my sadist wife (completed) (i...

Від unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... Більше

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 24

145 15 0
Від unicachicca

Eleven.

Kanina pa malalim yung hinga ko ngayong araw sa sobrang hindi mapakali. 

Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon kong nandito ako, hinihintay si Brie na makarating. Hinihintay siya para sa friendly date naming dalawa na si Tenten ang may pakana.

Kasalanan ko rin. Hindi sana ako nagtanong, hindi ko sana pinaasa ng ganito si Brie. Wala tuloy akong lakas ng loob na sabihing huwag itong ituloy. 

Pero wala na rin akong magawa. Tatapusin ko na lang 'tong araw na 'to, kahit mahirap dahil yung utak ko nasa asawa ko parin. Hindi parin umuuwi hanggang ngayon. 

Wala paring tigil yung utak ko mag isip sa kaniya. 

Kung kumusta na ba siya, kung kumain na ba siya, kung ayos lang ba siya. 

Kailan ba uuwi yung asawa ko? 

Miss ko na talaga siya.

Naiilang ba siya sa nangyari nung gabing yun at hindi na niya ako inuwian? 

Ang tagal kong trinabahong ibigay nya sa akin yung tiwala sa akin na walang mangyayaring ganon nang hindi niya gusto. Tapos parang sinira ko lang sa isang iglap. 

Ang masaklap pa, hindi na niya ako inuwian. Kung dati naman, kahit ayaw niya sa akin umuuwi parin naman siya gabi gabi. Kaya parang mas matindi yung nangyari sa kin ngayon.

"Chris?" may narinig akong pamilyar na boses sa likuran ko. 

Si Brie. Nakasuot siya ng pastel pink na dress na perpektong perpekto sa hugis ng katawan niya. May dala dalang maliit na purse at may manipis na make up sa mukha. Sobrang simple pero ang lakas ng dating. 

Kitang kita sa peripheral view ko na maraming napatingin sa kaniya dito sa gawi namin. Kahit mga babae, nakatingin sa kaniya. 

Malakas pa yung amoy ng pabango niya. Babaeng babae.

"Kanina pa kita tinatawag." nakangiti niyang sabi. "Are you alright? Parang ang lalim yata ng iniisip mo."

"Sorry." paumanhin ko. "Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko talaga siya napansin na nandito na siya. Malalim nga siguro yung iniisip ko.

"Hindi naman." ngiti niyang sagot sa akin. Ang ganda niyang babae, kaya talagang napapatingin yung mga tao dito samin. 

Ang galing niya magdala. Kahit simple, parang halata mo paring fashionista.

Iba siya manamit kumpara sa asawa ko, mahilig siyang magsusuot ng chic style. Bagay na bagay sa kaniya. 

Pareho silang maganda manamit ng asawa ko, kung ako yung tatanungin. 

Ngumiti ako sa kaniya at pinuri si Brie. "You're gorgeous."

Napaipit siya ng buhok sa likod ng tenga at napangiti lalo sa akin. "Thank you." tinanguan ko siya. "Ikaw, sobrang pogi mo."

Natawa naman ako nang mahina. Alangan namang paniwalaan kita.

"Don't laugh at me! Nagsasabi ako ng totoo." sambit niya. "Ang gwapo mong tao, mas lalo ka pang pogi dahil sa suot mo."

Sige na nga. "Okay, enough. Paniniwalaan na kita." hindi ko naman siya masisi kung ganyan yung nakikita niya sa akin. "Let's go?" nakangiti naman niya akong tinanguan.

Habang naglalakad kami, sinenyasan ko siyang mauna siyang maglakad saming dalawa at papantayan ko na lang siya sa paglalakad. "Kumusta ka?" tanong ko.

"I'm happy." sambit niya. 

"May I know why?"

"Because we're having a date today, Chris. I was waiting for this to happen." nakangiti niyang sagot. Nakakadala yung ngiti niya kaya napapangiti rin ako. "Akala ko hindi mo na ko pagbibigyang makipag date sa'yo eh."

Awkward akong tumawa at napakamot sa ulo. 

"Ang tagal na kitang kinukulit dito."

"S-Sorry."

"Don't be! At least it's happening today."

Mukhang magiging maayos naman yung friendly date namin. Wala rin naman sigurong masama kung mangyayari yun ngayon. 

Sa totoo lang, nadala lang ako ng pressure noon simula nung tinanong at inasar ako ni Amber na wala pa akong nakaka date kahit na sino. Siya lang naman yung kilala kong babae na pwede ko ayain kaya napaaya ako nang wala sa oras sa kaniya na hindi ko rin siguradong tutuparin ko. 

Yun pala yayayain rin pala akong i-date siya para magkaroon na daw ako ng first date. Kaya wala na sana akong balak tuparin 'to. Kaya lang, kailangan kong gawin 'to dahil ayaw kong maka dissapoint ng babae.

"I'll drive." sambit niya pagkarating namin sa tapat ng kotse niya.

"Are you sure?" 

"Yes! Since surprise yung pupuntahan natin, I should drive."  

Binuksan ko yung pinto ng driver seat at inalalayan siyang makapasok. "Ang gentleman naman! Thank you, Chris." gentleman na ba agad 'to? 

"W-Welcome." confused kong sabi. 

Pagkapasok ko sa loob, kinuha ko sa maliit kong bag yung sampaguita na binili ko doon sa bata na gusto na umuwi kanina nang maaga. Inabot ko kay Brie.

