa kaibigan na natutulog. Sa sobrang pagkabigla, nagising niya nang hindi sinasadya si Luella dahil sa biglaang pagbangon. Mabilis niya lang napagtanto na namamalikmata lang siya pero yung bilis ng pagpintig at paghinga niya, nandoon parin.

Masamang masama siyang tinitigan ng kaibigan. Nagagalit si Luella dahil ilang araw siyang walang tulog tapos magigising siya sa ginawa ni Raven. Parang gusto niyang sabunutan sa inis.

"What the hell, Raven?" inis na inis na singhal ni Luella. "I was freaking sleeping!"

Shit.

Mabilis parin yung tibok ng puso niyang naghahabol parin ng hininga. Nagulat siya, malinaw na malinaw kanina na nakita niya talaga yung mukha ng dating asawa sa kaibigan niyang mahimbing na natutulog sa dibdib niya.

"What the hell happened to you?"

Sising sisi siyang nagkukwento kanina tungkol sa dating asawa. Kung hindi nga niya inisip yung tungkol kay Amber, hindi siya mabibigla at mamalikmata sa katabi niyang natutulog na pagod sa trabaho.

"I'm sorry."

Bumuntong hininga si Luella na maya't maya ring nahimasmasan sa inis. "What happened?" napagtanto na ng kaibigan na inaatake siya ng anxiety attacks niya kaya bigla bigla na lang 'tong napabalikwas kanina sa pagkahiga. "Are you having anxiety attacks?"

Hindi siya nakasagot.

"Can you name five things you see?" sinusubukan ni Luella na pakalmahin si Raven gamit yung grounding technique, isang therapeutic technique para sa inaatake ng anxiety o ng PTSD.

"Don't." tinapat niya saglit yung palad niya para senyasan yung kaibigan na huminto. "I'm okay, no need for any grounding technique."

"Look at me."

"No." sinusubukan niyang huwag tumingin sa kaibigan dahil natatakot siya na baka mamalikmata na naman siya. "I can't."

"Why?"

"Sa sofa na lang ako matutulog."

"What's wrong?" takhang takha na si Luella. "May ginawa ba akong mali?"

"Wala." sagot niya. "I-I was just having nightmares."

"Are you really sure na I didn't do anything wrong?"

"Yes."

"Raven—"

"You didn't do anything wrong, okay?" napapikit siya at malalim na huminga. "Sorry, I just need to sleep on the sofa."

"Are you sure?"

Tumango siya.

Para siyang binangungot nang gising kanina. Hindi niya maipaliwanag yung nangyayari sa kaniya dahil kahit siya, hindi niya rin alam kung bakit.

Baka nga. . .baka nga tama si April.

---

Nagpalakpakan yung mga tao nung nagupit na ni Raven yung ribbon sa seremonya. Nakipagkamay siya sa mga investors habang kinukuhanan sila ng litrato. Ikalima ng beses ni Raven na magkaroon ng ganitong klaseng seremonya sa America. Patuloy na lumalago ang negosyo nila at bilang isang Chief Executive Officer ng kumpanya, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili.

Mayroon na silang napatayong resorts sa Santa Monica, Miami, Orlando at ngayon naman dito sa California. Nagsimula lang nilang naisipang mag establish ng resorts nang mapagdesisyunan ng buong board of directors at stockholders yung hinanda niyang proposal para sa negosyo.

Ngayon, hindi lang sa maritime transport, ferry cruise ship o pagbebenta ng mga private yacht sila nakafocus ngayon kundi nabigyan na rin nila ng atensyon na magkaroon ng panibagong klase ng negosyo at iyon ay magpatayo ng mga resorts sa America.

Dumarami lalo ang lumalapit na investors sa Golden Seas dahil napapahanga niya ang mga tao sa mga ambisyon niya bilang tagapamahala ng kumpanya. Napakabilis rin niyang napalago at napabango ang pangalan ng kumpanya na hindi niya rin aakalain nung una dahil sa libo libong pagdudua sa sarili.

