my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 37

251 22 5
By unicachicca

Eleven.

Nagpatunog ako ng leeg at nag stretch ng balikat ko sa sobrang stress at pagod.

Kakauwi ko lang galing trabaho.

Yun ang kailangan kong gawin para malibang ako, maituon ang atensyon sa iba. Kaysa magbabad at magsayang ako ng oras ko dito sa condo ko para mag drama.

Wala akong kagana ganang tanggalin yung blazer ko at ang necktie ko. Parang pagod na pagod ako kahit na nakaupo lang naman ako sa opisina para sa trabaho.

Pero sa totoo lang, isa na rin siguro sa rason kung bakit guston gusto kong pumasok parati ay para makita siya. Nagbabaka sakaling makita ko yung asawa ko doon kahit anino man lang niya. 

Kahit man lang makita ko siya sa opisina, ayos lang. Kahit sa malayo, kahit itaboy ako. Ayos lang. Makita ko lang siya.

Pero wala. 

Kahit man lang saglit sana, pero wala talaga. 

Nanlaki yung mata ko sa narinig kong doorbell. "Asawa ko?" nandito ba siya? Binibisita niya ba ako?

Tila isang musika sa pandinig ko yung doorbell dahil isa lang ang iniisip ko, binibisita ako ng asawa ko ngayon.

"Asawa ko?" hindi ko alam na ganito ako kasaya na marinig kahit yung doorbell lang sa condo ko. Ganito siguro talaga yung kagustuhan kong makita yung asawa ko.

Hindi ko man lang mapigilang ngumiti nang malawak habang naglalakad palapit sa pinto.

Asawa ko. . .ikaw na ba 'to? Gusto mo na ba akong pauwiin?

Kung gaano kabilis kong naramdaman yung saya at kung gaano ako kabilis na napangiti, ganon rin kabilis yung pagbagsak ng balikat ko at mapabusangot nung nakita kong hindi yung asawa ko yung pumunta dito para bisitahin ako.

Si Brie.

Lasing.

"Brie." nginitian niya ako bago siya na-out of balance. Nakng! Buti na lang nasalo ko siya sa kili kili dahil hindi siya makatayo nang maayos. "What are you doing here?" paano niya nalaman yung condo ko?

"Why? Itataboy mo ba ako?"

"You're drunk."

"I know, Chris." mahina siyang natawa. "I know."

"Ihahatid na kita."

"No. . .no. . .no." iling niya at sinubukang tumayo ng maayos. Inaalalayan ko parin siya sa braso dahil hindi niya talaga kayang tumayo nang maayos man lang. "Let me in."

Malalim akong bumuntong hininga. Anong kailangan niya? Bakit nandito siya at lasing na lasing?

"Huwag mo akong itaboy, please." nakaramdam ako ng awa sa narinig kong tono ng boses niya. "Let me stay, kahit saglit lang."

Fine.

"Okay."

Wala namang magagalit.

Mabilis siyang naglakad papuntang sofa ko at pabagsak na humiga. Hindi ko na siya nahabol para alalayan sana dahil mabilis talaga siyang lumakad.

Humiga siya nang may suot na heels, tinapon lang yung bag sa kung saan pati yung blazer niyang suot, kinalat.

Parehas silang dalawa ni April. Ang kalat.

Hindi ko na sana siya pakikialaman dahil mabilis lang siyang nakatulog sa sofa pero hindi ko matiis.

Tinanggal ko yung heels niya sa paa, kinumutan at nilagyan ng unan sa ulo.

Inayos ko rin yung bag niyang nakakalat pati yung mga iba pa niyang gamit.

Umupo ako sa single sofa na katabi lang ng hinihigaan ni Brie at binuksan yung TV. Hindi ko talaga kayang matulog nang may babaeng natutulog sa sala kaya binantayan ko na lang siya hanggang magising siya nang maihatid ko.

Halos naka isang oras na siya sa pagtulog at naglililikot na sa sofa. Naghahanap ng magandang posisyon para makatulog ulit.

Nahihilo yata sa kalasingan.

Hindi na ako makapag focus sa pinapanood ko dahil tumitig na siya sa akin, naka side yung posisyon na niya sa gawi ko. Hindi na talaga nagawang matulog.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko sa kaniya nang nakatingin parin sa TV.

"Will you marry me?"

Mabilis na napatingin ako sa kaniya, nagtatakha. Nagugulat. 

Anong sabi niya?  Kasal? Seryoso ba siya?

"Brie. . ."

"Will you marry me?" ulit niya pa.

Punong puno ng emosyon yung mga mata niya na tila nangungusap. Totoo ngang seryoso siya sa sinabi niya, sa tinatanong niya. 

"What are you saying?" seryoso kong tanong pero mainahon.

"Magpakasal tayo."

"You know I'm married." seryoso kong sagot.

"Kapag napawala na ng bisa yung kasal ninyo." paliwanag niya pa. Sana naririnig niya yung sarili niya ngayon.

Umiling ako, hindi pumayag sa sinasabi niya. "We can't do that." sagot ko.

"Please. . ."

"Napag usapan na natin 'to." seryoso kong paalala dahil mukhang nakakalimutan niya na yung napag usapan namin.

"Sa tingin mo madali lang sa akin yun?"

"Sa tingin mo madali lang rin sakin yung gusto mo?" seryosong balik ko ng tanong pero mainahon parin yung tono ng boses ko. "Hindi yun madali. Hindi rin madali 'tong mga ginagawa mo ngayon sa akin."

"I love you, Chris." mapungay yung mga mata niyang nasambit. Nalulungkot. "I am so into you."

Wala akong masagot. Hindi ko alam yung sasabihin ko dahil ngayon pa lang ako nakarinig nito.

"Pinaramdam mo sa akin lahat ng mga bagay na hinihiling kong iparamdam sa akin ng mga taong akala ko mahal ako." kwento ni Brie na naiiyak. "You made me feel special. Nakikinig ka sa mga problema ko sa buhay, you care for me."

Dahil trabaho ko yun bilang kaibigan mo. Obligasyon kong iparamdam na meron kang kaibigan na handang makinig sa lahat ng gusto mon ikwento.

Pero bakit parang pakiramdam ko mali yung ginawa ko? Parang pakiramdam ko napaasa ko siya?

"Binigyan mo ko ng halaga." sabi niya. "Binigyan mo ulit ako ng rasong mabuhay simula nung nakilala kita. Binigyan mo ulit ako ng pagkakataong umasang may lalaki pa na katulad mo."

Ganun ko ba talaga naiparamdam sa kaniya yung mga bagay na normal ko lang naman ginagawa sa iba kong kaibigan?

"Ang dali mong mahalin." sambit niya. "Pero ang hirap mong kunin, ang hirap mong pakawalan sa isip ko. Pero ayaw kitang sukuan dahil nasa iyo na lahat ng gusto ko." sinserong usal niya. Mas lalo kong nararamdaman na totoo lahat ng mga sinabi niya at nasasaktan siya dahil sakin.

"Mahal na mahal kita at hindi ko maialis sa sistema ko yun." sambit niya. "Sa tuwing tinatakbuhan mo ko, hindi ko kayang hindi ka habulin. Kasi alam kong ikaw lang yung taong may kayang iparamdam sa kin lahat ng mga bagay na gusto kong maramdaman. You treated me as a woman, you treated me as someone special to you. Binigyan mo ko ng halaga."

Parang musika sa pandinig ko lahat ng mga sinabi niya. Hindi dahil natutuwa na nasasaktan ko siya pero dahil sa mga iniisip ko.

Musika dahil finafantasize ko si Amber yung nagsasabi sa akin ng lahat ng 'to.

Musika dahil napaka perpekto sa pandinig nito kung sakali mang si Amber yung nagsabi nito sa akin.

Pero napaka gago kong tao na iba yung iniisip kong babae habang nagcoconfess siya sakin.

Sa kakaisip ko at kakaimagine ko, hindi ko na siya namalayang nakatulog. Humihilik.

"I'm sorry, Brie." bulong ko habang tinitignan siya na natutulog.

Hindi ko maibibigay yung gusto mo. Hindi ikaw yung taong mahal ko. Kung kaya ko lang ituon yung atensyon ko sa'yo, ginawa ko na.

Pero mahirap yun gawin lalo na't may mahal akong iba.

Sana madali lang lahat ng bagay.

Pero hindi.

Pinatay ko yung TV at tumayo. Nakaramdam na ko ng antok. Gustuhin ko man siyang bantayan hanggang sa magising siya pero hindi ko na pakakawalan 'tong nararamdaman kong antok dahil ang tagal ko ng hindi dinadapuan nito.

Inayos ko yung kumot niya bago ko buksan yung dim light para hindi siya ganun kadilim dito.

Tinitigan ko ulit siya nang natutulog.

Napakaganda mong babae.

You're kind and loving.

Pero hindi ko kayang ibigay yung gusto mo. 

Patawad, Brie.

---

Pagkagising ko, nadatnan ko parin na natutulog si Brie sa sofa.

Akala ko nakaalis na siya ng condo, alam ko may trabaho siya ng ganitong oras. 

Mukhang hindi yata makakapasok dahil sa kalasingan kagabi. 

Hinayaan ko na lang.

Hindi na ako nag abalang gisingin siya dahil napaka bastos ko namang tao para gawin yun. Sana maging maayos yung gising niya dahil sigurado akong grabeng hangover yung mararamdaman niya mamaya.

Pero hindi niya na ako madadatanan mamaya pag nagising siya dahil kailangan kong pumasok sa opisina. Kaya kahit wala ako, pinagluto ko muna siya ng almusal at hangover soup bago ako makaalis ng condo. 

Tinakpan ko yung pagkain at nilagyan ko ng note yung mga hinanda ko para sa kaniya. Sana mabasa niya.

Nag iwan rin ako ng gamot at tubig sa tabing lamesa niya. Makatulong man lang sa kaniya.

Hindi ko na talaga siya maantay na magising dahil kailangan ko na pumasok ng trabaho.

Paulit ulit na nga lang yung routine ko. Pasok. Uwi. Pasok. Uwi. Pasok. Uwi.

Nakakasawa lalo na't hindi mo nakikita yung asawa mo. Nakakapagod kapag walang nasa tabi mo.

Hindi ako ganito kapagod nung nandito yung asawa ko sa tabi ko. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito.

Siya lang talaga nakakapag bigay sa akin ng lakas para matapos ko yung araw.

Pero wala siya sa tabi ko. Hindi niya na gustong makasama ako. Gustuhin ko man siyang pilitin, hindi ko magawa. Ayaw na niya kong makita at makasama.

Ngayon na mag isa na lang ako, sinusubsob ko na lang sa trabaho yung sarili ko para man lang maibaling ko yung atensyon ko at nakakatulong naman. Nagiging productive akong tao.

Pero masakit sa dibdib. Nakakalungkot. Nakakasawa mag isip.

Iniikot ikot ko sa kamay ko yung ballpen habang nakapikit. Nakaupo ako sa swivel chair at pinapagalaw galaw ko ito.

Habang nirerelax ko yung utak ko, naisipan ko namang tawagan yung nanay ko sa ibang bansa. Nakauwi na agad siya pagkatapos naming mag usap nung nakaraang araw dahil sa sitwasyon ng lolo ko.

Nahihiya akong tumawag dahil hindi naman kami close. Hindi ko naman siya nakakausap.

Pero kailangan. Gusto kong makausap yung lolo ko kaya kinapalan ko yung mukha.

"Hello, anak?" may pait yung ngiti niya. Base sa nakikita kong background sa video call, nasa hospital siya. Nasa gilid ng hospital bed. "Kumusta ka?"

"Good." wala na kong makapang sasabihin. Hindi ko talaga alam paano siya kausapin. Naawkwardan ako.

"Napatawag ka." sabi niya. Ramdam ko sa boses niya yung pagkamiss sa akin. "May gusto ka bang sabihin?"

"I want to see my Dad—" hindi pala. "—Lolo."

Nginitian niya ako. "Tamang tama, nagising siya." sambit niya. Tinapat niya yung camera sa lolo ko. Sobrang ikinadurog ng puso ko nung makita siyang nahihirapan sa hospital bed. Nangangayayat.

"Dad." tawag ko sa kaniya. Gustong gusto ko siyang yakapin. Gustong gusto kong iparamdam sa kaniya ngayon na mahal na mahal ko siya.

"A. .po. ." nahihirapan siya magsalita. Tumulo na yung luha ko, naaawa. Nasasaktan ako.

Sinabi kong huwag na siyang magsalita kung hindi kaya pero hindi siya nakinig. Sinubukan parin niyang kausapin ako kahit nahihirapan siya.

"I'm. . .so. . .rry."

"No no no. Wala kang ginawang kasalanan sakin, Dad." garalgal kong boses. "I should be the one apologizing to you. Hindi ako nakinig, Hindi ko binigay yung gusto mong bisitahin kita ulit diyan sa America."

Sinusubukan niyang umiling. "You. . .didn't. . . .do. .any. . .thing wrong."

"Uuwi ako, okay?" hindi ko na talaga mapigilan yung mga luha ko. "I'll try to book a flight today, I'll be there tomorrow night."

Sinubukan niya ulit umiling. "Don't. . go. . .home. . . .if. . you're. .still. . ma. . .rried."

"Why is it so important for you? Importante ba ngayon yung annulment?" wala sa sarili kong usad. "You should be my priority. Why are you not letting me go there for you?" hindi ko na naiwasang mainis.

"We've already talk about this, anak." singit ng nanay ko. Paano ko ididiin sa utak ko yun na kailangan kong mag antay tapusin lahat ng obligasyon ko dito sa Pilipinas bago yung lolo ko kung ganito yung nakikita ko ngayong sitwasyon niya?

"I'm. . .so. . .rry." ulit na naman niyang banggit. "For. .forcing. . . .you. . .to. . .ma. . .rry. . .some. . .one. . . .you're. . .not. . .ha. . .ppy. . .with."

I was happy with her.

"I'm. . .just. . .ma. .king. . .sure. . .na. . .iiwanan. . .kitang. . .may. . .pani. . .bagong. . .bu. . .hay."

Umiling akong napapahagulgol. "You're not leaving me." sambit ko. "Gagaling ka. Lulutuan pa kita ng paborito mong adobo, Dad. Please. . .magpagaling ka, okay? I can't."

Ngumiti lang siya. Sinubukang ngumiti.

