my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 13

222 17 4
By unicachicca

Eleven.

"I love you." matamis niyang sambit habang nakangiting nakahawak yung dalawang kamay sa pisngi ko.

Hindi ko akalain na makikita ko yung ganitong klaseng ngiti niya sa akin. Nakakataba ng puso.

"Mas mahal kita, asawa ko." nakangiti ko namang tugon sa kaniya. Hinawakan ko rin yung pisngi niya na napaka lambot. Magkalapit yung mukha naming dalawa. Mas nabibigyan ako ng pagkakataon na masilayan yung angking ganda niya. 

Ang tamis ng mga sinabi niya. Yung kilig ko, hindi ko masukat.

Napakaganda ng asawa ko.

Hinawakan niya yung batok ko at unti unti niyang nilalapit yung mukha niya sa akin. 

Hahalikan ako. Hahalikan niya na ako.

"I love you more, Black." naramdaman ko yung mga labi niya sa labi ko kasabay ng kirot sa narinig kong pangalan—nakng. Ano 'tong—.

Naidilat ko yung mata ko.

"Putek." napakapit ako sa unan nang maramdaman ko yung dila ng aso sa mukha ko. Paulit ulit niyang dinidilaan yung mukha ko sa iba't ibang parte. 

Anak ng—SAAN GALING ITONG MALIIT NA ASO?

Sobrang tagal ko na bang tulog at nagkaroon na ng aso sa pamamahay namin?

Pilit kong nilalayo yung mukha ko pero hindi parin siya natigil sa pagdila sa mukha ko. Nakapatong pa siya sa dibdib ko. Nakng.

Ano ba naman 'tong asong 'to!

Baka kagatin ako sa mukha! Tigilan na niya naman ito. Pakiusap.

Hindi talaga ako safe sa aso. Marami akong memorya ng mga aso na hindi friendly sa akin.

Itong nandidila sa akin, baka iniisip niya pa kung lalapain niya ako o hindi. Sigurado ako!

"Tama na. . .tama na. Nakng!" hindi ko siya mahawakan dahil natatakot ako baka kagatin niya yung kamay ko kapag sinimulan kong hawakan yung katawan niya. 

"Bad dog! Bad dog!" singhal ko pero tuloy parin siyang mandila sa mukha ko. 

Kailan pa nagka aso sa bahay? Paano—Anong nangyari at may nakapasok dito na aso? Nakng. 

"Eve!" gulat ko nung may narinig akong boses na hindi pamilyar.

Naramdaman kong lumundag paalis sa dibdib ko yung aso.

Kahit kailan talaga, hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam kapag mayroong aso na lumalapit sa akin o 'di kaya may ginagawang kung ano ano.

Mga ilang minuto pa nung mapagtanto kong hindi ako nakatulog sa sarili kong kwarto.

Nasa sala ako sa sofa.

Hindi na ako nakapag toothbrush at nakaligo kagabi. Nakng.

Iba talaga kapag pagod ka talaga. Hindi na importante yung ligo, tulog yung pinaka magic.

Yung aso na nandila sa akin, nilalaro na siya nung hindi pamilyar na babae.

Mukha namang mabait at malambing yung aso.

May takot lang talaga ako.

Tinignan ko yung babae. Naka dress siya na pula, mestisa, matangos ang ilong, mahaba ang buhok at mukhang koreana. Babaeng babae. Maganda siya. 

Napaupo ako. Nag ayos ako ng buhok at nagtanggal ng muta. Inayos ko narin yung buhok ko. 

Wala pa ako sa hulog. Nakng.

"Uh. . .hello?" hindi ko siguradong sambit. Akala ko talaga nasa ibang bahay ako nakatulog dahil hindi pamilyar yung hinigaan ko, yung aso, at yung babaeng nasa harap ko ngayon. 

"Sorry about my dog," nakangiti siyang lumingon sa akin. "Habit niya na kasing manggising ng tao kapag gusto niyang makipaglato." 

Ngumiti ako. "I see." 

"I'm Brie, by the way." nakangiti parin siya sa akin. 

"You're here for?" 

"I'm here for my friend." sagot niya sa akin. "Which is confusing since I know she leaves alone." nakakunot yung noo niya na nakangiti parin. 

Kumabog yung dibdib ko. "Uh. . .ano. . ." ano ba pwede kong idahilan? Ang alam ko hindi dapat pwedeng malaman ng sino na may asawa siyang kasama sa bahay dito. 

"Are you her boyfriend?" 

Mabilis akong umiling. "No. .No!" sagot ko. "You got the wrong idea." ano ba pwede kong sabihin sa kaniya na convincing? "G-Good morning pala! I need to go the bathroom. Mabilis lang."

"O. .kay."

Nag excuse ako lalo na't hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang malala pa, kagigising ko lang. Wala pang toothbrush at walang ligo. Kailangan kong makipag usap ng maayos ako pati yung utak ko. 

Wala na sana akong balak lumabas ng kwarto at antayin na lang sana siya makaalis, pero yung aso yung makulit. Buti na lang nakapag ayos na ako ng sarili bago pa mabuksan nung aso yung pinto at makapasok sa kwarto ko. 

Kinukulit niya talaga ako.

"Senshi! Bad dog!" pumasok yung amo niya sa kwarto ko para sundan yung aso.

Nakahinga ako nang maluwag nung binuhat na siya ng amo niya. "I'm sorry about my dog." sambit niya. "She just really likes to play with you." natatawa niyang sabi. "I think she really likes you."

Ngumiti ako. "It's okay." sagot ko. "Medyo may takot lang sa aso kaya hindi ko siya mahawakan."

Napanguso siya. 

"But she's cute though." bawi ko naman.

