MYSTIC ACADEMY: The Cursed an...

Da Sparkyspark15

7.3K 184 5

Lumaki si Windellyn Terrisha Perez sa isang Pamilya na hindi niya kadugo, pero kahit ganun ay tinuring siyang... Altro

PROLOGUE:
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
AUTHOR'S NOTE:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53:
CHAPTER 54:
CHAPTER 55:
CHAPTER 56:
CHAPTER 57:
CHAPTER 58:
CHAPTER 59:
CHAPTER 60:
CHAPTER 61:
SPECIAL CHAPTER:
SPECIAL CHAPTER (2):
CHAPTER 62:
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66:
CHAPTER 67:
CHAPTER 68:
CHAPTER 69:
CHAPTER 70:
CHAPTER 71:
CHAPTER 72:
CHAPTER 73:
CHAPTER 74:
CHAPTER 75:
CHAPTER 76:
CHAPTER 77:
CHAPTER 78:
CHAPTER 79:
CHAPTER 80:
CHAPTER 81:
CHAPTER 82:
CHAPTER 83:
CHAPTER 84:
CHAPTER 85
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89:
CHAPTER 90:
CHAPTER 91:
CHAPTER 92:
CHAPTER 93:
CHAPTER 94:
SPECIAL CHAPTER: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER: I TRUST YOU, BRO
CHAPTER 95:
CHAPTER 96:
CHAPTER 97:
CHAPTER 98:
CHAPTER 99:
CHAPTER 100:
Author's note:
CHAPTER 101:
CHAPTER 102:
CHAPTER 103:
CHAPTER 104
CHAPTER 105:
CHAPTER 106:
CHAPTER 107:
CHAPTER 108:
CHAPTER 109:
CHAPTER 110
CHAPTER 111:
CHAPTER 112:
CHAPTER 113:
CHAPTER 114:
CHAPTER 115:
CHAPTER 116:
CHAPTER 117:
CHAPTER 118:
CHAPTER 119:

CHAPTER 27:

57 2 0
Da Sparkyspark15


WINTER'S POV:

Nung pababa na kami ng hagdanan ay biglang nagtanong si Kenjie doon sa sinabi ko kay Katelynn kanina, hindi raw kasi nila maintindihan yun.


"Ah yun ba? Tanong mo kay Claire, alam niya yun." sabi ko sabay lingon kay Claire na nanlaki ang mata.


"Oo alam ko, p-pero m-may m-mura k-kasi, y-you k-know n-naman---"


"T*ng*na Claire, edi ikaw na mabait. Ano kasi yun, 'You're stupid, pretty stupid. Shut up, you ugly bitch' kaya huwag kayong maingay." sabi ko kaya tumawa naman sila.


"Kaya pala ayaw sabihin ni Claire dahil may mura pero sabi mo compliment yun? Kaya nagtataka ako na binigyan mo yun ng isang compliment eh karibal mo yun?" sabi ni Kenjie sabay tawa ng malakas. Karibal?


"Karibal? How come naging karibal ko siya? Gusto niya si Chief, edi gusto. Wala namang problema sakin." sabi ko.


"Wala naman talagang problema Winter. Sayo lang naman kakalampag si Chief. Biruin mo, sa dorm kasi hindi yan ngumingiti at palaging nakabusangot pero pagkasama ka niya ay ang lawak ng ngiti. Grabe! Iba talaga karisma ni Ms. President!" sabi niya kaya inirapan ko na lang siya.


Nang tuluyan na kaming makababa ay may biglang humawak sa kamay ko at hinila ako. Ang bilis niyang tumakbo kaya wala akong choice kung di ang sabayan siya pero pilit ko ring hinihila ang kamay ko. Hindi ko alam kong sino to dahil mas tinuon ko ang atensyon ko sa kamay ko.


Mga ilang minuto rin kaming tumatakbo ni God-knows-who-the-hell-is-he kaya ramdam ko na rin ang pagod ko. Nung huminto na kami kakatakbo ay napahawak ako sa dibdib ko dahil medyo nahihirapan akong huminga, grabe! Patagal ng patagal ang takbuhan namin ay pabilis ng pabilis naman ito. Hindi ko kayang sabayan yun! Minsan nga malapit na akong madapa.


Gago tong lalake na to! Yeah, alam kong lalake yun dahil hindi naman siya nakasuot ng skirt. Medyo napa-upo ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko, maya-maya ay inangat ng lalake ang mukha ko paharap sa kanya.


"Ok ka lang? Ms. Beautiful? Holding hands while running eh?" bwisit tong mokong na to!


Agad naman akong tumayo at tinignan siya ng masama. As much as I wanted to punch his face, hindi pwede dahil baka madamay ang pangalan ng Academy pag ito nag sumbong.


"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kaniya habang hinahabol ko ang hininga ko.


"Ayaw mo ba nun? Holding hands while running? Like what usually couple do pero may twist yung satin." sabi niya. Aba! Proud pa siya!


"Bwisit kang lalake ka! Alam mo bang bawal akong mapagod ng sobra dahil nakakasama sa kalusugan ko yun?! Ano ba talaga ang sadya mong p*t*ng*nang lalake ka?!" sigaw ko sa kaniya, hindi ko na pinansin yung mga estudyante na nakatingin samin.


"Teka nga lang! Napagod ka na agad sa takbuhan natin kanina?!" tanong niya sakin.


Agad kong hinila ang kwelyo ng uniform niya at pinalapit ito sakin, sinasagad niya talaga ang pasensya ko.


"If you want to kiss me, not here. Sa lugar na walang tao kung saan tayo lang ang nandoon. We can also do it, if you want. Bat naman kita pipigilan?" sabi niya habang naka-ngisi.


Dahil sa inis ko ay mas humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya. Hinawakan na rin niya ang kamay ko, siguro nasasakal na siya. Ngayon ko lang nalaman na hindi na inis tong nararamdaman ko, galit na.


Dahil nakangisi parin siya ngayon, mas humigpit pa ang hawak ko sa kaniya. Kita kong nanlaki ang mata niya pero hindi ko ito pinansin, hindi ko na rin kontrolado ang nararamdaman ko dahil nagdidilim na ang paningin ko.


"Ito gusto mo diba? Ang atensyon ko? Well, I want to congratulate you because you already did! I told you, huwag mong ubusin ang pasensya ko dahil nawawala ako sa sarili ko ngayon." galit na sabi ko.


"M-ms. B-beautiful, t-tama na. Y-yung ibang estudyante m-madadamay m-mo." nauutal na sabi niya pero hindi ko siya pinansin.


"Ito gusto mo diba?!" sigaw ko habang naka-hawak parin sa kwelyo niya.


"P-please, p-pag-usapan natin t-to ng m-maayos. K-kumalma ka m-muna." sabi niya sabay hawak sa kamay ko na nasa kwelyo niya pero hindi ko siya pinansin.


"MS. PEREZ! CALM DOWN!" kaya nabalik naman ako sa huwisyo ko.


Agad ko siyang binitawan at tumingin sa paligid, hundred of students ang naka-angat ngayon dahil sa vines na na summon ko, pati yung mga Rangers, Samantha, Alexis and some teachers.


"I-im s-sorry, h-hindi ko s-sinasadya...." sabi ko. Hindi ko na rin namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Lumapit sakin si Ms. Principal pero umaatras ako.


"Huwag po kayong lumapit sakin! Ayokong madamay kayo!" sigaw ko. Nakatutok sakin ang mga kamay ni Ms. Principal na parang gusto niyang kumalma ako.



"Calm down Winter. Yung mga mata mo, Dark green na. Just calm down, hindi ako galit sayo just calm down." sabi niya habang papalapit sakin kaya umaatras na naman ako.


Nung natumba ako ay agad naman niya akong nilapitan at niyakap. Agad naman akong umiyak at unti-unting kumalma, iyak lang ako ng iyak sa braso ni Ms. Principal na parang bata na hindi binigyan ng paborito niyang laruan.


"Shhh.....shhh.....it's ok.....hindi ako galit sayo.....calm down ok.....I'm here, don't worry....." sabi niya tsaka may binulong sakin habang hinahaplos ang buhok, maya-maya ay kumalma ako at biglang nakatulog.

ROSÉ'S POV:

Nakatalikod kasi si Winter kaya ako ang nakakita sa mga students at teachers na naka-angat ngayon dahil sa vines ni Winter na kumalat, nakakapagtaka lang dahil umiwas samin ni Jake yung vines at ibang tao ang nilapitan. Nung naramdaman kong kumalma na si Winter ay agad naman akong nag-cast ng spell para makatulog siya ng isang oras.


Kita kong maingat na binaba ng vines ang mga estudyante at teachers tsaka unti-unting nawala. Agad namang lumapit samin yung Rangers, Alexis, Samantha at si Jake. Hinawakan rin ni Jake si Winter na mahimbing na natutulog sa braso ko.


Tinitigan namin ang maamong mukha ni Winter, tinitigan ko ng maayos ang mukha niya na mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang rin napansin na kuha niya ang lips at ang hugis ng mukha ni Jake habang yung mata, ilong at ang kilay niya ay katulad nang sakin. Wala akong palatandaan kay Amara kaya wala akong pruweba na anak ko nga siya.


"Anong bang ginawa mo kay Winter?!" sigaw ni Kairon sa isang lalake habang nakahawak sa kwelyo niya, I think siya yung taga Jade's Academy.


"I-im s-sorry, gusto ko lang s-sanang m-makasabay si W-winter sa recess kaya hinila ko siya. Alam ko naman na tutol ka kaya yun na lang ang ginawa ko." nakayukong sabi niya. Tumayo naman si Jake at binigay muna si Winter sakin.


"Kairon tama na yan, kumalma ka rin. Wala si Winter para pakalmahin ka." sabi ni Jake kaya binitawan agad niya yung lalake.


"What is your name?" tanong ko sa lalake.


"Asher po, Asher Taylor Aquino."


"Ok Asher, huwag kang mag-alala. Sabihin mo lang yan kay Winter pagkagising niya, I'm sure na maiintindihan niya yun. Pwede mo namang sabihin sa kaniya yun ng maayos, sigi na. Umalis ka na muna." sabi ko kaya tumango naman siya at umalis na.


Binuhat ni Jake si Winter at naglakad papunta sa clinic. Nakita kong gustong buhatin ni Kairon si Winter pero wala siyang magawa eh, buhat na siya ni Jake. Pinauna ko na sila sa clinic dahil Iche-check ko pa sila kong nasaktan ba sila.


"Wala bang nasaktan sa inyo?" sabi ko. Kita ko naman na ok na sila ay pinabalik ko na sila sa classroom nila.


Pagkatapos kung pabalikin sila ay sumunod na ako sa loob ng Clinic at pumunta sa loob ng kwarto niya. Kita ko si Kairon na nakahawak sa kamay ni Winter. Lumapit naman ako kay Jake na nakasandal sa pader, nakatitig lang siya kay Winter at ramdam kong nag-aalala rin siya kay Winter.


And now I already made my decision, alam ko rin naman na gusto ng makapiling ni Jake si Amara pero ako lang talaga ang ayaw pa. I mean gusto kong mahawakan si Amara ngayon, gustong gusto. Ayaw ko lang talagang mag-assume dahil masasaktan na naman ako.


"I already made my decision Jake." sabi ko kaya napalingon naman siya sakin.


"About what?"


"DNA test....."


"Are you sure?" kaya tumango naman ako.


"Pero matatagalan tayong maghanap ng gagamitin para sa Dna test na yan, we need to do it secretly, matalino si Winter baka mahalata niya kaya kailangan nating gawin yun ng tayo lang." sabi niya kaya tumango na lang ako.


"Its ok, I know it takes time para magawa natin yun but I'm willing to wait." sabi ko sabay tingin sa kaniya. Nung tumingin ako sa kaniya ay nakatitig na pala siya sakin, the same look na nagpapabilis ng tibok ng puso ko until now.


Nag-iwas na lang ako ng tingin tsaka hindi ko pinahalata na ewan ko, basta mukha akong kinakabahan na hindi. Ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko sabay hila sakin papalapit sa kaniya.


"Should we tell Sandra and Joshua about Winter?" bulong niya sakin. Hindi ko pinahalata ang pangingilabot ko dahil sa kaniya dahil aasarin na naman niya ako.


"No need, kaka-uwi lang nila kahapon baka busy sila ngayon. Tsaka wala namang nasaktan si Winter at hindi rin siya nasaktan, it's Winter's decision kung sasabihin niya." sabi ko habang pinagmasdan si Winter. What if siya talaga ang anak ko?


"You know what?" bulong niya sakin at mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Ano na naman kaya ang plano nito?


"What?" congrats! Di ka nautal.


"Namumula ka na naman." sabi niya.


"T-tumahimik ka nga!" sabi ko sa kaniya.


