my sadist wife (completed) (i...

By unicachicca

27.8K 1.6K 334

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... More

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter
Alternative Chapter 1 [Ch 1]

Chapter 5

171 15 2
By unicachicca

Eleven.

Kabadong kabado ako. Parang lalabas yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Anak ng.

Nasa ere na yung upuan na ipapalo niya sa akin sa galit.

Pero hindi natuloy dahil dumating ngayon si Klarisse. "Subukan mo." banta sa kaniya ng kapatid niya na ikinatigil niya. "Hindi ko gagawin yung inuutos mong ipagawa sa akin."

Malalim ang mga hiningang pinapakita niya. Nagtitimpi na galit na galit ang mga mata.

"Sorry." nakayuko kong sabi. "Hindi ko sinasadya—"

"WHAT DID YOU SAY?" inis niyang sabi. "Hindi sinasadya? Are you fucking serious?"

Nakayuko parin ako habang pinagmumumura niya ako sa inis. 

Hindi ko naman talaga sinasadya. Wala naman akong intensyon na gawin yun, asawa ko. 

"Enough."

Pero hindi parin nakinig si Amber at hinagis yung upuan sa pader. "Don't you know how important my laptop is?" inis niyang tanong.

Alam ko naman yun, asawa ko. Nandoon lahat ng mga trinabaho mo. "I'm sorry." hindi ko lang talaga sinasadya. "Hindi na mauulit."

Bakit ba kasi napaka lampa kong tao?

"Hindi na talaga mauulit dahil sira na yung laptop ko!" sambit niya. "Fuck you."

"Ate." tawag ni Klarisse na nagpapahiwatig na tumigil na. "Enough."

"Shut the fuck up!" sinipa niya yung sofa sa inis. "I hate this. I hate my fucking life!"

Lumabas siya ng bahay at padabog niyang sinarado yung gate. Gusto ko sana siyang sundan pero parang mas lalo siyang magagalit kapag ginawa ko yun. 

"Hayaan mo lang siya." sambit ni Klarisse na umupo na ngayon sa sofa. "She's a fucking cunt." iling iling niyang sabi. "I'm sorry about my sister, kinulang yan sa gatas nung bata pa."

"Kasalanan ko rin, pasensya na."

"No." umiling siya. Parang hindi sang ayon sa sinabi ko. "Don't be, kakampi mo ako dito."

"Natapunan ko kasi ng juice yung laptop niya." paliwanag ko sa kaniya. Manggagalaiti ka naman talaga kapag natapunan yung laptop mo ng juice. Malamang sa malamang, merong nakalagay doon na importanteng bagay.  "Tapos namantsyahan ko yung paborito niyang damit."

"Oh." parang naintindihan niya na kung bakit naging ganon yung ate niya. 

"Diba?" sambit ko.  "Sabi ko sa'yo, kasalanan ko rin. Kahit ikaw, manggagalaiti ka."

Ngumisi siyang umiling. "Kahit na." sambit ni Klarisse. "Besides, I don't hit people when I'm mad."

Tinignan ko siya. 

"I'm not my sister, bayaw." sabi niya. "Hindi ako mahilig manadista."

"Bayaw?" takha kong tanong. Tama ba ako ng narinig?

Ngumiti siya nang bahagya. "Bayaw."

Tinatawag niya talaga akong bayaw? 

"Why?" takha niya namang tanong sa akin.

Napangiti ako. "Tanggap mo ako bilang bayaw mo?"

"Of course." sagot niya. Hindi parin ako makapaniwala. "Mas tanggap pa kita kaysa sa ate ko."

Mahina naman akong natawa. 

May pagka pareho sila ng ugali pero magkaiba pala talaga sila. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Mukha rin siyang nakakatakot katulad ng ate niya pero kapag pala kinausap ko na, hindi ka matatakot. 

Nakaka intimidate siyang tignan, pero hindi naman talaga.

"It's just so wrong hitting someone physically." sabi niya. "Luckily, I'm here. Baka makita na lang kitang coma sa hospital if I wasn't here."

"Deserve ko naman."

"No." inis niyang sagot. "You don't deserve that." 

Huminga ako nang malalim. "Saan kaya pumunta yung ate mo?" nag aalala kong tanong. Mukhang naglalabas ng galit sa daan. 

"Don't mind her." paalala naman ni Klarisse. Binuksan niya yung TV at pinatong yung paa sa lamesa. 

