my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23

187 22 2
By unicachicca

Eleven.

Nagpaalam ako kay Brie na kailangan ko na talagang umuwi nang maaga pagkatapos niyang makaikot saglit. Pumayag naman siya dahil kailangan niya na rin pumasok sa trabaho niya.

Para akong nawala ako sa mood nung nakasalubong ko sila sa labas ng banyo kanina. Hindi ko naman akalain na makikita ko na lang sila ulit bigla pagkatapos ng ilang araw na hindi ko nakita yung asawa ko sa bahay. Sino ba namang hindi mawawala sa mood non? 

Buti na lang at kumain lang talaga kami sa mall ni Brie. Kung nag aya pa siya ng matagal, baka pati siya madamay sa badtrip ko. Ayaw ko naman non.

Simpleng kita lang naming tatlo nila Amber at Black, iba na talaga agad yung epekto sakin. Nanghihina agad ako na hindi ko napapansin agad.

Parang glue yung mata ko kaninang tinitignan yung dalawang lumayo at umalis pagkausap sakin. Hindi nakokontrol ng sarili kong habulin sila ng paningin ko. 

Parang dinikdik yung puso ko sa sakit nung nakita ko silang magkahawak yung kamay. Sobrang lapit pa nilang dalawa. 

Parang nadudurog yung puso ko kanina sa tuwing nakahawak yung kamay ni Amber sa kamay ni Black. Sobrang lapit nilang dalawa

Ang dami kong iniisip na kung ano-ano kanina kaya parang sinasaktan ko lang yung sarili ko sa mga naririnig kong boses sa ulo.

Kanina parang gusto ko siyang hatakin palayo kay Black, gusto kong sabihin sa kaniya na mas nararapat akong lalaki para sa kaniya pero isa lamang talagang produkto ng imahinasyon yun sa utak ko.

Pabagsak yung katawan kong umupo sa sofa pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. 

Ang tahimik ng bahay.

Madilim. 

Ako lang mag isa. 

Walang asawang mahilig mang utos. 

Hanggang kailan ba na ganito ako na uuwi? Hanggang kailan ako mag isa dito? 

Hindi niya na ba gustong umuwi dito sa bahay? Ayaw na ba niyang makasama ako?

Ayaw na ba niya akong maging kaibigan? Nagbago na ba yung isip niya? 

Galit ba siya sa akin? Kung dahil yun nung nakaraang gabi, hindi ko naman sinasadyang halikan siya. Tinugunan ko lang yung halik niya. Hindi naman ako yung nauna. Ako pa nga yung pumipigil sa kaniyang huwag gawin yung iniisip niya nun. 

Ang hirap naman mangapa sa dilim. Hindi ko alam kung ano ba yung nangyari. 

Dinukot ko sa bulsa ko yung cellphone ko. Sinubukan kong tignan dahil baka meron na siyang reply.

Pero sumama lang loob ko lalo dahil wala akong nakuhang reply. 

Ang lalim lalim ng paghinga ko. Nakng. 

Wala sa sariling napatipa ako sa keyboard ko sa cellphone. 

"Putek." naka ilang bura na ako ng letra dahil wala akong makapang words na pwedeng sabihin sa kaniya ngayon. 

Ano ba pwede kong sabihin? 

Umuwi ka na baby?

Napailing ako. 

Bahala na.

hi. kumusta ka?

Sabay send. 

Sana masagot mo na yung message ko, asawa ko. Pakiusap. Miss na kita.

Pero mukhang malabong basahin niya siguro ngayon o mareplyan ako. Baka kasama niya pa hanggang ngayon si Black. 

Napailing ako. Baka maging sanhi pa ng away nila.

Halos ilang oras akong tulala at nag iisip ng mga pwedeng itanong at sabihin sa kaniya.

Malalim akong huminga. "Bahala na." nagtipa ulit ako ng letra sa keyboard ko at magmemessage ulit sa asawa ko. 

Gusto ko na sabihin kung ano yung gusto kong sabihin sa kaniya noon pa. 

i thought u were on staycation kaya hindi ka umuuwi dito sa bahay natin. 

