my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

27.7K 1.6K 334

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter
Alternative Chapter 1 [Ch 1]

Chapter 8

160 19 2
By unicachicca

Eleven.

Napaka ganda ng araw ko kahit bitbit ko yung napakabigat na sports bag ng asawa ko.

Ang sarap ng aircon. Ang sarap ng hangin.

Nakaka miss naman yung aircon dito sa arena. Ang sarap sarap!

"Ang ganda talaga dito." wala sa ulirat kong nasabi. Ngiting ngiti akong naglalakad kasama yung asawa ko pati narin si Klarisse. Natutuwa parin talaga ako kapag nakikita ko yung loob ng arena. Ang lawak lawak, ang spacious at nakaka excite ang ambience.

Sa wakas! Nakapasok na naman ako ulit sa Mall of Asia Arena! Ang tagal na rin nung huling punta ko dito. Yung huling punta ko, yung pinaka last na laro ng asawa ko sa liga niya sa volleyball.

Dito kasi naglalaro yung asawa ko dati bilang varsity ng university namin. As someone na admirer niya, parati akong present sa lahat ng ganap niya sa laro. Syempre hindi ako magpapahuli. 

Kasali sa UAAP yung university na pinapasukan naming dalawa ng asawa ko. Dito madalas ginaganap yung league kada season ng UAAP. Minsan naman sa ibang arena. 

Masaya akong pinapanood siya kahit hindi niya ako kilala. 

Kung magkataon man na hindi niya ako paniwalaan na fan niya ako, aba! Ikalat ko pa sa kama niya lahat ng ticket na binili ko para sa mga laro niya noon. Kahit pa picture ng mga training nila sa school, meron ako eh. Kahit pa nga diary tungkol sa kaniya at sa mga naging laro niya, meron ako. 

Kaya kung hindi man niya ako paniwalaan, kung makwento ko man, lalatagan ko talaga siya ng maraming maraming ebidensya.

Wala yatang palya yung panonood ko. 

Kaya nung narinig ko kay Klarisse na isasama niya ako ngayon sa sports fest ng asawa ko, aba! Parang pumalakpak yata dalawang tenga ko at umabot yata ng mata ko yung mga ngiti ko. 

Sino ba naman hindi matutuwa? Ang tagal ko na siyang hindi nakikitang naglalaro. Mga pambato na lang niyang mga gamit sa akin yung pinaglalaruan niya parati. 

Nakng. Ang saya ko talaga ngayong araw.

"What's with the smile?" tanong sa akin ni Klarisse nang nakangisi. 

Umiling ako. "Masaya lang."

"Damn ass." rinig kong bulong ng asawa ko pero nginitian ko lang siya. "Can you stop?"

"Ha?"

"Stop smiling." inis niyang sabi pero hindi ko parin ginawa. "Sinabi ng—"

"Shut up, ate."

Sinamaan niya ng tingin yung kapatid niya pero wala lang siyang nagawa kundi sundin yung utos na tumahimik at huwag akong pansinin.

"Don't mind her."

Kung alam niya lang kung gaano ako ka fan niya. Kung alam niya lang sana, baka hindi na mag init yung ulo niya sa akin.

"First time here?" tanong sa akin ni Klarisse.

Ngiting ngiti akong umiling.

"Ano ba kasing ngingiti ngiti mo dyan?" iritang tanong sa akin ni Amber. "You look like a fucking clown."

Bawal bang maging masaya na makikita ulit kita sa court na naglalaro?

"Masaya lang akong makikita kitang maglaro." sagot ko sa kaniyang nakangiti.

Kunot noo niya akong tinignan ng masama. "Matamaan ka sana ng bola mamaya."

"Ate." tawag ni Klarisse na parang nagwawarning.

Natawa naman ako nang mahina. Hindi niya masisira yung mood ko ngayon dahil masaya talaga ako. "Ang bad mo naman, asawa ko." pang aasar ko.

"Stop. calling. me. that. shit." maririin niyang bitaw sa mga salita. 

"Enough." mahinahon na utos ni Klarisse. "What time your game starts?" tanong niya pero hindi siya pinansin nito at lumakad palayo nang hindi kami inaantay.

Napailing na lang ako nang nakangiti. 

"What a fucking cunt." rinig kong sabi ni Klarisse.

Sinusundan na lang namin siya sa paglalakad. Kanina pa kami naglalakad ngayon habang may dala dala akong mga gamit ni Amber para sa laro niya. Masaya naman na naranasan ko 'to sa wakas, pero hindi na yata ako natutuwa kapag sobrang nabibigatan na ako sa layo ng pagbubuhat ko. Nakng.

Para naman akong nagbubuhat ng sarili kong ataol dito. Pagkabigat bigat!

"Anak ng—!" nanlalaki yung mata ko. 

Nabitawan ko yung sports bag!

Nakagawa ng ingay yung sports bag kaya napalingon yung asawa kong nanggagalaiti akong tinignan. "You son of a bitch." rinig kong mura niya habang palapit sa gawi namin. 

Uh oh.

Ang bigat bigat naman kasi! Hindi ko alam kung nilagyan niya pa 'to ng bato sa loob eh.

"S-Sorry." kabado kong sorry. "Hindi ko sinasadya."

"Hindi ka marunong mag ingat!" inis niyang singhal sa akin. Nararamdaman ko yung mga paningin ng mga taong nakakarinig ng reklamo niya sa akin ngayon. "Hindi mo ba alam na may mga mahahalagang bagay na nandiyan sa loob ng bag?"

"He knows, ate." singit naman ni Klarisse. "Stop bitching around."

"Shut up, Klari." inis niyang sagot sa kapatid. "Wala ka ba talagang utak?" duro niya sa akin na nagagalit talaga.

"Sorry."

"It's okay, bayaw." hinahawakan ako ni Klarisse sa likod na parang pinapakalma yata ako. "Nauna ka na maglakad, ituloy mo na."

"Huwag kang mangia—"

"Maglakad ka na." riin na utos ni Klarisse na itinahimik ng asawa ko. 

Nagtiim ang bagang niya na parang nagtitimpi. Sinusubukang kontrolin yung inis niya sa akin.

Hindi ko naman talaga sinasadya, asawa ko. Nabigatan lang. Nabitawan lang. 

"Wala ka na ngang magandang ginawa sa buhay ko, naninira ka pa ng gamit ng iba." galit niyang sabi sa akin pero pabulong na dahil may mga nakatingin na talaga sa amin, nakikichismis. 

Bubuhatin ko na sana ulit yung bag pero pinigilan ako ni Klarisse. Takha akong napatingin sa kanya. "Let her carry her own fucking bag." utos niya nang nakatingin sa ate niya.

"Ha?"

"Let her carry her bag."

"Pero—"

Tinignan niya ako. "Just let her carry it."

"Hindi—"

"Makinig ka sakin, bayaw." seryosong sambit ni Klarisse. Tumingin siya sa ate niya nang seryoso. "Ate."

"No the fuck way, Klarisse."

"You'll do it."

"No."

"Bitbitin mo."

"No!"

"Don't make me change my mind or else—"

"Fuck you!" mura ng asawa ko. "Stop blackmailing me."

"Bitbitin mo." utos ni Klarisse na parang hindi natinag sa pagmura sa kaniya ng kapatid. Nakakatakot yung mga tinginan nila na parang nagpapatayan. 

Hindi ko alam kung paano sila awatin. Parang walang lumalabas na kahit na anong salita sa bibig ko kapag naririnig ko na silang nagsasagutan. Nakng. 

Masamang masama yung tingin ng asawa ko sa kapatid niya habang yung kapatid naman niya, hindi rin talaga nagpapatinag. 

Padabog na kinuha ng asawa ko yung bag. "Asawa ko—"

"Shut your fucking mouth." riin niyang utos sa akin. Tinignan niya ulit ng masama si Klarisse. "You fucking bitch." naglakad siya na bitbit bitbit yung sports bag niya nang hindi kami inaantay. 

Mukhang wala siyang nagawa sa utos ng kapatid. 

Ngingisi ngisi si Klarisse na tinitignan yung ate niyang nagpapakahirap magbitbit ng bag. "Pathetic."

Napabuntong hininga ako. Ang hirap mapagitnaan ng dalawang Luanzon.

"You alright?" rinig kong tanong niya dahil nakita niya akong nag iikot ikot ng braso, nag iistretch. Ang bigat ba naman kasi nung bag na binuhat ko.

"Okay naman."

"Right." rinig kong sabi niya. "Tara na."

Naglakad kaming tahimik ni Klarisse habang nauuna yung ate niyang parang hindi man lang nabibigatan sa sports bag niya.

"Nauna na yung ate mo." sambit ko.

"Let her go first."

"Sana ako na lang yung nagbitbit ng bag," sambit ko. Naawa sa nakikita. "malapit naman na yung court eh."

"Nah," iling niya. "She's used to it."

"Baka pagod na yan sa pagbuhat. Wala pa yung game, pagod na agad. Ang bigat kaya nung bag na buhat niya." 

"Don't mind her."

Huminga ako nang malalim. Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya na nakataas yung kilay. "Why?"

