my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 26

176 22 3
By unicachicca

Eleven.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay. Inaantay nila akong bumaba pero hindi parin ako bumababa sa kotse.

Napapansin ko yung asawa ko na naiinis na sa akin dahil kanina pa ako nandito sa likod, parang walang balak bumaba.

Sa totoo lang, wala talaga akong balak bumaba. Wala naman akong sinabing bababa ako.

Hindi ako bababa hangga't hindi sumasama yung asawa ko saking pumasok sa bahay. Gusto ko na siyang umuwi, hindi na kung saan-saan siya nakikitulog. Gusto ko dito na siya matulog sa bahay, kasama ako sa iisang bubong katulad ng dati.

"What are you waiting for?" inis na singhal ni Amber. Ramdam mo talaga yung inis at maawtoridad na boses niya pero hindi ako nagpapatinag doon. Kahit na anong gawin mo, asawa ko. Hindi ako bababa hangga't hindi ka sumasama sa akin.

Wala akong nagawa sa pagsunod sunod niyo sa akin simula kahapon, sana naman ako naman ngayon yung pagbigyan niyo. Umuwi ka na dito.

Yun lang naman yung hinihiling ko.

Hindi ko hinihiling na makipag break ka sa boyfriend mo o kung ano pero sana naman itong kahilingan kong 'to, magawa mo.

"Sabi ko, ano pang inaantay mo diyan sa likod?" mas tumaas pa yung boses niya sa akin. Halata mo talagang naiinis na siya. Siguradong namumula na yung mukha sa inis.

Pero hindi ako nagpapatinag. Kahit ano pang mangyari, hindi ako bababa dito.

"Ang sabi ko, ano pang inaantay mo diyan sa likod at hindi ka pa rin bumababa?" galit niyang singhal. 

"Ikaw." seryoso kong sagot. 

"What me?" ay ano tayo ngayon, ignorante? Joke time 'tong asawa ko eh. Anak ng.

"Umuwi ka na dito sa bahay, asawa ko." sabi ko na parang may pagmamakaawa. "Bakit ba kasi hindi ka umuuwi dito?"

Hindi parin talaga siya sumasagot. Nagkatitigan silang dalawa ni Klarisse at nagkibit balikat lang yung kapatid niya sa kaniya. 

Desisyunan mo na sana, asawa ko.

"Umuwi ka na dito, please." nagmamakaawa na talaga ako. Ayaw ko na bumalik sa bahay nang mag isa.

Ang hirap makulong dito sa bahay na puno ng pag alala, puno ng tanong kung nasaan ka. Kung nakakain ka na ba, kung nakauwi ka ba nang maayos tuwing gabi sa kung saan ka man nanunuluyan. 

Ang hirap hirap rin isipin na baka iwanan at latagan mo na ko ng annulment kaya ka hindi umuuwi.

Hindi ako handa.

Kapag nandito ka sa bahay, panatag ako na wala ka pang pinaplano.

Hindi talaga ako handa, asawa ko.

"Asawa ko." malungkot kong tawag.

Hindi siya humaharap sa akin pero nilalapit ko yung mukha ko sa driver's seat. "Asawa ko."

"Son of a—" tinulak naman niya yung mukha ko kaya napasandal ako sa upuan ko dito sa likod.

Ayaw talaga magpauto.

"Pinapauwi ka na ng asawa mo." nakangisi namang sabi ni Klarisse sa kaniya. "Huwag ka ng magpa baby diyan, hindi bagay sa'yo."

"Asawa ko. . . ." may lambing pa yung boses kong tawag sa kaniya. Baka sakaling sa ganitong pagtawag ko sa kaniya, mauto ko siya. Mapabalik ko siya. Malay ko lang naman diba, bakit hindi ko subukan? Desperado na ako.

"Kapag hindi ka pa bumaba, kakalbuhin talaga kita."

"Umuwi ka na kasi sa bahay, asawa ko." kahit kalbuhin mo pa ako, huwag lang yung ganito na hindi ka parin uuwi. 

"Umuwi ka na nga daw." second demotion naman nung kapatid niya. Buti pa yung kapatid, marunong makaintindi. Yung asawa ko, kailangan mo pa talagang magmatigas.

"What did you say?" irita niyang tanong sa kapatid niya.

"Go home. Get inside. Fuck, are you that slow?" inis na bwelta ng kapatid. Sana naman nakikinig ka na, asawa ko. "That is just so simple to understand."

"Bakit hindi niya ayain yung babaeng bagong brazilian wax?" sarkastikong tono ng boses niyang sabi sa kapatid.

Natawa naman nang mahina si Klarisse. "She was telling you to ask someone else, bayaw. To be specific, yung babaeng kaka brazilian wax lang kanina yung ayain mong tumira diyan sa bahay, not her."

"Don't put words into my mouth." banta niya.