Send.

kauuwi mo lang ba kanina? nagkita lang ba muna kayo ni black? 

Send.

uuwi ka na ba mamaya? 

Send.

o kasama mo pa si black hanggang ngayon? 

Send.

pero kailan ka kaya makakauwi? para malutuan rin kita para pagdating mo, kakain ka na lang. 

Send.

Nailagay ko yung cellphone ko sa gitna ng dibdib ko habang nakatingin sa kisame. Malalim ang iniisip ko dahil hindi ko sigurado kung may makukuha ba akong sagot ngayon o naghihintay lang ako sa wala.

Yung blangkong ekspresyon ng mukha niya kanina na parang tatatagos sa buto ko yung tingin niya. Hindi ko aakalain na mangyayari na naman yun. 

Hindi na niya ako ganun tignan pero bumalik na naman sa dati. 

Nainis ba siya sa nangyari saming dalawa nung gabing yun? Galit ba siya sa akin dahil don? 

"Siguro nga." wala sa sarili kong kausap sa sarili. 

May kasalanan rin ako kahit na alam kong siya yung nag umpisang humalik sa akin. Pinigilan ko sana talaga bago pa mangyaring halikan niya ako. 

Kahit gaano ko pa kagusto yung nangyari, hindi ko kayang ipagpalit yun sa pagsasama namin sa iisang bubong. Masayang masaya na ako kahit na magkasama lang kami dito sa bahay. Masaya na ako kahit makita ko lang siya. Kahit na wala ng ganun. 

Sana hindi na lang nangyari kung ganito lang rin.

Nanlaki yung mata ko nung maramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa dibdib ko. Anak ng! May text na yata yung asawa ko! 

"Amputik!" singhal ko sa cellphone ko at binagsak sa tabi ko. Akala ko asawa ko na, GLOBE lang pala. Nakakainis. 

Kung pwede ko lang i-block 'tong GLOBE eh. 

Halos lumuwa yung mata ko na naman sa panlalaki dahil narinig ko na naman nag vibrate yung phone ko. 

hi, chris! how r u? free ka ba kausap tonight? miss u na agad! :>

Bumagsak yung balikat ko sa nabasa ko. 

Akala ko asawa ko na naman. 

i had a great lunch with u today! kailan kaya ulit? :>

Meron na naman siyang text sa akin na wala akong ganang replyan. Gusto ko sana yung asawa ko yung makausap ko ngayon. Wala ng iba. 

Tatayo na sana ako dahil nawalan na ko ng pag asang replyan ako ng asawa ko. Magmemeryenda na lang ako kila Aling Pepang.

Pero natigilan na naman ako dahil tumunog na naman yung cellphone. Nabuhayan na naman yung loob ko kahit na alam kong malabo yung chances ko.

Tangina mo, pre. Ilang oras na kaming nag aantay sa'yo. Akala ko ba paalis ka na kanina? May nangyari ba sa'yong loko ka?

Si Uno lang pala.

"Shit." napakagat ako sa labi. Nawala sa isip ko yung lakad ko dapat kanina. Anak ng.

Ano? Pupunta ka pa ba? 

Kung hindi lang siguro ako hinatak kanina ni Brie, hindi ko rin sana makikita yung asawa ko at si Black. Nasa galaan sana ako ngayon kasama sila Uno. 

Pero ayos na rin. 

Nakita ko yung asawa ko. 

Kahit na may sabit. Kahit na masakit. Hah.

Tinatanong ko yung sarili ko kung pupunta pa ba ako ngayon kila Uno. 

Pero parang hindi rin ako mag eenjoy. 

Okay na rin siguro ako dito. Kahit mag isa lang ako.

Subukan ko na lang siguro itulog lahat 'to. 

---

Hindi ako nakatulog.

Sobrang wala talaga akong gana sa bigat. Ang bigat bigat talaga kapag ang lungkot ng pakiramdam ko. 

Sa ilang oras na gising ako, ni isang message, wala akong nareceive sa kaniya. Puro lang message ni Brie. Nagkausap na naman kaming dalawa ni Brie pero nung nagtanong na naman siya kung kailan yung date naming dalawa, hindi na ako nakasagot. 