At ngayon, lahat ng dugo't pawis na sinakripisyo niya para dito, nasuklian na nang napakaganda.

"Congratulations!" masiglang bati ni April kay Raven at kay MM. Hinalikan ni April sa pisngi ang nobya na proud na proud ngayon. Isa rin sa nakatulong sa negosyo ang kapatid na si MM kaya pati ang kapatid niya ay kino congratulate ng kaibigan. "I'm so proud of you two."

"Thank you, babe."

Nagtama yung paningin ni April at ni Raven. Hindi parin niya pinapansin ang kaibigan simula nung nakapag usap sila tungkol kay Klarisse at sa dating asawa.

"Congratulations."

"Thanks."

Tinignan ni MM si Raven at si April nang pasalit salit na tingin. Nakakaramdam siya na may mali ngayon sa kapatid at sa nobya dahil sa atmosphere na nabubuo ngayon napaka awkward. Hindi maiwasang magtanong si MM sa dalawa kung anong nangyari pero nagpalusot lang si April at hindi sinabi kung ano yung totoong dahilan.

Habang nag uusap yung dalawang mag nobya, iniwanan niya at nakipag usap sa mga stockholders na naka attend ng ceremony dito sa California. Napag uusapan nila ngayon yung tungkol sa limang branches pa ng resort sa buong America na sa ngayon ay sabay sabay na under constructions.

Isang malaking risk yung naging desisyon nilang pagsabay sabayin ipagawa ang mga branches at ibuhos lahat ng budget sa isang buong taon para lang maipagawa kaagad ng mga bagong resorts.

Nananalangin na lang silang lahat na wala sanang mangyaring masama habang naka under constructions lahat ng yun dahil isang malaking problema kung may mangyari man. Malaki ang lugi at baka hindi na makakabangon sa pagkakadapa yung negosyo kung sakali.

"Hey, bayaw."

Nanlaki naman yung mata niyang nagulat sa biglang sumulpot sa tabi pagkatapos na pagkatapos makipag usap sa mga stockholders at investors.

Si Klarisse.

Seryoso siyang humarap sa tumabi sa kaniya. "You're here."

"Of course, bayaw."

Nagtiim bagang niyang tinitigan si Klarisse. "How many times do I have to tell you to stop calling me bayaw?" seryoso niyang tanong na nakakunot yung noo. Akala niya madadala na siya nung huling pag uusap nila na huwag na siyang tawaging bayaw.

"Hanggang sa huling hantungan mo."

Nakalimutan niya nga palang si Klarisse yung inuutusan niya. Na gusto lang parati ang nasusunod. Wala ng iba.

Napapangiwi na lang siyang pilit na huwag na lang patulan dahil kahit kailan, hindi siya mananalo kay Klarisse. Walang nananalo sa kaniya kundi yung sarili lang.

"Congratulations." nakangiting bati sa kaniya ni Klarisse. "Natutuwa ako na makita kang ganito ka successful ngayon."

"Thanks."

"Pero mas matutuwa sana ako kung makikita ko ulit kayong dalawa ng kapatid ko na nagkakasundo ulit sa negosyo." dire diretsong sabi ni Klarisse. "Kaya ba ulit, bayaw?"

Hindi siya nakasagot. Natigilan.

Akala niya huling beses na yung nakaraang araw na pestehin siya ni Klarisse. Hindi pa pala siya tapos. Parang mas lalo pa ngang nagiging pilyo yung mga tanungan ni Klarisse sa kaniya. Hindi nakakapagpigil sa mga salitang nabibitawan niya.

Hindi talaga siya makakasiguro na maayos yung pag iisip niya sa tuwing nasa tabi si Klarisse na ganito ang mga sinasabi.