"Is she?"

"Yes."

"Try to pat her. Hindi naman siya nangangaggat."

Napalunok ako. "W-What?"

"Pat her."

"Uh. . ."

"Just try."

"O. . .kay." napapalunok ako. Halos mapapikit ako sa takot na hawakan yung aso sa ulo. Narelax naman ako kahit papaano dahil hindi naman siya nangangaggat habang hinahawakan ko siya. "Good dog."

"I'm sorry about my dog, pumasok na lang dito nang walang paalam." natatawa niyang sabi.  

"Buti na lang nakabihis na ako." sabi ko.

"Sana hindi pa." bulong niya nang nakangiti.

"Mmh?" tanong ko. Hindi ko narinig yung sinabi niya nang maigi. 

Tumawa lang siya. "Is this your room?"

Hindi ako makasagot. Pwede ko bang sabihin na may kwarto ako dito? 

"Uh. . .oo." napabuntong hininga ako. Bahala na. 

"You have a clean room." nilibot niya yung paningin niya sa paligid ng kwarto ko. Manghang mangha yung reaksyon niya.

"It's so clean." sambit niya.

"Talaga?"

"Yes." malawak niyang ngiti. "Ikaw naglilinis dito?"

"Oo naman." sagot ko uli. "Ayaw ko ng may ibang naglilinis. Atsaka ayaw ko talaga ng makalat yung kwarto ko. Kahit kaunting kalat lang, naglilinis na ako."

"That's nice to hear." sambit niya nang nag iba yung tono ng boses. Parang lumiit na cute. "You're cute by the way."

Kumunot yung noo ko. Cute? "Saan?"

"I'm just impressed that you're keeping your room clean." sagot niya. 

"Uh. . .normal lang naman yun? Atsaka responsibilidad kong maglinis sa sarili kong kwarto." biro ko at napakamot ng ulo. Wala namang cute don, normal lang dapat yun na marunong akong maglinis ng sarili kong kwarto. 

"No, it's just so rare to hear a man likes to clean his room." paliwanag niya. "I can't even see something unorganized. Even dust. Wow." napalibot siya sa buong kwarto ko. 

"You're also reading books." 

"Uh. . .yes."

"And I love the scent of your room."

"Uhh. . .thanks?"

Napatigil siya sa kama ko. Nakatingin siya doon nang matagal. 

"W-Why?"

"Nothing." napalingon siya sa akin. "Parang nagtatawag yung kama mo sa sobrang linis. Wala akong makitang dumi or kahit na anong kusot. Sobrang puti."

Nahihiya akong napangiti. 

"Have you ever had someone sleep with you here?"

"Ha?"

Natawa siya. "I'm just kidding." sambit niya. "You're really cute." ngiti niyang puri sa akin.

Napakamot ako sa ulo ko at awkward na tumawa. Hindi ako sanay na pinupuri ako.

"Pwede bang ikaw na rin yung maglinis ng kwarto ko?" kumikinang yung mata niyang nagtanong.

"Eh?"

"You know, it's a little messy." paliwanag niya.

Napaka basic na lang maglinis lalo na at unti lang yung kalat, teh.

"And it will get messier kapag nagsama tayong dalawa sa iisang kwarto."

Hindi ako nakasagot.

Dinamay niya pa ako kung siya lang naman talaga yung makalat sa aming dalawa.

Awkward akong nakitawa sa kaniya.

"Bakit natutulog ka sa sofa kung ganito naman kalinis yung kwarto mo?"

"Hindi na ko nakabangon kagabi sa sobrang antok." sagot ko. "Buti na lang hindi ako naabutan ni Madam Amber." sarkastiko kong pagkasabi sa Madam Amber. 

Siguradong hindi niya ako pagbibigyan na matulog sa sofa.

Inappropriate nga naman para sa akin na matulog sa sofa kung meron naman akong sariling kwarto. Hindi naman kasi yun tulugan.

"What work do you do here?" tanong niya sa akin.

"Ha? Work?" nagtakha ako. Nanlaki yung mata ko dahil naintindihan ko yung sinabi niya. 

Tinawag ko nga palang Madam si Amber. "Actually. . . ."

"What the fuck are you doing there?" kumabog yung dibdib kong napatingin sa nagsalita.

Halatang inis yung boses ng asawa ko.

"G-Goodmorning." bati ko. 

"What is she doing there?" mariin niyang tanong.

"Uhh—"

"Come on, Amber. We're not having sex so stop getting mad."

"What are you doing there?" tanong niya kay Brie.

"My dog is sneaky. She went to his room so I followed her. She might break something inside kaya sinundan ko siya."

Inutusan siyang lumabas ni Amber. Pagkalabas nila ng kwarto, nakita kong lumingon sa akin si Brie at kinindatan ako.

Anong. . .bakit. . .anong meron?

"Don't you ever go there again." rinig kong utos niya kay Brie na kahit mainahon, may awtoridad.

"Why? Is that a forbidden room?" sarkastikong tanong ni Brie.

"You don't know him."

"How could I know him if you don't even tell me who he is in the first place? When I went here last time, wala naman akong nakitang pagmumukha niya and you told me you're living alone. Is he your boyfriend?"

"No." mabilis niyang sagot.

"Is he your cousin?"

"No."

"Is he part of your family?"

"No."

"Then who is he?"

Kaya mo na bang sabihin asawa mo ako?

Tinignan niya ako nang may blangkong tingin. "He's a helper."

Helper? Ako? Helper? Helper na ako ngayon? 

Kunot noo niyang takha. "Helper?"

"Driver." 

Driver? Driver naman na ako ngayon?

"Driver?" takhang tanong ulit ni Brie.

