my sadist wife (completed) (i...

Od unicachicca

24K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... Více

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 30

206 16 5
Od unicachicca

Eleven.

Mukhang mahabang habang gabi ito.

Halos hindi ako makakilos dito sa kama. Natatakot akong maglilikot dito dahil baka magalit siya.

Kung kanina ay nahihirapan na ako kuhanin yung tulog ko, mas lalo na ngayon na katabi ko na siya dito sa kama.

Ang hirap nang naka steady ka lang na naka posisyon, lalo na't hindi ganito yung gusto kong posisyon matulog. 

Hindi ako kumportable lalo na't babae yung katabi ko. Yung taong mahal ko pa.

Gusto ko man na magkatabi kami, pero ang weird naman kung hindi naman ako yung boyfriend niya. Ang weird lalo na't wala naman kaming tunay na relasyon. 

Napapansin kong hindi rin siya makatulog ngayon dahil siya naman ang naglilikot likot sa kama ko. Naghahanap siguro siya ng magandang posisyon para makatulog siya pero wala parin siyang mahanap na magandang posisyon.

Eh kung pinatay ko na lang sana yung ipis, nakatulog ka na sana sa kwarto mo nang mahimbing. Nakapagpahinga ka na sana nang maayos lalo na't pagod ka pa galing sa Tagaytay. 

Kanina pa naman mukhang antok na antok ka na sa pagod. Ngayon, hindi ka na makatulog.

Tinabingi ko yung ulo ko. Nakaharap na ngayon yung katawan niya sa gawi ko na nakatingin sa akin. 

B-Bakit siya nakatingin sa akin? 

"H-Hindi ka makatulog?"

Huminga siya nang malalim.

Ang ganda mo talaga, asawa ko. Hindi ko masyadong maaninag pero gandang ganda talaga ako. Tanging liwanag lang ng buwan yung tumatama sa mukha niya pero kita ko padin kung gaano siya kaganda.

"Y-Yes." nahihiya niyang sagot. "I can't sleep."

Natawa ako nang mahina. "Sabi ko naman kasi sa'yo eh."

"What?" masungit niyang tanong.

"Pinatay ko na lang sana yung ipis." sagot ko. "Pwede ko parin namang hanapin sa kwarto mo para doon ka na lang matulog—"

"I'm fine."

Pasaway.

"Eh paano ka makakatulog?"

"I can sleep here."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napaiwas ako ng tingin. "Okay." sambit ko na lang. "Try ko matulog ulit, asawa ko ha? Goodnight."

"Goodnight." iniba niya yung posisyon at nakigaya na sa akin. Nakatingin na rin sa kisame.

Tahimik ang buong kwarto at sigurado akong hindi parin siya nakakatulog katulad ko. 

Paano niya nakakaya na subukang matulog sa tabi ko ngayon? Dati parang gusto na niya akong isumpa nung nakita niya akong katabi niya. Ngayon, kinakaya niya. 

Ibang klase yung power ng ipis para patulugin siya sa tabi ko. Biruin mo yon.

Gusto ko sanang lumipat sa sofa, o kahit matulog man lang sa ibaba ng kama pero ayaw niya talaga. Hindi niya gustong sa iba ako matulog kundi dito lang sa tabi niya. 

Wala na rin naman akong magagawa, request 'to ng asawa ko e.

Narinig kong nag vibrate yung cellphone ko sa side table ng kama. Napansin kong napatagilid yung mukha ng asawa kong nakatingin sa akin pero hindi ko pinansin dahil natuon yung atensyon ko sa text. 

"Who's that?" rinig kong tanong niya pero hindi ako naka sagot. Nag cocompose ako ng i-rereply sa nag text. "Who's that?" rinig kong ulit niya.

Nagpapadespedida yung kaibigan ko nung college, si Kev. Mukhang aalis na siya ng Pilipinas.

Hay nako. Hindi man lang nagsasabi nung nakaraan bago magpa despedida. Edi sana naka bonding ko pa 'tong lokang 'to.

"Are you deaf?"

"Huh?" napatabingi ko yung ulo ko. Seryoso na siya ngayon na nakatingin sa akin. Mas maliwanag ngayon yung liwanag ng buwan kaya nakikita ko kung paano magsalubong yung kilay niya.

"I was asking you." 

"Uh. . .kaibigan."

Binalik ko yung atensyon ko sa cellphone ko at nagtipa ulit ng irereply para sa invitation niyang despedida sa susunod na araw.

"Who's that friend?" rinig kong tanong niya. "Is that Brie?"

"No."

"Then who the fuck is that?"

"A friend from college." tipid kong sagot dahil busy ako magtipa ng message.

"Sino?" inis niyang tanong na parang pinapaulit yung sagot ko. 

"Kaibigan ko sa college." ulit ko. 

"Why did she text you?" seryosong tanong niya pero busy parin ako sa pagtetext. "Eleven." rinig kong tawag niya sa akin.

"Inaaya niya ako sa party sa susunod na araw." sagot ko at nasa cellphone parin ang atensyon.

"What? Party? You know how to party?" tanong niya ulit sa akin. Nagtatakha.

Natigilan ako at tinitigan siya.

Grabe naman 'to sakin.

"What?"

"Marunong ako makiparty no." pagyayabang ko. Porket taong bahay lang ako dito sa atin, hindi na ko marunong makiparty?

Pero may point siya. Hindi naman kasi ako madalas makiparty nung college, normal na tao lang ako na nag aaral at ang priority ko lang ay makatapos.

"Kayo lang dalawa magpa party?" medyo tumataas na yung tono ng boses niya kumpara kanina.

"Despedida, asawa ko." sagot kong pasarkastiko. "Hindi lang ako yung invited."