"Baka gusto mo ulit ng plus one na negosyo." pag aalok ni Klarisse na may pagbibiro sa tono. Na parang nag aalok lang ng tinda sa divisoria o ng networking.

"Okay na okay lang naman samin na mag isa ulit kayo sa negosyo."

"W-What are you. . .saying?" tanong niya na kunwari ay hindi alam ang sinasabi ng kausap. Hindi lang siya makapaniwala na sasabihin yun ni Klarisse sa harap niya.

"Merging, bayaw. Merging." sagot ni Klarisse. "Nakalimutan mo na ba kung anong ibig sabihin ng merging?"

Hindi siya nagsalita.

"What do you think?" nakangising tanong ni Klarisse. "Pakasal kaya ulit kayo?"

Pinipilit niyang panatiliin yung poise niya pagkatapos ng mabigat na biro ni Klarisse sa kaniya. Hindi niya gustong ipakita na naapektuhan siya sa biro.

"Alam mo ba yung sinasabi mo?"

"Of course."

Napailing siya. "Are you high?"

"I'm being serious."

Nagtiim bagang ulit siyang tinitigan si Klarisse nang seryoso. "Alam mo, Klarisse. That. . .won't ever happen again." Never again. Tumunog at nag vibrate yung cellphone niya. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil ito yung naging excuse niya para makalayo kay Klarisse at hindi na mapag usapan yung birong kasal. "Excuse me."

Lumayo siya nung sinagot niya yung tawag ng kaibigan niyang si Six.

"Speak."

"Congratulations, parekoy!" bumungad kaagad yung pagiging enthusiastic ni Six sa telepono. "The best ka talaga! We're so proud of you!"

"Thank you."

Naramdaman kaagad ni Six sa kabilang linya na may halong lamig sa boses ni Raven. Sa tingin niya, galit ito sa kaniya hanggang ngayon. "Galit ka parin ba?"

Napahawak siya sa noo at napasuklay sa buhok. "No." malamig parin yung tono. Hindi siya makapag focus kay Six dahil parin sa biro ni Klarisse. Para tuloy siyang lalagnatin sa inis.

"Hala ka."

"Anong hala ka?"

"Galit ka."

"I'm not mad." depensa ni Raven.

"Galit ka."

"Six—"

"Uuwi ka rin naman dito para dumalaw." sambit naman ni Six. "Makikita mo ulit ako, huwag ka ng mag alala. Huwag ka na magtampo."

Nakaramdam siya lalo ng inis dahil sa narinig. Hindi niya nagustuhan na siya yung mag aadjust na pumunta ng Pilipinas para lang makita yung kaibigan. Siya na nga yung naiwanan sa America, siya pa yung pupunta.

"Wala akong sinabing pupunta ako ng Pilipinas."

"Eh paano mo makikita 'tong mga kaibigan mo?"

"I can buy them tickets just to see them." sagot naman niya. Malabo na para sa kaniyang makabalik ng Pilipinas. Hindi na mangyayari ulit yun, yun ang nakatatak sa isip niya.

"Come on, parekoy. Alam ko namang miss mo na dito sa Pilipinas." sambit ni Six. "Huwag ka nang mahiyang aminin, dumalaw ka na dito."

"Yun lang ba yung sasabihin mo?" iritang tanong niya. "Kasi bababaan na kita."

"Easy! Masyado namang mainit yung ulo mo. May sasabihin pa ako." sabi ni Six.

"Siguraduhin mo lang na importante yan, Six."

"Oo!" excited yung boses na sumagot. "Importante."

"Ano yun?"

"Ikakasal na si Sebun."

Awtomatikong bumilog yung labi niya sa narinig na napatango tango. "That's great." sambit niya. "Congrats kamo." matagal na niyang hindi nakakausap yung mga kaibigan niya. Sa tuwing pumupunta lang si Six sa bahay niya, doon lang siya nakakarinig ng balita. Swerte na lang kung makakausap niya sa tawag yung mga kaibigan niya nang kumpleto.