Natutuwa daw yung mga tao kapag binibigyan daw ng kahit na anong bulaklak. Huwag lang daw yung pang patay na bulaklak yung ibigay.

Pero. . .yung sampaguita, hindi naman siya pangpatay ang alam ko. . . .yata. Ito yung inaalay sa santo pati kay Lord. Hindi naman siguro counted 'to sa pang patay.

Nakita kong natuwa siya. "Aww." napahawak siya sa bibig at kinuha yung inabot kong sampaguita. "Thank you, Chris."

Halata sa mukha niya na masaya siya sa natanggap. Pinicturan niya pa nga yung sampaguita at mukhang ippost pa sa IG story. 

Napapakamot ako dahil nahihiya ako sa inabot ko. "Mabango naman yan, amoy amoyin mo na lang." narinig ko naman siyang natawa sa kin. "Pasensya na, yan lang nabigay ko. Yung bata kasi nangungulit kanina—"

"Ano ka ba! Okay lang, sino bang may sabi na hindi ko 'to nagustuhan?" masigla niyang sambit sa akin. "This is thoughtful! Ang bango pa."

"Really?"

"Yung mga dati kong naka date, they don't even have flowers for me. They don't even bother so I'm really grateful."

"Talaga ba?" hindi ko makapaniwalang tanong. Parang pampalubag loob na lang mga sinasabi niya eh.

Saka binili ko na rin kasi naawa ako doon sa bata na nagbebenta niyan. Gusto na makauwi nang maaga. Alam ko naman kung gaano kahirap magbenta.

"Yes, and sobrang unexpected rin."

"Yung date?"

Natawa siya. "No, the sampaguita."

"You don't like it?"

"Ano ka ba," hampas niya sa braso ko. "I love it. Ang simple but it's really romantic. Pilipinong pilipino." inaamoy amoy niya yung sampaguita na parang wala siyang planong tantanan iyon.

"Romantic?" napapa tanong kong sabi. Romantic pala yung pag abot ng simpleng bulaklak. "But you're welcome." buti naman at nagustuhan niya yung simpleng bigay ko.

Nagsimula na siyang magdrive. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

"Saan kaya tayo pupunta?" parinig ko sa kaniya na tinitignan tignan siya. 

"Hmm. . ." napapaisip siya nung tinitigan ko siya. I have no idea where are we going. "Iniisip ko kung sasabihin ko na ba eh."

Habang nag iisip siya na nakatingin sa daan, naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko nang patago yung message ko. 

Si Klarisse. May message sa akin.

Anong meron?

Medyo nag alala ako dahil bihira lang 'to mag text sa akin. Madalas emergency pa.

Kumabog yung dibdib ko. Pakiramdam ko may nangyari na naman sa kaniyang masama.

uwu

Uwu? Anong uwu?

"Uwu?" basa ko sa text.

"Why?" napapatanong naman yung driver kong katabi.

"Wala naman." tumipa ako ng text.

uwu?

Reply ko. Anong sinasabi ni Klarisse? Hindi ko nagegets.

0:26 link: spotify_every_breath_you_take_thepolice

Ano daw?

May sinend naman siya ngayong video na sakto doon sa twenty-six seconds na kantang Every breath you take. Wala sa sariling binuksan yung file at tumugtog yung kanta. 

'Every step you take, I'll be watching you.'

Natigilan ako.

"Gusto mong magpatugtog?" tanong naman nung katabi ko. Narinig yata yung naiplay kong part. "I-bluetooth natin dito sa kotse yung cellphone mo, if you want to play your playlists."

"No." wala sa sarili kong sagot. "May nakita lang ako sa feed ko." dahilan ko.

Anak ng. Bigla akong kinabahan. Nandito ba siya? Sinusundan na naman ba ako?

Napapatingin ako sa gilid habang umaandar yung sasakyan namin. Tinitignan ko kung nandiyan ba yung kotse ni Klarisse.

Baka sinusundan na naman talaga ako.

"Is there a problem?" tanong sa akin ni Brie. Hindi ko naman mahanap yung kotse kung nandiyan ba sa likod o sa gilid. "Are you okay?"

"Wala, may tinitignan lang ako." sagot ko. Nag steady na lang ako sa upuan ko at sinusubukang huwag na lang isipin na may posibilidad na nandiyan si Klarisse na sumusunod.

Basta ba siguraduhin niyang hindi siya aatakihin ng sakit niya.

"Are you really curious about where we will go today?" tanong niya sakin.

"Oo naman." sagot ko.

"But do you have any idea where?"

Napaisip ako.

Saan nga ba ako dadalhin ni Brie? Dadalhin niya kaya ako sa condo niya?

"To your condo?"

Malakas siyang natawa. Mali ba ako? "Well, we could." natatawa niya pang sabi. "But we're going somewhere important today."

Napakunot akong napanguso. Nag iisip.

Saan naman yung something important na yun today?

"Gusto mo na bang makitulog sa condo ko?" tanong sa kin ni Brie. Nahiya ako bigla dahil ngayon ko lang narealize na iba yung dating sa mga babae nun.

Mabilis akong umiling.

"Then why is that?"

Napakamot na naman ako sa ulo ko. "I just thought. . .kasi. . . .sabi mo dati kapag may time na lumabas tayo, sa condo ang punta."

