She's an Exception [Revising]...

By DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... More

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 29

1.5K 18 5
By DONTREADINACTIVE

Calvin's POV

Napansin niyo bang nag papapansin ako lagi kay Kate?

Ewan...

Sa totoo lang kasi... Na in love yata ako d'yan sa babaeng 'yan nung marinig ko siyang kumanta at nung humarap siya sa'kin pagkatapos niyang kumanta. Ang ganda kasi ng boses n'ya tapos ang ganda n'ya pa.

Sinundan ko siya ng tingin noon habang papunta siya sa music room. Hindi ko pa nakikita itsura niya noon. Dahil na rin sa curiosity kung anong gagawin niya dun, sumunod na ako.

Kung bakit ako curious? Kami lang ang gumagamit n'yang music room pati 'yung ilang music enthusiast. Bilang na bilang ko nga 'yung mga pumapasok dun eh. 13 lang, including my band. May mga pangalan kasi kami na nakasabit dun sa music room para malaman kung sino 'yung nagamit ng mga instruments. Kaya nag-taka talaga 'ko kasi hindi pamilyar sa'kin 'yung babaeng pumasok.

Kakatok palang sana ako ng Makita ko siyang nakaupo sa harap ng keyboard. So ang ginawa ko, pinagmasdan ko lang kung anong gagawin niya. At nang mag simula na siyang tumugtog at kumanta... napatitig nalang ako sa kan'ya habang nakatalikod siya. Hindi ko lang alam pero... Siguro hindi niya alam na may ibang tao papala sa music room bukod sa kan'ya. Kasi kung alam n'ya na may kasama s'ya loob ng room, malamang eh tinapunan n'ya na 'ko ng tingin.

May kakaiba sa boses niya at sa pag tugtog niya. Hindi ako nakalakad papalapit sa kan'ya nun kahit na gustong-gusto ko talaga siya lapitan. Hanggang sa 'yun nga. Natapos na siyang kumanta. Tumayo siya at ng humarap sa direksyon ko halata sa mukha niyang nagulat siya. Kahit ako nagulat kasi ang ganda niya. My heart skipped a beat nung tumitig siya sa'kin.

That time, I know that I already liked her.

Hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon. Nakipag kilala na ako at kinapalan ko na 'yung mukha ko, kahit na kinakabahan ako hiningi ko yung no. niya at ni-request ko pang mapicturan siya. Tinetext at tinatawagan ko rin siya araw araw. Kahit nga mapuyat ako eh okay lang. Kasi Masaya ako sa tuwing kausap ko siya.

Mas sumaya ako nung nalaman kong mag me-merge yung section namin pati section nila. Nagkaroon ako ng rason para mapalapit sa kan'ya.

So nung nag botohan siya na agad ang sinuggest ko. Nung kumanta nga siya natulala nalang ulit ako eh. Mas lalo ko lang yata s'yang nagustuhan eh. Nag lakas loob na rin akong gumanap na kapareha niya. Mas okay na 'yun, 'no! Pinanuod ko pa nga 'yung movie eh. May kissing scene pa dun! Oha! Sana lang ipasok yung scene na yun! Haha. I wonder how sweet her kiss is.

Oo nga pala. Alam na rin ng mga ka banda ko na may gusto ako sa kan'ya. Kaya lang umaatake ang kalandian ni Alex eh.

Okay. Heto ako ngayon, hinawakan 'yung braso niya. May plano kasi ako para mas lalo akong mapalapit sa kan'ya.

"Wa-wait lang, Kate!"

"Bakit?" Tanong n'ya pagkaharap n'ya sa'kin. Ang ganda talaga n'ya. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ko s'ya nagustuhan.

"Gu-gusto mo sumama muna sa'min? Wala naman na tayong klase eh."

"Huh? Saan ba?"

"Mall. Gagala lang tayo." Binitawan ko na 'yung braso 'ya. Baka makahalata kasi s'ya . Namamasma kasi 'yung palad ko dahil sa kaba.

