my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

23.8K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 14

152 22 3
By unicachicca

Eleven.

Puti.

Wala akong ibang makita ngayon kundi puti. Maliwanag bawat sulok ng paligid na para ba akong nasa langit ngayon. 

Hindi ko maaninag nang maayos yung nasa paligid ko sa hilo. Malabo at hindi ako sigurado kung nasaan ako ngayon.

Nasaan ako? 

Nasa langit na ba ako at tila yata hindi ako makagalaw nang maayos. Namamanhid yung pakiramdam ko ngayon na nahihilo. 

Anong nangyari sa akin?  

"Parekoy?" nakarinig ako nang pamilyar na boses. May bigla akong naaninag na ulo sa harap ko. Naramdaman ko rin siyang humawak sa kamay ko. "Gising ka na ba?" 

Dumami yung ulo na naaaninag ko ngayon. Kung kanina ay isa, ngayon naman ay anim kung hindi ako nagkakamali. 

"Naririning mo ba kami?" rinig ko ulit. 

Unti unting luminaw yung paningin ko at nakita ko yung mga mukha ng mga kaibigan ko. "N-Nasaan ako?" 

Narinig ko yung hiyawan nila sa excitement. 

"May malay ka na, pre!" rinig kong sambit ni Uno. 

What happened? Nawalan ba ako ng malay?

Bakit sila nandito lahat? Anong nangyari? 

"Kumusta pakiramdam mo? May masakit ba?" 

Nakng. "Mmh!" ungol ko sa sakit. 

"Bakit?" panic nilang tanong. "Anong nangyari?" 

"Mmh." napangiwi ako sa kirot. May nakatama sa sugat ko.

"B-Bakit?"

"Mga. . .. .p-p-punyeta."

"Mga tarantado! Magsi layo nga kayong lahat kay Eleven." rinig kong utos ni Ten Ten na parang kadarating lang. "Nagalaw ka ba ng mga 'to?"

Mahina akong tumango. Nakita ko na lang silang pinagbabatukan ni Ten-Ten.

Napalinga linga ako sa paligid.

Nasa hospital nga ako. Nakasuot ako ng hospital gown at may nakakabit na dextrose.  

Parang sumasakit yung ulo ko sa sobrang ingay nilang lahat dito. Hindi kalakihan yung kwarto para sa aming lahat kaya mas lalong maingay. Ang crowded pa. 

"Pwede. . .ba. . .manahimik muna. . .kayo?" nanghihina kong utos sa kanila. Nagsitigil silang lahat pero nakikita ko paring nag aaway yung dalawa pero pabulong. "Sumasakit. . .yung ulo. . .ko dahil . . .sa inyo." 

"Ikaw kasi!" rinig ko na namang away nila pero pinatahimik na nung iba. 

"May nararamdaman ka ba ngayon?" rinig kong tanong naman ni Six sa akin. 

"K-Kirot." hinawakan ko yung dibdib ko at yung tiyan ko na parang bugbog na bugbog sa sakit. 

"Masakit?"

Tango kong sagot.

Inaalala ko yung huling naganap bago ako napunta dito sa hospital. Hindi ko masyadong maalala kung ano yun pero sigurado akong ginulpi ako at pinaglakad nang napakalayo.

"You'll be okay." hinawakan niya ako sa kamay na ikinangiwi ko.

"Huwag."

"Mmh?"

"H-Huwag kako." nahihirapan kong salita.

"Alin?"

"H-Huwag m-mo a-akong h-hawakan." nasabi ko rin. "H-Hindi t-tayo t-talo."

Naiwas niya yung kamay bigla. Narealize niya rin yung ginawa niya.

Hindi ko mapigilan yung mata ko dahil pikit na pikit na talaga ako.

"Eleven?" rinig kong tawag nila sa akin pero unti unting nanghina yung pandinig ko at nawalan ulit ako ng malay. 

Naidilat ko yung dalawang mata ko. 

Puti na naman yung bumungad sa paningin ko. 

"Bayaw?" rinig ko. Napalinga linga ako sa paligid at nakita ko yung mukha na hindi ko inaasahang nandito kasama ko.

Klarisse?

"Thank God."

"K-Klarisse?"

"Yeah, it's me." kalmado niyang sabi. "Funny how you were beside me and checking out for me a few days ago. Look who needs the help this time?"

"Where are they?" tanong ko habang tinitignan yung dextrose sa kamay ko. Napabuntong hininga ako. 