"Hindi ka daw pwedeng hindi pumunta."

Umiling siya. Mukhang hindi niya kayang tuparin yung hiling ng kaibigan na makabisita siya ng Pilipinas at maka attend ng kasal. "I can't."

"Pupunta ka."

"You all know how busy I am." paliwanag niya. "I can't attend his wedding. Marami kaming inaayos dito ngayon."

"Hindi pa naman ngayon eh."

"But I'm really busy."

"Kaya nga nandiyan si Klarisse para malaman kung kailan ka free." paliwanag ng kaibigan sa kaniya na ikanakunot ng noo niya. "Para alam nila kung kailan sila ikakasal."

"What—" naguguluhan yung utak niya sa narinig at isa isang pumapasok sa isip kung bakit. "—right."

Ikakasal si Sebun kay Klarisse.

"Nahanap ka naman ba ni Klarisse?" tanong ni Six.

Nabaling yung paningin niya sa direksyon ni Klarisse. Masaya siyang may kausap sa cellphone na nakatapat sa mukha niya, may ka-video call. Hinihinala niyang kaibigan niyang si Sebun yung kausap ngayon ni Klarisse sa call kaya ganito na lang ito ngumiti nang napakalawak.

"Yes."

"Mabuti." sambit ni Six. "Wala ka na talagang takas."

"What?"

"Wala ka ng takas."

"Saan?" naguguluhang tanong ni Raven. Pakiramdam niya parang hindi niya naintindihan yung sinasabi ng kaibigan.

"Wala ka ng rason pa para hindi ka makauwi ng Pilipinas." natatawang sabi ni Six sa tawag na parang nang aasar pa.

"I'll still think about it." sabay baba niya sa tawag.

Pinagmasdan niya si Klarisse na hanggang ngayon ay malawak parin ang mga ngiti sa kausap sa video call. Inoobserbahan niyang mabuti kung gaano nga ba siya kasaya.

Sa katunayan, nung unang kita nila sa America ni Klarisse. Napansin niya na talagang malaki yung pinagbago nito. Palagi ng nakangiti at naging madaldal. Malayong malayo sa nakilala niyang Klarisse noong nasa Pilipinas pa lang siya.

Naging maganda nga siguro yung naging resulta ng relasyon ng kaibigan niyang si Sebun at Klarisse.

At ngayon, nabalitaan niya pang ikakasal na ito.

Kahit naman kinalimutan niya na yung mga taong naging parte ng buhay niya sa Pilipinas, hindi niya paring maiwasang matuwa at mag alala kay Klarisse. Para sa kaniya, tinuring niya talaga itong batang kapatid. Parang pakiramdam niya ngayon, gusto niyang protektahan at takutin si Sebun kung sakali mang may balak itong saktan nang sadya kapag kinasal na sila.

She's really a grown woman now.

Wala sa sariling lumakad siya palapit kay Klarisse na hanggang ngayon ay may kausap sa video call. Gusto niyang kausapin si Sebun at si Klarisse tungkol sa kasal. Sigurado siyang si Sebun yung kausap sa video call kaya naisipan niyang pumasok sa eksena.

"I'm alright." rinig niyang sagot kay Klarisse doon sa kausap.

"Hey." kinawit niya yung braso sa balikat ni Klarisse para sana mang asar sa kaibigan niyang si Sebun pero. . .nagkamali siya.

Para siyang namutla sa nakita. Parang kakawala na yung puso niya sa sobrang lakas ng pintig nito ngayon.

Hindi pala si Sebun yung kausap ni Klarisse.

Yung dating asawa niya.

Si Amber.

Sa kabilang linya, hindi rin nakakilos si Amber sa nakita bigla. Hindi niya aakalain na makikita niya si Eleven sa tabi ng kapatid niyang nakakawit pa yung braso sa balikat.

