my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

147 19 2
By unicachicca

Eleven.

"Ang aga mo namang umuwi." takha kong tanong pagkabukas ng gate. Oo, maaga naman na talaga siya umuwi nung nakaraan pa pero mas maaga ngayon. 

"May problema ka ba don?" tanong niya habang nasa loob siya ng kotse niya. Nakabukas lang yung bintana niya. 

Ngumiti ako at umiling. "Wala akong problema."

"Parang masama pa loob mo na nakauwi na ako." inis niyang sabi. "May dinadala ka bang babae dito at nagrereklamo ka?"

Mabilis akong umiling. "Wala ha!"

"Subukan mo lang."

Napakamot ako. Bakit naman niya naisip yun? Nagtakha lang naman ako kung bakit parang mas maaga siya ngayon. Nakng.

Pinasok niya yung kotse niya habang ako ay nakabantay sa gate. Baka liparin ng hangin yung gate tapos matamaan yung sasakyan kung hindi ko babantayan. Lagot ako kapag nangyari yun.

Pagkapasok ng kotse, sinara ko na yung gate habang naririnig ko siyang bumababa ng sasakyan. 

Pagkalingon ko, nakita kong may dala dala siyang supot ng mga pagkain.

Wow. May foodtrip yata yung asawa ko ngayon.

"Hindi ka ba kumain sa work mo?" tanong ko sa kaniya pagkaabot niya sa akin nung pagkain.

"Nope." sagot niya. Dinala ko naman 'tong mga pagkain sa lamesa. 

"Sa'yo yung isang plastik." rinig kong sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh?" sa gulat ko, napalingon ako sa gawi niya na agad ko rin iniwas dahil naghuhubad siya ng jacket niya.

Napalunok ako.

Hindi ko naman sinasadyang makita siyang naghuhubad ng jacket.

Pasensya na, asawa ko. Tanga 'tong asawa mo.

Buti na lang hindi niya napansin. Baka nagalit sa akin nang wala sa oras.

"Eat it or I'll kick you in your ass." 

"W-What do you mean?" takha kong tanong. 

"Yung isa, it's yours." sambit niya. 

"You mean, it's mine?"

"Are you really that dumb?"

Nagpipigil akong ngumiti ngayon dahil sa kilig. 

Nakng. Ganito pala kiligin ng todo sa isang Amber Luanzon-Hernandez. 

"B-Babayaran ko ba 'tong pagkain ko, asawa ko?"

"Of course." sambit niya. "You need to pay."

Nawala yung ngiti sa mukha ko. Napanguso. 

Anak ng. Akala ko pa naman, libreng pasalubong na 'to.

"K-Kidding."

"Hmm?"

"I said it's yours! No need to pay." inis niyang sabi at umakyat ng kwarto niya. 

Bakit naman parang nainis yung asawa ko sa akin? M-May nasabi ba akong masama? 

Umupo ako sa sala at binuksan yung TV. Inaantay kong magsimula yung Volleyball league dahil inaabangan ko yun lalo na't finals.

Kinahiligan kong manood simula nung sinubaybayan ko yung asawa ko noon sa mga laro niya. Hindi ako ganun karunong, pero alam ko naman kung ano yung mga rules sa sports na 'to. Hindi naman kasi ako athletic. 

Napatingala ako nung narinig kong bumukas yung pinto sa taas. Akala ko hindi na lalabas yung asawa ko at magpapahinga na lang sa loob ng kwarto niya. "Nag start na ba?" rinig kong tanong niya habang bumababa. Nakapagpalit na ng damit.

"Yung?" takha kong tanong. Anong sinasabi niya?

"Laro."

"Ng?"

"Volleyball."

Ah! Oo nga pala.

"Hindi pa naman start, asawa ko." inform ko sa kaniya at ngumiti. Mukhang dahil sa finals ng UAAP Volleyball, maaga siyang umuwi. Gustong manood siguro. 

Tinanguan niya ako at huminto. "Tawagin mo na lang ako sa taas kapag nag start na." sambit niya. 

Ngumiti ako nang malawak.

"Naririnig mo ba ako?"

"Oo naman, asawa ko! Tatawagin na lang kita kapag nag start na." 

Umakyat muna uli siya ng kwarto habang hawak hawak yung batok at nagpapatunog ng leeg.

Habang inaantay ko yung laro, kinakain ko na yung pagkain na binigay niya. Ang dami pero gutom naman ako kaya masaya yung tiyan ko at masaya akong kumakain!

Nag vibrate yung phone ko. Nag text si April sa akin.

Mukhang nahihirapan siya sa America. Wala naman akong magawa kasi nasa Pilipinas ako.

Hindi naman ako pwedeng umalis kasi hindi ko naman alam kung anong pwede kong ipagpaalam sa asawa ko.