"Ano ka ba!" bungisngis niya. "I was just joking." sabay tawa niya nang malakas. "Oh my god!"

Akala ko naman kasi. Nahihiya na tuloy ako ngayon.

"S-Sorry." kamot ko sa ulo na nahihiya. "Tanga lang talaga yung kausap mo."

"But I can be serious sometimes." sambit niya pagkatapos tumawa. "Wala namang problema kung totohanin natin yun."

Gulat ko siyang tinitigan. Natatawa naman siyang nagtanong ng bakit.

"Nothing."

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Okay, para hindi ka na mahirapang mag isip," may inaabot siya sa may drawer ng kotse. Pagkakuha niya, inabot niya sa akin. Para siyang envelope ng SM TICKETS. "What do you think?"

Tinignan ko yung laman. "COLDPLAY concert?" anak ng.

"You don't like it?"

Nakanganga parin akong hindi makapaniwala sa laman. Anak ng tipaklong.

Sobrang saya ko!

"I do!" excited kong sagot. "I really do."

"Really? You love their song?"

Masaya akong tumango.

Nakangiti siyang sumulyap sakin saglit. "Good to know that you like their music."

"Of course." ngiting ngiti akong nakatingin sa ticket. Natutuwa. "Damn. This is so exciting."

"Indeed!"

Nagpatugtog siya ng COLDPLAY music at nagja-jamming kami habang bumabyahe papuntang MOA Arena. Hindi na namin maramdaman yung heavy traffic dahil nagkakatuwaan kaming kumanta dito.

Ganito pala siya. Ang saya niyang kasama.

Nasa byahe pa lang kami pero hindi ko maramdaman na urat na urat na kong makauwi. Parang nakalimutan ko saglit yung mga iniisip ko.

Magka vibe kami sa music. It's really nice to have someone who the same music taste as yours. Iba iba kasi kami ng music taste ng mga kaibigan ko kaya ang hirap nilang patugtugan minsan ng mga kanta.

Itong COLDPLAY concert, laging sold out 'tong concert na 'to. Umabot na nga ng ilang araw yung tour nila dito, sold out pa rin. 

Kaya nakakatuwa na meron siyang ticket tapos ako yung sinama niya.

Tama rin pala yung desisyon ni Tenten na subukan ko 'tong date na 'to. Minsan kailangan mo ring sumunod sa gusto ng kaibigan mo eh.

Pinatago sakin ni Brie yung ticket sa bag na dala ko. Baka daw makalimutan pa at masayang yung pagpila namin para makapasok.

Pagkadating namin sa parking lot, bababa na sana siya pero pinahinto ko muna. Baka may nakalimutan siyang gamit at mahirap na nga na may makalimutan. Mahirap na bumalik dito mamaya.

"Check mo muna kung may nakalimutan ka." sambit ko. "Wallet, ID, stuff."

Pinatignan ko sa kaniya. "Oh, shit." at may nakalimutan nga, yung cellphone niya. "Thank you, Chris."

"Bago ka bumaba, lagi mo munang i-check yung gamit mo ha." para akong tatay na pinapangaralan siya.

"Yes, sir." sarkastiko naman niyang sagot. Pagkababa namin, humawak na siya sa braso ko at tinanong ako. "Do you always double check your things before going out?"

Natuto lang. Kaya nga ako nahospital noon dahil hindi ako nakatawag kasi wala akong dalang cellphone at wallet para makauwi kaagad.

Yun yung time na hirap na hirap akong umuwi. Nabugbog pa ako sa sarili kong tapat ng bahay.

"There's just incident kasi na nangyari." sagot ko, may pait sa mga ngiti ko. "Kaya nag iingat na ko talaga."

"Is that about safe sex?" tanong niya na nakabungingis. "Like you forgot to bring your condom and then you got a child thing? Is that the incident you mean?"

Ang lawak naman ng imahinasyon nitong babaeng 'to. "Hindi no."

"Really?"

Umiling ako. "It's about my cellphone and wallet." sagot ko. 

"You forgot to bring them?"

Tango ko.

"What happened?" halata sa kaniya yung pagka curious. Akala ko may alam siya kasi yun yung time na magkakasama kaming tatlo sa kotse bago nangyari yung insidenteng yun. Pero yun nga, hindi niya nga alam. Kaya nga nagtatanong, Eleven. Nakanang.

"Long story." sagot ko na lang pero nangungulit talaga siya. "Mahaba talaga promise." hindi na rin nangulit. Buti naman.

Masyadong mabigat na bagay yun para malaman mo o ng iba.

Medyo napaaga kami ni Brie na makarating sa MOA kaya nagpapatay kami ng oras dito sa sea side.

Naalala ko yung time na nandito kaming dalawa ng asawa ko. Nagkukwentuhan, nagkukulitan, nag aasaran. Bumagsak pa nga ako sa sahig dito dahil hinila niya ko nang pakaladkad papunta sa parking lot sa inis niya.

Hindi pa ganon katagal yung nakakalipas pero sobrang namimiss ko na. Nakakamiss kasama siya. Naalala niya pa kaya yun? 

Kaso mukhang busy siya para maalala niya yun. Si Black, palagi na niyang kasama si Black.

Masaya kaya siya? Masaya kaya siyang kasama niya si Black? Naalala niya kaya ako kahit saglit lang?

Malalim akong huminga.