"Why not? Nagagawa mo ngang makiparty sa condo ng iba." rinig kong sambit niya. Mukhang pinapahiwatig yung kay Brie. Nakng. "Na kayo lang dalawa."

Napakamot ako. Ang layo naman non dito sa pinag uusapan namin na despedida. 

"Asawa ko naman eh." kunwaring naiinis kong sabi. "Hindi naman kami lang, party yun. May mga tao rin kaming makakasama."

"Oh? Why are you getting mad if it's not what I think it is?"

"I'm not mad. . .po." sagot ko.

"Oh, baka naiinis ka kasi totoo yung iniisip ko at nabunyag ko lang?"

Napabuntong hininga ako. I quit. "No, it's not what you think it is. It's a party with her colleagues, friends, and family."

Tinuloy ko yung pagtipa ng letra. "What's her name?" rinig kong tanong na naman niya. Hindi ako nakasagot dahil binabasa ko yung buong message na isesend ko, baka kasi may typo o walang sense yung sinabi ko.

"Are you listening?" may halong inis na yung boses niya. Actually kanina pa pero mas ramdam mo yung inis ngayon.

"I'm listening." sagot ko.

"Then why are you not answering me?"

"Ano nga ba ulit yung tanong mo?"

"So you're not really listening?" inis niyang tanong sakin.

"Nakinig ako."

"Eh bakit hindi mo alam yung tinanong ko sa'yo?"

"Nakalimutan ko lang kung ano yung tinanong mo, asawa ko."

"Paanong hindi mo makakalimutan yung tinanong ko, eh yung atensyon mo nasa cellphone?"

"Nagrereply naman kasi ako sa kausap ko sa cellphone, asawa ko." sagot ko. "Pero ano nga yung tanong mo?"

"Nevermind." inis niyang sabi na nakahalukipkip nang nakahiga. 

"It was Kev."

"A guy?" takha niyang tanong.

"Yep."

"So—"

"Yung pronouns niya ay she/her." sagot ko. "She's part of LGBTQIA+"

Tumango naman siya. Mukhang naintindihan na niya kung ano yung sinasabi ko. Kev wants to be called a female or she/her and walang problema yun. That's what she wants and I think we should respect her sexual orientation.

Walang mali doon. Kung may mali doon, kailangan lang nilang palawakin yung mindset nila.

"I think. . .I know her." sambit niya.

Oo, kilala mo. Nakakalaro mo ng vacant time ng volleyball si Kev nung college.

"Kevin Alemanio." sagot ko naman. "That was her name."

Natigilan siya.

"When do you know her?" takhang tanong niya. "She's my friend."

"College." ngiti ko. Proud na sumagot.

"College?"

"College." sagot ko ulit.

Napanganga siya. "You mean—"

"Yes, asawa ko." sagot ko. "We were schoolmates."

Gulat na gulat niya akong tinignan. Syempre, hindi mo alam. Ako lang nakakaalam sa ating dalawa kasi ikaw lang naman yung sikat satin dito sa university. 

"I didn't know." mahina niyang sabi.

"Hindi ka naman kasi nagtatanong sakin eh." biro ko. "But yes, we were in the same university."

"I never saw you there."

"Ako, nakikita kita." pinapanood pa nga kita kapag may laro ka. Sinusubaybayan kita parati. Crush na crush kita. 

Hanggang ngayon.

"Where?"

"Varsity ka 'di ba?" ngiti kong tanong.

"Yes."

"Kaya kita nakikita." sagot ko. "Nakita mo na nga ako non eh."

Umiling siya. "No, I never saw you there."

Nagtatama pa nga mata natin kahit segundo lang. Masayang masaya na nga ko non kasi kahit papaano, alam mo na nag eexist ako.

"Oo kaya."

"Seriously, I didn't."

"Baka hindi mo lang maalala."

"Nakita na lang kita when your father introduced you to me." yung tinutukoy niya yung kasal.

Sabagay.

"Nakikita mo kaya ako sa corridor." sambit ko. "Sa four years na yon, hindi mo maalala?" biro ko dahil alam kong hindi niya talaga ako kilala.

"Really?" hindi talaga siya makapaniwala. "Since freshmen? Doon ka na nag aral?" tanong niya sa akin.

"Oo kaya."

Natahimik na naman siya.

"Hindi ko alam."

Natawa ako nang mahina. "Bola kasi lagi nasa isip mo eh." biro ko.

"How do you know na varsity ako?"

"Sinong hindi makakakilala sa'yo? MVP ka mapa regional o provincial." sagot ko naman.

"Did you watch my games?"

Of course, I do. That was my proudest moment as your husband kasi I witnessed all your games nung college.

"Yes." sagot ko nang nakangiti. "I love watching volleyball." and I love watching you play.

Yung attitude mo sa court, yung focus, perseverance, yung competitive side mo. Those are my favorite traits of you. That's how I started adoring you from afar.

"How was my game?" tanong niya naman sa akin. Parang naging interesado siya bigla dahil gusto niyang marinig yung opinyon ko tungkol sa kaniya.

Para naman ako ngayong kinikilig. Hindi ko kasi ineexpect na mangyayari 'to ngayon. Yung pag uusapan namin yung mga laro niya noon.

"Do you really wanna know?" tanong ko.

"Answer me."

Napangiti ako nang napaka lawak. "Okay naman."

"ANO?"

Malakas akong natawa. Hindi naman mabiro 'tong asawa ko.

"Okay yung laro mo." biro ko pa kaya nakurot ako sa tagiliran. "Joke lang eh."

"Hindi ka naman talaga nanood."

Para namang biglang nagtampo 'tong asawa ko. 

"No, asawa ko." sambit ko. "Napanood ko yung mga laro mo at bilib na bilib ako sa'yo." sinsero kong sabi.