Kung nasa America pa ako, matutulungan kita nang maayos. Kaso, limitado lang yung kaya kong gawin na tulong, April.

Binaba ko na yung cellphone ko sa tabi ko pagka reply ko pero pagkababang pagkababa ko pa lang, may nag message na naman sa akin.

Pagkabukas ko, akala ko si April. Si Brie pala!

Nakng. Nakalimutan ko na pala yung text ko sa kaniya at nakalimutan ko rin magreply sa messages niya.

Kumabog yung dibdib ko sa nerbyos. Ni hindi ako handa dito sa ginawa kong pag text sa kaniya nung nakaraan.

Anong gagawin ko? Nagpapanic ako.

u busy, chris?

Napalunok ako. Hindi ko alam anong irereply ko.

Nilapag ko ulit yung cellphone dahil sa nerbyos pero nag ring naman agad pagkababa ko sa tabi ko.

"Anak ng." napapikit ako sa gulat.

Tumatawag si Brie.

Lagot na.

Nagpapanic talaga ako. Hindi alam yung gagawin.

Nakng. Ang gago mo talaga, Eleven. Ngayon, hindi mo madesisyunan nang maayos.

Bahala ka kung anong kailangan mong gawin. Gawin mo kung ano dapat gawin, gago.

"H-Hello?" wala sa sariling sinagot ko yung tawag.

"Chris!" excited niyang bati sa kabilang linya. "How you doin?"

Awkward akong tumawa. "G-Good." napaface palm ako sa kahihiyan.

Ang awkward ko talaga sa babae.

"Hindi mo na ako nireplyan nung nakaraan." sambit niya. "Inantay ko kayang magreply ka."

Kumabog nang malala yung dibdib ko.

Anong sasabihin ko? Sabihin ko bang aksidente lang yung text kong yun? Na aksidente lang na napindot ko yung send button?

Ang gago ko naman kung ganon yung sasabihin ko.

"You were asking me to have lunch or dinner with you, right?"

Napakagat ako ng labi. Sabihin ko bang oo?

"Y-Yes." awkward na naman akong tumawa nang mahina. Baka sakaling maitago ko yung awkwardness at kahihiyan ng nangyayari.

Narinig ko yung boses niyang parang kinikilig.

"Alam mo bang hindi ako makatulog kapag iniisip kong magdadate na tayong dalawa?" parang nag iba yung tono ng boses niya. Parang naipit o parang nagbababy talk.

Anong sasabihin ko ulit? Date? Date ba talaga yun?

"G-Ganun ba?" tanong ko. "Edi napupuyat ka hehe."

"Sort of." natutuwa niyang sagot. "Kaya ako napatawag kasi I wanna ask kung kailan tayo makakalabas?"

Napatampal na ako ng noo. Ito na, nagtanong na at hindi ko parin alam kung anong isasagot.

"Para sana ma-clear ko yung schedule ko for you." sambit niya sa kabilang linya. 

Narinig ko yung pagbukas ng pinto sa itaas.

Pababa na yung asawa ko.

"Uhm. . .Ano. . .Sabihan kita kung kailan ako magiging available." madali kong sagot na nagpapanic. "Kailangan ko na umalis, Brie. Work. Babye." hindi ko na siya inantay magbabye dahil kay Amber.

Natigilan si Amber sa pagbaba. Nagtatakha.

Hala. Narinig yata.

"May kausap ka?" tanong niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin nung nagtama yung mata namin. "S-Start na, asawa ko." nakangiti kong turo sa tv na nakangiti na parang nahahalata niyang pilit.

"Sino yung kausap mo?"

Narinig niya pa pala talaga. Nakng.

"W-Wala naman." sagot ko.

Bumaba ulit siya pero parang sinasadyang bagalan. Halatang may iniisip.

"May kausap ka."

"Ikaw." sagot ko. Hindi ko masabing si Brie yung kausap ko kasi ayaw ko na ulit mangyari yung nangyari noong na hospital ako dahil sa inis niya saming dalawa ni Brie.

"Sino?"

"Ikaw nga."

"Are you fucking serious?" ngiwi niyang tanong. Mababa lang yung tono pero halatang inis.

"Start na!" baling ko sa ibang bagay.

Tumayo ako at hinila siya, pinaupo sa sofa.

Tinatawag na lahat ng players isa isa. Panalo nung nakaraan yung Ateneo. Kapag nanalo sila ngayon sa Game 2, sila na yung champion. Kapag yung La Salle yung manalo, may Game 3 pa next Saturday.

"Ready ka na ba manood, asawa ko?" ngiti kong tanong sa kaniya.

"Magluto ka ng pop corn." rinig kong utos ng katabi ko.

Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Kinakausap yung mata niya na kung seryoso ba siya? Kung kailan start na yung game, doon ako uutusan. Nakng. Itong asawa ko talaga.

"What?" masungit niyang tanong.

"Uhm. . .Kasi start na yung game?" sarkastiko kong singhal.

"So?"

"Really? A popcorn?"

"And?"

Napanguso ako. "Okay." sabi ko nga, asawa ko.

Tumayo na ako at nagkamot ng ulo.

"Rekla reklamo ka diyan, ni hindi mo nga sinasabi kung sino yung kausap mo." rinig kong bulong niya.

Sabi ko nga, magluluto na nga ko.

Pero ang sarap na nga kasi ng upo ko doon eh tapos ngayon niya ako uutusan? Hays.

"Bumili ka na rin ng softdrink sa tindahan." rinig kong utos niya ulit.

Anak ng.

"Wala na ba tayong stock ng softdrinks dito?" tanong ko sa kaniya. Kibit balikat niya akong sinagot.

"Hindi naman kita uutusan kung meron."

Excuse me? Ganon ka kaya. Medyo nabawasan lang kasi mabait ka na sa akin kasi friends na tayo.

"Huwag ka na mag coke, asawa ko. Masama sa health mo."

"Hindi mo naman katawan 'to."

Okay. Your body, your rules.

Nagluto muna ko ng popcorn. Mabilis lang naman pero parang ilang years na akong nag aantay maluto kasi kating kati na kong manood.

Binuksan ko yung ref. Nakita kong may natitira pang isang litrong coke.

Hay salamat! Nakng. Ayaw ko na talagang lumabas.

Gusto ko na manood ng liga.

Pagkatapos kong magluto, binigay ko sa kaniya yung mga inuutos niya.

"Sino na nakakascore?"

Nginisian niya ako at sumubo agad ng pop corn. "La Salle."

Napangiwi ako. "Bakit?" inis kong tanong.

"As they should."

"Nakng." inis kong kamot sa ulo ko.

"Ano bang problema mo?" inis niyang tanong. "You hate my bet?"

"Gusto kong manalo yung Ateneo." sagot ko. "Hindi La Salle."

"They won't."

"No."

"They can't win on this game again." sabay kain ulit ng popcorn. Natigilan siya sa pag nguya at pagdampot ng kinakain niya.

Naka score yung Ateneo.

Napangisi ako. "Paano ba yan, asawa ko. Naka score sila?" pag aangas ko sa kaniya.

"Isang beses lang yan—" napabungisngis ako nung umatake yung ateneo at naka score ulit.

Hanggang sa natambakan nila yung La Salle.

Hindi ko talaga kayang hindi asarin yung asawa ko kapag nakaka score yung pambato ko.

Ang sarap palang makipag asaran sa kaniya sa laro ng volleyball lalo na't magkaiba kami ng pambato.

Hindi ko akalain na may ganitong moment tayo na may pinapanood na laro. Ikaw kasi yung pinapanood ko sa court parati.

Hanggang ngayon, humahanga parin ako sa kakayanan mong makapaglaro nang pagkagaling galing, asawa ko.

Napatalon ako sa tuwa.

"The fuck?"

Nanalo sila sa first set. Yes!

"I can't believe this!" inis niyang singhal.

Napapasayaw ako sa sobrang tuwa. Kung mananalo sila ng tatlong set ngayon, kauna unahang championship nila 'to.

"Umupo ka nga."

Hindi ko siya pinakinggan. Mas lalo ko pa siyang inasar.

"Damn it." tumayo siya at hinila yung tenga ko. Ngumiwi ako sa sakit nung napaupo na ko sa paghila niya.

"Aray naman." nakangiti kong reklamo.

"Hindi ka nakikinig."

"Masaya lang." natutuwa kong sabi. Dumila ako sa harapan niya. Inirapan ako. "Ang galing talaga ni Alyssa Valdez!" 

"Tss. I'm better than her." rinig kong bulong niya sa kawalan. "Mas magaling ako maglaro."

"Pustahan tayo, ano?" hamon ko nang hindi pinag iisipan. Sobrang saya ko yata ngayon.

Tinitigan niya naman ako.

"Ano ano ano?" pag aangas ko pa.

Nawala yung pag aangas ko pati yung ngiti ko nung siya na yung ngumising may. . .parang masamang balak.

"Sure."

Hindi pala dapat.

Anak ng.

Parang matindi yung pustahang magaganap.

"Kung sino matalo sa pusta," napasandal siya sa sofa. "tatanggalan ng kilay."

Napanganga ako nang wala sa oras.

HUH. "Ano?"

"Kakalbuhin yung kilay." sambit niya.

Kakalbuhin?

