my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

23.7K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 17

150 17 3
By unicachicca

Eleven.

"April?" takha kong tanong sa kabilang linya. Nakailang missed call siya sa akin bago ko nasagot. "I thought you're busy because you're getting married today." takha kong tanong. Alam ko talaga busy siya ngayon at hindi magpapa istorbo kaya takhang takha ako kung bakit nagawa niya pa akong tawagan ngayon. 

"April? Are you okay?" alala kong tanong nung marinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya. Anong nangyayari? Bakit siya umiiyak? "What happened?"

Hindi siya makasagot.

"April." tawag ko sa kaniya. "Do you wanna talk about it?"

"I ran away."

Nanlaki yung mata ko sa gulat. 

"Ano?"

"Hindi ako tumuloy sa kasal ko." sambit niya. "I don't care anymore if my Dad will kill me because of this fucking mess."

Anak ng.


Dirediretso kong ininom yung pangalawang baso ko ng alak. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan 'to ngayon inumin dahil mababa lang yung alochol tolerance ko. 

Pero tangina. Kapag nasa kalagitnaan ka ng ganitong klaseng sitwasyon, parang hindi mo na mapigilang uminom nang uminom para lang maramdaman mo na may karamay ka kahit mag isa ka lang. 

Naiintindihan ko na kung bakit parating umuuwi ng lasing yung asawa ko. Ganito pala yung pakiramdam kapag kaharap mo yung alak. Nakakatulong makalimot kahit saglit yung mga gumugulo sa isip ko. 

Hindi ako makapaniwala na nabuo ako sa isang pagkakamali. Sa isang bagay na hindi ko kailanman naisip na ganun ang naging dahilan kung bakit ako nag end up sa ampunan. 

Akala ko man lang, wala lang pera yung mga magulang ko para palakihin ako. O akala ko man lang, namatay yung magulang ko at naging ampon ako sa ampunan. 

Para akong nabuhay sa isang kasinungalingan. 

Nabuo ako sa maling bagay? Seryoso ba?

Isang kabit yung nanay ko at nagtaksil yung tatay ko sa asawa niya. Hindi ako makapaniwala na mas pinili nilang panatilihin yung reputasyon nila kaysa sa akin na walang kamuwang muwang na lumalaki sa ampunan. 

Walang tunay na pamilya, walang kapatid. Walang kadugo. 

Hindi ko alam kung magpapasalamat pa ako sa kinikilala kong tatay na kumupkop sa akin. Ni hindi niya na lang sinabi na kadugo ko pala siya. Para tuloy akong nagmukhang tanga ng ilang taon. 

"Woman?" lumingon ako sa katabi ko na kauupo lang. Naka dilaw na dress siya at may pilyong mga ngiti. "Wala kang kasama?"

Nagtatagalog. Mukha rin Filipino. 

Nginitian ko siya. "Hello, kababayan." bati ko sa kaniya at uminom ulit ng kaunti. 

"April." pakilala niya. Inabot niya yung kamay niya at inabot ko rin yung akin, nakipag shake hands sa akin. 

"Eleven." pakilala ko. 

"You alright?" tanong niya sa akin. 

"Yep." sinenyasan ko yung bartender na bigyan pa ako ng isa pang baso ng alak. 

"Woman?"

"Hmm?" takha ko siyang tinignan. Nagtatanong kung anong ibig niyang sabihin.

"Problemado ka ba sa lovelife mo?"

Ngumiti ako ng tipid at umiling. Napainom ako na napapangiwi dahil napaka tapang ng alak. Nakng.

"You look like a dead kid here or something." nakangisi niyang sabi sa akin. 

Awtomatikong napataas yung kilay ko sa narinig ko. Aba! Akala niya hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"I mean," natatawa niyang sabi na para bang naintindihan niya yung reaksyon ko. "bakit wala kang kasama?"

Napailing ako. "Grabe ka naman maka dead kid sa akin." iling iling ko. Ako? Dead kid? Hindi ba pwedeng tahimik lang ako dito since wala rin naman akong kakausapin. Lumapit lang siya kaya ako nagkaroon ng chance na makipag usap. Nakng.

"Seriously, if you'll look around right now," napalingin ako sa paligid. "You're the only person who doesn't have someone to talk to. Everyone here is partying., except sa'yo."

Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin. 

"I am not from here, I just visited." sagot ko. "So wala akong kasama kahit na sino. I'm just here to drink." seryoso kong sabi.

"Oh," tango niya. "Are you from Texas?"

"No," iling ko. "Philippines. Dayo lang sa America."

Tumango siya. "I see, so anong dinayo mo dito sa America? Chicks?"

Natawa ako nang mahina at napailing. "I'm not here for that. I was just asked to visit here so we can talk about some. . .you know. . .basta. . .family matters." sambit ko. "Ikaw, taga dito ka?"

"Yep." sagot niya. "Kakauwi ko lang rito sa America. I was in the Philippines a few days ago." kwento naman niya na parang tropa na kami. 

"Wow." gulat ko. "Saan?"

"Manila." sambit niya. "I visited my mom before getting married here."