"That's what you said." ngisi naman ni Klarisse. "I was just repeating your words so he could hear clearly. Right, bayaw?" 

Napahawak ako sa noo ko. Nag aaway pa yung dalawa ngayon.

"That's not exact words—"

"Edi sana hindi na lang natin sinundo sa condo 'di ba? You keep being pabebe, nandiyan na nga sa likuran, ang dami mo pang arte."

"Kung ano man yung iniisip mo," laban niya sa kapatid niya. "you're getting the wrong fucking idea."

"Amber. . ."

"What?" irita niyang sagot na patanong.

"Pasok na tayo sa loob." pamimilit ko. "Sige na naman."

"Who said I'm going inside?"

"Jesus christ." napahilamos si Klarisse ng mukha, parang gigil na gigil. "I wanna go home, I wanna rest my fucking mind. I want to sleep in peace! Stop your pabebeness, ate. Go home, get inside!"

"No." pagmamatigas ng asawa ko. Natuon naman yung pansin niya sakin, tinignan niya ako nang matalim. "You, get out. Gusto ko narin magpahinga."

"Asawa ko." tawag ko ulit. Gusto ko talaga siyang makumbinsi.

"Get the fuck out."

"Asawa ko."

"Shut up and get out!"

"Kapag ako naubusan ng pasensya ngayong gabi," hilot sa sintido ni Klarisse. "sisipain ko talaga kayong dalawa palabas ng kotse."

"Ayaw lumabas ng ate mo eh."

"Bakit ako lalabas?"

"Kasi dito ka naman nakatira talaga?"

Umiling siya na inis. "Not anymore."

Bumagsak yung balikat ko at mas lalong kinain ng lungkot at nerbyos. Pumipintig yung dibdib ko sa mga sinabi niya.

"Hindi ka na ba talaga uuwi?" hindi maiwasang gumaralgal yung boses ko pagkatanong ko non sa kaniya. 

"No." mabilis naman niyang sagot na parang hindi na magbabago yung isip niya.

Malakas akong napabuntong hininga at kumakabog yung dibdib sa dissapointment na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko parin talaga siya mapilit.

"Wala na naman akong kasama sa bahay." malungkot kong sabi. "Ako lang mag isa."

"Yes and get out." para namang hindi niya pinapakinggan yung mga sinabi ko at hindi pinapansin yung nararamdaman kong emosyon ngayon.

"Asawa ko. . ." 

"Bakit ako yung inaaya mo kung may maaaya ka namang babaeng may pitong boxes ng condom at bagong shave yung puke?"

"Kapag talaga nag aya yang si bayaw," singit ni Klarisse. "huwag kang mag aayang magpasama ulit sa akin sa kalokohan mo."

"Shut the fuck up." inis na singhal naman ni Amber sa kapatid niya. Nabaling naman yung atensyon niya sa akin, inuutusan ako ng mga matutulis niyang paningin na bumaba. "LABAS."

Paulit ulit akong bumuntong hininga.

Baka hindi ko na nga makita yung asawa ko ulit. Baka hindi na siya magparamdam sa akin dahil baka tapos na yung role ko bilang asawa niya.

Baka hihiwalayan niya na ko sa papel.

Wala na kong magawa.

"Ingat kayo pauwi." sambit ko bago ako makababa ng kotse. Bagsak yung dalawang balikat kong lumakad palapit sa gate.

Wala sa sarili akong napalingon sa kotse. Nakita ko yung asawa kong napaiwas ng tingin nung nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nasa loob siya ng kotse.

May sinasabi sa kaniya si Klarisse na ngingisi ngisi pero mukhang wala siyang pakialam sa kapatid.

Hindi rin nagtagal, pinaandar na niya yung kotse at mabilis na pinalipad paalis dito sa harapan ng bahay namin.

Wala na talaga siyang balak dito matulog.

Wala na siyang balak umuwi.

Wala akong nagawa. 

Wala na yung asawa ko.

Nakayuko akong naglakad papasok ng bahay. Madilim yung loob ng bahay at wala akong balak buksan yung ilaw. 

Pabagsak akong umupo sa sofa, walang kagana gana.

Hindi ka naman nagpasabi na hindi ka na dito titira.

Hindi man lang ako nakapaghanda sa nangyari. Biglaan naman 'to masyado.

Kung hindi niyo lang ako sinundan ngayon pati kahapon, hindi ko pa kita makikita ulit.

Ang saya saya natin nung nakaraan. Ang ganda ganda ng mga ngiti mo sa akin tapos ngayon, bumalik ka na naman sa dati.

Hindi na naman kita malapitan. Hindi na naman kita makausap nang maayos.

Wala man lang senyales. Biglaan naman 'to masyado.

Sana magbago pa yung isip mo, asawa ko. Sana mabago pa.

Umuwi ka lang.

Uwian mo lang ako.