Nasaan na yung mga kaibigan ko? Bakit si Klarisse lang yung nandito kasama ko? 

"Who?" takha niyang tanong. 

"My friends." napapangiwi ako dahil nararamdaman ko parin yung kirot sa mukha at sa buong katawan ko.

"They were here couple of days ago." sagot niya.

Hindi ako kaagad nakaimik. "A-Ano?" 

"They went here." ulit niya pa. Nagbabasa siya ng magazine habang sinasagot niya yung mga tanong ko. "You don't know?" 

"I. . don't—" 

Napangisi siya at natawa nang mahina. "Of course you don't. Nawalan ka pala ulit ng malay." sambit niya. "Kumusta ka ngayon?" 

"I'm. . .fine." 

"It looks not but I think you're better today than a few days ago." sambit niya. "Mas malakas ka ngayon." 

"Talaga ba?" 

"You are." sagot niya. "You can speak right now compare nung nakaraan." 

"Ilang araw na akong tulog?"

"Couple days ago."

Tama nga siya. Mas nararamdaman ko ngayon na may lakas ako kumpara nung nakaraan na gising ako.

"Buti na lang wala na sila dito ngayon paggising ko."

"They can't help you here." nilipat niya sa next page yung magazine. "They were loud and stressful to be here again." 

Malakas akong napabuntong hininga.

"Buti naman."

"Just so you know,"  nilipat niya ulit yung page ng magazine. "they are not allowed to be here again without my permission." paliwanag niya.

Takha akong lumingon. "Huh? Bakit?"

"Because I said so."

"Eh?"

"They can't be here." 

"But why?" 

"You know why." 

"May ginawa ba silang kasalanan bukod sa pagiging maingay?" tanong ko sa kaniya. 

"I'm not in the mood to tell you." sagot niya.

"Parang ikukwento lang eh." 

"Nope." 

Napasimangot ako at napanguso. 

Tinignan ko siya. Napaisip ako nang malalim at nagtakha. "Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. 

Hindi siya umimik. Inulit ko yung tanong pero hindi niya ako sinagot.

Wala rin ba siya sa mood para sagutin yung tanong kong yun? "Masama ba loob mo na nandito ka kaya hindi ka sumasagot?" 

"No." seryoso niyang sagot.

Napabuntong hininga ako. Gusto ko lang nalaman kung bakit siya nandito. Sa totoo lang, wala naman siyang obligasyon sa akin na alagaan at samahan ako dito sa hospital. 

Kaya nagtatakha ako kung bakit siya nandito.

"Habang nandito ba ako sa hospital na wala akong malay, nandito ka? Yung lahat ng araw na yun?" curious kong naitanong sa kaniya.

"I am." 

Parang may humaplos sa puso ko nung marinig ko yun. "You can't be left here alone." 

"Pero bakit?" 

Nagkibit balikat siya habang nakatingin sa magazine. Hindi niya talaga ako sasagutin sa mga ganung bagay.

"Salamat." sinsero kong sabi. "Paano mo nalaman na nasa hospital ako?"

"Sebun."

Nagulat ako nung narinig ko yung pangalan ng kaibigan ko. Nagkatinginan kaming dalawa habang nakataas yung kilay niya. Parang alam niya kung ano yung iniisip ko. 

"No." sagot niya agad bago pa ako makatanong tungkol sa kanilang dalawa.

"True ba?" 

"Stop asking stupid questions." 

Napangiti ako. "What's the score with you two?"

Hindi siya nakasagot agad. Para siyang nadistract sa magazine na binabasa niya at padabog niyang nilipat sa kabilang page. "Nothing." sagot niya nang mariin.

"Di nga." pang aasar ko.

"Gusto mo rin bang makick out dito sa hospital?" pagbabanta niya.

"Hindi mo ako makikick out, pasyente kaya ako."

"I can and I will if you won't stop questioning me about it." sambit niya. "Kahit na baldado ka pa at fifty-fifty, papalayasin kita dito."

Napatikom ako ng bibig at nanahimik tungkol kay Sebun. 

Tinignan ko siya nang maigi. Naalala ko nung nakaraan, siya yung nandito sa hospital bed. Ako yung nag aalaga sa kaniya. Ngayon, siya na nag alaga sa akin. 

Parang nakakapag alala naman kung nag aalaga sa akin ay pasyente rin. Kahit na nakaraan pa yun. 