Mali ko rin kasi na nagtanong ako ng date kay Brie. Hirap na hirap tuloy akong sabihin sa kaniya na huwag na sana naming ituloy. Pero wala na eh, hindi ko na rin alam paano sabihin na huwag. Wala rin ako sa wisyo para isipin yung date dahil sapaw na sapaw ng utak ko yung pag alala ko kay Amber. 

Gusto ko talaga siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Hindi naman kasi siya sumasagot.

Habang nagluluto ako ngayon ng almusal ko, hindi ko maiwasang isipin siya. 

Kumain na kaya siya? Ano kaya ulam nya? Sino nagluluto sa kaniya? Mabubusog kaya siya sa kakainin niya? 

Kung nandito ka lang sana, ipagluluto kita ng masarap na breakfast. Kaya lang nasaan ka ba, asawa ko? 

Miss na talaga kita.

"Anak ng." yung niluto kong breakfast, walang kalasa lasa. Ang hirap talaga magluto kapag wala ka sa sarili! 

Ngingiwi ngiwi akong kumakain ngayon dahil walang lasa yung kinakain ko. Deserve ko naman. Ako nagluto. Tanga eh.

Sobrang bagal kong kumain kumpara sa normal kong kain. Natutulala pa, napapangiwi pa sa inis. 

Kung saan saan pa napupunta yung isip ko hanggang sa naalala ko yung ginawa namin nung gabing yun.

Yung mga mata niyang parang nagmamakaawang hagkan ko pa siya sa tuwing naghihiwalay yung labi namin.

Yung mga halik niyang mapanukso. Medyo nakakahiya yung nangyari dahil hindi ko alam paano siya susundan. Masyadong malalim yung sunggab ng mga halik niya.

Yung mga haplos niya. Yung mga kamay niyang dumudulas sa akin pababa. Yung mga tingin niyang nakakaakit at kumikinang.

Hindi mawala wala sa isip ko.

Pero kailangan. Kailangan kong tanggalin 'tong alaalang ito dahil lasing lang naman kami. Wala kami sa katinuan.

Respeto rin sa parte ng asawa ko. Ayaw kong i-brought up yun sa kaniya kung sakali mang makausap ko na ulit siya nang matino. Hayaan kong siya na lang magsabi kung ano yun.

Naibaling ko yung atensyon ko sa narinig kong doorbell.

May tao.

Asawa ko?

Para na naman akong nabuhayan dahil baka, baka nga asawa ko na 'to.

Baka umuwi na siya.

"Wait lang!" masayang tono ng boses ko. 

Nagmamadali akong maglakad palabas. May excitement sa loob ko kaya nagawa kong makapaglakas nang mabilis.

Pagkabukas ko ng gate, nakita ko yung lalaking nakatalikod na naka amerikanang suot. May maayos na ayos ng buhok at mukhang may magandang build na katawan. 

Sino 'to? 

May boyfriend pa bang iba yung asawa ko? Hindi naman 'to si Black.

"Sino sila?" tanong ko. Humarap naman siya sa akin at ngumiti. 

"Good morning, sir." bati niya.

"Who are you?" kunot noo kong tanong. Tauhan ba 'to ni Black? O ni Brie? O nila Amber? O boyfriend na naman ng asawa ko?

"I am Jose, and I work for your Grandfather in California."

"What are you doing here?" kunot noo kong tanong. "If he wants me to go back to California, my answer is no. I will never go back there." 

"No, sir." iling niyang sagot. "I am here because your grandfather wants you to attend an important meeting at the company. He wants you to meet all the board of directors and he wants them to know about you."

"I'm not working." 

"But your grandfather wants you to be involved with this matter." sambit niya. "He doesn't want you to waste your intelligence and abilities. He wants you to start working for the company." 

"I'm not in the mood today, Jose." sambit ko. "I'm sorry but I can't take the offer—" isasara ko na sana yung gate pero pinigilan niya.

"I'm really sorry, sir Raven. But your Lolo really wants you to be part of this matter." sambit niya. "You were trained for this. You graduated with honors, you mastered this field. You graduated cum laude. Please don't waste your talent, sir Raven."  