"Really?" hindi ko alam pero yung ngiti niya ngayon, hindi niya rin mapigilan.

"You're the coolest of all our varsity back then." sagot ko naman sa kaniya. "And I'm proud of you."

Nagkatitigan kami.

"Nakaka proud kasi asawa ko pa talaga yung the best player sa university ko." sambit ko. "Kung pinagpatuloy mo lang yung career mong yun, siguradong nasa iba't ibang mundo ka ng nakikipag laban sa iba't ibang team. Ganon ka kagaling, asawa ko."

Salamat sa liwanag ng buwan na tumatama sa mukha niya, nakikita ko yung mukha niyang napapangiti at natutuwa sa sinsero kong mga sinabi.

Napaiwas ako ng tingin na nakangiti parin. "Lalo na kapag humahampas ka na ng bola." kwento ko. "Kung gaano ka kabilis kumilos at mag isip. Yung hindi ka marunong gumive up kaagad kahit natatambakan na kayo ng score, yung ugali mo na gustong gusto mong manalo. Lahat ng yan ay factors kung bakit ko nasabing ikaw ang pinaka cool na taong nakilala kong player."

Hindi siya nakasagot. Parang malalim yung iniisip na nakangiti nung sumulyap ako sa kaniya.

Salamat talaga sa liwanag ng buwan at nananakawan ko siya ng tingin habang nakangiti siya.

"I badly want to be a varsity." nagulat ako nung narinig ko siyang magkwento. "I really do and I was really happy that I did."

"I'm happy that you did."

"Whenever I am on court, I always thought about my mother." kwento niya kaya mas lalo akong naging interesado. "She was my idol, actually, she still is."

Tumagilid ako ng higa sa gawi niya at pinatong yung siko ko sa unan para gawing pang tungkod sa ulo ko.

This is what I want to hear. Yung nagkukwento siya about her personal life nang hindi pinipilit, yung nagkukusa. Sobrang rare moment nito.

Naikwento niya ngayon na namatayan siya ng nanay because of cancer. Kaya silang tatlo na lang yung naiwan dito sa mundo. 

"I'm sure na miss na miss ka na rin niya." sambit ko sa kaniya. "Nandiyan lang naman siya sa tabi mo para i-guide ka."

"Oh, please." natawa siya nang mahina. "Let her rest in peace. I won't ask her to guide me because for sure, gusto niya ring magpahinga nang walang iniintindi."

Natawa rin ako sa sinabi niya. "You have a point."

"But I am really sorry about your loss. Hindi mo deserve mawalan agad ng nanay. Deserve mong makasama siya nang matagal." sinsero kong sabi. "Kung si Lord lang ako, baka gawin ko pang two hundred years yung edad niya eh. Makasama mo lang siya nang matagal."

Nginitian niya naman ako nang naiiling.

"You know what, she was a varsity too. Dela Salle player siya." kwento niya ulit kaya tumahimik na ko at nakinig. "She was part of UAAP team."

Napanganga ako.

"Really?"

"Yes." sagot niya. "She was an MVP."

"May pinagmanahan ka talaga." nakangiti kong sabi. "Siguradong proud siya sa'yo, asawa ko."

"You think so?" matipid niyang ngiti.

"She is." sagot ko. "You did a great job. Not just in volleyball but for everything you did for yourself. For all your achievements."

"Wala naman na akong masyadong achievements sa buhay maliban sa volleyball career ko."

"Eh yung pinagdaanan mo sa buhay, hindi ba yon achievements?" tanong ko sa kaniya. "Yung mga panahong sobrang down na down ka at walang masabihan, pero nakayanan mong lagpasan. Paanong hindi achievement yun?"

Hindi siya nakaimik.

"Kahit yung pagbangon mo nga lang sa kama, isang malaking achievement na yun sa buhay lalong lalo na kapag you're feeling blue." sambit ko. "Malaking bagay yun, akala mo lang maliit. Napaka hirap kayang bumangon sa kama lalo na talaga kapag wala sa mood."

Napatitig siya sa akin.

"Walang maliit na bagay pagdating sa achievement." sambit ko. "You should be proud of yourself, the way we are proud of you." sinsero kong sabi. "Always remember that, asawa ko."

Sumilay na naman yung hindi niya mapigilang ngiti. Ang cute niya talaga.

"Thank you."

"No, thank you for sharing your story without any hesitations. I know napaka hirap niyan i-bring up but you did." ngiti kong sabi. "Kaya salamat."

Ang sarap niyang tignan sa mata na natutuwa. Halos hindi na matanggal yung paningin ko sa kaniya pero nawala rin nung sinenyasan niya ako na nag text na ulit si Kev. 

"Nakakuha rin kami ng invitation from Kev." kwento niya. Sinong kami?

"Kami?"

Natahimik siya saglit na parang may napagtanto sa sinabi niya.

"Sinong kami?"

"B-Black."

Ahh.

"I see."

Natahimik na naman siya.

"Are you going?" tanong ko nang mainahon.

"With Black."

Tumango ulit ako. "Naging kaibigan niya rin pala si Black."

"Same university lang rin kasi siya." sagot niya. "Pati tayo."

Naikwento nga ni Klarisse.

Hindi na naman kami nakaimik sa isa't isa.

"So, ibig sabihin alam ni Kev na may relasyon kayong dalawa?" tanong ko pagkatapos ng mahabang pagkailang. 

"Since college, yes."

Imbes na makaramdam ako ng selos ngayon, parang gusto kong i-take advantage itong chance na 'to para makapagtanong tanong ako tungkol sa kanilang dalawa.

Kung hindi ko gagawin ngayon, baka hindi na ako magkaroon ng pag asang magtanong tungkol sa kanilang dalawa ni Black. 