"Stop staring at me, bayaw." 

Umiling ako. "I was just wondering if you're okay now."

Tinaasan niya na naman ako ng kilay. "About what?" 

"About your condition." sagot ko. "Because you were a patient before me. I was just worried—"

Sinarado niya yung magazine at nilapag sa tabi niya. "I'm fine, bayaw." 

"Are you sure?" 

"I got discharged, bayaw. Worry when you see me dying in a hospital bed." sagot niya na parang wala parin sa mood kung sumagot. "Besides, you should be worrying about yourself right now. Ikaw yung nakahiga ngayon diyan." 

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil medyo nanghihina parin ako. Maraming kumikirot pa sa akin. Tinitiis ko lang.

"You don't look okay." sambit sa akin ni Klarisse.

Hindi ako makasagot. "May masakit ba?"

Mainahon akong tumango. "I'll call a doctor."

Inantay ko siyang makabalik. Nararamdaman ko na ngayon kung gaano kasahol yung sakit. Nakng. 

Namumuo ng pawis yung buong katawan ko. Lalong lalo na sa noo ko sa sakit. Parang pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ang sakit. 

"Mr. Hernandez." rinig kong tawag ng doctor.

"How are you feeling?" pinalawinag ko kung ano yung nararamdaman ko ngayon na parang mas lumalala kapag tumatagal akong gising.

"Can you rate how much pain you're feeling right now?"

"E-Eight."

Pinaliwanag nung doctor na kailangan kong mainjectionan ng morphine para sa nararamdaman kong kirot para makatulong sa nararamdaman kong kirot.

Kaso magiging high daw ako dahil sa injection.

Para akong nakalma pagkatapos ng ilang oras na pag injection sa akin. Parang hindi man lang ako nakaramdam ng sakit nung na injectionan ako.

"How are you feeling now, bayaw?" nilingon ako ni Klarisse. "Are you still feeling the pain?"

"Oo." sagot ko.

"Really?" 

"Simula nung kinasal ako."

Nagulat yung katabi ko at napangisi na nangungunot ngunot ang noo. 

"I didn't expect to hear that from you." sambit niya. "Ano pa nga ba, you're high." 

"Totoo naman talaga." sagot ko pa. "Tapos nagpakita pa yang Black na yan? Hindi sila bagay ng asawa ko." 

"Right." 

"But he looks handsome though." sambit ko. "Ang pogi niya." 

"The fuck are you talking about, bayaw?" 

"Pogi naman talaga siya." sagot ko. "Nakakalaglag rin ng brief yung lalaking yun."

"Nalalaglag ba yung sa'yo?"

"Lawlaw lang brief ko non." sagot ko. "Hindi dahil gusto ko siya kasi pogi siya."

Narinig ko yung mahinang tawa niya. "I see."

"Pero pogi siya 'no?"

"Stop." napatakip siya ng mukha. "Hate him without adoring his fucking face."

"I don't hate him." 

"Are you sure about that?" 

"Syempre, joke lang." sambit ko. "Love siya ng asawa ko eh. Syempre, ayaw ko sa kaniya." sabay irap ko.

Nakita ko siyang napailing at napangisi. "Fuck, morphine." rinig kong bulong niya. "Since you're high and you can honestly answer my question right now, I'm going to ask you some important things." 

Binuksan niya yung TV at nanonood. "So what are your thoughts about him?"

"Kakasabi ko lang eh."

"Yun na ba yon?"

"Inulit."

"Sure?"

"Pogi nga siya."

"What else?" seryoso niyang tanong.

"Gago siya." sambit ko. Para bang may lumalabas na lang sa bibig ko na hindi ko man lang napag iisapan muna.

Napangisi siya.

"Tarantado siya." dagdag ko pa.

"Indeed." sambit niya.

"Iniwan iwan niya yung asawa ko tapos babalik balik siya ngayon? Tanga ba siya?" inis kong sabi. "Pasalamat siya mahal siya ng asawa ko."

"Funny." seryoso niyang sabi.

"Anong funny?"

"They are funny." iling iling niyang sabi. "And you are funny too."

Tumaas yung kilay ko sa gulat. Bakit ako? Anong ako? "Bakit ako nadamay?"

"You won't say that if you are sane." sambit niya. "You're pretending you're fine but you're really not okay with this idea and this situation."

Napangisi ako. "Well then, I am funny too."