Nakatingin ako ngayon sa malayo, tinitignan yung magandang view ng dagat kahit mabantot tumambay dito. Yung alon ng tubig, yung ganda ng araw at yung bundok ng sierra madre.

Ang ganda. Sana nakikita rin 'to ngayon ng asawa ko.

"Right, Chris?"

Nagulat ako sa narinig kong boses.

"Yes, asawa ko?" wala sa sarili kong sambit. Nanlalaki yung mata ko dahil napagtanto ko yung nabanggit ko. Anak ng.

"I mean—yes, Brie?" ulit ko. Tarantado ka talaga. Ang lalim na naman ng iniisip mo, nakng!

Nagtakhang napapangiti si Brie sa akin. "I-I mean. . .ano. . .ano nga ulit yun?"

"Did you just call me your wife?"

Mali. Mali nga. Pasensya na.

Hinampas niya ako sa braso, ako naman napapakamot na naman ng ulo. Ang sabaw ko masyado. "Sorry, sorry, sorry!"

"Medyo advance kang tao ha."

Awkward akong ngumiti. Alangan namang ipaliwanag ko sa kaniya kung bakit ko nabanggit yun. Ayaw naman ipabanggit ng asawa ko na kasal kaming dalawa kahit kanino bukod sa mga nakakaalam.

"Malalim lang talaga yung iniisip ko."

"Yan ba tawagan niyo ng ex mo?" tanong niya sakin. Hindi ako nakasagot.

Wala naman kasi akong naging ex.

"Iniisip mo ba yung ex mo?"

Hindi ko lang maiwasang isipin yung asawa ko. Sobrang miss na miss ko lang talaga.

Napabuntong hininga akong nakatingin sa malayo. "Wala akong ex."

Gulat niya akong tinignan. "Wala kang ex?" takha niyang tanong. Hindi talaga siya mukhang naniniwala.

Umiling ako bilang sagot.

"Really?"

"Wala talaga."

"Kahit fling or kung ano man?" tanong niya ulit.

"Hmm. . ." paano ko nga ba siya idedescribe? "Hindi ko alam paano idedescribe."

"So kahit papaano meron?" tanong niya.

"Parang ganon siguro yung tawag don. Hindi ko alam."

"How was she?" tanong niya ulit. "Bakit hindi kayo nagwork?"

Hindi naman kasi ako mahal. Atsaka, we're still married. Mahirap ipaliwanag lalo na't sikreto 'tong bagay na 'to. "I can't, sorry."

"I see." tango niya. "Curious lang talaga ako tungkol diyan, wala pa kasi ako masyadong alam tungkol sa'yo. Kaya ganito ako magtanong."

"No problem." sambit ko. "Hindi ko lang talaga madescribe nang maayos."

Natahimik kaming dalawa. Malapit ng lumubog yung araw kaya nakatingin kami sa malayo at ninanamnam yung ganda nung nakikita namin ngayon.

Sana nakikita mo 'to ngayon, asawa ko. Kung kinakausap mo lang ako, isesend ko 'tong mga picture na kinukuhanan ko. Kaso nahihiya lang ako kasi hindi mo ako pinapansin.

"I have an ex," panimula niya kaya natuon yung atensyon ko ulit sa kaniya. "he never treated me right."

Hindi ako nakasagot kaagad. Tumitig siya sa akin na parang sinasabi niya na pinagkakatiwalaan niya ako sa mga binabanggit niya sakin ngayon. "He wasn't a good boyfriend."

"I'm sorry to hear that." sinsero kong sabi sa kaniya at tinignan siya. "But I'm glad to hear that you two broke up." sambit ko. "Isang malaking kaluwagan sa dibdib mo yun."

"He just never cared." tuloy niya sa kwento. "Hindi ko naexperience sa kaniya maging gentleman na lalaki. Kahit sa sex, he was very roughed."

Nag aalala ko siyang tinitigan. "Is it okay with you na you're sharing these things to me?" tanong ko. Nag aalala ako na baka may matrigger ako sa kaniyang emosyon at mawala siya sa mood.

Imbes na sagutin niya ako, nginitian niya lang ako.

"Brie," tawag ko. "please if hindi mo kaya, huwag na. Maiintindihan ko."

"Yes, kaya ko na." sagot niya. "I just feel so comfortable with you na hindi ko na namamalayan na napapakwento na ko."

Napatango ko. Good to know. "Makakatulong ba ako kapag pinakinggan kita?"

"Yes." sagot niya. "Ang tagal kong kinimkim 'to, ngayon na kaya ko nang ikwento, makakaluwag siya sa pakiramdam ko."

Tumango ako at ngumiti nang tipid. "Then go on, if you wish to continue." sabi ko. "Naka focus lang yung dalawang tenga ko sa sasabihin mo."

Napatingin siya sa umaalon na tubig. Nag iisip. Ang ganda nung dagat kapag nagrereflect sa tubig yung liwanag ng araw. "Hindi ko lang siya mahiwalayan dati because he keeps blackmailing me. Natakot ako kasi baka yung mga banta niyang yun, totohanin niya talaga."

What? "Yes, he did." parang naintindihan niya yung mga non verbal cues ko kaya sinagot niya na ko. She was blackmailed?

Nakaranas siya ng mga ganito?

"Do you wanna know kung ano yung pinang bablackmail niya sakin?"

