my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 15

215 20 2
By unicachicca

Eleven.

"Tapos ka na ba?" tanong sa akin ni Sebun na nakikita naman niyang hindi pa ako tapos maglagay ng mga damit ko sa bag. 

"Mukha ba akong tapos na mag ayos?" masungit kong sambit. "Saglit lang."

Inaayos ko na yung mga damit ko dahil pinayagan naman na kami makauwi ngayong araw ng doctor. Mabuti na rin dahil buryong buryo na ako dito sa hospital. Nagiging pabigat rin ako sa mga nag aalaga sa akin. 

Imbes na makapag trabaho sila, nandito sila nagbabantay sa akin. 

"Sabi ko naman kasi sa'yo, kami na mag empake ng mga damit mo." singhal ni Sebun sa akin.

"Eh ayaw ko nga eh." hindi naman nila aayusin yung pag tupi ng mga damit ko sa bag ko. Hindi sila maayos mag ayos kaya hindi ko kayang ipagkatiwala 'tong mga damit ko. 

"Ang bagal naman mag ayos." rinig kong reklamo ni Tenten na ikinataas ng kilay ko. 

"Tarantado ka ba?"

"Kanina pa tayo dito, hindi ka parin tapos diyan." kailan ba hindi nag init yung ulo nitong taong 'to? Malamang, nag aayos ako ng gamit. Hindi dapat minamadali yung mga ganitong bagay.

"Si Eleven pa ba?" sabat ni Sebun. "Baka nga pati kubeta dito sa hospital linisin niya pa dito bago tayo makalabas dito eh."

Masama ko siyang tinignan. Mukha ba akong ganitong klaseng tao? "Kung may mga lakad kayo, magsilayas na kayo. Hindi ko naman kayo sinabihang pumunta dito." reklamo ko.

"Eh kasi naman, kanina mo pa binibilang yang mga gamit mo."

"Tinitignan ko lang naman kung may naiwan pa ba ako." inis kong sagot. Ano bang pake nila? Gusto ko lang makita kung may nakalimutan ako o wala para hindi naman hassle sa akin. 

"Wala na."

"Paano ka nakakasigurado?" tanong ko. "Mas marunong ka pa sakin eh."

"Kung may maiwan ka man, malalaman mo naman kay Uno." sabat naman uli ni Sebun. "Siya rin naman naka assign maglinis dito sa kwartong 'to."

"Bakit ba madaling madali kayo?"

"Kasi kanina ka pa diyan paulit ulit mag ayos!" sabay pa silang magreklamo.

Anak ng.

"Oo na." sinarado ko na yung zipper ng bag ko dahil kita ko na talaga sa mukha nila na inip na inip na sila. "Happy?"

"Tara na." kinuha ni Ten Ten yung bag ko na ikinagulat ko. 

"Wala ba akong kamay?" sarkastiko kong tanong. Kaya ko naman kasing buhatin, para nila akong ginagawang lampa o disabled dito ngayon.

"Ikaw na nga yung tinutulungan diyan."

"Akin na yan." 

"Huwag ka na matigas ulo." singit naman ni Sebun. Dala dala niya rin yung isa kong bag at hindi rin binibigay sa akin. 

"Baka lantang gulay ka pa," seryosong sambit ni Tenten. "kasalanan ko pa kapag nagreklamo kang hindi tinulungan."

Napasabunot ako ng ulo habang naglalakad kami. Nakng.

Para akong mababaliw kapag ito yung mga kasama ko sa iisang kwarto. Ayaw nila akong tigilan, gusto ko lang namang makasigurado na wala akong naiwan.

Para akong magkakasakit ulit dahil itong si Ten Ten at Sebun, kung magsalita parang parating may sama ng loob sa akin.

"Ano daw nararamdaman mo ngayon?" tanong sa akin ni Sebun habang nakatingin sa cellphone niya na parang may binabasa. "Sigurado ka daw ba na hindi na masama pakiramdam mo?"

"Okay na ako." sagot ko. "Hindi ako lalo gagaling kung sa hospital lang ako matutulog nang matutulog."

"Sigurado ka diyan ha."

"Sino ba kasi nagtatanong niyan?" tanong ko sa kaniya. "Si Uno ba yan?"

"Hindi."

Tumaas yung kilay ko, napaisip kung sino pa ba pwedeng magtanong. "Si Klarisse?"

"Hindi rin."

"Eh sino?"

Nagkibit balikat si Sebun.

"Asawa mo." sabat naman ni Tenten. Siniko naman siya ni Sebun kaya nagtitigan silang dalawa.

"Anong asawa ko?"

"Asawa mo yung nagtatanong kay Sebun." seryosong sabi naman ni Tenten.

"Ano?"

"Ulol." mura ni Tenten. "Narinig mo 'ko."

Paanong asawa ko? Nagtatanong siya kung kumusta ako? Nagtatanong siya kung anong pakiramdam ko ngayon? 

"Seryoso ka ba?"

Hindi siya nagsalita pero mukha talaga siyang seryoso. Hindi siya mukhang nagbibiro. 

"Tinanong niya talaga ako?" takha kong tanong sa kanila pero nagtitigan lang silang dalawa. Hindi nila ako sinasagot. "Bahala nga kayo diyan."

Iniwan ko silang dalawa, nauna akong naglakad pero tinatawag nila ako. Hindi ko sila pinapansin. 

"Saan ka ba pupunta?"

"Magsesettle ako ng hospital bill ko." sagot ko na naglalakad papuntang cashier.