"So," napabuntong hininga niya. "I don't know what really happened kaya ka nandito sa hospital. But I know for sure it's because of my ate."

"Siya naman lagi yung rason." natatawa kong sabi.

Sumeryoso yung mukha niya. May talim yung paningin niya na parang matatakot ko kapag tinignan mo. "What happened?"

"Ito muntik na yatang matigok." sagot ko. "Kaya na-hospital."

"What happened?" ulit niya pa.

"Ito nakaratay na sa hospital bed."

"What happened?"

"Paulit ulit?" mataray kong singhal.

"Because you're not answering my question."

"I am answering your repetitive question." sagot ko. "You're just invalidating my answers."

"I'm looking for a detailed explanation."

 "Hindi mo lang talaga magets yung mga sagot ko."

Napahawak siya sa ulo. "Jesus."

"Uso pala sayo magdasal." ngisi ko.

"I'm not praying, I just called Jesus."

"Para saan?"

"To fetch you and push you down to hell from heaven if you die."

Inirapan ko siya.

"You're a cunt when you're high." mahina niyang sabi pero narinig ko.

"Bumulong ka pa, narinig ko naman."

Malalim siyang huminga.

"So why this thing happened? How?" tanong niya sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko. Kulit ng nenang neto.

"Ang kulit mo rin eh." sambit ko. "Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng hospital."

"She brought you here."

"Sino?"

"Your wife."

Weh?

Talaga?

"Oh," tumango ako. "my lovely wife."

"She called and asked me to go here and take care of you because of some unreasonable reason." sagot niya. "After I found out from Sebun."

Natawa ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Paanong siya yung nagdala sa akin dito? "Siya? Siya yung nagdala sa akin dito?" takhang tanong ko. "Really?"

"Why?"

"Paano nagkapake sa kin yun?" natatawa kong tanong. "Halos patayin na nga niya ako araw araw sa sobrang irita sa akin. Kulang na lang kunin niya na yung kutsilyo tapos gilitan na ko eh."

Natahimik si Klarisse.

"Tapos dinala ako dito sa hospital? That's funny." natatawa kong sabi. "Really funny."

Sumeryoso yung mukha niya.

"Right. You don't deserve everything you went through." sabi niya. "I'm really sorry that this happened to you. You really don't deserve this."

Napailing ako.

Hindi naman ako nanghihingi ng sorry. Nagtatanong lang naman ako kung paano nangyari yun na dinala niya ako sa hospital kasi sobrang imposibleng nagkapake yung babaeng yun sa akin.

Siya nga yung dahilan kung bakit ako na-hospital. Kung hindi niya ako pinababa, hindi ako mahohospital.

Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto pero hindi rin nagtagal dahil tinanong ako ni Klarisse ng mga tanong na hindi ko aakalaing matatanong niya sa akin.

"Have you thought about filing an annulment?" tanong niya. "I am just curious if that crosses your mind." 

Natahimik ako at napaisip. 

It never crosses my mind. But if she asks me to do it, I will. 

"Bayaw?"

Parang bumalik yung utak ko sa reyalidad nung narinig ko siyang tinawag ako. "Are you alright?" 

"Kung magfafile ako, hindi ko na siya makikita." tulala kong nasambit. 

Nakita ko siyang napalabi at parang nalungkot. "If that happens, I don't know how would I feel." sambit niya. "I really want her to be with you for the rest of her life."

"Nagba baka sakali naman ako dati na baka may pag asa since lagi kaming nagkikitang dalawa sa bahay tapos kasal pa." wala sa sariling sabi ko.

Tahimik lang siyang nakikinig.

"Eh ngayon, lalong lumabo yung chance kasi nga naman 'tong Black na 'to, sulpot nang sulpot tila tae na akala mo naflush mo na sa inidiro. Nandiyan pa pala."

"Bakit ayaw mo agawin?" tanong sakin.

"Paano ko aagawin kung yung paningin niya wala sa akin? Yung atensyon niya wala sa akin? Ano gagawin ko? Para lang akong tangang pinepersuade yung pader."

"Exactly."

Natahimik ako dahil gusto ko na manahimik. Si Klarisse, parang maraming iniisip.

"I have a plan."

"Ako rin meron."

"What is your plan?"

"Magpagaling."

Kumunot noo niya. Sinamaan niya ako ng tingin. 

"Bakit parang galit ka?"

"Yeah, that's your plan." sarkastikong sabi niya. "I have a plan. A plan that can make my sister realize—"

"Oops."