"I won't force you to answer those." sagot ko. "Kung ano lang yung kaya mong ikwento dahil ayaw kong makatrigger ako."

"Tinatakot niya ako na ikakalat niya lahat ng sex videos naming dalawa." tuloy niya sa kwento.

Hindi makapaniwala yung mga tingin na binabato ko sa kaniya. "He blackmailed me. He really did."

"I'm really sorry to hear these things. Gago. Ang gago ng ex mo." sambit ko. 

"Kasalanan ko rin, pumayag akong magpa video."

Mabilis akong umiling. Inis na inis ko siyang tinitigan. "It's  not your fault." sambit ko.  "I'm sorry but even if you gave him your consent, it doesn't mean na pwede niyang gamitin yun laban sa'yo. You trusted him, pinagkatiwalaan mo siya sa private videos na yun. He shouldn't do that."

Natahimik siya at tinitigan ako na parang gumagaan yung pakiramdam niya sa mga naririnig sa akin. "You don't deserve to be treated that way. I'm really sorry it happened to you."

"Your mind. . ." parang namamangha niya kong tignan. "I like how your mind works. It's really nice to hear your thoughts about this."

Wala naman dapat ika thank you, dapat lang talaga ganito mag isip yung mga tao.

"So parang nakakulong ka sa relasyon na yun nang napaka tagal na panahon?"

"Yes." sagot ni Brie. "I stayed for years."

Malalim akong huminga. Grabe, no one deserve this. Walang may deserve nito.

"I'm so sorry." nag aalala kong nakatitig sa kaniya. "I'm really sorry, I. . .I. . I didn't know na ganyan yung naranasan mo. You were abused emotionally."

"But he's on jail now." tipid niyang ngiti.

"That was so hard for you." mahinang boses kong nasabi. "I'm so so sorry."

"Hindi naman ikaw yun, Chris." sambit niya. "Please don't apologize about it. It's fine."

"No, it just so wrong." napapayuko kong sabi. Hindi ko ma-imagine. God. No one deserves this. "You don't deserve that. No one deserves that. God, that was so so so hard for you. I just can't imagine it."

"And I'm still healing and almost recovering from what happened." sambit niya. "It was a tough time for me. It felt like I don't have anyone around. Sirang sira yung mental health ko."

"That's true." sambit ko. "It was really bad for your mental health. It was so exhausting for you."

"But Amber," kwento niya pa. Parang may kumislap sa utak ko nung narinig ko yung pangalan ng asawa ko. "She's the one who helped me get through the dark."

Hindi ko maiwasan na magulat.

"Siya yung nakatulong para makulong yung ex ko." sabi niya. "Pinapagalitan nga ako nun kasi bakit ko daw sinasarili yung problema ko. Alam naman niyang nasa tabi ko lang naman daw siya kapag may problema ako."

Para akong namamangha sa mga narinig ko.

Hindi ko aakalain na maririnig ko 'to sa isa sa mga kaibigan niya. Alam ko na meron siyang ganitong side pero hindi ko inaasahang may mas malalim pa siyang side na ganito.

Nakakabilib.

Ang swerte lang ni Black. Ang swerte swerte.

"And then she said, you're free now. You can finally try to heal yourself from this incident." kwento niya pa. "She's just so brave woman. Natulungan niya ko sa ganong klaseng tao."

Totoo. Nakakabilib kayong dalawa.

"He doesn't hurt me in a physical way naman but he keeps manipulating me, gaslighting me, guilt-tripping, and a lot of psychological abuse. Maybe he did hurt me physically when he had sex with me in a rough way. It's his kink."

Akala ko, may idudugtong pa siya pero tahimik lang talaga siya ngayon.

"Nagbago ba yung tingin mo sa akin?" nag aalala niyang tanong sa akin. Parang importante para sa kaniya na malaman kung ano yung tingin ko ngayon sa kaniya pagkatapos niyang magkwento ng ganung klaseng karanasan niya sa buhay.

Seryoso ko siyang tinignan. "Yes."

Bumagsak yung balikat niya. Bakit parang nalungkot siya? "Nagbago yung tingin ko  talaga sa'yo."

"Sure." nakayuko niyang sabi at naglalaro ng daliri. Parang kinakabahan sa sinabi ko. 

Mukhang iba yung interpretation niya sa sinabi ko. 

"Mas naging strong ka sa paningin ko, Brie. Napaka masayahin mong tao, makulit ka in a good way, at palangiti pero hindi ko inexpect na may ganito ka palang pinagdaanan. That's very unbelievably strong. You're very strong person."

Umangat yung paningin niya sa akin, nagsisimulang magluha. "You're very strong woman and I am very proud of you for still trying until to live each day. Nakatayo ka parin dito, nalagpasan mo. Nagawa mo. Nakangiti ka parin na sinusubukan mabuhay."

Ngumiti siya. Nawala yung pag aalala niya sa mga mata niya pagkatapos kong sabihin sa kaniya yung mga bagay na yun. 

Totoo naman lahat ng sinabi ko. She's a strong woman. 

"Thank you." pasasalamat ko. "Thank you for all the silent battles and struggles that you fought everyday. And thank you, thank you for telling me this. For trusting me about one of your secrets. Kahit na hindi pa tayo ganun katagal na magkaibigan o nagkakausap ng matagal sa text."