Lalakasan ko na lang yung loob ko, dahil kailangan. 

"Can I ask you a question?" tanong ko.

Nagdalawang isip siya pero nakatango naman siya. 

"Why did you two broke up nung college? Actually, I never saw you two na magkasama kahit isang beses."

"We were secretly dating." sagot naman niya. "Because of his family and. . .varsity ako. We were not allowed not to date anyone."

And you two are actually dating secretly again.

"And then you got exhausted kaya ka nakipag break up ka?"

Umiling siya. "I never gave up on anything." sagot niya sa akin. "He was."

Pumasok sa isip ko yung isa sa ugali niya. Wala sa vocabulary niya nga pala yung mag 'give up' sa mga bagay-bagay.

"May I know why?"

"Siya yung napagod." sambit niya. "Hindi daw worth it yung relationship namin kasi he was not even sure kung infatuation lang ba yung nararamdaman niya sa akin para ipaglaban ako sa family niya. His parents found out rin kasi. He was threaten na mawalan ng mana so we broke up."

Nakaramdam naman ako ng inis sa narinig ko. Nasaktan niya yung asawa ko dahil lang sa pagbabanta ng magulang niya. How dare him? 

Ang swerte na nga niya eh. Si Amber yung girlfriend. 

Bwisit. 

Kung ako siguro yun. . . .kung ako siguro. . .nakng. Ayan na naman ako sa pagkukumpara ko sa sarili ko kay Black.

"Bakit kaya ayaw sayo ng magulang niya?"

"I'm not rich like them." sagot niya agad. "They have to find someone na kasing yaman nila na pwede nilang ipakasal kay Black." paliwanag naman niya. "That's normal nature of greed."

"How about now?" tanong ko sa kaniya. "Do they know?"

Umiling siya. "They can't know." sambit niya. "Especially na he's finally getting married with someone they think na perfect match kay Black."

"What will happen if nalaman nila yung relasyon niyong dalawa?"

Dire diretso na kong napapatanong. Masyado kong sinusulit yung pag aadvantage nitong oras na 'to na hindi ko man lang namamalayan na masyado na sensitibo yung mga tinatanong ko.

Hindi tuloy siya nakasagot.

"I'm sorry. If you don't want to talk about it—"

"I have plans." nakatulala niyang sabi.

"Do you still want to share it with me?"

"Do you really wanna know about it?"

Sa sobrang hindi kita mabasa, gustong gusto kong malaman lahat ng pinaplano mo, asawa ko.

"Yes."

"I am have my own business." sagot niya. "Separate sa business ng family natin. But. . . secretly."

"What for?"

"To prove how much I deserve their son." sagot niya. "Gusto kong patunayan na meron ako nung hinahanap nila para sa anak nila. Na kaya kong tapatan yung yaman ng pamilya nila."

Natahimik ako. Hindi ko inaasahang ganun siya ka pursigido sa relasyon nilang dalawa ni Black. 

"And I'm doing my very best to make it so successful na hindi na nila kayang maka hindi kapag nag offer ako ng merger." sagot niya sa akin. "I want them to accept me for their son."

"Pero may fiance na siya. . ."

"I still have time. Kaya ko pang baliin yung marriage proposal na yun sa tamang panahon."

But. . .you're still married to me.

Malalim akong huminga. Gustong gusto niya talaga si Black. Kaya niya talagang gawin ang lahat para mapa sakaniya lang yung lalaking mahal niya.

Siguradong mawawala rin ako sa buhay niya. Lahat ng pwedeng sagabal sa relasyon nilang dalawa, tatanggalin niya. Kasama na ako sigurado doon.

Masakit man, wala na akong magagawa. Kung yun ang gusto niya, kung makakapagpa saya yun sa kaniya, tatanggapin ko. 

"Hindi niyo ba kayang pakiusapan na lang yung magulang na hayaan na lang kayo ni Black sa gusto niyo?"

"Walang pami pamilya kung bulag ka sa pera, Eleven. Kahit kalayaan ng anak mo, pwede mong nakawin para sa sariling interes."

Kaya lumalaban yung asawa ko sa sistema na gusto ng pamilya nila Black.

"Eh tayo. . .kailan mo ba balak makipaghiwalay sakin sa papel?" wala sa sarili kong naitanong. 

Hindi siya nakaimik.

"Kasama rin ako sa plano mo, 'di ba?" tanong ko. "Kung kailan mo ko hihiwalayan."

"I still have no timeline for that matter."

"But I have to prepare myself, right?" tanong ko sa kaniya.

Base sa mga narinig ko sa kwento niya, desidido na siya sa mga pinaplano niya para sa kanilang dalawa ni Black.

Parang ngayon, nakaramdam ako ng sinyales.

Nagsisimula na kong maghanda. Nagkaroon na ko ng sign ngayon na maghanda sa posibleng biglaang pirmahan ng papel sa hiwalayan namin.

"Kung ano yung magiging desisyon mo, doon ako." sagot ko. "Para sa ikakabuti ng pakiramdam mo."

"I'm not. . .here to talk about that." sambit niya.

"I'm sorry." awkward kong tawa ng mahina. 

"It's fine."

Humiga na ko nang maayos at tumingin ulit sa kisame. Tahimik lang kami ngayong dalawa.

Hindi parin siya natutulog. Alam ko dahil nakikita ko sa peripheral view ko na nakadilat parin siya.

"I-I'm sorry."

"Hmm?" lingon ko.

"Sorry about kanina. I think you got upset and you were also upset earlier. Mukhang kanina pa ako namumuro sa'yo." sagot niya naman sa akin. "I'll try to make it up to you."

"Saan naman ako upset?" tanong ko.

Nagkibit balikat naman siya. "I just can feel it."