Nagpintig yung tenga ko. Wala akong sinabing pumapayag na akong tawagin na ko sa pangalan na yan.

Hindi ako lumaki bilang Raven.

"I am not Raven." sambit ko. "I will never be Raven." 

"S-Sir Eleven." buntong hininga niya. "I know that you hate what happened when you were in California. I know how you hate your parents or maybe your grandfather too but please, don't waste this. Please." 

Natigilan ako. Bigla akong napaisip.

Alam niya kung paano kunin yung kiliti ko. Alam niyang may parte sa akin na gustong gusto ko 'tong opportunity na 'to. 

I was trained to be part of the firm. Not to be a house husband.

Nandito yung passion ko. Ito yung trabahong hinahangad ko dati pa lang.

"Sana mapag desisyunan niyo nang maigi."

Bumuntong hininga ako. Nag iisip ako ngayon ng mabuti. Ano bang pwede kong gawin ngayon?

Sasama ba ko ngayon?

Kapag nasimulan ko na 'to, siguradong uuhawin ako sa ganitong klaseng trabaho. Baka gustuhin ko at magpakalunod na ako sa opisina. Baka hanap hanapin ko yung ganitong trabaho.

"Am I great enough to do this work? To be in this career?" 

"You're greater than anyone else, sir." sambit niya. "Pinagmamalaki ka ng Lolo niyo. He always tell us how great you are."

Hindi na rin masama kung sisimulan ko na.

Baka makatulong rin sa akin ngayon lalo na't nakatambay lang ako dito, puro lang sa loob ng bahay. 

Baka matuon rin yung atensyon ko sa ibang bagay kung gagawin ko yung sinasabi niya.

Dahil nakakapagod yung ganitong routine. 

Gigising ng malungkot, matutulog ng malungkot. 

Kasi kahit naman nung ginagawa ko 'tong linis, luto, kain, nandyan siya na nakakausap ko at nakakabonding kong manood. Hindi ako nabuburyo. 

Ngayon, ako lang talaga yung nandito. Sawang sawa ako bigla sa routine na 'to.

"Alright." seryoso kong sagot. "What time?" 

"Ngayon, sir." 

"Wait me here."

Inantay niya kong makatapos sa pag aayos ko ng sarili hanggang sa makasakay na ako sa back seat. Nananahimik. 

Akala ko tahimik lang kami buong byahe pero narinig ko siyang nagsalita. Kinakausap ako. "Hindi niyo raw sinasagot yung text at calls ng Lolo niyo, sir." rinig kong panimula niya habang nagdadrive.

"Yeah."

"He's still waiting for you to text back or call back. He really misses you."

Ako rin. Nag aantay ng mga reply ng asawa ko na kahit isa man lang na message, wala akong matanggap.

"Just tell him I'm fine." sagot ko.

"No worries, sir." sagot niya.

Natahimik na lang ulit kaming dalawa sa kotse.

Kapag nireplyan ko yun, baka mag insist na naman na kausapin ko na naman mga totoo kong magulang.

Eh ayaw ko nga. Bahala muna sila don. 

Nabuo ako nung nag cheat yung tatay ko sa asawa niya. Kadiri lang.

Artista pa man din. Public figure. Hindi siya magandang impluwensya.

Hindi parin talaga ako matigil sa pagbukas sara ng cellphone ko. Nag aantay parin talaga ng reply ng asawa kong hindi ko alam kung saan pwedeng hagilapin.

Napaisip ako. Nabuhayan.

Hindi kaya makita ko siya mamaya sa meeting? Makikita ko kaya siya?

Sigurado namang involve siya dahil involve rin yung kumpanya nila at nakamerge kami.

Baka pumunta.

Gusto ko na ulit siyang makita.

Halatang halata naman dito sa mga nababasa kong pinagsesend kong message sa kaniya. Kung gaano ko na siya ka miss.

good morning, sana nakakain ka na ng breakfast. sana nalulutuan kita ngayon kung nasaan ka man.

sana makauwi ka na.

sana maayos yung naging tulog mo.

kumusta pakiramdam mo? nag iinom ka ba these days? uminom ka ng gamot kapag nakaramdam ka ng hangover.

sana okay ka lang jan.