Syempre hindi ko maiwasang mag alala. Kahit sadista yun, asawa ko yun. Saan naman kaya pupunta yun? 

Dahil sa nagawa kong kasalanan, parating mainit yung ulo sa akin ni Amber. Alam kong mainit na yung ulo niya sa akin simula nung kinasal kami pero mas mainit yata yung ulo niya sa akin ngayon. 

Kunting kibot ko, parang tatamaan ako ng kung ano ano. Natatamaan lang ako kapag nang aasar lang ako pero ngayon, hindi ako maka asar dahil asar na agad siya sa akin. Titigan niya pa lang ako, parang uupakan na ako. Presensya ko pa lang, trigger na.

Pero mas lalo lang siyang nanggigigil sa akin dahil sa tuwing matatamaan niya na ako ng kung ano ano, nitong mga sumunod na araw, nandito si Klarisse. Biglang sumusulpot at binablock mail siya ng kapatid niya.

Subukan niya daw gawin, hindi daw gagawin ni Klarisse yung pinapagawa sa kaniya ni Amber.

Paulit ulit kong iniisip na hindi ko naman talaga kasalanan mabasa yung laptop. Pero sobrang naguguilty ako. 

Galit na galit talaga siya. 

Nagpatong patong lahat ng gigil siguro sa akin. 

Yung gigil sa pang aasar ko sa araw araw.

Yung gigil na lagi niya akong nakikita.

Yung gigil na magkasama kami sa iisang bahay.

Yung gigil na kasal siya sa akin. 

Kaya wala rin talagang pahinga katawan ko sa sakit. Ngayon lang dahil parating nandito si Klarisse kapag malapit na siya magalit at manakit.

Parang wala yatang araw na hindi niya ako nasasaktan. Madalas rin kasi hindi ko mapigilang mang asar kaya mas gigil siya sa akin na saktan ako. 

Para ko siyang wonder woman na parating nandito kapag kailangan ko ng tulong. 

Hindi ko alam kung bakit takot na takot si Amber sa kaniya. Siya yung ate pero siya yung sunod sunuran sa kapatid niyang 'to. 

Siguro dahil talaga importante talaga para sa kaniya yung favor niya kay Klarisse. Yun parating binabanggit ni Klarisse tuwing sasaktan niya ako tapos hindi niya naitutuloy. 

Ano kayang meron don? 

"Pansin ko yata na parati kang nandito." biro ko kay Klarisse na muntikan na naman ngayong araw masaktan. Kaka alis lang ng asawa kong nagagalit na naman sa akin at umalis na lang katulad ng ginagawa niya nung nakaraan para hindi mangyari yung gusto niyang mangyari dahil nandito yung kapatid niya. 

"Just making sure you're still alive." kaswal niyang sabi sakin. Nakng. "At kung tinutupad niya yung pinapagawa ko but looks like, she didn't and she can't."

Gusto ko sanang huwag mangialam sa pinag usapan nila pero hindi na talaga kaya ng bumbunan kong hindi maki chismis. "About that. . ." napakamot ako ng ulo dahil nahihiya sa itatanong ko. "May I know what is it about?"

Napangisi siya. "Are you curious?"

Nahihiya akong ngumiti at tumango. "Hehe."'

"Well, I asked her not to hurt you physically." sambit niya. "Kapalit ng pinapagawa niya sa akin."

"Ano yun?" 

Nginisian niya ako. "Can't tell."

Napanguso ako. Akala ko naman sasagutin niya na yung tanong ko.

"Ang bait mo naman." puri ko sa kaniya na ikinataas ng kilay niya. "You asked your sister not to hurt me? That's so nice of you." 

"Dapat lang." bumuntong hininga siya. "Can I ask you something?" mabilis akong sumagot na oo dahil pinagbigyan niya naman ako kahit kaunti kung tungkol saan yung pabor na yun.

"Do you still can handle my sister?" naramdaman ko yung concern niya sa pagkatanong niya sa akin. Parang gusto niyang makasigurado na okay pa ba ako sa mga nararanasan ko sa kamay ng ate niya.

"I think kaya ko naman." tipid kong ngiti sa kaniya. "Susubukan kayanin hangga't kaya ko pa talaga."

"Sure?"

"May dahilan naman siya kung bakit niya ginagawa lahat ng 'to." sagot ko sa kaniya. "Kasi nga masama loob non na pinakasalan niya ako tapos ang kulit ko pa." may biro sa boses ko at ngumiti.