Naisipan kong magbiro. "Kasi naman sa party, akala ko asawa time ka kasi, yung tayo magkasama kila Kev. Yun pala, babe time." biro ko na lang kunwari pero hindi siya nakitawa.

Naawkwardan tuloy yung asawa ko.

"I'm sorry. Kev doesn't know about us. Alam niya lang na kami parin ni Black." sambit niya. "And kaibigan niya si Black so he can't know that we're married."

Ang tanga ko naman mag joke.

"I know. I was just joking." sambit ko. "Gusto lang kitang patawanin kahit kaunti."

"My father," panimula niya na parang may ikukwento siya. "he said you are a good man but I didn't believe it from the start."

"Wala ba sa itsura ko?"

"Wala."

Ang bilis namang sumagot!

"Nakng." narinig ko naman siyang natawa nang mahina. "Seryoso ba?"

"Biro lang."

"Ikaw ang amo ng mukha, sadista pala." biro ko naman pabalik. "Aray! Asawa ko naman eh!" nakurot na naman ako sa tagiliran.

"Really?" kurot niya ulit.

"Ayan nga oh, nangungurot ka." sambit ko. Nanghampas pa.

"Pero ano nga yung kinukwento mo?" baling ko sa kaninang topic. "Hindi ka naniwala na mabait ako dahil sa mukha ko?"

"No. The truth is, I never trusted any man besides my father and Black." kwento niya. "Pero nung nakilala kita nang maayos, you're really a good man."

Napangiti naman ako. "Talaga?"

"Yes."

"Masaya ka naman ba sa piling ko, asawa ko?" may halong biro yung tanong ko.

"I'm happy with you, but. . . "

"Bakit may but?" tanong ko.

"Eh may but eh."

"Pero ano yung but na yan?"

"You're not honest."

Nanlaki yung mata ko. Ako? Hindi honest?

"Ano?"

"Hindi marunong magsabi ng totoo."

"Saan? Kailan?"

"Kanina."

"Saan?"

"Sabi ko nararamdaman kong upset ka but you denied it."

"Hindi naman talaga ako upset."

"See." sarkastiko niyang sabi. "You're a liar."

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi naman talaga."

Napangiwi siya. "Fine."

Natahimik ulit kaming dalawa.

"Alam mo, asawa ko." sambit ko. "You deserve to be happy. And I'm sorry kung isa ako na naging sagabal ngayon sa happiness mo. If you are planning to file an annulment, you can ask me about it. Hindi ko ipagdadamot yun kung makakatulong yun sa'yo."

Narinig ko yung malakas niyang buntong hininga. "Kailangan bang nating mag annulment?"

"Of course." sagot ko nang natatawa. "Seryoso ka ba diyan sa tanong mo?"

"No, I'm just joking." walang emosyon niyang sagot.

Ngayon, maihahanda ko na yung sarili ko sa pwedeng mangyaring annulment.

Mas maigi ng handa ako, kaysa sa hindi.

Aware ako sa nangyari sa akin. Kung paano ako nalugmok, kung paano ako nalungkot nung bigla siyang nawala. Dahil hindi ko alam kung hihiwalayan na ko kasi hindi nga umuuwi.

Ngayon, maganda na yung makapaghanda. Para sa ikabubuti ng pakiramdam ko.

"I don't know if I have to say this personally but I think you deserve to hear this." sambit niya. "Thank you."

"Oo nga, nag thank you ka na kanina." ngiti ko.

"No, thank you. Thank you for everything." sambit niya. "Hindi naging ganon kabigat sa akin yung kasal na 'to dahil ikaw yung napangasawa ko."

Kumabog yung dibdib ko. Hindi nakapagsalita.

"You're really a good man." sambit niya. "You're very nice to me kahit na sadista nga ako according to your experiences."

Napakagat ako ng labi. Pinipigilang ngumiti.

"You know how to help me when I need someone's help. You're always on my side." sambit niya. "You always try na maging light sa akin yung mga problema ko kahit na sobrang bigat non."

Mas lalo akong napapakagat ng labi.

"You have a big heart. Kinakaya mong magpatawad at sinusubukang intindihin yung sitwasyon ko kahit mahirap sa posisyon mo. You're a mature person." sambit niya. "And it's nice that you exist in this world. It's nice na nakilala kita."

Hindi ko na napigilang ngumiti.

"Venting out is the hardest thing for me but when it's you, parang ang dali dali." paliwanag niya pa. "Ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko yung feelings ko ay navavalidate parati kapag sa'yo ako nagkukwento."

Anak. . . .ng.

"Hindi narin masama na naging asawa kita."

Natawa ako sa saya.

"Why are you laughing?"

Nakangiti akong napailing. "Ang saya lang na marinig ko yan sa'yo, asawa ko."

Biglang naging blangko yung ekspresyon ng mukha niya. May nasabi ba akong mali?

"Pumapalakpak yung tenga mo."

"Paanong pumapalakpak?" takha kong tanong.

"You know what it means." sambit niya. "Do I have to explain it to you?"

Napailing ako. Alam ko naman kung anong ibig sabihin non, asawa ko. Nagbibiro lang.

"Ano pa yung gusto mong sabihin?" pangungulit ko. "Alam ko meron pa."

"Shut up."

"Meron pa yan."

"Wala na."

"Come on, meron pa yan."

Tinulak niya yung noo ko para mawala yung paningin ko sa kaniya. "Ulol."

Nahiya naman na yung asawa ko makipag kwentuhan sa akin.

"As long as na alam kong makakatulong ako sa'yo, asawa ko, masaya ako. Thank you for letting me be part of your life, for letting me help you with everything and for letting me know your thoughts. Thank you for trusting me kahit alam kong mahirap yun sa'yo."

"Maniniwala lang ako kapag sincere yan."

