my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 36

423 24 13
By unicachicca

Eleven.


Masama yung tingin sa akin ni April na nakahalukipkip. Nagtatanong yung tingin, nag aalala.

Napaiwas ako ng tingin sa hiya. Naupo ako at sinandal ang likod sa headboard ng hospital bed.  

Shame on me.

Siguro kinakaawaan na ako nitong kaibigan ko sa itsura ko ngayon.

"You can go home now." nakaiwas parin yung tingin ko nung sinabi ko yun. Hindi parin mawala yung hiya ko. "Thank you sa abala."

"Anong nangyari?" tanong niya. Sunod sunod yung mga tanong na binato niya sa akin. Binubungangaan ako.

Pero walang lumabas na kahit anong sagot sa bibig ko.

May mga benda yung ulo ko pati yung kamay ko. Buti na lang daw nadala ako kaagad sa hospital dahil baka maubusan ako ng dugo. May mga tinahi rin sa ulo ko.

At ako rin yung may kasalanan ng lahat ng 'to.

"Paano kung hindi pa ako pumunta ng condo mo?" nakapamewang naman na siya ngayon. Para siyang nanay ko. Tinatalakan ako. "Paano na lang kung nandoon ka parin ngayon?"

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko pinapatulan.

"Sino may gawa sa'yo nito?"

Ako lang naman yung gumawa nitong lahat. Kasalanan ko. Napuno ako, nagalit ako sa sarili ko.

"Sino?" tanong niya. Halata sa boses niya na hindi siya titigil hangga't hindi ako sumasagot. "Sino?"

"Ako."

Napakunot ng malala yung noo niya at mas lalong nameywang. Nagtatakha sa naging sagot ko.

"Ikaw?"

Ako lang.

"Bakit?"

"Wala."

"Anong wala?" irita yung boses niyang singhal. "Paanong wala? Anong rason?"

"Wala nga." pagmamatigas ko. Hindi niya naman na kailangan malaman. Saka alam ko, paalis na siya ng America. Bakit siya nandito?

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Kahit naman magsabi ako ng totoo, hindi ka parin maniniwala." sagot ko. "Atsaka bakit ka nandito? Akala ko ba aalis ka na papuntang America?"

"Minove ko yung araw ng alis ko." sagot niya. "May kailangan kasi akong sabihin sa'yo."

"Ano yun?" seryoso kong tanong. Seryoso rin yung mukha kong tumingin sa kaniya.

"You should answer me first." sambit niya. "Sagutin mo lahat ng tanong ko bago ko sabihin yun sa'yo."

"What is it?" tanong ko padin kahit na sinabi niyang hindi siya sasagot sa akon hangga't 'di ko siya sinasagot.

Pero nagmamatigas rin siya. "No, I won't tell you hangga't hindi ka nagsasabi kung bakit yan nangyari."

Fine. "Then don't tell me."

Tinignan niya ako na parang nabigo sa pinapagawa sakin. "Tell me."

"I already did."

"Hindi ako naniniwalang magagawa mo 'to sa sarili mo."

Nagawa ko na nga. 

"Ginawa ba 'to sa'yo ng asawa mo?" inis niyang tanong. "Kung oo, tatawag ako ngayon ng pulis! She deserve to rot in jail!"

Natawa ako sa inis. "Sinabi ko ngang ako!"

Natahimik siya. 

Hindi ko na alam kung bakit ko yun nagawa. Napasigaw na lang ako out of frustration. Sobra akong nasasaktan. Sobra akong nagpaka tanga. Sobra akong umasa.

Tangina.

"Because I deserve it." sabi ko. 

"I'm so sorry, Eleven." malungkot niyang sabi. Nakiki simpatya. "You don't deserve this. Huwag mo na yang gawin ulit dahil hindi mo deserve na masaktan ng ganyan."

Gustong maluha ng mga mata ko pero hindi ko magawa. Sobrang natuyot na yung mata ko kakaiyak kanina na para bang sawang sawa na sa kaiiyak.

Siguradong nakakaawa akong tignan ngayon. Sira na nga ang mukha, may bali pa ang kanang kamay, durog pa pagkatao ko. 

"Anong ginawa niya para mapunta ka sa ganitong sitwasyon?" tanong niya.

"I just got mad with myself, that's all." sagot ko. "Wala siyang kinalaman dito."

"Pero siya ang dahilan." napaiwas naman ako ng tingin. Hindi na nagtangkang sumagot.

I did this to myself. Ako lahat ng 'to. Kahit na dahil sa kaniya, ako lahat ng may kasalanan.

Kasalanan ko kung bakit napakalabo na magka ayos pa kami.

Kasalanan ko kung bakit hindi na ako makakauwi sa bahay.

Kasalanan ko kung bakit hindi na kami mag uusap pang dalawa.

Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan.

Kasalanan ko kung bakit napag desisyunan niyang itapon lahat ng pinagsamahan namin at iturin niya na akong hindi niya kilala.

Kasalanan ko lahat.

Tinulak ko siya doon. Ako yung nagtulak para makapag desisyon siyang alisan ako ng karapatan na maging asawa o kaibigan man lang sa kaniya.

Pinaghirapan kong trabahuin yun. Pinaghirapan kong buksan yung pinto ng puso niyang kinakatok ko nang may mahabang pasensya. Na kahit man lang maging kaibigan ko siya ay napaka ayos na.

Pero namilit ako sa mga tanong ko. Namilit akong katukin pa yung isang pinto na nakasara sa puso niya. Namilit akong pagbuksan niya para sa akin na hindi naman pala nakalaan sa akin kundi sa iba.

Akala ko kasi. . .kung ano yung napagtanto ko sa mga aksyon niya, ay tama ako ng hinala. Na baka parehas na kami ng nararamdaman.

Pero hindi.

Hindi sana ako nakinig kila Klarisse.

Narinig ko yung mahabang buntong hininga ni April. Tumabi siya sa kama ko dito sa hospital bed at hinawakan ako sa kamay. "Sumama ka na muna kaya sa akin sa America?"

Tinignan ko siya. Nagtatanong yung mga tingin ko kung bakit niya naisipang bigyan ako ng suhestyon na umalis muna.

Mukha namang naintindihan niya yung mga tingin ko. Kung bakit ayaw ko yung idea na yun.  "You need your family, Eleven. Kailangan mong huminga."

"Gusto mo bang dagdagan yung iisipin ko?" tanong ko. "Hindi pa ako desididong makausap yung pamilya ko, April. Huwag mo akong dalhin doon."

"But you need them right now." sambit niya. "You're. . .not okay. You need to heal your wounds too."

"This will heal." turo ko sa kamay ko at sa ulo. "Kailangan lang ng mahabang oras at gamutan."

Tinusok ako ng hintuturo niya sa dibdib ko. "This," turo niya sa puso ko. "Needs to heal. Kailangan rin ng mahabang oras at gamot, yung gamot na makakapagpagaling diyan sa sakit na nararamdaman mo."

Hindi ako nakasagot.

"Maybe you can start a new life there." sambit niya. "Or kahit man lang gamitin mo yung America para huminga ka sa mga problema mo dito. Para makapag isip ka nang maayos."