Napapabuntong hininga na lang ako. Kung ano ano na lang yung tinext ko sa kaniya.

Parang mas lalo yatang hindi umuwi kung puro ganito yung pinagsesend kong message.

Naiirita siguro siya.

Oo nga, baka naiirita.

Huwag ko na lang kayang i-message?

Pero hindi ko naman mapigilan sarili ko.

Pagkadating namin, nagulat yung mga empleyado simula pa lang sa pagpasok namin sa building.

Mukhang kilala na nila ako bago pa ako makatapak dito. Matagal na nung huli akong nakatapak dito, hindi pa ako kasal.

Ginagalang nila ako. Binabati.

Nginingitian ko sila nang matipid at kinakawayan.

Dito talaga, para akong artista.

Nakarating kami sa hallway na puro elevator. Yung mga empleyado na nag aantay ng elevator ay napatingin sa gawi ko. Para akong matutunaw sa hiya dahil hindi ako sanay na ganito ako titigan. Lahat pa sila.

Halos limang minuto bago bumukas yung elevator.

Takha akong napatingin sa paligid dahil walang nagtakhang pumasok ng elevator. Parang inaantay nila akong i-occupy yung elevator, pinapauna ako.

Pagkapasok ko ng elevator, nagtatakha ako kung bakit hindi sila pumapasok, yung mga taong nag aantay ng elevator kanina pa. Kami lang dalawa nung assistant ng lolo ko yung nandito. 

"Going up?" tanong ko sa kanilang lahat. Sinenyasan ko sila na sumabay na pero nagtinginan muna silang lahat. "Come on, sabay na kayo. Matagal pa yung ibang elevator." 

Nagsipasukan naman sila at binabati ako ng good morning at nagpapasalamat kaya binabati ko rin sila.

Ayaw pa nila magsisabay.

"I hope this day will went well for you all." sambit ko habang umaandar yung elevator at habang tahimik. "Take care of your health."

Narinig ko naman silang nagsi thank you ulit at nakita ko rin silang ngumiti.

Maliit na bagay 'to na gawin pero isang malaking bagay na 'to para sa iba.

Halos fifteen minutes bago kami nakarating sa pinakatuktok kung saan yung gaganapin yung meeting.

Nandoon na lahat ng mga importanteng tao, hinanap ng mata ko yung asawa ko pero hindi ko man lang makita.

Hindi ba talaga siya pupunta?

"Alam mo ba kung pupunta yung asawa ko?" bulong ko sa assistant na kasama ko.

"I think she's going to be late, sir." sagot niya.

Gusto ko na talaga siyang makita.

Bale halos thirty minutes kaming nag antay sa mga dadating pang mga tao bago nagsimula yung meeting.

Ni anino niya, hindi ko nakita. Hindi man lang nakatapak dito sa conference room.

Maya maya lang, nawala na yung atensyon ko sa mga iniisip ko dahil kusa na yung utak kong makinig sa mga pinag uusapan ngayon sa kumpanya.

Halos hindi sila makahinga sa sobrang gulat sa mga suhestyon ko at sa mga punto ko. Lahat ng tao dito ay napapatango sa mga sinasabi ko ngayon tuwing natatapos yung mga nagpepresent ng mga project at proposal.

Hindi siguro nila aakalain na ganito ako mag isip.

Nasusulyapan ko rin yung assistant ko na namamangha sa akin pero mas tutok siya sa cellphone na nakikipag text.

Mukhang nirereport lahat ng galaw ko dito sa pamilya ko.

Nagtagal ng ilang oras yung meeting at nagsipalakpakan sila sa akin pagkatapos.

Nagtatakha sila kung bakit ngayon na lang ulit ako pumasok sa eksena. Nung nag aaral pa lang kasi ako, tinatrain na ko dito pero nahinto lang nung nagkagulo na sa kumpanya at nagkaroon ng korapsyon.

Kaya ang naitulong ko na lang ay magpakasal para sa merging ng business.

At naging house husband. Napirmi lang sa bahay.