Hindi naman maiiwas ni Raven yung paningin sa cellphone. Para siyang nanigas sa kinatatayuan na hindi rin maiwasang i-detailed sa isip yung nakikita niyang mukha ngayon sa video call.

Walang pinagbago. Kung gaano kapula yung labi niyang sakto lang ang pagkanipis. Yung itim na itim niyang bagsak na buhok na mas lalong nagpapadagdag ng natural niyang ganda at yung mga mata niya. . .yung mga mata niyang paborito kong titigan noon na nangingintab. May namumuo pang luha na pinipigilan lang bumagsak.

Walang pinagbago. Siya parin yung pinakamagandang babaeng huli kong nakita bago ako makaalis ng Pilipinas.

"Love. . ."

Natauhan siya. Bumalik sa reyalidad yung utak niya. Sa oras na 'to, gustong gusto niyang suntukin yung sarili. Paluin yung ulo. Sabunutan. Lahat na ng pwedeng gawin, gagawin niya.

Hindi niya nagustuhan yung awtomatikong pumasok sa utak niya kanina. Para kasing bigla na lang niyang nakalimutan yung binuong niyang pader sa pagitan ng nakaraan niya.

"Hello. . .bayaw." nagdadalawang isip si Klarisse na kausapin si Raven na ngayon ay hindi mukhang okay sa nakita. Hindi rin inexpect ni Klarisse na bigla bigla na lang susulpot si Raven sa tabi niya lalo na't ngayon na alam niyang kulang na lang ay pauwiin siya ng Pilipinas para lang hindi sila maglapit ulit.

Hindi parin makapaniwala si Amber sa kabilang linya. Nagugulat siya na kasalukuyang nagtuloy tuloy bumagsak yung luha. Nagiging emosyonal.

Napakatagal ng panahon nung huli silang nagkitang dalawa. Ngayon, wala sa kanilang makapagsalita. Hindi alam kung anong gagawin dahil biglaan ang nangyari.

"Bayaw?"

Wala parin sa sarili si Raven.

"Wala kang pasabing lalapit ka eh." sambit ni Klarisse na natatawa tawa sa isip. "Ayan tuloy, nakita mo yung kapatid ko."

Nilapit pa ni Klarisse yung cellphone sa mukha ni Raven para sa kaniya lang maitututok yung camera. "Tutal nakita niyo naman na yung isa't isa sa call, itutok ko na." bungisngis ni Klarisse.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung babati ba siya sa nasa kabilang linya o aalis na lang siya.

Hindi niya aakalain na darating siya sa puntong 'to.

Kung hindi dahil kay Klarisse, hindi mangyayari 'tong insidenteng 'to. Walang mangyayaring ganito.

"L-Love?"

Love?

Nabaling yung tingin niya kay Klarisse. Kitang kita sa mata ni Raven na napakaraming tanong ang gusto niyang masagot ng katabi. Hindi niya lang kayang ibigkas yun lahat. Miski isang tanong, hindi niya maitanong.

Ngumuso si Klarisse sa cellphone para sinenyasan si Raven na tumingin sa call. "Tawag ka." siniko pa siya ng katabi.

Ako? Love?

"Love? Is that really you?"

Nalilito parin siyang tumitig sa video call. Iniisip niya kung bakit siya tinatawag ng Love ng dating asawa. Para bang isang malaking misteryo para sa kaniya yun.

Ang pagkaalala niya, nilinaw sa kaniya lahat na hindi siya mahal nito. Sinabihan pa siya na nasa isip niya lang lahat ng iniisip niya tungkol sa dating asawa. Na malabo na may maramdaman sa kaniya kahit katiting man lang.

"Oh. Thank God." emosyonal pang banggit ni Amber sa kabilang linya. "Nakita na rin kita." hindi rin alam ni Amber kung anong sasabihin niya sa sobrang emosyonal. Nangangatog yung tuhod sa Pilipinas at humihikbi. "Please tell me this is not a dream. Please."

