The Girl in Worst Section (Co...

Oleh whixley

3.8M 89.2K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... Lebih Banyak

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 39

30.8K 838 134
Oleh whixley

Chapter 39: His Voice

"Alam kong galit ka sa akin, Darlene, at humihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa 'yo. I denied you and it's really painful for you, masakit rin sa akin iyon. Pero ngayon, I am saying sorry. I'm so sorry if I did that. Sorry... I'm so sorry..." mahigpit ang hawak ni Mama sa kamay ko habang nakatingin siya sa akin.

Kanina pa kami nag-uusap ni Mama at ito siya ngayon, pilit na inaalis ang luha sa pisngi niya.

Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga. "Naiinis lang talaga ako at nasasaktan tuwing naaalala iyon. Pero sige, ayos lang sa akin. Huwag nalang natin siguro pag-usapan at isa pa nangyari na rin naman."

Kaming dalawa lang ni Mama ang nasa kwarto. Wala ang mga kapatid ko at si Papa. Kinailangan nilang umalis sa hindi ko alam na dahilan kaya naiwan kaming dalawa.

"I'm really sorry... Darlene, I love you. Mahal kita, Darlene. At kaya kong ipagsigawan sa lahat na ikaw ang anak ko." Naramdaman ko ang paghalik ni Mama sa noo ko.

Ngumiti ako sabay baling sa kaniya. "Sana, Mama, huwag nang maulit dahil masyadong masakit." Agad kong inalis ang luha sa pisngi ko.

Niyakap ako ni Mama pero hindi ko magawa pabalik dahil kumikirot talaga ang balikat ko. Napangiti naman ako sandali bago siya humiwalay. Inayos niya ang buhok kong trinintas niya kanina bago naupo sa tabi ko.

Sana lang talaga ay hindi na maulit na nagawa niya akong itanggi sa harap ng maraming tao dahil hindi ko na talaga kakayanin.

Pinagmamasdan ko ang mga lalaki sa harapan ko. Mga nagsisilatag ng mga kutson sa sahig at may mga dala pa na unan at kumot. May mga dala pang popcorn, ha! Akala mo overnight ang dating ng mga hinayupak na 'to.

Mga gago nga naman, akala mo nasa condo!

"Tangina talaga... paano ako makakatulog kung kayo makakasama ko? At kayo makikita ko bago ako matulog, baka bangungutin ako nito," sabi ko bago sila tingnan.

"Hindi ka magkakaroon no'n! Gwapo ba naman na katulad ko makita mo?" Si Dice, ngumisi siya.

"Pinaglihi ka siguro sa libro..." Sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Dice, naguguluhan.

"Ang kapal, e," sagot ko.

Napanguso lang siya bago maupo sa sofa.

"Hindi ako sanay ng may kasamang matulog. Kingina naman." Hindi ako sanay matulog ng may kasama, sanay akong mag-isa.

Nandito sila Mama at Papa pero umalis dahil may pupuntahan raw silang importante kaya naiwan ako dito kasama ang mga ugok na 'to. Si Darius at Kuya ay umuwi para makapag-palit ng damit pero babalik rin kaagad. Ang iba naman ay gano'n rin. Gusto kong puntahan si Stella kaso nandito pa ako sa Hospital. Hindi pa raw ako pwedeng lumabas sabi ng Doctor.

Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya. Sana ayos lang siya.

"Dapat kapag nagmumura si Darlene may bayad," umirap si Renz.

Nagtaas ako ng gitnang daliri sa kaniya. "Pakyu,"

Ngumiwi siya at naglatag rin ng higaan niya. Latag nang latag, e,  akala mo naman hahayaan ko silang matulog rito.

"Kaya nga. Bente pesos kada mura niya kapag mga sobrang lutong tulad ng 'putangina', singkwenta," ngumisi si Harvey habang nag-i-i-strum ng gitara sabay kalikot doon.  "Ano ba 'tong gitarang 'to?!" sigaw niya, naiinis.

"Tarantado ba kayo? Maghihirap ako sa inyo kapag ginawa niyo 'yan." Masama akong tumingin. "Kinse na lang ang mayroon ako sa wallet tapos ibibigay ko pa? Grabe kayo, ha."

"Hoy, Quintos! Kapag nasira ang gitara ko, ihahampas ko pa sa 'yo!" sigaw ni Owen mula sa banyo.