Hindi pwede.

Paano kapag lumabas kami ni Brie nitong susunod na araw? Hindi ako pwedeng mawalan ng kilay.

Alam kong malaki yung chance na manalo ngayon pero malaki rin yung chance na hindi.

Malakas yung kalaban.

"What?" ngingisi ngisi niyang hamon sa akin. 

Napalunok ako.

"You don't look confident." sambit niya. "Hindi ka confident sa Alyssa Valdez mo."

"Grabe ka naman kasi sa pusta, asawa ko." kamot ko sa ulo. "Iba na lang, huwag na natin puntiryahin yung kilay. Pera na lang kasi."

"Why? It's just an eyebrows." pero eskandaloso parin kapag wala akong kilay!

"Eh kasi—"

"Ibig sabihin lang niyan, you're not confident enough for this kasi hindi ka rin sigurado sa Alyssa Valdez mo."

Malalim akong huminga. Nainis. Anong hindi ako confident sa kanila? Kaya nilang manalo!

"Kaya nilang manalo kaya!"

Natawa siya nang mahina. "Kung ganon pala, bakit hindi ka maka agree sa pusta?"

Nanliit yung mata ko. Ayaw ko ng hinahamon ako, asawa ko. "Fine!"

"Call."

Kapag hinahamon talaga ako, hindi ko kayang umatras.

Edi matanggalan ng kilay kung kailangan matanggalan. May pinaglalaban akong team.

Simula na ng set two sa laro.

"How did you like watching this kind of sports league?" bigla niyang tanong.

Ngumiti ako nang palihim.

Dahil sa'yo. Humanga ako sa galing mo sa court kaya natuto akong manood at alamin lahat ng tungkol sa Volleyball. Para maintindihan ko lalo at maenjoy lalo habang pinapanood ka. Mapa rules sa Volleyball o mapa sikat na players sa buong mundo, inaral ko nang dahil sa'yo.

Pinapanood kita parating maglaro kahit hindi mo alam simula nung high school.

"Nahiligan lang." sagot ko.

"Since when?" tanong niya habang nanonood.

Napatayo ako nung naka score yung ateneo. "Alyssa Valdez!" sigaw ko. Nakng! Ang galing talaga ng idol ko.

Napahilamos ng mukha si Amber. "Fuck."

"Galingan niyo lang mga 'te, huwag niyo akong pabayaang matanggalan ng kilay!" kausap ko sa TV.

Siniko na ko ni Amber. Masyado na yatang naiingayan.

"Aray naman."

"You really like her, don't you?"

"Sino?"

"Alyssa Valdez."

"OO NAMAN."

"Kalbuhin ko kilay mo diyan." bulong niyang sabi pero narinig ko. Natawa ako nang palihim. "Can you just sit? You're so annoying. May patayo tayo ka pa diyang nalalaman."

Inis na inis kasi naka score lang kami, bleh.

Nakangiti lang ako habang nanonood dahil nasa amin parin yung lamang.

"Antayin niyo lang." seryosong sambit ni Amber.

Unti unting nawawala yung ngiti ko nung nakakabawi na yung La Salle.

Oh no.

Hala.

Natutulala ako sa katabi ko ngayon. Siya na ngayon yung nang aasar sa akin.

Yung asar na matatakot ka talaga.

"You should start praying right now, Eleven." sambit niya. "Because you're gonna lose this bet."

"No! May laban pa kami."

"Ipagdasal mong tumubo kaagad yung kilay mo." ngingising ngising asar niya. "Because I'll fucking shave that fucking eyebrows today."

Nanahimik na lang ako.

Nang aasar parin siya pagkatapos niyang sabihin yun.

Ang cute niya mang asar pero nakakatakot.

Hindi na nakabawi nang maayos yung pambato ko hanggang sa sumunod na sets. Anak ng.

Napanganga ako.

Nakuha ng La Salle yung Game 2.

Panalo si Amber sa pusta.

Napatayo siya sa tuwa. Parang nang iinis sa akin.

Sabi ko na nga ba. Bakit nga ba ako nakipagpustahan sa kaniya?

Tulala padin ako. Hindi mag sink in sa akin kung anong nangyari ngayon.

Naghahanap na siya ng pang wax o pang ahit sa kilay ko. Nakng. 

Seryoso talaga siya sa sinasabi niyang ahit kilay. 

Paano naman ako? Kalbo yung kilay ko ng ilang araw o ilang buwan!

Akmang aalis ako pero pinanlakihan niya ako ng mata. "Stay there!" banta niya at napahinto ako. "Diyan ka lang."

Napalunok ako. "Naiihi na ko."

"Wala akong pake." nakangisi niyang sabi. "Iihi ka nang walang kilay, antayin mo lang yung pang tanggal."