"Sincere ako sa sinabi ko, asawa ko." depensa ko. "I'm really thankful."

"Okay."

"For real though," sabi ko. "you deserve to be happy." that's why I'm doing everything I can to help you.

"You deserve to be happy too, my husband." sagot naman niya na kinatigilan ko.

"W-What?" husband? HUSBAND?

Tama ba yung narinig ko? "Tinawag mo ba talaga akong husband?"

Hindi siya nagsalita.

Tinukso ko siya nang tinukso hanggang sa nanigaw na siya na manahimik ako. "Okay, mananahimik na ko. Mananahimik na, asawa ko."

Maya maya lang natahimik na naman kami pero hindi rin nagtagal yung katahimikan kasi nagsalita ulit siya. "Thank you for listening, nakakagaan ng loob."

"You can always tell me anything you wanted to tell. Kahit pa random yang gusto mong sabihin, I can always listen to you, asawa ko." sambit ko sa kaniya. "I'll find a way to give you bits of advice when you need it and I'll do my best to cheer you up when you're feeling down."

Hindi siya nakasagot sa binitawan kong salita. Lagi naman yan hindi nakakasagot ngayon kaagad.

Nagha-hang yata utak nito. Hehe.

"Binabaliw mo talaga ako." rinig kong bulong niya. "You're making me feel insane again." bulong niya ulit.

Umusog siya at lumapit sa tabi ko. Tinaas niya yung braso ko at ginawang unan yung dibdib ko habang yakap yakap niya yung tiyan ko.

Halos masuka ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"P-Parang mangangalay yata ako nito, asawa ko." awkward ko namang tawa.

"Okay." inutusan niya kong tumagilid at humarap sa kaniya.

"Bakit?" 

"Basta, tumagilid ka na lang."

Sinunod ko yung utos niya habang nakayakap siya sa akin. Tumagilid ako at niyakap niya parin ako habang nakatigilid kaming dalawa. Yung mukha niya nasa dibdib ko parin at nasa likod ko naman yung kamay niyang nakayakap sakin.

"Asawa ko?"

Akala ko yayakapin niya lang ako saglit.

Parang plano niya na matulog nang ganito yung posisyon naming dalawa.

"Tulog na tayo." sambit ko. Tinapik tapik ko yung balikat niya para maintindihan niya na gusto kong ipatanggal yung yakap niya sa akin para matulog na kami.

"Goodnight." hindi man lang siya gumalaw.

Wala ngang balak magpaistorbo.

"Goodnight."

Yung chin ko, nasa uluhan niya kasi nasa dibdib ko yung mukha niya.

Nagulat na lang ulit ako nung niyakap niya yung binti niya sa mga binti ko.

"Hindi ba tayo aayos ng posisyon?" hindi ko na napigilang magtanong.

Hindi ako makakatulog sa ganitong set up dahil hindi tumatahimik yung puso kong nagwawala.

Anak ng. Para naman akong aatakihin nito bago ako makatulog sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayaw akong tantanan ng asawa ko sa pagyakap sa akin! Hindi ako maka relax.

"Maayos naman posisyon natin." sagot naman niya sa akin.

"Ma—" natigilan ako nung bigla niyang iangat yung paningin niya. Nagtama yung tingin namin kaya napaiwas ako kaagad ng tingin sa sobrang hiya na naiilang. Pambihira.

Sa liwanag na dala ng buwan na tumatagos sa kurtina, nakita ko yung pagkislap ng mata niya nung nagtama yung paningin namin kanina.

"You don't know how much I like myself when I'm with you."

Ibinalik niya yung mukha niya sa dibdib ko. Para akong nakukuryente at tumataas yung balahibo dahil lang sa nadikitan niya ng ilong at noo yung dibdib ko. Nararamdaman ko rin kasi yung mainit niyang hininga doon.

"Goodnight, husband."

"G-Goodnight, asawa ko."

---

"He's on the shower." nagising yung diwa ko dahil sa lakas ng boses na naririnig ko.

"Of course, I know. We're under the same roof."

"Right. We are married."

"Why do you care so much?"

"No, he can't meet you."

"Subukan mong pumunta dito ngayon, I will fucking shave your hair even your eyebrows."

"Shut up."

"He's not even for you."

"What?"

"Don't you ever dare meet him again without my fucking permission. Not him, Brie. Not him."

"Subukan mo."

Dahan dahan kong minulat yung mata ko. Nadatnan ko kaagad yung seryosong mukha ng asawa kong nakatayong nakasandal sa dingding. Nagtama yung paningin namin.

Nakita kong pinatay niya yung cellphone nung nakita niya na akong gising.

"Sino yun?"

Hindi siya sumagot.

"Morning." bati niya. Nakabihis na siya ng pamasok sa opisina.

Napangiti ako nang malawak. Ang sarap namang marinig yung boses ng asawa ko paggising pa lang ng umaga. "Goodmorning!"

Lumapit siya sa gawi ko at inilapag yung cellphone sa side table. "Get up, late ka na." sabay lakad palabas ng kwarto.

Napakamot naman ako ng ulo.

Bakit parang mainit yung ulo ng asawa ko? Ang aga aga.

"Shit!" bigla kong narealize na hawak niya yung cellphone ko na may kausap.

Anak ng. Nakausap niya kaya yung mga kaibigan ko? Sino?

Anong pinag usapan nila?

Napabangon ako at binuksan yung cellphone ko. Tinignan kung sino yung tumawag o tinawagan niya.

Brie?

Napalunok ako nang malala.

Anak ng.

"Sabi ko late ka na 'di ba?" halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaang bukas ng pinto at biglaang pagsalita niya.

"Yes, asawa ko." nagmadali akong mag ayos na at hindi na muna pinansin kung ano yung iniisip ko tungkol sa tawag.

