The Girl in Worst Section (Co...

whixley

3.7M 87.8K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... Еще

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 46

26.5K 675 113
whixley

Chapter 46: Awake

"Huwag kang lalapit sa akin! Hahampasin kita!" Panay ang asar ni Phoenix sa akin habang naghihintay sa elevator.

Bwisit! Sobrang lakas pa rin tibok ng puso ko. Pakiramdam ko naririnig niya ang bawat pintig ng puso ko tuwing dumidikit siya sa akin.

Tiningnan niya ako habang tumatawa. Tanginang elevator 'to! Ang tagal bumukas, ako naman nakasandal sa pader at kanina pa iniiwasan ang mga tingin niya.

"Isusumbong kita kay Kuya Drake o kaya kay Papa." Masama ko siyang tiningan nang magtama ang paningin namin.

Umirap siya. "As if I'm scared."

"Hindi ka takot kay Papa?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Of course not! Why should I be afraid of your father who will also be my father one day?" Ngisi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Once we get married, Miss, he's gonna be my father too." Ngumiti siya.

Mas lalong bumilis ng tibok ang puso ko! Bwisit na yan! Hindi nakakatuwa ang banat niya! Baka siya ang banatan ko ng wala sa oras.

"Letche ka talaga." Mas lalong siniksik ang sarili sa pader.

Asa naman siya. Ulol, crush ko lang siya pero hindi ko siya magiging asawa. Asa ka, Velasquez. Asa.

Napaayos ako ng tayo nang bumukas ang pinto ng Elevator. Pati si Phoenix ay umayos ng tayo at tumabi sa akin. Nag-angat ako ng tingin at puro kalalakihan ang nasa loob, nakatingin sila sa akin, hinihintay ang pagpasok ko.

Kinindatan ako ng isa sabay senyas na pumasok. Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mapaaway pa kami ng wala sa oras.

Hinawakan ni Phoenix ang kamay ko nang makapasok kami sa loob. Para naman akong nakuryente sa ginawa niya, pinisil niya ang kamay ko at pinagsiklop ang daliri namin.

Halata sa mukha nila ang pagkahiya kaya gumilid sila at hinayaan kami.

"What floor?" Tanong ng isa.

"Seventeenth floor." Ako na ang sumagot dahil walang balak magsalita ang kasama ko. Dahil may repleksyon na makikita sa elevator, kita kong masama ang tingin niya sa isa.

Tahimik lang kami sa loob at hinihintay na makarating sa floor na pupuntahan namin. Kahit nakatalikod ako nararamdaman kong may gumagapang sa legs ko.

Tanginang kamanyakan 'yan! Hindi mapigilan! Sumipol ang isa kasabay nang pag-akyat ng isang daliri niya sa paa sa legs ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko kay Phoenix, lumingon naman siya sa akin.

"'Uy..." Bulong ko kay Phoenix at palihim na nginuso sa likod ang lalaki.

Kumunot ang noo niya pero agad na nilingon ang mga lalaki sa likod namin. "Dito ka sa harap ko," sabi niya at ginawa ko naman. Masama ang tingin niya sa likod. "Do you want to die?"

Nagulat naman sila nang may kunin si Phoenix sa likod niya. "I saw you. You touching my girl, you touching her legs using your one foot." Nanlaki ang mata ko nang magkasa siya ng baril.

Tangina, my girl raw! Parang nakikipag-karera na naman ang puso ko dahil sa kaniya! Kahit joke lang 'yon, ang lakas ng impact sa akin.

Nahalata ko naman sa kanila ang takot. Pati ako nangilabot dahil sa ginawa niya pero nangingibabaw ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at sa kaniya.

"S-Sorry! Pare!" Nag-taas ng kamay 'yong isa.

"Sorry? You touched her. That's harassment. You touched her without her permission."

Bumukas ang pinto ng elevator kaya agad silang lumabas nang hindi nakasagot kay ibon. Nagulat ako nang humagalpak ng tawa si Phoenix habang nakatingin sa elevator at sinundan ng tingin ang mga lalaki.

Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya.

"They all scared for fucking sake!" Tumatawang sabi niya

Syempre ikaw kaya? Tutukan ng baril? Hindi ka matakot at manginig.

"Para kang baliw," komento ko. "H-Hoy joke lang. Ibaba mo 'yan baka pumutok 'yan bigla!" Bawi ko dahil tinutok niya sa akin ang baril.

"It's just a toy, Miranda. Relax. This is just a pellet gun," aniya sabay baril ng CCTV.

May maliit na bagay na lumabas doon. Tama nga siya, laruan lang 'yon. Pero bakit mukhang totoo? Parang baril ni Papa, kagaya ng nakita ko noong binaril niya 'yong lalaki noon.

"Mukha siyang totoo." Kinuha ko sa kamay niya ang laruan. "Kahit ako takot dito."

"Pinasadya ko kasi 'to sa ibang bansa just like your necklace." Nasamid ako nang banggitin niya ang kwintas.

Hindi ko pa rin nakikita ang kwintas na bigay niya. Pinahanap ko na kay Alexis sa buong lugar kaso wala. Nagpatulong na rin ako kay Kier kaso wala pa rin.

"By the way, where is it?" Tanong niya na ikinatigil ko.

Napakamot ako sa ulo bago tumingin sa kanya. "Ano kasi... nawawala," pag-amin ko.

Hindi siya nag-salita at hinintay ang huling sasabihin ko.

"Sinuot ko kasi 'yon noong nag-anniversary ang kumpanya ni Papa. Nagkagulo no'n, 'di ba? Pinagtutulak kasi nila ako tapos napigtal, sumabit yata siya sa kung ano. Hoy, pero pinahanap ko 'yon, ah! Hanggang ngayon nga hinahanap ko pa rin 'yon, e."

Binasa niya lang ang ibabang labi at nag-taas ng kilay. "Hindi ka marunong magpahalaga ng bagay na binibigay sa 'yo?"

"Luh? Syempre marunong ako magpahalaga! Nasa akin pa nga ang bracelet, e, pero 'yong kwintas..." Umiling ako. "Hindi ko makita."

Umirap siya at unang lumakad papalabas ng elevator. Sabi ko na nga ba't magagalit siya kapag nalaman niya. Sumunod naman agad ako at pinantayan ang paglalakad niya.

"Mahahanap din naman 'yon." Kinasa ko ang pellet gun. Binabaril ko ang nadadaanan naming base sa hallway.

"Tss... do you know how much that necklace is?"

Napakagat ako sa labi. "Magkano ba 'yon?"

"Nearly half a billion."

Naubo ako sa sinabi niya. "Putanginang 'yan. Ang mahal naman niyan!"

"Yeah." Tumango siya. "That's expensive."

"Kahit yata isangla ko ang buhay ko, hindi ko mababayaran 'yon. Dapat kasi 'yong ibibigay mo mga nasa thousands lang hindi 'yong milyon-milyon! Grabe!"

"Ikaw na nga ang binigyan."

"Oo nga pero hindi ka ba marunong manage ng pera? I mean, dapat sa mas katuturang bagay. Grabe, isang kwintas lang 'yon tapos nasa milyon na?" Sambit ko habang iniisip pa rin ang bigay niya.

Ang swerte ng nakapulot no'n.

"Marami akong pera, Miranda. I can buy a lot of things."

"But money can't buy happiness." Lumingon ako sa kaniya. "Teka, ano, thank you nga pala kanina." Ngumiti ako.

Tumigil siya sa paglalakad, lumingon siya sa akin bago simpleng ngumiti. "It's nothing, Miranda, and I just don't want them to touch you."

Ayoko rin naman nun. Bwisit. Kamanyakan.

"Kahit na thank you pa rin," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"If you weren't there, I might have killed them. Especially, when that fucker started to touched your damn sexy legs."

Putangina!