"Hindi na kailangan." hinatak nila yung kamay ko kaya ako napatigil sa paglakad. Papunta sana akong cashier pero hindi nila ako inayunan. 

"Ano bang problema niyo, paano ako makakaalis dito hanggat hindi ko binabayaran yung mga hospital bills ko?" inis na tanong ko.

"Naasikaso na nga kasi."

Kumunot yung noo ko. Anong naasikaso? 

"Nalaman ba ng tatay ko na na-confine ako?" kabado kong tanong. "Siya ba nag settle nito?"

Umiling si Tenten. "Hindi." 

"Magsabi kayo ng totoo." sambit ko. "Alam ba ng tatay ko na na-hospital ako?"

Umiling silang dalawa na ikinahinga ko nang maluwag. Hindi maaring malaman ng tatay ko na nandito ako sa hospital. Magagalit yun kay Amber. Ayaw kong kagalitan ni Dad si Amber dahil lang dito. "Kung ganon, sino naman?"

"Asawa mo."

"Ano?" gulat kong tanong.

"Asawa mo."

Awtomatikong napaawang yung bibig ko sa gulat. Anong—sinong—paanong. . .siya? 

B-Bakit? Anong meron?

Nakng. 

"Oh ayan ha, sinabi na namin sa'yo."

Hindi parin ako makapaniwala. "Huh?" hindi ko padin maproseso sa utak ko yung sinagot nilang pangalan. "Binibiro niyo ba ako?"

"Bahala ka diyan." inis na singhal ni Sebun.

"Engot." irap naman ni Tenten sa akin. "Bahala ka na kung hindi mo kami paniniwalaan." sambit niya pa na parang inis na inis sa akin na hindi ako naniniwala. "Anong akala mo sa amin, kami magbabayad ng hospital bills mo? Wala kaming pera. Kung kami lang rin, ililipat ka namin sa public hospital. Bahala ka don matigok. Basta nadala ka namin sa hospital."

"Asawa mo lang naman may kayang magsettle ng ganyan kalaking bill." sabi pa ni Sebun. "Bukod sa tatay mo pati sa'yo, siya lang talaga may kayang gumawa niyan."

Hindi parin ako makapaniwala. Ang hirap i-sink in. 

"Sabi pa sa akin ni Klarisse, ilipat ka daw sa private room." kwento ni Sebun. "Sabi namin, wala kaming pambayad ng private room. Eh utos daw ng asawa mo."

"Sigurado ba kayong hindi niyo ako niloloko?"

Nagsi kunutan yung mga noo nilang dalawa. Yung mukha pa lang nilang dalawa, parang sinasabi na hindi sila nagbibiro sa kinukwento nila. 

"Ang kulit nga ng asawa mo eh," reklamo ni Sebun. "Since hindi pwede si Klarisse magbantay, hiningi sa akin nung asawa mo number ko nung nalaman niyang ako magbabantay sa'yo. Kada oras yata nakamonitor sa'yo." iling niyang sabi. "Buti nga makakalabas ka na. Makakapagpahinga na ako sa makulit mong asawa."

Palabas na sana kami ng hospital pero hinila nila akong dalawa pa-kaliwa. 

"Anong trip niyo?" inis kong singhal. "Akala ko ba lalabas na tayo ng hospital?"

"Oo nga." sabi nila. "Pero hindi diyan."

"Huh? Anong pinagsasabi niyo na naman?"

"Sa parking tayo lalabas."

Nakng. 

"Ano na naman nakng!"

"Susunduin ka daw ni Klarisse." sagot ni Sebun. Tinulak tulak nila ako hanggang sa makarating kami sa parking. Nagulat na lang ako nung may tumigil na kotse sa harapan namin.

Kotse ni. . .Amber. 

"Ito na ba yun?" tanong ni Sebun. "Parang hindi ito yung kotse nun."

May lumabas sa driver seat pagkahinto sa harapan namin. 

Nakng.

Yung asawa ko. 

Nakatingin siya kaagad sa akin pagkalabas niya ng kotse. Hindi ko napigilan yung sarili kong umiwas ng tingin nung magtama paningin naming dalawa.

B-Bakit siya nandito? 

"S-Si Klarisse?" gulat na tanong ni Sebun. Hindi rin siya makapaniwala na yung asawa ko yung nandito imbes na si Klarisse.

"Akala ko ba si Klarisse?" reklamo ni Tenten kay Sebun. "Bakit yung kapatid?"

"She's not here with me." sambit niya. "But I'm here to fetch him."

Nanlaki yung mata ko. 

A-Ano? Siya magsusundo sa akin dito? 

"Eh siya naman pala yung magsusundo eh." sabi naman ni Sebun. "Pero nasaan siya?" curious na tanong niya kay Amber.

"Ask her yourself."

Natahimik si Sebun sa sinagot ng asawa ko. 

"Eleven." tumaas yung balahibo ko nung marinig ko yung pangalan kong tinawag niya. 

Kumabog yung dibdib ko na parang nagwawala sa sobrang bilis. Ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko. Mahinahon pa yung pagkatawag niya na nakakapanibago. 

Para akong naestatwa na nakatingin sa kaniya. "Hop in." utos niya nang mainahon sa akin. 

"H-Huh?"

"Pumasok ka na." mainahon niyang utos uli sa akin.

Tinignan ko yung dalawa. "T-Tara na, pasok na daw tayo." nahihiya kong sabi sa kanila. 