Uwian mo ko hanggang sa maging handa akong bitawan ka. Hindi naman kita ikukulong sa kasal na 'to, bigyan mo lang sana ako ng oras na maging handa.

Hindi yung ganito.

Umuwi ka na muna sakin.

Yun lang ang gusto kong mangyari.

---

"Pahiram ako ng gitara ha."

"Manghihiram ka?" takhang takha yung boses niya. Kaya nga ako nandito para manghiram.

"Oo."

"Loko, kaya mo namang bumili niyang gitara. May pera ka naman."

Masama ko siyang tinignan. Palagi na lang silang ganito sa akin. Gusto ko lang manghiram kahit ngayong araw lang.

Importante lang.

"Kuripot ka parin ba sa sarili mo?" tanong niya sa akin. Bakit ba? Nanghihiram lang ako, wala akong time bumili. 

"Nanghihiram lang, ang dami mo pang sinasabi." inis kong sambit. Kung ano anong sinasabi, pwede naman niya akong diretsuhin kung ayaw niya ipahiram yung gitara niya.

"May pera ka naman kasi pero hindi ka bumibili." iniilingan niya ko. "Ang kuripot mo talagang tao."

"Madamot ka lang talaga." sambit ko. "Pahiram lang naman ng isang beses eh."

"Eh kung bumibili ka na rin kasi para hindi ka buryo sa buhay." sambit niya. "Linis lang at luto alam mo sa bahay niyo eh."

"Hangal."

"Totoo naman."

"Ulol."

Nanlaki yung mata niya. "Huwag ka ngang magmura."

"Pakyu." sinuot ko yung strap ng gitara sa balikat ko at pinatugtog yung gitara. "Pahiram ha."

Sinadya ko pa talaga 'tong gitarang 'to dito sa bahay niya. Hindi pwedeng hindi niya ako pahiramin.

Kailangan ko lang 'to ngayon.

"Kailan mo ba yan ibabalik?" tanong niya sakin.

"Sinong may sabing ibabalik ko pa?" pang aasar ko.

"Magtigil." sabi niya. "Kapag nanghihiram, dapat binabalik."

"Hindi mo ba alam yung biro?"

"Subukan mo lang na huwag ibalik."

Hindi marunong makaintindi ng biro. Nakng.

Umupo ako sa upuan dahil nangangalay na ko at kanina pa ako nakatayo.

"Tumugtog ka pa." utos niya.

Nag istrum ulit ako at kumanta. "Alam ko yang kantang yan." excited niyang sabi.

"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand." pikit mata ko pang kanta. "If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?"

"Is there any way that I can stay in your arms?" sabay niya ulit sa akin. Natawa na naman kami dahil nasa tono kaming dalawa.

Kung nandito lang yung asawa ko, mas masaya sana. Mas masaya kung naririnig niya ako ngayon. 

"If I don't need you then why am I crying on my bed?" strum ko at kanta habang nakikisabay sakin yung isa kumanta. "If I don't need you then why does your name resound in my head?"

"If you're not for me then why does this distance maim my life?"

Pinatigil niya naman akong kumanta. "Why?"

"Gusto ko yung bridge."

Napahinto ako. "Nag request ka pa talaga."

"Paborito kong part yun eh." inistrum ko na yung gitara sa bandang bridge ng kanta, ang daming request nitong taong 'to. Kung asawa ko lang siya, susunod talaga ako kaagad.

"'Cause I miss you, body and soul so strong that it takes my breath away, and I breathe you into my heart and pray for the strength to stand today."

"'Cause I love you, whether it's wrong or right and though I can't be with you tonight," kanta niya. "you know my heart is by your side." sabay ko naman habang nakatingin kami sa isa't isa.

Nagtawanan kaming dalawa. Nagtitigan pa kaming dalawang loko. "Para naman tayong mag syota."

"Loko ka eh."

"Ikaw yung tumitig diyan."

"Tumitig ka naman pabalik."

Nagtatalo pa kaming dalawa. Gusto ko na talagang makaalis dahil haharanahin ko pa yung asawa ko.

"Pahiram ha." aalis na sana ako kaso napahinto na naman ako. Tinawag niya ako kasi. "Ano?" inis kong tanong.

"Sino ba kasi yang haharanahin mo?" tanong niya sa akin, takhang takha. "May bago ka bang babae?"

Napailing ako. Paano naman niya naisip na may bago akong babae? "Asawa ko."

"Asawa mo?" tinignan niya ko, nagkukwestyon. Hindi naniniwala.

"Oo, bakit? May problema ka?"

Tumawa naman siya.

"Aba gago ka ha!" pabiro ko siyang kinwelyuhan.

"Easy ka lang, easy."

"Bat mo naman ako tinatawanan?" tanong ko sa kaniya. "Anong nakakatawa?"

"Sa tingin mo effective yang harana portion mo?"

Sa totoo lang, hindi ko alam.

"Nanliligaw ka ba?"

Umiling ako.