Napaawang yung bibig ko. "Oh, you're getting married!" para bang nagkikintaban yung mata ko nung narinig ko yung kasal. "Where's the ring?" sinilip ko yung kamay niya kung may nakasuot ba siyang singsing. 

Pinakita naman niya sa akin at para akong tangang hinawakan yung kamay niya at tinitigan yung singsing. "Ang ganda." sambit ko na ikinatawa niya. "Why are you laughing?"

"Seriously? Interesado ka sa ganitong bagay?"

Ngiti ko. "Of course. Isa yan sa pinaka importanteng araw sa buhay natin." sambit ko. "One of the important events yan sa buong buhay ng tao, that's why I'm happy for you."

"As if you experience marriage para sabihin yang mga yan."

"I did." sagot ko. "And I'm still married." ngiti kong sabi.

"Then why are you here?" tanong niya. Pinapahiwatig kung nasaan ako ngayon. "You're trying to cheat with some hoes here, aren't ya?"

Kumunot yung noo ko. Hindi naman ako ganun! Nakng. "No." iling ko. "I'm just here to unwind."

"Lahat naman ng lalaki ganyan tapos pag uwi, may ka sex na." sagot naman niya.

"Hindi ako ganun!" linaw ko. "Wala nga akong balak na kumausap ng tao dito pero kinausap mo ako kaya kinausap na rin kita."

"Okay." tumango tango siya na pasarkastiko, bakit ayaw nitong maniwala sa sinabi ko? "What's the reason?"

Hindi ako makasagot.

Sa isang iglap, naalala ko na naman yung nangyari kanina. 

"Ano nga?" pangungulit niya pa.

Napabuntong hininga ako. Parang bumigat na naman yung dibdib ko at sumama na naman yung loob sa mundo.

"I-I-I'm sorry if that makes you uncomfort—"

"Problema lang sa family."

"Oh," tango niya. "You're not yet ready to be a father."

Tumaas yung kilay ko. Nakng.

"What?" agad agad ba namang makahanap ng sagot sa mga tanong sa isip niya. Aba! Hindi yan totoo. 

"Hindi ka pa ready maging tatay." sagot niya.

"Hindi naman buntis yung asawa ko." ngiwi ko. "Basta tungkol lang sa family ko. Okay na ba tayo? Makaka move on ka na?"

"You wanna share that with me?"

"Ayaw kong isipin." sabay inom ko ulit sa baso ko.

Tinaasan ko siya ng kilay nung tumawa siya ng malakas sa akin. "Bakit?" mukhang ako yung tinatawanan niya base sa itsura ng mukha niya at kung saan siya nakatingin. 

"So you're here because of what? Your problems?"

Hindi ako nakasagot. 

"So itong bar talaga yung sagot sa problema mo?" tanong niya sa akin.

"Siguro?" hindi ko sure na sagot. Pero sigurado ako na nakatulong siya ngayon dahil parang gumaan yung pakiramdam ko nung uminom ako ng alak. Pero. . .ewan ko. Hindi ko rin alam.

Hindi niya mapigilang tumawa. "Boring mo naman."

Inis ko siyang tinignan.

"So nandito ka rin kasi boring ka?" inis kong tanong.

Umiling siya. "I'm here because I want to have fun and you know. . .get drunk."

"Then go," sabi ko. "stop bothering me and do whatever you want to do."

Natawa naman siya. "Nagsungit bigla?"

Tumahimik na lang ako. Ayaw ko na magsalita dahil baka kung ano na namang lumabas sa bibig ko.

"Sorry."

Tumawa siya. "Nah. Nothing to be sorry about."

"I just don't know where to go kapag may ganito akong kalalang problema."

Inagaw niya yung baso ko at ininom yung natitira. Nakng! Nanguha pa ng drinks. "Sinasabi ko sa'yo, itong bar na 'to, hindi 'to sagot sa problema mo." sambit niya.

Kinukuha ko yung baso sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at nilaklak ng straight yung baso ko. Inubos yung laman. Nakng tipaklong naman!

Tinawag ko yung bartender pero inutusan niya ring hindi lumapit sa gawi namin. "Ano ba? Mag oorder ako ng drink dahil ininom mo!"

"Last na baso mo na yun." sambit niya. 

"Why?" bakit bigla bigla siyang nagdedesisyon sa akin? We never even know each other that much! 

"Because we're going out."

"Ano—"

Hinawakan niya yung braso ko at hinatak ako sa kung saan.

"Y-You ran away?" takha kong tanong.

"I thought I was sure of him." sinusubukan niyang magpaliwanag nang maayos kahit humagulgol siyang umiiyak. "I got scared."

"Okay, April. I want you to breathe in. . .breathe out." pinapakalma ko siya sa kabilang linya. "Calm down, okay? We can talk about this."

"Where are you?" tanong niya sa akin.

"Manila." sagot ko. 

"What?" gulat niyang tanong. "Wala ka na rito?" 

"Nope. Nakauwi na ako ng Pinas." sagot ko.

"I thought you were still here." sambit niya. "That's why I called you."