Binuksan nila yung pinto sa likod ng kotse at nilagay yung mga gamit ko. Akala ko papasok sila ng kotse pero sinenyasan lang nila ako na pumasok na. 

"Bakit hindi pa kayo pumapasok?"

"Hindi kami sasakay." sabi ni Tenten.

"Huh? Bakit?"

"May mga lakad kami."

"Ano?"

"May inuman kaming lahat."

"T-Teka."

Binuksan ni Sebun yung pintuan ng kotse sa tabi ng driver seat. "Pumasok ka na."

"Bakit hindi niyo ako isasama?"

"Mukha bang okay ka na?" sarkastikong singhal ni Sebun. "Mag iinuman kami para i-celebrate yung paglabas mo ng hospital. Tungkol naman sa iyo yung pag inom namin."

Hinawakan ni Ten Ten yung tuktok ng ulo ko at ipinasok ako sa loob ng kotse tapos sinara yung kotse. Hindi ako nakapalag dahil malakas siya. 

"Nakng." binuksan ko yung bintana ng kotse. "Pumasok na kayo sa likod."

Umiling silang dalawa. "Ingat kayong dalawa sa byahe."

"Bakit hindi niyo ako isasama?" inis kong singhal. "Sasama ako!"

"No, you're not." natahimik ako nung narinig ko yung maawtoridad na boses na yun at napabaling yung tingin sa katabi kong kakapasok lang dito sa loob ng kotse. "You're still recovering." 

"Pero—"

"No." simpleng salita lang pero maawtoridad yung boses. 

Hindi na ako nakapagsalita at umayos na lang ng upo. Nagpaalam na lang ako sa dalawang kumag kahit na masama yung loob ko na hindi ako makakasama at naiwan dito kasama ng. . .asawa ko.

Tahimik lang yung byahe.

Hindi ako nagsasalita dahil baka magalit na naman siya sa akin katulad nung nakaraan. Baka pababain na naman ako at mahospital na naman ako. 

Nangangalay na yung leeg ko dahil nakatingin lang ako sa bintana ko dito sa kotse. Umiiwas ako na magtama yung tingin namin dahil baka magalit sa akin bigla. 

"Y-You okay now?" rinig kong tanong niya na parang sobrang sinsero. 

Napabaling ako ng tingin at tumango ako bilang sagot. Pagkatapos non, binalik ko na lang ulit yung paningin ko sa bintana at hindi na umimik ulit.  

Bakit kaya ako sinundo nito sa hospital?

Bukod don, siya pa nagbayad ng hospital bills ko. 

Wala naman akong ibang maisip na dahilan kundi dahil siguro nakokonsensya siya sa nangyari. Yun lang naman yung maaring sagot sa mga tanong ko.

Nag ring yung cellphone ni Amber. Narinig ko na lang na pinick up niya yung cellphone at sinagot yung tawag. Hindi ako lumilingon dahil nahihiya ako na hindi ko maipaliwanag. 

Hindi ako talaga kumportable sa byaheng 'to. Ilang na ilang ako.

Sana si Klarisse na lang yung sumundo sa akin. Parang hindi ko pa kaya na makasama siya sa iisang lugar sa hindi ko malaman na rason.

"Yeah, he's here." rinig ko kay Amber. Mukhang kausap niya si Klarisse. Alam ko dahil iba yung tono ng boses niya kapag yung kapatid niya yung kausap niya. "Don't worry, he's fine."

"Kaming dalawa lang." rinig ko ulit. "No."

Medyo kinakabahan ako dahil baka mag away silang dalawa sa tawag. Nagmamaneho pa naman siya at baka topakin ng inis. Maaksidente na naman ako. Maaksidente pa kami. 

"On it." rinig ko pa at binaba niya yung call.

Hay, salamat. Mukhang hindi naman sila nag away at hindi naman siya nainis. 

"You hungry?" mainahon niyang tanong na parang nahihiya pa magtanong. "Gusto mo bang kumain muna?"

Hindi ako nakaimik. 

"May gusto ka bang kainin?" tanong niya pa ulit. "Baka nagugutom ka na."

Hindi maproseso ng utak ko yung naririnig ko ngayon. Tinatanong niya ba ako talaga? 

"Eleven?"

"Ayos lang." tipid kong sagot.

"Okay." lumipat siya ng lane na bumabagal yung andar. Parang may hinahanap na kung ano sa gilid ng kalsada. "Where do you want to eat?"

"Kahit saan." sagot ko ulit.

"Are you sure? Baka may gusto kang kainin." sabi niya. "Baka may cravings ka today."

"Wala naman."

Natahimik siya saglit. "Okay. We'll have a drive-thru and eat it at home."

"Wala akong perang dala." sabi ko. "Kahit ikaw lang mag order."

"Ako na bahala." sabi naman niya. 

Hinayaan ko na lang siyang magdesisyon sa kung anong gusto niya. "Ihahatid mo ako hanggang pauwi?" bigla kong naitanong.

"Of course."

"May trabaho ka, huh?"

"Don't mind it." sabi niya. "Ang importante ngayon ay maiuwi ka sa bahay."

Tumango na lang ako at nanahimik hanggang makarating kami ng bahay. Akala ko paglalakarin niya ako ulit sa gitna ng byahe eh.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang sabihin yung order niya dito sa drive thru. "Pili ka lang."

"Sige lang, wala talaga akong pera."

"I'll pay."

Umiling ako. "Sige lang. Kahit yung iyo na lang yung i-order mo."

"You need to order something." mainahon niyang sabi. "Kailangan mong makakain, may iinumin kang gamot mamaya sa bahay."

Napabuntong hininga ako. "French fries lang, yung regular."

Tinitigan niya ako. "Yun lang?"

Tumango ako. 

"Isang Chicken Spaghetti, Cheeseburger, Peach Mango Pie, and large French Fries for him please." 

Nanlaki yung mata ko. 

"N-No—"

"You need to eat. Hindi ka masasatisfy sa isang regular french fries lang." sambit niya. "Kainin mo yan mamaya lahat."

Tumahimik na lang ako at hindi na nakapagreklamo. 

Nakng. Magkakautang pa yata ako dito.

Hindi kami nag imikan sa natitirang oras ng byahe. Pero nararamdaman kong may gusto siyang sabihin sa akin habang nasa byahe kami, hindi niya lang masabi.

Buti na lang nakarating na kami sa bahay dahil para akong nasusuffocate sa byahe na kasama ko siya. Parang mas gugustuhin ko na lang maglakad pauwi kaysa nasa loob ako ng sasakyan na kasama siya.

"Kaya mong buhatin yung bag mo?" tanong niya sa akin.

"Oo."

"You sure?"

"Sino pa ba magbubuhat nito?" mahina kong tawa. Sinubukan magbiro. "Kaya ko."

"W-Well, I can help you."

"Okay lang." sinsero kong sabi. Kinuha ko yung bag ko. "Saka puro damit lang naman 'to." matipid ko siyang nginitian.

Pumasok na ako ng bahay, hindi ko na siya inantay na makapasok. Papasok rin naman siya kung kailan niya gusto.

Diretso kong nilagay sa labahan yung mga damit na ginamit ko sa hospital. Hindi ako makakapag relax habang alam ko na may mga ligpitin ako galing hospital, kaya inasikaso ko na pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto.

Gusto ko sanang labhan na ngayon din pero parang pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala naman akong masyadong ginawa. Kaya wala akong choice kundi ipabukas yung paglalaba.

Ang dami ko na namang labahin para bukas.

Pasalpak akong nahiga ng kama. Napabuntong hininga ako nang malalim. 

Iba talaga kapag namiss mo yung sarili mong kama. Ang lambot, parang ayaw mo na umalis—.

Natigilan ako sa pag isip isip at umupo sa kama nung marinig ko yung katok at pagbukas ng pinto. "M-May kailangan ka?" mainahon kong tanong.  

"Let's eat." seryoso yung mukha ng pag aya niya pero mainahon ang pagkakasabi. 

"Ah. . .sige lang." sagot ko at ngumiti nang tipid. "Kain ka na."

"And you?"

"Ah ano. . .mamaya siguro."

Tinitigan niya ako. Hindi yung blangkong ekspresyon pero yung may sinasabi yung mga mata niya. Hindi naman galit pero. . .ewan.

"But you need to eat."

"Pero gusto ko sana matulog muna." sagot ko sa kaniya. 

"But—"

"Bawal matulog kapag kakakain lang kasi." dahilan ko. "Kaya mas maigi na matulog muna ako bago kumain. Atsaka okay lang kahit hindi mo ako tirhan, may mabibilhan naman akong pagkain sa labas."

Malalim siyang huminga. Halata sa mukha niya na gusto niyang masunod. Gusto niya akong pakainin na ngayon na mismo. 

"Sa'yo yung inorder ko kanina." sabi niya sa akin. "Kainin mo yun mamaya."

"Ah, oo nga pala." binuksan ko yung drawer ko, nilabas ko yung wallet ko para bayaran ko yung utang ko sa kaniya. "Magkano pala yung order mo kanina sa akin?"

"What?"

Naglabas ako ng five hundred sa wallet. 

"No need to pay." sambit niya. "Sagot ko yun."

Umiling ako. "Hindi—"

"No." pagmamatigas niya. "Don't pay me."

Para akong napahiya na hindi ko maintindihan. "O-Okay." 

"Basta kainin mo yung inorder ko sa'yo mamaya."

Tinanguan ko siya. "T-Thank you."

Sinara niya yung pinto nang mainahon.

Awtomatiko akong napaisip ng kung ano ano nung narinig ko yung sinabi niya.

Nakng. 

Parang nakakapanibago na ganito niya ako ituring. Ganito ba talaga siya makonsensya? 

Umiling ako. Ayaw ko na isipin. Langya, napapaisip na naman ako ng kung ano ano. 

Maliligo na lang ako. 

Hindi ko kayang matulog nang hindi ako presko. Sino ba nakakatulog nang nanlalagkit ka tapos galing kang hospital? 

Naghubad ako ng damit dahil gustong gusto ko na talagang makaligo at makapagpahinga. Amoy hospital pa ako. 

"Hey—"

"Anak ng tipaklong—" walanghiya! Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Bakit naman bigla bigla siyang pumapasok? 

Nanlalaki rin yung mata niya at napapalunok na nakatingin sa akin. 

Yung kamay ko pa, nasa waist ko na maghuhubad na sana ng pantalon. Buti na lang hindi pa! Nakng. Bigla ba namang susulpot 'tong asawa ko.

Hindi parin niya inaalis yung paningin sa akin kaya ako na nagtakip ng katawan ko. "N-Nakakagulat ka naman." mabilis kong hingang nasabi. 

"I'm. . .sorry."

"B-Bakit pala?" baling kong tanong. 