"Bakit—"

"You're gonna ask why my sister is taking my orders, tama ba?"

Nagulat ako. "Wow." natawa ako nang mahina. "Manghuhula ka ba?"

Tinuro niya saglit yung mukha ko. "It's all written on your face." 

"Eh ang tagal mo na kasing ginagawa yan sa ate mo, buti hindi ka pinapatulan."

"She's asking something from me. It's a big favor which I still didn't say yes yet." sagot naman niya sa akin na nalinawan naman ako. "That's why she can't protest on everything I ask her to do. Even if it's killing her." 

Napatango tango ako. Parang ang laking favor nga non para mapasunod sunod niya ng ganito yung ate niya. "Anong klase kayang favor yun?"

Nginitian lang ako ng tipid ni Klarisse. Hindi niya ako sinagot na mas lalong nagpagulo sa isip ko. Mas lalo akong nagkaroon ng mga tanong o kahit na anong theories sa isip ko. Nakng. 

Umiling ako. Hindi dapat ako nag iisip isip ngayon na makakapanood ako ng laro ng asawa ko. Dito dapat yung atensyon ko, hindi sa ibang bagay. 

"W-Wow." napanganga ako pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa court. Nakng. Ngayon lang ako nakalakad sa gilid ng court ng MOA! Ibang klase. 

Ganito pala pakiramdam ng mga players. Paano pa kaya kapag may mga audience na? Shit. Ang lawak, ang daming mga upuan sa itaas. 

Para yatang mababali yung leeg ko kakatingala at kakaikot ng tingin. Ibang klase talaga.

Parang ang sarap maging player kung ganito yung magiging view mo kapag tumingala ka. Pinapanood ka na makita yung laro mo.

Mas lalo akong napangiti nung nabaling na yung atensyon ko sa mismong volleyball court. Nakakabit na yung net, may mga bola na nagtatalbugan sa kung saan saan dahil nag wawam up na yung mga ibang players. Pumapalo na, nagrerecieve na ng mga palo, naghahabol na ng bola, at nagiistretching na yung iba. 

"Are you okay, bayaw?"

Malawak akong napangiting tumatango tango.

Inilapag ng asawa ko yung bag niya sa bakanteng upuan. Nagbukas ng bag at kinuha yung mga pamalit niya.

Binati siya ng mga ka-teammates niya at nginitian niya lahat.

Inaaya na siya mag warm up.

"Why the fuck are you still here?" mataray na tanong samin ng asawa ko. "Are you both going to play? Hindi di ba? Pareho ba kayong bobo?" ang init naman ng ulo. "Ano pang ginagawa niyo dito, alis."

Ay, aalis na ba kami?

"Stop being a cunt." sabi ni Klarisse na kalmadong naiirita. "We're still here because we're going to watch your game."

"You can't watch here." sambit niya. "Hindi kayo pwedeng manood dito sa tabi ng court."

"We know. Inaantay ka lang namin kung saan mo kami papaupuin."

Napangiwi si Amber. "Pati ba naman yun poproblemahin ko pa? Ako ba nag aya sa inyo na manood ng larong 'to?"

"Kailangan ba talagang pa-taray ka sumagot?" 

"Just sit wherever you fucking want." sagot niya sa amin. "Don't fucking disturb me, I'm busy."

Tinignan ko si Klarisse na ngingisi ngisi lang na naiinis. "Let's go, bayaw—"

"Wait lang." lumapit ako sa asawa ko na nakaupong nagtatanggal ng sapatos. "Asawa ko—Amber."

"What?" masama niya akong tinitigan.

"Galingan mo." malawak akong ngumiti. "Manonood kami. Manonood ako."

Tinignan niya ako na parang naguguluhan sa narinig niya sa akin. "Lumayas ka sa harap ko."

Napanguso ako. Akala ko naman magpapasalamat man lang kahit labag sa loob.

"Let's go, bayaw." naghanap kami ng kumportableng upuan kung saan kita namin yung buong court at walang masyadong harang na malapit sa amin. Magkatabi kaming manonood ni Klarisse. Hindi naman siya maarte na gustong magkahiwalay pa na manood.

Yung atensyon at paningin ko ay nasa asawa ko. Nakikipag usap siya sa mga ka-teammates niya ngayon na nakabihis na ng pang laro.

Hindi ko talaga maiwasang mapangiti nang napakalawak. Parang dati lang, pinapanood kita kahit hindi mo ako kilala. Ngayon naman, asawa mo na akong nanonood.

Nasa kaniya parin yung katangian ng captain ng team.

Lahat naman ng mga naging ka-teammates niya, may passion sa paglalaro. Pero para sa akin, iba yung nararamdaman kong love at passion ng asawa ko sa ganitong larangan. Isa iyon sa naging dahilan kung bakit ako hangang hanga sa kaniya. 

Nakakatuwa lang rin na hanggang ngayon nararamdaman ko parin na hindi niya parin nakakalimutan yung nagbabagang passion niya sa ganitong klaseng larangan.Kahit na busy na siya sa trabaho, hindi niya parin 'to nakakalimutan.

Bilang fan niya nung umpisa pa lang, masaya ako na nakita ko ulit siyang maglaro. Kahit ba na sports fest na lang ito. Walang nagbago sa naramdaman kong saya noon.

Nakng. 

Para akong aatakihin sa puso nung magtama paningin naming dalawa ng asawa ko. Nawala ako sa ulirat at hindi ko naiwasan yung tingin niya.

Wala ako sa sariling ngumiti. Awkward na ngiti.

Pero wala siyang pakialam. Binaling niya lang agad yung paningin sa iba. Wala man lang ngiti o hi o hello. 

Napahawak ako sa dibdib ko. "Woah." napapangiti akong natatawa.

Sa dami ng laro niyang napanood ko, ngayon lang nangyari 'to. Ngayon lang ako nakita ng asawa ko sa audience area.

Malaking bagay 'to sa akin. Parang pakiramdam ko ngayon, aware na siya sa existence ko. Aware na siyang may nanonood ng isang Christopher Eleven Hernandez.

Ang sarap sa pakiramdam. Lumulundag yung puso ko.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Klarisse.

Lumingon ako sa kaniyang nakangiti. "Oo naman!" natatawa parin, masayang masaya.

"The game will start in an hour."

Tumango naman akong nakangiti. "Noted."

Halos thirty minutes rin silang nag warm up kasabay nung opponent nila. Yung kalaban nilang kumpanya ay Mega World.

"Baka nabuburyo ka na." sambit ni Klarisse.

Takha ko siyang tinitigan. "Hindi no." sagot ko.

"Really?"

"Oo kaya."

"Matagal pa magsisimula."

"Okay lang."

"You sure, okay lang sa'yo? Ako yung nag aya sa'yo dito na manood sa ate ko."

"Huwag kang mag alala, madalas akong manood ng live." kwento ko sa kaniya. "This is not my first time."

"What?"

Tiningnan ko siya at ngumiti. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kaniya. "Ilang beses na akong nakanood ng volleyball."

"Oh." tango tango niya akong tinignan. "I see."

Tinignan ko ulit yung asawa ko. Kumabog na naman yung dibdib ko dahil nakita ko siyang napaiwas ng tingin nung tumitig ako sa gawi niya.

"My sister is a volleyball player when she was in—"

"Oo." mas lumawak yung ngiti kong tinignan si Klarisse. "Galing niya nga eh, hanggang ngayon nakakapaglaro pa rin."

Ramdam ko sa gilid ng mata ko yung gulat niya. Para akong natatawa dahil sa nasabi ko. Oo, matagal ko na siyang pinapanood. Hindi pa kami mag asawa.

"What did you say?"

"Sabi ko, magaling yung ate mo noon pa lang. Parang walang pinagbago, magaling padin." sagot ko.

"Nakapanood ka na ba ng mga laro niya noon?" tanong niya sa kin. "You know her noon pa lang 'no?"

Bigla akong nahiya. Namula.

Narinig ko yung mahinang ngisi niya. "Sabagay, she's a star player. Imposibleng hindi mo siya kilala."

Natahimik na lang ako. Hindi lang naman dahil star player siya kaya ko siya kilala, crush ko na yan nung naglalaro pa lang siya. Idol ko na yan eh.

"You're a fan, aren't you?"

Nakng.

Nagulat ako nung narinig ko yung tanong. 

Ang bilis talaga maka pick up nitong si Klarisse. Matalino.

"Based on your actions, I think you are." sambit niya. "The way you smiled when you saw her in her varsity shirt, the way your eyes twinkled when you saw her on the court. I think I know the answer, bayaw."

Napalunok ako. Hindi ako sanay na kinukompronta ako ng mga ganito.

"Don't be shy, it's alright. She's your wife."

Napa angat yung paningin ko nung narinig ko yun.

"But I didn't have any idea that she was the person who I had to marry." paliwanag ko na nakanguso. 

"I know." sagot niya at humalukipkip. "So when you both got married and saw her true personality, you were shocked, aren't you?" diretso niyang tanong kaya nagulat akong tinitigan siya.

"Ah. . .eh—"

"Just answer, bayaw." sambit niya. "Wala naman magagalit dito."

Napakamot ako ng ulo at nahihiyang magsalita. "Hindi ko alam na may ganung side siya."

"Kaya nga sabi nila, you should never meet your heroes." sambit niya na iiling iling. "And worst, pinakasalan mo pa."

"Hindi ko naman kasi hawak yung desisyon." napapalunok kong sabi. 

"I know." sagot naman niya. "Don't worry, I'm not mad."

Tumango ako at ngumiti nang bahagya. 

"She's just unwell these days. She have self issues, problems and other stuff that she's dealing with." kwento niya na para bang may kumirot sa dibdib ko nung narinig ko yun. "But trust me, she's sweet in her own ways. You just have to earn it before you'll see that side of her."

"Naniniwala ako don." tipid kong ngiti. "Nararamdaman ko na ganun rin siyang tao."

"You can easily earned it, trust me." sambit niya. "You're lovable and kind, hindi magiging mahirap yung pag earn mo ng tiwala at side niyang yun. That's what I like about you."

Para naman akong nahiya sa narinig ko. 

"Mas okay na rin sa akin na ikaw yung napangasawa niya." biglang kwento niya. "Panatag yung loob ko sa'yo. Madali mong nakuha yung loob ko."

"T-Talaga?"

Tumango siya.

"I hope you'll both get along and we'll get along as well."

Natawa naman ako nang mahina at napailing. 

"Why?"

"Mukhang malabo yun."

"We can get along." sambit niya. 

"We can but kami, I don't think na mangyayari yun." paliwanag ko. "She doesn't like my existence. She always hates whenever I'm around."

Natahimik siya.

"I'm trying my very best to get along with her. I even sacrifice my career para pumirmi sa bahay at asikasuhin siya. Yun yung naging way ko sana para maging panatag at magkakilanlan kaming dalawa. But I don't think it didn't work." wala sa ulirat kong kwento.

"I see." 

Nanlaki yung mata ko. "Hala. . .napakwento pa yata ako nang wala sa oras." hiya kong nasambit. Wala naman sa plano na makapagkwento ako nang ganito. 

"It's alright," aniya. "I'm actually interested in your thoughts about your married life with her." 

"Ayun, medyo mahirap lang." sambit ko. "Pero kinakaya ko naman." tipid kong ngiti. 

"You love her."

Gulat na gulat akong tinitigan siya. Nakng.

Parang nag init yung magkabilaang pisngi ko sa pagkabigla. Klarisse naman! Bakit naman bigla bigla mo yang naisip? "Ah. . .eh ano—"

"You love her. I'm sure of that."

Hindi na ako nakasagot.

Nagkatitigan kami at parang hinahamon ako ni Klarisse sa mga titig niya. Napayuko na lang ako na parang natalo sa tinginan naming dalawa. "Y-Yes."

"That's cute." napapangiti niyang sagot. "It's nice to know that my sister has a loving husband who loves her despite her personality."

Napapakamot ako. "P-Paano mo ba ako nababasa?" nahihiya kong tanong. "Parang kanina mo pa 'ko nahuhulaan." 

"You're very easy to read," sagot naman niya. "And that's cute. There's nothing to be ashamed of that."

"Nakakahiya lang." 

"I told you, walang dapat ikahiya." sambit niya. "Isa yan sa charm mo." 

Pinupuri niya ba ako? Ng isang Luanzon? 

"I hope you'll be patient with her, she's having a hard time these days." kwento niya. 

"Pansin ko nga, palagi ngang naglalasing—" anak ng punyeta!

Napahawak ako sa mukha sa sakit. Natamaan ako ng bola sa pisngi!

Para akong sinampal ng tabla sa sobrang sakit ng pisngi ko. 

"Fuck." rinig kong mura. "Are you alright, bayaw?" 

May lumapit na lalaki sa amin. Kinukuha niya yung bola na tumama sa akin na inabot ko naman nang bahagyang nakangiti. "Sorry po."

"Okay lang." hawak hawak ko parin yung pisngi kong nanakit parin sa lakas ng sampal ng bola. Pakiramdam ko namumula mula na 'to ngayon sa lakas.

"What a fucking cunt." naibaling ko yung atensyon kay Klarisse na nakatingin sa court. Nagtititigan silang dalawa ni Amber na parang nagpapatayan sa tingin pa lang. 

Ayan na naman sila sa pag aaway kahit sa tingin lang.

"B-Bakit?" tanong ko sa kaniya. 

"Your wife did that."

"Ha?"

"I might kill her." inis niyang sabi. "Are you okay?" tinignan niya yung pisngi ko. Hinawakan niya at hinimas himas. "I think you're not fine."

"Okay lang talaga."

"Wala naman bang natanggal na ipin sa'yo?"

"W-Wala."

"You need an ice pack?"

"Okay lang talaga ako promise."

Bumuntong hininga siya. "Are you sure?" tanong niya ulit pero tinanguan ko siya. "Okay, just tell me if you need something." 

Akala ko naman hindi ako mababangasan ngayon.

Maya maya lang, nag start na yung laro. Nagpakilala silang lahat bago sila pumasok sa court.

Ngiting ngiti akong naeexcite manood. Ayan na!

Hawak hawak ko parin yung pisngi kong nanonood. Sa saya ko, parang walang nangyari sa akin kanina at todo cheer sa asawa ko. 

Yung start ng bola ay sa kalaban. Pinalo ng server yung bola na pumasok sa court ng team ng asawa ko. Napaka sharp nung serve niya pero nareceive ng libero!

Pagka receive ng libero, napunta naman ito kay setter at mabilis na sinet sa asawa ko! Pinalo niya nang napakabilis!

Anak ng. Ang galing!

Naka score sila kaagad!

Napahiyaw ako. "Ang galing." wala paring kupas!

Tahimik lang na nanonood si Klarisse kaya may hiya parin akong nanonood dito. Kung ako lang mag isa na nanonood, siguradong nagsisigaw na ako ngayon.

Mag seserve na ngayon yung asawa ko. Sa kaniya magsisimula yung rotation.

At naka service ace kaagad ang asawa ko! Ang galing galing.

Parang sobrang excited siyang maglaro, namiss niya 'to. Kaya focus na focus siya ngayon sa paglalaro. Ang astig niya talaga.

"You're really a fan." nakangising sabi ni Klarisse.

Hindi ako nakasagot. Ngumiti lang ako.

Napahalukipkip siya at nailing. "Too bad, she can't see it." naguguluhan akong tinitigan siya. "She's blind."

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Parang may hindi ako mapaliwanag na emosyon na nararamdaman ko ngayon. "I-I know."

Pagka serve ng asawa ko, natira naman yun ng kalaban at nagsimula ng long rally.

Nabawasan yung excitement ko dahil sa narinig kong sinabi ni Klarisse.

Natapos yung long rally at napunta yung points sa kalaban dahil out yung pagkapalo ng spiker ng team nila Amber.

"Ayos lang naman sa akin kung hindi niya makita." biglang sagot ko. Pero hinihiling ko parin na sana mabigyan ako ng chance na makita niya ako, bilang lalaki.

Tinitigan ako ni Klarisse. "Hindi naman niya obligasyon na makita ako." pero sana. Malay natin. Sana lang.

Huminga siya nang malalim. Tinapik niya ako sa balikat. "I'm sorry, bayaw."

"It's okay." tipid kong ngiti.

"I pity her for being blind, for not seeing you," aniya. "But I'm sure, she will see you as a man. Maybe not now, but soon."

Ngumiti akong umiiling. Sana.

"She's lucky." bigla niyang nasambit. "Hindi ko alam kung bakit hindi niya makita yung kabutihan ng puso mo. To be honest, you're lovable. Mabilis kang mahalin." 

"Ako ang mas maswerte sa aming dalawa, Klarisse." 

Napangisi siya. "Are you sure of that?" ngiwi niyang tanong. Hindi siguro makapaniwala sa sinabi ko.

"I am." sambit ko.

Umiling siya. "Are you for real?"

"I'm real?" hindi ko siguradong sagot.

"She's lucky to have you, not the other way around." sambit niya. 

"I am lucky to have her." ulit ko para malaman niya na seryoso ako sa mga sinabi ko. "Sino bang hindi matutuwa na may asawa kang isang Amber Luanzon?" 

Narinig ko siyang bumubulong bulong. "Ano yun?" 

"You know what," aniya. "I really like you for my sister." 

Tinignan ko siya, hindi makapaniwala sa narinig. "But the way she treats you harshly, I don't know if she really deserves your love and efforts."

"Everyone deserves loved." sagot ko.

"She just needs to appreciate it."

"I love her but I don't like to make her feel obliged to love me back. Ginusto kong mahalin siya at hindi ko na business yun kung mamahalin niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kaniya."

"Salute to you, bayaw." sambit niya. "Magtiwala ka sa sasabihin kong mamahalin ka rin niyan. Mamahalin ka niyan higit pa sa pagmamahal mo."

Natawa naman ako. "Imposible."

"Gagawin kong posible."

Hindi ako nakapagsalita. "Ano?"

"Posible."

Hindi na lang ako sumagot at nanood na lang ng laro.

Nagkibit balikat ako pagkatapos ng limang minuto. "Sana."

Nagfocus na lang ako sa pinapanood kong laro. Nandito ako para manood, hindi para maging malungkot sa mga imposibleng bagay.

Lumabas ng court yung asawa ko para mag serve.

Nawala yung mga intrusive thoughts ko dahil sa eksenang 'to. Ito yung pinaka paborito kong moment kapag nasa laro siya, yung serve niya.

Gusto ko talaga sanang mag cheer kaso nakakahiya dahil may kasama ako. Gusto ko talaga.

Pinalo niya yung bola at pumasok sa kabila. Ang lakas ng palo niya, tunog na tunog yung bola. Gutom na gutom sa laro 'tong asawa ko, ramdam na ramdam ko.

Nasalo ng kalaban yung bolang pumasok tapos ibinalik sa team ng asawa ko. Nagulat na lang ako dahil pagka set sa kaniya, mabilis na mabilis yung spike niya! Anakngpot—bumaon yung bola sa kabilang teritoryo!

Hindi na nasalo ng kung sino mang kalaban kaya hindi na naibalik sa kanila.

Nakng! Sabi na eh! Gutom na gutom sa bola.

"Ang galing galing talaga ng asawa ko!" proud na proud kong sabi, napapasipol na lang ako dito sa upuan at napapapalakpak. Gusto ko ng magtatatalon dito sa tuwa.

"Hindi pa finals 'tong sport fest ha." sambit ni Klarisse. "Pero ganyan ka na yung energy mo."

Nahiya akong tumawa.

Naalala ko nung nag aaral pa lang kami, maraming naiuwing medals at trophy yung asawa ko. Ilang beses yan nag MVP at maraming best yan.

Naikot na nga niya lahat ng posisyon sa volleyball. Naging libero siya, naging setter at naging spiker.

Ibang klase yung power at skills niya sa volleyball. Iba!

Hinahanap ko nga sa kwarto niya yung mga medal at trophy niya kaso mukhang hindi inuwi sa bahay namin. Mukhang nasa mansion nila at hindi na ginalaw kung saan man nakalagay yun.

Nakapaglaro pa nga yung asawa ko sa international league eh. Representative siya.

Ibang klase talaga siya. Nakakabilib.

Kaya tuwang tuwa talaga ako na naging asawa ko siya. Ang sarap sa pakiramdam kahit na sadista.

Sino ba namang hindi magiging proud sa kaniya? Napakagaling niyang babae.

Kaya crush na crush ko siya hanggang sa napamahal na ako sa kaniya.

Tuwing nauwi talaga ako sa bahay at natutulog nung studyante pa lang ako at single pa lang, hindi mawala wala sa isip ko si Amber. Hindi ako nakakatulog nang maayos.

Siya rin yung naging inspiration ko nung nag aaral ako. Siya yung naging dahilan ng pagsurvive ko sa college kasi sa tuwing umaayaw ako sa sobrang daming responsibilidad, kapag inisip ko siya, nawawala lahat ng worries ko at iniisip ko na kakayanin ko para sa crush ko.

Malaki yung naging part niya sa student life ko. Sobrang laki.

Siya yung naging reason ng survival ko.

"Bayaw."

Lumingon naman ako sa katabi ko.

Nakatingin siya sa kung saan. "Can you buy me some snacks?" utos niya.

Tinignan ko yung laro, ang ganda na sana nung laro eh. Nautusan pa ako.

"O-Okay." ano ba naman yan. "P-Pwedeng mamaya?"

"No."

"Sige na nga." inabutan niya ako ng pera pero tinanggihan ko siya. "Ako na bahala."

Nararamdaman ko na rin na nagugutom ako. Kailangan ko na ring kumain.

Hindi ako nakakain kaninang umaga dahil sa sobrang excitement, naligo ako kaagad at nagbihis. Inaantay na lang silang maging prepared kanina.

Nawalan ako ng time kumain. Ang hirap maging excited.

"Hindi ka pa aalis?"

"Eh kasi—"

"You're hesitating? Come on, simula pa lang yung laban. Mahaba pa yung papanoorin mo mamaya."

Sige na nga. Maiiwanan naman yan saglit, hindi naman matatapos kaagad.

Gutom na rin yung kasama ko, kung ako lang yung magugutom para makanood, okay lang. Kaso meron ding nagugutom, yung kasama ko.

"Sige sige." tumayo ako, naglakad palabas ng looban ng arena. Pagkalabas ko, meron kaagad akong nakitang nagtitinda ng snacks kaso mahaba yung pila.

Napakamot ako ng ulo. Ano ba naman yan, mahaba pila! Hindi ko na tuloy mapapanood yung ibang laro ng asawa ko.

Hindi sana ako pipila kaso mas lalong humahaba. Wala na akong nagawa kundi pumila na rin. Kapag nagdalawang isip pa ako, hindi ako makakabili. Mas lalo akong matatagalan.

Ano ba pwedeng maorder? Popcorn? Sausage?

Wala bang rice dito?

Yung sausage na nga lang pati hamburger. Kay Klarisse, mukhang ganun na rin. Yung asawa ko kaya—Anak ng.

Halos matumba ako sa pila dahil sa pagkabangga niya. "Sorry, man."

Pinagmasdan ko yung kabuuan niya. Naka americana siya. May blazer na suot na kulay black at puting polo sa loob na may tie na black. Mukhang negosyante na mukhang humble.

"I'm in a hurry man, sorry. Hindi ko sinasadya."

Natutulala ako sa harapan ko na lalaki.

"O-Oh." natutulala kong nasambit.

"I'm sorry, I really have to go."

"O-Okay."

Pumasok siya sa nilabasan kong pinto. Doon siya papunta sa VIP seating.

May itsura. Ang bango.

Ramdam ko yung tigas ng katawan niya. Halos mabagsak bagsak ako sa pagkabangga niya kanina.

Sino ba namang hindi mawawalan ng balanse kung ganon yung mababangga mo? Para akong nakabangga ng pader.

Nakakalalaki yung itsura niya. Kakaiba.

Parang may lahi. Ang puti tapos mamula mula. May freckles sa mukha.

Ang pogi talaga.

"Yes sir." nanlalaki yung mata ko. Ako na pala yung susunod sa pila!

Ang tagal kong inisip yung lalaking yun! Anak ng. Ang haba ng pila tapos ngayon, nandito na ako. Ganon ba talaga katagal isipin yung lalaking nakabangga sa akin?

"Isang hotdog—ay! ano wait! hehehe." nahihiya kong sabi. Hindi ko mabigkas nang maayos yung mga order ko. Umubo ako para ayusin yung tono ng boses ko. "Dalawang hamburger at dalawang sausage bread with dalawang drinks." malalim yung boses kong order na pinagsisihan ko kaagad.

Nahiya ako dahil naweirduhan sa akin yung babae.

Parang gusto ko na lang maglaho. Bakit ko ba yun nagawa?

Binigay sa akin yung order ko at umalis ako. "Sir!"

Lumingon naman ako. "Y-Yes?"

"Bayad niyo po."

Anak ng. Ano bang nangyayari sa akin?

"S-Sorry." binigay ko sa kaniya yung isang libo at hindi ko na kinuha yung sukli sa hiya.

Ramdam na ramdam ko yung mga titig ng mga nakapila. Sobrang nawiwirduhan siguro sila sa akin dahil sa nangyari.

Binilisan ko yung lakad kong bumalik sa upuan namin ni Klarisse.

Naituon ko saglit yung atensyon ko sa score. Mukhang matatapos na yung first set.

Ang dami kong na missed sa laro. Napakahaba kasi ng pila!

Nanlalaki yung mata ko dahil merong nakaupo sa upuan ko. Sa tabi ni Klarisse.

Siya. . .siya yung nakabangga sa akin!

Takha akong napahinto at tumitig sa gawi nila Klarisse.

Kilala ni Klarisse yung lalaki?

Anong meron?

Tumuloy na ako sa paglapit sa gawi nila.

Napalingon naman sa akin si Klarisse na gulat na gulat.

"Klarisse." tawag ko sa kaniya.

Tinitigan ako nung naka suit and tie. Kumunot yung noo niya pero ngumiti siya kaagad.

"Hi." bati niya sa akin.

"Hello." bati ko rin at ngumiti.

Inabot ko yung snacks ni Klarisse sa kaniya. Sinenyasan niya ako na tumabi na lang sa kanan ko dahil okupado na nung naka suit and tie.

Bago ako makadaan papunta sa kanan ni Klarisse, napahinto ako dahil sa kinausap niya ako.

"I'm Black Stanford." pagpapakilala niya sa akin.

"I'm—" nilakihan ako ng mata ni Klarisse, inutusan na akong umupo sa tabi niya.

"B-Bakit?" takha kong tanong nung nakaupo na ako.

Hindi niya ako sinagot.

Anong meron?

xxx

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
310K 1.9K 20
Hi. Ako nga pala si Maria Carolina A. Mendrez. 20 years old. BS Agriculture student. Dean's Lister. Top in the class. Miss Goody-two shoes. SINGLE. V...
191K 13.7K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
6.9K 268 32
THIS IS THE CONTINUATION OF dawchadd6765 WMIM