"House keeper."

Napanganga ako. All around worker ba ako dito? 

"House keeper?" takhang tanong niya.

"And. . .Helper." 

"Helper ulit?"

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi talaga siya marunong magsinungaling.

Itatanggi na nga lang niya ako, mali mali pa.

"How did you let him live here?" takhang tanong niya.

"It's not safe for me to live alone." mainahon niyang sagot. "So I need someone who can make me feel secure."

Nagulat ako sa narinig ko. Parang lumundag yung puso ko sa  sinabi niya. Nakng.

Simpleng salita lang pero napapangiti niya na ako.

At least, alam kong may nagagawa naman akong tama dito sa pamamahay na 'to.

Natahimik si Brie. Maraming gumugulo sa utak niya dahil halata mong marami siyang tanong. Dudang duda at hindi makapaniwala sa mga naririnig niya sa ming dalawa. 

"You never trust a man, unless it's Black and your father." sambit niya. "That's why I'm kinda confused here, Amber. And I know you're loyal to Black." 

"He's okay." sambit niya. "He can be trusted."

Nakagat ko yung itaas ng labi ko. She said, I'm okay. She said I can be trusted.

Nilingon ulit ako ni Brie. Ngumiti.

Dumapo yung paningin ko sa asawa ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "What?" irita niyang tanong.

"N-Nothing." naiwas ko yung paningin ko.

"Are you single?" biglang tanong sa akin ni Brie.

"Huh?"

"Single ka ba?"

"Ah. . .ano eh. . ."

"Breakfast!" napakilos ako bigla nung medyo sumigaw si Amber. Nag uutos na siyang gumawa ako ng breakfast.

"And he can cook?" rinig kong tanong ni Brie habang busy ako dito sa pagprepare ng kawali.

"Anong gusto mong lutuin ko, Ma'am?" tanong ko kay Madam.

Hindi niya ako sinagot. Seryoso lang siyang nakipagtitigan sa akin.

Hindi ba ako makakakuha ng sagot sa'yo?

Pumili na lang ako ng uulamin nila. "Not that one." rinig kong reklamo ni Madam Amber.

Eh sana naman kasi nagsasalita ka, asawa ko.

"Ano nga po yung gusto niyo, Madam?" sarkastiko kong tanong.

"Just hotdog and egg." sa wakas! Sumagot rin. Nakng.

"Yes, madam." nagmadali akong kinuha yung itlog at hotdog sa ref. Inantay ko munang madefroze yung hotdog kaya ang inuna ko, itlog.

Nag isip ako ng pwedeng gawin sa itlog. Hindi kasi ako yung mahilig sa simpleng lutong sunny side up o scrambled egg.

Gusto ko maging creative sa pagluto ng itlog.

Nilapitan ako ni Brie. "Akala ko magluluto ka lang ng sunny side-up."

"Gutom ka na ba?" tanong ko. "Saglit na lang."

"Just sit down, Brie."

Akala ko susunod na siya sa utos ng asawa ko.

Hindi niya lang pinansin.

"Hot."

"Yes, mainit talaga dito kaya umupo ka na daw." ngiti kong sabi kay Brie.

"I said you're hot."

Eh?

"Maglalandian na lang ba kayo? Right in front of my face?"

"Why not?" napahalukipkip si Brie at umupo sa dining chair.

"Don't flirt with him." rinig kong usap nila.

Napalingon ako at tumama yung paningin ko sa asawa ko habang binabaliktad ko yung itlog nang hindi tinitignan.

"Nagpapakitang gilas ka ba sa bitch mo?"

"Ano?" takha kong tanong.

"You called me bitch?" tanong ni Brie.

"Yeah, a bitch."

Natawa si Brie. "I get it."

"You don't have to be overprotective of me, Amber. I'm not a kid anymore." sabi niya. "I really like him, he's really hot. A really hot helper."

"You just met him."

"But you're trusting him to live here in your house. It's rare that you trust someone with a penis."

"You just met him." riin niyang ulit.

"So?" natawa siya.

"Just don't flirt with him."

Nakita ko lang na napangisi si Brie.

"What's wrong with you? Dati naman hindi mo ako pinapakialaman."

Hindi sumagot si Amber.

"Mas lalo tuloy akong ginaganahang harutin siya."

"Brie."

"The more you're forbidding me not to do it, the more I wanna do it."

"Luto na." Inilipat ko yung ulam sa walang laman na plato.

Inilapag ko yung itlog sa harapan nila habang seryoso silang nagtititigan.

Pasalit salit ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi parin sila humihinto sa seryosong tingin nila.

"Nakng." nagulat ako bigla sa aso na naman. Tumatalon sa tuhod ko na parang nanghihingi ng atensyon.

"He doesn't like dogs."

"He will like dogs." sabi niya. "And Eve likes him."

"He's my helper."

"I can make him my helper too."

Tumalikod na ako nung nakita ko na sa mukha ni Amber na naiinis na talaga siya.

Nagpakabusy na lang ako sa pagluluto at hindi na sila pinakinggan.

Pagtapos kong magluto, pinalayas ako ni Amber sa harap nila dahil mas lalo daw siyang naiinis kapag nakikita niya yung pagmumukha ko.

Kaya heto ako ngayon, nanonood na lang sa sala habang kumakain sila. Inaaya ako ni Brie na kumain sa tabi niya pero wala rin siyang nagawa dahil masyadong mainit yung ulo ngayon ni Amber.

Hindi yata maganda yung gising.

"Hey." lingon ko kay Brie na nakapatong yung mukha sa kamay niyang nakatungkod sa lamesa. "I didn't got the chance to ask your name."

"See? You don't even know him."

"That's why I'm asking."

