my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

27.8K 1.6K 334

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter
Alternative Chapter 1 [Ch 1]

Chapter 32

249 17 11
By unicachicca

Eleven.

"Happy birthday!" bati ko pagkababa pa lang niya galing kwarto. Siguradong puyat ang asawa ko dahil late na kami nakauwi kanina. Masyado yata rin siyang nag enjoy sa birthday party niya kahit inabot na kami ng madaling araw. 

Nakakataba lang ng puso na napasaya mo yung taong pinag effortan mo na mapasaya sa sarili niyang kaarawan. Ninerbyos talaga ako na baka hindi niya magustuhan at magalit lang siya pero natuwa pa ang asawa ko. 

Kaya salamat kay Klarisse. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi masaya yung umaga ko. Hehe.

"Shut up."

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. What is happening? Bakit masungit ang asawa ko sa akin ngayon? 

Parang kagabi lang, good mood ka sa akin ah! 

"Are you mad, asawa ko?"

Hindi niya ako pinansin at nag dire diretso sa kusina. Naghanap ng maiinom na tubig. 

Ang aga namang mag sungit ng asawa ko.

"Hindi ba tayo bati?" tanong ko pagkasunod ko sa kaniya dito sa kusina. 

"I hate you."

"Hala, bakit?" nanlalaki yung mata ko. "Parang bati lang tayo kagabi ha?"

Inirapan niya ako at uminom ulit siya ng tubig. 

"May masama ba akong ginawa sa panaginip mo?"

Pabagsak niyang nilapag yung tasa na ininuman niya ng tubig. "You want me dead."

"Huh? Kailan ko—"

Tinaasan niya ako ng kilay. 

"Kakasabi mo lang kagabi na mas bagay sakin na nasa taol, 'di ba?" sarkastiko niyang tanong.

"Hindi!" mabilis kong sagot. "Sila nga kasi yung nagpakanta non sakin."

Inirapan na naman niya ako. Akala ko ba joke lang na galit siya kagabi sa akin dahil doon? Anak ng! Galit pala talaga.

"Sorry na, asawa ko. Hindi ko naman sinasadya!" nguso kong sabi. "Kung alam ko lang, hindi ko sana kinanta yun sa'yo."

Hindi siya nagsalita. 

"Sorry na. Please."

Napangisi siya at napailing iling. "Stop acting cute, Eleven."

"Galit ka eh."

"I was just kidding."

Awtomatikong sumilay yung ngiti sa labi ko. "Talaga? Bati talaga tayo?"

Ngingisi ngisi niya lang akong tinignan at iniilingan padin.  

"Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong niya. Iniba na yung topic.

Umiling ako at ngumiti. Nakakakilig namang matanungan niyan. "Hindi pa, asawa ko. Inaantay lang kitang magising para sabay tayong kumain."

Kunot noo niya kong tinignan. "B-Bakit?"

"So hindi ka pa kumakain?"

Iling ko ulit. "Hindi pa." sagot ko. "Inaantay talaga kita."

"Kumain ka na sana kanina." sambit niya. Para akong pinapagalitan. "Late na ko nagising. Nalipasan ka na ng gutom."

Napakagat ako ng labi, pinipilit na hindi mapangiti sa narinig ko. Ang sweet naman ng asawa ko. Concern sya na baka malipasan ako ng gutom. Okay lang naman eh, basta siya yung dahilan.

Joke.

"Ayos lang, asawa ko." ngiti kong sabi. Nakakapanibago naman 'tong ugali mo, asawa ko.

"Kapag late na ko for breakfast, no need to wait for me."

"Okay lang talaga, asawa ko." gusto ko rin naman kasing sabayan ka eh. Iba yung sarap ng pagkain kapag ikaw yung kasabay kong kumain sa hapagkainan, asawa ko. Hehehe.

"Understood?" hindi niya ko tinatantanan at inulit ulit niya yun hanggang sa makasagot ako ng oo.  Siguradong hindi siya titigil hangga't hindi ako umoo kaya sumagot talaga ako. "Let's eat."

Inusog ko yung upuan niya para alalayan siyang makaupo. "Thanks."

"You're welcome, asawa ko!" 

Umupo naman ako agad pagkatapos at sinandukan siya ng fried rice sa plato niya. Hindi ko siya masandukan nang maayos at may natatapon na kaunting kanin dahil hindi ko mapigilang manginig. 

Nakng. Gutom na gutom na nga talaga ako. 

Kita ko sa mata niya na napansin niya yun at nangungunot yung noo. "What's wrong?"

"Hmm?"

"Bakit ka nanginginig?"

Ngumiti lang ako. "Wala lang 'to, asawa ko."

Sinamaan niya ako ng tingin. Nanghihingi ng sagot yung mga mata niya na parang gusto niya akong sakalin para lang sumagot ako sa tanong niya. 

"Nagugutom, asawa ko."

Narinig ko siyang malakas na bumuntong hininga. Hinawakan niya yung kamay kong nagsasandok sa plato niya. "Give that to me." utos niya.

Binigay ko yung sandok. "Ako na, asawa ko!" pigil ko dahil ako naman yung sinandukan niya sa plato. Anak ng! Ako na dapat gumagawa nito! 

Pero hindi siya nagpapigil, pinanlakihan niya ako ng mata kaya hindi ako naka tanggi. 

"T-Thank you, asawa ko."

"Kung hindi ako kaagad magising ng past eight, kumain ka na nang wala ako."

"Pero, asawa ko—"

"Magagalit ako, Eleven." seryoso niyang sabi. "No need to wait for me once na naramdaman mo na yung gutom."

Hindi ko mapigilang mapanguso. 

"Why are you pouting like a fucking kid?"

"Gusto ko lang kasi na magkasabay tayong kumain parati."

"No need—" napaangat ako ng tingin dahil parang nag iistruggle siyang magsalita bigla. Anong nangyari? Parang nangangapa siya sa sasabihin niya? 

Gusto niya magsalita pero walang lumalabas sa bibig niya. Pinipigilan niya ring mapangiti dahil napapatikom siya ng bibig at napapakagat ng labi. 

Para siyang. . .kinikilig. 

Delusyonal na ba ako? Bakit parang kinikilig siya? 

"Kapag nakita kita ulit na nanginginig sa gutom, you'll see." pagbabanta niya.

Ito namang asawa ko. Masyado yatang concern sa akin! 

Hehehe. Ang cute!

"Kain ka na, asawa ko." aya ko. "Half day ka ngayon sa office?" tanong ko bago makasubo ng pagkain ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay. Hala, bakit na naman? 

"Do I look like I'm going to work today?" masungit niyang tanong sakin. Ang sungit sungit mo na naman, asawa ko. Curious lang eh! "It's my birthday."

"Mabuti!" masaya kong sabi. "Deserve mo ng off ngayong birthday mo."

Nagulat ako nung sinandukan niya na naman ako sa plato ko. "Hala ka!"

"Kulang yung kanin mo."

"Huh? Hala, eh ang dami nga ng kanin ko, asawa ko!" reklamo ko. "Okay na, tama na." pero hindi siya nakinig. "Bubusugin mo ba ako, asawa ko?" biro ko. "Grabe ka naman mag alaga, nakaka kili—"

"Shut up and eat." sabay hinto niya sa pagsandok. 

Napakamot ako ng ulo ko. "Ang dami." sambit ko. 

"It's not." rinig ko namang sagot niya.

Napangiti naman ako. Kaya ko naman 'tong ubusin. Hindi lang talaga 'to yung regular na dami ng kinakain ko. Pero yung asawa ko naman yung nag sandok kaya kakainin ko 'to. 

Ang sweet niya ngayon ah!

"Thank you, asawa ko!"