Napayakap siya bigla sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko tuloy alam kung yayakapin ko siya pabalik sa gulat. "I am so moved."

She deserves to hear those words. She's a fighter.

"Thank you." naluluha niyang hiwalay ng yakap. "You're the best."

Ginulo ko yung buhok niya. "Lagi mo sanang alalahanin yung mga sinabi ko sa'yo."

Niyakap niya ulit ako nang mas matagal ngayon pero napabitaw rin siya.

Napasilip ako saglit sa cellphone ko dahil nagvibrate siya.

Si Klarisse na naman. May meme picture na sinend.

Anak ng.

Hindi ko na naman alam kung anong gustong iparating ni Klarisse.

Pakiramdam ko talaga nandito siya.

Napatingin tingin ako sa paligid. Hinahanap ko kung nandito nga ba si Klarisse dahil kanina pa talaga siya nang aasar sa text.

Pero wala akong makita.

"Sunset na." galaw nang galaw yung binti niya habang nakaupo kaya yung atensyon ko naibaling ko sa napakagandang sunset. Sobra talaga siyang excited.

Napapatingin kami sa ganda ng kulay ng ulap. Ang ganda.

Pink na pink yung ulap.

"Ang ganda."

Tapos narinig pa naming pinatugtog yung pink skies ng LANY dito sa MOA seaside.

Sobrang ganda lalo. Ramdam na ramdam mo na lalo yung vibe.

"This day is just too beautiful for me." sambit niya kaya napatitig din ako kay Brie. "You don't know how much I am thankful for this."

Masaya akong nakatulong ako.

"Thank you rin." sabi ko. "You don't know how much it helps my day too." kung hindi ako umalis ngayon ng bahay, baka lugmok na lugmok na naman ako sa loob ng bahay na nag iisip ng kung ano-ano.

Nung lumubog na yung araw, nag aya na siyang pumila na kami sa concert.

Pinapaypayan ko siya kasi pinagpapawisan na siya sa pila. "Kaya mo pa?" tanong ko.

Nakikipagdaldalan siya sa akin kaya hindi ako nahihiya sa kaniya kahit kanina pa. Madalas kasi nahihiya ako kapag hindi ko kaclose. Pero ngayon, sobrang comfortable lang talaga.

May vibe kasi talaga siya na sobrang comfortable para sa kin. Kaya nailalabas ko yung iba't iba kong side sa kaniya.

Hindi siya tumitigil sa pagdaldal kaya ako itong nakikinig lang. Minsan inaasar ko siya kapag may chance. Hindi naman siya napipikon, nakikiride lang siya sakin.

Nakapasok kaming dalawa sa concert at malapit na malapit talaga kami sa stage. Nakatayo nga lang kaming dalawa pero siguradong mas mararamdaman mo yung concert.

Sinimulan nila ng HIGHER POWER. Lahat ng tao ay sumasabay sa kanta kahit kakasimula pa lang kaya sobrang feel na feel mo yung music.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kung ako yung singer tapos ganito yung mga nanonood ng concert ko, heaven talaga. 

Umiilaw pa yung mga wrist namin, in-sync pa kaya parang napaka magical. Ang saya saya. 

Lahat ng pinapatugtog nila, alam na alam ko lahat ng lyrics. Hindi ko na namamalayan na napapasabay na ako sa pagkanta. Ganito pala yung pakiramdam kapag nakakaranas ka ng concert. 

Ang swerte ko pa dahil COLDPLAY yung pinapanood namin.

"Look at the stars, look how they shine for you," sabay ko sa kanta. "And everything you do, they were all yellow."

Yung katabi ko, sobrang nag eenjoy padin. Kumakanta kaming dalawa ng sabay at napapahawak siya sa braso ko, lumalapit rin yung mukha malapit sa pisngi ko at ngingitian ako nang napakalawak. 

Nagkakatinginan kaming dalawa at nakangiti kaming kumakanta nang nakatingin sa isa't isa. Ang cute niya.

Hindi mo maramdaman yung ngalay kahit mahigit isang oras na kami dito. Hindi rin kami buryo sa mga pinapatugtog nila.

Napapasulyap sulyap naman ako sa katabi ko, she's really enjoying and that's good.

Concert 'to ng bandang paborito niya, kahit ako paborito ko 'to. Wala dapat makakasira ng araw na 'to dahil once in a lifetime na experience lang yung concert na 'to na hindi namin alam kung kailan ulit mangyayari.

Kahit yung mga malulungkot na kanta ng COLDPLAY na sumunod, hindi namin pinalagpas. Sobrang nakakataas ng balahibo. Ramdam mo yung emosyon, yung crowd, LAHAT.

"Did I drive you away? I know what you'll say. You say, Oh, sing one we know," mas malakas yung boses ngayon ni Brie sa pagkanta. Hindi parin siya napapagod. Ako medyo pagod na yung boses. 

Hinawakan niya yung panga ko, inuutusan niya yata akong tignan siya habang kumakanta. "But I promise you this. I'll always look out for you. Yeah, that's what I'll do."

Enjoy na enjoy niya talaga yung music. Napapasabay rin ako dahil sa energy niya.

Sobrang memorable exprience nito. I was at the concert before but I never knew how wonderful na maranasan 'to. Masarap pala kapag may kasama ka sa concert.

Nakatitig lang kaming dalawa. 

Hindi ko na namalayan na hinalikan niya na ako sa ilong ko at bumulong sa tenga ko. "Thank you for tonight, Chris."