"It's Eleven."

"Your full name."

"Christopher Eleven—"

"Just call him a dick."

Tinignan ko yung asawa ko, parang uusok yung tenga at ilong sa inis. "Both of you, stop talking."

Napanguso ako. May sama yata ng loob sakin 'tong asawa ko. Gusto pang patawagin akong tite.

"I'll call you Chris then."

Wow. Ang ganda pala pakinggan nung Chris. "Sure."

"What a fucking dick." rinig kong bulong ni Amber. "Nyenyenye."

Tinignan siya ni Brie. "You're acting really weird."

Dumapo yung paningin ni Amber sa akin. Matalas yung tingin kaya napaiwas ako ng tingin. Nakng. Parang may nagawa na naman akong malaking kasalanan ngayon.

Mahirap na, baka makapatay pa siya sa pagtitig lang sa akin.

"What are you watching?" tumayo si Brie at tumabi sa akin, nakinood.

Awtomatiko akong napatingin kay Amber na ang sama sama ng tingin sa akin. Pinanlalakihan niya ako ng mata at inuutusang lumayo sa katabi ko ngayon. 

Umusog ako ng kaunti pero umusog rin yung katabi ko palapit sa akin. Ano ba yan. 

"What are you watching?" tanong niya ulit sa akin. 

"Uhm. . .ano. . .Tom and jerry."

Natawa siya. "Really?"

"G-Ganun talaga kapag umaga, puro cartoons yung mga palabas sa TV."

"Well we can find another channel to watch—"

"ELEVEN." Mabilis akong napatayo sa narinig kong boses.

"Y-Yes?" lumapit ako kung saan siya naroon.

"May trabaho ka pa dito."

Tapos na nga pala silang kumain. Nalibang ako sa pinanood ko.

"He can clean it later, we're trying to watch something here." sabat ni Brie.

"Clean." utos niya ulit. Hindi pinakinggan si Brie.

Siya yung lumapit ngayon sa pwesto ko kanina at umupo. Tinabihan niya si Brie.

"You're so killjoy."

"You're not his boss." pinatay ng asawa ko yung TV. "Pag usapan na natin yung pinunta mo dito habang hindi pa ako pumapasok sa trabaho."

Tinignan ko yung asawa ko. Hindi siya nakikipag biruan talaga ngayon. 

"Agad?"

"I don't have enough time para makipag chikahan pa sa'yo nang matagal."

"Okay." sagot ni Brie. "So yun nga, I'm trying to propose something on the company that I am working with."

Nakikinig ako sa pinag uusapan nila at nakakaintindi habang naglilinis ng pinagkainan at pinaglutuan. Gusto ko sanang mag suggest ng mga pwedeng idagdag sa proposal niya pero baka magtakha naman siya kung bakit helper ako dito tapos may ganun akong idea.

I won't let my wife down, no. Kung sinabi niyang helper ako, helper ako dito. I won't blow my cover.

Ayaw naman niyang i-admit na mag asawa kami sa papel. Edi hindi.

Basta kung saan siya kumportableng sitwasyon. Sinakal na nga siya sa ganitong sitwasyon eh. Kaya ang maitutulong ko sa kaniya, yung mga gusto niyang mangyari ay susundin ko.

Nagprepare na silang dalawa. Mukhang aalis na sila. Oras na ng alis ng asawa ko.

"Ingat kayo."

"Ingat?" takhang tanong sakin ni Brie. "You're coming with us, Chris." ngiting sabi ni Brie.

Takha kong tanong. "Ha?" awkward kong ngiti.

"Come on, don't you forget you're also a driver?"

Tinignan ko si Amber. So ipagdadrive ko kayo?

"Bilis." napakilos ako bigla. Nauunang maglakad palabas si Brie kaya binulungan ko si Amber.

"Kailangan ko ba talagang maging driver ninyo?"

"You're obliged to." marahas niyang binigay sa akin yung susi.

Napakamot ako sa ulo ko. Gusto ko pang bumalik sa tulog at makakain ng almusal.

Dumapo yung paningin sa akin ni Brie at kinditan akong nakangiti.

---

"This is my seat." maawtoridad na sabi ni Amber.

Pinag aagawan nilang dalawa yung passenger seat sa harapan. Sa tabi ng driver.

"Let me have your seat tutal lagi ka naman diyan nakaupo, 'di ba?"

Halos mabaliw ako sa pag aaway nilang dalawa.

"I'm late on my work, if you don't like to sit in the back seat, you can start walking now dahil hindi ka namin ihahatid sa trabaho mo."

"No!"

"Brie." natigilan sila sa pag aagawan nila. "Okay naman siguro kung sa likod ka na lang?" mainahon kong sabi sa kaniya. "Ayaw kasi ni Ma'am Amber sa likod eh. Pasensya ka na."

"But I want to sit beside you."

"Maybe. . .next time?" pang uuto ko na walang kasiguraduhan na nakakakumbinsi.

"Stop flirting with her."

"Hindi kaya." sagot ko naman sa asawa ko.

"This is my seat. Umpisahan mo ng umupo sa likod kung ayaw mong maiwan."

"Fine." nakipag areglo na rin sa wakas.

Binuksan ko yung pinto ni Amber bilang trabaho ko naman ngayon dahil Madam siya sa araw na 'to. Well, madam naman talaga siya simula nung kinasal kami pero extrang Madam siya ngayon.

Pagkapasok niya, isasara ko na dapat pero naunahan niya akong isara yung pinto niya.

"Oh my God!"

"Aw!" napakagat ako sa labing ngumingiwi.

Naipit pa yung kamay ko.

Anak ng sadista naman oh!