"Uhm. . ." napapakamot siya ng batok. "If. .you need anything, you can ask me." sabi niya. "Knock on my door kung nasa loob na ako ng kwarto ko kung may kailangan ka."

"O-Okay."

Inantay ko pa siyang magsalita ulit pero parang wala na siyang sasabihin. Parang gusto niyang mag stay dito pero nahihiya lang magsabi. Hindi ko alam pero parang ganon yung nakikita ko sa body language niya. 

"T-Thank you." sambit ko na lang. "S-Sana makapagpahinga ka nang maayos." sabi ko bilang pahiwatig na gusto ko na siyang makalabas ng kwarto. 

"I-I'll go."

"Sige."

Dahan dahan niyang sinara yung pintuan na parang nahihiya hiya pa. 

Napabuntong hininga ako at napamewang. 

Hindi ko maiwasang mapaisip ngayon bigla nung nakita ko ulit yung mukha niya ngayon. 

Unti unting naging malinaw sa akin kung gaano naging malupit si Amber sa akin nung mga nakaraang araw o linggo. 

Napapaisip ako kung kasalanan ko ba talaga lahat sa tuwing tinotopak siya at napagmamalupitan ako. 

Pero hindi ko rin siya masisi, kasalanan ko naman lahat talaga.

Kaya lang naman siya nagiging ganon dahil sa tuwing nagiging makulit ako, doon umiinit yung ulo niya. 

Ako rin yung may kasalanan.

Siguradong mauulit nang mauulit ito. 

Ang tanging paraan lang siguro, baguhin ko yung ugali ko. Sa tuwing nakukulitan siya sa akin, doon nagsisimula lahat ng magiging kalbaryo ko sa buong araw. 

Hindi naman niya ako nasasaktan kapag nanahimik lang ako. 

Masyado lang talaga siguro ako naging papansin para mapansin niya lang ako. Sa tuwing hindi ako umiimik, hindi niya naman ako pinapansin. Hindi naman ako nauupakan o nababato ng kung ano ano. 

Kaya siguro sinasadya ko rin maging makulit para mapansin ako ng asawa ko. Makuha ko yung atensyon niya.

Pero hindi rin pala maganda kapag nasobrahan ako sa pagkapapansin. 

Kaya siguro mas mainam kung hindi ko na ugaliin yon. Hindi na ako mangungulit. 

Dahil hindi ko alam kung ano pa yung kaya niyang gawin sa akin kapag napikon na naman siya sa akin.

Ang tanging sigurado lang ako ay may kakayanan siyang mabura ako sa mundo kapag hindi ako umayos.

---

Isang linggo na yung nakalipas nung nakalabas ako ng hospital.

Hanggang ngayon, umiiwas parin ako sa gulo. 

Gulo sa bahay, in a way na hindi na ako nangungulit. 

O 'di kaya yung asawa ko mismo yung iniiwasan ko.

Sa totoo lang, naginhawaan ako nung ginawa kong umiwas. Nakakapanibago nga na umabot ako ng isang linggo na walang nangyayari sa akin. Parang nakapagpahinga yung katawan at utak ko. 

Hindi na ako epal. Hindi na ako makulit. 

Yun lang talaga nakakapagpa trigger sa kaniya na mapikon at maging sadista sa akin. 

Pero sa loob ng isang linggo, hindi ko alam kung guni guni ko lang o ano pero parang nag iba yung awra ng asawa ko. 

Kahit kailan, hindi siya magsasalita kung hindi ko siya kakausapin. Hindi rin siya magsasalita unless pinikon ko siya. 

Pero nitong nakaraang linggo, siya na mismo yung kumakausap sa akin. I mean, sinusubukan niya akong i-approach. Parang nahihiya hiya na hindi ko maintindihan. 

Siguro dahil nakokonsensya parin siya sa nangyari. Hindi niya lang masabi pero parang ganun yung nararamdaman ko.

Simula nung dumating ako galing hospital, may ugali siya ngayon na parang manlalambot ako kapag naririnig ko. 

Sinusubukan niya akong ayain na mag almusal nang sabay kami. 

Sinusubukan niya akong ayain rin sa hapunan. Hindi na rin siya lasing parati kapag dumadating. Dumadalas rin yung maaga niyang uwi. 

Pero sa lahat ng aya niya, lahat talaga tinanggihan ko. Mahirap tanggihan pero gusto ko lang talaga makaiwas sa ngayon. Parang hindi talaga maalis sa akin na pwedeng mainis na naman siya sa akin at may magawa siyang masama.

Hindi pa naman nakakatuwa na ma-confine sa hospital ng ilang araw. Nasanay ako ng maraming ginagawa sa bahay. Hindi ako sanay na nakahiga lang doon na parang lantang gulay na nanonood, natutulog, at kumakain lang. 

Ayaw ko na mangyari ulit yun. 

May mga times rin na nagdadala siya ng mga prutas sa kwarto ko kapag galing siyang trabaho. Nagugulat rin ako kapag kumakatok siya sa kwarto ko para tanungin kung nakainom na ako ng gamot sa mismong oras ng inom ko. 

Tinatanong niya rin kung kumusta yung pakiramdam ko from time to time. 

Nakakapanibago. Ni hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko 'tong nangyayari o nananaginip lang ako. 

Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. 

Pero hindi ako kumportable, sa totoo lang. Dahil parang nagiging ganito lang siya dahil nakokonsensya lang siya. 

Ewan. Hindi ko alam. 