Tinakpan ko ang ilong ko. Hay, dito pa naisipang maglabas ng sama ng loob.

"Ganito na lang!" Pumalakpak si Finn at ngumisi kay Phoenix. "Kada mura ni Darlene ililista mo at kapag umabot ng isang daan ang pagmumura niya. Engaged na kayo."

Nasamid ako sa sarili kong laway. "Gago ka ba?"

"What the fuck?!"

Sabay pa kaming dalawa ni Phoenix na nagsalita. Gago yata itong si Finn. Bakit naman ako papayag sa deal na 'yan? Parang sinangla ko ang buhay ko kay Satanas. Hindi! Hindi ako papayag.

"Mayroon ng isa!" Kumuha ng papel at ballpen si Arvin. "Okay! May isa na."

"Hoy! Kinangina, sino aong may sabing pumayag ako?! Burahin mo 'yan!"

"Okay ganito na lang, gawin nating two hundred. Hindi naman siguro aabot ng two hundred 'yan, 'di ba?" Taas kilay na sabi ni Rafael.

Masama ko silang tiningnan. Nakikisali rin ang iba. Nginisian ako ni Harris sabay buga ng usok. Hay, puro vape talaga 'tong si Harris! Ganoon rin si Mavis.

"Ano, Nix, payag ka?" Ngumisi si Finn.

"No..." Sagot ni Phoenix.

Ngumisi ako kay Finn dahil sa ginawang pagtanggi ni Phoenix pero agad napawi.

"I want a one hundred and then after that we are engaged." Dumiretso ang tingin sa akin ni Phoenix.

Ay, pucha! Pumayag ang hayop. Hindi halata sa mukha niyang nagbibiro siya. Masama ko siyang tiningnan pero ngumisi lang siya, nang-aasar. Nag-hiyawan naman ang mga hamog na 'to.

"Hindi! Hindi ako papayag!" Kontra ko. "Gago ka ba, Mr. Velasquez?!"

"Who says I'm asking for your permission, Miss Miranda?" Taas kilay na tanong niya.

Nanliit ang mata ko. "Hayop 'to, kapag ako talaga gumaling, ihahampas talaga kita sa pader!" Masama ang tingin ko kay Phoenix pero mas lalo lang siyang ngumisi.

"Finn, she cussed two already," aniya.

"Ilista mo!" Sabi ni Harvey.

Ang sarap nilang murahin isa-isa kaso kapag ginawa ko 'yon ay madagdagan ang nasa listahan ni Finn. Tangina naman, e. Sarap nilang sapatusin. Nakakainis! Hindi ako pwede ma-engaged!

"Hoy!" Sigaw ko at lahat sila ay tumingin sa akin.

"Yes, pretty bebe?" tanong nilang lahat.

"Pwede bang sabihin niyo sa akin kung nasaan si Dash?" Dinampot ko ang cellphone. "Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko, e."

Siguro naka 39 missed calls  na ako. Nag-iwan rin ako ng limang messages sa kaniya dahil sa pag-alala. Madalas niya rin kasi akong i-message sa umaga para sabihan ng 'Good morning' nakakapagtaka lang na walang gano'n ngayon.

Tapos hindi rin siya pumunta rito. Ano bang nangyari kay Dash?

"Bakit mo ba hinahanap si Dash?" Nag-taas ng kilay si Renz.

"Wala lang." Hindi sila nakuntento sa sagot ko.

"Weh? May crush ka do'n, 'no?" Sabay pa sila Arvin at Harvey.

"Mayroon," biro ko na nagpatahimik sa kanilang lahat.

Nanatili ang tingin ni Phoenix sa akin, parang hindi niya pa nagustuhan ang sinabi ko.

"Gago, joke lang. Syempre, wala," bawi ko na dahil parang hindi na sila gagalaw sa pwesto nila. "Hindi ko 'yon crush." May iba kasi akong crush. Iyong panay ang ang panggagago ang ginagawa ng crush ko.

Masama bang mag-alala sa kaibigan?

Hindi kasi ako makatulog dahil pakiramdam ko ay may kinalaman ako sa nangyari sa kaniya. Parang may kasalanan ako kahit hindi ko naman alam talaga ang nangyayari sa kaniya ngayon.

"Weh?" Paninigurado ni Renz.

"Wala nga."

"Tsk, why so defensive?" Irap ni Phoenix.

Hindi naman, ha? Mema 'to.