Hindi parin mawala yung ngiti ko habang kumakain. Sumusulyap sulyap pa ko sa kaniya nang palihim. Hindi ko lang talaga mapigilan dahil ang ganda niya talaga.

Ang sarap sa puso na nakikita ko yung mukha niyang napaka ganda. Ang sarap rin sa puso na nakakausap ko na siya ngayon at nakakasabay na kumain. Hindi katulad dati na kulang na lang batuhin ako parati kahit na magkasalubong lang kaming dalawa sa sala.

"Napagod ka ba kaninang madaling araw?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang maging malambing yung boses ko na parang nag bababy talk na ewan. Mukhang hindi naman siya nagrereklamo. 

"Pasensya na kung napuyat ka, gusto ko lang na mas maaga yung suprise ko sa'yo." sinsero kong sabi. "Alam ko naman nakaka antok yung ganung oras, pero wala akong narinig na reklamo sa'yo. Pero sorry padin, asawa ko. Napuyat pa kita."

Umiling siya. "No need to say sorry." sambit niya. "I had a great time."

Para sigurong bituin ngayon yung mga mata ko sa tuwa. "Talaga?"

"Yes."

Anak ng! 

Ang sarap naman pakinggan non. 

Ang hirap naman pigilan ng ngiting 'to. Parang aabot hanggang langit kung hindi ko 'to pipigilan! Kilig na kilig talaga ako.

Sobrang simpleng surpresa nga non pero kahit na ganun, malaking bagay pala yun sa kaniya. Halatang halata na masaya siya kaninang madaling araw lalo na nung nakita niya yung mga memories nilang dalawa ng mommy niya. 

Masaya talaga ako na kahit man lang kagabi, napa alala ko sa kaniya yung nanay niya. Alam ko naman kung gaano ka-importanteng tao yung nanay niya sa kaniya, kaya ang sarap lang sa pakiramdam na masaya siya kanina. 

She misses her so damn much.

"I really appreciate it, Eleven." seryoso pero may bahid ng sinseridad. "Salamat ulit."

"Always welcome, asawa ko!" para akong bata na energetic nung lumabas sa bibig ko yun. 

Mas masarap tuloy kumain ngayon. Iba talaga kapag masaya kang kumakain. Mukhang mapaparami yata talaga ako ng kanin sa saya.  

Hindi kami tahimik na kumain dahil daldal lang ako nang daldal sa kaniya. Good thing, she's a good listener. Kahit hindi siya sumasagot kapag nagkukwento ako, ramdam mong grabe siya makinig. Unting detalye, naalala niya. Ako na lang yung nakakalimot na naikwento ko na pala sa kaniya yung ganong bagay.

Araw-araw talaga niya ako binibigyan ng rason para mahalin siya ng ganito. Sa bawat araw na lumilipas, mas tumitindi 'tong nararamdaman ko sa kaniya. Iba talaga siya. Parang hindi na yata mawawala 'tong nararamdaman ko. 

"Matutulog ka lang ba buong mag hapon?" tanong ko sa kaniya.

"Of course not."

"Pero dito ka lang ba sa bahay ngayong araw?" 

"No."

"Ah. May date kayo ni Black 'no?" imposibleng wala! Pero okay lang, para mas lalong maging masaya yung birthday niya. Siguradong mas sasaya siya kapag may plano silang dalawa ngayon ni Black. Sino ba naman hindi sasaya kapag nagkita kayo ng syota mo?

Kuntento naman ako at walang pagsisi ngayong araw. At least nauna na ako kung aalis silang dalawa para mag celebrate. Nauna na kaming mag celebrate ng asawa ko. Okay na okay na sakin yun.

Atsaka importante 'tong araw na 'to kay Amber. Siguradong magtatampo yung asawa ko kung hindi sila magcecelebrate nang hindi magkasama.

"Susunduin ka ba dito ni Black?" tanong ko. Kasi kung oo, kailangan ko na umalis. Hindi pwedeng makita na naman niya ko dito sa bahay. Magdududa na yon.

"What Black?" uhh. . .boyfriend mo? The love of your life? The apple of your pie?

"Boyfriend mo?"

"I know who he is." sambit niya. 

"Oo pero I was aking if—"

"We don't have any plans today."

"Huh?" paanong wala? 

"We're not going out."

"Alam niya bang birthday mo ngayon?" tanong ko. Kaya ba siya nagsusungit sakin kanina dahil wala man lang paramdam yung jowa niya?

"Yes." sagot niya. Pinapakiramdam ko yung sagot niya, hindi naman parang nagtatampo sa boyfriend yung tono ng boses. 

O magaling lang talaga siya magtago ng emosyon niya? 

Sino bang hindi malulungkot na hindi niya kasama jowa niya kapag birthday niya? Wala naman, 'di ba? 

Kahit naman siguro hindi ko yun maramdaman sa boses niya o sa mata niya, sigurado naman na nalulungkot siya na hindi niya makakasama ngayon si Black.

"He's probably busy right now." napakunot ako ng noo. Inulit ulit ko sa utak ko yung tono ng sagot niya. Parang. . .hindi bitter na. . .hindi masama yung loob? 

"Okay lang yun sa'yo?" kunot noo kong tanong. Nagtatakha.

"Yes." tango niya.

Huh? 

"Are you alright?" sinsero kong tanong. "Okay lang naman kung sasabihin mo yung totoo mong nararamdaman."

Kunot noo niya akong tinignan. "Mukha bang hindi ako okay?"

Actually. . .hindi. I mean, you're okay. Naniniguro lang na baka magaling ka lang magtago.

"I hope you're really okay."

"I said I am fine." sambit niya.

"Pero may plano ka ngayon?"

"Yes." sagot naman niya. "You're going out with me today."

Natigilan ako. Hindi nakaimik.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung huminto ba yung mundo ko at parang wala akong ibang nakikita kundi siya lang? 

Paulit ulit yung salitang sinabi niya sa isip ko. Hindi parin makapaniwala yung utak ko sa narinig. 

Totoo ba yung narinig ko? 

Ako? Ako yung isasama niya ngayon? 

Si Amber? Si Amber Luanzon na crush na crush ko na nag aayang lumabas kami sa araw ng birthday niya? 

"Unless. . . you don't want us to." sambit niya at tinapos yung pagkain.

"Ah. . .no! I mean, yes." anak ng! hindi ko na alam kung anong sinasabi ko. "I mean, gusto ko!"

Seryoso ba talaga 'tong asawa ko?  "Hindi ba yan biro?"

"Mukha ba akong nagbibiro sa paningin mo?"

Seryoso nga siya.

Mabilis na sumilay sa labi ko yung ngiting napakalawak. Ngiting si Amber Luanzon lang ang nakakagawa sa akin nito.

"S-Seryoso ka ba talaga?" tanong ko nang napapangiti padin. Kahit yung mata ko yata, ngumingiti rin. Kulang na lang yata ngayon ay maiyak ako sa tuwa.

"Ayaw mo ba?" mataray niyang tanong.

"Gusto!" ito na naman yung boses kong tila excited na parang batang magfifeld trip.

"Hindi rin naman ako papayag na hindi ka kasama ngayon." seryoso niyang sabi.

"Bakit?"

"Huh?" painosente niyang tanong.

"May sinasabi ka kaya."

"Nothing."

"Meron. Ang sabi mo hindi ka rin naman—"

"Ang sabi ko, maghanda ka na. Aalis na tayo." sabay tayo pagkatapos kumain at umakyat sa kwarto niya.

Para naman akong bata talaga. Hindi ko kasi aakalain na ako yung makakasama niya ngayon sa birthday niya. Pakiramdam ko kasi parang parte na ako ng buhay niya, ganun yung pakiramdam nung pag aya niya sa akin ngayon.

Ang saya.

Ang hirap ipaliwanag pero ang sigurado lang ako, masaya talaga ako ngayon.

Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto niya. Lumabas na naman yata siya at dumungaw sa hagdan, nakatingin sa akin. "Wala ka bang planong mag ayos?"

"Yes, asawa ko! Maghuhugas lang ako ng pinag kainan natin, mabilis lang 'to." sambit ko. "Pero saan kaya tayo pupunta ngayon?" masigla kong tanong. Excited na lumabas.

"Depende."

"Depende?" kunot kong tanong. Depende?

"Depende kung saan mo 'ko gustong dalhin."

---

Sunod kong naisip na puntahan namin ay sa Regina Rica. 

Pero bago ko desisyunan na doon kami pupunta ngayon, tinanong ko muna siya nang paulit ulit kung okay lang ba talaga sa kaniya na pumunta kami sa simbahan. Gusto ko maka siguro na hindi siya napipilitan na dalhin ko siya doon. Hindi naman kasi lahat ay relihiyoso.

Ang sabi naman niya ay gusto niya rin. Matagal na rin daw siyang hindi nakaka bisita sa simbahan. Naka siguro naman ako na ayos lang talaga sa kaniya na doon yung punta namin pagkatapos naming maglibot sa mall.

May alas tres na misa doon, huling misa na yon at mukhang makakaabot pa naman kami dahil alas dose pa lang ng tanghali. Makakarating siguro kami doon mga alas dos trenta o mismong alas dos.

Ako parin yung nag drive dahil ayaw kong mapagod yung paa ni Amber lalo na't mahaba habang lakad din yun doon dahil paakyat yung simbahan. Sa mismong bundok na talaga. Hindi naman pwedeng iakyat yung kotse, kaya kailangan talaga maglakad paakyat doon.

Pasulyap sulyap ako sa asawa ko na nanahimik sa gilid. Nagsasalita naman siya pero sadyang tahimik lang talaga yung asawa ko kapag wala naman siyang maisip na pag usapan. 

Binuksan ko na lang tuloy yung music sa sasakyan. Awtomatikong tumugtog yung playlist niyang puro rock band ng 2000s.  

"Shit!" Agad niya namang pinatay yung radio. 

"Bakit?" takha kong tanong. 

Sumulyap ako saglit. Nahihiya yung mukha.

"Bakit mo naman pinatay?" tanong ko sa kaniya habang nakangising nagddrive. Nahihiya ba talaga siya? Wala namang masama sa kantang nag play ah! "Anong masama sa Paramore?"

Hindi siya nakapagsalita.

Binuksan niya yung radio. Akala ko hindi na siya mahihiya pero nilipat niya lang sa ibang tugtog kaso rock band na naman ulit, iba nga lang yung banda. Evanescenes.

Pero nilipat niya ulit. Naging My Chemical Romance.

Nilipat niya ulit. Anak ng.

Hindi na ako nakapagpigil at hinawakan ko yung kamay niyang palipat lipat sa music. "What's wrong?"

"Nothing."

Nahihiya talaga 'to. "Anong masama sa mga kanta na yan?"

"Huwag ka ng magtanong."

"Walang mali na nakikinig ka niyan." sambit ko. Nararamdaman ko kasi talagang naiilang siya sa playlist niya kaya nililipat niya. "Huwag mong ipagdamot yung playlist mo sa akin." sambit ko. "Besides, nakikinig rin ako ng mga kantang yan. Nasa playlist ko rin kaya yan."

"Huwag kang plastik."

"No, nagsasabi ako ng totoo!" kontra ko.

"You like ballad music." sambit niya.

"Pero hindi ko sinabing yun lang ang gusto kong genre."

Natahimik siya.

"But Black doesn't like rock-band songs."

"I'm not Black." sagot ko. "Nakikinig ako niyan, minsan nga kino concert ko pa yan sa banyo."

"Fine." Huminga siya ng malalim at binuksan niya ulit yung music. "Kapag pinagtawanan mo ko, puputulin ko yang dila mo."

"Hep!" tinapat ko sa kaniya yung kanang kamay ko habang nakatingin ako sa daan, nagmamaneho. "Sabi mo, hindi mo na ako sasaktan."

"Akala mo lang yun." sinulyapan ko siya at eksaktong inirapan ako. "Subukan mo kong husgahan, lagot ka talaga sakin."

Ngumiti ako. "Sabayan pa kitang kumanta eh."

Ayan, alam ko rin yan. Teenagers ng My Chemical Romance!

"They're gonna clean up your looks with all the lies in the books to make a citizen out of you." kanta ko. Wala sa wisyo kong hinawakan sa kamay yung asawa ko. "Kanta ka rin, asawa ko. Dali!"

Napasulyap ako. Nabitawan ko yung kamay niya nung nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya. 

S-Sorry. Naexcite lang.

"No."

"Dali na, asawa ko."

"Ayoko."

Ang damot mo naman iparinig yung boses mo.

"They said, "All teenagers scare the livin' shit out of me" they could care less as long as someone'll bleed." kanta ko ulit. "So darken your clothes, or strike a violent pose. Maybe they'll leave you alone—" huminto ako, naririnig ko na yung asawa kong kumakanta.

"—but not me." palihim akong natawa. Patago mo pa ko diyang sinasabayan, asawa ko ha.

"Ganda pala ng boses mo eh—Aray!" hinampas na ko sa braso! Anak ng. "Pinupuri kita, bakit ka naman nanghahampas?"

"Inaasar mo na naman ako!"

"No, I'm not." depensa ko. "Maganda talaga boses mo."

Nanahimik na siya. Hindi na kumanta.

"Kanta ka na ulit, asawa ko. Bilis na. Please!"

"Shut up."

"Sige na, sasabayan ulit kita."

"Hindi ako kakanta."

"Sasabayan ulit kita." saglit ko siyang tinignan nang nakangiti. "They said, "All teenagers scare the livin' shit out of me", dali sabayan mo ko!" inirapan niya lang ako.

Hindi na talaga siya kumanta. Sus, nahiya na! Huminto lang talaga ako kanina para marinig ko yung boses mong kumakanta. Ayaw na tuloy. Hmp.

Kumakanta kanta na lang ako dito habang nagmamaneho. Hindi niya na gustong maki duet sa akin kaya ako na lang yung kumakanta.

Minsan kapag hindi ko alam yung kanta, nakikipag asaran naman ako sa kaniya. Nang dahil sa pang aasar ko, may natatanggap talaga akong kurot sa tagiliran, sa braso at sa tenga. Walang patawad kahit nagmamaneho ako dito.

Maya maya lang, naririnig ko na naman siyang nakikisabay sakin sa pagkanta. Napapangisi na naman ako nang palahim.

Buti na lang mahal ko siya. Kaya maganda parin sa pandinig ko yung tono.

Talagang puro rock music's yung nasa playlist ng asawa ko. Wala namang mali doon. May sari sarili naman talagang music preferences lahat ng tao. Itong rock music naman, isa rin naman yan sa preferences ko kaya naaliw ako. May mga kanta akong hindi alam na nagpaplay ngayon pero nagugustuhan ko. Kaya salamat sa asawa ko.

Napapasulyap ako ulit sa asawa ko. Napapa headbang siya pero mahina lang.

Nag eenjoy siya sa road trip namin. Ang cute.

"What are you looking at?" mataray niyang tanong. Napansin niya pala ako. Nakng!

Binalik ko sa daan yung mata ko at ngumising umiling. "Wala naman, asawa ko." ang sarap mo lang makitang nag eenjoy. 

"Gusto mo na bang ilipat yung kanta?" tanong niya sakin.

"Nope." sagot ko. "I love it." ngiti ko.

"Plastik."

"Hala, gusto ko kaya!" depensa ko ulit. "May mga kanta akong hindi alam pero nagagandahan ako. Send mo sakin mamaya yung playlist mo ha."