---

"It was fun." kakatapos lang naming kumain sa condo ni Brie. Dito na lang kami kumain dahil wala ng bukas na kainan nung natapos yung concert. Napaka traffic pa nung nakalabas kami ng parking.

Nilutuan ko na lang siya dahil yun rin yung request niya sakin. "Tapos natikman ko pa ulit yung luto mo." nakangiti niyang sabi. "Yung favorite ko pang ulam."

"You're welcome." ngiti kong sabi. "Yeah, it was really fun today. Thank you so much, dahil kung hindi dahil sa'yo, I will never experienced this memorable night."

"Yung fix you, nakaka gago ng pakiramdam." sambit niya. "Ramdam mo yung sakit. Napaiyak talaga ako."

"Tumaas balahibo ko doon." sabi ko. "Kinanta pa ng crowd. Ibang klase!"

"Atsaka ang galing kanina, saktong sakto na nagka pink skies kanina sa MOA." kwento niya. "Nagplay pa yung pink skies kanina sa seaside. Ang cute. Para tuloy theme song na natin yun!"

Malakas akong tumawa.

"Ganon?" natatawa kong tanong. Napapailing ako.

"Hoy, why not?"

"Maganda yung kanta."

"Ayaw mo ng may theme song?" nguso niya. "Fine."

"Ngayon ko lang narinig kasi na may ka theme song ako." sagot ko. "Very new for me."

"Seryoso ba talagang hindi ka pa nagkaka girlfriend?" tanong niya sa kin.

Umiling ako. "Never had one." sagot ko. "Meron naman isa, but not officially and hindi ko masabing girlfriend tawag don."

"Anong tawag don?"

Asawa sa papel.

Napakibit ako ng balikat. "Can't describe."

Nakita ko siyang gulong gulo sa sinabi ko. "Hindi ko parin magets."

Kahit ako.

"Same." mapait yung tawa ko.

"Hindi mo pa nga nasasagot yung tanong ko kanina."

"Anong tanong ba yun?"

"Like how was she?" tanong niya sa kin. "Ganon."

"What do you mean?"

"As a woman to you? I mean paano yung nabuild niyong relationship?"

Matagal akong napaisip. Paano ko nga ba siya ide-describe?

Nasa mood ako ngayong sumagot kumpara kanina. "Siguro malapit sa definition ng friends."

"Like friends with benefits?"

"What benefit?"

Pinanlalakihan niya ko ng mata. "You don't know what does it mean?"

Umiling ako.

"Seriously?" takha niyang tanong.

"Bakit?"

"Hindi mo alam?"

"No."

Natatawa siya. "Okay, you're just friends but you're fucking. That's why it's called friends with benefits."

Natigilan ako. Masasabi ko bang ganun yung amin?

We tried. . .doing it when we were drunk.

"Hey." natulala pala ako. "So it's friends with benefits?"

"I. . .do not think so."

"How come you don't know?" natatawa pero naiinis niyang sabi. Kanina pa talaga siya curious na curious kaya inis na inis na hindi niya makuha yung sagot ng buo.

"Parang hindi ganun kasi." sabi ko. "Magulo." yun na lang sinabi ko.

"Maybe fuck buddy yung words na hinahanap mo." nabulunan naman ako sa iniinom ko.

"What?"

"Like there's no attachment, just plain sex."

Napatango tango ako. "No."

Napangiwi na siya. Hindi mo talaga malalaman yung sagot, Brie. Kasi kahit kami, hindi namin maipaliwanag kung anong klaseng set up 'to.

"Okay, fine." sambit niya. "Ibang tanong na lang."

"Go on."

"When was the time you lost your virginity?"

Nanlaki yung mata ko.

Anak ng.

Hindi ako makasagot. Bigla ko na lang naalala yung muntik muntikan ng nangyari samin ng asawa ko.

Hindi siya mawala ngayon sa isip ko. Yung mata niya, yung labi niya, yung—

"You don't know rin?" tanong niya. Hindi ko na natuloy yung naiisip ko.

Napabuntong hininga ako. Sabihin na lang natin na wala dahil wala namang maayos na nangyari. "I-I never had one."

Napanganga siya. "What?"

Narinig mo na, ayaw ko na ulitin.

"You're very pretty man, ang lakas kaya ng sex appeal mo. Your eyes, your lips, your nose. You know, everything from you is so perfect."

Eh wala nga. Nagkibit balikat ako.

"I don't think you're lying naman." sabi niya. "It's just so unexpected."

Siguro kung hindi ako nakatutok nung buong high school at college ko sa asawa ko, mukhang nag explore na ko at nag syota na ng kung sino-sino.

"You're a virgin." inulit pa. "That's hot."

"Hot pala yun." sarkastiko kong reply. Tumayo ako at naglibot ng paningin. Napansin ko na malabo na yung ilaw niya dito sa condo.

Marami rin akong napansin na kailangang i-repair.

Kulang na rin siya sa ingredients para makapagluto. Wala na rin masyadong groceries.

"You're roaming around." sambit niya. "Are you checking where we should start doing it?"

"Ang dami mong kailangan i-repair at palitan dito sa condo mo." seryoso kong sabi. Hindi pinansin yung tanong niya.

"Oh." sambit niya. "I thought you were thinking about where to put me for the rounds and do the stuff."