Mabilis akong humindi. "No need."

"Kung ayaw mong makausap yung family mo, pwede ka namang huwag muna magpakita. Kahit man lang sumama ka muna sakin, katulad nung dati. Nakatulong yun sa'yo, right?"

Umiling ako.

Kahit sabihin ni Amber na ayaw niya na akong makita, hindi ko padin kayang hindi siya bisitahin para makita ko man lang yung mukha niya o makita ko man lang na maayos yung lagay niya.

Yung ilang linggong hindi namin pagkikita dahil wala ako sa bahay o vice versa, miss na miss ko na agad siya.

Lalo na ngayon na napakalalim na ng pagmamahal ko kay Amber.

Ang hirap niyang iwanan. Ang hirap sa akin na hindi ko makita yung mukha niya.

Hindi ko kayang mapanindigan yung gusto niyang hindi na kami magkikita. Kasi kahit na sabihin niya yun, gagawa ako nang gagawa ng paraan para makita ko man lang siya kahit sa malayo lang. Kahit nakaw tingin lang.

"I can't leave her, April." sagot ko.

"Kahit na ganyan?" tanong niya.

"Kahit na ganito."

Huminga siya nang malalim. "Right." tumayo siya at may kinuha sa bag na folder. Napatigilid ako ng mukha dahil gusto kong makita kung ano yun. "Kung gusto mo na dito ka lang sa Pilipinas, I think you need to do something about this dahil siguradong hindi mo masisikmurang tumingin lang sa kaniya sa malayo nang walang ginagawa."

Napakunot yung noo ko sa narinig. Anong meron? Anong nangyayari?

"What is that?"

"Kailangan mong malaman 'to." inabot niya sa akin yung folder na napakaraming laman.

"What is this?"

Sinenyasan niya akong tignan ko na lang yung laman.

Pagkabukas ko, nakita ko yung napakaraming litrato na naka compile sa folder.

Mga kuhang litratong illegal business ng pamilya ni Black. May mga maseselang pang mga litrato na hindi mo masikmuraang tignan.

"How. . ."

"Iniisip mo kung bakit meron ako niyan, right?" tanong niya. "Siya ang unang naging fiance ko, si Black Stanford. I never met him, dahil mabilis lang umatras yung pamilya ko sa marriage proposal na yon. Siya ang una, bago yung pangalawang fiance na tinakbuhan ko sa altar."

Nanlalaki yung mata ko sa nababasa ko, sa nakikita ko at sa nalalaman ko.

"Umatras yung pamilya ko sa Stanford dahil sa ginawang malalim na imbestigasyon ng tatay ko sa kanila. Nararamdaman kasi ng tatay ko na may tinatagong masamang agenda sa business namin yung mga Stanford." paliwanag niya. "Kaya ayan, nag imbestiga sila."

Natutulala ako sa mga nakikita ko. Hindi makapaniwala na ganito yung pamilya ng boyfriend ni Amber. Hindi matanggap ng utak kong kabilang si Black dito.

"Then it turns out na, they're doing a lot of dirty business." sabi niya. "Hindi namin kailangan ng demonyo sa kumpanya. Hindi masisikmuraan yun ng tatay ko kahit gaano pa siya ka-greedy sa business. Kaya umatras yung pamilya ko sa marriage proposal nila."

Sexual trafficking.

Illegal drugs.

Kidnapping for internal organs.

Sobrang sakim nila sa pera. Sobrang uhaw na uhaw sila sa kapangyarihan. Nakakasuka.

"Ayaw ko na mainvolve ka sa ganitong klase ng sitwasyon," aniya. "pero siguradong magagalit ka sa akin kung hindi ko sinabi 'to sa'yo habang may nalalaman ako. Ayaw kong magsisi sa huli, kaya sinabi ko na sa'yo kahit alam kong wrong timing 'to ngayon."

"Salamat." walang emosyon kong sabi. 

"It looks like na walang idea yung asawa mo sa gusto niyang pasukin na pamilya. Kung kaya mong pahintuin yung asawa mo na maging involve sa ganito, sana magawa mo."

April warns me about Stanford.

"They are dangerous and evil." sabi niya. "Sa tingin ko, hindi rin masisikmura ng asawa mo yung ganitong klaseng pamilyang gusto niyang pakasalan balang araw."

Napahilot sa sentido ng ulo ko. Sinusubukang makahanap ng solusyon sa papasukin ni Amber.

Ayaw ko siyang mapunta sa ganitong pamilya.

"What should I do?" tanong ko. Nangangamba. Nahihirapan na makaisip na pwedeng gawin dahil pagod na pagod yung utak ko mula pa kanina.

"Try to warn her, try to persuade her to stop whatever she's planning." sabi ni April. "Kung mangingialam siya sa magaganap na kasal ng boyfriend niya at may balak siyang manghimasok sa pamilya nila, kawawa siya. Siguradong hindi siya tatantanan ng Stanford. Napaka laking bagay nitong magaganap na kasal ni Black sa kumpanya nila."

Imposible kong magawa yun. Hindi niya ako kakausapin, ayaw niya kong mangialam. "Ayaw niya rin akong manghimasok sa relasyon nilang dalawa, April."

"Alam mong may pwede kang gawin, Eleven."

"Paano kung hindi siya maniwala sa akin?"

"Then it's not your problem anymore, dude." sabi niya. "Problema niya yung tigas ng ulo niya. Ginawa mo na lahat ng makakaya mo para matulungan yung asawa mo."

Pinoproblema ko parin kung paano siya mapapaniwala. Parang kapag iniisip ko pa lang na hindi niya ako paniniwalaan, sobra akong masasaktan.

Gusto kong maniwala siya sa akin. Gusto ko siyang malayo kay Black.

She doesn't deserve someone like him. He'll drag her to hell kapag wala akong gagawin.

---

Hindi ko aakalain na makakayanan kong tumakas ng hospital.

Naka dalawang gabi at isang araw rin ako sa hospital at bagot na bagot ako dahil wala akong kausap. Wala akong kasama.

Hindi ko pinasabi kay April yung nangyari kahit kanino. Tanging kaming dalawa lang yung nakakaalam nung nangyari. Ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko lalong lalo na ni Klarisse.

Siguradong magagalit siya sa kapatid niya. Wala namang kasalanan si Amber, ako lang naman lahat ng may gawa nito. 

Bukas sana meron akong schedule na check up sa psychiatrist. Kailangan ko daw makausap yung psychiatrist para matulungan ako sa problema ko emotionally sabi ng doctor ko. Alam ng doctor kung saan nanggaling yung mga sugat at injuries ko. Alam nila kung ano yung intensyonal at sa hindi.

Pero hindi na mangyayari dahil nakatakas na ko. Nandito na ako sa gusto kong puntahan.

Kahit na hinang hina pa rin ako, kahit na masakit parin yung mga sugat ko, hindi parin ako nagpatinig. 

Nandito ako sa tapat ng bahay namin ni Amber.

Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap. 

Sobrang miss na miss ko na siya. 

Mas kating kati na kong makausap siya simula nung kinausap ako ni April patungkol doon sa background ng boyfriend niya.

Pakiramdam ko gusto ko siyang matulungan, masagip sa magiging buhay niya kung hindi ko gagawan ng paraan.

Kaya pumunta talaga ako dito, kahit gabi na.

Kahit umaagos yung dugo ko sa pulsuhan dahil sa pagtanggal ko ng dextrose sa kamay ko, pumunta parin ako dito. Hindi ako makakatakas hangga't hindi ko yun tatatanggalin. 

Nasa loob na yung kotse niya. Nandito na siya sa bahay.

Sinubukan kong buksan yung gate pero naka lock na. Gustuhin ko mang umakyat ng gate para makapasok sa loob pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko may mangyayari na naman sa akin.

Pakiramdam ko mahuhuli na naman ako ng mga tanod at bubugbugin na naman nila ako nang walang awa katulad nung nangyari sakin dati. Baka bumalik na naman ako ng hospital.

Kaya ang ginawa ko, nag doorbell ako. Nung walang sumasagot, tinodo ko yung pagpindot hanggang sa mairita siya at pagbuksan ako ng pinto.

Salubong yung kilay niyang binuksan yung gate. "E-Eleven. . ." hindi siya makapaniwala sakin na nandito. Nakita ko saglit yung pag aalala niya sa kin. Napatingin siya sa benda sa ulo ko, sa benda sa kamay ko, at sa dugong umaagos sa kabilang kamay ko. Kahit saglit, nakita ko yung pag aalala niya sa kin. "Why. . .what happened. . .sinong may gawa nito. . ." wala sa sarili niyang nasambit. 

"Amber. . ."

Mabilis na nawala yung nakita kong pag alala niya sakin. Biglang naging ibang Amber yung nakita ko ngayon sa harapan ko. 

Yung Amber na matigas ang puso. Walang emosyon. "What the hell are you doing here?"

Gusto kitang makita. Gusto kitang makausap.

"I miss you." emosyonal kong nasambit. Hindi ko na mapigilan yung emosyon ko na kontrolin kaya nasabi ko yung mga salitang yun sa kaniya. 

"Gabi na." sambit niya, wala na namang emosyon. Alam kong gabi na, asawa ko.

"And I miss you."

Binuksan niya nang mas wide yung gate, senyales na pinapapasok niya ako sa loob ng bahay. "Get inside." senyas niya sakin. 

Parang nabuhayan ako dahil pinagbigyan niya akong makapasok. Malaking bagay na yun dahil sa pagkakakilala ko sa kaniya, kaya niya kong tiisin kahit na nakikita niya kong nahihirapan na nag aantay sa labas. Huwag lang ako makapasok ng bahay o makausap siya.

Pagkapasok ko, pinaupo niya ako sa sofa. "Tatawag ako ng ambulansya, magpagamot ka."

"No." sabi ko. "Tumakas lang rin ako."

"What the hell happened?"

Hindi ako nakasagot. 

Napailing siya na parang iniiwasang maging emosyonal at gustong maging matigas sa harapan ko. "Tatawag na ako ng grab, ipapasundo na kita."

Bumagsak yung balikat ko. Akala ko, kaya ako pinapasok ni Amber para dito niya ko patulugin at payagan akong makausap siya nang maayos.

Mukhang pinapasok niya lang ako habang wala pa yung grab na susundo sa akin.

Nag ipon ako ng lakas ng loob para magbiro. Gusto ko gumaan yung atmosphere naming dalawa dito. Gusto kong mabalik yung kung anong meron kami dati. "Why? Do you care about me?" pero mukhang nabigo akong i-deliver nang maayos yung biro ko. Parang naging sarkastikong tanong.

"What do you want?" imbes na makarinig ako ng sagot, tanong yung naibato sa akin.

Tinitigan ko siya sa mata. Sobrang seryosong seryoso yung mukha niya at hindi ko man lang makitaan ng emosyon kumpara kanina.

Parang nakita ko na naman yung dating Amber na pinakasalan ko. Ito yung Amber na nagtatago ng emosyon sa likod ng maskara.

Ito yung Amber na walang pakialam sa akin. Binuhay niya ulit yung taong yun at nasa harapan ko siya ngayon.

Mas lalo akong nasasaktan ngayon. 

"Hindi ka ba magsasalita?"

Nakaipon ako ng lakas ng loob para sagutin yung gusto niyang masagot. "Gusto kitang makausap."

"About what?"

"Tungkol sa sinabi mo sa akin nung nakaraang araw." emosyonal ko paring sagot. "Gusto kong bawiin mo yung mga sinabi mo na ayaw mo na akong makita at makasama." garalgal yung boses ko, hindi ko mapigilan kahit anong subok kong pagmamatapang na patigasin yung boses.

"Sino ka ba para utusan ako?" tanong niya na unti unting nagpawala sa akin ng pag asa. "Sino ka ba para kontrahin yung desisyon ko?"

"Asawa mo ako."

"Asawa?" napangisi siya. "Sa tingin mo ginusto kong pakasalan kita?"

Para akong dinudurog yung pagkatao ko sa mga sinasabi niya. Binibigyan niya ako ng rason para mawalan ako ng dignidad sa sarili ko. "You're so unfair." napipiyok piyok kong nasabi dahil maiiyak na ako sa sakit. "Hindi lang dapat ikaw yung nagdedesisyon niyan."

Nakipagtitigan siya sa akin. "Para mo akong trinatratong patay. Parang wala tayong pinagsamahang dalawa."

Hindi niya ko pinapakinggan, naging busy siya sa cellphone. Parang wala siyang pake.

"Please, nakikiusap ako sa'yo." pagmamakaawa ko pero hindi parin niya ko pinapansin. "Hindi ko kaya yung gusto mong mangyari. Dalawang araw pa lang pero hindi na kinakaya ng puso ko, Amber. Hindi ko kinakaya na hindi ka makita, hindi ako sanay na hindi ka na nagtetext sa akin o tumatawag. Hindi ko kaya 'tong ginagawa mo, asawa ko."

Pero kahit anong pilit ko, hindi ko siya makumbinsi. Ganito pala talaga katigas yung puso niya, ganito pala siya kapag gusto niyang panindigan lahat ng mga sinabi niya.

Malalim akong huminga. Pinanghihinaan na ng loob. Nawawalan na ng pag asa. "Wala na ba talagang pag asang magbago yung isip mo?"

"You need to go to the hospital." sabi niya na para bang walang narinig na tanong mula sakin. "You're bleeding."

Umiling ako. Matagal na kong nagdurugo yung puso ko. "Hindi ko na kayang bumalik at magtagal doon sa hospital. Nakakabaliw dahil paulit ulit ako nag iisip tungkol sa atin habang nandoon ako, Amber."

"Sa atin?" gulat niyang tanong. "Wala namang tayo, Eleven."

Para na namang kinukurot yung dibdib ko. Sa tuwing nagsasalita siya, sinasaksak ako. Napakatalim ng dila niya, nakakasakit.

"I'll book a grab papuntang hospital." sabi niya. "Antayin mong dumating, isara mo na lang yung gate at aakyat na ko sa itaas."

Natulala ako saglit. 

Unti unti na akong sinasampal ng katotohanan. Unti unti ko na naiisip na wala na kong pag asa mabago yung isip niya. Na wala akong aasahan na kahit na ano galing sa kaniya. 

Wala na talaga.

Wala na.

Ayaw na niya. 

Ayaw niya sakin. 

Hindi niya na gustong magkaroon pa kami ng kahit na anong koneksyon. 

Tumayo ako at mabilis na hinawakan siya sa pulsuhan niya para mapahinto siyang umakyat.

"Bitawan mo ko, Eleven."

Kung hindi kita makukumbinsi, kahit ito man lang, Amber. Importanteng bagay 'to.

Binitawan ko siya. "Kung hindi na talaga kita mapipilit," hindi na ako aasang bawiin mo yung sinabi mo, basta itong sasabihin ko ay sana paniwalaan mo lang. "kahit ito man lang, mapakinggan mo at makumbinsi kang itigil lahat ng plano mo para sa inyong dalawa ni Black."

Kunot noo niya akong tinitigan. Nagtatanong.

"At ngayon naman pinapakialaman mo yung plano ko?" galit niyang tanong.

Dahil hindi worth it yung gusto mong mangyari sa inyong dalawa ni Black.

"Hindi ako makikialam kung alam kong may tamang patutunguan lahat ng plano mo. " sabi ko. "Pero lahat ng magiging plano mo, hindi magiging worth it."

"Watch your mouth." banta niya pero hindi ako nagpatinag sa galit niyang boses.

Inaabot ko sa kaniya yung folder na binigay sa akin ni April. Yung folder na hawak lahat ng ebidensya ng Stanford. Yung mga litratong nagpapatunay na salot sila sa lipunan.

Kanina ko pa inaabot sa kaniya pero hindi niya kinukuha. Nilapag ko na lang sa lamesa na nasa harapan naming dalawa.

Inaantay ko siyang tignan lahat ng yun pero hindi siya kumikilos. Nakatingin parin siya sa mga mata ko na parang nagbabanta na bawiin lahat ng mga sinabi ko. 

Mukha talagang wala siyang planong buksan yung folder. Wala siyang planong pakinggan at paniwalaan yung mga nakalagay sa loob.

"They have dirty business, Amber." sabi ko. "Lahat ng nandiyan sa folder, nagpapatunay na may kasamaang tinatago yung mga Stanford."

Masamang masama niya akong tinignan pero hindi parin ako nagpapatinag at tinuloy yung gusto kong sabihin.

"Kung yung plano mo ay mag invest ng buong kumpanya, o makipag merge sa kanila, o mag invest ng malaki mang pera o kahit na ano mang plano para may mapatunayan sa mga Stanford na ikaw yung karapat dapat para sa anak nila na ikasal," aniya. "huwag mo na ituloy. Gagamitin ka lang nila. Sayang yung pinagpaguran mo, Amber. Pera lang yung habol nila kahit sa current fiancè ngayon ni Black."

"Nagpapaka hero ka ba?" galit niyang tanong. "Sa tingin mo paniniwalaan kita sa mga bintang mo?"

Napaatras ako ng kaunti. Nadismaya sa narinig.

"I'm not lying." dissapointed kong sagot. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko yun sa kaniya. 

"Shut up." galit niyang sabi. "Hindi mo kailangang magsinungaling at mag imbento pa ng kwento dahil kahit anong gawin mo, hindi mo ako makukumbinsing bawiin lahat ng sinabi ko sa'yo nung nakaraang araw."

Tangina. Ang sakit.

Galit at sarkastiko siyang ngumisi. "Malabo na ngang mabago yung isip ko, mas lalo pang lumabo nung sumubok kang mag imbento ng kwento."

"I have evidences!" sabi ko. "Ayaw mo lang tignan, ayaw mo lang akong paniwalaan."

Gusto ko lang kung anong makakabuti sa'yo! Gusto ko lang maging nasa tamang desisyon ka kahit hindi ako yung gusto mo. Kahit hindi ako yung pillin mo. 

Wala akong ibang intensyon na masama.

Tangina. 

Ang sakit talaga.

Umiling siya. "Tumigil ka na."

Pinagbibintangan niya ko na ginagawa ko lang lahat ng 'to dahil sa sarili kong motibo.

At ang mas masakit pa doon, hindi ko madepensahan yung sarili ko dahil nahihirapan ako. Naapektuhan ako ng emosyon ko.

"Stop manipulating me." galit niyang sabi.

Natuon yung atensyon namin sa busina. May kotseng pumarada sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung sino yun.

"Umalis ka na."

Hindi ako nakapagsalita. Tinignan ko kung sino yung nasa labas na dumating.

Si Black.

"Why is he here?" tanong ko.

"No, why are you here?" seryosong balik niyang tanong.

Ako na pala yung outsider dito.

"Umalis ka na." seryosong utos niya. "Make sure he won't see you leave."

Mahina akong natawa. Tawang hindi makapaniwala.

Natatawa ako sa sarili ko. Natatawa ako dahil umasa na naman ako. Umasa na naman ako na baka pwede niya akong pakinggan at mapabago yung isip niya.

Ako lang pala talaga 'tong nag iisip, umaasa.

"I guess. . .wala na kong magagawa." gumagaralgal yung boses ko, naluluha. Wala na akong magawa. "G-Goodbye, then."

Maglalakad na sana ako papunta sa likod ng bahay para doon dumaan pero nahinto ako. Hinawakan niya ko sa braso. "W-Why?"

Tinuro niya yung folder. "Take that with you, I don't need that." utos niya. "Huwag ka ng babalik dito."

Malalim akong huminga. 

Mas tanggap ko yata yung noon na sinasaktan mo lang ako nang pisikal. Mas kaya ko yun. Itong ginagawa mong pananakit sa akin ng verbal, parang diretso sa puso na sinasaksak ako. 

Ang sakit mong mahalin, asawa ko. 

"Okay." sambit ko na nawalan na ng pag asa.  

Kinuha ko yung folder nang mabigat sa loob ko. "So I guess. . .this is it." mapait yung ngiti kong tinignan siya. "Goodluck." tumuloy na kong lumabas sa likod nang nanginginig yung tuhod at bumagsak na yung luhang kanina pa namumuo.

Lumabas ako pero naisipan kong mag stay lang sa likod ng pinto na nakatingin sa bintana nang patago.

May kung anong parte sa akin na nag aalala parin sa kaniya kahit na iyak ako nang iyak dito.

Simula nung nalaman ko kung anong klaseng pamilya ang meron si Black, hindi na ako naging kampante na kasama niya itong taong 'to sa paligid. 

"Hey, babe." nakita ko na si Black na pumasok ng bahay. Lasing na lasing na niyakap si Amber.

"It's late." sabi ni Amber. "Saan ka galing?"

Hinawi ni Black yung buhok ni Amber na humaharang sa mukha ng asawa ko.

"Kaya mo pa bang umuwi sa inyo?" tanong ulit ni Amber na walang ka emo emosyon pero hindi siya sinagot ni Black.

Lumapit yung mukha ni Black sa kaniya at siniil siya ng halik.