"Sus! Ngayon ka pa nahiya, mag-asawa na tayo." sabi naman niya kaya inirapan ko siya.


"Hindi parin nawawala yang ma-attitude mong ugali, parehas talaga kayong magkakaibigan." sabi niya.


"Wala ka nang pake dun, ikaw nga kung maka-reject doon sa mga umamin sayo ang harsh mo." sabi ko naman.


"Kailangan kong gawin yun para layuan agad nila ako they are so annoying and also just a waste of time."


"Just a waste of time raw pero unang umamin, ano to gaguhan? May pa-punishment kapang nalalaman." bulong ko kaya tumawa naman siya.


"Oo nga eh. Wala ka ngang nagawa nun." kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.


"Wala naman talaga, ikaw kaya yung Chief noon. Ang sarap mong sipain nun pero hindi ko magawa dahil Chief ka." sabi ko naman kaya tumawa naman siya.


"Teka nga, wala ka bang klase ngayon? Malapit ng matapos ang recess." tanong ko sa kaniya.


"Oh D*mn! Meron pa pala. Alis na muna ako, tawagan mo na lang ako kung gising na si Winter." sabi niya sabay halik sa noo ko tsaka umalis na.


"Hey kids, umalis na kayo. Balikan niyo na lang siya maya-maya sa Lunch time gising na siya sa oras na yun." sabi ko sa kanila.


"Pero--"


"Sigi na at sana hindi to makarating sa pamilya ni Winter OK?" kaya tumango naman sila at lumabas na, except pala ni Kairon na nakahawak parin sa kamay ni Winter. Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.


"You really like her do you?" tanong ko sa kaniya.


"Halata naman Tita-Ninang."


"Ba't di ka umamin?" tanong ko naman.


"Pano naman po ako aamin, kung first love parin niya ang nasa puso niya. Hindi pa raw niya kayang kalimutan eh." sabi niya.


"Winter doesn't need to forget it, letting go is the key inshort move on. Mahirap kalimutan ang isang tao Kairon lalo na kung malaki ang naging parte nila sayo."


"You can't just forget someone that easily, hindi pa niya tanggap ang nangyari sa mga taong minahal niya. Her village was ambush, do you think matatanggap niya agad yun? Nag-iwan yun ng malaking sugat sa puso niya, yes it was healed but the scars doesn't. It takes time kung kailan yun maghihilom."


"She is strong and can fight the world on her own, but that doesn't mean she's not dreaming of resting her head on someone's shoulder. Someone who can love a strong woman, but allow her to feel fragile and protected by her side."


"And all you need to do is to wait, kung gusto mo talaga siya maghintay ka hanggang sa handa na siyang magmahal ulit. She's the one who had a beautiful and wonderful smile but hides a deepest pain. Even if she's strong outside, kailangan niya parin ng isang knight na mag-aalaga at proprotekta sa kaniya." sabi ko sa kaniya.


"What if, hindi ako yung knight na mag-aalaga at proprotekta sa kaniya?" tanong niya sakin.


"Tanggapin mo, ilalayo mo pa ba rin siya kahit masaya na siya sa piling ng iba?" tanong ko sa kaniya kaya napayuko na lang siya.


"Possibleng mangyari yun, are you ready to take the risk? Once na susugal ka, handa ka na ba sa magiging kapalit nito?" tanong ko sa kaniya kaya nakita ko naman siyang ngumiti.


"Handa ako Tita-Ninang, handang-handa. I'm willing to take the risk kahit na umabot sa punto na kailangan kong magparaya, gagawin ko. Makita ko lang siyang masaya, OK na ako dun." kaya napangiti naman ako.


"Sigi na, tawagan na lang kita kung gising na si Winter. Kumalma ka ah? Alam kong kaklase mo yong Asher na yun, pag nalaman kong nakipag-away ka dahil sa kanya, hindi kita papayagan na lapitan siya. Understand?" kaya tumango naman siya, tumingin muna siya kay Winter tsaka lumabas na.


Umupo na lang ako sa upuan na inupuan ni Kairon kanina at hinaplos ang buhok ni Winter. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha na nagpalambot sa puso ng inaanak ko. Alam ko naman na suplado, palaging galit, palaging nakasimangot, hindi ngumingiti until dumating si Winter.