"She's treating you so bad to scare you na makaalis sa kasal na 'to." paliwanag niya. "That's why she was so horrible to you."

"She has the right to." sambit ko. "Napilitan lang naman siyang pakasalan ako."

"At napilitan ka lang rin pakasalan siya." pero hindi sa paraang ayaw ko kumpara sa pagpilit sa kaniya. Mas ayaw niya yung nangyari. Mas hindi siya pabor kumpara sa akin. "But I want you for her."

Natigilan ako sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko? 

Gusto niya ako para sa kapatid niya? Seryoso ba? 

"Talaga?"

Ngumisi siya. "I don't lie."

Malawak akong napangiti. Natuwa.

Sinong mag aakala na boto sa akin yung kapatid niya? Nakng. 

Ganito pala pakiramdam kapag gusto ka talaga ng pamilya ng taong gusto mo. Ang sarap sa pakiramdam. Nakng. 

Hindi rin nagtagal yung ngiti ko dahil sa naisip ko ngayon. "Wala rin yun kung hindi niya ko mismo gusto." biro ko na nasasaktan sa sinabi ko.

"You like my ate that much?"

"Ha?" may nasabi ba ako. "Hindi—I mean—"

"It's obvious." sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita.

"Trust me," tumayo siya at inayos yung bag na dala niya. "She will love you more than you would imagine."

"Huh?" natawa ako. "Mukhang malabo yun."

"You're wrong." depensa niya. "Because I can make her love you."

--- 

Madilim yung paligid pagkalabas ko ng kwarto dahil gabing gabi na.

Hindi man lang binuksan ng asawa ko yung mga ilaw dito sa loob ng bahay para lumiwanag naman.

Dahan dahan lang akong naglakad papunta sa switch, bubuksan ko yung ilaw. Masyadong madilim.

Para naman akong retarted kung makalakad ako ng ganito. Hindi na nga ako magpapasadista para hindi na ako masaktan.

"Ay tipaklong—!" napatalon ako sa gulat. "Nakng. Asawa ko?"

Tumambad sa akin yung mukha ng asawa ko, nakahilata siya sa sofa na natutulog. Mukhang pagod na pagod dahil sa ayos ng pagkahiga niya, parang sinalampak na lang yung katawan para makahiga.

"Ano na naman nangyari sa'yo?"

Dahan dahan akong lumapit.

Umaalingasaw yung alak nung palapit na ako nang palapit.

Lasing na naman 'to. Araw araw na lang.

Ano bang problema niya sa buhay at ganito siya ka wasted palagi? Sigurado kasi ako na hindi lang basta inuman 'tong ginagawa niya.

May rason 'to. May problema.

Eh kung pinagkakatiwalaan niya lang ako, pwede niya akong maging listener. I can hear her out naman eh.

"Hay." lumuhod ako para magpantay yung mukha naming dalawa.

Kinawayan ko siya sa mukha. Gusto ko lang makasigurado dahil black eye naman makukuha ko ngayong gabi kung hindi ako mag iingat sa mga aksyon ko.

Mukhang tulog na tulog nga.

Lumuhod ako sa gilid niya para medyo magpantay kaming dalawa.

Hindi ko kayang buhatin 'to sa kwarto niya. Makirot talaga yung buong katawan ko, baka malaglag ko lang siya sa hagdanan. Sabihin pa niya, sinasadista ko siya habang tulog siya.

Gigisingin ko na lang para siya na lang yung tumayo tapos pumasok sa kwarto niya. Hindi ko naman pwedeng iwanan 'to dito sa sala na natutulog, baka may pumasok pang magnanakaw tapos ano pang gawin sa kaniya.

Saka malamok dito, mas maganda talaga na nandoon na siya mismo sa kwarto niya.

"Asawa ko." paggising ko sa kaniya. "Huwag ka dito matulog, sa kwarto ka dapat natutulog. Sa kwarto mo." sambit ko.

Walang respond.

"Asawa ko." marahan ko siyang niyugyog para magising. Ungol lang yung sinasagot sa akin, yung ungol pa na ayaw magpaistorbo.

Maingat na akong umupo sa sahig dahil masakit na yung tuhod ko sa pagkakaluhod. "Bumangon ka na diyan, lumipat ka na." niyuyugyog ko siya pero ayaw pa rin.

"Huy." huling tawag ko.

Hindi parin ako sinasagot.

Wala na akong nagawa.

Tumitig na lang ako sa mukha niyang napaka amo. Parang hindi nananapak.