"Ulol."

"Bakit mo 'ko minumura?" biro ko. "Nakakasakit ka na ng damdamin ha."

Tinapat niya sakin yung middle finger niya. Nakng.

"Pero totoo yung sinasabi ko, asawa ko." aniya. "Naaliw ako sa playlist mo. May mga naririnig ako na hindi familiar pero nagugustuhan ko. Promise!"

"Si Black nga ayaw eh."

"Eh ako? Tinanong mo ba ako kung ayaw ko o gusto?"

"Kahit naman tanungin kita, plastik rin yung isasagot mo." sarkastiko niyang sabi. Ayaw talaga niyang maniwala sa akin. Nakanang.

Hindi man lang ako binigyan ng chance na ipaliwanag yung sarili ko na totoong nagsasabi akong walang problema sa playlist niya. 

Palibhasa yung boyfriend niya, KJ. Boring yung buhay. Hindi marunong maka appreciate ng mga bagay bagay. Ew.

"Hindi kaya, totoo kaya yung sinasabi ko." nakanguso kong sabi habang nagmamaneho. 

Nung paakyat baba na kami dahil sa daan papuntang Tanay Rizal, binuksan ko na yung mga bintana namin dahil malamig naman din yung simoy ng hangin.

Hindi naman siya kumontra sa ginawa ko.

"Okay lang ba?"

Tumango naman siya.

Makulimlim kasi kanina pa kaya hindi mo ramdam yung tirik ng araw ngayon. Atsaka, amihan na. Malamig na yung panahon.

Nakasandal yung siko niya sa pinto at medyo nilalabas yung mukha dahil gusto niyang namnamin yung hangin sa labas.

Nililipad yung buhok ng asawa ko dahil sa simoy ng hangin na tumatama sa amin. Hindi ko mapigilang sumulyap nang sumulyap dahil sa ganda ng mukha niya.

Sino bang hindi magkaka gusto sa ganda ng asawa ko? Ni hindi ko nga mapigilang sumulyap nang sumulyap kahit nagmamaneho ako. Palagi ko na nakikita yung mukha niya pero hindi parin ako nagsasawang tignan siya. 

Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya kapag nakikita kita, asawa ko. 

Sa lakas rin ng hangin, naaamoy ko yung shampoo niya sa buhok. Napaka bango.

Napapangiti ako dahil saktong sakto sa kantang tumutugtog ngayon sa nakikita ng mata ko. Tahimik lang kaming dalawa at pasimple naman akong nilakasan pa yung volume. 

Hindi ko na mapapakinggan yung Passenger Seat ng Stephen Speaks katulad ng dati, asawa ko. Siguradong kapag narinig ko 'to sa kung saan, ito yung maalala ko. Ikaw yung maalala ko.

Natatawa ako sa loob loob ko dahil sobrang kuhang kuha talaga ng kanta yung gusto kong iparating o iparamdam.

Ang ganda ng asawa ko. Wala akong masabing masama.  

Yung perpektong hugis ng mga mata niyang nakakapagpa kabog ng dibdib ko kapag nakatingin pa lalo yun sa akin.  Mas lalong nagiging perkpekto yung hugis ng mga mata niya kapag napapangiti at napapatawa ko siya. Umaarko.

Wala na yata akong mapupuri ng ganito kundi siya lang. 

Nakarating kami ng asawa ko sa Regina Rica, mag aalas tres na. Hindi naman kami masyadong nahirapan sa pagpaparking dahil weekdays naman ngayon, tuwing linggo talaga yung mahirap magparking dahil mas maraming tao.

"Okay lang ba sa'yo maglakad nang ganyan kataas?" nag aalala kong tanong sa kaniya. Nag aalala kasi ako na baka mapagod siya sa paglalakad. Baka mastress ko pa siya. 

"I'm an athlete, Eleven." sambit niya sakin. "Don't underestimate me."

Hindi naman yun yung gusto kong iparating! Nag alala lang akong mapagod ka. Pero nawala nga sa isip ko na athlete ka. Nakng. Wala kayong kapaguran.

Habang naglalakad kami paakyat ng simbahan, hindi ko maiwasang hingalin agad. Samantalang siya, parang chill na chill lang.

Nakng. Ang taas pala talaga dito! 

Nakahawak pa ako sa wrist ng asawa ko dahil iniiwasan kong ma out of balance siya.

Pero ako yata yung kailangan ng balanse. 

"Tss."

"Bakit?" takha kong tanong.

"Akala ko ba ako yung aalalayan mo?"

"Inaalalayan naman kita ah!" bigla akong naout of balance pero mabilis naman niya akong nahawakan. 

"See? Ikaw yung inaalalayan ko." sambit niya.

"Hehehe." nahihiya kong reaksyon. "Ang tirik kasi!"

Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko. "Careful." paalala niya sakin. 

"T-Thank you." shet. Magkahawak kamay kami! "Okay na ako, asawa ko." ilalayo ko na sana yung kamay ko dahil nahihiya ako pero hindi siya pumayag. Mahigpit yung hawak niya sa kamay ko.

"You can't." sabi niya. "Gumulong ka pa sa baba."

"Hindi yan—"

"Eleven." tawag niya para patahimikin ako. Napasara na lang tuloy ako ng bibig. 

Hindi ko tuloy alam kung saan tumitibok yung puso ko. Sa pagod sa pag akyat o dahil sa kilig. 

Hawak hawak niya parin talaga yung kamay ko. Nahihiya ako na natutuwa. Kainis.

Ang sarap tuloy lalo maglakad paakyat. Kahit nakakahingal, hindi naman ako makareklamo sa kilig kong 'to. Ang sarap ng hangin, sariwang sariwa. Sa sobrang lakad, nasasampal na ako ng buhok ng asawa ko. Pero okay lang, mabango naman. 

Sobrang ganda dito dahil kitang kita dito yung mga nasa ibaba at yung iba pang mga bundok. Overlooking.

"This place is cool." sambit niya naman habang hinahangin hangin yung buhok niya.

Malawak akong ngumiti habang nakatingin sa kaniya. 

Masaya akong natutuwa ka ngayon, asawa ko. 

"Maganda ba?" nakangiti niya kong tinanguan.

Hehe.

Mabuti naman at nagustuhan mo, asawa ko. "Maganda rin na dinala kita dito para mawala yung stress mo sa trabaho at sa kung saan man."

"Thank you." rinig kong sinsero niyang sabi sa akin. 

"No problem, asawa ko." sambit ko. "Dito lang ako parati kapag may kailangan ka."

Natahimik kaming dalawa saglit na nakatingin sa view. Ang sarap pala lalo kapag kasama mo yung pinaka importanteng tao sa buhay mo dito. Nakakawala na ng stress, nakakataba pa ng puso.

"Gusto mo ba pumasok sa simbahan, asawa ko?"

Tinanguan niya ako at ngumiti nang matipid. 

Nagsimba kaming dalawa at natutuwa ako dahil nadala ko siya ulit sa Diyos. This time, bilang asawa na. 

Pinagdasal ko lalo yung asawa ko na sana maging healthy siya.

Sana kung ano man yung gusto niya sa buhay ay magabayan siya ng Diyos at maibigay yun sa kaniya. 

Sana tulungan siya na ibigay yung kasiyahan na gusto niyang makamit.

Gagawin ko talaga lahat ng dapat para sa kapakanan ng asawa ko, bigyan lang sana ako ng gabay ng Panginoon.

"What did you pray for?" tanong niya sa akin pagkalabas na pagkalabas ng simbahan. "You were so serious kanina."

Ngumiti ako nang tipid. Ikaw lang naman yung pinagdadasal ko, wala naman ng ibang babae. "World peace."

"Really?" sarkastiko niyang tanong.