Ewan ko doon kung bakit palagi siyang ganun pero pag kasama niya si Winter ay todo ang ngiti nun. Minsan pinagmamasdan ko silang dalawa na nagbabangayan pero sa ending si Kairon ang pikon kaya tatawanan lang siya ni Winter. Habang tumatawa naman si Winter ay makikita mo talagang na hindi magawang magalit ni Kairon kay Winter.


Bago ko nakita si Winter sa Dark green niyang mata ay nasa office ako nun, may ginagawang paper works. Nasa loob rin si Jake nun na busy sa cellphone niya kakalaro, hanggang sa may naramdaman kaming malakas na aura. Agad naman kaming lumabas ni Jake at sinundan yung aura na yun.


Doon ko nakita si Winter na hawak ang kwelyo ng uniform ni Asher at ang paglabas ng mga vines sa paa niya. Ginamit na rin ng ibang estudyante ang kapangyarihan nila para makawala sila sa vines pero hindi ito nawawala. Napahinto kami ni Jake ng may dalawang vines na lumapit samin pero nakakapagtaka lang dahil iniwasan nila kami.


Kita ko rin ang pilit na paglapit ng mga kaibigan niya, gumawa na rin ng shield si Kurt pero isang malakas na hampas lang ng vines ni Winter ay nabasag ito. Naka-angat na sila ngayon at pilit na kumakawala pero hindi nila magawa. Nung sumigaw si Jake ay kita kong natauhan agad si Winter at maski siya ay nabigla sa nagawa niya.


Nung nakita ko siyang umiyak ay biglang kumirot ang puso ko, hindi ko alam kong ano pero ramdam kong disappointed siya sa sarili niya. Takot na rin siyang lapitan siya baka makasakit na naman raw siya ng ibang students, kaya nung natumba siya ay agad ko naman siyang nilapitan at niyakap. Umiiyak siya ng todo nun at paulit-ulit na sinabing 'hindi ko sinasadya'.


Nung makita ko siyang gumalaw ay agad naman akong napatayo at hinawakan ang mukha niya. Kita ko ang pagbukas ng mata niya at nilibot ang paningin niya. Nagtataka siguro siya kung pano siya nakarating dito.


"Thank God, you're awake." sabi ko sabay yakap sa kaniya.


"M-ms. Principal? A-ano pong nangyari?" tanong niya sakin.


"Di mo ma-alala?" tanong ko sa kaniya. Nakatulala na siya ngayon na parang inaalala niya ang nangyari kanina hanggang sa tumulo ang luha niya. Agad ko naman iyong pinunasan gamit ang kamay ko hanggang sa humagulgol na naman siya.


"T-this is a-all my f-fault!" sigaw niya sabay hila sa buhok niya.


"Wala kang kasalanan doon Winter. Calm down, hindi naman kami galit sayo, believe me." sabi ko sa kaniya habang pinipigilan siya sa ginagawa niya.


"P-pero n-nasaktan k-ko--"


"No, hindi mo sila nasaktan. Walang nasaktan Winter, wala." sabi ko sabay yakap sa kaniya. Umiyak na naman siya kaya medyo nasaktan na naman ako sa sitwasyon niya ngayon.


"Ms. Principal, mas maganda siguro na I-expelled niyo na lang ako baka mas grabe yung magawa ko pag nagalit na naman ako. Ako na ang bahalang mag-explain kina Mom sa nangyari dito." sabi niya kaya umiling naman ako.


"Walang ma-e-expelled, bukod sa Ranger isa ka sa mga estudyante na may malakas na kapangyarihan. Ayokong mawalan ng isang Ace ang Academy ko."


"Alam mo bang ang swerte ng Academy dahil nadadagdagan pa ito ng isang magaling na students? Syempre hindi ko hahayaang mawala ka, kahit na siguro ang ibang students ayaw nun. May mga fans kana kaya, iiwan mo ba sila?"


"I-i c-can't leave my f-friends here, nangako akong protektahan sila." sabi niya kaya ngumiti naman ako pero alam kong aalis parin ito.

KAIRON'S POV:

Nandito na kami sa classroom namin habang hinihintay si Ms. Flores, kasali rin kasi siya sa nahawakan ng vines ni Winter pero hindi siya galit at hindi rin kami galit. Kita naming lahat kung pano tumulo ang luha niya at kung pano rin niya pinagsisihan ang nagawa niya. Tahimik lang ako dito sa upuan ko, inis na inis ako dahil sa ginawa ng lalake na yun pero kailangan kong kumalma, baka magalit si Winter sakin.