Nakita ko sa window na nakangisi siya nung nakita niya yung reaksyon kong nasasaktan sa ipit.

Nakng. Ang galing mo talagang maging lowkey na sadista!

"Are you alright?"

"Y-Yeah." halos maputol yung ugat ko sa leeg sa sobrang pagpigil ng sigaw sa sakit.

"Let me see."

Namumula mula yung kamay ko na may natuklap na balat. "Do you have an emergency kit inside?"

Ako pa yung tinanungan mo. Kapag sadista yung asawa mo, may almusal kang emergency kit.

Siya na nga yung tinulungan kong makuha yung upuan na gusto niyang upuan, inipit pa ako.

"I'm fine."

"Kailangan mo ng band aid."

"Okay lang nga, swear." hindi lang naman 'to yung malala niyang ginawa sa akin. I mean, hindi pa ito yung malala, Brie.

Wala yang band aid na yan. Para na lang yun sa susunod na mangyayari. Ireserba na lang natin yun.

"Your hands are cute."

Nagawa mo pa talagang puriin ako ngayon.

Hinipan niya yung kamay ko at hinilot hilot. "Baka sakaling mabawasan yung sakit."

"S-Salamat."

"Oo nga pala, ang sarap ng luto mo kanina." ngiti niyang sabi. "Sobrang sarap."

"Parang itlog at hotdog lang." natatawa kong sabi. Parang nag uuto na lang 'to.

"Yes. Lalo na yung sinangag." sagot niya.  "Ano yun, sarili mong recipe yung niluto mo kanina?"

"Siguro. Naisip ko lang siyang gawin kanina."

"Without knowing kung anong magiging lasa?"

"Alam ko naman yung magiging outcome noon kasi alam ko yung mga ingredients na dapat at hindi dapat ilagay." parang itlog, sinangag at hotdog lang eh.

Mukhang naimpress siya. "You're cool."

"Ayaw ko kasi ng plain lang yung niluluto ko. Gusto ko maging creative." sambit ko. "Gusto ko laging masarapan yung pagbibigyan ko."

Gusto kong maimpress yung asawa ko palagi tuwing magluluto ako. Para naman kahit papaano, makatulong akong maging maganda yung mood niya bago pumunta ng work.

Kaya lang parang hindi laging nagiging sucess. Lalo na ngayon. Ang lala ng pagka badtrip niya.

"Ganyan ka rin ba ka-creative sa kama?" tanong niya.

"Mmh?"

Kunot noo akong tinitigan siya. Tumawa na lang siya kaya awkward akong nakitawa.

"Really, you're cooking skills are so extra." sabi niya. "Lalo na siguro kapag breakfast and you're cooking shirtless."

Nginitian ko na lang siya.

"What? Still flirting?" bukas niya ng bintana. Inis na inis.

"Bitch! You just pinched his hand." inis na bungad ni Brie.

"Accidentally." sabi niya. "Not my fault."

"Paano mo natitiis yang amo mo?" tanong niya sa akin.

"May mood talaga siyang ganyan at sanay na sanay na ako."

"Now you're talking shit on me?" irita niyang tanong. "Get in. I'm so damn late."

Pumasok na ko ng sasakyan.

Tinignan ko muna nang maigi yung mga gamit sa pagdadrive. Hindi ko kabisado yung mga nandito dahil hindi pa naman ako nakakasampa ng sasakyan niya o nakapag maneho kahit isang beses, ngayon pa lang.

"I'm late." pero marunong naman akong magdrive.

"Okay, we're going now."

Habang nagmamaneho ako, hindi matigil sa pagdaldal si Brie sa likod. Marami siyang tinatanong sa akin habang yung isa naman na katabi ko, hindi maitago yung inis.

Kalmahan mo lang, asawa ko.

"How's your relationship with Black?"

Tumaas yung kilay ko nung narinig ko yung pangalang yun.

Kilala niya pala si Black.

"Good." tipid niyang sagot.

"Paano kayo nakakapagkita nang hindi nalalaman ng part nila Black?"

Hindi sumagot si Amber.

"I know Black's family, they are everywhere. Kung hindi kayo mag iingat, malalaman nila."

Parang walang kausap si Brie. Hindi talaga sumasagot yung asawa ko.

Natanungan ko na si Klarisse tungkol dito kaya hindi na ako naliligaw sa topic na 'to.

Sa totoo lang, sobrang kumplikado ng sitwasyon nilang dalawa. Kasal pa siya sa akin.

Sinabihan na ako ni Klarisse na delikado yung pamilya ni Black.

Grabe lang magmahal 'tong asawa ko, no? She will risk everything kahit na alam niyang delikado. Kapag mahal niya talaga, she will prove it to you even in the worst case scenario.

Nakakainggit lang si Black. Ang swerte niya, mahal siya ng babaeng mahal ko.

"Did you two fight ba? Kaya ganyan yung mood mo?"

"No."

"Then what? Did he not make you cum kaya ganyan ka kawala sa hulog?"

"Watch your mouth."

"So it's true?"

"No."

"It's true."

"Shut up." inis na pagpapatigil niya sa bunganga ni Brie. 

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

"You alright?" tanong sakin ni Brie.

"Oo." sagot ko.

"Sana naman magkaroon na ng magandang kwento yung kwento niyo ni Black." sabi ni Brie. "Sobrang tragic ng relasyon ninyo, nakaka mind blowing."

"Can you just stop talking about Black?"

"Ano naman?" tanong ni Brie.

Naramdaman kong dumapo yung paningin sa akin ni Amber. "Just stop."

Naghahanap ng sagot si Brie pero mukhang hindi na niya kayang mag isip. "Okay." sagot naman ni Brie. "If you say so."