Ngumiti lang ako bilang sagot. "Ikaw, anong pinagdasal mo?"

"I don't need to answer your question."

Natawa ako. "Kinausap mo ba talaga si Lord?" biro ko.

"Of course."

"Talaga?" tanong ko. "Bakit may sungay ka padin?"

Mabilis naman niya akong kinurot sa tagiliran. Ang bilis naman magalit! "Joke lang naman eh."

"Bastos ka talaga."

"Kakasimba lang natin, nananadista ka na." sambit ko. "Hay nako, asawa ko."

Napasulyap siya sa itaas. Sa malaking rebulto ni Mama Mary. 

Gusto niya kayang pumunta doon? Medyo mataas na doon pero okay lang. "Gusto mo umakyat doon?" tanong ko.

Tinignan niya yung paa niya na nakuha rin ng atensyon ko. "Bakit?"

"My feet hurts." sagot niya.

"Pero gusto mo pa bang pumunta?" tanong ko. Pataas ulit yung lalakarin namin, baka hindi niya kayanin. "Kung hindi, okay lang naman kung bababa na tayo sa parking."

Tinanggal niya yung sandals niya. "Bakit? Anong ginagawa mo?" takha kong tanong. Masakit na ba talaga? 

"Asawa ko," hinawakan ko yung braso niya kaya napahinto siya. "kaya mo pa ba?"

"Of course."

"Seryoso ka ba?" tinanggal mo na nga yung sandals mo eh. 

Ngumisi siya. "Mababa ba yung tingin mo sakin?"

"Eh bakit ka nagtanggal ng sandals?"

"Para mag paa."

Umiling ako. "Paano kapag nasugatan ka diyan, asawa ko? Paano kapag may bubog dito na hindi natin alam? Ma-injured ka pa."

"Pwes, anong masasuggest mong pwede kong gawin?" napahalukipkip pa siya sa harapan ko.

Napakamot ako. Meron ba akong pwedeng maisuggest? "Bumaba na?"

"Naka paa padin ako non."

Edi hindi yun. "Piggyback?" hindi ako confident sa sagot ko. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko siyang buhatin pababa o paakyat ng bundok.

"Kaya mo?"

Hindi hehehe.

Baka gumulong pa kaming dalawa kapag binuhat ko siya pababa.

"Maglakad na lang tayo, kaya mo naman eh." sagot ko. Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ko sa braso. "Y-Yes?"

"Really?" tanong niya.

"O-Oo?"

Inirapan niya ko. "Hahayaan mo lang akong naka paa?"

"Anong gusto mo, ibigay ko 'tong sapatos ko sa'yo?" sarkastiko kong tanong pero hindi siya kumurap.

Anak ng. 

"Ibibigay ko yung sapatos ko sa'yo?" nakatingin siya ng diretso sakin. Nagbibiro lang naman ako! 

"Yes."

Ibibigay nga. "Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Ano namang susuotin ko, asawa ko?" tanong ko sa kaniya na medyo iba yung tono ng boses.

Tinuro niya yung sandals niya. 

Anak ka ng! Pambihira. 

"Sandals mo?" may three-inches na takong yan! Kahit unting takhong lang, masakit padin yan. "Bakit yan susuotin ko?"

"May choice ka pa ba?"

Wala na, sabi ko nga.

"Pati ba naman dito," nagbibiro yung tono ng boses ko. "Mananadista ka?" mahina kong bulong.

"I just want you to help me because I'm already tired of walking with my heels."

Kasi naman nagsandals ka, alam mo namang paakyat yung dadaanan natin kanina eh.

Pabiro akong napangiwi. "Be nice to me, kakasimba lang natin." warning niya sakin.

"Oo nga eh, kakasimba lang natin." sarkastiko kong balik naman.

"Make it fast."

Ito na nga eh.

Dahan dahan kong sinuot yung three inches niyang sandals habang nakaalalay siya sa arm wrist ko. Medyo masikip, pinagkakasya ko talaga yung paa ko. 

"You can walk, I promise." nakangisi niyang sagot. "Aalalayan naman kita."

"Anong—" napakagat ako ng labi. "Hindi kasya, asawa ko! Hindi ko kayang ilakad 'to."

"You can walk, basta nakaalalay ako sa'yo." 

"Hindi."

"You can."

Halos maiyak iyak akong sumubok lumakad. Hindi talaga ako nagjojoke na hindi ko talaga kaya! 

Nakaalalay lang siya sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Ngingiwi ngiwi na ako sa sakit pero ito parin ako, sinusunod yung utos niya.

Kung hindi niya ako aalalayan, paniguradong masisira ko yung heels niya.

Biglang lumipat yung kamay niya sa bewang ko at mas nagkalapit kaming dalawa. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nung naramdaman ko yung katawan niyang napapadikit sa akin.

Ang hirap namang kiligin nang may suot na heels! 

Inaalalayan niya parin ako. Nilagay niya pa sa balikat niya yung braso ko na para akong injured at naglakad pa kami paakyat.

Grabe yung nararamdaman kong hiya dahil maraming mga taong nakatingin na samin. Siguradong pinag uusapan kami.

"Nakakahiya." bulong ko sa kaniya.

Nginisian niya lang ako bilang sagot. 

"Ah!" hiyaw ko. Anak ng! Seryoso ba talaga 'to? Ang sakit! "Grabe kayong mga babae, kaya niyo talaga 'to?" nginingisian niya lang ako. Bakit ba puro ngisi lang 'tong kasama ko? Gusto niya ba talagang nakikita akong nahihirapan? 

"Anak ng!" pambihira. Natapilok pa ko!

Tawa pa nang tawa yung asawa ko.  

"Nyenyenye." irap ko. Bumagsak rin naman siya sa lupa! Anong tinatawa tawa niya diyan? 

Nasira ko tuloy yung takong. Anak ka ng tipaklong.

"You're an idiot." hindi parin natigil kakatawa 'tong asawa ko kahit na nakatayo na siyang pinapagpag yung pwetan niya. Oo na, hindi ko na talaga kaya. Pasimuno ka lang talaga sa pagpapasakit sakin, asawa ko.

Hinila niya yung kamay ko para tulungagn akong tumayo. "I told you to be careful." sambit niya habang pinapagpagan yung pwet ko. 

"Kahit na careful ako, kung ganito kataas yung sandals—"

"Yeah, I get it. You're stupid."

"Kasisimba mo lang!" singhal ko. Tinawanan niya lang ako.

Tinanggal ko yung heels sa paa ko. Hindi ko na talaga kaya tiisin 'to. 

Magpapaa na lang ako kaysa magkamali na naman ako ng apak, gugulong na talaga ako pababa sa bangin. Napakataas pa man din ng nilalakaran namin.

"What are you doing?"

"Nag pa-paa."

"No." hindi sang-ayon na sagot. "Madudumihan yung paa mo."

"Sira na yung heels mo."

"Madudumihan nga yung paa mo."

"Hindi ko na pwedeng suotin 'to, matatapilok na naman ako." kontra ko.

Huminga siya nang malalim. 

Bigla siyang umupo sa harapan ko. Takha ko naman siyang tinignan. "Anong ginagawa mo?"

"Aakayin kita."

HUH? "Ano?"

"Piggyback? Yun ata yung tawag mo dito."

Eh?

Seryoso ba siya? 

Minsan hindi ko rin talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ng asawa ko. Kakargahin niya ako sa likod? Anong klaseng trip yon? 

"Don't make me wait."

"Teka lang," hindi parin mag sink-in sa utak ko. "Seryoso ka ba talaga?"

"Hindi ako nagbibiro."

ANAK KA NG. 

"I am fucking waiting, Eleven."

"You're kidding, right?"

"ELEVEN."

