my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 10

160 20 2
By unicachicca

Eleven.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil wala akong tulog hanggang ngayon. Napaungol ako sa sakit nung bumangon ako lalo na tumapat yung sinag ng araw sa mukha ko dito sa kwarto. 

Pumipintig at parang binibiyak yung ulo ko. 

Pero kahit na ganon, kailangan kong kumilos dito sa bahay dahil kailangan kong malutuan ng makakain si Amber. 

Habang nagluluto ako, tulala lang ako. Ramdam na ramdam ko kung paano ako mawala pabigla bigla sa wisyo.

Sising sisi ako kung bakit hindi ako nag effort na makatulog kanina kahit saglit na oras lang. 

Kung ano anong klase kasing naiisip ko kaya wala akong tulog. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin mawala sa utak ko yung nangyari kaninang madaling araw.

"Anak ng—" halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko si Amber na mukhang sabog. 

Pero ang ganda padin.

Gising na pala siya. Buti na lang natapos na ako magluto bago pa siya magising. 

"What?" mataray niyang tanong sa akin nung napansin niya na nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi naialis agad ang paningin. "Anong tinitingin tingin mo?"

Napailing lang ako at ngumiti nang tipid.

Pinakikiramdaman ko siya habang busy akong maglinis. Tahimik lang naman siya at walang imik kaya dumire diretso na naman yung utak ko sa pag iisip ng kung ano ano tungkol kagabi. 

Tanghali na rin ngayon kaya marami akong ginagawa. Tanghali na rin siyang nagising.

Sa totoo lang, hindi ko talaga kayang bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko at tamad na tamad akong bumangon dahil sa kagabi. Wala akong ganang magkikilos dito sa bahay pero wala namang ibang kikilos dito kundi ako lang.

Walang makakain yung asawa ko.

Kahit naman pinag isip niya ako nang napakatagal na ikinapuyat ko, wala naman akong magawa kundi ipagluto padin siya.

Syempre ayaw ko naman 'tong magutom sa trabaho. Ayaw ko ng ganon.

Atsaka ang gulo gulo na rin ng bahay, kailangan ko talagang maglinis. Hindi ko talaga kayang makita yung mga kalat sa bahay na hinahayaan lang.

"Did you cook?" mahinang tanong niya. Nakaupo na pala siya sa hapag kainan na hawak hawak yung ulo at nakapikit. Hindi ko na naman napansin sa sobrang nag iispace out ako ngayon.

Oo nga pala, hindi ko pala siya naaya pagkababa niya! Nakng. "Gusto mo na kumain?" wala sa sarili kong tanong. 

"Malamang."

Bigla akong nagmadali sa ginagawa ko at inasikaso siya para makakakain na.

"Sandukan mo 'ko." utos niya na nakahawak parin sa ulo.

"Gaano karami?" sinenyasan niya ako kung gaano karami. "Kain ka na." sambit ko pagkatapos kong gawin yung inuutos niya.

Hindi ko na siya inantay na maka subo ng pagkain. Nag ayos na ako ng mga hinugasan kong mga pinangluto kanina at nilagay kung saan nakapwesto lahat ng yun.

Kahit na hindi ako nakatingin, nararamdaman kong hindi padin siya kumakain nang maayos. 

Sana man lang makain ng asawa ko. Kailangan niya yung sabaw para mabawasan yung pagka hangover niya. 

Masama talaga sa pakiramdam yung hangover. Nakailang baso ba naman kagabi. 

". . ." kumunot yung noo ko. Ano? May sinasabi ba siya?

". . ." hindi ko marinig nang maayos yung sinasabi niya kaya lumingon ako.

"Ano yun—" nanlaki yung mata ko nung nakita kong nabibilaukan na siya. "Anak ng!"

Nagmadali akong kumuha ng tubig at binigay sa kaniya. Anak ng! Soup na lang nabilaukan pa 'tong asawa ko?

Sa sobrang panic ko, namalayan ko na lang na malapit na yung mukha ko sa kaniya at napansin yung sugat sa labi niya.

Natigilan ako at napatitig nang malalim sa labi niya. 

M-May sugat rin siya? Paano, kelan, saan—anak. . .ng.

A-Ako ba may gawa niyan? Yung kanina ba 'to nung kinagat kagat niya yung labi ko? Nakagat ko rin siya?

Kunot noo niya akong tinignan pababa sa. . .labi ko. "W-Where did you get that?" diretso niyang tanong sa akin. 

Kumabog yung dibdib ko sa kaba. Napaiwas na ako ng tingin at napalayo na sa mukha niya.

Hindi ako nakasagot.

Nagpaka busy ako sa ginagawa ko kanina. "Where did you get that?" napapikit ako saglit nung marinig ko ulit yung tanong na yun. "Answer me."

"W-Wala."

Parang nag init yung buong mukha ko pati yung tenga ko sa pagka ilang. Ang hirap sagutin ng tanong mo, asawa ko. Ang hirap sumagot kapag alam mong masasakal mo ako.

Paano ko ba sasabihin sa'yo na bigla bigla kang nanghahalik na nangangaggat ng labi kaninang madaling araw? Sigurado namang hindi mo ako paniniwalaan na ikaw may gawa nito. 

Biglaan ka naman bang halikan.

Nagnanakaw ako ng tingin sa kaniya pero nakatingin parin siya sa akin. Halatang gustong makakuha ng sagot sa tanong niya.

M-May naalala kaya siya?

Kumakabog lalo yung dibdib ko. Paano kapag naalala niya? Paano kapag hindi na mawala yun sa isip niya?

Paano rin kapag nalaman niya na meron rin siyang sugat? Maisip niya kayang konektado to sa sugat na meron ako ngayon sa labi?

Ano na lang mangyayari sakin, sisisihin na naman ba ako kapag nalaman niya? Sasaktan niya na naman ako kapag nalaman niya yung nangyari? 

"Why do you have that?"

Hindi talaga siya tumitigil. Anak ng.

"Whenever I see girls and boys. . ." kanta ko na lang sa kawalan. Napapikit ako sa kahihiyan. Bakit ito pa yung naisip kong kanta?

Maya maya lang ay tumigil na rin siya sa pag iinterrogate sa akin at nagsimula na ulit kumain kaya nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. 

Tama lang na wala kang alam, baka mabilaukan ka na naman kapag nalaman mo pa yung sagot. Kasalanan ko pa, asawa ko.

"Linisin mo na lang kung anong dapat linisin dito." mukhang tapos na siya kumain.

Tatayo na sana siya kaso pinigilan ko. "What's your problem?"

"Uminom ka ng gamot ha."

"What for?" kunot noo niyang tanong. 

"May hangover ka, ang dami mong nainom." sambit ko. Nakakapag alala. "Mahirap mag focus niyan sa work."

Hindi naman na siya nakipagtalo at hinintay na lang akong bigyan siya ng gamot.

Pagkatapos niyang uminom, tumayo at lumakad na siya hanggang sa natapat siya sa salamin dito sa bahay.

Napaiwas ako ng tingin nung makita ko sa salamin yung nanlalaki niyang mata. Nagulat sa nakitang sugat rin sa labi. 

Nakng. 

Kabado akong naghawak ng kung anong mahawak ko at nagpaka busy. Bakit kailangan mo pang makita yan ngayon?! 

"The fuck?"

Kinabahan ako nang malala. Halos lumuwa yung puso ko sa dibdib ko.

Ano ba dapat kong gawin? Ano ba dapat natin sabihin?

Naalala niya na kaya? Paano kapag naalala niya? Ano na mangyayari sakin?

"K-Kinagat k-ka rin?" panic kong tanong. Napapikit ako saglit at napangiwi. Nakng bobo. Ayun pa talaga yung nasabi kong salita.

Sa dami dami ng pwedeng itanong. . . . .bakit yun pa?

Tinalikuran niya yung salamin at nakalingon na siya sa akin na nakakatakot. Nakakatakot yung tingin niya. "Kinagat? How. . .how did you. . .paano. . . .kelan. . .anong nangyari kagabi?"

"Nag. . . .ber months?" wala sa sarili kong sagot na patanong. Hindi alam kung anong sasabihin sa kaniya.

"WHAT THE FUCK HAPPENED?"

Napalunok ako.

"H-Hindi ko alam. T-Tinatanong nga kita kung k-kinagat ka rin eh."

Napahilamos siya ng mukha.

Malakas parin yung kabog ng dibdib ko. Actually, mas lalong lumakas dahil ang tahimik ng atmosphere ngayon. Malamang sa malamang, yung kasunod nito mga nagliliparan na yung mga gamit papunta sa akin.

Gusto kong batukan yung sarili ko dahil hindi talaga tama yung pagtatanong ko sa kaniya nun. Pambihira talaga! Bakit ba kasi napaka daldal kong tao?

Nawala yung tamlay at katamaran ko ngayon at napalitan ng nerbyos.

Ilang araw kaya akong hindi makakatulog? O ilang araw kaya akong makakatulog kapag nagulpi ako?

"Hehe." awkward kong reaksyon dahil ang tahimik padin.

"Maglinis ka na diyan." walang reaksyon niyang sabi at umakyat papunta sa kwarto niya.

Nakahinga ako nang maluwag.

Akala ko katapusan ko na.

To be clear, hindi ko siya minolestya. Nawala lang ako sa wisyo at nagrespond sa halik niyang nanganggat.

Hindi ko rin naman namalayan na nakagat ko rin siya. 

Pero ang kinaiinisan ko, wala na nga sa harapan ko si Amber pero ang dami ko parin iniisip.

Para kasing hindi ako nakuntento sa naging reaksyon niya. Pumanik lang sa kwarto? Seryoso? Hindi ako naniniwalang panik sa kwarto lang yung nangyari.

Pakiramdam ko may kasunod na mas malala.

Halos dalawang oras na siyang hindi bumababa. Ano kayang ginagawa niya don? Kinukulam na kaya niya ako sa itaas?

Napatalon na naman ako sa gulat dahil sa narinig kong pagbukas ng pinto galing sa itaas.

Mag ready ka na sa possible na mangyayari sa'yo, Eleven.

Pagkababa niya, matamlay lang yung mukha niya na nakabihis. Papasok na ng trabaho.

Nagulat na naman ako nung bigla naman siyang lumingon at tumitig sa akin. "What?" irita niyang tanong sa akin.

"P-Papasok ka na?"

"Malamang."

Sabi ko nga.

Nagmadali na akong lumabas at pinagbuksan siya ng gate dahil lalabas na yung sasakyan niya.

"Ingat." hindi niya ako pinansin, sinarado ang bintana ng kotse at pinaharurot palayo sa bahay.

Pumasok ako ng bahay at walang kagana ganang umupo sa sofa.

Pagkatapos kaya niya magtrabaho, magkikita kaya sila ni Black?

Halos ilang oras rin akong maraming iniisip hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatulog na ko sa sofa.

Dumaan mga ilang araw, hindi naman na niya inungkat yung nangyari sa mga labi namin at mukhang wala naman na siyang pakialam tungkol doon kaya hindi ko na masyadong naiisip.

Kaya lang, halata mo sa kaniya na sobrang lungkot niya. Sobrang wala sa wisyo at minsan, hindi na kinakain yung hinahanda kong pagkain. Patago ko na lang kinakain yung pagkain na hindi niya naman kinain. Sayang lang.

"Good morning, may I speak with miss Amber?" tanong ng nasa kabilang linya ng telepono. Babae.

"Who's this?"

"This is her assistant, may I speak with her?" gusto ko sanang malaman kung para saan yung call pero wala naman akong karapatang magtanong nang magtanong dahil magagalit sa akin yun. 

Baka sabihin chismoso ako. Pakialamero.

"Nasa itaas siya." sagot ko. "Tawagin ko lang, hold on."

Umakyat ako sa kwarto niya, kakatukin ko sana siya pero napansin ko hindi nakasara yung pinto. 

Natigilan ako bigla. Nanghina sa nakita.

"Asawa ko." bulong ko at nasaktan sa nakita ng dalawang mata ko. Walang tigil siyang umiiyak habang nakaupo siya sa sahig na niyayakap yung dalawang tuhod niya. 

Malalim akong napabuntong hininga. 

Gustong gusto ko siyang patahanin at damayan pero hindi ko magawa. Wala akong kapangyarihan at wala akong karapatan. 

Siguradong magagalit lang siya sa akin kapag nanghimasok ako sa kung ano mang pinagdadaanan niya ngayon.

Hindi niya alam kung gaano ko gustong pumasok ngayon para pasayahin siya kahit kaunti. O kahit man lang iparamdam sa kaniya na nandito ako. 

Pero sigurado ako na mas hindi makakatulong kung papasok ako. Alam kong ayaw niya na nakikita siya sa ganitong sitwasyon.

Napaisip ako. Napatanong. 

Nalulungkot ka ba ngayon dahil kay Black? Hindi ba kayo nagkausap? 

Pakiramdam ko miss na miss mo na talaga siya.

Nakikita mo na nga ako sa kaniya kapag lasing ka. Ang layo naman ng mukha naming dalawa.

Kung gusto mo naman kasi ng tulong, nandito naman ako, asawa ko.

Kahit na mahirap para sa akin, basta matulungan lang kita. Maging masaya ka lang.

Huwag lang kitang nakikitang ganito. Umiiyak.

Tumalikod ako at dahan dahang bumaba. Hindi na siya tinawag para sabihin na may tawag siya sa telepono. 

"I'm sorry, Ma'am. Can you call again later?" i ask politely. "Nasa banyo kasi siya." dahilan ko.

Umupo ako sa sofa at sinandal yung ulo na nakatingin sa kisame. 

Parang kumikirot ngayon yung dibdib ko. Ang hirap pala niyang makita nang ganon. 

Ano kaya yung pwede kong gawin para guminhawa na yung pakiramdam mo, asawa ko?

Ang hirap mo pala talagang makita na nahihirapan. Nasasaktan. 

Ilang araw na nagdaan pero wala akong lakas ng loob na i-approach siya tungkol sa nakita ko. Gustong gusto ko siyang sabihan na nandito ako para makinig kung may problema siya pero hindi ko magawa. 