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko pero naabutan niya yung collar ng damit ko.

"I told you not to go anywhere."

Mama! Nakng.

---

Napapairap ako sa tuwing tumatama yung paningin ko sa salamin.

Ang pangit mo, Eleven. Ang pangit ng mukha mo.

Wala kang kilay. Kalbo.

Hindi na talaga mauulit yung alok kong makipag pustahan. Nakng.

Eh kasi naman! Hindi ko naman alam na lumabas na yun sa bibig ko.

Sanay akong makipagpustahan sa mga kaibigan ko kaya ganun rin yung ginawa ko sa kaniya.

Kaso nakalimutan ko nga pala yung taong kapustahan ko, si Amber. Si Amber na mahilig sa ganitong klaseng pustahan o sadistahan.

Ang tanga mo naman kasi talaga, Eleven. Hindi ka magaling makaramdam kung sino kapustahan mo.

Hindi pala talaga ako dapat nagyayabang sa umpisa.

Ang ganda ng sikat ng araw, ang sarap sana simulan itong umaga ng ganitong kagandang panahon kung alam mo sa sarili mong hindi kalbo yung kilay ko. 

Siguradong pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag nakita nila akong walang kilay. Nakakaloko naman kasi 'tong naisip ng asawa ko. Nakng. 

Nag stretching ako ng ilang minuto nang may sama ng loob sa buong mundo at nag light exercise.

Tanginang kilay yan. Kainis! Hindi pa kasi pinanalo nalo ng Ateneo yung Game 2. Hindi sana ako ngayon ganito. Kalbong kilay!

Pagkatapos kong mag exercise, nawala ng kaunti yung inis ko sa mundo. Buti na lang dahil magluluto na ako ngayon. Baka tumabang yung luto ko sa sobrang inis sa mukha ko ngayon.

Simula nung dumating ako galing America, hindi niya na ako pinakain sa labas. Gusto niya sabay na kaming kumain at gusto niya kahati ko na siya sa kinakain niya na dati ay hindi. Dati, kailangan ko pang lumabas ng bahay para makakakain. Ngayon, ayaw na niya nang hindi kami sabay.

Natapos na kong magluto. Inaantay ko na lang bumaba yung asawa ko habang naglilinis ng bahay para makakain na kaming dalawa.

Kaso natapos na akong maglinis, hindi parin siya bumababa.

Tinignan ko yung oras. Late na, huh? Anong nangyari? "Bakit kaya?"

Dapat nakapag prepare na siya ng gantong oras tapos nakakain na dahil may trabaho pa siyang papasukan.

Ano kayang nangyari doon?

Nag antay muna ako ng ilang minuto dahil baka na late lang ng gising bago ko pagdesisyunan na umakyat para katukin siya sa kwarto niya. 

Kailangan kong umakyat dahil nag aalala ako na baka anong nangyari. Pero natatakot ako. 

Natatakot ako baka magalit sa akin. Paano ba gagawin ko? Ituloy ko ba?

Huminga ako nang malalim. Aakyat na nga ako.

Medyo kinakabahan talaga ako. Nag aalala dahil baka kung anong nangyari na sa kaniya sa itaas. Nag aalala rin na baka masadista ako kasi umakyat ako dito sa itaas. Hindi ako pwedeng umakyat ng kwarto niya noon pa lang.

Kumatok ako sa kwarto niya.

"Amber?" tawag ko. "Asawa ko?"

Walang akong narinig na sagot.

"Amber?" tawag at katok ko ulit. Mas mabilis ngayon yun katok ko dahil mas lalo akong nag alala. "Okay ka lang ba?"

Wala talaga akong marinig na sagot.

Kinabahan na talaga ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba. Nakng. 

Ano nangyari sa asawa ko? Tulog ba siya?

Sinubukan kong buksan yung pinto, hindi naka lock at nadatnan ko siyang namimilipit sa sakit sa kama.

"Asawa ko?"

Naiangat niya yung paningin niya sa akin. Namumutla at nasasaktan.

Wala ako sa sariling lumapit.

"Anong nangyayari?"

Hindi siya makasagot.

Aalalayan ko na sana siya at dadalhin na sa hospital pero nagpapigil siya.

Hindi ka naman kasi sumasagot agad, asawa ko.

"Don't." nanghihina niyang sambit.

"Anong don't?" inis kong tanong. "Ni hindi ka nga makakilos nang maayos. Kailangan mo madala sa hospital."

"Shut up." walang energy yung boses pero may awtoridad padin. "I'm just having dysmenorrhea today."

Dysmenorrhea?

Napaiwas ako ng tingin nung napansin kong natagusan siya sa harapan. May dugo siya sa harapan.