"Anong gagawin ko?" nag aalangan kong tanong. Hindi alam ang gagawin. Nahihiya sa gustong gawin ng asawa ko. 

"Just ride on my back—" natigilan siya saglit. "—that sounds pervert." bulong niya. "Bilisan mo na!"

"Marami na nakatingin satin." nagpapanic kong sabi.

"I don't care."

"Marami talagang nakatingin."

"So? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Amber. . ."

"Don't make me wait!"

Mabilis akong pumasan sa likod niya sa taranta. Nanlalaki yung mata ko dahil sa gulat. "Asawa ko!" kinakabahan kong tawag. Kaya niya ba talaga ako?

"What the hell is your problem?"

"Baka mabali yung buto mo."

Narinig ko siyang napa 'tssk'. 

Para naman siyang naglakad na parang walang buhat buhat na tao.

"Ang dami mong arte." inis niyang singhal. 

Napanganga ako sa gulat. 

Gagi. Kaya niya ko.

Ganun ba kahirap yung training niya sa volleyball at kaya niyang magbuhat ng katulad ko?

"K-Kaya mo talaga ako?" gulat na gulat kong tanong. Pasan pasan niya ko na parang bata lang yung binubuhat. Kahit na pataas yung nilalakad niya, hindi siya nabibigatan. "Heavy weight champion ka ba? Paano mo ko kinakaya?"

"That's not what you should ask me about."

"Ano ba dapat yung tanong ko?"

Tumagilid yung mukha niya, mabilis lumayo yung mukha ko. Nakng. Magdidikit yung mukha namin kapag hindi ako lumayo! "Dapat yung tanong mo, paano ko nahahandle yung kagaguhan mo."

Natawa ako. "Hindi naman ako gago, asawa ko."

"Ulol."

Para talagang walang bitbit na tao 'tong asawa ko. Nakayakap yung dalawang kamay ko sa balikat niya.

Sa sobrang aliw ko sa kaniya, hindi ko na namalayan na nakarating na kami.

"Aray!" nakng. "Asawa ko naman!" hawak ko sa pwet ko dahil bigla niya na lang akong binagsak sa lupa. Wala man lang pasabi!

"You're heavy." reklamo niya.

Tumayo ako at nagpagpag ng likod.

Nginisian niya ko. Yung itsura ng mukha niya parang masayang masaya. "B-Bakit?" napaiwas siya ng tingin at umiling. 

Nawala naman yung atensyon ko dahil nakatingin siya sa malayo. Napatingin rin ako at nakita namin yung mas magandang view. Mas mataas 'to kumpara doon sa simbahan na pinanggalingan naming dalawa kanina.

"Nandoon tayo kanina." turo ko sa kaniya.

Hinihingal naman siya sa tabi ko na pawis na pawis. "Y-Yeah."

Buti na lang talaga may dala akong tubig. 

"Asawa ko oh." alok ko sa kaniya. 

"Thanks."

Kinuha ko rin yung panyo ko sa bulsa at binigay sa kaniya. Kinunutan niya ko ng noo at parang tinitignan kung para saan yung panyo ko. "Sa pawis mo." pinagpapawisan siya hanggang leeg.

Inangat niya yung leeg niya na parang inuutasan ako, na ako na yung magpunas tutal kagagawan ko naman yung pawis niya.

Huminga ako nang malalim. Nakng. Ako magpupunas ng pawis niya? Seryoso ba talaga siya? 

Bakit lagi niya akong inuutusan ng ganito? 

Sinubukan kong iabot sa kaniya ulit para siya na magpunas pero talagang inuutusan niya akong punasan yung pawis niya. 

Diyos ko. 

Bahala na.

Dinampi dampi ko yung leeg niya ng panyo nang nanginginig yung kamay. Pagkatapos ko, hindi ako tumingin sa kaniya at tumingin ako ulit sa malayo.

Unting unti na lang maakit na ako sa pinapagawa niya. 

"May pawis pa ko." reklamo niya.

"Oh." abot ko sa kaniya ng panyo habang nakatingin sa malayo. Naramdaman ko naman na inirapan niya ko kahit wala sa kaniya yung paningin ko.

"I was asking you to do it." riin niya.

"Kaya mo na yan, asawa ko." wala parin yung paningin ko sa kaniya nung sinabi ko. Padabog niya namang kinuha yung panyo sakin.

Pasensya na, asawa ko. Ang hirap hindi maakit. Kaya mo naman magpunas ng pawis mag isa eh. 

Natahimik kaming dalawa ngayon. Natuon rin sa wakas yung atensyon ko sa ibang bagay. Busy kaming dalawang tignan yung napakagandang view dito sa tuktok. Kinuha niya yung cellphone niya at kinuhanan ng picture yung view.

"Gusto mo bang picturan kita?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka marunong kumuha."

Sarkastiko akong tumawa. Ako pa talaga yung hinusgahan niya ha?  "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, asawa ko?" tanong ko sa kaniya.

"Oo."

"Hindi mo pa nga ako nasusubukan." angil ko.

"Siguraduhin mo lang marunong kang kumuha." inabot niya sakin yung cellphone niya at lumayo, naghanap ng magandang view sa background.

Nakangiti akong kinuhanan yung asawa ko ng litrato. Nung una, nahihiya pa siyang pumose pero siniguro kong hindi na siya mahihiya. "Ganda naman ng asawa ko."

Nilabas ko yung cellphone ko at kinuhaan siya. "Bakit pati cellphone mo?" takha niyang tanong.

"Remembrance." tipid kong sagot. "Okay! Tayo namang dalawa." Inangat ko yung cellphone ko at tumabi sa kaniya.

Nakuhaan ko siya nang nakatingin lang sakin imbes na sa camera. "Asawa ko." tawag ko. Bakit ka naman sa akin nakatingin, nasa mukha ko ba yung camera ng cellphone?

"Yep?"

"Tingin sa camera."

"Required ba 'tong may picture tayong dalawa?"

"Oo naman. Dali na! 1. . .2. . .3, smile!" grabe naman yung smile ng asawa ko. Napakaganda! "Okay, tara na—"

"Sa cellphone ko pa." inabot niya sakin yung cellphone niya. Hindi agad nag sink in sa utak ko na pati yung cellphone niya dapat meron ring kuha naming dalawa. "What?"

Umiling ako. Palihim na napangiti sa kilig. 

Ang sarap naman nito sa pakiramdam na magkakaroon kaming dalawa ng litrato sa pareho naming cellphone. Gusto niya na may kuha rin kaming dalawa sa cellphone niya hehehehehe.

"1. . 2. ." natigil ako saglit sa pagbilang dahil bigla niya akong inakbayan sa balikat. Mas malapit na kami sa isa't isa ngayon. ". . .3!" tinanggal naman niya agad yung pag akbay sakin. 

Bigla biglang nanunurpresa yung asawa ko. Ni hindi ko man lang naisip na aakbayan niya ako. 

Inabot ko sa kaniya yung cellphone pagkatapos. Nakatingin lang siya sakin, ngiting ngiti. 

Ano ba yan, nakakahawa naman yung ngiti mo. Nakakainis! 

Ang ganda ganda mo.

"Thank you."

"Hmm?"

"Thank you for bringing me here." ngiti niyang pasasalamat sakin.

"Nagustuhan mo ba?"

Masaya siyang tumango. "Sobra."

---

"Ayaw mo pa talagang umuwi, no?"

Nakarating kami ngayon sa Daranak Falls dito sa tanay. Niyaya niya kong pumunta dito tutal malapit narin naman kami.

Hindi ko alam kung bakit halos walang tao dito ngayon. Siguro nga kasi weekdays ngayon at hindi naman tag init.

Ang ganda lang talaga dito.

Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Hindi ko nga aakalain na makakakita ako ng waterfalls sa mismong harapan ko kasi hindi naman ako ganon ka-adventurous na tao.