Umiling iling ulit siya, pilit sinusubukang tanggalin sa utak lahat ng nangyayari ngayon. Pilit kinukumbinsi ni Raven yung sarili na mali yung mga naiisip niyang mga sagot sa tanong niya pagkatapos lang siyang tawaging Love ni Amber na isang intimate endearment. Hindi. Malabong maging posible, yan ang nasa isip niya.

At wala na dapat siyang pakialam, yan ang pinapasok niya sa kukote niya. Kung ano man yun, wala na dapat siyang pakialam.

Sinesenyasan niya si Klarisse na itigil niya na yung paglapit sa mukha ng cellphone dahil hindi na siya natutuwa.

"Why?"

"Put your phone away." blangkong ekspresyon niyang utos.

"But—"

Hindi na niya inantay na ilayo yung cellphone sa mukha niya dahil siya na mismo yung nagkusang lumayo.

Nagdire diretso siya sa banyo na nagpipigil ng luha.

Pero kahit na anong pigil niya, bumuhos parin yung luha niya na may hikbi. Nanginginig yung dalawang kamay niyang binuksan yung gripo sa banyo para maghilamos.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya mula kanina pa.

Hanggang ngayon, hindi makalimutan ng utak niya yung mukha nung dati niyang asawa. Kahit pumikit siya, nakikita niya parin. Anong klaseng sumpa nga ba yung binigay sa kaniya ni Amber?

Paulit ulit niyang minumura yung sarili. Pilit binabaon yung nakita. Pilit na nilalagay sa limot.

Hindi siya lumalabas ng banyo hangga't hindi niya naibabaon sa limot yung nakita niyang mukha.

Tangina.

Kanina pa nagriring yung cellphone niya, kanina niya pa hindi nasasagot dahil kanina ay parang blangko lang lahat. Wala siyang naririnig, wala siyang nakikita sa paligid dahil sa nararamdaman niyang emosyon.

Mabilis na may namuong luha sa mata niya. Hindi niya na namalayan na humihikbi na siya. Hindi niya alam kung anong eksaktong dahilan pero ang alam niya, nalulungkot siya. Nasasaktan. 

Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. Pero nanginginig parin ang mga kamay at humihikbi parin. Pero sinubukan niya parin lalo na nung sinagot niya yung tawag sa kaniya sa cellphone niya. "Y-Y-Yep?"

"Kanina pa kita tinatawagan." inis na sagot naman ni Luella. "Kanina busy tapos after maging busy, nagriring lang. What happened to you?"

Napabuntong hininga siya.

Mainit na naman yata yung ulo ng kaibigan niya.

"Sorry, I was talking to Six." paliwanag niya, tinatago yung nararamdaman emosyon ngayon. "And literally. . . busy."

"Pumunta ka sa parking."

"Huh?" nagtakha siya. Ang alam niya wala siya dito dahil nag out-of-town sila ni Ronan.

Wala rin siyang ganang sumunod sa utos ng kaibigan.

"Dali."

"You're here?"

"Bilisan mo."

"Teka—"

Binabaan siya ng tawag. Wala siyang magawa dahil kahit na anong gusto ni Luella ay kailangang masunod lalong lalo na ngayong araw. Kailangan mapagbigyan para hindi makadagdag sa init ng ulo at sa nararamdamang emosyon ng kaibigan.

Nag ayos siya ng sarili at naghilamos ulit. Pinipilit niyang tanggalin yung bakas ng pag iyak niya.

Araw rin ng kamatayan ng yumaong asawa. Natapat sa ceremony ng ribbon cutting. Hindi niya kayang hindian dahil baka magalit lang ito sa kaniya kaya mabilis rin siyang sumunod sa utos.

"Hey." tawag niya sa nakasandal sa kotseng nakahalukipkip na si Luella. Tulala. "I thought you were away?"

"I was."

"Kararating mo lang?"

"Obviously."

Halata nga sa kaibigan na mainit ang ulo. Napabuntong hininga na lang siya at nagdasal na lang na huwag sana siyang pahirapan masyado ni Luella dahil wala siya sa hulog. Sana lang rin na hindi siya mahalata na kaiiyak lang.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? Pwedeng pwede ka naman doon." natulala na naman si Luella. Napansin niya kaagad na hindi maganda talaga yung mood ng kaibigan. "Are you alright?"

Hindi siya sinagot.

"Where's my baby?"

"Iniwan ko muna sa lola niya." sagot ni Luella. "He said he's fine there without me."

"And you went here?"

Hindi na mapigilan ni Luella na maiyak.

"Shh." niyakap niya ito at hinalikan sa tuktok ng ulo. "It's alright. Nandito lang ako, okay?" hinihimas himas niya yung buhok nito para patahanin.

Alam niya kung gaano kabigat nitong araw na 'to sa kaibigan. Sa tuwing dumadaan itong araw na 'to, parati niyang nasasaksihan si Luella na maging ganito kalungkot at kalugmok. Masakit para sa kaniya bilang kaibigan pero may mga ganitong araw talaga.

Lumayo yung mukha ni Luella at tumingin kay Raven. "Let's have. . .sex."

Kumunot yung noo niya. Gusto niyang pisilin sa braso si Luella dahil gumagawa na naman siya ng desisyon para makalimot lang sa araw na 'to.

"Luella, we can't—"

Lumayo siya kay Luella nang akmang hahalikan na siya nito. Naamoy pa niya yung alak. Lasing.

"Why?" takhang tanong ng kaibigan. "Don't you want it?"

"You're drunk." umiling siya. "And you're not in your right mind today."

"I'm fine." ramdam niyang kabaliktaran yun ng sagot niya. "Get in the car."

"May inaasikaso ako sa loob, Luella."

"Mabilis lang."

"No."

"Don't worry, it's my turn to give you pleasure." sa pangatlong beses nilang ginawa nagforeplay, parating si Raven ang nagbibigay ng kagustuhan ni Luella. Walang balik sa kaniya pero ayos lang naman sa kaniya na magpaubaya o mabigay lang yung pleasure sa kaniya.

"No."

Masama naman siyang tinitigan ng kaibigan. Hindi tinatanggap yung sagot niya. "We'll do it. Now."

Pero hindi parin siya sinagot ng oo ni Raven.

Lumapit ulit si Luella para halikan siya. Hindi na siya nagprotesta at tinanggap na lang yung halik na gustong ibigay ng kaibigan.

Pero hindi nagtagal dahil na naman sa nakita ng mata niya. Ibang tao na naman, hindi na naman si Luella.

Si Amber na naman yung nakikita niya habang hinahalikan siya ng kaibigan.

Wala sa sariling naitulak niya si Luella na natamaan pa ng pinto ng kotse sa lakas ng pagkakatulak niya. "I'm s-sorry." paghingi niya ng paumanhin pagkatapos niyang mapagtanto yung aksyon na ginawa niya. "S-Sorry for pushing you. Nabigla lang ako."

"You really don't want to have sex, huh?"

Umiling siya. "Hindi ko pa talaga kaya."

"Ayaw mo na ba dahil ayaw mong makonsensya makipag sex kasi hindi tayo kasal?" diretsong tanong sa kaniya ni Luella. "Fine. Then let's get married."

"Luella." mabilis siyang umangal sa narinig.

"Let's get married."

"No." wala sa kaniya kung kasal o hindi, karapatan yun ng tao na makipag sex. Pangangailangan yun, pero sa tamang paraan. At gusto ng dalawang gagawa.

"Marry me."

Pilit na kinakalma ni Raven yung sarili. Para bang naubos yung pasensya niya kanina kila Klarisse. Nakukulitan na siya sa kaibigan. "You're really drunk."

"I'm not drunk."

"You are drunk."

"Magpakasal tayo."

"Luella." hinawakan niya sa magkabilang balikat ang kaibigan. "You should get some rest."

Tinanggal ni Luella yung dalawang kamay sa balikat. "Seryoso ako sa sinasabi ko."

"Luella—"

"Magpakasal tayo."

Padabog na napahilamos ng mukha si Raven. Inis na inis. Parang wala siyang pasensya ngayon sa tao dahil sa sobrang punong puno na talaga siya sa nangyayari sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Lalo na 'tong araw na 'to.

"Para saan?" hindi niya na mapigilang mainis. "Anong point ng pagpapakasal? Para saan? Enlighten me!" mariin yung mga tanong niya na may taas ng boses. "Bigla bigla ka na lang nag aaya out of nowhere."

"You don't want it?"

"No." mabilis na sagot niya. "I don't want to get married anymore. Dalang dala na ako, Luella. Walang nadudulot na maganda yung kasal."

"Kahit sa akin?"

"Luella." napapahilamos siya sa sobrang inis pero sinusubukan niya paring pilitin ang sariling kumalma kahit papaano. "Alam mo, nadadala ka ngayon ng nararamdaman mong lungkot. I can't do what you're asking me to do kasi sobrang pointless. Hindi ko nakikita kung ano yung point. I can't be your husband, hindi ko kayang ibigay sa'yo yung panandalian mong lunas."

She felt rejected. This is the first time he rejected her.

Alam talaga ni Raven na gumagawa ito ng mga biglaang desisyon sa ganitong klaseng araw. Alam niya rin kung bakit bigla na lang ito nagyayang magpakasal dahil gustong gusto na talaga ng kaibigan na makalimot. Gustong gusto na ng kaibigan na may pumalit na sa yumaong asawa dahil ayaw na nitong mahirapan sa tuwing naalala si Jake.

"Luella, please sana maintindihan mo na hindi ito yung gusto mo. Nadadala ka lang—"

Walang sabi sabing pumasok si Luella sa kotse at pinaandar palayo sa kaniya. Gusto niya sanang habulin para humingi ng sorry dahil alam niyang masama yung loob nito pero wala talaga siyang lakas para mag comfort ng ibang tao ngayon dahil gulong gulo rin yung utak niya.

He knows how spoiled she is. Alam niyang hindi pa niya kayang tanggapin na nireject siya at hindi pinagbigyan sa gusto.

Napapahilot siya ng noo.

Napakarami niyang gustong gawin tuwing nasa ganitong araw siya. Gusto niyang gawin lahat para lang makalimot sa bigat na nararamdaman niya sa yumaong asawa.

Pagkatalikod niya, hindi niya aakalain na makita si Klarisse na nakasandal sa kotse na nakatingin sa kaniya. Nakahalukipkip.

"What are you doing here?" walang ganang tanong niya.

"Sinundan kita kanina."

"Bakit?" irita niyang tanong.

"I was worried about you." sagot ng kausap. "You don't look okay earlier. Gusto sana kitang i-comfort kaso iba na pala yung kino comfort mo kanina."

Hindi na lang niya pinansin at lalakad na sana papasok pero napahinto siya sa huling sinabi ni Klarisse.

"Kamukha niya yung ate ko." kwento sa kaniya bigla. "Galing 'no?" 

Continue Reading

You'll Also Like

430K 12.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
342K 18K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8.7K 380 39
MEND SERIES anong gusto niya? yakapin ko siya? yakapin ko ang rason ng tuluyan pagkasira ng buong pagkatao at pangarap ko? photos used are not mine...
2K 207 27
Dahil sa kagustuhang sumikat sa kanyang larangan, tinanggap ni Jhan Cell Vega ang isang kontrata. Nakasulat rito na kailangan niyang ma-interview ang...