 "What?"

"Nagbago na yung kulay ng dextrose ko." naging kulay red na. "Astig."

Tumayo siya at nagmadaling lumabas ng kwarto.

Wala na yata akong dextrose.

May nag ring na cellphone sa tabi ko.

Kay Klarisse. Sino naman 'to?

"Klarisse!" sigaw ko. "May tawag ka."

Hindi na ako nakapag intay at kinuha ko na yung cellphone niya sa lamesa.

"Wow." sambit ko nung nakita ko kung sino yung tumatawag. "My lovely wife."

Kasalanan mo kung bakit ako nagkakalyo sa paa. Ang layo ng nilakad ko tapos mabubugbog lang ako pag uwi. 

Nilapat ko sa tenga ko yung cellphone pagkasagot ko. Hindi ako nagsalita at inantay siyang mauna magsalita.

"Update." maawtoridad kong rinig sa boses niya. Anong update? 

"Klarisse, I want to know how is he." sambit niya. "Speak up or I'll shove your fucking ass."

Natawa ako nang mahina. "Ayos lang naman ako, asawa ko." sagot ko. "Mas maayos sana kung hindi ako na-hospital."

Nag antay ako ng sasabihin niya pero wala man lang akong narinig na kahit na anong salita galing sa kaniya. 

Bakit bigla naman yatang nanahimik at hindi makaimik 'tong nasa linya?

"Ikaw? Kumusta? Inaayos mo na ba yung annulment natin?"

Hindi parin ako nakarinig ng sagot.

"Hindi pa?"

Wala parin siyang sagot.

"Sana good news sa'yo na buhay ako. Kung bad news sa'yo, pasensya na ha. Try kong mamatay sa susunod ha? Para wala ka ng problema." sambit ko. "Try ko next time mamatay."

Narinig kong binaba niya na yung call.

"Who called?" tanong ni Klarisse na may kasama ng nurse.

Inayos ng nurse yung dextrose kasi wala ng laman. Tinatanong ako ng nurse kung kumusta ako at sinasabi niya sa akin kung anong gagawin niya.

"Kapatid mo." sagot ko habang kinakabitan ako.

Nanlaki yung mata niya. "What did you say?"

"Stuff."

"Like?"

"Sabi ko lang okay lang ako pero mas okay kung wala ako dito sa hospital."

Nagkatitigan kami ng nurse. "Diba tama naman ako, nurse?"

Ngumisi si Klarisse. "That's great. You said the right thing." sabi niya. "It's kinda good that you're high on morphine."

Nagpaalam na yung nurse na tapos na siya at umalis na. 

"Hindi naman siya umimik pagkatapos."

"It's because she's guilty." sabi niya. "What else?"

"Sabi ko, try ko mamatay next time."

Hindi siya nakasagot agad. Parang nangangapa pa siya kung anong sasabihin niya. "O-Ohh."

"Tapos binaba niya na." sabay ngiti ko.

Napakamot siya ng ulo.

"You still don't like to talk about what happened?"

Pinanliitan ko siya ng mata. I can't believe her. I already answered her question earlier.

"Sinagot naman na kita ha."

"That's not the detailed answer."

Sumimangot ako. "Parang timang naman 'to si Klarisse." sambit ko.

Nanlaki yung mata niya na parang nagulat sa akin. Bakit naman? "What did you say?"

"Narinig mo yung sinabi ko."

Napairap siya at napailing. "Okay, I won't try to convince you on speaking up about it." sabi niya.

"Ito na nga." napakamot ako sa ulo ko. Huminga ako nang malalim bago ako magsalita. "Hinatid ko silang dalawa ni Brie. Si Brie kasi ang alam niya, helper or driver or cooker ako ng kapatid mo. Kaya nagpaka driver ako at hinatid sila."

"She didn't know that you're married to her."

"Yes." sagot ko. "Uminit ulo ng ate mo nung binaba namin si Brie."

"Why?"

Nagkibit balikat ako. I also don't know why. "Ewan ko."

"No, there's a reason why." iling niya. Hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Malay ko kung ano yun."

"Anong ginawa ni Brie sa loob ng kotse?"

"Nakipagdaldalan samin." sagot ko.

"About?"

"Puro tanong tungkol sa akin tapos may mga joke siya na hindi ko magets." sabi ko.

"And?"