"Huwag mo kong ngitian lang, Dad."

Malalim siyang huminga. "I. . .will. . .try." nanghihina niyang sabi. "Promise. . me. . .you'll. . .do. . .what. . .I'm. . .asking. . . you. . .to. . .do."

Tumango ako. "Huwag mo lang akong iwanan, Dad." garalgal kong boses. "Sasamahan mo pa kong buuin yung panibagong buhay ko sa America."

Mahina yung tango niya pati yung ngiti.

God, I want to hug him.

Siya yung tumayong tatay ko nung wala akong kinikilalang ama. Siya yung kumuha sa akin sa ampunan na akala ko walang may gustong alagaan ako.

Akala ko wala na tatanggap sa akin. Pero sumulpot siya.

Na totoo kong pamilya.

He was there when I needed a true family. He was there when I had no family beside me.

"I'm sorry, anak." rinig kong singit ng nanay ko. "He needs to get rest."

Nagpahid ako ng luha ko at tumango. Kinalma yung sarili. "Yeah, I actually need to end this call." sambit. "May trabaho ako."

Pinaalalahanan niya kong kumain at alagaan yung sarili. "Ikaw rin." tipid kong sagot sa nanay ko at binaba yung tawag.

Napatakip ako ng mata gamit yung dalawa kong kamay at humagulgol.

Ang bigat bigat. Sobrang bigat.

Ilang kilong problema ba yung nakapatong sa likod ko? Bigat na bigat na kong pasanin lahat ng 'to.

Sinusubukan ko namang ayusin lahat ng problema ko pero palagi namang pinapakumplikado.

Huminga ako nang malalim. Pinapakalma yung sarili ko at pinapahid parin yung mga luha.

Nagsimula na kong magtrabaho na para bang walang nangyaring mental breakdown.

Pero sinong niloloko ko? Kahit nandito ako sa opisina, yung atensyon ko wala dito.

Hindi ako makapag focus.

Ang hirap magtrabaho kapag nahahaluan ka ng emosyon. Kapag clouded yung utak mo.

Yung pagtira ko pa lang sa America, isang malaking isipin na yun. Ito pa kayang lolo ko na may sakit. Yun pa kayang iiwanan ko yung asawa ko nang hindi na kami kasal.

Nang medyo umayos yung pag iisip ko, hindi na masyadong clouded. . .naiisip ko na talaga.

I think I really need to consider leaving and do whatever my Lolo wants.

I need to go. I need to leave.

"Hey, bayaw." napaangat ako ng mukha. Nagbago yung reaksyon niya nung nagtama yung paningin namin. Mukhang nag aalala. "Are you alright?"

Tumango ako. "Yeah." tipid kong sagot. Nilibot niya yung paningin niya sa buong opisina ko. Ngayon pa lang siya nakapasok dito.

"She's not here." kunwari ay alam kong yung ate niya yung pinunta niya dito sa opisina.

"I'm not looking for her." sagot niya. "Ikaw talaga yung pinunta ko dito."

Napabuntong hininga ako. Panibagong problema na naman kaya 'to? Panibagong iisipin na naman ba?

Inutusan ko siyang umupo sa upuan. "Yes? Anong gusto mong pag usapan?" matamlay kong tanong.

"What happened to your hand?" nag aalala yung paningin niya sa kamay ko na mabilis ko namang tinago. "And to your head?" tinago ko na nga yung benda sa ulo ko ng bonnet hat.

"Nothing." tipid kong sinagot.

"Answer me."

"Wala talaga."

"Tell me."

"Klarisse."

"Kagagawan ba yan ng ate ko?" napapataas na yung boses niya.

"No."

Kinukulit niya parin ako pero kahit anong kulit niya, wala siyang makapang sagot.

"Siguraduhin mo lang na walang kinalaman talaga yung ate ko diyan." pagbabanta niya.

Tumahimik na lang ako at hinantay na lang siyang magkwento kung ano yung gusto niyang ikwento o kung ano yung pinunta niya.

Pero wala akong naririnig na kahit anong salita pagkatapos ng huli niyang sinabi.

"Ano yung gusto mong pag usapan natin?" tanong ko.

Napabuntong hininga siya at pinatong yung siko sa lamesa. Hinawakan niya yung sintido ng ulo niya. "I think this is really wrong time to talk about this."

"Go on." matamlay kong sabi. Hindi rin naman siya papayag na hindi mapag usapan ngayon kahit na wrong timing. Pero ayos lang rin naman sa akin.

"Yeah, I really need to talk to you. It's urgent." sambit niya. "I badly need your help."

Anong gusto naman niya ngayong ipagawa sa akin? "What is it?"

"You need to go to the party." bakit? May kailangan ba akong puntahang eighteen-roses? May kailangan ba akong isayaw? May kailangan ba akong alagaaan sa party?

Umiling ako. "I'm not a party-goer, Klarisse." sagot ko habang may pinipirmahan ng papel. "Besides, I'm busy."

"But this is important." sabi na, hindi talaga siya magpapatinag kahit na wrong timing. Sabagay, urgent nga daw.

"Wala akong time para makiparty." wala rin ako sa hulog para magpakasaya dahil meron akong iniisip na trabaho, annulment, buhay, at 'pag migrate.

Wala na akong oras para diyan.

"This is about my ate."

Natigilan ako sa ginagawa ko at tumingin sa kaniya.

Nakakaamoy ako na may ginawa na naman siyang wala sa plano niya. "What impulsivity did she do again?"

"Not impulsivity," napabungisngis siya. "but yeah, she's really impulsive."

"Anong nangyari?" seryoso kong tanong.

Natahimik siya saglit.

"You're. . .acting. . .strange." sabi niya. "May parang nagbago sa'yo."

"What?"

"You're really acting serious." sabi niya. "And you didn't even bother replying on my messages. Hindi ka na rin nagtetext kung kumusta ako. Hindi ka na nangungulit."

Bigla naman ako nakaramdam ng guilt.

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko na nagagawang i-check si Klarisse. Kahit yung iba kong mga kaibigan.

Parang ayaw kong may makausap na iba.

"What happened to you?"

"Nothing important." sagot ko.

"I'm really concerned about you." sabi niya. "If you need to talk about it, I'm here bayaw."

"Thanks, but I'm fine." tipid kong ngiti. Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido pero wala naman siyang magawa dahil hindi ako nagsasalita. Dahil ayaw kong pag usapan. "Pero anong meron sa party?"

"Llabres."

"What?" kunot noo kong tanong. Ano yan? "Pangalan ba yan?"

"Family ng fiance ni Black." sagot niya. Hindi siya nagkukwento ng buo. Nabibitin ako. "And specifically, yung fiance niya."

"Why? You want me to marry her instead?" biro ko.

Nginisian niya lang ako. "She's gonna kill me if I ask you to do that." sabi niya. "But I'm not asking you to marry her. Nagsusupetya lang naman siya na may iba si Black."

Tumango ako. "That's good to hear."

Tumaas yung kilay niya. "How is that good?"

"Bakit hindi?" tanong ko. "She has the right to know. May karapatan siyang malaman na niloloko lang siya ng fiance niya."

"Yeah, you have a point." sabi niya. "Pero hindi niya dapat malaman. . ."

"What?" ngiwi ko.