"Sama ko ulit sila Mich at Francine tapos magpapaalam lang ako kay Blake." Amp! Akala ko pa naman magagawa ko plano ko. Pero I think pwede pa naman 'to. Magagawa pa rin 'yun. Tiwala lang. Pero, Teka... Bakit siya magpapaalam kay Blake? If I can remember... Anak s'ya ng may ari nitong school namin. Aish.. Nevermind.

"O-okay.. Sige." Sabi n'ya tapos lumapit s'ya dun sa dalawa n'yang kaibigan. Napatingin sa'min 'yung dalawa n'yang kaibigan tapos parang kinikilig na ewan sila't pinaghahampas si Kate. Tsk Masaktan 'yan!

Nag-hand signal s'ya na 'Wait' tapos lumapit naman s'ya dun kay Blake. Kinausap n'ya 'yung tapos tinignan ako nung Blake. Walang bakas ng kahit anong ekspresyon sa mukha n'ya pero pakiramdam ko, naiirita s'ya.

---

Nandito na kaming pito sa Mall.

Alam naman na ng mga ka banda ko gagawin nila kaya sumenyas na ako.

"Mga Pre, C.R lang ako." - Sabi ni Alex pagkaalis n'ya ng pagkakaakbay n'ya kay Lance. Good. Umalis ka na.

"Sama na ako. Sasabog na rin pantog ko!" Ayos sa reaction ,Ren! Ayos 'yan! Sumama ka na sa pag-alis n'yang si Alex!

Umalis na yung dalawa. Nag lakad lakad muna kami.

Ang plano ko kasi eh maiwan kaming tatlo nila Lance at Kate. Kung bakit? Basta. Malalaman n'yo rin naman 'yan.

Problema nalang ay itong dalawang kasa-

"Bakla!" Sabi ni Mich na may kasamang paghampas sa braso ni Francine. I doubt na Francine ang totoong name nito. Sino ba naman ang sira-ulong magulang ang magpapangalan sa anak nilang 'Lalake' ng pangalang 'Babae'?

"Aray naman, Bakla!" Sigaw ni Francine na napahawak sa hinampas na parte ng braso n'ya. Tsk. Bigla pa n'yang niyakap 'yung braso ni Kate.

"Samahan n'yo ako." Sabay hawak sa braso ni Kate at Francine. "May bibilihin lang ako sa Pink Box!" Sabi ni ni Mich habang nagtatatalon na nakahawak pa rin sa braso nila.

"Tara! G Ako!" Sabi ni Francine na humilaw na kay Kate. Good. Akala ko hindi na s'ya bibitaw eh. Tumingin naman s'ya kay Kate na tahimik na nakatingin lang sa kanila. "Hoy, Bakla! Sama ka?"

Seriously, bakit 'Bakla' tawagan nila? Tsk. Clearly, babae 'yung dalawa, 'yung isa lang ang hindi.

Pero... 'Wag ka sumama, Kate!

"Hindi, 'Wag na." Sabi n'ya pagkalapit sa'min ni Lance. "Text n'yo nalang ako kung tapos na kayo. Hindi ko naman pwedeng iwan tong mga 'to, 'di ba?" Sabi n'ya habang nakangiting nakaturo sa'min ni Lance. 'Yun 'yun eh! Nararamdaman n'ya siguro na ayoko s'yang paalisin. Sana maramdaman n'ya rin na gusto ko s'ya.

"Sabagay. Sige, punta muna kami sa Pink Box." Sabay alis nung dalawa

Naglakad lakad muna kaming tatlo hanggang sa may madaanan kaming stand na nagbebenta ng yogurt.

I think gusto ni Kate nun. Nakatingin kasi s'ya nang dumaan kami eh.

Hinawakan ko s'ya sa braso tapos hinila pabalik dun sa yogurt stand pagkatawag ko sa pangalan ni Lance para sumunod.