"Di ba may boyfriend na yun, bakit ka manghaharana?"

Haharanahan ko lang naman siya na umuwi na sa bahay. Baka sakaling masuyo ko at mapakinggan ako.

"Wala ka naman na yatang aasahan diyan sa asawa mo."

Yung bunganga niya, madalas, ang sarap tahiin. Hindi nga palamura, puro ganito naman katalas yung mga sinasabi.

"Hindi ko siya nililigawan."

"Eh ano yang ginagawa mo?"

Bumuntong hininga ko. "May ibang purpose 'tong gagawin ko."

"Saan naman?"

"Ang dami mong tanong." inis akong nagkamot ng ulo. "Manahimik ka na."

"Bakit mo nga kasi haharanahin? Birthday niya ba?" tanong niya sa akin.

"Wala kang pake." sambit ko.

"Haharanahin mo ba talaga?"

"Hindi ba halata?" inis kong tanong. Ito yung hilig nitong taong 'to, uulit ulit hanggang sa mapikon ka. Masarap siya sapakin sa totoo lang.

"Ano ba kasing purpose niyang harana na yan?"

Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis sa kaniya. "Tangina mo."

"Huwag ka sabing magmura eh!"

"Gusto kong umuwi siya, okay na? Nasagot na ba yung tanong mong bobo ka?"

"Bakit? Hindi na ba umuuwi?"

Anak ng. Nakakabadtrip talaga.

Tumawa naman siya at humingi ng sorry. Siya yung nakakapikon saming lahat palagi. Puro siya ganyan, hindi naman siya nakakatuwa.

"Bakit ba kasi hindi umuuwi asawa mo?"

"Mukha bang alam ko?" masungit kong tanong.

"May ginawa ka bang kasalanan?"

Umiling ako. Paano ako gagawa ng kasalanan? Eh nung bago siya umalis, maayos naman kami.

"Baka siya yung may ginawang kasalanan." sambit naman niya. "Kaya ayaw umuwi kasi may kasalanang ginawa sa'yo, nahihiya na."

Napaisip ako. Pero parang wala naman akong maisip na kasalanan. "Wala naman."

Ang huling naalala ko lang, yung gabing yun.

Yung gabing muntik na naming pagsaluhan. Pakiramdam ko, pwedeng isa yun kung bakit. Pero malabo rin dahil siguradong wala naman siyang natatandaan. . .yata.

Hindi ko sigurado.

Pero mukhang hindi naman yun yung rason.

"Aalis ka na ba ngayon?" tinanguan ko naman siya sa tanong niya. "Sige, sasamahan na kita."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sasama? Hindi ka sasama!"

"Gusto kong sumama."

"Hindi naman mabigat yung gitara para mangailangan ako ng alalay." paliwanag ko. "Tigilan mo 'ko."

"Sasama ko."

"Ulol."

"ONSE, HUWAG KA NGA SABING MAG MURA."

"Ulol."

"Antayin mo ko dito." pumasok siya ng kwarto niya habang ako ay pasimple na umalis ng bahay niya.

Naririnig ko yung mga tawag niya pero sinong tanga ba yung lilingunin yang tawag na yan?

Ayaw ko nga ng may kasama. Gusto ko, ako lang. Iba ako umakto sa asawa ko at iba ako umakto sa mga kaibigan ko kaya mahirap ipakita yun ng sabay.

Asa siyang sasamahan ko siya.

Bumyahe ako papunta sa bahay ng mga Luanzon. Medyo natagalan ako sa sobrang traffic pero kinaya ko magbyahe.

Sa susunod, bibili na talaga ako ng sasakyan. Kaya lang, pang isahang kotse lang yung garahe.

Pero pwede naman magkasya yung kotse, yun nga lang kung hindi na siya uuwi ng bahay.

Nalaman ko pa lang sa bahay nilang mga Luanzon siya ngayon natutulog. Akala ko talaga, nagsasama sila ni Black. Mabuti na lang talaga.

Kinulit ko talaga nang kinulit si Klarisse kung nasaan yung ate niya naglalagi ngayon. Sinabi naman niya na nasa bahay lang naman daw nila. 

Hindi lang daw nahuhuli ng tatay nila na nasa bahay lang. Kasi kapag nahuli, paniguradong papauwiin daw siya sa bahay namin at pagagalitan rin ako.

Kaya maingat talaga si Amber. Nag iingat para hindi mapauwi sa bahay namin. Hay. Ganun niya talaga siguro kaayaw umuwi sa bahay namin. Ayaw na ayaw siguro talaga akong makita.

Pagka pasok ko ng gate sa bahay nilang mga Luanzon, agad agad naman akong binati nung mga kasambahay dito.

Nirerespeto nila ko dito, kilala nila ko.

Pinapapasok ako sa loob ng bahay pero sabi ko hindi ako papasok kasi may balak akong haranahin yung asawa ko.