"When will you start to work here?" tanong ng isa importanteng tao sa opisina. 

"I have no decision yet." sagot ko.

"Come on, you're actually ready to be part of this." sambit niya. "Your knowledge is something we need in this company. No wonder your father is very much proud of you."

"You were very impressive earlier." sambit niya. "Really."

"Thank you."

"If you already decide to start working here, let us know so we can prepare your office." sambit nila.

Mas matipid yung pinakita kong ngiti.

Halos lahat ng member ng board of directors ay nangungumbinsing magtrabaho na ko dito. Para nila akong prinepressure.

Para akong napagod nang malala dahil lahat sila ay kinausap ako at maraming kinukwento kaya nakakaubos ng social battery.

Isa pa, ang hanap ko talaga dito yung asawa ko.

Pagkatapos ng lahat, ininspect ko yung mga ibang department at binati sila hanggang sa wala padin talaga akong balita na natatanggap na nandito na yung asawa ko sa building na 'to.

Nawalan ako ng pag asa.

Kaya napag desisyunan kong magpauwi na lang sa bahay at magpapahinga na lang ako tutal hindi pa ako natutulog.

Magcocommute na lang sana ako kaya lang hindi ako pinayagan ng assistant ng lolo ko. Gusto niya akong ipagmaneho pauwi kaya naglalakad na rin ako sa parking. 

Nangunot yung noo ko at mabilis na nabalutan ng inis sa nakita ko. 

Si Black.

Ilang beses ko bang makikita 'tong taong 'to? Nagpapakita siya kung kailan sa maling oras pa.

At bakit ba nandito siya? 

Kababa lang niya ng kotse at parang may iniintay sa loob na makalabas rin. 

Hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko na kasama niya ngayon.

Yung asawa ko na naman yung nakita kong kasama niya. 

Pagkalabas ng asawa ko galing sa kotse, sumandal siya sa pintuan ng sasakyan at hinayaan lang siyang halikan ni Black.

Nagdilim yung paningin ko.

Para akong naestatwa at nararamdamang winawarak yung dibdib ko habang hindi maialis yung paningin ko sa naghahalikan.

Hindi nila ako nakikita. Pero malinaw na malinaw ko silang nakikitang naghahalikan kahit medyo malayo sa pwesto ko.

Tumatalas talaga yung mata ko sa taong mahal ko. Pero magdidilim talaga yung paningin mo kapag ganito yung nasasaksihan ko.

Nakukuyom ko yung kamao ko nang wala sa oras. Nagpipigil akong maluha.

Bakit? Bakit ganito?

Bakit pakiramdam ko gusto kong ipagdamot siya? Bakit pakiramdam ko gusto kong kami lang dalawa yung gumagawa ng bagay na yan?

Ginawa natin yan nung gabing yun. Hindi niya ba natatandaan?

"Is that your. . .wife?" takhang tanong ng kasama ko.

Oo nga pala, lasing nga pala tayong dalawa non. Ngayon na hinahalikan mo si Black, buong buo yung diwa mo kung ikukumpara yung atin.

"Sa papel." nanlalambot yung boses kong binigkas yung salitang yun.

Malalim na malalim na malalim akong huminga. "Get me out of here."

---

Halos lunurin ko sa alak yung sarili ko. Tinutungga ko yung bote ng empirador at hinahayaan ko lang na dumaloy siya sakin kahit gumuguhit talaga siya kada lunok ko ng alak.

"Tangina mo." rinig kong mura ni Tenten. Natigilan lang ako nung inagaw niya sakin yung alak. "Umayos ka nga."

Hinubad ko yung blazer ko at tinanggal yung tatlong butones sa polong suot ko dahil napakainit dito sa tinutuluyan ni Tenten.

Pag ako tinopak, palalagyan ko ng aircon 'tong bahay ni Tenten. Nakng. Ang init! 

"Pag ikaw sumuka, susuntukin talaga kita." banta niya sakin. 

"Hindi yan." 

"Bakit ba kasi kailangang mag inom ka?" inis niyang singhal. "Imbes na makapagpahinga na ako ngayon dito sa bahay. Kung minamalas ka naman talaga." 