Natahimik kami sa byahe habang nararamdaman ko talaga yung paningin sa akin ng katabi ko.

Kinakapa niya ba yung ekspresyon ng mukha ko o sinasadista niya na ako sa paningin niya?

"So, Chris. . ." nagsimula na naman si Brir magdaldal. "Tuwing kelan yung day off mo sa demonyo mong amo?" tanong ni Brie.

"Chris?"

Ako ba? "Ha?"

"Don't tell me, wala kang day off?"

"Uhm." hindi ko alam yung isasagot ko. Hindi naman ako yung nagdesisyon na makilalang helper. "Bakit mo naitanong?"

"Para alam ko kung kelan ka makakadalaw sa condo ko."

Nanlaki yung mata ko. Ano daw? "P-Para saan?"

"Maglilinis tayo."

Napangisi yung katabi ko. "Pinapunta mo para maglinis? Hindi ka ba nahihiya?"

"Yes, of course. We'll clean the mess that we made after we had something."

"Magkakalat ako doon kasama mo?" naguguluhan kong tanong. "Intentional na kalat pa?" that's not very me. Hindi nakakapogi.

"Seriously?" takhang tanong ni Brie. "You didn't get what I mean?"

Ni hindi ko nga alam kung ano yung sinasabi mo, teh.

"He will not go there." riin na sabi ni Amber. "I swear to God, Brie—"

"Why are you deciding for him? Do you own him?"

"I am his wi—" nagulat ako at napatingin sa kaniya saglit. Napabuntong hininga siya. "—boss and I have the right to decide for him."

"What? Are you for real?" natatawa niyang tanong sa likod.

"Don't ever dare try to get on his pants."

"Why not?"

"Because you don't know him!"

"Kaya nga iniinvite ko siya sa condo ko para makilala ko pa siya." swabeng sagot ni Brie.

"For God's sake."

"Ahem." pag butt in ko.

"I'm inviting you to my own place, Chris. Just you and me. Without your sawsawerang boss."

"Don't you ever agree on her." banta ni Amber. "Or I will kick you out."

Napalunok ako. "P-Pag iisipan ko, B-Brie." nahihiya akong diretsuhin siyang hindi dahil ayaw ko naman siyang mapahiya sa harap ni Amber.

"Just tell her no, for fuck sake."

"Amber. Pwede ba? Don't meddle with someone's life. He can make his decision on his own, he's not a dog and a pet to follow you every time you like to decide on his own. He has his own life."

"You're just fucking horny today." sambit niya. "Kaya ka lang naman ganyan dahil horny ka."

"I'm not just horny, Amber."

"Ano pa bukod sa nagtatawag ng magkakamot?"

"Ahem." ubo ko ulit para matahimik na sila. Hindi ko na rin maintindihan kung saan sila napupunta na usapan. "Hindi ko alam kung saan tayo pupunta ngayon. Saan ba kita idodrop off, Brie?"

"Huminto ka sa tabi, pwede mo siyang i-drop off dito."

Hindi ko pinansin yung asawa ko at nakinig sa sinabi ni Brie. "You're not listening on me."

Binuksan ko na lang yung radyo at nilipat sa pamilyar akong kanta.

"Making my way downtown, walking fast face pass and I'm homebound." kanta ko na lang.

"Oh my God, you know this song?"

"I love this song." ngiti ko sa salamin para magtama paningin namin ni Brie.

"Staring blankly ahead, just making my way. Making a way through the crowd." nakikanta rin si Brie.

Nag jamming kami habang traffic at para na rin wala ng away na mangyari. Kapag nag usap pa sila, magiging acquiantance na lang sila.

"If I could fall—" natigilan kami ni Brie sa pagkanta nung pinatay ni Amber yung radio.

"What the hell is wrong with you, Amber?"

"You're damaging my ears." inis niyang sabi.

Wala na umimik samin hanggang sa makarating na kami sa harapan ng opisina ni Brie.

"Chris," lumingon ako sa likod. "this is my condo address and my number, visit me whenever you want and. . . . I'll wait for your call." inabot niya sa akin at wala sa sariling kinuha.

"Bye." at hinalikan akong mabilis sa pisngi.

Lumabas siya ng kotse at nagbababye sa labas. Inirapan niya si Amber sa bintana habang sa akin ay nakatingin na hindi matigil sa pagbababye.

Tumuloy na ako sa pagdadrive habang nararamdaman ko yung paningin sa akin ng asawa ko.

Hindi ko alam pero parang nananaksak yung paningin sa akin kahit hindi ko titigan. Nararamdaman ko lang ito sa gilid ko pero sigurado akong mapanganib yung mga tingin niya sa akin ngayon.

"Making my way downtown. . ." awkward kong kanta bigla dahil sobrang naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig. "Walking fast, faces pass—"

Naramdaman ko siyang umiling. "You're going there, aren't you?" seryoso niyang tanong.

"Hindi ha."

"Lie."

"Hindi nga."

"Keep lying."

"Hindi nga."

"Namumula ka nga."

Napatingin ako sa salamin sa uluhan. "Weh?"

"Tumingin ka sa dinadaanan mo!"

Naliko ko bigla yung manibela dahil biglang may dumaan na pusa. "Nakng." kinabahan ako don! Buti na lang nakaiwas ako at walang nangyari.

"Bakit ang bobo mo?" galit niyang singhal.

"Sorry."

"Masyado ka na bang excited sa pupuntahan mong condo para makipagchukchakan at wala na yung atensyon mo sa minamaneho mo?" inis na tanong ni Amber.

"Sorry."

"Itabi mo sa gasolinahan."

"Ha?"

"Itabi mo!"