"Kung late ka na, wala ka na dapat time magbukas ng cellphone mo para kumausap pa ng kung sino sino." inis niyang sabi.

"Pero tinignan ko lang naman saglit kung sino—"

"You're late! Kumilos ka na." sabay sara ng pinto ko.

Ang init naman agad ng ulo ng asawa ko.

Nalate na ko talaga ng gising dahil sa ginawa ng asawa ko kagabi. Hindi ka talaga makakatulog kapag ganun yung posisyon niyo.

Nakakatuwa sa pakiramdam pero nakaka nerbyos. Ganon yung naramdaman ko kagabi.

Pero ngayon, mainit na naman ulo niya sa akin. Nagising na lang ako nang mainit yung ulo. 

Ewan ko ba.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili, lumabas na ako sa kwarto ko habang inaayos yung necktie ko.

Tinanong ko siya kung nakakain na ba siya dahil hindi nga ako nakapagluto dahil late nga ng gising.

Pero sabi niya, sa labas na lang kami kumain. Late na talaga kami.

Nagulat na lang ako nung bigla siyang lumapit sakin. "Let me."

Ngumiti ako. "Hindi na, asawa ko. Patapos narin naman na ako." sabi ko sa kaniya.

Hinayaan niya naman akong tapusin yung pag ayos ko ng necktie pero narinig ko naman yung mahina niyang tawa.

"Hindi ka parin marunong." sambit niya. Lumapit pa ulit siya sa akin at tinanggal yung necktie sa pagkakatali at inayos.

Nahihiya akong nagkamot.

"T-Tumawag pala si Brie." bring up ko. Gusto kong malaman kung ano yung sinabi sa kaniya ng asawa ko.

Nagseryoso yung mukha niya. Naging agresibo yung pag aayos ng necktie ko. 

"Ano kaya sinabi niya kanina?"

"Nothing important."

Tumango naman ako.

"Baka lang nag aayang lumabas." mahina kong kwento. "Kaya napatawag."

Biglang naging marahas yung pagtatali niya. "Aw! Masakit, asawa ko."

Matalim niya kong tinignan at huminto sa ginagawang pagtatali. "Kapag ba inaya ka niya ulit, papayag ka?" tanong niya sa akin.

"Kung yayayain—Ah! Sobrang higpit naman, asawa ko." reklamo ko.

"Kulang pa ba yung higpit?" tanong niya pa. Sabi ko na nga kanina sobra.

"Mahigpit na nga eh." napapaos kong sagot. Niluwagan ko yung necktie para makahinga ako at mabuhay.

"Let's go." kinuha niya yung bag niya pati yung laptop niya.

Habang nasa byahe kami, daldal lang ako nang daldal at siguradong nakikinig naman siya.

Maayos naman na siyang kadaldalan kumpara noong bagong kasal pa lang kami. Daldal ako nang daldal tapos sasagot na lang siya kapag may side comment siya.

"Sa susunod, bibili na ko ng sarili kong sasakyan." kwento ko.

"Why?" takha niyang tanong. "Nahihiya ka na ba kay Brie na siya ang nagmamaneho sa'yo kapag lumalabas kayo?"

"Hindi!" sagot ko. Si Brie na naman agad yung naisip niya. "Kasi syempre, madalas doon ka sa opisina ninyo. Eh ako ihahatid mo pa sa building namin. Nakakahiya naman kung lagi akong nagpapahatid sa'yo."

"It doesn't matter." sagot niya. "You don't have to buy a car, kaya naman kitang ihatid sundo. Unless you have other reasons for buying your own car."

Nag ring naman yung cellphone ko at naalerto yung asawa ko. "Who's that?" tanong niya kaagad sa akin pagkakuha ko ng cellphone ko.

Sasagutin ko na sana yung tawag kahit na hindi ko siya pinansin kaso bigla niyang hininto yung sasakyan nang pagkalakas lakas na preno.

Anak ng.

Napangiwi ako sa kirot. Ang sakit ng seatbelt. 

Pambihira naman 'tong asawa ko! Ang init na naman ng ulo.

"Who's that?" tanong niya ulit sa akin. Parang hindi bothered na huminto kami nang pagkalakas lakas.

"Chill ka lang, si Uno lang 'to." sagot ko. "Mamamatay tayo sa ginagawa mo, asawa ko eh."

Sinagot ko yung tawag at itong asawa ko naman ay halos ilapit na yung mukha sa sobrang gustong pakinggan yung usapan namin.

"Hindi ka pa magdadrive?"

Natauhan siya. "Right."

Tinuloy naman niya yung pagdadrive at mukhang nag iingat na siya magmaneho, hindi katulad kanina.

Nairita ako sa kausap ko. Ang daming paligoy ligoy kaya kinumpronta ko na. "Ano ba kasing sasabihin mo Uno, nakakainis na."

"Si Six, aalis na ng bansa."

"Ano?" gulat kong tanong. "Binibiro mo ba ako?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" inis niyang singhal pabalik. "Aalis nga ng bansa."

"BAKIT DAW?"

Narinig ko siyang malalim na huminga. "Mahabang kwento."

"Pwes simulan mo na ngayon, Uno." seryoso kong sabi.

"Mas maganda kung pumunta ka na lang dito, Onse. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag."

"Baka naman susurpresahin niyo lang ako." sagot ko naman. "Pautot niyo lang 'to."

"Ulol! Birthday mo ba? Ganon ka ba k-aespesyal?"

"Bakit ba kasi ayaw mo ikwento?"

"Mahaba nga! Hindi ko rin ganon maintindihan kasi mahaba. Siya na lang kausapin mo."

"Ibigay mo yung telepono sa kaniya, kakausapin ko."

"May kausap sa cellphone."