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko sa gulat dahil bigla na lang siyang nagmulat at titig na titig sa akin.

Malakas yung kabog ng dibdib ko. Ano na naman 'tong mangyayaring gulo at sadistahan?

Paktay ka na naman, Eleven.

Sibat na Eleven. Sumibat ka na. Layas ka na diyan kung ayaw mong mamatay.

Pumorma na ako para makatayo. "Uhh. . lipat ka na lang kapag—"

Parang humiwalay yung kaluluwa ko dahil sa biglaang paghila niya sa braso ko at nawala sa balanseng napaluhod sa sahig na ikinalapit ng mukha naming dalawa.

Anak ng.

Titig na titig siya sa akin. Anong gagawin ko? Malapit yung mukha namin!

Lunok at titig lang rin yung ginagawa ko ngayon. Pati pala magpalpitate.

Nakng, magkakasakit yata ako sa puso dahil sa kaniya. Ginugulat ako lagi.

Bakit. . .bakit ganito? Ano 'to? Ano tong nakikita ko sa mga mata mo?

Parang diyamante sa sobrang kislap ng mata mo na nakatitig sa akin. Ang ganda tignan. Ang gandang pagmasdan.

Nagwawala yung sistema ko, nawawalan ng ideya kung anong pwedeng gawin.

Nalulunod ako. Nalulunod ako sa mga titig mo, asawa ko.

Huwag mo naman akong lunurin nang ganito, baka hanap hanapin ko.

Naramdaman ko yung pagpulupot ng kamay niya sa batok ko. Takha ko siyang tinitigan dahil sa ginagawa niya.

Anong gagawin mo? Nawawala na ako sa wisyo.

Parang kuryente yung dumadaloy na naman sa buong sistema ko nung hinawakan niya yung batok ko ng dalawang kamay niya. Ito yung naramdaman ko kanina nung naglapat yung labi namin accidentally.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano yung rason. Yung specific reason.

"A-Asawa k-ko." hinawakan ko yung dalawang braso niya para tanggalin yung pagkakapit niya sa batok ko. "L-Lasing k-ka."

Para akong mahinang tao na hindi matanggal tanggal yung pagkakapit niya sa akin. Wala akong lakas, parang tinanggalan ako ng karapatan para magkaroon ng lakas ngayon.

"Hey." tawag ko sa kaniya. Tumawa ako awkwardly, pinapagaan yung atmosphere na bumabalot sa aming dalawa. "Uupakan mo ba ako? Huwag naman—Mmh!"

Nagulat ako nung bigla niyang hinila yung batok ko, sumusubsob yung labi ko sa labi niya.

Shit. Shit. Shit.

Nagwawala yung buong sistema ko, I mean. . .mas lalong nagwala.

Mas lalo ring bumilis yung tibok ng puso ko, aatakihin na ako sa sobrang kabog.

Gumalaw yung labi niya habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala.

Napapikit ako. Mas lalo kong naramdaman yung emosyon sa halik niya kaya nadala ako. Namalayan ko na lang sa sarili ko na tinutugon yung halik niya.

Nangangapa ngapa ako kanina dahil hindi ko alam kung paano ko siya tutugunan, hindi ako marunong dahil siya lang yung taong nahalikan ko. Pero natutunan ko kung paano tugunan lahat ng binabato niyang halik sa akin.

Parang bumagal yung pag ikot ng mundo ko.

Hindi ko alam kung sino yung lasing samin dahil pakiramdam ko nalalasing narin ako sa halik niya.

Mas lasing na yata ako sa kaniya.


Continue Reading

You'll Also Like

578K 798 21
SPG‼️SPG‼️SPG‼️ WARNING⚠️ MATURE CONTENT ⚠️ WAG NG SUBUKANG BASAHIN KUNG WALA KA PA SA TAMANG EDAD‼️
202K 1.2K 20
Isang babae na Nagmahal sa murang Edad nya sa isang mas ma edad sa kanya na isang matalik na kaibigan pa ng mga magulang nya .. Maraming problema ang...
135K 966 27
ME,MY MOM AND HER BESTFRIEND | MMMBF by Robin Sabi nila mahirap daw magpalaki ng magulang.Ang sabi ko naman,mas mahirap ang bumuo ng pamilya,lalo na...
HE KIDNAPPED By Lisnaej

General Fiction

41.2K 1.3K 20
OLD STORY (Complete) BOOK COVER BY ZERENETTE