Yung asawa ko lang pala yung makakahila sakin dito.

"Nakapunta ka na ba dito?" tanong niya sakin. Umiling naman ako bilang sagot. "Boring." 

Aba't tong—nang aasar ka na ha.

Nginisian niya ko. "What? Are you mad now?"

Nginusuan ko siya. Ang hirap mo namang palagan, asawa ko. "Hindi no."

Tinignan ko yung paligid na namamangha. Walang duda kung bakit mahilig mag adventure 'tong asawa ko. Napakaganda nga naman ng makikita mo.

"Ang ganda dito asawa ko—" anak ng. 

Naghuhubad yung asawa ko!

Naghubad siya ng pang itaas at pang ibaba.

Putek. Wala namang sabi sabi! 

"M-Mag swimming ka?" nauutal kong tanong na nakatagilid ng tingin, nakaiwas. 

"That's why I'm naked." hubad? Nakahubad na siya? Lahat?

Wala sa sarili ko siyang tinignan na sumisid na sa waterfalls. 

Sus. Hindi naman lahat eh.

Naka ano ka pa. . .bra. . .at panty.

Napahinga ako nang malalim na napahawak sa dibdib. Ang lakas ng pintig ng puso ko. 

Parang nag iinit pa yung mukha ko. Hindi ko ineexpect 'to na sisisid siya. Ang akala ko lang, titignan niya lang yung view ng daranak falls.

Akala ko lang pala.

"What? Diyan ka lang?" sigaw niya na nasa gitna na ng tubig.

"O-Oo." nakaiwas yung mukha kong sagot.

"Kailangan pa ba kitang itulak dito para sumisid ka lang?"

Wala akong pamalit!

Atsaka ano. . .hindi ka nakabihis. Nakakahiya sa'yo.

Baka sabihan mo kong manyakis. Wala naman akong masamang intensyon kaya dito lang ako.

"ELEVEN!"

"D-Dito lang ako." sagot ko. Hindi parin nakatingin.

"Huwag mo 'kong antayin na makabalik diyan!" galit niyang sabi.

"WALA AKONG PAMALIT." dahilan ko.

"Problema ba yon? MAGHUBAD KA."

"LAHAT?"

"MALAMANG."

Anak ka ng.

Bakit ako maghuhubad lahat? 

Kailangan ba talagang sumisid ako diyan?

"ISA!"

Malalim akong huminga ulit. Nag iipon ng lakas ng loob.

"I-Ito na." pakshet talaga. Hiyang hiya pa ko maghubad ng damit dahil alam kong nakatingin siya habang ginagawa ko yun. 

Wala man yung paningin ko sa asawa ko habang naghuhubad, ramdam na ramdam kong nakatingin lang siya sakin kaya mas lalo akong nakakaramdam ng hiya.

Lalong lalo na nung hinubad ko yung pants ko. Brief boxer na lang yung natira.

Pagka apak ko sa tubig, tumaas yung balahibo ko. Ang lamig.

"FASTER!"

Teka lang. Nakng.

Sumisid na ko pero hindi ko siya nilapitan. Nagsarili ako ng pwesto.

Pero hindi yun nakaligtas sa asawa ko. "What are you doing there?"

"Sumisisid." hindi ko parin siya tinitignan. Kunwari naghahanap ako ng isda dito sa tubig.

"I'm here." rinig kong sabi niya. Nagpapahiwatig na lumapit ako sa pwesto niya.

"I know."

"Jesus Christ." nanlaki yung mata ko nung nakita kong sumisid siya sa tubig palapit sa pwesto ko. PAMBIHIRA. 

Hindi ko naman sinabing lumapit ka sa pwesto ko! Tama lang yung distansya natin eh.

Lumangoy ako palayo bago niya pa ako abutan. "Ah!" hiyaw ko sa gulat nung maramdaman ko yung kamay niyang humawak sa binti ko. Naabutan ako! 

Bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy! Ang bagal ko tuloy makalayo!

Inayos niya yung buhok niya. Brinush niya ng kamay patalikod. 

Ang. . .ganda talaga. 

Hindi ko namalayan kaagad na natulala ako saglit.

Sinuntok niya ko nang mahina sa dibdib. Aray naman! "Bakit hindi ka lumalapit kanina doon?" inis niyang tanong.

Napalunok ako. Hindi alam ang isasagot.

Sinusubukang makipagtitigan sa asawa ko pero napapaiwas parin ako ng tingin. "M-Malamig banda don eh."

"Tsk."

"H-Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sa kaniya. Sinubukan ko ngayon tignan yung asawa ko pero napako lang yung titig ko sa mga titig niya.

"Nope." sagot niya nang nakatitig parin. "Do you know how to swim?"

Umiling ako. "Ikaw lang yata dito marunong lumangoy."

Nginisian niya ko. Niyayabangan. Hindi siya si Amber kung wala siyang kayabangan sa katawan.

"Akala ko talaga magsa sight seeing ka lang dito."

"I do this everytime na napapadaan ako sa ilog or sa waterfalls or dagat." paliwanag niya. "You should try that too."

"Buti hindi ka sumisid sa MOA." ngisi ko, nang aasar. Hindi nga lang ako nakaligtas dahil nabatukan ako. Common sense naman daw kung bakit hindi. "Joke lang eh." sineseryoso niya talaga mga biro ko.

Medyo nagiging kumportable na ko kumpara kanina dahil natutuon yung atensyon ko sa pagdadaldal ng asawa ko. Kakaibang klase, napapadaldal siya ngayon.

Ang dami niyang kinukwento tungkol sa mga kalokohan niya, experiences niya sa buhay. Lahat ng yun, hindi niya na namamalayan na naikukwento niya na.

Kitang kita sa mukha niya kung gaano siya kasaya.

"Are you still listening?" tanong niya.

"I do." kumikislap yung mata kong sumagot.

"You're just staring at me."

"Kasi nakikinig ako." seryoso kong sagot.

"Really?"

"I-repeat ko ba lahat ng mga kinwento mo?" tanong ko sa kaniya.

"Don't bother." sagot niya. "I know you're listening. I'm just testing you." ngiti niya. Ang ganda ng ngiti ng asawa ko.

Lalangoy na sana siya palayo pero hindi natuloy. Tinignan ulit ako pero seryosong seryoso na.

"Fuck you." mura niya. Napahawak ako sa dibdib, nagugulat. 

"Hala, bakit?" takha kong tanong. "Ano na namang ginawa ko?"

"Fuck you for making me comfortable with you." seryoso niyang sabi. "Fuck you for making me like myself when I'm with you. Jesus Christ." sabay langoy palayo.

Napakagat ako ng labi. Nagpipigil ngumiti.

Sumigaw siya na sumunod na ko dahil malapit na mag gabi. "Yes, asawa ko!"

"Shit." rinig kong mura niya. Akala ko aahon na siya pero nandon lang siya, nakahinto.

"May problema ba, asawa ko?"

"Natanggal yung hook ng bra ko." sambit niya. "Shit."

Napaiwas ako ng tingin nung humarap siyang nakahawak sa bra niya, sa dibdib niyang nakatakip yung cup ng bra.

Nakng. Nangyari pa 'to sa kaniya.

"Eleven." tawag niya sakin pero di parin ako nakatingin. "Eleven!" tawag niya ulit.

"Y-Yes?"

Tumalikod siya sa kin. "Hook my bra."

"What?"

"JUST DO IT."

Takte. Bakit ba kasi nangyari 'to?

"Bilis!"

"I-I-Ito na." nanginginig yung kamay kong ginawa yung pinapagawa niya. Hindi ko alam kung sa lamig o sa pakiramdam na nahihiya ako.