Pero hangga't maari, iiwas muna ako sa gulo. Iiwas muna ako dahil alam kong ako talaga ang trigger para magalit siya nang malala.

"Kain ka na." sambit ko sa kakababa lang na si Amber. Katatapos ko lang ihanda yung kainan niya nung narinig ko na siyang bumababa galing kwarto. Nakakagulat lang dahil ang aga niya.

Samantalang wala naman siyang pasok ngayon para maging ganito kaaga. 

Kaya ko nga inagahan magluto ngayon para hindi niya sana ako makita kapag bumaba sana siya galing kwarto. Yun pala, maaga rin pala siya bababa.

"Nakainom ka na ba ng gamot mo?" mainahon niyang tanong pagkababang pagkababa niya. 

"Uh. . .hindi pa eh."

"Oras ng inom mo ngayon." sabi niya sa akin. "Actually, late na ng five minutes."

"S-Sige." sagot ko. "Mamaya maya."

"Take your meds, please."

"Later."

"Kailangan mo na uminom para hindi mag overlap yung susunod mong gamot na iinumin mamaya." sinserong paalala niya.

"Ah kasi. . ." napakamot ako ng ulo. "Hindi pa kasi ako kumakain. Kaya hindi ko siya mainom inom ngayon." sagot ko.

"Okay, then let's eat." umupo na siya. "Bring your plate and eat with me."

Umiling ako. "Kain ka lang diyan."

"What?"

"Kain ka lang kako." umalis ako ng kusina at naupo sa sala na medyo nahihiya dahil nakatingin siya habang naglalakad ako papunta dito.

"You have to eat." may maawtoridad na boses yung narinig ko ngayon. Ngayon, yung utos niya ay mapapasunod ka talaga.

Tumayo ako agad. Natakot ako bigla dahil baka matrigger ko yung side niyang hindi mo hihilingin na mangyari. "O-Okay." palabas na sana ako nung tinawag niya ako. 

"At saan ka pupunta?"

"Kakain."

Kinunutan niya ako ng noo. "Where?"

"Sa karinderya." sagot ko naman. "Mura lang doon."

"Not here?"

Umiling ako. 

"Why?"

"Hindi naman ako dito kumakain, 'di ba?" sabi ko. "Ayaw mo nga nang may kasabay." nanlaki yung mata ko nang hindi ko mapagtanto kung ano yung nasabi ko bigla. 

Hindi siya nakasagot.

"Look, Eleven. . . ."

"No, Amber." seryoso akong tumitig sa kaniya. Tama na siguro na sabihin ko 'to ngayon. "Please stop pretending that you really care. I mean, don't get me wrong, ayaw ko na napipilitan kang gawin lahat ng ito dahil may kasalanan ka. Gawin mo yung mga bagay na gusto mong gawin, hindi yung kailangan mong gawin."

"But this. . ." napalabi siya. ". . .this is what I should suppose to do kasi gusto ko, hindi lang dahil sa kailangan ko kasi may ginawa akong mali."

Parang nahinto yung puso ko sa narinig ko. Natigilan ako.

"You're lying." lumabas ako ng bahay dahil ayaw ko munang marinig yung mga sasabihin niya.

Dahil natatakot ako baka maniwala ako sa mga sasabihin niya tapos babalik na naman sa dati na sobrang walang pake na Amber.

May parte sa akin naniniwala sa sinasabi niya dahil ngayon ko lang narinig yung sinsero niyang boses. Nung mga nakaraan, hindi pa ganun yung sincerity ng boses pero habang tumatagal, halata mo na yung sinseridad.

Sa sobrang pre-occupied ko sa mga iniisip ko habang naglalakad, hindi ko na namalayan agad na may sumusunod sa akin. 

Kinakabahan ako. 

Hindi ako makatingin sa likod ko dahil hindi ko alam kung makakasama ba sa akin yung paglingon ko. 

Pero sigurado akong hindi ito yung kotse ng asawa ko. Hindi rin ito kay Klarisse. 

Sino yung sumusunod sa akin ngayon? 

Nakng.

Umiiwas na nga ako sa gulo para hindi na sana maulit yung nangyari. Pero parang ako yata yung sinusundan ng gulo. 

Natatakot ako dahil posibleng yung sumusunod sa akin, yung mga taong nambugbog sa akin nung nakaraan. 

B-Baka binalikan nila ako. 

Baka patayin nila ako. 

Huminga ako nang malalim. 

Bahala na kung anong mangyari. 

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kotse. 

Sa sobrang kaba ko, para akong tangang tumakbo nang wala sa sarili. Nakng. Bubugbugin na nila ako ulit! 

"Sir Eleven! Sandali!"

Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa likod. 

"Easy ka lang, Sir!" 

Nanliit yung mata ko at tinignan kung sino yung tumawag sa akin. Pamilyar yung mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan. 

Lumapit ako sa kaniya. 

"You know me?" tanong ko sa kaniya. 

"Yes, sir." tango niya. "I am Bryan, your father's secretary."

"So you mean, hindi mo ako bubugbugin?"

"Sir?" parang naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko. "Bakit hindi mo na lang ako inaapproach agad?"

"Sorry, sir. Nagpasiguro muna ako kung ikaw si sir Eleven kasi." kamot niya ng ulo. "Bago lang akong secretary."

"Why are you here?" tanong ko sa kaniya. "Is my father here?"

Umiling siya. "No, sir. Nasa states po siya." sagot niya. "He sent me here to fetch you. He wants to see you in states."