Tinataasan niya lang ako ng kilay kapag nakikita niya na nakatingin ako sa kaniya na parang may gustong sabihin. Tinatarayan lang ako. 

Pero nagulat ako dahil hindi na ako nakapagpigil. "Asawa—" natigilan ako saglit. Mali. "Amber." tawag ko sa kaniya. Nag aalangan pa ako.

Seryoso naman niya akong tinitigan. 

"G-Gusto ko lang sabihin na kapag kailangan mo ng kausap," napakagat ako ng labi at napakamot. Nahihiya. "Nandito lang ako."

". . ." hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya ng seryoso. 

Para akong nahiya. 

"K-Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako." awkward akong ngumiti.

". . ."

"N-Nakita kasi kitang umiiyak nung nakaraan," kwento ko dahil parang naweweirduhan siya sa mga pinagsasabi ko. "gusto sana kitang damayan pero nahihiya ako. Baka magalit ka."

Tinignan niya ako na parang nag aantay pa siya ng sasabihin ko. 

"Ayun lang naman." kamot ko ulit sa ulo ko at nahihiyang ngumiti. "S-Sana maging okay ka na. S-Sana okay ka na." sambit ko. "Kung hindi ka pa okay, okay lang. Take your time. May karapatan kang maging malungkot sa kung ano man yun."

Nag antay ako ng sasabihin niya pero wala man lang akong narinig na kahit na anong salita mula sa kaniya. Blangko lang niya akong tinignan.

Akala ko pagagalitan niya ako. Akala ko magagalit siya. 

Umalis lang siya at umakyat ng kwarto. Nakahinga ako nang maluwag kasi nasabi ko rin yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kaniya kahit papaano. 

Dumaan yung mga araw, napansin ko na nag iba yung awra ng mukha niya. 

Naginhawaan ako at napangiti dahil parang ang gaan na ng loob niya. Hindi na katulad nung mga nakaraan, ramdam mo talagang hindi siya maayos. Hindi siya okay. 

Pero ngayon, parang masaya siya. 

Kaya lang, minsan ko na lang siya makita sa bahay. Palaging umaalis pero may ngiti sa mukha niya. Nahuhulig ko ring ngumingiti kapag may ka-text sa cellphone niya.  

Okay na kaya silang dalawa? Nagkakausap kaya sila?

Mukha siyang masaya. 

Mahal na mahal niya talaga siguro si Black. 

Siya lang yung nakapagpangiti sa kaniya ng ganito. Wala ng iba. 

Ang swerte niya naman. 

Mahal siya ni Amber. 

Masaya naman ako na masaya siya kaysa naman lugmok siya at walang gana sa buhay. Kung saan siya masaya, doon ako.

Kaya lang sana, ako yung dahilan.

---

"Ano bang gusto niyo?" tanong ko sa tawag habang namimili ng bibilhin dito sa grocery. Nagtutulak ng cart. "Dalian niyo, naggogrocery ako." singhal ko sa kausap ko. Hindi makapag desisyon kaagad ang mga gago. 

"Kumain tayo nila Sebun." aya niya. 

"Alam mong nagggrocery ako." mataray kong sagot kay Uno. "Wala ba kayong maaya na iba?"

"Pwede naman sa susunod na araw, tsong." sambit niya sa kabilang telopono. Parang hindi tatanggap ng hindi. 

"Pwede naman kayong kumain ngayon nang hindi ako kasama." 

"Parang kakain lang eh." reklamo niya. "Hindi ka na nga nakasama nung nakaraan, mang iindian ka na naman ngayon." 

Paano ako makakasama sa lakad nung nakaraan, nagbabantay ako sa asawa ko sa labas ng kwarto niya nung umiiyak siya nonstop. 

"Hindi nga ako pwede ngayon."

"Edi sa susunod na araw." sambit niya. 

"Tignan ko pa." sabay baba ko sa tawag. Kung hindi ko ibababa, mangungulit parin nang mangungulit kaya binaba ko na. 

Hindi naman na ako katulad ng dati na parating available. May asawa na ako. May inaalagaan na akong asawa sa bahay. May pinagluluto, may pinagsisilbihan. 

Akala naman ni Uno ganun parin yung buhay ko. Hindi 'no.

Hindi na ako masyadong nagtagal sa pag grocery. Alam ko naman kung ano yung mga bibilhan at kabisado ko rin kung saan nakapwesto lahat ng mga kailangan kong bilhin. 

Pagkatapos kong mag grocery, palabas na ako ng mall kaya nadaanan ko yung mga ibang store at cinema. Sa kuryosidad ko, napatingin ako sa mga poster ng mga showing ngayong week. 

Napadalawang tingin ako sa pila. Nagulat. 