Sumama ang tingin ko sa kanya pero ngumisi lang siya. Tanginang lalaki to! May pagnanasa sa legs ko!

"Ikaw, Velasquez, ha! Ihahampas ko sa 'yo 'to." Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.

"What? I'm just stating facts. But I appreciated your thank you."

Tumigil kami sa pinakadulo at naglabas ng card si Phoenix. Ni-swipe niya 'yon kaya bumukas. Naamaze pa rin talaga ako sa ganda nito! Malinis naman ang loob kahit maraming pagkain na nakapatong sa lamesa.

Puro chichirya at softdrinks. Mayroong mang juan na pagkain! Hindi pa naman 'yon bukas kaya kinuha ko ang isa kaso pinitik niya ang kamay ko.

"Para isa lang, e," bulong ko at dumekwat ng isang chocolate sa lamesa.

Ang daming snickers tapos kisses. Ang yaman naman ng mga mga 'to.

"Fine." Una siyang pumasok sa isang kwarto. "Isa lang, Miranda."

"Oo!" Kumuha ako ng mang juan at binuksan. Sumunod na ako sa kaniya sa loob ng kwarto ni Dash.

Maayos na ang kalagayan Dash pero hindi pa rin siya gumigising. Naupo ako sa upuan na katabi ng kama niya. Nasa likod ko naman si Phoenix at may hawak na cellphone, mukhang may ka-text siya.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot. "Trevor. What? I said-fuck. Fine, susunod ako." Pinatay niya ang tawag sabay baling sa akin. "Stay here for a while." May kinuha siya sa bulsa. "That's my credit card if you want to buy something, use my card. Babalik din ako kaagad." Lumabas kaagad siya kahit magsasalita pa lang ako.

Pinagmasdan ko na lang ang credit card na binigay niya. Wews... Phoenix Ryler Velasquez pala ang buong pangalan niya? Psh! May pagka-engot rin ang lalaking 'yon, e, 'no? Paano ko naman mabubuksan 'to? Hayaan na nga, wala naman akong balak buksan 'to.

Baka ako masisi kapag may nangyari sa bank account niya.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa para tingnan. Pangalan agad ni Phoenix ang nasa screen.

From: Phoenix
The pin is 0217.

Coincidence lang ba na gano'n ang pin niya? I mean, February 17 kasi ang birthday ko tapos gano'n ang pin? Wait, ang feelingera ko masyado. Nag-reply ako ng 'okay' sa kaniya bago itabi ang cellphone at kumain.

Pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Dash.

"Gumising ka na, Torres," sabi ko matapos kainin ang chichirya

"Ang dami mo ng missed. Alam mo bang tinuruan nila akong mag-billiard?" Tanong ko kahit hindi siya sasagot. "Hindi pa ako masyadong marunong pero matutunan ko rin 'yon."

Tiningnan ko ang mukha niya.

Huminga ako ng malalim. "Sorry nga pala, Dash, ah? Kahit hindi ako ang may kasalanan, pakiramdam ko ay involved ako kung bakit ka nakaratay diyan. Sa sobrang pagprotekta mo nabaril ka at naging komplikado pa ang kalagayan mo. Kingina rin naman kasi ng mga lalaking 'yon. Trip na trip akong patayin! Sa sobrang ganda ko, ang daming gusto na mamatay ako," mahina akong natawa sa sariling biro.

Sumagi sa isip ko ang nag-iisang best friend ko. Napangiti ako nang unti-unting may pumasok na imahe sa isipan. Siya nga talaga si Lara Abigail. Sobrang swerte ko sa kaniya pero tuwing naaalala ko ang nangyari noong gabing 'yon ay nagsisisi talaga ako. Kung hindi ko sana siya iniwan ay panigurado... buhay na buhay pa siya ngayon.

"Alam mo, Dash, may bff ako. Isa siya sa tinuring kong kapatid, siya lang ang mayroon ako noon pero kinuha rin siya sa akin Pinatakas niya ako para mabuhay ako. Naiwan siyang mag-isa doon habang umiiyak at pilit akong pinapaalis. Sa tingin mo ba kung hindi ko siya iniwan mabubuhay siya?" Pinahid ko ang luha ko sa pisngi at pinatong ang ulo sa tabi niya.