"Malapit naman na tayo sa opisina mo at late ka na, puno pa naman yung gasolina." alam kong gusto niya na akong palitan sa pagdadrive dahil sa inis.

"Sabi ko, itabi mo!"

Itinabi ko yung kotse sa malapit na gasolinahan.

"I'm sorry, Amber. Please don't be mad."

"Get out."

"Hindi ako pupunta, promise."

"Get. Out."

Napabuntong hininga ako. "Hindi lang ako makahindi pero hindi talaga ako pupunta—"

"Labas."

"Aayusin ko na yung maneho ko, malalate ka na."

"I SAID GET OUT. HINDI KA BA MAKAINTINDI?" sigaw niya.

Napalunok ako. Nanahimik.

Tinanggal ko yung seatbelt ko. Bababa na sana ako nung may kumatok sa bintana.

Pinagbuksan ko. "Papa gas kayo sir?"

Inilingan ko yung nasa lalaki. "Papalinis po kayo ng windshield?"

"No, thanks."

"Hangin ng gulong sir?"

Wrong timing naman 'tong si kuya.

Umiling ulit ako. Nilayasan naman kami.

"I'm sorry."

"Hindi ka parin lumalabas?"

"Ito na po." binuksan ko yung pinto ng kotse at lumabas. Papasok sana ako sa likurang pinto pero nilock niya.

"Hindi ko mabuksan yung pinto." nakanguso kong sabi.

"Start walking now."

"Ha?"

"Good luck."

"Wait."

"You have her address right?"

"B-Bakit, para saan?" tinignan ko sa bulsa ko. "Nandiyan sa loob."

"Then guess her address at simulan mo ng maglakad papunta sa condo niya." seryoso niyang sambit.

Ano?

"Saglit lang—" hinabol ko yung sasakyan hanggang sa mawala na talaga siya sa paningin ko.

Anak ng.

Iniwan niya ba talaga ako dito? Mag isa?

Hindi mag sink in sa utak ko yung nangyayari ngayon.

Nag sorry naman ako kanina, bakit naman ganon? Hindi ko maintindihan.

Galit na galit talaga siya. Sa sobrang galit niya iniwan niya talaga ako dito.

Umupo ako sa gutter. Iniisip ko baka bumalik kapag uminahon na. Baka bumalik eh.

Hindi niya ako pababayaan dito.

Imposible yun. Pero. . .imposible nga ba talaga?

Napasabunot ako ng buhok sa stress. Naiistress talaga ako ngayon kasi gutom ako.

Anong gagawin ko ngayon? Meron kayang makakainan dito? Wala akong matanaw na karinderya dito dahil puro building yung nakapalibot dito sa gas station na binabaan ko.

Kinapa ko yung bulsa ko. Kinapa ko ng paulit ulit.

Halos manlamig ako sa mainit na panahon dahil sa sitwasyong. . .wala akong dalang pera.

Mas lalo akong naistress. Ilang oras na rin akong nag aantay dito, mukhang hindi talaga babalik.

Wala akong nakakapa talaga kahit piso na pera.

Nagugutom na rin talaga ako. Hindi pa ako nag aalmusal.

Isa pa sa nakakainis. Wala akong dalang cellphone. Sinira ni Klarisse.

Natatawa ako sa kawalan. Naubusan na ako ng opsyon.

Yun pa naman sana yung gagamitin ko para makakontak ng tulong.

Kailangan ko na ngang magsimulang maglakad at mag isip isip kung paano makakasurvive sa lakad nang walang kinakain.

Hindi ko na talaga alam yung gagawin. Hindi talaga.

Pambihira. Sisimulan ko na maglakad, walang mangyayari kung magrereklamo lang ako dito.

Ano bang ginawa kong mali at ganito na lang ako paglaruan ng tadhana?

Hindi na nga ako nang asar kanina para hindi ako sadistahin.

Hindi naman ako nangulit. Hindi naman ako umoo kay Brie kanina. Kahit nga kapag nag aaway sila, nananahimik ako. Pinagigitnaan ko lang kapag wala na talaga sa hulog yung away nila.

Wala naman akong intensyon na suwayin yung mga gusto niya. Oo binigyan ako ng address pero hindi naman ibig sabihin, pupuntahan ko.

Dahil ba hindi ko siya pinakinggan na ibaba si Brie kanina? Doon ba siya nainis lalo?

Hay ewan.

Minsan ang hirap rin ipaliwanag yung topak ni Amber.

Iniwan ba naman ako dito nang wala man lang pang commute o cellphone man lang.

Balak ko pa naman sanang lumakad ngayon para makabili ng bagong cellphone pero yung binigay sakin ngayong araw, literal na lakad.

Marathon.

Sinimulan ko nang maglakad papunta sa napakalayong bahay namin.

Sana kayanin ko naman 'no?

Hindi na ako yung binatang si Eleven na kinakaya maglakad tuwing huwebes santo kasama yung mga kaibigan ko.

Masaya maglakad. Pero hindi masaya kapag tanghaling tapat at walang kain.

Pero wala na akong magawa, ineenjoy ko na lang maglakad kahit nakakapagod, nakakagutom, nakakabagot at nakakauhaw.

Marami akong nadadaanan na mga nagtitinda ng mga streetfoods. Kaya habang naglalakad ako, pakiramdam ko naglalaway ako.

Halos isang oras na ako at hindi pa ako nangangalahati papuntang bahay. Nagdilim naman ngayon sa direksyon ko.

Hindi maganda yung kutob ko.

Mukhang malakas na ulan ito. Tatagal ng ilang oras.

Mukhang aabutan talaga ako.

Malamang. Malayo ka pa.

Maya maya lang, nagsimula ng pumatak nang pumatak yung malalaking patak galing sa itaas.