"Nandidiri ka ba sa nakikita mo?" inis niyang tanong. "Get the fuck out if you don't like to see what you fucking see."

Napakamot ako. "Hindi naman ako nandidiri. Ang inappropriate lang tumingin kasi ano. . .uhm. . .—"

"ANO?" 

"E-Eh kasi h-harapan mo yun." sagot ko.

Umupo ako sa gilid ng kama niya.

Sobrang nahihirapan talaga siya. Mas mahirap yata kapag natagusan ka na ng dugo, hindi ka na makakilos nang maayos.

"Gusto mo na bang magpalit?" tanong ko.

"Ng ano? Ng ari?" inis niyang singhal. "Gusto mo bang ilipat ko 'to sa'yo?" tanong niya. "Bakit hindi?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "I mean, gusto mo na bang magpalit ng napkin pati ng shorts?" nakng. Hindi naman kasi yun yung sinasabi ko. 

Mas masungit talaga siya kapag nagkakaroon.

Tinanguan naman niya ako. 

"Alalayan kita." tinulungan ko siyang makatayo pero nanigas siya nung nakatayo na siya.

"Bakit?"

"Malakas."

"Malakas?" anong malakas? Ako ba yung malakas?

"Nothing." iling niya. "Can you do me a favor?"

"Sure." sagot ko. "That's why I'm here."

"Pwede mo bang palitan ng cover yung kama ko?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko yung kama niya. Ang daming tagos.

Tumango ako. "Oo naman." ngiti ko. "Walang problema."

Inalalayan ko siya papasok sa CR.

Sinimulan ko ng palitan yung bed sheet niya. Para malinis na yung hihigahan niya at kumportable siya.

Pagkatapos kong magpalit ng cover, lumabas naman siya ng CR.

Hawak hawak niya yung sinuot niya kagabing shorts at panty yata. Dugo dugo pa.

"May plastik ba sa baba?"

Umiling ako. "Bakit?"

"Itatapon ko na 'to." nahihiya siyang ipakita pero nakikita ko padin sa kamay niya.

Nanlaki yung mata ko. "Teka lang." pigil ko. "Bakit mo itatapon?" mukha pa namang mamahalin.

"It's full of my blood."

"Sayang naman." sambit ko. "Malalabhan naman yan."

"No. Masyado na siyang mantsyado." sambit niya. "Hindi ko na 'to kayang labhan."

Kinuha ko sa kamay niya yung dapat itatapon niya. "Ako maglalaba kung ayaw mo."

Nanlaki yung mata niya sa gulat.

"What the fuck?"

"Lalabhan ko." seryoso kong sagot.

"No, you're not. Give that to me." hindi ko binigay. "Eleven." riin niya sa pangalan ko kasi tinatago ko sa likod ko.

"Kaya kong labhan."

"Hindi pwede."

"Bakit?"

Hindi siya makasagot.

"Bakit nga?"

"Kasi nakakahiya."

"Nakakahiya?" takha kong tanong. "Eh dugo lang naman ito."

Hindi na siya nakapagsalita. "Bahala ka na." sabay panik ng kama. "Ah, shit. Wala na nga pala akong napkin para mamaya." kausap niya sa sarili niya.

"Bibilhan kita."

Nanlaki yung mata niya. "Pati ba naman napkin?" inis niyang tanong.

"Bakit? Sino pa ba yung tao dito para mautusan mo?" tanong ko sa kaniya. "May paa naman ako para bilhan ka."

"May paa ka nga, wala ka namang kilay." ngisi niya.

Napahawak ako sa kilay ko.

Anak ng.

Wala na nga pala akong kilay. Ang hirap lumabas nang walang kilay.

"As if namang lalabas ka nang ganyan yung kilay mo."

"Okay lang." diretso kong sagot. "Basta ba mabili ko yung mga kailangan mo."

Tumaas yung kilay niya. "Seriously?"

"Oo."

"Seriously." masama niyang tingin.

"Oo."

"Seryoso ka ba talaga?"

"Oo nga." sagot ko. "Magsusumbrero na lang ako para hindi masyadong makita."

Huminga siya nang malalim.

"Ayaw pa maniwala."

"Fine!" irita niyang sabi. "Bilhan mo ko ng Whisper, yung kulay pink. Make sure na with wings, cotton pad at pang gabi yung bibilhin mo."

Naestatwa ako.

"Ano ulit?"

Ang daming description. Baka makalimutan ko.

"Whisper brand, kulay pink. Siguraduhin mong may wings, cotton pad at mahaba yung bilhin mong napkin." sambit niya. "Yung heavy flow."

"Okay." ngiti ko. "May ipapabili ka pa?"