Bigla akong napahinto at nabagsak yung hawak hawak kong mga pinamili.

Si Amber.

At si Black.  

Manonood ng sine. 

Naghaharutan silang dalawa sa pila. 

Parang may kumirot sa dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Para yatang napako yung dalawang paa ko sa hindi malaman na dahilan. 

Hindi ko maialis yung paningin ko sa kanilang dalawa na naghaharutan at magkasama.

Ano 'tong nararamdaman ko ngayon? 

Nasasaktan ba ako? Nalulungkot ba ko? 

Tinitignan ko yung asawa ko ngayon na may kasamang iba. Kakaiba yung mga ngiti niya na hindi ko makita kailanman. Kumikislap yung mga mata niyang nakatingin sa kasama niyang si Black. 

Kailanman hindi niya ako tinignan nang ganun. 

Mukha siyang masaya. 

"Asawa ko." bulong ko sa sarili ko. 

Ang swerte ng taong kasama mo ngayon, asawa ko. 

Nanlaki yung mata ko. Nagulat. 

Nakng. 

Awtomatikong napaiwas yung mga mata ko nung nagtama yung paningin naming dalawa ng asawa ko. 

P-Paano niya ako nakita sa gawi ko? 

Alam niya yata na may nakatingin sa kaniya kahit sa malayo. 

Hindi ko namalayan na napatingin ako ulit sa kaniya para yata makita kung nakatingin pa siya sa akin.

At nakita ko nga na nakatingin parin siya! Nakng. 

Siya lang ang nakapansin sa akin dahil busy si Black sa hawak hawak niyang cellphone. 

Awtomatikong naglakad yung paa ko nung makita ko siyang papunta sa gawi ko. Nakng. Bakit niya pa ako pupuntahan? 

Nagmadali akong maglakad para hindi niya ako maabutan pero. . .naabutan parin ako! 

"What are you doing here?" takha niyang tanong sa akin nung maabutan niya ako. 

Napalunok ako. 

"H-Hi."

Tiningan niya yung mga hawak hawak kong grocery sa dalawang kamay ko. "Namili lang ako. Wala na kasi tayong stock sa bahay." tipid kong ngiti. Pero alam kong awkward yung ngiti ko. Hindi ko alam kung anong ngiti ba yung pwedeng ipakita ngayon. 

Tinignan niya ako nang matagal na parang may hinahanap siyang sagot sa mga mata ko. 

"Aren't you here because of us?"

Kumunot yung noo ko. Nagtakha. 

"I didn't even know you were here." sagot ko. Tinignan ko yung gawi ni Black, nag aalala ako baka makita niya ako at makaisip ng ibang idea saming dalawa. Baka masira pa yung date nila. 

"Si Black ba yun?" wala sa sarili kong tanong. 

Mukha siyang nagulat sa narinig.

Nakng. Bakit ba ako napatanong ng ganon? "I-I didn't mean to—"

"How do you know him?" takha niyang tanong. 

"Ah eh. . ." napabuntong hininga ako. "Nakita ko siya sa league mo nung nakaraan."

Hindi siya nakapagsalita pero nakatingin parin sa akin. 

"But I'm not here to see you both. Hindi ko rin alam na nandito kayo, napadaan lang at nakita kita." paliwanag ko dahil parang nagdududa parin siya sa inaasta ko. 

"Listen—"

"Don't worry, hindi ako makikialam." tipid akong ngumiti sa kaniya. Ipinaramdam ko sa kaniya na wala akong masamang intensyon kung ano man yung iniisip niya.

"Don't tell him—"

Ngumiti ako at umiling. "I don't have plans to."

Sa kauna unahang beses, nakita ko yung mukha niyang parang. . .nakokonsensya. Kung tama yung nakikita ko sa ekspresyon ng mukha niya. 

"Anong gusto mong ulam mamaya?" tanong ko. Wala na akong ibang maitanong kundi yun. Gusto ko lang maramdaman niya na huwag niya akong alalahanin dahil wala akong balak sabotahiin yung kung anong ganap niya ngayon. 

Dahan dahan siyang umiling. "I'm not going home tonight."

Parang kumirot na naman yung dibdib ko sa narinig. "I see." ngiti ko na napipilitan. "So. . hindi ka kakain sa bahay." sambit ko nang mahina. Para pa akong masasamid ng laway ko. 

"No."

Tumango ako at pilit na hindi tanggalin yung ngiti sa mukha ko. "Enjoy kayong dalawa." sambit ko. "Mag ingat kayo." tinapik ko siya sa balikat at saka naglakad.

Pero sa pangatlong hakbang ko pa lang, napahinto ako kaagad dahil hinawakan niya yung kamay ko. 

Para akong nanlambot sa nakita ko sa mga mata niya ngayon. Hindi ko maintindihan pero parang may gustong sabihin. 