". . .sa ngayon." sabi niya. "May karapatan siyang malaman pero hindi pa dapat ngayon."

"Are you kidding?" hindi ko na mapigilang mainis. "Kailan pa? Kung kailan kasal na sila ni Black? Black's family are dangerous, it's about time to stop their engagement hangga't hindi pa sila nabibiktima ng Stanford."

"W-What?" base sa reaksyon niya, hindi niya alam yung sinasabi ko. "Dangerous?"

Binuksan ko yung drawer ko at kinuha yung folder. "This." inabot ko sa kaniya.

Binuksan niya yung folder ng punong puno ng ebidensya. Nanlalaki yung mata niya na tinitignan isa isa yung mga laman ng nandoon. "What the fuck?"

"April gave that to me." pinaliwanag ko rin kung bakit may ganyan si April.

"Hayaan mo lang malaman ng Llabres, they have to know he's cheating so they can have the reason to back out with the marriage. Kung kasal na sila at nag merge na ng business, huli na para sa kanila. They have to know, Klarisse."

Hindi siya nakaimik. Seryoso siya sa pagbabasa.

Inaantay ko siyang sumagot pero wala akong naririnig mula sa kaniya. "What do you think?"

"We will let them know about this." sagot niya. "Llabres."

"That's right."

"But not now."

"What?" napataas ako ng boses. Bakit hindi pa ngayon?

"Kapag nalaman ng Stanford sa Llabres na may relasyon si Black at si ate, Stanfords will do anything para mawala sa eksena yung kapatid ko. Worse thing scenario, she's gonna get killed by Stanford." paliwanag niya. "They will do anything para matuloy lang yung kasal ni Black at ni Sasha. Kung sino mang humarang sa plano, may mananagot. May pwedeng mamatay."

"You're really sure about that, huh?" Ang bilis niyang makaisip ng pwedeng mangyari. "Ang bilis mong makaisip ng pwedeng mangyari sa kapatid mo."

Tinaas niya yung isang papel na may picture para makita ko. "Because of this." inabot niya yung isang papel sa kin.

Eliza?

She's been murdered. By Stanfords.

"Who is Eliza?"

"Girlfriend ng kapatid ni Black." sabi niya. Tinuro niya sa papel yung mga informations. "Pinatay siya dahil nalaman ng Stanford na may relasyon silang dalawa ng anak nila habang may fiance siya."

The fuck?

"Ayan ang pwedeng mangyari sa kapatid ko." sambit niya. "Kapag nalaman nilang may relasyon si Black kay ate."

Napahilamos ako ng mukha.

Mukhang marami pa akong poproblemahin bago ako makauwi sa America.

"What should we do?" 

"Go to the party."

"How is this party relevant to this case?" tanong ko sa kaniya. "Gusto mo bang mag relax ako at mag enjoy habang may posibleng mangyari sa kapatid mo?"

"Bayaw." tawag niya. "We will expose their dirty business and illegal acts, but it's not the right time."

"When is the right time?" inis kong tanong.

"We still need to find someone who we can trust, detectives." sambit niya. "At kailangan sila mismo yung makahuli sa akto nito. They can manipulate this if we're not that careful."

Parang bigla akong naistress lalo sa katarantaduhan nila Black. Wala na akong sapat na oras para trabahuin lahat ng ito. Kailangan ako ng lolo ko.

"What's wrong?" tanong niya sakin.

"I don't have time for this." sambit ko.

"Don't worry, I can handle this. I think I have someone who I can contact to." sabi niya. "Kailangan mo lang pumunta ng party sa ngayon. Kailangan hindi sila makahalata na may relasyon sila ni Black. Then saka tayo kikilos para maexpose natin yung pamilya nung gagong yun."

"Bakit ba napaka importante ng party na 'to sa'yo?" tanong ko.

"They will be there," aniya. "Llabres and Stanford."

"Anong gusto mong gawin ko doon?"

"Pupunta rin yung ate ko." sabi niya. "I told her not to go but she's a fucking idiot."

"She's coming with Black?"

Umiling siya. "He's with his fiance." sambit niya. "She knows about that, I don't know why she still wants to go."

"Then why do you want me to be there?" ilang ulit ko ng tanong pero hindi parin nasasagot.

"Magpakilala ka lang na asawa ng ate ko." sagot niya. "I'm sure Sasha will talk to her and ask questions. Be sure na nasa tabi ka lang ng ate ko sa buong party para matulungan mo siya kapag kinwestyon siya sa party ni Sasha. That might help na makabawas sa pagdududa ng fiance."

Umiling ako. Hindi ako papayag, ayaw kong makialam doon. "She doesn't want me to do that." hindi yun hihingi ng tulong mula sakin.

"I'm sorry for being such a bitch for this, pero kailangan mong gawin." pilit niya pa. "I'm sorry kung madadamay ka na dito pero nung una pa lang, nadamay ka na talaga simula nung pinakasalan mo yung ate ko."

"She'll get mad at me kapag nangialam ako."

"So be it."

Natigilan ako. Tinignan ko siya sa mata.

Yung mga tingin niyang parang may maraming iniisip.

She's planning something.

"May pinaplano ka." seryoso kong sabi. "May sarili kang plano sa ate mo." sambit ko.

Ngumisi siya at nginitian ako nang nakakaloko. "Yes." I knew it. "You can't tell her."

"You're uncanny." sambit ko. "Hindi ko talaga kayo maintindihang Luanzon's."

"My plans are better than her's." sabi niya pa na parang niyayabang yun. "Walang patutunguhan yung plano niya. It's very unrealistic, to be honest."

"Paano mo nasabi?"

Napairap siya. "I can't tell the detailed plans of her. Ayaw kong makaramdam ng secondhand embarassment."

"May idea naman ako kung ano yun."

"And that's good."

"What about your plans," aniya. "What is it about?" curious kong tanong sa kaniya. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko yung plano niya dahil baka ikapahamak ko lang rin yung mga iniisip niyang plano.

"It's for the both of you."

"What do you mean?"

"You'll know."

I really don't have time for charades. "Kung hindi mo sasabihin, I won't do it. I won't go to the party."

Mahina siyang natawa. "Nakakatakot ka namang iwanan ng maraming tanong." sambit niya. "Okay, I'll tell you what it is about. Just do what I'm asking you to do."

"Tell me."

Kumuha siya ng ballpen at pinaglaruan niya sa kamay niya. "Where should I start?"

"Just get to the point."

"I just wanted her to realize something. Gusto ko siyang masampal ng katotohanan." sabi niya. "So I made a plan."

"Anong katotohanan ba yung gusto mong maisip niya?" tanong ko. Ni hindi nga nakikinig yung ate niya sa kahit anong sabihin sa kaniyang totoo.

"Na hindi palaging naayon yung pang habang buhay niyang gustong mangyari." sambit niya. Kunot noo akong napasandal sa upuan ko. Wala akong maintindihan. "Na nagbago na yung kapalaran at pagtingin niya."

Tinignan ko siya na nagtatanong. Mukhang nabasa niya yung iniisip ko. "Hindi mo naman kailangang intindihin ngayon, mas importante ngayon satin na magwagi ako sa plano ko sa plano ng kapatid ko."

"Baka naman ikasira ng buhay ko yang pinaplano mo, Klarisse."

Ngingisi ngisi parin siya at umiling. "Pasasalamatan mo pa ko sa mga plano ko."

Bumuntong hininga ako. "What do you think?" tanong niya.

"I'll go." sabi ko. Kung ano man yung pinaplano niya, hindi na ko makikialam. "But in one condition." basta ba tutulungan niya ko dito.

"What is it?"

"You'll help me with my plans."

Natawa siya. "Oh, may plano ka rin." tumango tango siya na natatawa nang mahina. "Cool."

"Are you willing to help me?"

"What are your plans then?"

"To expose Stanfords."

"Soon." sabi niya.

Isang mahabang buntong hininga yung pinakawalan ko. "Fine, soon." sagot ko.

"What else?"

"Help me get an annulment." sambit ko. "Kailangan ko kaagad yun."

Natahimik siya. "Annulment?"

"Yes, an annulment." sagot ko.

She looks so excited. "You look so. . .excited." takha kong sabi.

"Naaayon sa plano ko yung mga plano mo." ngiti niya. "I'll do it, don't worry."

"What kind of plan do you have, Klarisse?" hindi ko na talaga mapigilang mas mapatanong sa mga plano niya. "Gusto mo ba talagang mapaghiwalay kami?"

"It's not that I like you both to get separated," aniya. "I just need to help her realize something. . .in a harsh way."

"Yeah, sure. Do whatever you think you need to do." sambit ko. "Please make sure to do it as fast as you can. I need it before I leave."

"Leave?"

Tinignan ko siya. Nagtatakha yung mga tingin niya. Bakit niya ko tinitignan ng ganyan?

"You're leaving?" tanong niya.

"I have to sell our stock, Hernandez stock from the company." sambit ko. "If you can find someone who have interest to buy our stock, sabihan mo ko. If walang makabili sa oras na makaalis ako, I'll leave our stock on your family. No need for the amount of money, wala akong habol na kahit anong centavo kung kayo yung makakakuha."

"Y'all. . .leaving the company?" tanong niya. "Where the hell are you going?"

Ngumiti ako nang tipid. "I'm not coming home." seryosong sabi ko.

"Why?"

"It's a gift for your ate." sabi ko. "It's also a. . .gift for my. . Lolo. . . or for me." I guess.

I wish. . .it's really a gift.

Sana may buhay talagang nakaabang sa akin doon.

She looks so speechless.

"You're not saying anything." sabi ko. Natahimik talaga siya nang napakatagal. "So it's a no?"

Umiling siya. "I think it's a good plan." sabi niya. "It's interesting."

Nagsalubong yung kilay ko. "Are you sure?"

"Yeah." tango niya. Nagdududa ako. "It will help my plans get better. A good plan, bayaw."

"Pati yung pag alis ko, kasama na sa plano mo?" tanong ko, nagtatakha.

Nginitian niya ko ng tipid. "It's quite interesting." sambit niya. "Magandang move para sa plano ko, bayaw."

---

Isang malalim na buntong hininga yung pinakawalan ko nung nakapasok na ako sa loob ng formal party.

Maririnig mo kaagad yung nakaka relax na jazz version ng Every Breath You Take na pineperform ng mga musikero sa itaas ng stage.

Napakasarap sa tenga, nakakatulong sa akin na makaramdam man lang ng kaunting relaxation.

Hindi talaga ako mahilig sa party. Mas lalo na sa ganitong party na napaka pormal.

Maraming mga bumabati sa akin na mga babaeng may mga hawak na wine glass na hindi ko kilala pero halatang gusto nilang kunin yung loob ko. Gustuhin man nilang kausapin ko sila, wala akong oras para doon.

Nilibot ko yung paningin ko, hinahanap ng mga mata ko yung rason ng pinunta ko dito. Nasaan ang asawa ko?

Wala akong makitang Amber.

Nasaan siya?

"Hey, bayaw." nabaling yung tingin ko kay Klarisse na hindi ko kaagad napansin na lumalapit na pala sakin. "I was nervous, I thought you were gonna ditched me."

"I'm here."

Tinignan niya yung buong awra ko. "You look cool." sabi niya. "Ang gwapo mo." walang emosyon niyang puri.

Matipid ko lang siyang nginitian.

"Where's your ate?" tanong ko. Nag aalala ako dahil baka hindi na namin mapansin na may nakapaligid na sa kaniyang Stanford o Llabres.

Tinuro niya yung direksyon ng asawa ko.

Parang bumagal yung buong paligid dahil sa nakikita ng mata ko. Napakaganda niya sa suot na pulang dress na may katamtamang taas na heels. Naka make up siya pero kahit wala siyang suot na kolorete sa mukha, pareho parin yung ganda ng asawa ko.

May halong pait yung saya ko na nakikita ko siya sa malayo.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

Sobrang miss ko na siya.

"Nakita mo na?"

"Who is she talking to?" tanong ko. May kinakausap siya na matandang babae at lalaki. Iniisip ko na baka magulang ni Black o 'di kaya magulang nung fiancè ni Black, si Sasha.

"Some potential investors, I guess." sabi niya. "They're not Stanfords nor Llabres."

"Good."

"But bad news." sambit niya. Kinunutan ko siya noo. "May nakatingin na sa kaniya."

Hinanap ko kung sino yung nakamasid sa asawa ko.

"She's being watched." mukhang napansin niya na hindi ko makita kung sino yun kaya tinuro niya ulit kung nasaan yung tinutukoy niya.

Si Sasha. Si Sasha na naka cling sa braso ni Black.

Base sa ekspresyon ng mukha niya, nag aantay lang siya ng pagkakataon na makalapit sa asawa ko.

Kumuha ako ng wine glass sa umiikot na waiter na may hawak hawak na tray.

"Take care of it, bayaw." sambit niya. "She's going to talk her. Siguraduhin mong nasa tabi ka lang niya."

Napainom kaagad ako ng wine.

Nag iipon ako ng lakas ng loob para sa gagawin ko. Alam kong magagalit yung asawa ko kapag nalaman niya na nandito ako at magpapa kilalang asawa sa harapan ni Black at ni Sasha.

Kung ano man yung mangyari, sana makayanan kong i-handle yung galit niya sakin.

Habang nag aantay ako ng pagkakataon na dikitan yung asawa ko, pasalit salit yung tingin ko kay Amber pati sa boyfriend niyang kasa-kasama yung fiancè.

Paano niya kinakaya yung ganitong pagkukunwari? Paano niya kinakayang umaktong normal lang lahat ng 'to?

Ako na lang yung naawa sa asawa ko.

"Get ready." sabi ni Klarisse. "Naghahanap lang ng paraan makalapit si Sasha."

Napapahid ako ng labi. Hindi pa buo yung loob ko. Yung thought pa lang na magagalit yung asawa ko sakin, hindi na kinakaya ng utak ko.

"Are you alright?" rinig kong tanong.

She doesn't look okay. I don't know if she's tired or. . .hurting right now.

I can see it in her eyes. She's not okay.

"Bayaw." niyugyog niya yung braso ko. "You're spacing out."

"I'm good."

May lumapit sa akin na hindi ko kilalang babae. Lasing na lasing. Hindi diretso yung pagkakatayo. Sinusubukan niyang makipag usap sa akin pero wala akong maintindihan ni isa dahil gibberish na yung pananalita niya, dahil siguro sa kalasingan.

Papikit pikit na yung mata niyang tumititig sakin. "Miss?" hindi na siya mukhang okay. Actually kanina pa pero mas lalong hindi siya mukhang okay ngayon.

"Shit." bumagsak siya sa dibdib ko. "Miss?"

"Damn it." rinig kong bulong ni Klarisse. Hinatak niya yung braso nung babae at kinawit sa balikat niya. "I'll handle this, bayaw. Focus on my ate."

Nawala sa isip ko yung binabantayan ng paningin ko.

"Shit." anak ng!

Nawala lang saglit yung paningin ko, magkausap na kaagad silang tatlo.

May kung anong adrenaline na nag utos saking inumin lahat ng natitira kong alak sa kamay bago magmadaling lumapit sa gawi nila.

Habang lumalapit ako, marami akong napapansin sa kanila.

Mas lalong dumikit si Sasha kay Black habang kinakausap nila yung asawa kong sinusubukang ngumiti nang may postura.

Paniguradong pinagseselos ni Sasha si Amber para mahuli niyang may namamagitan talaga sa asawa ko at kay Black.

"You know what? If ever na may babaeng umaaligid sa fiancè ko," rinig kong bitaw na salita ni Sasha. "kakaawaan ko. Kapag tinuloy niya pa yung paglapit sa fiancè kong 'to, ewan ko na lang. Ikaw, what do you think you'll do if this could happen to you?" rinig ko pang usal ni Sasha bago ako makalapit nang tuluyan.

Pagkalapit ko sa asawa ko, kinulong ng braso ko yung kaliwang bewang niya. "Hey." naramdaman kong nanigas siya sa pagkabigla.

Tumingin siya sa akin na nagtatakha. Nginitian ko siya na para bang walang tinatagong sakit at pagod. "I'm sorry for being late." hinalikan ko nang mabilisan sa labi.

Takhang takha akong tinitigan ni Sasha. Nagulat rin sa pagpasok ko.

Pati yung tukmol niyang fiancè.

"Hello." bati ko sa kanila. "Hello, Black. Good to see you here." may pakla sa pagbati ko sa kaniya. It's not really nice to see his face.

"H-Hey."

"You must be. . ."

"Oh, I'm Eleven." pagpapakilala ko.

"Boyfriend?"

"Husband." sagot ko nang nakangiti. Tinignan ako ni Black at ni Sasha na gulat na gulat.

Yes, we're married. Black.

We are married.

"Happily married." sinsero kunwaring sabi ko. "You must be Black's fiancè?"

"Yes, I'm Sasha." ngiti niyang sabi. "Magkakilala pala kayo ni Black."

"Yes, of course. We're friends." sagot ko. "Nakilala ko siya sa asawa ko, they're friends since college pa."

Napasulyap ako kay Black. He doesn't look comfortable.

Pinilit kong maging madaldal at maging friendly yung conversation naming apat habang sinusubukang bigyan ng rason at statement si Sasha ng kung ano anong klaseng kwento para mawala yung pagdududa niya.

Mukhang nakumbinsi ko naman si Sasha. Halata ngayon sa tono niya. Wala na yung pamamlastik na tono, sinsero na yung pakikipag usap sa akin at kay Amber.

Panakaw nakaw ako ng tingin kay Black. He's trying to maintain his posture.

Pero lalaki ako, kanina pa niya ko gustong sapakin.

Napansin kong naubusan na ng energy yung asawa ko. Hindi na kinakayang magkunwari.

"Are you okay, asawa ko?" may lambing yung tono ng boses ko. "Do you want to sit?"

Tumango ito at pinilit paring ngumiti.

"She doesn't have enough sleep kaya mabilis maubos yung energy niya." paliwanag ko sa kausap namin. "She needs to sit, if you don't mind."

"No! It's okay, we can talk some other time." sabi ni Sasha. "Pwede tayo mag set ng dinner sa ibang gabi, if that's okay with you both."

No need. "Walang kaso samin." sabi ko. Tinanguan ko si Black na nagpaalam.

"You alright?" bulong ko sa asawa ko nung nakaalis kami sa harapan nila.

Hindi niya ako sinagot.

"Mukhang nakumbinsi naman natin si Sa—"

"What are you doing here?" may maawtoridad yung boses niyang tanong sakin.

Dito na yata talaga magsisimula yung kalbaryo ko ngayong gabi.

Haharapin ko na yung galit niya sa ginawa kong pakikisali.

"Sumagot ka."

"Let's talk later." sabi ko.

"Sumagot ka."

Napapikit ako saglit. Hindi niya ko titigilan hangga't hindi ako sumasagot. "I'm here for you."

"For me?"

"I'm saving you."

"You don't fucking need to." mariin niyang sambit.

Imbes na makaupo kaming dalawa ni Amber, kinakausap kami ng mga curious na mga business minded dito sa party tungkol sa kumpanya namin.

Pinipilit naming ipakita na okay kaming dalawa na kausapin ngayon pero habang kinakausap kami, hindi nakikisali sa usapan yung asawa ko.

Kaya pinutol ko yung usapan at naghanap na talaga ng mauupuan.

Habang naglalakad kami, nararamdaman kong may nakatingin sa amin at totoo nga, si Black.

He looks so pissed.

You should be thanking me instead of being furious.

Uupo na sana kami ng asawa ko kaso hinila niya ko sa braso ko.

Hinihila palabas ng party.

Hinahanda ko na yung sarili ko sa posibilidad na ibubuhos niya yung galit niya sa akin.

Huminto kami sa tapat ng sasakyan niya. Masamang masama niya kong tinitigan. Mapapaiwas ka na lang talaga ng tingin. "Get the fuck in."

Sumunod na lang ako.

May karapatan naman siyang magalit. Dahil mukha talagang nasira ko yung isang plano niya. Nangialam ako, nanghimasok ako.

Pero para sa kaniya naman lahat ng yun. Hindi para sa pang sariling kagustuhan ko.

Mabilis yung pagmamaneho niya. Hindi ko alam kung saan ako matatakot, sa galit niya o sa delikadong pagdrive ng asawa ko.

"I'm sorry." sinsero kong hingi ng paumanhin. Nauntog yung ulo ko sa sandalan dahil sa biglaang todo niya ng gas.

Mukhang mas ginalit ko pa lalo sa sinabi ko.

Tumahimik na lang ako buong byahe. Mukhang mas nagagalit ko siya kapag nagsalita ako.

Halos masubsob yung mukha ko sa windshield dahil sa biglaang preno niya. Para akong mababalian ng leeg nito.

Sa sobrang bilis niya magpatakbo ng kotse, ilang minuto lang at nakarating na kami sa tapat ng bahay.

"Get the fuck out." tinanggal niya yung seatbelt niya. "Now!" bumilis yung kilos kong bumaba dahil sa sigaw niya.

Kahit anong handa ko dito, hindi ko parin alam kung paano i-handle 'tong galit niya. Tila siya nag aapoy sa galit.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, may lumipad na kaagad na kamay sa mukha ko.

Isang malakas na sampal. Kaliwa't kanan.

Pinagsusuntok niya yung dibdib ko atsaka tinulak ako nang malakas.

Napayuko na lang ako.

Paano ba kita pakakalmahin, Amber?