Kaso syempre tinanong ko muna kung nandiyan yung asawa ko. Baka kanta ako nang kanta dito, wala pala siya.

Tinanong ko rin si Tito Flame kung nandito ba, wala naman daw. Nasa Cebu.

"Nasaan kaya si ma'am Amber niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ay nasa kwarto niya po, may ginagawa po yata para sa opisina." sagot niya. "Naglalaptop po siya kaya baka po busy."

"Ganun ba?" tumango ako at ngumiti. "Nakakakain na ba siya?" 

"Opo, sir." 

"Nakakatulog ba siya nang maayos?"

"Yun lang po yung hindi ko alam, sir." 

"Pero kumakain naman ba siya nang maayos araw araw dito?" 

"Minsan po hindi kumakain." yan na nga ba yung sinasabi ko eh.

"Lasing ba kapag umuuwi ng bahay?" 

"Opo, sir." 

Malalim akong huminga, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi ka na naglalasing nung nasa bahay ka, asawa ko. Naglalasing ka na naman. 

"Salamat po sa pagsagot sa mga tanong ko." tinapik ko siya sa balikat pagkapasalamat ko. 

"Tawagin ko po kaya si ma'am Amber?" tanong niya. Mabilis naman akong umiling.

"Supresa lang sana." sabi ko. "Haharanahin ko yung ma'am Amber ninyo."

Mukha naman silang nagulat at natuwa. Sinenyasan ko sila na huwag mag ingay masyado dahil baka marinig kami sa itaas ng kwarto.

Akala ko aalis sila at hahayaan lang ako kumanta. Pero mga nanonood pa sa akin at may mga camera pang nakatutok.

Anak ng. Bigla akong napadalawang isip dito sa gagawin ko. Nahiya ako nung nakita kong nanonood sila sa akin. Kung anong mangyayari sa pagharana ko.

Ngayon na lang yata sila nakakita ng haharanahang tao sa itaas.

Bahala na nga.

Malalim akong bumuntong hininga, hinahanda yung sarili. Sinimulan kong tugtugan na ng gitara yung asawa kong nasa itaas na naaaninagan ko lang dito sa ibaba habang nakatingala.

"Labis na naiinip," nilalakasan ko pa lalo yung loob ko dito sa pagkanta. "Nayayamot sa bawat saglit."

Nahinto ako bigla dahil narinig ko yung screen door ng kabilang kwarto na nagbukas, bumungad yung mukha ni Klarisse at tumambay sa terrace.

Bigla akong napahinto. Sobrang nahiya. Anak ng.

Nanood bigla 'tong kapatid. "Klarisse."

Sinenyasan niya naman akong tumuloy at tumingin doon sa bintanang tinitignan ko kanina.

Malalim ulit akong huminga.

Sobrang nahihiya na talaga ako dito. Pero para sa asawa ko. Baka makumbinsi ko sa ganitong paraan. Kailangan kong subukan.

Ginagawa ko talaga 'tong mga 'to para lang mapauwi ka, asawa ko.

Kahit na hiyang hiya na ko dito.

"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa." nagcrack pa yung boses ko kaya narinig kong natawa yung mga nanonood. Nakakahiya! Nakng.

"Go, bayaw." ngising ngisi naman 'tong si Klarisse na nanonood.

Pagbalik ko ng paningin ko, nagulat ako dahil nasa harapan na siya ng bintana. Seryosong nakatingin sa kin.

Nakng! Bigla bigla ka man lang nagpaparamdam diyan sa itaas, asawa ko.

Pinagpatuloy ko yung pagstrum at pagkanta. Tuloy lang, Eleven. Tuloy lang.

"Umuwi ka na baby. 'Di na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag-isa." sinsero kong kantang nakatingin sa mga mata niyang walang paring emosyon hanggang ngayon. Hindi ko mabasa kung anong gustong sabihin ng mga titig niya. Ang alam ko lang, parang wala talaga siyang reaksyon. "At sa gabi'y hinahanap-hanap kita."

"Umuwi ka na daw." sigaw ni Klarisse sa kabilang bintana niya. "You stupid bitch."

Anak ng. Mapapaaway na naman yata 'tong magkapatid sa isa't isa.

Masama naman yung loob na dumungaw yung asawa ko sa kabilang bintana, sa kapatid niya.

Tinuloy ko na lang yung pagtugtog habang nagsasagutan sila.

"Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap." kanta ko sa kanya kaya nabaling ulit yung atensyon niya sa akin.

"Louder, bayaw." ang iingay niyo kasi, paano nga ba ako maririnig ng asawa ko?

Natigilan naman ako bigla. Nagtitigan lang kaming dalawa sa bintana, hindi alam kung sino unang mag iiwas ng tingin saming dalawa.

Napabuntong hininga ako. Bahala na. "Asawa ko, umuwi ka na oh."