"Tapos nung bumaba siya, binigyan niya ako ng address saka number niya. Punta daw ako sa condo niya kapag may time ako."

Hindi siya sumagot. Nagkatitigan kami, parang may iniisip siya na siya lang ang nakakaalam. "Why?"

Napapangisi siya na parang hindi makapaniwala. 

"What?" takha kong tanong ulit.

"Nothing." 

"Parang may iniisip ka." sagot ko.

"I do." sagot niya. 

"I'm saying the truth." sabi ko dahil parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Parang pakiramdam ko, iniisip niya na nag sisinungaling ako.

Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"I know."

"Then why are you like that?"

"Like what?"

"Like parang may nangyaring something?" sabi ko. "Like parang I lied."

"No." ngumiti siya at umiling. "What else happened?"

"Yun lang naman yung nangyari."

"What did Brie do before siya makalabas ng kotse?"

"Uhm. . ." napatingala ako at nag isip. "Ah! She kissed me." kaswal na sabi ko. "Sa cheeks."

Nanlaki yung mata niya. "Right before siyang makalabas?"

"Yes." sagot ko. "Doon na nag init yung ulo ng ate mo nang malala." sabi ko. "Gugulat na lang ako bigla na lang nag init yung ulo niya."

Napangisi siya. "I. . .see." sabi niya habang may malalim na iniisip.

"Tutuloy ko pa ba?"

"Yeah, go on."

"Mukhang hindi ka na makikinig eh."

"How can you say that?"

"Ang lalim kaya ng iniisip mo."

"I'm just. . . .figuring out something." sabi niya. "While listening to you."

"Muntik na ko makabangga ng pusa kaya mas lalong nag init yung ulo ng kapatid mo. Pinababa niya ako sa gasoline station tapos yun, naglakad na ko pauwi."

Tumaas yung kilay niya. "Hindi uso sa'yo mag jeep or bus?"

"I don't have my wallet nor my cellphone." sagot ko. "Na sinira mo." diin ko.

"Right, I'm sorry about your phone."

"Kung hindi dahil sa'yo, buhay pa sana sims ko ngayon."

"Yep."

"Ang tagal ko na yung cellphone tapos—"

"Okay, shut up. I know I'm wrong so stop."

Napairap ako. "Tuloy mo yung kwento."

"Meron pa ba?"

"Meron pa. Ituloy mo lang."

Napakamot ako sa ulo. "Okay na yung nakwento ko."

"No, I wanna know more."

"Fine." sambit ko na masama yung loob. "Pagkatapos kong maglakad, gabi na. Umakyat ako ng bahay kasi pagdating ko doon, wala yung susi."

"And?"

"I got caught and beat up." natutulala kong sabi. "They keep punching and kicking me without hearing my explanation."

Natahimik siya.

"Yung itsura ko nung bago nila ako binugbog, mukhang hindi talaga mapagkakatiwalaan dahil sa sobrang layo ng nilakad ko. Ang dusing ko na kaya pagdating."

Malalim siyang huminga. "She's starting. . . ."

"Starting?" takhang tanong ko. "Starting to be a devil?"

"It's not what I want to say but yeah, you have a point."

Nanood na lang kami ni Klarisse ng TV habang nananahimik.

"You're a good guy." rinig ko habang nanonood kami nang tahimik.

Nabaling yung atensyon ko kay Klarisse. Ano daw? Good guy?

"Ano?"

"You heard it."

"Oo, narinig ko." sagot ko. "Ako ba?"

"May nakikita ka pa bang iba dito?"

"Malay ko ba kung yung TV o ako yung kausap mo. Malay mo, si Michael Scofield pala yung sinasabihan mong good guy. Eh totoo naman." nanonood kaming prison break sa netflix, yung bida kasi doon, mabait, matalino tapos gagawin niya lahat ng makakaya niya para sa kapatid niya.

"Kanina mo pa ako binabara." seryosong sambit ni Klarisse.

"Akala mo lang."

"Binabawi ko na gusto ko yung ganitong high ka." sabi niya.

"Hindi ko na yun problema."

"See?" nananakot yung paningin niya. "Binabawi ko na rin na you're a good guy."

Tumahimik na lang ako at nanood ng TV.

"But really, you're a good guy." sinserong sabi niya sa akin. "You're the nicest person I ever met."

Tinignan ko siya. Hindi nakaimik.

"I like you for my ate because you love her. You love her in a way you'll give up your happiness just for her own happiness."