Pagkatapos kong mabilad, pinagshower naman ako ngayon.

Bumuhos na yung ulan at ako ngayon ay basang basang naglalakad, walang nagawa. Kaya ko bang kontrolin itong panahon? Malamang hindi.

Hindi naman ako pwedeng huminto dahil kapag huminto ako, madagdagan yung oras ng pag uwi ko.

Bahala na.

---

"Anak ka naman ng tipaklong!" banas na banas kong singhal.

Ilang oras akong naglakad, ginabi na ko sa daan tapos pag uwi ko, hindi rin ako makakapasok!

Sobra akong naiinis talaga ngayon dahil naka-lock ang gate at wala akong susi!

Akala ko pa naman, matatapos na 'tong lahat ng paghihirap ko dahil natapos na rin ako sa paglalakad nang napakalayo at napakatagal.

Nakng.

Sinipa ko yung batong nakakalat sa semento sa inis.

Napagod na ako kalalakad.

Nanghihina na rin ako dahil sa haba ng nilakad ko makauwi lang dito sa bahay.

At nilalamig narin ako dahil basa ang mga suot ko. Gusto ko ng magpalit.

Kaso paano ko magagawa iyon kung wala akong susi dito sa bahay?

Iniisip ko kung saan ko nailagay yung susi.

Baka kasi iniwan ko dito sa gilid gilid.

"Nasaan na ba yon? Nasan? Nasaan? Nasaan?"

Napatampal ako ng noo. "Anak ng." Naalala kong nailagay ko iyon sa kotse.

Sobrang yung frustration ko ngayon. 

Pagod na pagod na ako tas ito madadatnan ko?

Paano kapag hindi umuwi yung aantayin ko? Paano?

Nakng. Gustong gusto ko na makapasok at makapagpahinga.

Antayin ko ba siya? Baka mag-OT pa yun eh.

Mamamatay na ba ako dito?

"Hay." Napaupo ako sa gutter habang yung mga kamay ko ay nasa balikat ko, hinihimas himas yung balikat ko para kahit papaano, malabanan ko ang lamig.

Nakaupo lang ako at nag iisip ng mga plano sa buhay. Lalong lalo na yung plano ko ngayong nilalamig at nangangatog.

Punta kaya ako kay Aling Pepang?

Nakng. Bakit hindi ko kaagad naisip 'to?

Bumwelo pa ako ng ilang minuto dahil kapag naglakad ako, mararamdaman ko na naman yung manhid at sakit ng paa ko kakalakad.

Tumayo ako at napag desisyunan kong pumunta doon sa bahay ni Aling Pepang.

Makikisilong ako at makiki-stay muna saglit habang wala pang tao itong bahay. Tutal, kilala naman ako ng buong pamilya ni Aling Pepang.

Wala na rin naman akong choice. Malayo yung bahay ng mga kaibigan ko, kung lalakarin ko pa yun, hindi ko na kakayanin.

Naglalakad ako na para bang zombie. Wala ng kagana gana dahil sa pagod.

Buti na lang tumila na yung ulan. Kulubot na yung mga balat ko sa kamay. Saktong sakto huminto ang ulan nung nakarating ako sa bahay kanina.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay ni Aling Pepang, nadatnan kong sarado at mukhang walang tao yung bahay.

Anak ka ng tipaklong!

Natsyambahan pang wala sila ngayon. Sarado yung bahay, walang ilaw at tahimik na tahimik yung loob.

Nagbakasyon yata sila.

Kung sinuswerte ka nga naman ngayong araw, Eleven.

Napapikit na lang ako na halos maiyak sa inis.

Sayang yung lakas kong pumunta dito at wala palang madadatnan. Napakagaling.

Bumalik na lang ako ng bahay namin tutal wala naman akong mapapala dito sa tapat ng bahay nila.

Wala na akong pag asa. Sukong suko na ko.

Pagbalik ko sa bahay, naisipan kong umakyat na lang ng bakod. Nagpahinga muna ako ng kaunti.

Heto na yung pinakahuling choice ko.

Wala na akong magagawa. Kaylangan kong gawin ito dahil nangangatog na talaga ako.

Kaysa naman nandito lang ako, baka ano pang mangyari sa akin dito.

Umakyat ako ng bakod. Sa unang try, nalaglag ako dahil nanghihina na talaga ako. Nawalan ako ng pag asa nung di ko kinaya pero hindi ako sumuko.

Sa pangalawa, nakarating ako ng tuktok, pababa na sana ako sa loob ng bahay pero may mga kalalakihan na nagsuway sa akin.

"Hoy!"

Anak ng.

"Bumaba ka diyan!"

Kung kailan malapit na ko makapasok.

"Sinabi nang bumaba ka diyan eh!" Hindi talaga ako bababa. Wala na akong lakas para sumunod sa gusto nila. "Ang tigas ng ulo mo ha!" kinuha nila yung paa ko at hinila iyon kaya bumagsak ako sa baba.

"Ooh." ang sakit!

"Nasan mga kasama mo!"

Teka, hindi ako akyat bahay gang!

Bigla nila akong pinag sisipa at pinag hahampas ng mga dala nila sa dibdib ko at sikmura ko.

"T-Tama n-na—Ahh!" pakiusap ko.

Para akong namanhid. Hindi ko na maramdaman yung buong katawan ko.

"Please." pagmamakaawa ko.

Nagdilim yung paningin ko at hindi na alam kung anong nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
2K 207 27
Dahil sa kagustuhang sumikat sa kanyang larangan, tinanggap ni Jhan Cell Vega ang isang kontrata. Nakasulat rito na kailangan niyang ma-interview ang...
342K 18K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...