Narinig ko namang naghiyawan yung mga kasambahay pati yung mga drivers nila dito.

Parang mas lalo yatang nainis yung asawa ko dahil sa mga narinig na hiyawan. Isa sa pinaka alam kong bagay sa kaniya, yung nasa ganitong posisyon siya tapos may mga nanonood at naghihiyawan.

"U-Uwi ka na oh."

"What for?" rinig kong tanong niya na parang walang kagana gana.

"Kasi doon ka naman na umuuwi simula nung kinasal ka sakin." sagot ko. "Bakit ka naman biglang hindi nagparamdam? Bakit bigla ka na lang nag desisyon na hindi ka na sa bahay titira? Bakit biglaan 'tong lahat?"

Parang mas lalo ko siyang hindi mabasa. Hindi maintindihan kung anong klaseng emosyon ba yung pinapakita niya sakin ngayon.

Gusto ko lang naman yung makauwi ka. Magpaalam kung kailan ako balak iiwanan para maging handa ako.

"Wala na tuloy akong nilulutuan paggising ng umaga," mapait akong ngumiti. "wala na akong inaantay na umuwi ng hapon at kasabay manood ng sitcoms o ng kung ano anong random videos na nakikita natin sa youtube. Wala na nangungurot sa akin kapag naiinis sa tuwing nang aasar ako. Wala na lahat ng yun simula nung umalis ka, asawa ko."

"Yeah, you should go home." sigaw naman ni Klarisse. "I don't like you staying here with us. I hate seeing your face every single fucking day." parang sukang suka namang sabi nung kapatid niya. "Hindi nakakatuwa sa umaga kapag nakikita kita tuwing almusal."

"Can you shut your fucking mouth?" pagbabanta niya kay Klarisse. "And you, you go home or else—"

"Uuwi lang ako kapag kasama na kita." pagmamatigas ko. "Hindi ako uuwi hangga't hindi ka sumasama sakin."

"GO. HOME."

"No."

"UMUWI KA NA."

"Uuwi lang ako kapag naulanan na ko dito." sambit ko pa. Masamang masama niya kong tinignan habang napapamasid siya sa mga taong kilig na kilig at tinutukso tukso sakin.

"Hindi ka talaga uuwi?"

"Hindi. Dito lang ako hangga't hindi ka uuwi."

"Hindi talaga?"

"No."

"Fine." nawala siya sa bintana.

Para akong nabuhayan ng pag asa nung hindi ko na siya nakita sa bintana na sumisilip. Pakiramdam ko parang bababa yata ng bahay kasama yung maleta niya, baka uuwi na sakin.

Kaya ko naman palang kumbinsihin yung asawa ko. May malaking tulong yung harana na ginawa ko. Nakng.

Hindi ko maitago yung mga ngiti sa mukha ko habang iniisip na bababa nga siya at sasama na sakin.

Kapag uwi natin, lulutuan talaga kita ng masarap na ulam. Bubusugin kita mg pagkain at pagmamahal.

"Where the hell is she?" tanong sa akin ni Klarisse sa itaas. Hinahanap yung ate niya.

Masaya akong nagkibit balikat. "Parang bababa na yata at sasama na sakin." hindi ko mapigilang matawa sa sobrang saya.

"I. . .don't think so."

Anak ng.

"GO. HOME." napaawang yung bibig ko at gulat na gulat sa ginawa niya.

Binuhusan niya ko nang pagkalamig lamig na tubig.

Ang galing.

"Sabi mo, uuwi ka lang kapag naulanan ka." sambit niya. "Counted yan, naulanan ka ng timbang may tubig kaya uwi!"

Ganon ba yon? Counted ba 'to?

Anak ng.

"You. . .bitch." rinig kong singhal ni Klarisse.

"Stop testing my patience and go the fuck home." masama niyang tingin sa akin. Natatahimik lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. "And you, don't meddle with this or else I will fucking kill you."

"Oh don't test me too, ate." seryosong sabi ni Klarisse. "I can wreck your fucking life."

Sinara niya yung bintana para wala na kong makita sa loob ng kwarto niya.

Gulat na gulat yung mga nanonood sa amin. Hindi siguro nila inexpect 'to. Kahit ako rin naman, hindi ko inexpect.

Kaso, kailangan ko parin pala talagang maging handa dahil sadista nga siyang asawa. Lalo na kapag pikon na pikon na.

Natatawa na lang akong nakayuko dito sa ibaba.

Failed yung ginawa ko.

Pero sigurado akong natouch rin yun. Ayaw lang mag sabi. Ayaw lang magpahalata.

Oo, iisipin ko na lang na natouch yun kahit wala akong katibayan. Pampalubag loob sa sarili ko.

Pero yun nga, failed. Hindi ko siya napauwi.

Umalis na lang ako dahil hiyang hiya na rin ako. Hindi sana nila ako papayagan na umalis nang basang basa pero sobrang nag insist ako na aalis na ko.