Kakaiba yung mga tingin niya. 

"May ibibilin ka?" malumanay kong tanong. 

Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang sa akin. Ilang segundo lang, para siyang natauhan at tumingin sa malayo. "Nothing." sagot niya. "Go."

---

"Hayop!" hindi makapaniwala tong barkada kong si Uno. "Ano yan?"

Tinakpan ni Six yung bibig niya dahil nagsisimula na naman 'tong mga 'to sa pang aasar sa kaniya.

"Gago, brace yan." sagot ni Sebun kay Uno. "Di mo ba alam yung brace?"

"Bagong fashion ba yan?" tanong ni Uno.

"Bobo." bulong kong napapailing.

"Nagpaayos ako ng ipin." sabi ni Six.

"Natatanggal kaya yan?" tanong na naman niya.

"Bakit? May balak kang hiramin?" pagsabat ko.

"Gago!" mura niya. Napaisip siya bigla. "Pwede kaya hiramin?"

Hangal.

"Bakit ka manghihiram?" naguguluhang tanong ni Six.

"Nakikita ko na yan sa mga iba, uso yan ngayon eh. Yung goma niyan nakikita ko sa Divisoria."

Napahilot ako sa ulo ko.

"Saan mo nabili yan?"

"Sa dentista." inis na sagot ni Six.

"Magkano?"

"Saradong fourty thousand."

"40 kyaw?" gulat na gulat na tanong ni Uno.

"Uno, hindi yan para sa uso. Kailangan yan kapag may sungki at may problema sa ipin. Hanggang kelan ka bobo?"

Siniko ko si Six na katabi ko lang. "Kailan pa yan?"

"Last week lang."

"Masakit pa?" tanong ko.

"Nung nakaraan oo, nag aadjust parin naman ako ngayon." sagot niya.

Tumango na lang ako.

"Buti may pera ka para diyan?" diretsong tanong ni Sebun. "Ang mahal mahal niyan."

"Nag double work ako ilang buwan."

Kaya naman pala.

"Maganda na rin 'to, para maayos na yung ipin ko." malungkot niyang sabi.

"Pogi ka parin naman ha." sambit ko.

Tumawa naman si Uno.

"Tanga mas nakakatawa kabobohan mo." pang aasar naman ni Sebun kay Uno. "Pogi pogi ng erpats natin, tatawanan mo lang?"

"Ulol." mura ni Six.

Nag away naman yung dalawa hanggang sa kami na lang yung nakapag usap nang maayos.

"Ano naman sabi ng syota mo pagkakita niyan? Hinusgahan ka na naman ba?"

"Wala naman na akong girlfriend."

Nanlaki yung mata ko.

"Ha?"

"Wala na kong girlfriend." nanlalambot yung boses niya na parang maiiyak.

Natahimik kaming lahat saglit. Nagkatitigan kaming lahat at nagsisikuhan. 

Tinapik ko siya sa balikat. "Nandito lang kami, tol." paalala ko sa kaniya.

"Ewan ko ba." malungkot niyang tawa. "Wala daw akong fashion sense, sungki pa ipin ko, hindi pogi. In short, kinahihiya niya ako."

Pinanlakihan ko ng mata sila Uno dahil siguradong mang aasar pa sila kahit seryoso na yung pinag uusapan. Binalaan ko silang maging seryoso at huwag mang asar.

"Sus, syinota ka nga eh. Ibig sabihin lang non, type ka niya kahit may reklamo siya fashion mo o sa sinasabi niyang itsura mo."

"Y-Yun nga eh. . . ." nagkacrack yung boses niya. "H-Hindi naman talaga niya ako gusto."

"Bakit kayo naging magsyota?"

"Pusta."

"ANO?"

"Pinagpustahan lang nila ako." kwento niya. 

Natahimik ako habang yung iba ay nagagalit na sabay sabay nagsasalita. Nagagalit sila sa sitwasyon ni Six. 

Tinignan ako ni Six na parang may kailangan siyang sabihin. Tinapik niya ako sa balikat. Sabi na, may kailangan 'tong sabihin sakin. "Kaya wala na sana satin yung mabiktima ng one sided na relasyon."

"H-Ha?" para akong naestatwa sa narinig. 

Bakit biglaan naman yata yung sinabi niya? Gusto niya ba may karamay siya sa sakit?

Nakngpota.

"Mahirap yung ikaw lang nagmamahal." sambit niya pa. Bakit kailangan may cringe na hugot 'tong isa? "Diba, Onse?"

"A-Anong sinasabi mo diyan?" parang sasakit yata yung ulo ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Ikaw lang yung nag eeffort kasi ikaw lang yung may pake." para ako naman akong tinamaan sa sinabi niya. Nakng. "Masakit, 'di ba?"

Hindi na ako nakasagot. Bwisit na Six 'to. Nandadamay. 

Alam kong nasasaktan rin ako pero manahimik siya. Nakng. Hindi yung dinadamay niya ako dito. Nakikinig na nga lang ako, kailangan ako rin? 

"Hoy."

"Ha?"

"Hindi ka nakikinig?" tanong ni Six.

"Ano ulit?"

"Ang sabi ko nagpapalaki ako ngayon—"

"Oo nga, ng bayag." wala sa sarili kong nasabi.

"Ha?" takha niyang tanong.

"Ha?" takha ko ring nasabi. 

"Bayag?"

"Oo, sabi mo bayag." hula hula kong sabi. Nakng. 

"Hangal. Sabi ko nagpapalaki na rin ako ngayon ng katawan." inis niyang sagot. "Anong bayag? Anong nangyayari sa'yo?"

"Inaantok lang." dahilan ko. 

"Kaninong bayag ba yung iniisip mo at yun yung naisip mong gusto kong palakihin?"

"Gago."

"Ano ba kasi nangyari?" tanong nung dalawa bigla. "Biglaan yang ginawa mo, kilala ka namin. Hindi ka nga bumibili ng bagong damit tapos brace pa kaya?"

"Kuripot kang tao tapos fourty thousand? Sa brace?"

"Nag enroll pa sa Anytime Fitness." 

"Anong nangyari sa'yo? Napapagastos ka yata." sambit ni Sebun. "May balak ka bang balikan ex mo kapag change man ka na?" natatawa niyang sabi. 

Napa irap si Six dahil hindi nakinig yung dalawa sa pinag usapan namin kaya uulitin niya lahat ng kinuwento niya sa akin.

"Tapos babalikan mo siya?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi." sagot niya. "Hindi naman para sa kaniya tong ginagawa ko sa sarili ko. Para to sa akin." mahinang tawa niya. "Hindi naman niya ako magugustuhan kahit anong pilit ko, bakit kailangan ko pang ipilit itong sarili ko sa kaniya kung malawak naman yung mundo natin?" seryosong dagdag pa niya.

Hindi kami nakaimik sa sinabi niya. Maya't maya lang, iniba ni Sebun yung topic para man lang gumaan yung awra sa pagitan naming apat.

Hindi ako nakasabay sa mga kwentuhan dahil malalim na naman yung iniisip ko. Hindi ko mapigilang isipin yung kagabing nangyari. Yung kahit anong iwas ko sa pag iisip doon, doon at doon parin lumilipad yung isip ko.  

Tama nga naman si Six.

Kahit anong iwas ko, nasasaktan parin talaga ako kapag naalala ko yung kagabi. Kung hindi sana ako nag grocery, hindi siguro ako masasaktan ng ganito. 

Hindi pa umuwi yung asawa ko kagabi. 

Mas lalong ang hirap hindi mag isip. 

Masaya ba talaga siya kay Black?

"Pre pre pre pre pre." kinakalabit ako ng katabi kong si Six at sinisipa sipa naman ako nung nasa tapat ko na si Uno.

"Ano ba, tol." inis kong singhal. 

Sinesenyasan nila ako sa bagong dating na customer.

Nanlaki yung mata ko. Nanghina.

"Asawa mo yan, 'di ba?"

Parang humiwalay yung kaluluwa ko saglit at parang pinukpok ng martilyo 'tong dibdib ko sa hindi mapaliwanag na dahilan. 

Nakangiti na naman siya. 

Dahil na naman kay Black. Kasama na naman niya si Black. 

B-Bakit parang kailangang mangyari 'to ng dalawang beses? 

Bakit kailangan makita pa mismo ng dalawang mata ko yung mga ngiting yan hindi naman ako yung dahilan? 

Tanggap ko naman. Huwag ko lang mismong makita.

"Hindi mo naman sinabi sa amin na iniya mo rin yung asawa mo dito sa quality time natin." sabi ni Uno na walang kaide ideya.

"Nagdala pa ng pinsan." Nakng. Hindi niya pinsan yan, boyfriend niya yan!

"Hindi na tayo kasya dito." sabi ni Sebun.

Napahawak ako sa buhok ko at napahilot ng ulo.

"Manahamik kayo."

"Nagsabi ka man lang sana samin, 'di ba?"

Kahit ako walang alam.

Hindi na ako makapag isip nang maayos.

Hinawakan ni Black si Amber sa waist at hinalikan siya sa pisngi. Malawak namang ngumiti si Amber at nagkulitan pa sila habang inaantay yung waitress sa paghanap ng mauupuan nila.

Bumagsak yung balikat ko. Nakaramdam ng lungkot.

"Ang sweet naman nilang magpinsan. Bakit kami ni—"

"Tumahimik nga kayo." singhal ko. "Hindi sila magpinsan." naiistress na nga ako, naiistress pa ako dito sa mga kaibigan ko.

"Ha?" gulat nila.

Sino ba kasi nag isip na magpinsan sila?

Nakipag usap ako sa kanila gamit yung mata ko lang. Sinabi ko na sila talaga yung may relasyon na totoo, hindi kami.

"S-Seryoso?"

Walang kagana gana akong tumango. 

"Awts." napatungo silang tatlo.

"So, magpapakabit ka na rin ng braces?" tanong ni Uno.

"Para saan?" inis kong tanong. Anong kinalaman ng brace dito? 

"Para makakuha ng babae?"

Gago.

Kinurot ni Sebun sa tenga si Uno. "Iba yung sitwasyon ni Six sa sitwasyon ni Eleven. Tarantado ka talaga."

"At hindi panghakot ng babae ang braces." inis na paliwanag ni Six. "May problema ako sa ipin, ikaw may problema sa utak."

"Ang bobo." sabi pa ni Sebun.

Palapit sila nang palapit sa pwesto namin.

Sana hindi ako makita. Sana hindi nila ako makita. Sana hindi ako makita ni Amber. 

"Resbakan na ba natin?"

"Magsitigil kayo, walang gagawa ng kahit na ano hanggat wala akong sinasabi. Kayo pagbabayarin ko nitong kinakain natin, sige." banta ko sa kanila. 

Madali naman pala silang kausap. Nanahimik.

Nagtama yung paningin naming dalawa ni Black. Naiwas ko kaagad.

Nakng. Nag iiwas na nga ako ng paningin ko, nagtama pa. Bwisit.

Sana hindi niya ako nakilala. Sana sana sana sana.

"Eleven!"

Nakngpota. Kilala pa ako.

Sinipa ako ni Uno. "Tawag ka." bulong niya na may pagkamalakas.

"Alam ko, tanga." inis kong singhal.

"Glad to see you here." ngiting ngiti niyang bati pagkalapit sa pwesto namin. Kasama yung asawa ko na parang hindi makaimik sa tabi niya. "How are you?"

"Good." awkward akong ngumiti. Bakit kailangan mo pa akong kausapin? "Naalala mo pa pala ako." sana hindi na. "Hehe."

Nagnanakaw ako ng tingin sa ka holding hands niyang asawa ko. Nakaiwas siya ng tingin sa akin na parang gustong gusto niyang takasan tong sitwasyong ito.

Napabuntong hininga ako. 

"Hindi mo kasama si Klarisse," hinanap ng paningin niya si Klarisse.  "Where is she?"

"Wala eh." tipid kong sagot. "Ikaw, how are you?"

"Good. Really good." ngiting ngiti niyang sagot. "Kasama ko kasi girlfriend ko, sa wakas." tuwang tuwa naman niyang sabi.

Ang corny.

"By the way, this is Amber. My girlfriend. I think you know her already, nanood tayo dati ng league niya right? With Klarisse?"

"Yeah." plastik kong ngiti. "Hi." bati ko sa asawa ko.

Blangkong expression lang yung binigay niya. Hindi man lang nag hello.

"How are you?" tanong ko kay Amber.

Hindi niya parin ako sinagot.

Awkward na tumawa si Black. "I think she's not feeling well. Are you okay, babe?"

Hindi parin siya sumagot.

Nag usap silang dalawa sa harap namin. Naririnig kong inaaya na niya si Black na umupo na sa kabilang lamesa kaya nagpaalam na sila sa amin. 

Parang glue yung mata kong sinusundan sila ng tingin hanggang sa makaupo sa kabilang upuan. 

"Ano yun, nagkukunwaring walang alam na mag asawa kayo?" takha nilang tanong dahil walang alam si Black na kasal kami.

Napailing ako.

"No idea."

"Paano mo nalaman na walang idea?"

"Sinisikreto sa kaniya ng asawa ko."

"Ha?"

"It's okay." diretso kong sagot.

"Teka gulong gulo na kami."

"Alis na tayo." aya ko sa kanila. Hindi parin sila nagsikilos sa upuan nila pero ako tumayo na.

Nararamdanan ko yung paningin sa akin ni Amber kaya napatingin ako sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin na parang hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig na naman ng mga mata niya.

Huwag kang mag alala, asawa ko. 

Wala akong gagawin na ikasasama ng loob mo. Ang mahalaga, masaya ka. 

xxx


Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...
5.5K 75 35
Isa lang naman yung gusto ko sa buhay.. Isa lang.... Yung tratuhin ako ng asawa kung mahal na mahal ko. Di ko alam kung kailan yung araw na yun? K...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
23.3K 1.2K 66
She wants to end her life. But... Someone saved her from her suicidal thoughts...