"I'm sorry." may lumipad pa na libro sa ulo ko.

Tangina.

"You made a mistake!" sambit niya.

"It's not a mistake."

"You fucking introduce yourself as my husband!"

"As I should." sagot ko. Trabaho ko yun bilang asawa mo, trabaho kong tulungan ka o protektahan ka sa punyetang pamilya ng Stanford.

Binato niya naman sakin ngayon yung plastik na upuan. "Amber."

"HINDI MO DAPAT GINAWA YON."

"Nilalayo lang kita sa Stanford." sambit ko. "Nilalayo lang kita sa kapahamakan." sana naman maintindihan niya.

"Ikaw dapat yung lumalayo sa akin!" galit niyang sabi. Halos pumutok na yung ugat niya sa leeg sa kasisigaw. "Ikaw yung pinapalayo ko!"

"Amber." sinusubukan ko siyang pakalmahin para sana makapag paliwanag ako kung bakit.

Pero hindi.

"Ang tanga ng ginawa mo!"

"I DID IT FOR YOU." hindi ko na mapigilang magtaas ng boses. Hindi niya ako naiintindihan.

Sinampal niya ulit ako. "Katangahan yung ginawa mo!" ulit niya pa.

Jesus Christ.

"I did nothing wrong." sabi ko pero may halo paring inis. "Wala akong ginagawang masama, Amber."

"YOU FUCKED MY PLAN."

"Ginawa ko lang yung tama, Amber!" sabi ko. "Kinailangan ko yun gawin—" nabato na naman ako ng gamit.

Shit.

"Nagpakilala ka bilang asawa ko, para ano? Para ipamukha kay Black na ikaw yung nagmamay ari sa akin? Para ipamukha sa kaniya na may asawa na ako? Na hindi na dapat siya nakikipag relasyon sa akin? Ganun ba?"

"What the hell are you saying?"

"Huwag ka ng mag maang maangan!"

"That's not my intention."

"IT FUCKING IS!" sigaw niya ulit. "You're already desperate, desperado ka dahil hindi mo ako makuha kaya ginagamit mo na 'tong kasal natin kay Black para makauha mo ko!"

I can't believe this.

"Hindi yan ang purpose ko—"

"Hindi mo ako makukuha." mariin niyang sabi. "Wala kang makukuhang kahit anong katiting na pagmamahal sa akin kaya kung ano man yang iniisip mo, hindi mangyayari yung gusto mo!"

Parang may kung anong klaseng bugbog sa puso ko yung narinig ko.

Sinasampal niya ko ng katotohanan kahit alam ko naman na.

Mali siya ng naiisip. Hindi ko ginagawa 'to para sa sarili ko.

Susubukan ko paring magpaliwanag hangga't maari. "I'm trying to help you out—"

"Ah, so nagpapaka hero ka?" napahalukipkip siya. "Nagpapaka bida ka para maisipan kong mamahalin kita sa pagpapaka hero mo."

Damn it.

"Amber. . ."

"Itatak mo sa utak mo na hindi kita kayang mahalin." mariin niyang sabi. "Kahit na anong pagpapaka hero pang gawin mo, hinding hindi kita mamahalin!"

Tangina.

"I. . .know. . ." nakayuko kong sagot. Iniiwasan kong maging emosyonal pero sobrang sakit ng mga binibitawan niya.

"Nakakaawa ka." sabi niya.

"Hindi porket na kasal tayo, may karapatan ka ng manghimasok sa buhay ko! Nagpakasal lang ako para sa negosyo. Wala kang karapatan magdesisyon para sa buhay ko!" pilit kong kinakalma yung sarili ko sa mga naririnig kong mga salita niya. "Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, ikaw at ang kasal yung bukod tanging hinihiling kong hindi sana nangyari! Hindi sana kita nakilala kung ganito yung dulot mo sakin."

"CAN YOU JUST LET ME EXPLAIN MY SIDE?"

"ANO PANG KAILANGAN MONG IPALIWANAG?"

"MY SIDE."

"IT'S FUCKING POINTLESS." sabi niya. "YOU DID IT FOR YOURSELF. YOU ARE SELFISH."

"I am not selfish!" taas ko ng boses. "I did it for you! Ginawa ko yun para sa relasyon niyong dalawa dahil malapit na kayong mahuli. I helped you, tinulungan kitang makaiwas sa Stanford sa maliit na paraan o tulong na yon. Kayang kaya ka nilang patayin dahil nagawa na nila yun sa girlfriend ng kapatid ni Black!"

Putangina. Hindi ko na mapigilang magtaas ng boses.

"Matagal ko ng sinuksok sa utak ko na hindi mo ko kayang mahalin, na hindi ko makukuha yung puso mo." gumaralgal yung boses ko. "Ayaw kong makialam sa plano mo pero kinailangan lang dahil delikado ka sa kanila. Kailangan kong manghimasok dahil hindi ko kayang manahimik lang habang may alam sa pwedeng mangyari sa'yo!"

Natahimik siya.

"Wala akong ibang gusto kundi yung safety mo." sabi ko nang tumutulo na yung luha. "Kung nakakaawa ako sa paningin mo, okay lang. Alam ko naman sa sarili ko kung para saan 'to."

"You made my plan worse."

"Your plans are pointless." sampal ko ng katotohnan sa kaniya. "Walang magandang maidudulot yung plano mo dahil kahit anong gawin mo para sa inyong dalawa ni Black, mapapasama ka lang. Walang patutunguang maganda sa buhay mo."

Kinwelyuhan niya ako. "Shut up, shut the fuck up!" bumubwelo na siyang suntukin ako sa mukha pero hindi ako nagpatinag.

"GO! PUNCH ME." sabi ko na para bang wala akong kinatatakutan ngayon. "Suntukin mo ako!"

Hindi niya natuloy pero nasa ere parin yung kamao niya. Parang nag aantay lang na makapagsalita ulit ako ng kagaguhan para masuntok niya ko.

"Mahal kita, Amber." gumaralgal na naman yumg boses ko. May namumuo na namang luha at matinding lungkot.

"Gusto mo lang akong agawin kay Black." bakit ba ang hirap hirap sa kaniyang makinig? 

"Tangina." mura ko. "Mahal kita, pero wala akong intensyong agawin ka kung kanino pa kahit kasal ako sa'yo dahil alam ko yung totoong posisyon ko sa'yo." halos ilang beses mo ba namang sinuksok sa utak ko na hindi mo ko kayang mahalin.

"Kung naiisip mong ginagawa ko 'to para sa sarili ko, para makuha kita. Nagkakamali ka." sabi ko. "Kasi una pa lang, alam ko ng hindi kita makukuha. Alam kong nasa iba yung pagmamahal mo kaya hindi ako umaasa ng kahit na ano."

Punas ko sa luhang tuloy tuloy na dumaloy sa pisngi ko.

"Pero tama na, Amber. Tama na yang mga plano mo sa inyo ni Black. Hindi ko kayang tignan ka na nabibigatan diyan sa plano mo. Hindi ko na kayang manahimik na lang. Ganun kita kamahal."

Napabitaw siya sa kwelyo ko at tumingin sa kung saan. Tuloy lang ang pagpahid ng mga luha ko sa pisngi.

Kahit siya, may pinapahid na luha.

"Baka sabihin mong sinusumbat ko 'tong nararamdaman ko sa'yo, ah." iba ka pa naman mag isip. "Wala akong sinusumbat sa'yo, pinapaintindi ko lang sa'yo kung ano yung katayuan ko ngayon kasi tao parin ako. Nakakaramdam na kailangan tulungan ko yung taong mahal ko."

Hindi na siya nakakaimik.

Sumasakit na yung ulo ko sa kakaiyak.

"Huwag kang mag alala," aniya. "pagkatapos nung ginawa ko kanina, hindi na kita guguluhin. Hindi na kita gagambalain, hindi na ko mangigialam." sambit ko.

"Y-You should be." parang hindi pa sigurado yung pagkasabi niya.

Napapahid na naman ako ng luha. "Aalis na ko." hindi mo na ulit ako makikita.

"Hindi mo na kailangan pang magpaalam."

Mahina akong natawa sa isip ko. "Right." huwag kang mag alala, kahit sa pag alis ko sa tabi mo, hindi ka magagambala.

Tumalikod na ako at sinusubukang maglakad kahit nanginginig yung parehong tuhod ko.

Pagkalabas ko ng bahay, sinusubukan kong hindi maluha na naglalakad palabas ng village.

Masakit. Sobrang sakit.

Napaupo ako sa gutter ng kalsada at humahagulgol. Hindi ko na kayang itago lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nakakapagod, Amber.

---

 Wala ako sa sariling umuwi ng condo.

Hindi ako makatayo nang maayos dahil sa kalasingan ko.

Nabitin pa nga ako sa iniinom ko pero hindi na ko pinagbigyan ng kaibigan kong bartender na uminom nang uminom.

Gusto kong lunurin yung sarili ko sa alak pero ang hirap kapag may pumipigil sa'yo. Parang mas asawa ko pa siya kaysa sa totoo kong asawa.

Ipa-kick ko siya sa bar eh.

Gusto ko pa talagang uminom dahil nandito parin yung galit at sakit na nararamdaman ko sa nangyari kanina.

"You're here!" fuck.

She's still here. Bakit hindi pa siya umuuwi?

"Maganda yung pinapanood ko, nood tayo." sambit niya habang lumalapit sa akin. Napahawak ako sa bar counter para makuha ko yung balanse ko. Nahihilo talaga ako.

"Are you drunk?" tanong niya.

Obviously.

Tinanggal niya yung coat ko at niluwagan yung necktie ko. "Para man lang mapreskuhan ka."

Nahihilo ako.

"Why are you still here?" lasing yung boses kong tanong.

"Inaantay kita." sabi niya.

"For?"

"Para mag thank you." sabi niya. "You took care of me kahit na nasa trabaho ka."

"You don't have to."

"Pero ayaw ko pa talagang umuwi." ngingiti ngiti niyang sabi. "Gusto ko sana bumawi sa ginawa ko nung nakaraan."

Tinignan ko yung mukha niya pababa sa labi niya na tuloy tuloy parin sa pagsasalita.

Wala na yung utak ko. Hindi na nakikinig sa mga sinasabi niya dahil may boses akong naririnig sa sarili ko.

She can take care of me.

She can accept me for who I am.

And she loves me.

"Chris?"

Nabaling yung tingin ko sa mga mata niya na nakatingin sa akin. "You're. . .spacing out."

Maybe I can love her.

Maybe I could try.

Baka pwede kong gawan ng paraan.

Hindi naman ako mahal ng asawa ko. Hindi niya naman ako kayang suklian ng pagmamahal.

"Why are you staring like tha—" hindi ko siya pinatapos dahil siniil ko na siya ng halik.

Naramdaman kong nabigla siya pero agad naman siyang bumabawi ng halik.

Siguro kaya ko, kaya kong kalimutan ka. Kaya kong magmahal ng iba.

Hindi niya ko sasaktan katulad ng ginagawa mo sakin, asawa ko.

Humaplos yung mga kamay niya pataas sa dibdib ko. Kinawit niya yung dalawang braso sa likod ng batok ko habang hindi parin naghihiwalay yung mga labi namin.

Sana ikaw na lang 'to, asawa ko. Sana ikaw na lang yung taong kayang mahalin ako.

Binuhat ko siya at inupo sa kitchen counter at tinuloy ulit halikan siya.

"I love you."

Buti pa siya, asawa ko. Buti pa siya.

Hindi ko na napigilang itago yung emosyon ko. Habang hinahalikan ko siya, may mga luhang pumapatak sa mata ko.

Nailayo ko yung mukha ko sa kaniya. Tumuloy tuloy yung luha kong umagos.

I really can't do this.

I fucking can't.

Wala na. Hindi ko na makontrol yung emosyon ko. Humahagulgol na ko nang humahagulgol sa harapan niya.

Ramdam kong tinitignan niya ko na naluluha pinipigilang itago yung luhang gusto niyang pakawalan.

"You really can't love me." ramdam ko yung emosyon niyang nasasaktan nung binitawan niya yun sakin.

"I want to try." sambit ko. "But I can't."

Hinawakan niya yung pisngi ko at tinitigan ako sa mata. "Subukan natin."

Umiling ako.

"You can use me." sabi niya. "I can help you forget her."

Umiling ako at napapahid ng luha. "I can't do it. Ayaw kong gumamit ng tao para lang dito."

"But I can help you."

Umiling ako. "No." sambit ko. "Parang hindi ko na nirespeto yung dignidad mo, I'm not that kind of person at ayaw kong maging ganung tao."

Hindi siya nakaimik.

Pero kitang kita sa mukha niya kung gaano siya nasasaktan.

"Ganito pa lang na nakikita kitang nasasaktan ko, hindi ko na kaya." sabi ko.

Napayuko siya. "W-Wala ba talaga akong pag asa sa'yo?"

"We can't be together." paliwanag ko. "Hindi ko na yata kayang alisin siya sa sistema ko. I love her so much kahit ang sakit sakit. Even if it's killing me."

Natahimik siya. Matagal na matagal na nanahimik.

Halos kalahating oras ko siyang inantay na makapagsalita.

"She's so damn lucky." pinahid niya yung luha niya. "I wish I was her."

"I wish I could give the love you deserve."

Bumaba siya sa pagkakaupo sa kitchen counter.

"I'm sorry, Brie." sinsero kong sabi. "But you deserve better than me. Hindi mo deserve mag settle for less para sa akin."

Malalim siyang huminga.

"I hope you understand."

Tumango siya. "I get it now." tipid niyang sagot. Seryoso yung mukha niya.

Kinuha niya yung bag niya at yung blazer na suot niya kagabi.

Bago niya buksan yung pinto, lumingon muna siya sa akin na parang maraming gustong sabihin.

Pero ni isang salita wala akong narinig sa kaniya nung lumabas siya ng condo.

Pagkatapos nitong gabing 'to, hindi ko na nakita pa siya muli. Hindi niya na ko kinausap kahit ano mang text.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2K 1.2K 66
She wants to end her life. But... Someone saved her from her suicidal thoughts...
22.8K 556 51
#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawa...
8.7K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...
192 69 26
Serye Bahaghari #2: Therlyn Ruiz is a patience individual, sweet and caring partner to Valerie "Val" Nepucemo. On the other hand, Val is loving, ki...