"Ako, sa tingin ko, oo. Dapat kasi binalikan ko siya at hindi iniwan kahit gusto niya akong paalisin. Siya lang ang tanging kasama ko sa paglaki, siya ang kasama ko sa lahat dahil laging busy sina Papa. Kaya nga nahihibsan ang lungkot ko, e. At aside sa lagi silang busy, lagi rin nilang nakikita ang kamalian ko. Madalas na ako ang lumalabas na masama. Katulad kapag napapaaway ako sa dati kong school. Sila ang nagsisimula pero ang lumalabas ay ako dahil bakit ko raw pinatulan? Sana hinayaan ko na lang daw. Hay, parang gago, 'di ba?" Napabuntong-hininga ako. "Tapos iniwan pa ako ng Lola ko, siya nalang talaga ang mayroon ako pero wala rin, kinuha rin siya sa akin. Unfair ba ang mundo para sa 'yo, Dash?" Tanong ko kahit walang sagot na makukuha. "Simula rin nang mawala siya ay kay Papa na ako sumama at dito nag-aral sa Manila kaya ko nga kayo nakilala, e."

To be honest, ayoko talaga dito, e.

"Siguro kung hindi namatay ang Lola ko at nanatili ako sa probinsya siguro hindi ko kayo makikilala. Wala kayong makikilang kasing ganda ko. Nag-iisa lang ako sa mundo kaya bago pa ako mawala rito, Dash, gumising ka na. Ang pangit naman kung hindi mo masisilayan ang kagandahan ko kung sakaling may sumugod at patayin ako ulit tapos mamatay."

Tangina! Biro lang 'yon. Syempre ayoko pa madeads. Gusto ko pang taguan ng anak ang magiging asawa ko balang araw. Gusto ko pang masubukan ang mga nababasa ko sa libro bago ako mamatay.

Napahikab ako bago mapatingin sa cellphone kong nasa kama. Wala namang message si Phoenix kaya pinatay ko nalang. Pumikit ako sandali para mag-pahinga. Nakakapagod mag-salita ng mahaba tapos wala pa akong kausap, nakakabagot.

May humawak sa buhok ko. Guni-guni ko lang siguro 'yon. Natulog na lang ako at hindi na inintindi pa 'yon.

Iyong ang himbing ng tulog mo tapos may sasagabal?! Okay sana kung may pagkain na kapalit ang pag-gising sa akin kaso wala! Inaantok ako mga gago!

"Darlene, gising." May umalog sa braso.

"Tangina, natutulog ang tao." Hinawi ko ang kamay ng taong umaalog sa akin.

"Hoy." Inalog na naman ako.

Nag-angat ako ng tingin matapos umayos ng upo. Masama ang tingin ko sa taong gumising sa akin pero agad na napawi. "Bakit may pasa ka sa labi?" Nag-taas ako ng kilay kay Arvin.

Inikot ko ang paningin ko at halos lahat ay may pasa sa labi at ang iba ay gulo-gulo ang uniporme. Tumigil ang paningin ko kay Phoenix na nakasandal sa pinto at nakakrus ang dalawang braso.

Nagtaas siya ng kilay bago lumihis ng tingin.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit kay Arvin.

"Kasi..."

"Nakipag-away kami," sagot ni Finn nang dumampot ako ng vase, e, titingnan ko lang naman.

Dumiretso naman ang tingin ko sa kaniya. "Bakit?"

"Ano lang..." Umiwas siya ng tingin.

"Because of you."

"Huh?! Bakit ako nadamay diyan?!"

"Hindi ikaw! Nakipag-away kami dahil sa 'yo kasi, 'di ba sa nangyari sa 'yo? Alangan namang palagpasin namin 'yon?! Syempre hindi!" sambit ni Owen.

Napatigil ako at napatingin sa kaniya. Putangina, akala ko nawala na sa isip ko ang narinig ko sa girl's restroom. Shit!

"May problema ba sa mukha ko?" Tanong niya, bahagyang namula.

Agad akong umiling sabay iiwas ang tingin. "Wala naman," sabi ko. "So, bakit nga?"

"We heard about what happened to you. We just can't let that happen. You know?" Sagot ni Harris.

"Hinayaan niyo na lang dapat," tanging nasabi ko.

"You are our baby, so, hindi talaga namin mapapalagpas 'yon." Nakatitig sa akin si Mavis.

Napangiwi ako. Hindi ko talaga matanggap ang ganyan na tinuturing nila akong baby.

"Alangan namang-" Pinutol ko ang sasabihin ni Harvey.

"Hay, dapat hindi na kayo gumanti dahil panigurado ay gagantihan lang nila kayo. O, 'di ba, gantihan lang ang nangyayari? Nakakapagod kaya ang ganoon, wala kayong peace, gets niyo ba?"

Dahan-dahan naman silang umiling kaya napairap ako. Ano ba 'yan, ang simple na nga noon, e.

"Ganito kasi iyon, gantihan lang 'yon nangyayari sa inyo. Hindi matatapos ang away niyo kung palagi kayong mag-gagantihan. Walang peace na mangyayari. Sakit lang ng katawan nakukuha niyo." Humikab ako.

"So, you want us to stop doing underground battles?" Tanong ni Phoenix.

"Ay, ikaw nagsabi niyan." Sagot ko.

"I'm asking you."

"Alam niyo, kayo lang makakasagot sa tanong na 'yan. Nasa inyo ang sagot, okay," sabi ko at biglang napatingin sa daliri ni Dash.

Wait, gumalaw na ba siya? Tumingin ako sa iba. Nagkatinginan lang silang lahat at nag-uusap gamit ang mga tingin. Paano kaya 'yon? 'Yong nag-uusap gamit ang mata?

"Ano bang ginagawa niyong lahat? Nagmumukha kayong tanga, e," komento ko sa ginagawa nila.

Umirap si Phoenix.

"Hindi na ako makikipag-away, promise," sambit ni Finn kaya napatingin ang iba sa kaniya.

"Talaga ba," napairap ako.

"Syempre naman, ano, uhm... one week siguro akong hindi sasali sa away," ngumisi pa siya. "Tangina ka, Renz, ang sakit!" Reklamo niya nang lumipad ang sapatos ni Gael kaya inis na naman iyong isa.

"Stupid, we have this thing on friday, gang war," sambit nila kaya naguluhan naman ako.

"Ano iyon?" Ano na naman 'yon? Ano kayang illegal ang pinapasok ng mga 'to.

"Basta."

"Ayan, ah. May illegal kayong ginagawa!" Tinuro ko silang lahat.

"It's not illegal. Stop dreaming." Tumingin si Phoenix sa akin

Pinanliitan ko sila ng mata kaya kaniya-kaniya silang iwas. Si Harvey kunwaring may ka-text baliktad naman ang cellphone. Ngumiwi ako. Gawain ko 'yan, e.

"Gang war pala, ah?" Nag-taas ako ng kilay.

"Sige na nga! Promise! Hindi ako makikipag-away! One week! At kapag nagawa ko 'yon, sasabihin mo sa akin kung sino ang mas nakikita mong magiging bebe mo, crush mo o 'yong i-kikiss mo."

Naubo ako sa sinabi ni Finn. "Tangina mo talaga, e, 'no?! Mag-away away na lang kayo. Damay niyo pa ako," iritang sambit ko.

"O, sige, para fair... kaming lahat na lang." Sulsol pa niya sa iba kaya mas lalo akong nainis. "Dali na kasi! Ayaw niyo bang malaman na may gusto siya sa atin? I mean, isa sa atin! O kaya ikikiss niya."

"Tangina ka, Marquez. Namumuro ka na, ah!" Turo ko kay Finn.