Halos sumabog ako sa galit dahil sa nasasaksihan ko.

Selos, galit, lungkot, dismaya, inis. Lahat na ng emosyon gustong iparamdam sakin ngayon.

Nakuyom ko yung kamao ko. Gusto ko siyang sumtukin. Gusto ko siyang untugin sa pader dahil nung nakaraan, iba naman yung hinahalikan niyang babae.

Ngayon, si Amber naman.

Gusto kong pumasok at gawin lahat ng mga naiimagine kong gawin ngayon kay Black pero ayaw kong mas magalit sa akin si Amber.

Nanlaki yung mata ko nung dumapo na yung kamay niya sa dibdib ng asawa ko. Halata sa mukha ng asawa ko na hindi niya gusto yung nangyayari, she looks so uncomfortable but she can't do anything about it. She's trying to kissed him back the way he wants her to.

Sinipa ko nang malakas yung balde sa gilid ko para mabulabog sila.

Sa gulat ni Amber, naitulak niya yung boyfriend niya at natigil sila sa paghahalikan.

"Ano yun?" takhang tanong ni Black. Kung saan saan na napunta yung paningin niya. Hinanap kung saan nanggaling yung nag ingay.

Nagtago ako sa likod ng pader habang nagkuyom ang bagang sa inis. Kapag nakita pa ako ni Amber na nandito padin, paniguradong mas lalong magagalit yung asawa ko.

"You're drunk. You should get some sleep." rinig kong sabi ni Amber sa kaniya.

"In your bed?" gusto ko siyang sapakin sa tanong niya. Gusto ko siyang sugurin sa loob at kwelyuhan hanggang sa hindi siya makahinga.

"Dito lang, sa sofa." nakahinga ako nang maluwag nung narinig ko yung sinabi ni Amber. Dapat lang.

Bago pa ako mahuli ni Amber na nasa likod parin ng bahay, nagmadali na akong lumabas.

Habang nanghihina akong naglalakad palabas ng village, may naramdaman akong nagmamasid sa akin. May sumusunod na kotse sa likuran ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katakot ngayon. Gabing gabi na at may sumusunod sa kin.

Pilit kong inaalis na mali ako ng akala. Na hindi ito katulad nung dating insidenteng nangyari sa akin. Yung nadala ako sa hospital.

Pero totoo nga yung hinala ko.

Ako yung sinusundan.

Tumakbo ako nang mabilis para makatakas sa sumusunod saking kotse pero malabong hindi niya ako nahabol dahil naka sasakyan siya.

"Sir Eleven!" napahinto ako sa pagtakbo dahil sa kotseng kabababa lang ng bintana para tawagin ako.

"Damn it, Bryan!" hinihingal akong tumigil pero kahit papaano ay nakahinga nang maluwag kumpara kanina. "Pwede ba sa susunod, huwag mo na gawin 'to? Pangalawang beses na 'to!"

Sekretarya lang pala ng kinikilala kong tatay.

---

Napatayo siya nung nakita niya ako. Kitang kita sa mata niya kung gaano kabilis na namuo yung luha na parang gustong iiyak.

"Raven." emosyonal niyang banggit ng pangalan na hindi ko kinalakihan.

Kailanman hindi ako masasanay na matawag sa pangalang yan.

"It's Eleven." klaro ko. "Pwede na po ulit kayong umupo."

Kararating lang ng nanay ko kanina galing America. Pinapasabi ko sa secretary na magpahinga muna siya bago kami mag usap pero kailangan daw na makapag usap na kami.

"Mabuti na nakausap mo kagabi yung sekretarya ng Lolo mo." sabi niya.

Nakakatakot yung ginawa niyang pagsunod sa akin kagabi. Kapag ginawa niya ulit yun sa akin, makakatikim siya ng kulungan.

Halos hindi ako masalita ngayon dahil lumilipad yung utak ko. Wala sa sarili, wala sa mood.

Pero kanina ko pa napapansin na nakatingin siya sa kamay kong may benda. Hindi niya napapansin yung ulo ko na may benda rin dahil naka bunette ako ngayon para walang makapansin.

"A-Anong nangyari sa'yo?" tanong niya na nakatingin sa kamay ko. Nag aalala yung mata.

Naitago ko sa ilalim ng lamesa yung kamay ko. "An accident. Nothing serious."

Hindi ko sinasadyang maging malamig yung pakikitungo ko at pakikipag usap ngayon. Wala lang talaga ako sa wisyo na makipag usap.

Nag aalala parin siyang nagtatanong pero dahil nakaramdam siyang ayaw kong sagutin yung mga tanong niya, nangungumusta naman siya. Sinusubukang magkaroon kami kahit papaano na small talk.

"Please tell me the reason why you wanted to see me." diretsong tanong ko. Alam kong may kailangan siya, alam kong may importante siyang sasabihin kaya kinita na niya ako dito sa Pilipinas.

"Anak. . ."

Napabuntong hininga ako. Ngayon lang ako nakarinig na tawaging 'Anak' ng totoo kong nanay.

"Tell me."

"A-Ayaw mo ba munang kumain?" tanong niya sa akin pero umiling naman ako bilang sagot.

"Tell me." ulit ko na kalmado parin yung tono ng boses.

Napainom siya ng tubig.

"Anong importanteng bagay yung kailangan mong sabihin sa akin para makauwi ka ng Pilipinas nang wala sa plano mo?"

Emosyonal niya akong tinitigan. Nalulungkot. "Your Lolo. . ."

Nakakaramdam na ako kung ano 'to. ". . .he wants you to leave here and he's asking you to stay in America."

Dismayado akong tinignan yung nanay ko. "Napag usapan na namin 'to." inis na sagot ko. "Pero hindi yan yung gusto kong mangyari at nirerespeto niya yung desisyon kong yun."

Wala sa sarili niyang hinawakan ako sa kamay. "Alam niya kung anong nangyayari sa marriage niyo." nagsalubong yung kilay ko sa narinig. "Nakikita niyang nahihirapan ka noon pa lamang. Gusto niyang iwan mo na lahat dito sa Pilipinas at magsimula ka dito ng panibagong buhay sa America."

Hindi makapaniwala yung paningin ko. Paanong. . .paano niya. . .bakit niya. . .anak ng.

"Ayaw niyang ma-stuck ka habang buhay sa kasal na hindi naman dahil sa pagmamahal ang rason kundi sa kumpanya at sa pera." paliwanag niya. "Gusto ka niyang makalaya sa responsibilidad na hindi mo naman dapat inaakay, anak."

Nailayo ko yung kamay ko sa kaniya at napahawak sa bibig.

"Kung nag aalala ka tungkol sa kumpanyang iiwanan mo," aniya. "hindi mo na kailangang problemahin yun, anak. May nakahandang kumpanya sa'yo sa America. Gusto niyang maibenta mo o maibigay sa nararapat yung stock sa kumpanya bago ka makaalis ng Pilipinas."

"Napag usapan na namin 'to, alam ko yung mga sinasabi ninyo at wala parin akong desisyon para diyan." sabi ko. "He just wants me to re-consider it. Suggestion niya lang yun, ngayon bakit parang inuutusan niya na ako?"