Kumunot yung noo. Hindi makapaniwala sa narinig. "What?" takha kong tanong. "Why? What happened?" 

Kinabahan na naman ako. 

Parang nakakaramdam ako ng hindi maganda. Kailanman, hindi ako pinasundo ng tatay ko sa sekretarya niya. Ni hindi rin ako nakaapak pa ng states. 

"May kailangan daw po siyang sabihin sa inyo personally."

Ibig sabihin lang nito, may importanteng bagay siyang ipapagawa sa akin o sasabihin o hindi ko alam. 

"And he wants you to be there with him for good."

Nanlaki yung mata ko sa gulat. 

Ano?

--

"Iiwanan mo kami dito?" gulat na gulat na sabi ni Uno. "Seryoso ka ba?"

Napapakamot ako sa ulo dahil si Uno yung kausap ko sa call.

"Iiwan mo ako?"

Para siyang girlfriend na kailangan mong suyuin at paliwanagin.

"Kailangan kong umalis." paliwanag ko.

"Bakit mo naman ako kailangang iwan ng ganito?" parang naiiyak niyang sabi. "Ikaw nga lang yung kakampi ko dito kapag nag aaway—"

Napapatakip ako ng noo at napapahimas.

Nakng. Ganito rin naman yung iba kanina na tinawagan ko pero mas malala siya.

Hindi siya natigil mag emote.

"Kailangan kong umalis."

At naulit na naman yung pagdrama niya.

Hindi ko na rin uulitin yung sasabihin ko.

Pagkatapos niyang magdrama, pinatayan ko na siya ng tawag. Tinext ko na lang siya para matapos na.

Biglaan rin ito. Kakatapos ko lang mag empake at ngayong gabi na ako aalis kaagad.

Ngayong araw lang rin nagsabi tapos ngayong gabi rin ako aalis. Kailangan kong makaalis na talaga dahil marami kaming pag uusapan ng kinikilala kong tatay.

Alam kong biglaan. Hindi pa ako ganito kahanda talaga umalis pero importante lang.

Uuwi naman ako next week. Yung for good, pag uusapan pa namin ng tatay ko.

Kailangan ng malaking desisyon para doon at hindi pa ako handa para sa ganung desisyon.

Pagkalabas ko, nagulat ako dahil nasa kusina pa pala si Amber. Anong oras na, nandiyan ka parin?

"W-Where are you going?" gulat na gulat niyang tanong nung nakita niya akong may bitbit na maleta. Para siyang binuhasan ng yelo nung nakita niya ako ngayon. 

Hindi ako nakaimik.

Nakalimutan ko nga pala siyang sabihan.

"Uhm. . ."

"Where are you. . .going?" nagka crack na yung boses niya na ikinagulat ko. Teka, naiiyak ba siya?

"I-I-I have to go." nakng. Hindi ko alam paano ito harapin, yung ganitong paalam.

"Iiwan mo ako?"

"Parang. . .ganon." hindi ako ready sa mga sasabihin ko kaya kung ano ano na lang yung naiisip kong isagot.

Tinignan ko yung orasan.

Malalate na ko. "I'm sorry, I really have to go. I have to catch my flight—"

"W-W-Where?"

"Kasi yung tatay ko—"

"Is this because of what happened?"

Nagulat ako sa narinig ko. Umiling ako. "No."

Lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. Naging emosyonal lalo yung mga mata niya. "You don't need to do this." hindi ako makapaniwala na nakikita ko 'to. Parang pinipigilan pa niyang umiyak ngayon. "I'm not going to do it anymore. I'm so sorry."

Para akong naestatwa sa narinig ko.

"Stay. . .please."

Parang nanlalambot yung buong katawan ko sa mga matatamis niyang mga sinabi. Hindi naman ako nanaginip 'di ba?

"Stay here with me."

Lumalakas yung tibok ng puso ko.

Tama ba yung mga naririnig ko? Narinig ko ba talaga ito galing sa kaniya?

Sinasabi ba talaga 'to ni Amber sa harapan ko? Hindi ba ako nananaginip?

Kinukurot ko yung balat ko para malaman kung hindi ba ako nananaginip.

"I'm still trying to make it up to you." sabi pa niya. "I did you wrong and you don't deserve all of it. Napakabait mong tao at hindi ko yun nakita kaagad."

Hindi parin ako makapagsalita.

"Please. . .don't leave." pagmamakaawa niya.

Malalim akong huminga. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung naririnig ko sa kaniya.

Tinitigan ko yung mga mata niya. Mukha namang sinsero kaya nanlalambot talaga ako ngayon.

Napakamot ako sa ulo. "But I have to go."

Bumagsak yung mga balikat niya. Parang nawalan ng pag asa.

Parang naghahanap siya ng sasabihin pero hindi niya masabi. 

God, Amber. Anong nangyayari sa'yo ngayon? 

"Kaya mo bang kumain nang hindi ako yung nagluluto ng isang linggo?"

Napaangat siya ng mukha. "One week?"

"One week."

"What do you mean?" tanong niya. Nagtatakha.

"May kailangan lang kaming pag usapan ng tatay ko." sambit ko.

Para siyang nabuhayan. Hindi ko mapaliwanag yung mukha niya ngayon pero nakakapanibago. Parang natanggalan ng tinik sa lalamunan.

"You mean. . .not for good?" tanong niya.

"We still have to talk about that." sambit ko at bumagsak na naman yung balikat niya. "I have to visit my father for a week."