Nagkibit balikat ako. "You know I can't deny how much I love her." sabi ko. "Even though this pain keeps on giving me headaches, stitches, and bruises, I'm still doing my best to make her happy. Kahit na ba si poging Black yang happiness na yan."

"I hate Black."

"Who even likes him?"

"My sister."

Natahimik ako at inirapan si Klarisse. 

"I wanna punch him so bad until he dies but my doctor told me to avoid stressing myself for my own sake." paliwanag niya. "So I have no choice but to be calm right now kahit nanggagalaiti ako even if I just hear his name." sambit niya. 

"But if this is too much for you to handle, learn to walk away." sabi niya. 

"With your sister beside me? That's impossible." sabi ko. "But I can take care of myself."

Hangga't kaya ko, dito lang ako. Kahit na mawalan na ako ng isa sa parte ng katawan ko.

Kung kaya ko pa, dito lang ako sa tabi ng asawa ko.

Huwag ko lang silang makitang dalawa ni Black na magkasama sa mga susunod dahil sobrang inis talaga ako ngayon sa nangyari. 

Paano pa kaya 'no kapag nadagdagan na ng sobrang pagseselos ko?

"Mahone is so genius." wala sa sarili niyang nasabi. Nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa series na prison break habang nanonood. We really like this series so much.

Narinig namin yung katok ng pinto.

Si Uno.

Ito yung nagtatrabahong kaibigan ko dito sa hospital na nagjajanitor.

"Kumusta?" nakaipit lang yung mukha niya sa pinto. Hindi pumapasok ng kwarto.

"Bakit hindi ka pumapasok ng kwarto?" tanong ko sa kaniyang nagtatakha.

"Duty." tipid niyang sabi. Seryoso yung mukha. "May nakasalubong ako."

"Eh ano?"

"Si Amber." sabi niya. "Pati si. . .ano. . .Nandito sila. Nandito sila sa tabi ko."

Nagtitigan kaming dalawa ni Klarisse.

"Tinanong ako ng asaw—ni Amber kung saan yung kwarto mo kaya sinamahan ko na sila."

Binuksan nang mas malaki ni Uno yung pinto. Nakita ko yung katabi niya, si Black at si Amber.

Kumunot yung noo ko.

Anong ginagawa nila dito? Kakasabi ko lang na ayaw ko sila ngayong makita!

"Bisitahin ulit kita, Eleven. Kapag tapos na ako sa duty." paalam ni Uno.

Parang may tension sa loob ng kwarto nung pagkadating nilang dalawa. Hindi kami makaimik ni Klarisse.

Magkahawak pa sila ng kamay. 

Parang walang ka ide ideya si Black sa tension na namumuo sa loob ng kwarto. Nakangiti lang siya na may hawak ng prutas at bulaklak. "Hey." nginitian niya ako habang ako ay nakabusangot pa rin.

"What the fuck are you two doing here?" hindi mapigilan ni Klarisse na magtanong nang pabalang na may inis.

"We're just here to visit Eleven." nakangiting sabi ni Black. "Namention ni Amber na pupunta siya dito so sumama—"

"Ngayon pa lang sana inaayos mo na yung desisyon mo sa buhay, Stanford."

Natahimik siya at parang nanigas sa kinatatayuan niya. "Eh?" wala siyang maintindihan.

"Hindi ka na sana sumama." nagbida bidang naman kasing sumama. Hay nako.

"I'm sorry but I just want to pay a visit because I know him already. Nung narinig ko na naka confine siya—"

"We didn't ask." inis na sabi ni Klarisse. "You, cunt." tingin niya sa ate niya. "You shouldn't let your boyfriend come. Sa sobrang inis ko ngayon, pwede ko na rin siyang gawing pasyente."

Hindi parin nagsasalita ngayon si Amber.

Nagtama yung paningin naming dalawa ni Amber. Nagugulat ako ngayon dahil nasanay ako na hindi ganito yung pinapakita niyang ekspresyon. Blangko lang dati.

Ngayon, nakikita ko at nararamdaman ko yung emosyon sa mga mata niya.

Ako. . . .ngayon, nag iinit yung ulo ko. Marami akong nararamdaman ngayong sakit sa katawan ko, marami akong iniisip at ngayon naman selos naman.

Nakikita ko pa lang ngayon yung physical affection nila sa isa't isa, kumikirot na yung puso ko.