Napapunas siya ng luha. "Gusto niyang maibigay yung buhay na deserve mo, anak." sabi niya. "Bago siya makaalis sa mundo."

"Bakit? Saang lupalop ba siya pupunta?" wala sa sarili kong tanong. Sarkastiko.

Hindi ako sinagot ng nanay ko. Tinignan ko siya sa mata, naluluha. Nalulungkot. Gustong makaiyak.

Kumabog yung dibdib ko. May napagtanto sa sinabi niya. May nabasa sa emosyon na kanina pa nagpapahiwatag.

Tangina. Huwag niyong sabihing—"W-What—"

"He's dying."

"..." hindi ako nakapagsalita. Kinilabutan. "W-What?"

"H-He's still trying to fight." hindi na niya mapigilan yung luha niyang magtuloy tuloy umagos. "He's still trying but we were told to be prepared because he might not make it. He might leave us sa kahit na anumang oras."

"You're. . .joking."

Dahan dahan siyang umiling at humahagulgol.

"Shit." mura ko. Pinahid ko yung luhang pumatak sa mata ko pero wala rin yung pagpahid ko dahil nagtuloy tuloy yung luha ko.

"Yung sinasabi ko kanina sa'yo, isa yun sa pabor na gusto niyang matupad bago siya mawala sa mundo." sabi niya. "Gusto niyang matulungan kang maging masaya at makalaya sa kasal na hindi niyo naman talaga ginustong mag asawa before bago ka niya iwanan. Hindi ka niya kayang iwanang nasa sitwasyon ka parin na ganito."

Umiling ako. "Mabubuhay pa siya." sambit ko. "Matagal pa siyang mabubuhay, I swear to God."

"His doctor told us na maghanda dahil bilang na lang yung araw ng lolo mo, anak." sabi niya.

Pinaliwanag niya pa kung gaano sila nalungkot nung binalita iyon sa kanila. Kung paano nila kinausap yung lolo ko at kung paano nila tinanggap na hindi na talaga siya mabubuhay ng matagal sa mundo.

Tinawag ko yung secretary para lumapit sa amin. Hindi ko kayang umupo lang dito at pakinggan lang yung kwentong hindi ko kinakayang ipasok sa utak ko. "Book me a flight for tonight. Pupunta ako ngayon ng America. Right now." agresibo kong utos.

Pero hindi ako sinusunod.

"I'm asking you to book a flight." tumaas yung boses ko. Hindi siya kumikilos.

"You can't." sabi ng nanay ko. "Kailangan mong ayusin yung annulment at yung stocks na pag iiwanan mo bago ka makaalis ng bansa."

What the fuck?

"What? You kidding? Is it important now? Buhay niya yung hinahabol dito!" wala sa sarili kong nasigaw. "Magagawa ko yan pero hindi ko kayang gawin yan ngayon."

"Naiintindihan namin. Ayan rin yung sinabi namin sa kaniya pero hindi siya pumapayag, anak."

"Gagawin ko yun kung yun yung gusto niya pero huwag sana ngayon." mataas parin yung boses ko. "Siya ang priority dapat ngayon hindi kung ano ano."

"Ang gusto niya ay may magkaroon ka ng bagong buhay pagkadating mo doon sa America. Na naiwanan mo na lahat ng mga dapat iwanan dito bago ka makasampa doon."

Ilang beses akong kumontra sa sinasabi nila dahil malaking bagay yung gusto nilang gawin ko.

Ang gusto ko lang naman makita yung lolo ko ngayon na ngayon na pero nagmamatigas talaga sila.

Hindi ko kinaya 'tong pagpupumilit nilang unahin yung ibang bagay bago yung buhay ng Lolo ko.

Gusto kong takbuhan lahat ng problema ko sa buhay.

Gusto kong magpahinga muna sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Ano bang nangyayari sa buhay mo ngayon, Eleven?

---

Habang bumabyahe ako papunta sa pupuntahan ko, hindi parin maalis sa utak ko yung napag usapan namin ng nanay ko.

Hindi ako makakaalis ng bansa hangga't hindi ko natatapos yung mga gusto ipagawa sakin ng kinikilala kong tatay na Lolo ko. Bakit ba kailangan ko munang gawin 'tong bagay na 'to bago ko siya makita? Buhay yung gusto kong maabutan dito.

Gusto kong lakasan niya yung loob niya at masabihan ko siya sa personal na kailangan niya pang lumaban sa buhay. Ayaw ko pang iwanan niya ako. Babawi pa ako sa lahat ng mga araw na hindi ko naibigay. Napakatagal na niya kong gustong makita ulit pero hindi ko siya napagbigyan.

"Hindi ka pa umaalis?" tanong ko sa kausap ko sa telepono.

"Nakakausap mo pa nga ako eh, malamang nandito pa ako sa Pinas." naikwento niya rin na nasa airport na siya at nag aantay na lang na matawag yung flight niya.

"Spill."

"What?"

"Sabihin mo na kung ano yung gusto mong sabihin." sambit niya. "Alam kong may gusto kang ikwento kaya ka tumawag. Let it out. I'm here."

Malalim akong huminga. Mapagkakatiwalaan ko talaga siya dito.

Kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari. Kinwento ko pati yung pag uusap naming dalawa ni Amber nung nakaraang gabi. Gusto kong marinig yung magiging advice niya, kailangan ko ng opinyon ng kaibigan ko.

Kailangan ko malaman kung ano ba dapat kong gawin dahil hindi ko na rin alam. Para akong nalulusaw na ice cream sa sobrang dami kong problema. Sa dami ng iniisip ko.

"Naiintindihan ko na gusto mong pumunta ng America at iwanan muna yung gustong ipagawa sa'yo ng Lolo mo," sabi niya. "totoo naman, buhay yung hinahabol mo."

"Exactly." nakukuha niya yung pinupunto ko. "Gusto kong makita yung lolo kong buhay."

"But it's a deathbed will." sabi niya. "May mga pamilya talaga na may culture na kung ano yung sinabi ng taong nasa deathbed, gagawin. And I think your family has that culture."

"So mas importante yun sa kanila?" inis kong tanong.

"For your lolo, yes." sagot niya. "It's on your hands kung rerespetuhin mo yung gusto niyang mangyari o babalewalain mo."

"Hindi ko rin talaga alam yung gagawin ko."

"Do you wanna know my opinion?" tanong niya. "Gusto mo bang malaman kung anong gagawin ko kung ako yung nasa sitwasyon mo?"

"Yes."

"Para sakin lang 'to, baka lang makatulong sa pagdedesisyon mo pero hindi ko dinidiktahan kung ano yung dapat mong gawin." paalala niya. "Kahit magbayad lang ako ng malaki para mapabilis yung proseso ng annulment ko, yung mismong thirty-minutes lang, wala ng bisa yung kasal ko. Bulok naman sistema dito sa Pinas, kaya mo yun manipulahin. Mapabilis lang lahat. Ibibigay ko na lang rin yung stocks sa family ng napangasawa ko para wala ng magulong proseso pero pwede ko rin namang ibenta yung stocks ng lolo ko pero matagal pang proseso yun. Tapos pwede na ko umuwi at habulin yung oras, tapos ang usapan."

So basically, para sa kaniya, gusto niyang sundin yung gusto ng lolo ko.

"Gusto niya akong magsimula ng panibagong buhay bago tumapak ng America eh." sabi niya. She's still trying to fit on my shoes. "Yun yung hiling niya, gusto niya kong makita na may panibago akong buhay bago niya ako maiwan."

Tuloy lang siya sa opinyon niya habang nakikinig ako ng taimtim. Pakiramdam ko unti unti akong natutulungan sa sinasabi niya.

"Wala naman na akong lugar dito sa Pilipinas, wala naman akong pag asa sa asawa ko. Hindi naman niya mabibigay yung kailangan ko sa kaniya kasi nasa iba naman yung atensyon niya. Kung mag-iistay ako dito, magiging cycle na lang yung sakit na mararamdaman ko. Mas maigi na doon na lang ako sa America para magsimula ng panibagong buhay, kasama ko pa pamilya ko." bahagi niyang opinyon sakin.

"Right."

"Tinutulak niya na ako palayo, ayaw ko na ipilit yung sarili ko. Pahihirapan ko lang rin yung asawa ko." dagdag niya pa.

"Kung aalis ka, edi parang hinayaan mo na rin siya sa lalaking delikado na mapunta?" tanong ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung ano yung opinyon at gagawin niya sa ganitong bagay. "Pababayaan mo na lang ba siya na maging mahirap yung kahahantungan niya sa lalaking yun? Tutal hindi niya naman nasuklian yung pagmamahal mo kaya tatanggalan mo na yung sarili mo ng pake sa kaniya? Ganun ba?"

"Bakit ko hahayaan yung asawa ko na mapunta doon sa lalaking yun?" singhal niya. "Nakataya rin yung buhay niya dito, for sure dahil delikado sila. May karapatan akong manghimasok kasi safety na yung pinag uusapan dito. Kahit nga yung mga hindi mo kilala, nanghihimasok kapag alam nilang nasa masamang palad sila."

"Pero ayaw ka niyang makialam." sagot ko. "Paano mo susulusyunan yun?"

"Maraming paraan." sabi niya na parang siya yung nag dedesisyon para sa akin. "Nasa akin naman yung ebidensya ng mga illegal nilang ginagawa, kayang kaya ko silang i-expose sa media. Hindi lang naman para sa kaniya 'to, para rin 'to sa mga nabiktima nila. Makukulong na sila, matutulungan ko na yung asawa ko, matutulungan ko pa yung fiance ni Black na makaalis sa sitwasyong yun. Nasa asawa ko na lang kung bulag parin siya sa boylet niya, wala na akong magagawa doon. At least nagawa ko yung part ko at makakapagsimula na ako ng panibagong buhay."

"Paano kung isipin ng asawa mo na friname mo lang yung boyfriend niya para sa sarili mong benefit?" tanong ko. Katulad nung sinabi niya sa akin, 'I was just manipulating her', sabi niya pero hindi. Kasi hindi siya naniniwala na totoo yung sinasabi ko.

Ang gusto ko lang naman matulungan siya kahit hindi niya ako pinabigyan na bawiin yung sinabi niya nung nakaraan.

"Hindi ko na kasalanan kung tanga siya." sabi niya. "I did my part and she should do her part too."

Halos tumagal ng ilang minuto bago ako nakapagsalita uli. Iniisip ko lahat ng mga sinasabi niya. "So dapat ba talaga na umuwi ako ng America na wala ng iniintinding annulment?"

"It's really time for you to let go and start a new life." sabi niya. "Kaya ka inuutusan ng lolo mo ngayon na as in now na dahil hindi mo yan gagawin kasi hindi papasok sa isip mong desisyunan yan hangga't walang tumutulak sa'yo. Kapag nawala na siya, sino na lang tutulak sa'yo na gawin yan? Eh hindi mo nga makausap nang maayos yung totoo mong magulang para itulak ka sa desisyon na 'to."

"How do you. . ." parang kuhang kuha niya lahat ng ikot ng ugali ko at yung problema.

"Kilala ka namin, Eleven." sambit niya. "Atsaka ang tagal niya ng gustong gawin mo yan na umalis na sa kasal at dito sa Pilipinas kaso nirerespeto ka lang niya sa desisyon mo pero ngayon na bilang na lang yung oras niya, gusto niya mapanatag na bago siya mawala, nakalaya ka na diyan sa sitwasyon mo."

Naalala ko kung gaano niya ako madalas kulitin tungkol dito. Kung may desisyon na ba ako na umalis ng Pilipinas, kung may desisyon na ba akong magfile ng annulment, kung may desisyon na ba ako na pumunta o bumisita ng america.

Ang tagal na niya kong kinukulit.

"Tinatawag na yung flight ko." paalam niya sakin. "Sana makita kita sa America kaagad, bisitahin mo ako."

Tipid akong ngumiti. "Thanks a lot." gumaan yung pakiramdam ko. Naikalma ko kahit papaano yung sarili ko, salamat sa kaniya.

"Nakatulong ba ako sa magiging desisyon mo?"

"Yes." mukhang alam ko na yung gagawin ko.

"Go home and get some rest." utos niya sa akin na nag aalala. "Huwag mong gagawin yung ginawa mo nung nakaraan ah!"

"Hindi ko na yun gagawin." sabi ko. "Atsaka mamaya pa ako makakauwi, nasa byahe pa ako. May pupuntahan pa."

"Saan ka pupunta?"

"Pupunta ako kay Brie."

"Brie?" takha niyang tanong. "Why? Magsesex na ba kayo?"

Napangiwi ako. Bakit ba niya naisip yun? "No!"

"Eh bakit ka pupunta doon?"

"I just need to talk to her."

Napabuntong hininga siya. Naalala niya panigurado yung nude photo kaya niya naisipan yun. "Right. Big boy ka naman na, alam kong alam mo naman na yung dapat at hindi dapat gawin."

"Ingat ka." paalala ko at binaba yung tawag.

Tinuon ko yung paningin ko sa bintana ng kotse habang napapaisip ng malalim.

Kailangan ko ng makausap si Brie.

This needs to be stopped.

Ayaw kong may taong umaasa sa akin na may ineexpect na masusuklian ko ng pagmamahal. Alam ko yung pakiramdam non. Alam ko kung gaano kasakit at alam ko kung gaano kahirap malagay sa ganito.

Kailangan ng mawakasan yung idea na naiisip niyang may maibabalik akong pagmamahal.

Pagkadating ko sa building ng condo niya, tatanungin ka kung saang unit ka pupunta. Tatawagan nila yung condo unit na pupuntahan mo para mainform yung bibisatihin mo na may bisita sila.

Hindi muna ako pinaakyat ng condo unit niya dahil may aayusin lang muna daw siya. Kaya pag akyat ko at pagbukas sa akin ng pinto, nakasuot na siya ng sexy outfit na nang aakit.

Mukhang ito yung pinaghandaan niya bago ako paakyatin sa unit niya.

"Hello, Chris." hindi mawala sa mata niya yung saya. Sinabi niya yun nang nang aakit na boses.

Seryoso ko lang siyang tinignan. "We need to talk."

Parang sinesenyasan niya kong tignan ko yung kabuuan niya, yung outfit na sinuot niya pero hindi ko pinagtuunan ng atensyon.

"S-Sure."

Pinapasok niya ako sa loob nung wala siyang mahita na kahit ano mang reaksyon ko. "Red wine? White wine? or Bacardi?"

Hindi ako pumunta dito para magpakasaya, Brie. "I'm just here to talk."

May bahid ng nainsulto yung tawa niya. "Hindi mo man lang ba papansinin 'tong suot ko?" nang aakit parin yung boses niyang sabi sa akin at unti unting lumalapit.

Pero hindi ako nagpatinag sa pang aakit niya. Hindi ito yung pinunta ko at hindi ito yung gusto kong mangyari.

Tumigil naman siya sa gusto ginagawa niya nung naramdaman niya kung gaano ako kaseryoso ngayon na kahit yung suot niyang damit, hindi umeepekto sa akin.

Umupo siya sa sofa at inaaya akong tumabi sa kaniya. "No need for me to sit." mabilisan lang 'tong usapang 'to. "Tatayo lang ako."

"Before you talk, I should apologize first for everything I said to you. It was wrong and I'm sorry." sabi niya. Mas relax yung paghingi niya ng paumanhin kumpara nung mga nakaraan na iniiyakan niya ako sa text o sa personal. "Hindi tama yung mga sinabi ko."

Umiling ako. "No need to say sorry." sambit ko. "You're actually right."

Kunot noo siyang tumingin. Hindi niya alam kung tama ba yung sinabi ko. "W-What?"

"Tama ka sa lahat ng sinabi mo." seryoso kong sabi at tinignan siya ng straight sa mata.

"Where?"

"About me being delusional." sabi ko. "It turns out, she really doesn't care at all." wala sa sarili kong naikwento. "Hindi ko na rin namalayan na umaasa na ko, at tama ka rin doon."

"So. . tama ako talaga?" napapangisi nyang tanong. "Na wala lang yung marriage niyo? Na wala kayong pag asa?"

Umiling ako. "No chances." walang pag asa.

"And she's thinking about the annulment. . .even me." wala na naman ako sa sariling nagkwento. Hindi makapagpigil yung bibig ko. "But I think mas mauunahan ko siyang magfile."

Natuon ko yung paningin ko kay Brie. Para siyang nabuhayan sa mga sinabi ko.

Mali.

Bakit ko sinabi? Putakte. "But I'm not here to discuss my annulment with my wife. I'm here to talk about—"

Napatayo siya sa excitement. Nagtatalon sa tuwa. "This is good, Chris!" napatiim bagang ako at napaiwas ng tingin. Sabi na nga ba. "Hindi na 'to magiging mahirap ito sa'yo, sa atin." ang tanga ko para hindi ipreno yung bibig ko sa pagkukwento.

Ang hirap sirain nung excitement niya dahil siguradong makakaramdam siya ng pagkapahiya.

Umiling ako. "Listen—"

"We're finally free." hinawakan niya yung pisngi ko at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "Hindi na magugulo yung utak mo, hindi ka na magiging hesitant for us! Pwede mo na bigyan ng pagkakataon yung sarili mo sa akin."

"That's not what I want to talk about."

"Then what is it?" nakangiti niyang tanong.

Inantay niya akong magsalita kung ano ba dapat yung gusto kong pag usapan.

"Kaya ako nandito para iklaro 'to. . .yung sinasabi mong tayo. . .hindi yun mangyayari. Walang pag asa."

Natigilan siya.

God, forgive me for hurting her feelings.

"Wala tayong pag asa, Brie." ulit ko. Nakakalungkot na makita yung mga mata niyang unti unting nawawalan ng buhay.

Napaatras siya. Nawawala sa sarili. "Look, I'm sorry—"

"No. . .no. . .no. . .!" nag hihisterikal siya. Pilit ko siyang pinapakalma pero hindi ko kaya.

"I'm sorry, Brie." sinsero kong sabi at yumuko. "We can't—"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil siniil niya na ko ng halik. Pilit ko siyang tinutulak palayo pero hindi siya nagpapatinag. Mas nilalaliman pa niya, hindi ka pinagbibigyan pahingain at pakawalan.

"Brie!" hindi siya nakikinig.

Nanlalaban parin ako pero napapaatras lang ako habang magkalapat parin yung labi naming dalawa.

Wala siyang planong pahintuin lahat ng 'to.

Halos atakihin ako sa puso nung tinulak niya ako. Napahiga ako sa kama.

Shit. Shit. Shit. Nangyayari na naman sakin 'to. Nandito na naman ako sa ganitong sitwasyon.

"Stop. . .Brie. . .please. Mag usap tayo nang maayos." pero hindi niya ako pinakinggan at umupo sa harapan ko. Naghubad siya ng pang itaas at umiwas ako ng paningin.

Hindi ako pumunta rito para makipag sex.

"Look at me."

"No, Brie." pagmamatigas ko.

"Look at me, Chris."

Parang nagrereplay yung utak ko sa nangyari saming dalawa ng asawa ko. Halos eksakto yung nangyayari.

"Let's not do this."

"I can give you pleasure you want." sabi niya. "Kaya kitang paligayahin. Bakit hindi mo parin kayang makita 'tong taong nasa harapan mo ngayon?" emosyonal niyang tanong.

"I'm sorry."

"Kaya kong gawin lahat para mapasa akin ka lang." lumalalim yung hininga ko nung naramdaman ko na siyang gumiling sa ibabaw ko nang may suot parin kaming dalawa sa ibaba. "Para mahalin mo lang ako."

Hindi 'to tama. Ayaw ko nito. Mali 'to.

Kinuha niya yung dalawang kamay ko at nilagay sa malusog niyang dibdib. Fuck.

Tinignan ko yung mukha niya pero bigla kong nakita yung mukha ng asawa ko sa kaniya.

Napalunok ako.

Naririnig ko sa utak ko yung boses niya na pinapagalitan ako ni Amber. Nagagalit siya sa akin na ito yung ginagawa ko sa ibang babae.

Hindi ako makapaniwalang marinig yung boses niya sa utak ko.

Kaya niya paring kontrolin ako na huwag gawin 'to kahit wala siya dito. Kahit hindi kami magka ayos. Kahit wala na siyang pake sa akin.

Nakaukit na yung isip ko sa asawa ko.

Fuck.

Nakaipon ako ng lakas para mawala sa ibabaw ko si Brie. Pinaibabawan ko siya at tinaas yung dalawang kamay niya sa tabi ng ulo niya. "I can't do this. I'm so sorry."

Natulala si Brie. 

Kinumutan ko siya at mabilis na lumabas ng condo niya.

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
22.8K 556 51
#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawa...
2K 207 27
Dahil sa kagustuhang sumikat sa kanyang larangan, tinanggap ni Jhan Cell Vega ang isang kontrata. Nakasulat rito na kailangan niyang ma-interview ang...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...