Napalunok siya. Mukhang meron pa nga, nahihiya lang sabihin agad. "Bilhan mo ko ng Jollibee. Spaggetti with cheeseburger."

"May niluto ako—"

"I'm craving!"

"Okay." ngiti akong tumango. "Ako na lang kakain nung niluto ko."

Isasara ko na sana yung pinto pagkalabas ko ng kwarto niya pero narinig ko siyang nagsalita.

"May sinasabi ka, asawa ko?"

"I said I'm s-sorry."

Ngumiti ako.

"Walang problema sa akin, asawa ko." sambit ko. "Kapag may kailangan ka pa, tawagan mo na lang ako."

Pagkababa ko, dumiretso ako ng labahan at binabad muna sa tubig yung shorts at panty niya para mawala yung dugo.

Medyo malangsa pero ganun naman talaga kapag dugo.

Kinuha ko yung cellphone ko at umupo sa sofa.

Nag search ako tungkol sa dysmenorrhea. Tinignan ko kung ano ba dapat kong malaman kapag nakaka experience sila ng ganito.

Nag search rin ako kung ano ba pwede kong gawin para matulungan siya sa sakit.

Grabe pala sila kapag nagkakaroon. Sobrang sakit. Kaya pala hirap na hirap siya kahit tumayo man lang.

Nagcacrave rin pala talaga sila. Kaya pala kahit sinabi kong nagluto ako, wala siyang pake. Gusto niya talaga yung pinapabili niya ngayon sa Jollibee. Pero okay lang, naiintindihan ko naman kung bakit.

Kumuha ako ng mainit na tubig at nilagay sa isang bag. Hot compress.

Makakatulong daw 'to sa sakit.

Binigay ko muna sa kaniya yung hot compress bago ako lumabas ng bahay. "Mag hot compress ka muna. Lalabas ako para bumili ng napkin at ng mga kailangang bilhin." sambit ko. "Baka bumili na rin ako ng gamot para makabawas sa sakit na nararamdaman mo."

Tinitigan niya ako. Hindi ko maipaliwanag yung titig na 'to. Kakaiba.

"B-Bakit?" takha kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung anong pinapahiwatig ng titig niya. Hindi ko alam kung masaya o malungkot o katamtaman o ewan. Parang kumikislap na parang bituin. Hindi ko sigurado.

"A-Alis muna ako." ngiti ko at iniwas yung paningin.

Ano kaya yung iniisip non habang nakatitig sa akin?

---

"Mmh." namimilipit ako sa sakit. Anak ng!

Ang sakit pala talaga.

"See?"

"Oo nga."

Grabe. Iba talaga yung sakit.

"Nasa level two ka pa nga lang."

Habang nasa labas ako, nakabili ako ng period simulator. Sinusubukan ko lang kung anong klaseng sakit ba yung nararamdaman nila kapag may dysmenorrhea sila.

Ngayon, level two pa lang. Ni hindi ako makaabot ng level three pero yung sakit na nararamdaman nila, umaabot ng level ten to fourteen.

Naririnig ko yung tawa ni Amber habang nasasaktan ako nang malala sa period simulator.

Ni hindi ako makahinga sa sakit.

"Ayaw ko na." sinusubukan kong tanggalin yung simulator pero hindi ko matanggal dahil nanlalambot ako sa sobrang sakit talaga.

Para akong bulateng sinasabuyan ng asin sa sobrang naglililikot sa sakit.

"Tawa ka naman nang tawa." malalim akong humihinga hinga pagkaalis ko ng simulator.

"Because you look so funny."

Sus. Ganyan naman kayong mga sadista, masyadong satisfied na makita kaming nag susuffer sa pain. "You're evil."

Napangisi naman siya.

"Ayan ha, alam ko na kung gaano kasakit yung period mo." napa buga ako ng hangin. "Ang hirap maging mabuting asawa." iling kong sabi.

"Itatapon mo na ba yan?" tanong niya. "Sayang naman."

"Anong itatapon?" takha kong tanong. "Gagamitin ko 'to parati kapag may dysmenorrhea ka para naman may karamay ka sa sakit."

Natigilan siya.

Mukha siyang na-touch sa sinabi ko.

"Ubos mo na yung jollibee na binili ko?"

Tumango siya.

"Tama ba yung binili kong napkin?" tanong ko sa kaniya. Nagpakahirap pa akong hanapin yan. Laging ubos yung stock. Buti na lang meron sa mercury kaso malayo na sa amin.

"Yeah."

Dapat lang.

"Yung sakit, nabawasan na ba?" binigyan ko siya ng mefenamic. Yun yung suhestiyon nung pharmacist para sa pain na nararamdaman niya.

"Yeah."

Tumango ako at ngumiti. "That's good." nakangiti kong sabi. "Sinampay ko na yung shorts at panty mo, malinis na sila."