"Saang lugar ba siya pupunta?"

"Sa America."

"Doon?" takha kong tanong. "Bakit doon?"

"Tangina mo, pumunta ka na lang dito." sabay patay sa tawag. Anak ng.

Pikon akong tumingin sa bintana ko. Para akong papatayin sa sobrang curious ko ngayon.

Wala akong idea kung bakit niya napag desisyunan na umalis. Biglaan masyado.

"Bakit ganyan yung mukha mo?"

"Hindi ko rin alam, asawa ko."

"What happened?"

"Aalis kasi ng bansa si Six."

"Why?"

"Hindi ko rin talaga alam, asawa ko." sambit ko. "Hindi man lang ako binibigyan ng sagot, gusto nila akong pumunta doon."

Hindi na lang siya sumagot.

Pagkadating namin, nagulat ako nung pinanik niya sa parking lot ng building namin yung kotse. Kapag hinahatid niya lang ako, sa tapat lang ng building niya ko binababa.

"Dito ka magtatrabaho?"

"Obviously."

Pagkapasok namin sa building, binabati ako ng mga empleyadong nadadaanan namin at ako naman ay bumabati rin pabalik.

"Pa-cute." rinig kong bulong niya.

Nung huminto sa amin yung elevator, pinauna ko yung mga babae na makasakay pati yung asawa ko.

Naririnig ko naman at napapansin na sinusulyapan ako nung mga kakasakay lang na babae.

Tuwing pumapanik kami pataas, nadagdagan kami ng kaunting tao tapos puro babae yung mga nadadagdag.

Umusog naman ako sa tabi niya kaya napunta siya sa sulok ng elevator habang ako naman ay medyo nasa gitna at nakapaligid sa akin yung mga babae sa tabi at harapan ko.

Hinawakan niya yung braso ko, hinihila ako pausog sa kaniya. "Dito ka."

"Huh?"

"Palit tayo." wala naman akong nagawa dahil hinila niya na yung braso ko papunta sa sulok at siya naman ay napunta sa medyo gitna kung saan ako nakapwesto kanina.

Siya naman ngayon yung pinapaligiran ng mga babae habang ako naman ay napapadikit yung katawan sa sulok ng elevator, siya lang ang katabi ko at nasa harap ko naman ay isang matandang lalaki.

Humawak siya sa braso ko na para bang wala siyang planong pakawalan ito dahil sa higpit.

Nag iba yung sulyap sa aming dalawa nung mga babae. Napansin rin ng asawa ko kahit hindi ko sinasabi. "He's married."

Habang tumataas naman, paunti na kami nang paunti hanggang sa kami na lang yung natirang dalawa. "Hindi ka marunong mag behave."

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaking tumingin sa mata niya. "Behave naman ako?" sarkastiko kong tanong.

Hindi siya nagsalita.

Ito na naman tayo sa mga bokabularyo niyang mahirap intindihin na siya lang yung makakaintindi.

Tumunog yung elevator, hudyat na nandito na kami sa 54th floor.

"Baka mag half day lang ako ngayon, asawa ko." paalam ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kaniya kaniyang opisina.

"Why?" takhang tanong niya. "Marami tayong trabaho ngayon."

"May kailangan lang kasi talaga akong kausapin, importante talaga." sagot ko.

"But we will have meeting later." ma-awtoridad niyang sabi sa akin. "Maraming kailangan pag usapan mamaya."

"After meeting sana. . . " sagot ko sa kaniya. "Tatapusin ko lang yung meeting tapos aalis na ako."

Tinignan niya ako.

Matagal niya akong tinitigan kaya kinabahan ako bigla. Parang kahit anumang oras, hahatawin niya ako nang kung ano ano. "You're not going anywhere."

"But it's really important, asawa ko."

"Ganon ba ka-importante si Brie sa'yo para puntahan mo kahit marami kang trabaho?"

"No. Pupunta ako kila Six." kamot ko sa ulo. "Ang layo naman nung sinabi mo. Hindi naman kami nakapag usap ni Brie kanina. Ikaw nga yung sumagot eh."

Bumuntong hininga siya. "Sigurado ka bang kila Six ka pupunta?"

"Wala naman na akong ibang pupuntahan pa."

"Sigurado ka?"

"Yes."

"Gaano ka kasigurado?"

"Asawa ko naman eh!"

"Fine."

Hay, salamat.

"Just make sure na doon ka lang pupunta at yun lang yung pupuntahan mong tao." pagpapaalala niya sa akin.

"Oo naman, asawa ko." natutuwa kong sabi. 

Malalim siyang huminga. "Go ahead, use my car." sambit niya.

"Eh paano ka mamaya?" tanong ko.

"Bakit? Wala ka na bang balak bumalik?" tanong niya sakin nang pagkataray taray. "Sunduin mo ako dito bago mag alas onse."

Hindi ako nakasagot agad.

"Are we clear, Eleven?"

Tumango ako at ngumiti.

"Malaman laman ko lang si Brie yung pinuntahan mo." masama niya kong tinignan. "May GPS yung kotse ko. Malalaman ko kung saan ka pupunta."

"Hindi, asawa ko."

Tumalikod na siya at iniwan ako sa pwesto ko. 

Natawa na lang ako at napailing.

Ang strikto naman ng asawa ko. Para ko siyang jowa kung maka siguro.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

20.8K 544 39
DYOSA SERIES 1 (COMPLETED) Isa si Savea sa mga taong gagawin ang lahat just to reach their dreams, her graduation is coming and she need to pay her t...
7.1K 316 76
Ashley Nicole Buenafuente isang babaeng mysteriosa, astig, hindi siya gaanong hambog pero may angas ang dating. May kaibigang Isip bata na nangangala...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
277K 15.3K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...