Kain nang kain ng mane si Tenten. Hindi man lang shumoshot.

"Bakit ba hindi ka umiinom?" 

"Kulang pa sa'yo yan." 

"Tumagay ka naman." 

"Tigilan mo ako." inis niyang sabi.

"Tss." inirapan ko siya. 

"Bakit mo ba pinoproblema yung hindi ka naman mahal?" suplado niyang tanong na parang alam na alam na niya lahat ng bagay na nangyayari sakin ngayon.

"Hindi mo naiintindihan." sagot ko.

Nagkibit balikat siya. "Nagpapakahirap ka diyan sa babaeng yan, marami namang nagkaka gusto sa'yo."

"Akala mo lang." sarkastiko kong ngisi sabay tungga ulit ng alak.

Binawi na naman niya.

"Ang tali talino mong tao tapos ganito maririnig ko sa'yo?" tanong niya sakin. "Kung ayaw sa'yo, 'di wag."

"Hindi ko naman pinagpipilitan sarili ko, Ten."

"Kahit naman sabihin mo yang tanginang yan, hindi naman tumutugma yung ginagawa mong bobo ka." sagot niya sakin sabay inom ng sariling tagay.

"Hindi ka talaga marunong makinig sa kwento ng kaibigan mo." reklamo ko. "Ang sabi ko, nasasaktan ako dahil sa kanila."

"Oh, tapos?"

Hindi ko alam kung lasing lang ba talaga ako o sobrang bangag niyang kausap.

Natahimik kami saglit.

"Ang tagal niya ng hindi umuuwi, Ten." kwento ko. "Hindi ko alam kung uuwi pa ba siya. Pero nung nakita ko silang naghalikan, parang nawalan na ako ng pag asa na umuwi yung asawa ko." 

"Alam mo ba kung bakit hindi na umuwi yun?" sambit niya. "Kaya hindi yan umuuwi dahil natauhan sa ginawa niya sa'yong halikan ka nang lasing." sabi niya na wala man lang preno.

Napakunot ako ng noo. Iniisip ko rin yun pero wala akong matinding rason para gawin siyang sagot sa tanong ko.

"Siguradong naguguluhan yun sa ginawa niya sa'yo nung gabing yun." sambit niya. "Dahil hindi naman talaga ikaw yung karelasyon para halikan ka niya ng ganun."

Napailing iling ako at ngingisi ngising natatawa sa sarili. "Siguro nga." siguro nga. Siguro nga.

"Kung ayaw umuwi, hayaan mo. Maghanap ka ng sarili mong babae, huwag ka ng makihati sa babae ng iba. Para hindi ka talo diyan at nasasaktan."

Hindi naman kasi ganun kadali yun, Ten. Napakahirap. Mahal na mahal ko yung tao.

"Mahal na mahal ko, pre." sambit ko. Durog na durog na ako. Ang sakit sakit.

"Pwes, ayusin mo yang nararamdaman mo." sambit niya. "Yan lang ang kaya mong kontrolin, hindi yang asawa mo sa papel. Sumumpa lang kayo sa harap ng altar para sa pera."

Oo na.

Ininom ko yung natitirang alak sa pang lima kong bote.

"Hindi ako yung mahal."

"Isipin mo yan." sabi niya. "Isipin mo nang isipin hanggang sa mawala yang pagmamahal mo."

"Hindi ako yung mahal." ulit ko. Inulit ko nang inulit hanggang sa maramdaman ko na yung mata kong kumukurap kurap na.

Dumilim yung paningin ko. Naramdaman ko na lang na nakatulog na yung diwa ko.

Naramdaman kong nangangawit yung batok ko. Napadilat na rin ako sa tumatamang liwanag sa mukha ko.

Parang binibiyak yung ulo ko. Ang sakit sakit.

Nahihilo ako.

Ang sakit ng ulo ko.

Ang sakit ng bewang ko.

Para na akong sexbomb sa dami ng reklamo ko sa buhay.

Wala yata ako sa bahay ko. Yun kaagad yung una kong napansin.

"Kumain ka na." rinig ko sa nagsalita. Napakalalim ng boses.

Na kay Tenten nga pala ako ngayon.

At nakipag inuman.

"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.

"Oras mo na." nanghihina akong minura siya ng gitna kong kamay.

Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang basong punong puno ng tubig.

"Salamat." kinuha ko yung baso habang hawak hawak nung isa kong kamay yung ulo ko.

Pagkatapos kong uminom, inabot ko sa kaniya yung baso at may inabot rin siya. Yung cellphone ko.

"May lugaw akong binili." sabi niya. "May itlog na rin, alam kong magrereklamo ka kapag walang itlog yung lugaw."

"Bakit nasa iyo yung cellphone ko?" takha kong tanong.

"Sinagot ko lang yung mga text na nareceive mo habang tulog ka."

Nanlaki yung mata ko. "A-Ano?"

"Bukas ng tanghali kayo lalabas ni Brie." sambit niya. "Magkita na lang daw kayo sa lugar na tinext niya." seryoso niyang sabi.

"ANO?"

"May date kayo." hindi nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. "Alam ko namang papayag ka."

Parang mas lalong sumakit yung ulo ko sa narinig ko.

"BAKIT MO SINAGOT YUNG MESSAGE NIYA?"

"Bakit hindi?"

Tangina ka talaga, Ten.

Napahilot ako ng noo. "Ang tagal ko nang sinusubukang iwasan yung alok niya, Ten."

"Pwes subukan mo ngayong pagbigyan." sambit niya. "Parang date lang naman."

Makakasakal talaga ako ng tao kapag si Ten Ten talaga yung nangingiealam.

"Huwag mo yang paasahin ha, pumunta ka bukas." sambit niya. "Tutal ikaw naman nag alok niyang date."

"Anong ako yung nag alok?"

Ngumiwi siya. "Ikaw unang nag alok ng date."

"Anong—"

"Huwag ka na magpatay malisyang bobo ka." sambit niya. "Nabasa ko lahat ng message niyo kaya umayos ka. Ikaw nag aya, petsa na nga lang hindi mo pa magawang gawan ng paraan kung kailan."

Ah, takte! Yung first date na dapat siya yung aayain ko at nagsabi pa akong next time.

"Hindi ako sigurado sa pag aya ko na yon." sabi ko. "Kaya hindi ko sinasagot. Kahit nung isang araw na magkasama kami, hindi ko parin sinasagot yung tanong niyang date."

"Chickboy ka naman pala eh." sabi niya. "Meron pang April."

"Kaibigan ko lang lahat sila." inis kong sabi.

"Ulol." mura niya. "Nagtext rin yung asawa mo."

Nanlaki yung mata ko. "T-Talaga?"

Agad agad naman akong pumunta sa inbox.

"Yun nga lang, yung message ko yung nireplyan. Hindi yung mga pa cute mong message." seryoso niyang sabi.

Bumagsak yung balikat ko. Akala ko nagsisinungaling siya, yung message lang na sinend ni Ten Ten yung nireplyan niya.

Yung message na sinend ni Tenten, lam mo ba makikipagdate ako kay Brie bukas. excited ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nabasa ko. Akala ko, magagalit siya. Akala ko hindi siya papayag.

Enjoy.

Paulit ulit kong binabasa yung isang salitang sinend niya.

Enjoy.

Enjoy.

Enjoy.

Enjoy.

Bakit nasasaktan ako na pumayag siya? Bakit nadudurog ng paulit ulit yung puso ko sa isang salita niyang message.

Bakit? Wala na ba talaga siyang pakialam?

"Kaya huwag kang mag alalang lumabas kay Brie bukas." sabi niya. "Pumayag naman siya."

Natutulala naman ako.

"At wala naman siyang karapatang pagbawalan ka." rinig ko pang sabi ni Ten Ten. "Kaya umayos ka kay Brie."

Seryoso niya akong tinignan. Wala na kong nasabi.

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
3.8K 599 40
Hindi maipaliwanag ni Sesel ang mga hindi magandang nangyayari sa buhay niya. Sinadya ba ito ng whole universe para pahirapan siya o sadyang pinangan...
19.6K 815 40
Ako si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila...
8.7K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...