Hindi ko na kinakaya yung hiya at baka rin makita ako ni Tito Flame. Ang alam ko, pauwi na rin yun galing Cebu.

Imbes na umuwi ako, tatambay ako ngayon sa bahay ni Tenten. Basang basa padin.

Tinatawanan niya lang ako habang hawak hawak niya yung gitarang dala dala ko kanina at napapastrum.

"Bakit mo naman kasi sinusuyo yung ayaw magpasuyo?" tanong niya sa akin.

Malay ko bang ganito siya katigas na naman ngayon sa akin. Ayaw talaga magpasuyo. Nung mga nakaraan naman, kaya ko pa siyang suyuin.

Matigas na naman yung loob sa kin.

"Bakit mo nga sinusuyo?" ulit niya sa tanong kasi hindi ko sinasagot.

"Baka lang sakaling umuwi."

"Hindi na yun uuwi." confident niyang sagot kaya parang natakot na naman ako.

"U-Uuwi rin yun." napasandal yung mukha ko sa pader at natutulala.

"Magpalit ka nga muna ng damit." utos niya. "Basang basa yung katawan mo, tangina ka."

Wala akong kagana ganang tumayo at naghanap ng damit na kasya sa akin dito. Parehas lang kami ng katawan ni Ten Ten pati size ng underwear.

Mukhang makikihiram na naman ako nang wala sa oras na underwear ni Ten Ten.

Kaso hindi ako sanay sa brief niya. Kulay puti at walang saluhan.

Para lang siyang panty.

"Bumili ka nga ng bagong brief." utos kong nakangiwi habang sinusuot yung nirereklamo kong salawal. "Kulay puti pa. Ano ka elementary?"

"Tangina mo." mura niya sa akin. "Sinuot mo yung brief ko?"

"Anong gagawin ko? Basa rin yung brief ko." inaaway niya ko. Siya yung kaibigan ko na hindi talaga nagpapahiram ng underwear.

Pero wala na rin naman siyang nagawa. Suot ko na.

"Saan mo nilagay yung mga damit na sinuot mo?"

"Sa labahan mo."

Masama yung loob niyang tinitigan ako.

"Tangina mo."

Mahina akong natawa. "Ano na naman?"

"Ako pa maglalaba ng damit mo? Pati yung brief mo?"

"Hindi naman madumi yung brief ko." sabi ko. "Labhan mo na rin yun ha."

Agresibo siyang napakamot sa sobrang inis. "Paano kapag may buhok-buhok pa yun kapag nilaban ko yun?"

"Wala akong buhok. Palagi akong nagshashave." paliwanag ko.

"Kahit na."

"Labhan mo na rin ha."

"Iuwi mo yung mga damit mo, hindi ko lalabhan yung mga gamit mo." pagmamatigas niya.

"Labhan mo na, isang pares lang naman ng damit." utos ko. "Para namang first time maglaba ng damit at brief ko. Ginawa mo na yan dati, hoy."

"Huwag mo na ipaalala."

"Nilabhan mo yung brief ko nung natae ako sa school."

Para siyang naduduwal. Umaacting. "Tangina ka, sabing huwag mo na ipaalala diba?"

Para naman 'tong ano, malaking memories namin yun dalawa. Huwag niya naman sanang ibaon.

"Labhan mo ha." pacute ko.

Napahilamos siya ng mukha. Ganyan siya kapag wala ng magawa. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Nagpadeliver ako ng mga pagkain dahil walang may ganang magluto. Busy siyang nag iistrum ng gitara habang ako naman ay nakahiga sa sofa niyang nakapatong yung braso sa ulo.

Malalim yung iniisip.

"Kumusta yung date mo kay Brie?" bigla niyang tanong sakin.

Hindi ko pa pala nakukwento yun sa kaniya. Pero wala akong ganang magkwento lalo na't may nangyari rin doon.

"Masaya." sagot ko.

Napahinto siya sa pag iistrum at nginisian ako.

"Bakit?"

"Sabi ko sa'yo eh."

Huminga ako nang malalim. Hindi naman siya yung gusto ko at hindi siya yung asawa ko.

"Pero kasal ako, Ten."

"Sa papel."

Natahimik ako saglit. Ganyan naman sila. "Ang hilig mo namang ipamukha sa kin yun."

"Totoo naman."

"Oo na." pabalang kong sagot.

"Lumandi ka lang." sambit niya. "Mahirap intayin yung taong nakatingin sa iba. Madalas, hindi na yan lumilingon."

"Yung date na yon, friendly date lang yon." sambit ko. "Masaya pero ewan. Hindi ko alam."

"Sa'yo friendly date lang, pero paano sa kaniya?"

Huminga ako nang malalim. Tumagilid ako ng higa sa sofa para mapatalikod sa kaniya. "Tapos na rin yun, nalaman niya na rin na kasal ako."

Hindj siya nakapagsalita. Mukhang nagulat.

"Anong nangyari nung nalaman niya?"

Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko rin alam. Hindi na rin naman ako nagparamdam kasi nakakahiya." sambit ko.

"Hindi mo ba masabi na kasal lang kayo sa papel?" tanong niya sa akin.

"Paano ko ipapaliwanag, ayaw nga ipasabi ng asawa ko."

"Kung ganon, paano niya nalaman?"

"Kay Klarisse."

Napangisi siya. "Bilib din ako sa babaeng yon."

Parang may paghanga pa yung pagkasabi niya.

"Gusto ko lang sana maging magkaibigan kami." baling ko sa topic kanina."Kasi she's a good person and I am comfortable with her."

"Ulol." mura niya. "Landiin mo na. Maghihiwalay naman kayo ng asawa mo sa susunod."

Natigilan ako.

Hindi naging handa sa narinig ko.

Ang hilig mang bigla ng mga tao.

Nabibigla rin yung puso ko. Tumitigil na lang bigla bigla. Anak ng.

Humarap ulit ako sa kaniya ng higa at tinitigan siya ng seryoso.

Masakit yung mga sinabi mo. Pero hindi ka mukhang nagbibiro.

Sabagay, totoo naman.

Hihiwalayan niya rin ako.

Ako lang 'tong hindi matanggap at di kayang proseso kahit nung mga nakaraang araw pa.

"Napaka iksi ng buhay para mag stick ka diyan sa hindi ka naman binibigyang pansin." sambit niya. "Huwag mong agawin yung taong hindi naman talaga sa'yo. Masama yun."

Tumalikod ulit ako at sinubukang matulog.

Pero yung mata ko ay dilat. Iniisip lahat ng mga posibilidad na pwedeng mangyari.

Sinusubukan ko na ring isipin kung paano ba yung magiging hakbang ko para matulungan ko yung sarili kong makalimot.

Kasi sigurado akong masakit 'to. Malalang sakit 'to sa dibdib at sa pag iisip kapag binitawan niya na yung mga salitang. . . .hihiwalayan niya na ako.

At ayaw na niya kong makita pang muli.

---

Wala akong kagana ganang lumabas ng taxi. Binaba ako sa harapan ng bahay.

Nandito na naman ako.

Magdurusa na naman ako sa mga maiisip ng utak ko para mas masaktan ako lalo.

Pero laking gulat ko nung may nakita akong kotseng nakagarahe sa loob ng bahay.

Anak . . .ng.

Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Nandito na yung asawa ko.

Nandito na siya.

Nandito na siya.

Nandito na siya.

Nandito na.

Nandito na.

Nandito. Yung asawa ko.

Hindi ko na napigilang ngumiti nang napakalawak kahit nasa labas pa lang ako ng bahay.

Nagmamadali akong pumasok ng bahay at nakita ko siyang nakaupo sa sofa na nanonood ng TV.

Seryosong seryoso yung mukha niya sa panonood.

Hindi nga ako nagkakamali.

Nandito na ulit siya.

Nasa bahay na ulit yung asawa ko.

Parang tumatalon yung puso ko habang titig na titig lang siyang nanonood. Ang sarap niyang makitang nagrerelax ulit dito sa bahay.

"Asawa ko." parang nangingislap yung mata kong nakatitig sa kaniya na nakatingin na rin sa akin. "ASAWA KO!"

Lalapit na sana ako para yakapin siya pero bigla siyang nangbato ng mga libro. Natamaan yung mukha ko. Anak ng. "Bakit?"

"Bakit wala ka dito pagkadating ko kagabi?" inis niyang tanong.

Nanlaki yung mata ko. Napapangiti. "Nandito ka na kagabi?"

Binato niya ulit ako ng libro. Hindi na naman ako nakaiwas. "Where were you?" hindi siya nahinto sa pagbato ng mga libro sa akin pero ako nakangiting natatawa lang sa tuwa.

Alam kong mali na natatawa akong nanadista siya sakin ngayon pero masaya lang talaga ako na nandito na ulit siya. Kasama ko na ulit.

"Na kay Tenten lang ako kagabi, nakikipag usap." paliwanag ko. "Aray!" iwas ako nang iwas sa mga bato niya pero ngayon natatamaan na talaga ako sa kung saan saan . "Easy ka lang."

"Na kay Brie ka na naman ba?"

"No!"

Anak ng. Hindi nauubusan ng libro itong asawa ko. May pangalawang batch pa sa kabilang side niya.

Ang cute talaga ng asawa ko. Gusto ko siyang kurutin sa pisngi dahil namiss ko talaga siya.

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
420K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
332K 17.4K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8.7K 380 39
MEND SERIES anong gusto niya? yakapin ko siya? yakapin ko ang rason ng tuluyan pagkasira ng buong pagkatao at pangarap ko? photos used are not mine...