"Kawawa si Winter kanina no? Alam kong ayaw niya ring mangyari yun at nagsisisi rin siya. Sabi niya kanina na may depression siya diba? Pano na lang kung bumalik yun? Mukha sinisi niya ang sarili niya." sabi ni Claire.


"Oo nga eh, pano na lang kung bumalik yun tapos wala ang mga kaibigan niya at pamilya niya dito sa Mystic City tayo lang." sabi naman ni Kenjie.


"We need to help her, but hindi tayo magpapahalata. Hindi niya gustong kaawaan siya, alam nating lahat yun." sabi ni Kenneth kaya napatango naman kami.


"Delikado magalit si Winter, kaya pala grabe ang pag-aalala ng magulang nila nung nag-away sila ni Nicole." sabi ni Kurt.


Hinayaan ko na lang silang mag-usap tungkol kay Winter, kahit ako ay nag-aalala rin baka ma-trigger na naman ang depression niya. I think ito na ang oras na ikukulong ko siya sa kwarto ko para tabi na kami matulog, promise tabi lang talaga walang mangyayari.


"Dapat matanggal sa pwesto yung Winter na yun, hindi ba siya nahiya na pati teachers dito dinamay? Wala talagang hiya yung babae na yun, walang pinag-aralan. Bakit kaya siya binoto eh wala naman siyang modo. Jeez, pinahiya niya lang ang Academy tapos kung maka-asta siya ay parang ang lakas niya talaga. Mas maganda siguro na mawala siya sa Academy, hindi naman siya kawalan." napalingon kami kay Katelynn pagkatapos niyang sabihin yun.


"What? Totoo naman ah? Anong nakita niyo sa kaniya? Isa lang naman siyang walang modo at bastos na babae, I think nagkamali kayo ng binoto, walang kwenta yung babae na yun." tatayo na sana ako pero agad naman akong hinila ni Kenneth paupo.


"Anong sabi mo?" napatingin kami kay Irene nung sinabi niya yun.


"Do I need to repeat it?" sabi ni Katelynn.


"Subukan mo lang, hindi lang ako ang makakalaban mo." sabi naman ni Irene.


"I'm just stating the fact here, wala naman talaga siyang kwenta. I repeat, wala-siyang-kwentang-tao." kaya nilapitan naman siya ni Irene tsaka sinampal.


"How dare you slap me!" sasampalin niya sana si Irene pero agad namang napigilan ni Alice at sinampal rin siya.


"At sino ka namang babae ka para pagsabihan ng ganun ang President namin? Bakit? Malakas ka ba? Ah? Malakas ka ba?" sabi naman ni Alice.


"Ofcourse, magiging isa ba ako sa Ace ng Academy namin kung mahina ako?" sabi ni Katelynn na nakahawak sa pisngi niya.


"Talaga? Malakas? Bakit hindi ka nakawala sa vines ni Winter? Dahil mahina ka! Assumera ka kasing animal ka, anong akala mo? Kahit bisita ka pa dito sa Academy, wala akong pake dahil una sa lahat you're badmouthing our President. Sabihin mo na lang kasi na inggit ka sa kaniya, maganda siya pero ikaw mukha kang animal, mayaman siya pero ikaw? Para sa kaniya isa ka lang babaeng poor, kawawa ka nama---" hindi natapos ang sinabi ni Irene dahil sinampal siya ni Katelynn.


"You!" turo niya kay Irene.


"Ano? Totoo diba? Wala ka sa kalahati ni Winter dahil una sa lahat, ikaw yung walang kwenta dito. Ikalawa, napahiya ka kanina no? Adopted lang siya ng Perez pero mas mayaman pa siya sayo, insulto diba? Ikaw yung pamangkin ng Mayor pero mas angat pa sayo si Winter na adopted lang. Ikatlo, hindi kami nagsisisi na siya ang pinili namin dahil una sa lahat, siya lang ang babaeng nakilala ko dito sa campus na hindi nahihiyang ipakita sa ibang tao ang totoong siya hindi katulad mo. Assumerang animal na walang nagawa kong di manlait. Hanggang lait ka lang kasi dahil pagdating sa physical strength wala ka, mahina ka." pang-iinsulto ni Irene sa kaniya. Mamaya ko na sila aawatin pag paparating na si Ms. Flores, bahala na si Katelynn diyan.


*****

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

879K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...