Naupo siya sa mahabang sofa kung nasaan si Trevor. Nakita ko rin ang pag-irap ni Trevor bago kunin ang cellphone sa bulsa.

"'Wag kasing pinagseselos," pagpaparinig ni Owen.

"Kaya nga, kiss mo nga si Nix." Ngumiti ng nakakaloko si Finn.

"Nanggagago ka ba dito?" Usal ko at handa na sanang ibato ang unan nang marealize ang sinabi. "Na-carried away lang ako."

"Nakakatatlo ka na ngayong araw, Darlene. Hindi malabong maging isang daan 'to." Sabi ni Finn habang naglilista.

Putangina... Bata pa ako! Ayokong makasal, ano!

Inirapan ko na lang siya at nahiga sa kama. Piste! Dahil gabi na, lumabas sila para bumili ng pagkain. Nanatili ako rito kasama si Phoenix, Trevor at sila Finn. Ayaw pa rin nilang sabihin kung nasaan si Dash.

Panay lang ang scroll sa Instagram ng mga cute dogs kaso mga hot na lalaki ang lumalabas. Wala naman akong pakialam sa mga ganito pero napapatingin ako. Lumabas sa feed ko ang picture ni Laureen na naka-lace bra at skirt.

Nagcomment ako ng 'Liit, ha' iyong dibdib niya ang tinutukoy ko. Nag-dm naman siya sa akin.

LaureenDiaz: You're so mean! Hindi naman siya small!

Hindi pa ako nakakapagreply may kasunod na ang message niya.

LaureenDiaz: Donate some boobs, Darlene.

Natawa ako sa message ni Laureen. Kita ko sa peripheral vision kong tumingin si Phoenix sa akin.

darlene.michelle: Ako naman nasa taas, nagpapaulan.

Nag-reply naman kaagad si Laureen.

LaureenDiaz: Magpaulan ka ulit, please! Haha. Anyways, how are you? I heard you were in Hospital.

Sa mga ugok siguro niya nalaman.

darlene.michelle: Okay na ako, kahapon lang hindi.

Hindi ko namalayan na lumabas pala si Finn dahil may kausap sa cellphone. Halata sa mukha niya ang kilig, ampucha. Si Trevor naman parang interesado sa kausap. Binaba ko ang tingin sa cellphone. Wala na rin dito ang lahat.

LaureenDiaz: Then that's good! I'll visit you tomorrow since I still have class to attend. I'll pray for you na lang kahit na masusunog ako.

Hindi ko mapigilan ang matawa.

"Miranda, who's that?" Nag-angat ako ng tingin kay Phoenix.

Hindi ako sumagot. Binasa ko ang message ni Laureen.

LaureenDiaz: Wait, may ipapakilala ako sayo! He's handsome, hot, malakas ang sex appeal, rich, and smart! Damn!

"Miranda, who's—"

"Si Laureen," putol ko sa itatanong niya.

"For what?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko dito." Hindi na ako nag-reply kay Laureen. "Charge mo nga 'to, nandiyan sa tabi mo." Binato ko ang cellphone ko at nasalo naman niya.

Kinuha ko naman sa gilid ang iPad ni Darius. Ang nalaman ko sa iPad ni Kuya ay naka-connect pala rito lahat ng CCTV sa bahay. Nirewind ko sa lahat ng katangahan ko sa bahay ang CCTV, iyong nadulas ako sa garden ay na kuhaan. Mukhang paulit-ulit na nire-rewind ni Kuya 'to, ah?

"Sabi ko i-charge mo, hindi gumawa ng kung ano sa cellphone ko," puna ko kay Phoenix nang makitang nagta-type siya sa cellphone ko.

"You're so mean, my name in your contact is Demon Phoenix? What the freak."

Tinawanan ko lang siya.

Nang makabalik sina Harvey agad kaming kumain pero hindi nila ako binigyan ng kinakain nila. Puro prutas at gulay lang ang kinain ko samantala sila ay mga pizza at burger tapos nang-iinggit pa ang mga putangina.

"This is yum..." Tumingin si Phoenix sa akin.

Mas masarap ako, gago!

"Paky—ganern," bawi ko at kinagat ang apple.

"Sayang." bulong ni Dice.

Inirapan ko siya at tinapos na lang ang kinakain ko. Kapag talaga ako lumabas rito sa Hospital, bibili ako ng pagkain. Hindi ko sila bibigyan, hmp!

Nang matapos silang kumakain, niligpit nila ang mga kalat. Ginawa nilang condo ang hospital room ko. May mga dalang laptop para raw manood kami at hindi ma-bored. Kinonek nila ang laptop sa tv at horror ang pinlay.

"Nood tayo," yaya ni Mavis matapos maibuga ang usok ng vape niya.

"Ng ano? Porn—" May lumipad na mga plastic bottles kay Gael.

Narinig ko na ang salitang 'yan, hindi ko lang alam kung saan.

"Ano ba ang sinasabi ni Gael? Bakit niyo siya binabato ng bote?" Tanong ko habang inaalis ang balat ng orange.

Si Phoenix na nagbabalat ng orange ay napatigil.

"Fuck," bulong ni Harris. "Isa 'yong bawal na salita. Baka madungisan ang utak mo."

Eh? Ehtlog.

Hindi ko na lang siya pinansin tutal hindi ko gets.

Annabelle yata ang balak nilang panoorin dahil trip daw nila ang manika na 'yon. Takot ako doon, e, kahit noong bata ako, hinding hindi ako nanonood no'n. Nilapit nila ang hinihigaan nila sa akin. Kunyari pa ang mga taong 'to, hindi raw sila takot halos tabunan nila ang mukha nila kahit hindi pa naman nag-sisimula.

Napangiwi ako. "Tangina, hindi pa nga nagsisimula natatakot na kayo," komento ko sa mga itsura nila.

Hinayaan ko silang patayin ang ilaw tutal kasama ko naman sila. Pakiramdam ko ligtas ako sa kanila kaya hindi ako nababahalang nakapatay ang ilaw.

"Tumabi ka na... kunwari ka pa," nakatingin ako kay Phoenix.

"Asa," aniya pero naupo naman sa tabi ko.

Ako na mismo ang humawak sa kamay niya tutal pasimple siyang humahawak sa akin. Tumingin pa siya sa akin bago pisilin ang kamay ko.

"Ang sabi, horror, hindi romance," parinig ni Owen sa harap.

"Sanay ka lang sa romansa, eh," si Dice.

Nagsimula na ang palabas pero hindi ako nanonood. Nakapikit lang ako pero pagmulat ko lumabas naman ang mukha ng pisteng manika kaya lahat kami napasigaw.

"Wah!"

"Gago, nagulat ako!"

"Paanong gulat?"

"Wah!"

"HAHAHA uto-uto."

Kaya ayoko ng horror movies. Hilig mang-gulat, akala naman nila nakakatuwa. Mas lamang yata ang pang-gugulat, kaysa sa pananakot.

"Putanginang manika 'yan." bulong ko. "Ang pangit ng itsura."

Tumingin ako sa tabi ko nang mapansin ang ginagawang pagtitig sa akin. Kahit madilim napansin ko ang pagtitig niya, sinasaulo niya yata ang bawat sulok ng mukha ko.

Pumitik ako sa harap niya kaya agad siyang kumurap. "Oh? Wala sa akin ang palabas, aber. 'Yon ang palabas." Turo ko sa TV.

"You're so ugly."

"Mas pangit ka, gago." Umirap ako.

Napatigil ako matapos maalala ang sinabi. Tangina talaga.

"Five, huh..." ngumisi siya.

Tangina kasi nitong sina Finn, e, pakana nila 'tong mga hamog sila, e. Sila ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon!

Kahit bini-bwisit nila ako, hindi ko sila pinapansin. Bahala sila! Gustong-gusto nilang nagmumura ako para madagdagan ang nasa listahan ni Finn. Pwes, hindi ako mag-mumura. Pipigilan ko ang sarili ko.

Tinuon ko ang sarili sa panonood ng movie. Napapansin ko rin na panay ang pikit ng mga kasama ko. 'Yong tipong wala pa nga, sisigaw na kaagad. Masyadong advance mag-isip, amp.

Sila Harvey ay nagtatalukbong ng kumot. Ang epic ng mga itsura! Kung nasa akin lang talaga ang cellphone ko. Vi-video-han ko sila.

"Takot naman pala kayo, eh," ngumisi ako.

"Hindi, ah!" tanggi nila.

"Magaling lang sila mang-gulat pero sa pananakot?" pilit na tumawa si Harvey. "Asa! Hindi kami takot! Lalaki kaya kami!"

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa itsura niya. Sobrang putla ng itsura niya at halatang tutumba na!

"Alam mo, p're, minsan sa buhay hindi masamang bumigay lalo na't kapag alam mong natatakot ka na," tumawa si Gael.

Umirap si Harvey.

Nang matapos ang movie ay agad silang pumwesto malapit sa akin pero pinagbabato ko sila ng unan kaya lumayo sila. Ayaw pang umamin na natatakot.

"Patabi lang, e," reklamo ni Gael. 

Inirapan ko sila. Dinampot ko ang cellphone sa table. Nabasa ko ang message ni Kuya, bukas na raw sila babalik. Ayos lang naman 'yon dahil may kasama ako.

Akala ko makakatulog ako hindi pala. Nakapatay na ang ilaw at sila ay mahimbing na natutulog. Buti pa sila! Hindi ako makatulog dahil tuwing pumipikit ako, imahe ng manikang 'yon ang nakikita ko! Punyetang doll 'yon.

Ewan ko pero biglang pumasok ang aking twin-bro na si Darius. Siya kasi dati ang madalas na umaalo sa akin kapag natatakot ako, pati si Kuya, silang dalawa. Naalala ko, naglalaro kami noon kahit labag sila. Isa lang talaga ang ibig sabihin no'n, hind nila ako kaya matiis.

Grabe, princess treatment talaga ako! Paano ba 'yan, mayabang na ako nito. Sana ay makapag-bonding ulit kaming tatlo. Hindi ko mapigilan ang pag-silay ng ngiti sa labi ko.

Sana mangyari ang nasa isip ko. At iyong kay Mama, hindi ko rin sigurado kung mananatili siya dito. Pero humingi na siya ng sorry sa akin dahil sa nangyari at deserve naman niya siguro ang forgiveness.

At panigurado after ng mga ilang araw, babalik na siya sa Australia. Tsk, nandoon na yata talaga ang buhay niya.

Pero nangako naman siya sa akin kanina na hindi na mauulit iyong nangyari noon at hinding-hindi niya na ako iiwan, at 'yon nga ang pinanghawakan ko. Huwag niya lang sanang sisirain ang pangako niya.

I do hate promises.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan naupo. Masakit pa ang sugat ko, punyeta  Kahit gusto ko pang matulog ng ilang araw hindi ko rin magawa dahil natatakot akong hindi na magising. Natatakot ulit akong makita ang liwanag. Hay, langit nga talaga 'yon.

Tumayo ako at dahan-dahang kinuha ang dextrose. Ang himbing na ng tulog nila. Tumingin ako kay Harvey. Nakanganga siya kung makatulog. Kay Owen at Dice naman ako tumingin. Ang pogi nila kapag natutulog, gano'n rin naman ang iba. Bumagsak ang tingin ko kay Trevor, natutulog siya sa sofa at nakatalikod sa akin. Sayang, hindi ko makikita ang sleepy face niya. Kay Harris naman ako tumingin.

Hay, ang pogi nila pero isa lang talaga ang crush ko, e.

Gusto ko silang kuhaan ng picture kaso 'wag na lang. Baka isipin pa nila gusto kong makita ang mga mukha nilang natutulog. Yuck 'no. Kumunot ang noo ko nang hindi makita si Phoenix. Lumabas ba siya? Siguro nga, wala rin ang susi ng kotse, eh.

May balcony rito sa kwarto. Kinuha ko ang gitara ni Owen at lumabas sa balcony. Nilagay ko sa sabitan ang dextrose ko nang may makita sa labas.

Naupo ako sa silya at saka in-adjust ang gitara. Panay ikot kasi ang ginawa ni Harvey kanina parang gago. Sisirain pa yata 'to.

"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nagdugtong. Damang dama na ang ugong nito...." kanta ko at nag-strum.

Ang ganda pala ng boses ko?! Nakakainlove, shuta!

Pero alam niyo? Favorite song ko ang Tadhana at 'yong Thank God I Found You.

"Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas saýo. Ibinubunyag ka ng iyong mata, sumisigaw ng pagsinta..." mahina lang ang boses ko para hindi marinig sa loob.

Nag-angat ako ng tingin sa langit. Ang ganda. Tanging pag-kinang ng mga bituin at liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko ngayong gabi.

Tumigil ako sa pag-strum. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko.

"Ba't di pa patulan, ang pagsuyong nagkulang, tayong umaasa hilaga't kanluran, ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo.... Ako ang sasagip sayo." napatigil ako nang may maramdaman na tao sa likod ko.

Lumingon ako at halos manlaki ang mata ko dahil nasa likod ko si Phoenix! Narinig niya ang boses ko! Nakatayo siya at parang na-a-amaze sa akin.

"Why did you stop?" tanong niya.

"Uh...." wala akong masagot.

"Why are you still awake?"

"Hindi kasi ako dinadalaw ng antok." sagot ko.

"Hindi naman kasi siya multo para dalawin ka."

"Tangina, iba kasi." umirap ako.

Nag-taas siya ng kilay. "You really want to be my wife, huh?" tinitigan niya ang mukha ko.

Nasamid ako sa sarili kong laway. "Gago ka ba?!"

"You know, Miss. I'm counting your cuss and this day. You cuss eight times already." ngumiti siya. "Pwede mo naman kaming murahin may kapalit nga lang. Magiging asawa kita," kumindat pa ang putangina.

"Ano ka chix? Ayoko nga. Papatayin ako ni Kuya, ni Darius, lalo na si Papa." nag-strum ulit ako. "Isama mo na ang aking momshie."

"Edi itatanan kita." ngumisi pa ang gago!

"Tangina, tigil-tigilan mo ako. Lakas ng amats mo, Velasquez, ah. Ihahampas ko sa'yo 'to." turo ko sa gitara na hawak ko.

"You're so hot, Mrs. Velasquez. Relax...." mas lalo siyang ngumisi sa harapan ko.

Hindi ko alam pero bumilis ang takbo ng puso ko.

"L-Lumayas ka nga rito!"

Tumawa lang siya.

Kumuha rin siya ng isang silya at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang gitara sa akin at nag strum. Hindi ko mapigilan ang tumingin sa kaniya habang ginagawa niya 'yon.

"Marunong ka mag-gitara?" tanong ko.

Tumango siya. "Yeah."

Tangina. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-anong alam mong tugtugin?" tanong ko ulit.

"Kahit ano," sagot niya at tumingin rin sa akin. "But you know? I heard this song while I'm buying foods last time."

"Huh?"

"The song 'Binibini'?" tumango ako. Madalas kong marinig yun. "I don't know the full chords but I'll try my best."

"Talaga? Sige nga try mo," hamon ko.

Ngumisi naman siya at inayos ang pagkakahawak sa gitara.

"Binibini...." Isang salita pa lang 'yon ramdam mo na agad at ang ganda ng boses niya! "Alam mo ba kung paano nahulog sa 'yo?" kanta niya kasabay ng pag-strum niya.

Tumingin siya sa akin ng diretso pero agad akong umiwas ng tingin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakikipag-karera sa sobrang bilis.

"Naramdaman lang bigla ng puso. Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito..." hinuli niya ang mata ko at nakipagtitigan sa akin. "Kaya sabihin mo sa akin..."

"Ang tumatakbo sa isip mo. Kung mahal mo na rin ba ako..." tumigil siya sa pag-strum at mas lalong lumalalim ang mga tingin niya sa akin.

Ang ganda ng boses niya.

"Isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko. Kapalit man nito'y buhay ko. Gagawin ang lahat para sayo. Alam kong mahal mo na rin ako..."

Dahil sa ginawa niyang pag-kanta ay ngayon ko lang na intindihin na parang nagkakaroon na ako ng crush sa kaniya. At sa tingin ko, hindi malabong lumalim ang pagkakaroon ko ng crush sa kaniya tulad ng mga tingin niya sa akin ngayon.

"You know what? Everytime I hear this song, I always remember our dance in the middle of the night while it's raining."

Ah, iyon ba 'yong nilagnat ako?

"'Yong... ano... 'yong pagkatapos nilagnat ako?"

Tumango siya. "Yeah." Binaba niya ang gitara. "That's why this song is my favorite now. Because we dance while this song is on. And I still can't forget that night when I danced with the girl I found elegant and lovely."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.5K 100 25
"He exposes me to new things that I never imagined I would develop a devotion for."
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
48.7K 1K 62
[Book 1] This fanfiction is about Bellatrix Mikaelson, The original heretic and half-sister of Kol, Klaus, Elijah, Freya, Henrik and Finn Mikaelsons...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...