"What?"

Umiling siya. "Nothing. Marami bang kailangang ayusin?"

Tumango ako. "Yung isang ilaw doon, kumukurap na."

"Para kang husband na maraming napapansin na sira at kailangang palitan. And that's hot too."

Napahawak ako sa cellphone ko dahil kay Klarisse.

i'm here on your house. wer r u? gusto ko na makapasok sa loob.

Anak ng. Para akong nabalisa sa nabasa ko.

"Samahan mo kong bumili ng mga kailangan para mapalitan yan." sabi niya. "Samahan mo na rin akong mag grocery."

"Yeah, sure." wala sa sarili kong sabi. Mahirap pag antayin yun si Klarisse dahil mainitin rin yung ulo non. "I'm sorry, Brie. I have to go."

Nawala yung ngiti sa mukha niya. "Oh."

"Nasa akin yung susi ng bahay, may kukunin yata si Klarisse sa loob." paliwanag ko. "Walang tao sa bahay."

Ngumiti siya pero hindi na katulad nung kanina. "No problem. Send my regards to them."

"Thank you for today." ngiti kong sabi. "It was really great."

"Me too, I'm very thankful for this day. Really." sambit. "Tapos ikaw pa kasama ko."

Binuksan ko yung pinto ng condo niya. "Thank you talaga, Brie." pasasalamat ko. "I have to go."

"Do you want me to—"

"No, dito ka na lang. Ayaw kong mag isip kung nakauwi ka na ba o hindi."

Hindi naman siya nakipagtalo at nginitian ako.

Nilapitan niya ako at mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. "Thank you so much, Chris. And ingat."

Nagulat naman ako bigla sa paghalik niya sa cheeks. Parang kanina niya pa ako gustong gustong halik halikan.

Nahiya ako bigla sa ginawa niya. Para naman siyang nang aasar sakin ngayon.

"See you tomorrow." malambing pa yung boses niya.

Sinenyasan ko siyang aalis na ko. Pagkalabas ko, nagmadali talaga akong bumaba ng elevator at pagkababa ko, tumakbo na ko palabas ng building.

Madaling madali ako umuwi kaya nag taxi ako imbes na mag jeep.

Pagkauwi ko, wala akong nadatnan na Klarisse na nasa tapat ng bahay. Madilim ang loob, walang katao tao.

Tinext ko si Klarisse. Tinanong kung nasaan siya. Iniisip ko baka nainip na kakaantay saking umuwi.

i'm just here.

Here? Dito?

Bigla kong napansin yung sasakyan na sumusunod sunod kanina pa sa medyo malayo.

Kilala ko yung ugong ng engine. Kilala ko kung kanino yun.

Sasakyan ni Amber.

Pagkakita ko, umandar naman galing malayo yung sasakyan papunta sa gawi ko.

Nakita ko si Amber na nagdadrive habang si Klarisse ay nasa tabi ng driver seat.

Kinindatan ako ni Klarisse nung nagtama yung paningin naming dalawa.

Nilagpasan nila yung bahay. Dito, kung saan ako nakatayo ngayon.

bakit hindi kayo huminto?

Tanong ko sa text kay Klarisse.

she doesn't want to gome home yet. i guess.

Inantay ko silang bumalik. Pero sabi naman ni Klarisse hindi na sila makakabalik dahil nakarating na sila sa direksyon nila.

Lugmok akong pumasok sa bahay.

Nakarecieve na naman ako ng text kay Klarisse.

it was good to see you smiling earlier.

Yun nga. Kumpirmado.

Nasa paligid lang sila kanina nung magkasama kami ni Brie.

Parang nakalimutan ko yung saya nung nakauwi na ko dito sa bahay. Bumalik lahat ng mga doubts ko.

Nalulunod na naman ako dito.

Siguro kung nakikita ako ngayon ng iba, napapatanong siguro sila kung bakit ako ganito. Yung ganito na nalulungkot.

Hindi ko kasi alam kung may balak pa siyang umuwi.

Hindi ko alam kung nakaplano na sa utak niyang hiwalayan na ko ng anulment at sumama na kay Black.

Hindi pa ako ready.

Pagbibigyan ko naman siya sa gusto niya pero sana hinahanda niya muna ako. Hindi yung bibiglain ako kung oo man.

Sa loob ng isang buwan na maayos kaming dalawa at nagkaroon na ng tight na bond, parang ang hirap na pakawalan.

Hindi niya kasi 'to nagagawa nung bago pa lang kaming kasal.

Ang sakit lang na biglang nawala yun. Ganun yung pakiramdam.

Sana man lang kung hihiwalayan mo na ko sa papel, hinahanda mo ko.

Huwag yung ganito, nangangapa ako.

xxx

Продовжити читання

Вам також сподобається

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
After the Rain Від Lisnaej

Сучасна проза

8.7K 380 39
MEND SERIES anong gusto niya? yakapin ko siya? yakapin ko ang rason ng tuluyan pagkasira ng buong pagkatao at pangarap ko? photos used are not mine...
192 69 26
Serye Bahaghari #2: Therlyn Ruiz is a patience individual, sweet and caring partner to Valerie "Val" Nepucemo. On the other hand, Val is loving, ki...
35.6K 4.5K 36
Warning: This story contains abuse and toxic behaviour that should never be normalized in real life. Read at your own risk. --- Nisha wants to become...