"Sabi ko nga itapon na lang."

"Kinaya ko namang labhan." sagot ko. "Wala na kahit anong dugo akong nakita."

"Inamoy mo ba yung panty ko?"

Natawa ako.

"Kusa ko ng naamoy habang naglalaba ako." sagot kong natatawa. Binato naman niya ako ng unan. "Bakit?"

"Sinabi ko naman na kasi sa'yong huwag mo na labhan!"

"Sayang naman."

"Kahit na!"

"Wala namang problema doon, atsaka wala akong intensyon na amuyin talaga yung gamit mo. Pumapasok na talaga siya sa ilong ko ng kusa."

Binato niya ulit ako ng unan.

"Sa susunod pipigilan ko ng huminga kung ayaw mong maamoy ko."

"Eleven!"

Natawa ako. Mukhang nahihiya siya. "Normal lang yun, natagusan ka. Ganun talaga, may amoy naman talaga yung dugo. Dugo lang naman yun."

Natahimik lang siya.

Mukhang okay na yung pakiramdam niya kumpara kanina. Nakatulong rin yung binigay kong gamot.

Narinig ko na yung FRIENDS sa TV niya. Magpapahinga na yata siya at manonood.

"Wala ka naman na iuutos no?" tanong ko.

Umiling naman siya.

"Okay." naglakad na ako palapit sa pinto. "Tawagan mo lang ako sa cellphone."

"Where are you going?" lumingon ako habang hawak ko na yung doorknob.

"Magpapahinga ka na 'di ba?"

"Manonood."

Tango ko. "Yun nga, pahinga."

"Saan ka nga pupunta?"

"Bababa na." saan pa ba ako pupunta, asawa ko?

"Hindi ba tayo manonood?" tanong niya.

"Dito?" tanong ko.

"Yeah."

Kung sa baba, okay lang. Eh kwarto mo 'to.

"Sige lang, nood ka lang. Sa baba na ako manonood—"

"Dito ka lang." sambit niya. "Manood tayo."

Naestatwa ako.

Ano daw?

"What?"

"Ano?"

"I said what?"

"Anong anong ano nga?"

"Sabi ko, dito ka lang." sambit niya. "Manood ka dito."

Dahan dahan akong lumapit ulit.

Kumuha ako ng upuan para may maupuan.

"Dito ka na." lumingon ako. Tinatapik niya yung kama, sa tabi niya. Pinapaupo niya yata ako sa tabi niya mismo.

"Dito na ko." turo ko sa pwesto ko pero inilingan niya ako.

"Dito ka na."

"Dito lang ako."

"Dito." riin niyang utos at mas marii niyang tinatapik yung kama satabi niya.

Nagdadalawang isip parin akong lumapit sa kama. Nahihiya talaga ako.

"Bilis."

Nagpanic akong napaupo. Medyo malayo kumpara sa tinatapik niya kaninang pwesto. Nakita ko tuloy siyang napangiwi at nanahimik.

Habang nanonood kami, naririnig ko lang siyang mahinang tumatawa. As usual, kapag talaga FRIENDS yung pinapanood namin, natatawa siya. Mahina nga lang yung tawa kasi masakit parin yung puson niya.

"Remember what we talked about last time. . ."

Napalingon ako sa kaniya. Bigla kasi siyang nagsalita.

"Saan doon?"

"Tungkol sa wala ka pang nakaka date."

Napalunok ako. Naalala ko bigla yung usapan namin ni Brie. Anak ng. Napa oo nga pala ako doon at hindi ko pa nafollow up kung kailan. 

"Eleven, I'm asking you."

Hindi na tuloy ako makapanood nang maayos. Inaalala ko ngayon yung nangyari.

"Ah naalala ko yun." napakamot ako nang wala sa oras. Naalala ko lahat pati yung kahihiyan na ginawa ko kay Brie. "Oo na, wala na akong first date."

"I mean," sambit niya. "gusto mo bang ma experience?"

"Syempre naman."

Natahimik kaming dalawa na parang hindi nanonood nang maayos dahil nakatingin kaming dalawa sa TV pero may mga iniisip kami pareho. Walang tumatawa kahit na nakakatawa na yung scene.

"Then let's have it on Saturday."

Kumabog yung dibdib ko. Hindi makagalaw.

Napakagat ako ng labi at napatingin sa kaniya.

"So don't go anywhere on Saturday." sambit niya. "Because it's your first date."

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 380 39
MEND SERIES anong gusto niya? yakapin ko siya? yakapin ko ang rason ng tuluyan pagkasira ng buong pagkatao at pangarap ko? photos used are not mine...
22.8K 556 51
#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawa...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
310K 1.9K 20
Hi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. V...