"Pinauwi mo ako dito sa Pilipinas para makapag isip pa, remember?" sabi ko sa kaniya. "Take a deep breath, April. Just breathe. Everything will be okay."

"I thought I already learned to love him." paliwanag niya. "But I was fucking wrong."

"It's okay, April. Hinga nang malalim." nararamdaman kong sobrang nagpapanic siya ngayon. "You can tell everything to me, maybe I can help."

She is my new friend. A friend from the States.

Nagkita kami sa bar at tinulungan niya akong mawala yung problema ko habang wala akong mga kaibigan nung nasa ibang bansa ako.

Alam niya lahat ng problema ko at alam ko rin kung anong problema niya simula nung lumayas kami sa bar ng dalawang araw.

I spent my two days with her sa lugar na hindi ko maiisip na pwedeng maging tulong na gumaan yung pakiramdam ko kahit saglit lang. 

Sa dalawang araw na yun, parang nakilala ko na yung buong pagkatao niya. Parang ang tagal na naming magkakilala. Naging kumportable ako nang hindi ko nalalaman.  

I even told her my secrets.

She also told me her own struggles and secrets too.

She's a great friend.

"It is okay to be scared, April. Marriage is not just a simple thing. Hindi yan maliit na bagay para pag desisyunan agad kaya naiintindihan ko kung bakit ka nagka cold feet ngayon. You're not sure if you love him so hindi madali para sa'yo na sumumpa sa harap ng altar. Inisip mo yan at ginawa mo yan para sa kapakanan ninyong dalawa."

Napakamot ako sa kilay ko. Tama ba yung mga sinabi ko?

"Who's that?" bigla kong napatay yung tawag dahil sa narinig kong boses sa likuran ko. Nakng.

Asawa ko.

Bakit naman biglang sumusulpot 'tong asawa ko? 

"Hello." awkward kaya yung ngiti ko ngayon?

"Sino yun?" halata sa mukha niyang nangungunot na nagtatakha kung bakit may kausap ako ngayon. 

"Kaibigan." kamot ko sa ulo. "Kumain ka na?"

"Sinong kaibigan?" mainahon niyang tanong na mararamdaman mo na parang nag iinterrogate siya ng kriminal.

"Sa America."

"Paano ka nagkaroon ng kaibigan sa America?"

Nanliit yung mata ko. Syempre pumunta ako doon?

"I was there." awkward kong tawa.

"Siya ba yung dahilan kung bakit natagalan ka sa America? Kaya ka hindi nakauwi kaagad ng isang linggo?" blangkong ekspresyon yung nakita ko sa mukha niya pero ramdam ko yung inis sa pananalita niya.

Apat na araw lang naman ako doon, asawa ko. Dalawang araw lang kami nagkasama kasi sabi niya umuwi na daw muna ako para mas makapag isip ako nang mabuti.

"Hindi kaya." mabilis kong sagot.

Umirap siya. Aba, nairapan pa ako.

"One week, my ass." rinig kong bulong niya.

"Sorry na nga eh." kamot ko ulit sa ulo ko. Akala niya ata hindi ko narinig yung mga sinabi niya. "Kumain ka na ba?"

"Tanong mo sa kaibigan mo."

"Hala." 

Sungit naman ng asawa ko.

"Sige, text ko—"

"Put your goddamn phone away." mabilis pa sa alas kwatro kong binitawan yung cellphone ko. Ito namang asawa ko. Sinakyan ko lang naman yung sarcastic comment niya, siya pa nagalit. Nakng. 

"Sorry na nga eh, asawa ko." 

Inirapan niya lang ako bilang sagot. Ano ba naman yan, asawa ko. 

Parang hindi yata maganda yung mood ng asawa ko at nagsusungit na naman siya sa akin. Hindi na 'to ganito nung mga nakaraang araw, ngayon na lang. 

"Anong gusto mong pagkain?" tanong ko sa kaniya. Tinignan ko yung oras, mag aalas singko pa lang pero nandito na naman kaaagad siya. Maaga na naman nakauwi ng bahay.

Simula nung umuwi ako dito sa Pinas, doon na nag sunod sunod yung uwi niyang maaga. Hindi na rin siya nakakauwi ng lasing. Kinakausap na rin niya ako nang matino.

Maraming nagbago nung nakauwi ako. Pero yung pagiging sadista niya lang yung medyo malabo na nagbago o magbabago. Nasa sistema na rin siguro ng mga Luanzon.

Pero sana last na yung na-hospital ako. Naniniwala naman ako sa asawa ko na matutupad niya yung sinabi niyang hindi niya na uulitin yun.

Sana lang talaga.

"Gusto mo na ba mag dinner?" tanong ko ulit dahil hindi siya nakasagot. Parang may iniisip. 

"Maaga pa." sagot niya.

"Ang aga mo na kasi umuwi kaya hindi ko alam kung anong food ibibigay ko sa'yo pang meryenda." sagot ko naman pabalik. "O kung iluluto ba kita ng early dinner bago ka makauwi."

Tumaas yung kilay niya na parang alam ko na kung bakit. Nakng. Mali yata yung mga sinabi ko. "Nagrereklamo ka bang maaga ako umuuwi?"

Umiling akong natatakot. Nakng. Gusto ko kaya!

"Hindi!"

Umupo siya sa sofa sa sala at natulala.

Pagod yata yung asawa ko.

"Okay ka lang ba, asawa ko?" mainahon kong tanong sa kaniya at lumapit. "Gusto mo ba masahiin ko ulit yung paa mo?"

"Go ahead." tinanggal ko yung sandals niya habang nakapatong yung paa niya sa lamesa at hinilot nang malumanay. Yung tipong magugustuhan niyang hinihilot siya sa paa.

Hindi naman siya kumontra kahit na nagpaalam na ko.

"Nung bata ako, mahilig kaming maghilutan ng paa ng mga kaibigan ko." kwento ko. "Kaya hindi ko mapigilang hilutin yung paa mo kasi alam kong pagod ka."

Hindi siya umimik.

"Masarap ba, asawa ko?" tanong ko sa kaniya na nakangiti.

"The fuck?" irita niyang tanong na ikinataka ko. Bakit naman ako mumurahin? Nagtanong lang naman ako kung masarap ba ako maghilot?

"Bakit?"

"You sound like a pervert."

Nanliit yung mata ko. "Paanong naging—"

"Just shut up." sabi niya.

Napanguso ako. Akala ko ba hindi na ako susungitan ng asawa ko? Akala ko ba okay na kami?

Hindi ko na lang pinansin. Baka iba ngayon yung mood.

"Ang ganda sa America, asawa ko. Ang daming magagandang—"

"At sino?"

"—tanawin doon." sambit niya. Hindi man lang ako pinatapos. "Hindi pa naman ako tapos sa sinasabi ko, asawa ko. Ikaw talaga, laging nangunguna." 

Inirapan niya ako na parang ako na naman yung may mali. Nakng! Itong asawa ko talaga. 

Finocus ko na lang yung paghihilot ko sa paa niya. "Buti na lang walang amoy yung paa mo no?"

Pabiro niyang sinampal ako sa mukha ng paa niyang hinihilot ko. "Aray ko naman!" hawak ko sa pisngi ko. "Bakit, ano na namang ginawa ko?"

"Magluto ka na lang."

"Hindi pa ako tapos maghilot—"

"You're already done. You cook now."

"Sigurado ka?" tinanguan niya lang ako. 

Habang nagluluto ako, hindi ko alam pero apansin ko na matamlay yung asawa ko ngayon. Kanina ko pa siya tinitignan palihim habang nagluluto ako. 

Ako naman, daldal lang ako nang daldal dito sa kusina. Mukha namang nakikinig siya sa mga kinukwento ko at natutuon yung atensyon niya sa mga kinukwento ko. Nababawasan yung pagkatamlay ng mukha niya tuwing sinusubukan kong magsalita.

Habang inaayos ko yung kainan namin, naghahanap ako ng tyempo na sabihin yung nasa utak ko. Parang hindi ako mapapakali hangga't hindi ko 'to nasasabi. 

Relax lang, Eleven. Masasabi mo rin yan. 

Kunting lakas ng loob! "Uhm. . ."

Tinignan niya ako sa mata. "What?" 

"I-I know it's not my business to ask but," napabuntong hininga ako. Gusto ko lang sabihin ito kahit na siguradong may possibility na magalit siya sa akin dahil baka pakiramdam niya pinapakialaman ko siya. "Are you alright, asawa ko?"

Natahimik siya habang tinitignan ako. Parang nagtatakha siya kung tignan ako ngayon sa mata ko. "How—Why. . .did you ask?" tanong niya sa akin pabalik. 

"Hindi ka mukhang okay." sabi ko.

Malalim siyang huminga. "Yes." matamlay niyang sabi. Nagsisinungaling siya. 

Lumunok ako. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba 'tong tanong na 'to o hindi kaso gusto ko siyang itanong.

Gusto ko kasi yung may napaglalabasan siya ng iniisip niya. Baka kasi mabigat na sa iniisip niya yung sitwasyon nila ni Black.

"Okay ba kayo ni Black?"

Naubo siya. Anong nangyari?

"B-Bakit mo natanong?" tanong niya sa akin. Kibit balikat naman akong sumagot.

"Baka kasi yun yung gumugulo sa utak mo." sagot ko. "Gusto ko lang naman makatulong, baka kailangan mo ng taong may mapaglalabasan ng iniisip."

"W-We're good." tipid niyang sagot.

"Di nga?"

"Oo."

Mabuti naman. Mukha namang wala siyang tinatagong katotohanan na may problema silang dalawa.

"May sakit ka ba?" tanong ko.

"Wala."

"Bakit parang matamlay ka?" hindi ko mapigilang mapanguso. "Okay ka lang ba talaga?"

"Oo nga." sagot niya.

Kumain siya nang tahimik habang ako ay daldal nang daldal sa harapan niya hanggang sa matapos kaming dalawa kumain.

"Ano namang ginawa ninyo ng kaibigan mo ng dalawang linggo sa America?"

Natahimik akong kinabahan. Bigla bigla ba namang nagtanong, hindi naman ito yung dinadaldal ko ngayon!

"Kami?"

"Meron pa bang iba?" tanong niya. Hindi ko maipaliwanag yung mukha niya.

Anong sasabihin ko, hindi naman ako nagtagal doon ng dalawa linggo.

Apat na raw lang talaga ako doon. Na kay Tenten ako nung ibang araw.

"W-W-Wala naman." sagot ko. "M-Masarap ba yung luto ko?"

"Nag sex ba kayo doon?"

Anak ng. "Sex?" gulat na gulat kong tanong. "No way."

"So anong ginawa niyong dalawa sa dalawang linggo?"

Napalunok ako.

"Wala naman, dalawang araw lang naman kami nagsama." madali kong sagot. "Tubig?" alok ko sa kaniya habang hawak ko yung pitsel.

"Dalawang araw o dalawang linggo?"

"Two days." sagot ko na napapalunok.

"Nagsisinungaling ka ba?"

Mabilis akong umiling. Nakng.

"What's your friend's name?" diretso niyang tanong. Anak ng.

"B-Bakit?"

"What's your friend's name?"

Fast talk ba 'to?

"A-April."

Bumagsak yung balikat niya. "A girl, huh?" ngiwi niya.

Tumango ako. "S-She's g-getting married t-today." sagot ko.

Para siyang nabunutan ng tinik sa leeg.

Napakamot ako. Hindi nga pala natuloy.

"K-Kaso hindi pala natuloy." sagot ko.

Bumagsak ulit yung balikat niya. "What?"

"S-She ran away." sagot ko.

Sumeryoso yung mukha niya lalo. "How romantic for you."

Eh? Romantic? Para sa akin?

Anong romantic para sa akin doon? Asawa ko talaga.

Naguguluhan akong tumitig sa kaniya. "What?"

"She ran away for you and then the next day you'll get back to the U.S." sarkastiko yung tono ng boses niya. "And then you will marry her. The end. What a happy fucking ending."

Natawa ako bigla.

Ang galing magdugtong ng kwento, mali mali naman.

Tawang tawa talaga ako.

"That's how happy you are, huh?" inis niyang tanong.

Umiling ako. "Tumakbo siya kasi hindi niya mahal yung lalaki."

"Dahil sa'yo."

Natawa pa ko lalo. Anak ng.

Umiling ako. "Oh no, not me, asawa ko." nakangiti kong sabi. "It's Philip."

"I don't know him."

"Kasi hindi ako si Philip at hindi mo kilala si Philip." paliwanag ko. "Are we okay now?"

Titig na titig siya sa akin nang seryoso.

"Ang galing mo sa mga theory mo, asawa ko." tawa ko. "Dagdag mo pa yung mukha mong inis na inis, ewan ko ba."

Biglang may lumipad na kutsara at tumama sa noo ko. "Aray!"

"Are you sure, it's not you?" seryoso parin yung mukha niya. Mas lalong nakakatawa kapag ganito yung mukha ng asawa ko.

"Edi sige, ako na si Philip." binato niya yung tinidor pero nakailag ako. Binato niya yung lalagyanan ng tissue sa lamesa pero nakailag parin ako.

Babatuhin niya sana yung plato pero napigilan ko na kaagad. "No no no no no."

Bumuntong hininga siya nang malalim. "Relax." natatawa kong sabi. "Hindi plastik yang ibabato mong plato, asawa ko."

Binaba naman niya yung plato. "Just don't do it again."

Tumaas yung dalawang kilay ko. "Mmh?" hindi ako sigurado sa sinabi niya.

"Huwag mo na gagawin ulit yun."

"Ang alin?" tanong ko. Hindi ko alam kung ano ba yung sinasabi mo, asawa ko.

"Yung isang linggo lang yung pinagpaalam pero dalawang linggong nawala."

Napakamot ako. Guilty sa narinig ko.

Nandito naman ako sa Pilipinas ng dalawang linggo, asawa ko. Hindi naman talaga ako nagtagal doon sa America.

Sadyang may kailangan lang akong ayusin sa utak ko bago umuwi dito.

"Yes, ma'am." ngiti kong sagot.

Matipid niya akong nginitian pabalik.

Mas lalo akong ngumiti nang malapad dahi sa nakita ko. Ang cute niya talaga pag nakangiti.

"Ang cute mo talaga ngumiti, asawa ko."

Tumayo siya bigla. "Shut up and clean."

Totoo namang maganda talaga siyang ngumiti. Kahit pa matipid lang yun.

Hindi mo kasi alam paano i-appreciate yung sarili mong ganda, asawa ko.

Binuksan niya yung TV at nanood sa sala.

Narinig ko na yung intro ng FRIENDS sa TV. "Saglit, antayin mo ko." utos ko sa asawa ko.

Hininto naman niya. "Make it fast."

Nagmadali akong maghugas.

Ito yung ginagawa namin ng asawa ko tuwing uuwi siya galing trabaho. Nanonood kami ng sitcom sa netflix.

Nagbibinge watching kaming dalawa hanggang sa oras na ng tulog naming dalawa. Nakagawian na namin ng ilang araw.

Pagkatapos kong maglinis, tinanggal ko yung apron ko at nag alcohol. Ayaw kong mag amoy basahan yung kamay ko.

Plinay na niya yung episode namin ngayon. Nawala yung ngiti ko.

Tapos na namin 'to kagabi ha?

"Napanood na natin yan kagabi." sabi ko.

"No."

"Oo."

"No."

"Oo." di ako nagpapatalo. Tinitigan ko siya. May memorya akong naalala bigla.

"Ah." napatango tango ako. Naalala ko nga pala nangyari kagabi.

"What?" curious niyang tanong.

"Tinulugan mo ko." sagot ko.

"No."

"You did!"

Umirap siya. "Fine." ililipat na sana niya sa next episode pero pinigilan ko siya. "What episode again?"

"Okay lang, hindi mo pa naman napapanood." sabi ko. "Diyan mo lang muna sa episode na yan."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you sure?" tanong niya sa akin.

Tumango akong nakangiti. "Oo naman. Mas mahalaga yung mapanood mo muna yung previous bago yung next."

Nakatitig lang siya sa akin.

Ano na naman ba, asawa ko? Bakit mo na naman ako tinititigan nang ganyan? "May sinabi na naman ba akong mali?"

Iniwas niya yung paningin niya. "T-Thank you." napangiti ako dahil sa narinig ko. Kahit nahihiya hiya pa siya.

"Okay lang naman yung makatulog ka, alam ko namang pagod ka sa trabaho."

Nakita ko siyang matipid na ngumiti ulit.

Tama yan, asawa ko. Magandang makita na nasasanay ka ng ngumiti kahit papaano.

Natutuwa nga ako kapag naririnig ko yung halakhak niya sa sitcom na pinapanood namin. Kaya masarap manood ng FRIENDS kasama siya kasi ang sarap sa pandinig nung tawa niya.

Ang ganda pa nung sitcom. Ang gagaling ng mga bida.

"Nakakatuwa naman marinig yung halakhak mo, asawa ko." nakangiti kong sabi sa kawalan.

Tinaasan niya na naman ako ng kilay.

"Oo kaya."

"No."

"Yes."

Nag focus na naman ulit kami sa sitcom.

Maya maya lang, gusto na naman niya humalakhak pero pinipigilan niya hindi tumawa nang malakas ngayon.

Nakng. Bakit naman biglang nagpigil na ngayon? Sinabi ko lang naman na maganda yung halakhak niya, pinagdamot naman.

"Bakit mo naman biglang tinago yung halakhak mo?"

Hindi siya umimik.

"Ang sarap kaya pakinggan!" sabi ko.

"Pangit ako tumawa." walang emosyon niyang sabi.

Inirapan ko siya. Oo, inirapan ko siya.

"Kahit si Klarisse, sinabi niya na magandang pakinggan yung halakhak mo."

Masama niya akong tinignan na nagtatakha. "Nirecord mo ba akong tumatawa? Sinend mo sa kapatid ko?"

"No!" sagot kong umiiling. "Nakwentuhan lang niya ako dati na nakakatuwa daw yung halakhak mo. Minsan niya lang daw marinig pero natutuwa siya kapag naririnig niya yun sa'yo."

Hindi na naman siya umimik.

"Kaya tuwang tuwa ako na ako na mismo yung naka witness. Totoo pala talaga."

Hindi ulit siya umimik.

"Huwag mong itago yan kung nahahalakhak ka naman talaga." ngiti kong sabi. "Nakaka cure ng lungkot yan lalo na sa'yo."

"Totoo ba talaga?"

"I am sure." seryoso kong sabi.

Nagfocus na ulit kami sa pinapanood namin hanggang sa hindi na naman niya mapigilang humalakhak.

Hindi maalis yung paningin ko sa asawa ko. Ang sarap makitang nakangiti siya.

Grabe. Nakakawala ng pagod yung tawa.

Sana ganito lang kaming dalawa parati. Nag rerelax hanggang sa makatulog.

Binaling ko yung paningin ko nung lumingon na siya sa akin. Napansin niya na siguro na matagal na akong nakatitig sa kaniya.

"Sinong character yung gusto mo?" tanong ko sa kaniya. "At sinong character yung parang feeling mo ikaw?"

"Ursula." sagot niya.

"Hindi man lang main character?" natatawa kong tanong.

"I like the main characters but I really like Ursula." sagot niya.

"Why?"

"I just like her."

Sabagay, nagegets niya lalo yung humor ni Ursula kasi parehas sila ng type of humor.

"Eh yung character na masasabi mong parang ikaw?" tanong ko.

Kibit balikat naman niya akong sinagot. "I'm unique."

Natatawa ako sa isip ko. Oo, kakaiba ka naman talaga asawa ko. Kakaiba ka sa mga nakikita ko at kilala ko.

At love na love kita.

"I like Monica." share ko naman sa kaniya. "Magkakaintindihan kasi kaming dalawa kapag yung pinag usapan namin tungkol sa paglilinis ng bahay."

Tumango siya, agree na agree yung mukha ng asawa ko.

"Saka mukhang magkakasundo kaming dalawa." paliwanag ko pa. "Ang pinaka bonding namin ni Monica siguro yung maglinis ng bahay. Doon napapalapit yung loob ko."

Napangisi siya.

"Kailangan ko na bang matutong maglinis ng bahay?" rinig kong bulong niya.

Natawa ako. Hindi ko na lang pinatulan yung narinig ko, mukhang hindi naman yata para sa akin yung tanong niya na yun.

"Nakikita ko sa sarili ko si Chandler."

"You don't do jokes." kontra niya. "And whenever you try to joke around, it's corny."

Aray naman.

Pinanliitan ko siya ng mata.

"You two are different." habol pa niya.

"Hindi naman ganung ugali yung sinasabi kong pagka parehas namin ni Chandler." paliwanag ko. "Yung tungkol sa awkwardness naming dalawa sa babae. We're very awkward and desperate for love." sabi ko habang ginagaya yung boses ni Chandler.

Napangisi siya. "You're awkward with woman? Paano na lang nung una kang nagka girlfriend?" iling iling niyang sabi.

"I. . .never had one." awkward kong sagot.

Nanlaki yung mata niya. "W-What?"

Umiling ako nang mabagal. "And. . .I never had a fling or a date."

"Why?"

"Because. . .I'm awkward?" hindi ko siguradong sagot.

Malakas naman siyang tumawa.

Maganda marinig yung halakhak mo pero sa ganitong sitwasyon at sa context ng tinatawanan mo, hindi ko gustong humalakhak ka, asawa ko.

"Really?"

Ipapamukha mo pa sa akin?

"You never even had a date?" napakamot naman ako sa ulo ko. Ipinapamukha pa talaga sa akin na wala nga.

"That's sad." pang aasar pa niya.

"Oo na at huwag mo na ipamukha." sabi ko sa kaniya. "I never had one kaya I'm sure I'll get awkward around woman who I'll date with."

Tawang tawa parin siya.

"Kahit yung kasama mo sa America?"

"No." sagot ko. Ang kulit, hindi nga.

Tumawa pa rin siya.

Ang saya mo na masyado, asawa ko. Sarap mo ng kurutin.

Mukhang kailangan ko na yatang maranasang magkaroon ng date.

Hangga't hindi pa ako umaabot ng thirty.

Kapag na-topic pa namin 'to ng asawa ko ulit, sisiguraduhin ko ng may karanasan na ako sa date. Ang sakit sa tengang marinig yung tawa niya sa pang aasar.

Oo na, siya na may boyfriend.

Tumayo na siya. Tinitigan niya ako nang nakangiti.

Nang aasar talaga.

"Makakahanap rin ako ng Janice na makakadate." sabi ko nang nakabusangot.

Mas lalo siyang tumawa.

"Janice?" natatawa niyang tanong. "Janice?"

"I mean, Monica." anak ng. Yung Janice nga pala yung ex ni Chandler na masakit sa tenga yung boses at malakas tumawa.

Napapailing siyang tumawa. "Sabi mo, Janice."

"Monica kako." inis akong napakamot nang agresibo. Nakakainis naman mang asar 'to.

Eh paano ako makakalandi, yung nilalandi ko nung highschool at college libro saka yung mga liga mo.

Masyado akong focus sa'yo noon pa lang. Imbes na nakikipag date ako, nasa gilid ako ng court at nanonood sa lahat ng laban mo.

Hanggang sa nawalan na ako ng time tapos kinasal pa ako sa'yo unexpectedly.

Hindi ko naman aakalain na ikakasal ako nang hindi pa nararanasang makipag date o manligaw o kung ano pa man yan.

Tawa parin siya nang tawa habang paakyat siya ng kwarto niya.

"Nye nye nye." pikon kong bulong kahit hindi naman niya maririnig.

Tuwang tuwa siya masyado. Nakakatuwa ba yun?

Pumasok na ako ng kwarto ko at naligo. Habang naliligo ako, hindi ko mapigilang mag isip parin.

"Nakakatawa ba yun?" inis kong singhal. "Masyado siyang masaya. Eh kasal lang yung meron ako eh." sabi ko sa sarili ko.

"Anong gagawin ko, eh awkward nga ako sa babae?" kausap ko sa sarili. "Baka iniisip ko lang na awkward ako kasi hindi ko pa naman nararanasan?"

Napapaisip tuloy ako. Lintek naman.

Nagkwento kwento ka pa kasi, Eleven. Hindi naman kailangan

Hindi tuloy mawala sa utak ko yung halakhak ni Amber. Yung halakhak na nakakaasar.

Yung nakakawala ng pasensya.

Pagkatapos kong maligo. Nagbihis ako at tumalon na sa kama para magpahinga.

Binuksan ko yung cellphone ko.

Nakareceive ako ng message galing kay April at Brie.

Yung kay April, tungkol ulit sa kasal. Gusto niya manghingi ng sorry sa lalaki pero hindi niya alam kung paano.

Sabi ko naman sa kaniya, huwag niya muna sanang alalahanin yun. Ang mahalaga, naging matapang siya at ginawang tumalikod bago siya matali sa kasal na hindi naman niya gusto talaga.

Yung kay Brie naman, nangungumusta at nagkukwento nang napakahabang paragraph message.

Ang cute nito ni Brie.

Napaisip ako bigla.

Nagcocompose ako ng message kay Brie. Nagdadalawang isip kaya binubura at binabalik yung na compose kong message.

Ayain ko kaya siya ng date?

Paano kapag na dissapoint si Brie? Paano kung hindi niya magustuhan yung outcome?

Tinapon ko yung cellphone ko sa malambot kong kama.

Nababaliw na ko.

Pero. . .date lang naman yun eh. Kelan mo pa maeexperience kung hindi ka mag aaya ng tao?

Curious ako kung anong pakiramdam kapag may ka date ka. Nakakalusaw ng utak kasi naririnig ko parin tumatawa yung asawa ko sa utak ko.

Masaya siguro ng may ka date.

Malalim akong huminga.

Nagtry ulit akong mag compose ng message kay Brie.

hi brie :> how r u? ayain sana kitang kumain next time?

Nagdadalawang isip pa ako kung isesend ko ba. Hindi parin ako sigurado.

Para naman kasing napepressure lang ako.

"Hoy." anak ng! tumama sa mukha ko yung cellphone dahil sa gulat.

"Asawa ko naman!"

"Why? You watching porn?" tanong niya sa akin.

"Hindi no! Nakakagulat ka kasi."

Binato niya sa kama ko yung pocket book na binabasa ko sa sala nung wala pa siya kanina. "Naiwan mo sa sala."

Kunot noo naman akong nagtakha. "Nasa taas ka na, paano mo pa 'to nahanap sa sala?"

"Bumaba ulit ako." sagot naman niya. "Night."

"Wait." napigilan ko siyang magsara ng pinto.

"Aayain mo ba ako dito sa kwarto mo?" tanong niya na ikinagulat ko. Umiling ako.

"Hindi!" napapahawak ako sa batok. Grabe talaga mag isip 'tong asawa ko. "May question lang ako."

"What?"

Natahimik ako saglit.

Napaisip ako bigla kanina dahil sa nangyari kay April. Yung tumakbo siya sa kasal.

Hindi ko maiwasang ikumpara yun sa aming dalawa ng asawa ko.

"Nung. . .kinasal tayo," naghehesitate akong ituloy yung tanong pero nakikinig talaga siya nang maigi. "naisipan mo bang tumakbo palayo sa kasal?"

Nawalan ng emosyon yung mga mata niya.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko na pala sana tinanong.

Baka ikadurog lang ng puso ko. Hindi ko na dapat tinanong.

"I was scared." sambit niya. "Of course, I thought about running away, I don't know you and marriage is not really my thing. But now, we're married."

Bumagsak yung balikat ko. "I'm sorry." sinsero kong paghingi ng paumanhin. "Na ikinasal ka sa akin nang walang kasiguraduhan."

Tumango siya. "I know." mainahon niyang sabi. "I know." ulit niya pa.

Malakas akong bumuntong hininga. "Pero huwag kang mag alala," napakagat ako ng labi saglit. "hindi ako mangingiealam sa relasyon niyo ni Black. Doon ako kung saan ka masaya, Amber. Gagawin ko ang lahat para makatulong ako sa inyong dalawa."

Hindi siya nakasagot.

Ngumiti ako nang tipid. "Yun lang naman." sabi ko. "Goodnight."

Para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. Parang malalim yung iniisip.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. "Masama ba pakiramdam mo?"

Umiling siya. "I'm fine."

"Goodnight."

Sinara niya yung pinto nang walang goodnight.

Bumuntong hininga ako. Tama lang yung sinabi mo, Eleven. Alam kong masakit pero tama lang yun. Sinabi mo lang naman yun para makatulong sa ikagiginhawa ng loob niya.

Nahiga na ulit ako at binuksan yung cellphone.

Anak. . .ng.

Nasend yung text kay Brie.

of course, chris :)) ur place or ur mine?

Nag vibrate pa yung phone ko.

i mean ur place or mine?? pero ok lang rin if ur mine >:D

Kumabog nang malala yung dibdib ko.

ok lang rin if u'll gonna cook here sa condo and then dito tayo mag eat na lang. u have my address naman na right? hihi :D

Hindi matigil sa tanong at reply si Brie. Hindi pa nga ako makasagot sa unang text niya.

Binitawan ko yung cellphone.

Anak ng.

Kumabog yung dibdib ko sa nerbyos.

Bahala na kung anong sasagutin ko sa kaniya bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 115 47
Nagising si Yana sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya matandaan kung ano ang huling nangyari sa kanya kung paano siya napunta sa poder ng tao...
2.3K 61 16
•Harvey De Loughry and Tashia Doctolero•
4.7K 182 52
Storya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo...
6.7K 291 12
Isang babaeng ginayuma ng isang chef na binabae.