Pagkahook ko, umahon naman na siya. Napaiwas ako ng tingin nung bumungad yung makinis niyang katawan na nakatalikod sakin.

Umahon na rin ako pero nakayuko. Hindi tinitignan yung asawa ko.

Pisteng yawang hook ng bra yan. Hindi na mawala sa utak ko.

---  

Panay ang tawag ko sa asawa ko, akala ko may kausap pa ko pero tulog na tulog na pala sa tabi ko.

Sino nga ba namang hindi makakatulog sa pagod? Kahit ako antok na antok na pero kailangan gising yung diwa ko dahil nagmamaneho ako.

Nagpatugtog na lang ako ng mga soft na kanta dito sa radio. Ayaw ko kasing magising yung asawa ko. Pero ang cons non, nakakaantok. Kailangan kong magising.

Wala yatang makakasira ng araw kong 'to. Ang ganda ganda. 

Ito na yata yung pinaka masayang araw ng buhay ko. Nakakatuwa na nakapasyal kami ng asawa ko sa mismong birthday pa niya. 

Ang sarap pa niyang makitang nag eenjoy at masaya kanina. 

Salamat sa kaniya at binigyan niya ako ng chance na i-celebrate yung birthday niya ng kasama ako. Isang malaking bagay yun sa akin.

Pagkadating namin ng village, kinausap ako ng guard. Kinabahan ako, akala ko may nakapasok sa bahay nang walang katao tao.

"May naghahanap po sa inyo." sabi nung guard.

"Sino daw?"

"Hindi po nagpakilala." sagot niya. "Dalawang kotse po yun. Nasa bahay niyo pa po."

Sino?

Dalawang kotse?

"Sige, salamat." 

"Sino daw yung nasa bahay?" gising na pala yung asawa ko.

"Hindi ko rin alam." sagot ko. "Kanina ka pa gising?"

"Just woke up." nag unat unat siya.

Anak. Ng.

"Takte." pamilyar yung dalawang kotse sa tapat ng bahay namin. Hindi ako naka abante dahil sa gulat.

"What?" takha niyang tanong sakin. Tinuro ko yung harapan ng bahay namin. "Holy shit."

Kotse ni Black at ni Brie.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos walang pumapasok sa utak ko kundi puro tanong.

"Bakit nandito si Brie?"

"Bakit nandito si Black?" balik kong tanong. "Shit. Birthday mo nga pala." malamang, nandito siya.

"Bababa na ba ako dito?" nagpapanic kong tanong sa kaniya. "Paano kapag nakita nila tayong magkasama?"

"Walang bababa." sagot niya naman sa akin. "Iabante mo na, lumapit ka na sa bahay." mainahon niyang utos.

"Sigurado ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Paano kapag—"

"Huwag kang matakot, okay?" sagot niya naman sa akin. "We didn't do anything wrong."

"Baka magalit siya." sambit ko. "Baka mag away kayo. Ayaw kong mastress ka ngayong birthday mo dahil sa away niyo."

"Saan naman?"

"Baka magduda satin."

"No." sagot niya. "I can handle it."

"Paano kapag nagbreak kayo dahil sakin?"

"Just drive, Eleven." seryoso niyang sabi.

Kinalma ko yung sarili ko atsaka pinaandar yung sasakyan palapit sa bahay namin.

"Paano kapag dinaldal na ni Brie?" tanong ko sa kaniya. "Imposibleng hindi niya sinabi."

"JUST DRIVE."

Nasa tapat na kami ng bahay. Nakatingin samin yung dalawang nakasandal sa kotse.

Gulat na gulat si Black nung nakita kaming bumaba. Napayuko ako, sabi na magdududa siya.

Lumapit sa kaniya si Black at niyakap.

"Chris!" nabaling yung atensyon ko kay Brie. Lumapit sakin at yumakap. "I miss you."

Habang nakayakap si Black sa asawa ko, nakatingin yung mata niya sakin. Nagtatanong yung mga titig sa yakap namin ni Brie.

Napalunok ako sa kaba.

Kumalas sa yakap si Brie. Hinawakan ako sa pisngi ng dalawang kamay niya. "You didn't answer my call."

"Uh. . ." tinignan ko yung cellphone ko. May mga missed call nga niya. Ang dami. ". . .sorry."

"Hindi mo na ko pinapansin." may halong sama ng loob yung boses niya.

"Sorry." yuko ko. Sa katunayan, hindi ko na rin alam kung paano kita kakausapin, Brie. Ang hirap kapag yung asawa ko, against sa pagkikita namin. Nagagalit. Sumasama yung loob. Ayaw kong mangyari na naman yun.

"Babawi ka sakin." akala ko tanong yun pero hindi. Statement yung sinabi niya. Inuutusan ako na bumawi.

"Happy birthday, babe." hindi ko alam kung bakit rinig na rinig ng dalawang tenga ko yung pag uusap nilang dalawa.

"Thanks." rinig kong sagot ng asawa ko.

Nakatingin na naman sa akin si Black. Hindi ko mapigilan na umiwas ng paningin dahil sa guilt.

Yung mga tingin niya, alam kong nagseselos. Nakakaramdam.

Pasensya na pre, ako yung inaya ng girlfriend mo. Ako yung inaya ng asawa ko.

"Magcecelebrate sana tayo tonight." sambit niya. "Late ka na ng one hour."

"Yeah." tipid naman na sagot ni Amber. "Hindi ko naman alam na pupunta ka kaya hindi ko kasalanan kung nagsayang ka ng isang oras dito."

"Saan ba kayo galing dalawa?"

"Somewhere."

Nakng. Yung sagot ni Amber, siguradong maraming naiisip na sagot tuloy si Black.

Mas lalong pagdududahan kami.

"Kayong dalawa lang?"

"Yes."

"Why?" yung mga tanong niya, parang nanghuhuli. "Anong ginagawa niyo?"

"We celebrate my birthday." sagot niya. "We're friends, bakit hindi?"

"Friends?"

"Yes." parang naghahanap pa ng sagot si Black. "Is that wrong?"

Hindi nakasagot si Black.

"You celebrated your birthday last time with your friend too, right? Was that wrong?"

"You have a stupid wife." bulong sakin ni Brie kaya hindi ko na narinig yung sinagot ni Black.

"She's not stupid."

"Sabagay, paniniwalaan naman siya ni Black." kwento niya. "Black won't even believe she cheated on him. Ganyan kapanatag yang gagong yan."

"Hindi naman siya nagloko."

Pinatong ni Brie yung dalawang siko niya sa balikat ko at sinusuklay suklay yung buhok ko hanggang sa ikawit niya sa batok ko yung dalawang kamay niya.

"Did you tell him we're married?"

"It's not my story to tell." sagot niya. "And we're not even close."

"Good." nakahinga ako kahit papaano nang maluwag.

Nagulat ako nung bigla akong halikan nang mabilis ni Brie.

"A-Anong ginawa mo?"

"I kissed you." sambit niya. "Bumawi ka sakin sa susunod."

Naramdaman kong may nakatitig saming dalawa.

Masamang masama akong tinitignan ng asawa ko habang may kausap sa cellphone yung boyfriend niya.

Parang gustong gusto niyang lumapit pero pigil na pigil lang siya.

Anak ng.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 1.1K 44
absquatulate (v.) to leave without saying goodbye. plagiarism is a crime ©2020
1.1K 120 21
"Hindi ako titigil mylabs, I will not stop until you'll fall for me.." "Yuckss! Dream on Gurl.. I will not fall for you noh..tumabi ka nga! Tsupii...
202K 1.2K 20
Isang babae na Nagmahal sa murang Edad nya sa isang mas ma edad sa kanya na isang matalik na kaibigan pa ng mga magulang nya .. Maraming problema ang...
2.5K 62 16
•Harvey De Loughry and Tashia Doctolero•