"So there's a chance that you will never go back here?" tanong niya na parang nalungkot ulit bigla.

"Do you want me to go back?"

Tinitigan niya ako sa mata. Hindi sumagot. 

"Gusto mo ba akong bumalik?" ulit ko.

Dahan dahan siyang tumango at yumuko na parang nahihiyang sabihin yun. 

Hindi ko mapigilang mapangiti. Tinatago ko yung kilig ko pero kilig na kilig talaga ako ngayon sa naging sagot niya. "Okay."

Napaangat siya ng mukha. Tinitigan ako na parang nagtatanong. "You mean you're coming back?"

Tumango ako nang nakangiti.

"Pero matagal. . . ." sambit niya na ikinunot ng noo ko. Totoo ba yung narinig ko ngayon? Nalulungkot talaga siya? 

Sigurado ba talagang hindi ako nananaginip ngayon? Hindi ko na kilala yung Amber na nasa harap ko. Nakakapanibago. 

"Why are you looking at me like that?"

"No, I'm just. . .naninibago lang ako sa'yo." sambit ko. "You're different than before."

"Like what?"

"You're asking me to come back." sambit ko. "Na hindi ko naisip na maririnig galing sa'yo."

"Because I'm still trying to make it up to you." sambit niya na parang kumuha pa ng lakas ng loob. "I did you wrong and I really want to make it up to you. And. . ." huminga siya nang malalim. "I really want us to be friends."

Hindi ko mapigilang ngumiti nang napakalawak sa narinig. 

"Please stop smiling like that."

"Why?" natawa ako, hindi ko napigilan.

"I'm trying to say what I feel right now, please stop making fun of me."

"I'm not!"

"It looks like you do."

"No, I'm seriously not." sinsero kong sabi. "I'm just happy to hear that from you. God, you don't know how much I love to hear that from you ever since we met."

Hindi siya nakaimik. 

Nag antay pa ako ng sasabihin niya pero parang wala na kasunod. "I'm sorry but I really have to go now."

Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Take care of yourself. Kumain ka sa tamang oras. Kung maari, doon ka muna sa bahay ninyo habang wala ako." sabi ko.

Hindi siya nagsasalita.

"Babalik ka, right?"

Tumango ako.

"Babalik ka."

Tumango ako ulit.

"Sagutin mo ako."

"Babalik ako."

Asawa ko, bakit ka nagiging ganito ngayon?

Ang sarap maniwala. Ang sarap na marinig ko yung mga salita na yan galing sayo.

Pero kailangan ko munang umalis.

"Babalik ka."

"Sana pagbalik ko, hindi mo na ako sungitan." biro ko sa kaniya.

Napahampas siya sa braso ko. "Don't worry about it. I won't do anything stupid again. I'm sorry."

Napatango ako. "I have to go."

Lalabas na sana ako nung tinawag niya ulit ako sa pangalan ko. Hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa sarili kong pangalan.

"Pagdating mo sana. . . ." naghehesitate pa siya. ". . .huwag mo na akong sungitan."

"Ha?" takha kong tanong.

"Sinusungitan mo ako ng isang linggo pagkatapos mong makabalik galing hospital."

Natawa ako. "Hindi kaya."

"No."

"Hindi kita sinungitan."

"You did."

"Hindi talaga."

"You really did."

Napakamot ako. "Hindi talaga, swear."

"You keep avoiding me when I'm trying to approach or make up to you."

Ahh.

Natawa akong napatango. "Oo nga pala."

"Please don't do it again." mainahon niyang sabi.

"Okay." sagot ko. "Kailangan ko ng umalis."

Hindi niya na ako sinagot.

Lalabas na ako ng pinto nang tawagin niya ulit ako. "Babalik ka di ba?"

Natawa ako.

"Don't laugh at me."

Hindi niya talaga ako kayang tantanan sa tanong na 'to.

"Babalik ako." sinsero kong sabi. 

Ngumiti ako sa kaniya at hindi na rin niya napigilang ngumiti nang tipid pabalik sa akin. Parang siguradong sigurado na siya sa sinabi ko.

"Pero. . .seryoso ka ba na friends na tayo?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti ulit siya sa akin nang sinsero. Anak ng. Ang ganda ng ngiti niya. "We are."

"Sure?"

"Sure."

"Baka magbago yung isip mo kapag nakabalik na ako."

Umiling siya. "You don't know how much I would love to be friends with you."

Para akong maiiyak ngayon sa narinig ko. 

Hindi ko aakalain na maririnig ko 'to galing sa kaniya. Sa isang Amber na akala ko walang pake sa existence ko. 

Hindi ko aakalain na unti unting nagbago yung pananaw niya sa isang katulad ko. 

Sana. . .sana pagbalik ko, ganito ka padin. 

"Eleven."

"Hmm?"

"C-Can I come with you?"



Continue Reading

You'll Also Like

22.8K 556 51
#30 Threesome # 2 dramaromance # 18 romancestories # 69 diary # 95 lovetriangle Dear Diary, Mahal na mahal ko siya pero ang sakit din pala pag nawa...
23.3K 1.2K 66
She wants to end her life. But... Someone saved her from her suicidal thoughts...
385K 1.3K 21
I thought it was just a dream. Having sex with her. She's too horny and I can't resist it.
35.6K 4.5K 36
Warning: This story contains abuse and toxic behaviour that should never be normalized in real life. Read at your own risk. --- Nisha wants to become...