Parang kailangan ko pa yata ng isa pang injection ng morphine para hindi ko muna maramdaman yung sakit ngayon sa puso ko.

"I don't know why you're so upset with me." awkward na ngumiti si Black kay Klarisse. "I am already forgiven by your sister, I hope you can forgive me too."

Naramdaman ko yung inis ni Klarisse. "Because I am not blind, Stanford. I am not blind para patawarin ka sa mga ginawa mo at ginagawa mo."

"W-What?"

"And you," baling ni Klarisse sa kapatid niya. "You cunt."

Tahimik lang si Amber na pinapakinggan yung kapatid niya.

"You're fucking evil." singhal niya.

"Klarisse," tawag ni Black. "I hope you stop saying that to your older sister. Please have some respect."

"She doesn't deserve any of my respect." matalim na sagot niya.

Hindi ako nagsasalita. Hinahayaan ko lang sila.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong makinig at manood ng away ngayon.

"Klarisse." tawag ni Amber. "Stop."

"No, you stop!" sigaw naman ni Klarisse. Hinawakan ko yung braso niya pero tinanggal niya nang padabog.

"Huwag mo naman sanang masamain yung pagpunta namin dito." kalmadong sabi ni Black.

Paanong hindi mamasamain? Para niyo nga akong iniinggit dito habang nakaratay ako sa kama ng hospital. Imbes na mamatay ako sa mga natamo kong mga sugat at pasa o kung ano mang internal bleeding, mas mamamatay pa ako dito sa selos.

"Walang magandang purpose yung pagpunta niyo dito." rinig kong response ni Klarisse. "Itapon niyo na lang yang mga dinala niyong bulaklak at prutas, hindi namin tatanggapin yan."

Sana yung dinala niyo na lang na bulaklak, yung pampatay.

"Eleven." tawag sa akin ni Black na kinataas ko ng kilay. "Look, we didn't intend to make a scene here. I'm sorry but we don't have any harmful intentions."

"Okay." tipid kong sagot. Naramdaman ko naman yung paningin ni Amber sa akin kaya sinalubong ko yung paningin niya.

"You wanna say something?" tanong ko nang hindi kumukurap kay Amber. "In my broken face?"

"I-I hope you're doing alright."

Natawa ako nang mahina. "Okay." lintek na yang sana okay lang ako. Mukha ba akong okay?

"He's on drugs." sabi ni Klarisse. "Because he's in pain."

"I am." nakangiti kong sambit. 

Nakakita ako ng emosyon kay Amber na para bang naawa siya sa akin at nalulungkot sa nakikita niya. 

"If you don't like to hear him being blunt and honest today. . . .go." sabi ni Klarisse. "Save your lives." matalim na tumitig si Klarisse kay Amber.

Natahimik silang lahat. "We should go." sabi ni Amber.

"Why? Just because he's on drugs? We're here for him." kontra ni Black.

"No, we should go." sambit ni Amber. "Let's leave them alone if that will make them comfortable."

Walang nagawa si Black. "We're sorry. I hope you'll get well soonest, Eleven."

"Magpagaling ka." mahinang sabi ni Amber. Parang nahihiya yung boses pero narinig ko padin.

"Bye." nakangiti kong sabi. "Have a good life."

Iiwan na sana nila yung mga dala nilang bulaklak at mga prutas nang sabihan sila ni Klarisse na dalhin nila pauwi yung mga dala nila. "We don't need it."

"Klarisse—"

"Just take it!" riin na sabi ni Klarisse.

Umalis na silang dalawa habang kaming dalawa ngayon ni Klarisse ay naiwan dito sa kwartong parang walang nangyari.

"You alright?" tanong niya sa akin.

"Tinatanong mo ako niyan habang nakaratay ako dito sa kama ng hospital?" biro kong tanong.

"I'm sorry about that."

"Let's just watch prison break." sabi ko na lang. "Mas importante sakin itong prison break kaysa kung sino pa man."

Habang nanonood ako, nararamdaman kong nag iinit yung mata ko. May gustong makawalang luha.

Ano ba 'tong buhay na pinasok ko? 

What did I marry into? 


Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 291 12
Isang babaeng ginayuma ng isang chef na binabae.
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
191 69 26
Serye Bahaghari #2: Therlyn Ruiz is a patience individual, sweet and caring partner to Valerie "Val" Nepucemo. On the other hand, Val is loving, ki...
4.7K 182 52
Storya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo...