She's an Exception [Revising]...

By DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... More

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 30

1.5K 21 3
By DONTREADINACTIVE

Kate's POV

Ang sweet sweet lang ni Calvin kahapon. Haha!~

Nakakakilig pa 'yung eksena kahapon. Parang 'kami' kung mag subuan kami ng pagkain.

Landi mo, Kate!~

Hello, Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganun ka gwapo 'yung kasama mo sa pagkakaposas tapos may ganung eksena pa?! Haha.

I admit, crush ko si Calvin. Sino ba'ng hindi magkaka-crush sa kan'ya? Mabait na Cute pa!

Haay. Nako. Tama na kalandian, babalik ko muna utak ko sa realidad.

Heto ako---kami ngayon naglalakad sa corridor ng school kasama si Baks.

Pero... Parang may mali eh.

Bakit parang nahahati yung dinadaanan namin ni Blake? I mean, gumigilid sila lahat tapos nagbubulungan at nakatingin sa'kin? Kay Blake? Hindi ko alam. Basta, nakatingin sila sa gawi namin habang naglalakad kami sa corridor.

"Baks." Hindi n'ya 'ko tinignan pero alam kong nakiknig s'ya kaya itinuloy ko 'yung pagsasalita. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Oo." Ngumisi s'ya. "'Yang pagmumukha mo 'yung dumi."

"Che!" Sabay tulak ko sa braso n'ya. "Umayos ka nga."

"Psh. Wala."

"Eh bakit ganun sila makatingin sa'kin?"

"Pangit mo kasi eh. Sanayan nalang 'yan." Sabay tawa n'ya.

Aba't! Grabe na 'to sa panlalait, ha?! Kanina pa s'yang umaga nang-aasar eh!

"Sama ng ugali mo."

Hindi ko nalang pinansin yung mga usisero't usiserang frogs. Haay.. Tuloy lang kami sa paglalakad. Wala akong time isipin kung ano'ng problema nila. May problema 'kong dapat problemahin kaya bakit ko pa iisipin 'yung problema nila?

Pero... may dumi kaya ako sa mukha? Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Tumingin naman ako sa salamin kanin-

"Aray! Bakit ka ba nanghihi..." Nanlaki mata 'ko dahil sa nakita ko. "la." Bakit ako nag stop pagdating sa 'la'?

Nakapaskil 'yung picture namin ni Calvin dun sa Newsboard! Tapos may nakasulat pa na: The Gold digging Commoner.

'Yung picture dun sa mall! 'Yung picture dun sa KFC! 'Yung pinicturan kami ni Mich! Nakangiti pa nga kami tapos kita rin 'yung posas. May pictures din na nagsusubuan kami--- Okay, ang sagwa ng term! Hindi ko naman alam kung may ibang term pa na pwede dun eh!

" Ano to?! Ba-bakit nakaposas kayo?!" Sabi ni Blake through greeted teeth. Medyo kinabahan ako kasi parang galit yata siya?

Honestly, kinakabahan ako ngayon. Parang galit kasi si Blake. Hindi n'ya pa 'ko pinakikitaan ng ganitong emosyon eh. Iba kasi 'yung unang beses ko s'yang nakita na magalit. 'Yung natapunan ko s'ya ng pagkain ko n'on tapos nadumihan ko 'yung uniform dahil dun.

"La-laro." Napatingin s'ya sa'kin tapos tinaasan ako ng kilay. "A-ayoko namang maging KJ-." Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko kasi umalis siya. Problema nun?

Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko yung braso niya at iniharap siya sa'kin.

Hindi ko alam pero may parte sa utak ko na sinasabing kailangan kong magpaliwanag. Kaya... Magpapaliwanag ako.

"A-ano, Baks." Nahawakan ko s'ya sa braso kaya napatigil s'ya. "I-it's not what you think. Nag Lalaro lang Kam-."

"Bakit ka nagpapaliwanag?" Medyo napaluwag 'yung hawak ko sa braso n'ya. Oo nga naman, Kate. Bakit nga ba? "Ano ba kita? Maid lang naman kita." And with that... Inalis na niya yung pagkakahawak ko sa braso niya at umalis na siya.

Aray. Ewan.. Naiiyak ako.. Naiiyak ako.. Bakit parang ang sakit lang?

Eh tama naman 'yung tanong n'ya eh. Ano ka nga ba naman n'ya, Kate? Bakit naisipan mo pang magpaliwanag? Wala naman kayong relasyon eh. At, ano nga ulit n'ya 'ko? Ah... Maid lang pala n'ya 'ko.

Ano ba'ng pakielam ni Blake sa'yo, Kate?

Wala s'yang pakielam sa'yo. Bakit ka nage-expect na pakikinggan n'ya 'yung paliwanag mo, na hindi mo rin alam kung bakit kailangan mong sabihin 'yung paliwanag mo.

Maid ka lang n'ya. 'Wag mong isipin na Girlfriend ka n'ya't papakinggan n'ya 'yung paliwanag mo dahil gusto n'ya ng sagot. Itatak mo 'yan sa utak mo. 'Maid' ka lang n'ya. 'Maid', Kate. 'Maid'.

Naglakad nalang ako papuntang Garden. Hindi muna ako papasok. Tambay mode muna ako dito.

Sino ba kasi 'yung nag paskil nun dun. Eh yung mga kasama lang---Tama. Isa sa kanila.

Tinawagan ko si Francine, hindi daw siya. Pero pinost niya 'yung mga picture sa facebook. Ganun din si Mich. Sa Nocturnal Sun naman, number lang ni Calvin meron ako, So tinawagan ko siya.

I just hope na malaman ko na kung sino 'yung nagpaskil nung mga 'yun.

Naisip ko nanaman si Blake. 'Yung inakto at mga sinabi n'ya sa'kin. Bakit may gumuguhit na sakit sa dibdib ko?

Hindi ko na maintindihan 'yung sarili ko.

"Kate! Nasa'n ka-."

"Sino?" Walang kabuhay buhay kong tanong.

"What?"

"Calvin, sino 'yung nagpaskil ng mga pictures natin sa Board?!" Naisigaw ko tapos napasabot din ako sa buhok ko dahil sa hindi maintidihang frustration na bigla kong naramdaman.

"Teka, Kate! Bago ko sagutin 'yan nasa'n ka muna?"

"Calvin," Napahikbi ako't napaupo sa ilalim ng puno habang sapo 'yung noo ko. Yeah. Umiiyak ako dahil bigla kong naisip si Blake pati 'yung nangyari sa corridor. "Pakausap nga sa mga kaibigan mo." Sabi ko habang nahikbi.

"Nasan-"

"Please, Calvin! Pakausap lang sa kanila!"

Inabot niya sa tatlo 'yung cell phone. Nakausap ko naman bawat isa. Ang sabi nila, hindi din daw nila alam. Si Lance pinost lang din sa Facebook yung mga picture and that's it! Pero wala 'daw' talaga silang alam kung sino yung nagpaskil nung mga pictures namin.

God... Ano ba to?! Kahapon lang ang saya ngayon ang gulo-gulo?!

At ngayon.. si Calvin na ulit kausap ko.

"Calvin, Sigurado ba kayong wala kayong alam?" Then again, humihikbi nanaman ako. Bakit ko tinanong si Calvin ng ganun? Hindi ko pa kasi masyado kilala 'yung mga kabanda n'ya kaya medyo wala pa 'kong tiwala sa kanila.

"Oo nga, Kate. Nasa'n ka na nga? Nag-aalala na ako sa'yo. Kanina ka pa umiiyak." May bahid ng pag-aalala sa boses ni Calvin nang sabihin n'ya 'yun.

"Calvin, Not now. Please."

"Kate, Wai-" I ended the call.

Uuwi nalang ako. Hindi muna 'ko babalik sa bahay ni Blake. Parang hindi ko pa s'ya kayang harapin ngayon.

Ano n'ya nga ulit ako? Oo, nakakabobong tanong ko dahil paulit-ulit. Pero... Ano nga n'ya ulit ako? Maid, 'di ba? Kaibigan n'ya rin ako. Kaya bakit s'ya magbibitaw ng salitang, kahit hindi masakit eh nasaktan ako, tapos bakit s'ya nagalit nang makita n'ya 'yung mga 'yun?

Hindi talaga kita mabasa, Blake. Pati sarili ko, naguguluhan na 'ko kung bakit ako nasasaktan sa mga sinabi mo.

Mich's POV

God! Nag-aalala na ako kay Kate! Umiiyak daw kasi sabi nitong si Calvin tapos binabaan siya ng cell phone kanina habang kausap niya.

Hindi ko naman din ma contact kasi naka-off yata 'yung phone niya. Nakausap ko s'ya kanina pero hindi naman s'ya naiyak.

And, Yeah. Kasama ko si Calvin pati mga kabanda niya at ang sirenang si Francine. We're looking for Kate now. Medyo malapit na kami ni Bakla sa magkakabandang 'to and all thanks to Kate dahil naging ka-close namin 'tong mga lalakeng 'to.

"Guys," Napatingin sila sa'kin. "Sa tingin n'yo sino'ng gagawa nun?" Tanong ko sa kanila. Si Calvin mukhang bothered talaga sa nangyayari.

Siguro may gusto 'to kay Kate. Hindi ko naman siya masisisi, 'no! Kung ako siguro naging lalaki, malamang sa alabang nagkagusto na rin ako kay Kate. Ang ganda na kasi magaling pa kumanta. Bonus pa yung pagiging simple niya. Girl crush ko nga 'yun eh.

"Ewan. Nalulurkey na ako dito kakaisip ha." Kilala niyo na kung sino yan. S'ya lang naman 'yung nagge-gay lingo eh.

"Wala rin akong Idea." Sabi ni Lance habang kinakalikot 'yung cellphone.

"Nag-aalala na ako kay Kate." Sabi naman ni Calvin na tumingin na sa nilalakaran. Oo nga. May gusto nga 'to kay Kate. Obvious kaya!

"Guys," Napatingin naman ako kay Ren na biglang nagsalita. "Kalat 'yung mga picture sa facebook, 'di ba?" We all noded except Calvin na parang ang lalim ng iniisip. "Baka may kumuha ng mga picture dun tapos pinaprint. " Oo nga, 'no!

"F*ck. Sino nama'ng gagawa nun?" Makapag mura naman 'to si Kuya. Si Alex 'yan. Ewan ko ba pero naiirita 'ko sa lalakeng 'to.

"Hoy!" Napatingin s'ya sa'kin habang nakataas 'yung kilay dahil nilapitan ko s'ya't sinamaan ng tingin. "Makapag mura 'to."

"So?" Makataas naman ng kilay. Bakla yata 'to eh. Nako, paniguradong maraming magluluksa dahil babaero 'tong epal na 'to eh.

"So?" Hindi rin ako nagpatalo. Tinaasan ko rin s'ya ng kilay. "Hindi mo ba alam masamang mag mura---Ay," Napatingin ako sa nabangga ko. "Sorry." Nginitian ko s'ya tapos ibinalik ko na 'yung tingin ko kay Alex.

"I know. And why do you care? Tss."

"Ewan ko sa'yo! B.I ka!"

"Tumigil na nga kayo!" sigaw nilang lahat-except Alex. Napatigil tuloy kami sa paglalakad at nagtapunan ng masamang tingin. Inirapan ko nalang s'ya at sumunod na sa iba. Wala 'kong panahon makipag-away sa epal na 'yun.

So ayun. Tumahimik nalang kami habang naglalakad lang kami ng lakad at tumitingin-tingin sa paligid. Hanggang sa nakita kong naglalakad si Blake na nakatingin sa sahig or let's say nakayuko.

Isa pa 'tong lalake na 'to. Alam kong nasaktan 'yan! Paano ko nasabi?

Flashback

Dahil sa early bird ako, maaga ako pumapasok. Nang makarating ako sa school at nakita ko yung sasakyan ni Blake na nakaparada.

Hmm.. Parang maaga na lagi 'to pumapasok ever since naging maid niya 'yun si Kate? Good Influence ang friend ko!

Ayun nga. Lakad ako ng lakad since maaga pa naman at exercise na rin 'to. Nakita ko naman si Blake sa 'di kalayuan.

"Blake?" Lumingon naman siya nung tinawag ko.

"Baket?"

"Bakit ang aga mo yata?" Tumakbo ako palapit at sumabay sa kan'ya sa paglalakad.

"Eh maaga kasi umalis 'yung babaeng 'yun. Hinahanap ko lang." Sinong babae? Baka..

"Sino? Si Kate?"

"Oo." Ooohh.. I can smell something fishy!

"Alam mo Blake, I smell something fishy sa'yo."

Napatingin siya sakin "Huh?"

"Hmm.. pwede mag tanong?" He nodded "May gusto ka ba kay Kate?" Nanlaki mata niya sa gulat. Ah.. Alam na.

Hindi gan'yan ang magiging reaksyon n'ya kung wala s'yang gusto kay Kate. Pero, I'll just keep my mouth shut.

"E-ewan ko-Wala pala." Hahaha! Stammering. Alam na talaga!

"Hmm.. deny deny pa daw. Pero.. Simula ng pumasok si Kate sa buhay mo... May something unusual ka bang nararamdaman o ginagawa?"

"Teka.. Bakit mo ba ako ini-interrogate?" Tinaasan n'ya 'ko ng kilay.

"Sumagot ka nalang kasi! Yung totoo, ha? Obvious naman kasi na nasa in denial stage ka na eh!" Sabay tawa ko dahil natutuwa 'ko mag-fishing ng sagot sa kan'ya.

Sumeryoso mukha niya "Can I trust you?"

"Of course!"

"Masasabi na ba na may gusto ka na sa isang tao if hindi siya mawala sa isip mo tapos ang saya ng pakiramdam mo 'pag kasama mo lagi siya. Lagi mo siya hinahanap, ayaw mong mawala siya sa tabi mo at ayaw mong umaalis siya?" Sabi n'ya na medyo nakangiti. Iniisip n'ya siguro si Kate. Tsk. Tsk. Boys. 'Pag na in love nga naman sila, oh.

"Meaning: mahal mo 'yung taong 'yan." Napalingon s'ya sa'kin na parang 'di makapaniwala sa sinabi ko. Eh totoo naman 'yung sinabi ko eh! "So.. Is that what you feel towards Kate?"

"Yeah." Yumuko s'ya tapos bumuntong hininga. "Then... Mahal ko nga si Pande--Kate."

"Okay lang 'yan, Blake." Sabay tapik ko sa balikat n'ya. "Gusto ka rin nun ni Kate, ramdam ko." Joke! Hahaha! Hindi ko alam pero binubuhay ko lang 'yung loob ni Blake.

Nag-angat naman s'ya ng tingin tapos ngumiti ng bahagya. "I hope so."

End of Flashback

May mga nabubunggo siyang tao, pero halatang wala siyang pakielam. Nilagpasan niya lang kami. Hindi nga yata kami napansin eh.

Ano na kayang mangyayari sa dalawang yun?-I'm pertaining to Blake and kay Kate na ang haba ng hair dahil sa mga nagkakagustong mga lalake sa kan'ya. Hindi mga ordinaryong lalake eh! Si Blake at Calvin 'yun eh!

Continue Reading

You'll Also Like

560K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
3.3M 90.7K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...