"Dali na, pumayag na kayo. Ayaw niyo bang-" naputol ang sinasabi ni Finn nang sumabat si Phoenix.

"I already-" Kaagad kong tinaliman ang tingin kay Phoenix nang balak niyang ibunyag ang sikreto naming dalawa. "Nothing."

Balak ilantad, e.

Panay ang pilit ni Finn sa lahat.

"Ano ba kayo, isang beses lang tayong hindi pupunta kaya okay lang 'yan. Kayo rin, ako lang makaalam sa ating lahat kapag ako lang ang gumawa nitong deal kay Darlene. Kapag hindi kayo um-oo hindi kayo kasali, ako lang talaga. Bahala kayo, kayo rin."

"Lakas makasulsol ng letcheng 'to," masama ang tingin ko.

Napakamot naman sila sa noo bago isa-isang tumango. Napanganga ako habang nakatingin sa kanila.

"Mga shit kayo," mura ko.

"We all agreed, how about you? You're so damn unfair, Miranda." Napailing si Phoenix. "Don't worry, it's a promise. We'll never fight again. Like what you want. Hindi na kami gaganti or something and to be fair with you, hindi na kami sasali sa Gang War or underground-whatever," ngumisi pa nga.

"'Di nga?" Tinaas ko ang isang kilay.

Tumango naman ang lahat. "Oo nga! Promise!"

"Hindi na ba kasama ang unang sinabi ni Finn kanina?"

Napairap siya. "Of course not. That's a deal not a promise. One week kaming hindi makikipag-away bukod pa 'yong sa gagawin namin. At kapag sumuway kami sa deal na ʼyon, then we all lost but if we all win, you know what will happen."

Napabuntong-hininga ako. Ano ba naman 'yan.

"Mira-Darlene, ano na? Deal ka ba?" si Renz.

"I'm waiting..."

"S-Sige na nga kahit parang isasangla ko ang buhay ko sa impyerno." Sana lang talaga ay maayos ito, ano?

"Grabe naman, anghel ka?" Nakatingin sa akin si Rafael.

"Bakit hindi ba?" Tanong ko pabalik.

"Hindi," sagot niya kaya naman tumawa ang mga gago.

Masama ko siyang tinignan at hindi na pinansin, lumingon na lang ulit ako kay Dash. Nanlaki ang mata ko nang makitang gumalaw ang isang daliri niya. Gulat akong lumingon sa kanila.

"Nakita niyo ba 'yon?" Tanong ko.

"Ang alin?

"Si Dash!" Turo ko. "Gumalaw siya!"

Kumunot naman ang noo nila.

"Hindi naman, ah?"

Umiling ako. "Tanga! Gumalaw siya! 'Yong daliri niyang isa, bobo!"

Lumapit sila at sinilip si Dash.

"Dash! Gumalaw ka! Isa, Dash! Gumalaw ka sinabi," utos ko.

"You can't wake him up like that," sabi ni Trevor nang tumabi siya sa akin.

"Sa bagay..." bulong ko. "Pero gumalaw nga kasi talaga siya."

Lumingon naman si Phoenix sa amin at masama ang tingin sa akin.

"Epal," bulong ko.

Ano na naman ba ang ginawa ko? Sama ng tingin, amp. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin kay Dash.

"Holyshit, Harvey call Tita Dahlia," utos ni Phoenix nang gumalaw si Dash.

Kaagad namang sumunod si Harvey muntik pa siyang madulas sa pagmamadali niya.

"Hala, Dash!" Napahawak ako sa bibig ko nang magmulat siya ng mata. Hinampas ko si Trevor gamit ang isang kamay. "Tangina, gising na si Dash!"

Gising na siya!

Продолжить чтение

Вам также понравится

My baby girl sugarmy187

Подростковая литература

518K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
868 55 10
What happens when two couples grow together, then grow apart? Kimoni and Sage have different desires of what they view their relationship should be...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
When Mary Met Halley lynn sabrina

Художественная проза

1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...