"Miss, dalawa nga nun." Sabay turo ko dun sa poster na may mga pictures nung Yogurt.

"Ayos, ha? Talagang dalawa lang?" Sabi ni Lance nang makalapit s'ya.

"Sa in'yo 'yan." Sabi ni Kate habang nakangiting humarap kay Lance. Medyo nairita 'ko kasi ngumiti s'ya sa iba. Pero ang selfish ko naman kung pati pagngiti eh ipagdadamot ko sa kan'ya. Wala naman kaming relasyon so bakit ko s'ya pagbabawalan? Wala 'kong karapatan.

"Asa. Para sa in'yo 'yan." Sabay harap n'ya sa nagtitinda. "Isa nga rin po ng inorder nila."

Humarap naman si Kate sa'kin. "Para sa'kin 'yung isa?" Tumango ako. Bakit? Akala n'ya ba, para kanino 'yun? "Okay lang naman ako. Bakit ka pa bumili ng para sa'kin?"

"Dahil gusto ko?" Ngumiti nalang s'ya't umiling. Magsasalita na sana s'ya pero inunahan ko na. Tsk. Umaangal pa kasi. "'Wag na umangal. Nakabili na eh." Sabi ko tapos wala sa sarili kong napisil 'yung ilong n'ya. Tae, bakit ko ginawa 'yun? Ang cute kasi n'ya eh. Nag-iwas agad ako ng tingin tapos kinuha na rin 'yung order na saktong katatapos lang i-prepare. Binayaran ko na 'yung binili ko para sa'min ni Kate tapos inabot sa kan'ya 'yung isang cup.

Naglakad na kami ng naglakad habang kinakain 'yung yogurt. Tinanong rin ako ni Kate na kung nasabi ko na raw ba sa dalawa, si Alex at Ren, na pumunta nalang sa meeting place 'pag natapos na sila sa C.R. Nag-text nalang ako sa dalawa, kunwari, tapos sinabi ko na okay na.

"Upo na muna tayo dun." Sabi ni Kate pagkaturo n'ya sa vacant table sa labas ng KFC. "Napapagod na 'ko sa kakalakad eh." Nag nod nalang kami ni Lance at umupo na kaming tatlo dun. Katabi ko si Kate at sa harap naman si Lance. Perfect.

"Laro muna tayo." Pagsisimula ni Lance. Alam naman na n'ya kasi ang gagawin para sa plano namin eh. Plano ko lang pala. Idinawit ko lang sila eh.

"Ano'ng laro?" Sabay kami ni Kate. Maang maangan effect muna siyempre.

"Hold out your hands at pumikit kayo."

So 'yun nga. Tinignan ko muna si Kate. Sumunod naman siya. Ako naman hindi na pumikit at nilahad yung Right hand ko. Natural naman, alam ko na kasi 'yung plano eh. Kay Kate kasi Left. So far so good.

Inuna ni Lance na iposas kamay ko at sumunod naman kay Kate. Napadilat si Kate dahil siguro sa naramdaman niya 'yung lamig ng posas. Halata sa mukha niya yung gulat eh. Ang Cute lang niya magulat.

"H-Hoy! Lance!" Ibinaba n'ya 'yung Yogurt sa table na nasa isang kamay n'ya tapos tinuro 'yung posas na nakakabit sa kamay namin. "Ba-bakit mo kami pinosas?"

"Oo nga? Eto ba 'yung laro mo?" Siyempre kunwari wala akong alam. Mahirap na't malaman n'yang plano ko 'to para mapalapit sa kan'ya. Baka mailang s'ya eh.

"'Yan nga 'yung laro. Para masaya 'di ba?" Sabay kain ni Lance dun sa yogurt n'ya.

"Hello? Masaya? Eh..." Napatingin ako sa kan'ya. Naiilang na ba s'ya? Para kasing---. "Ayoko nga ng atensyon tapos ipoposas mo kami?" Edi naiilang nga s'ya?

"Basta. Hanggang sa mag uwian tayo naka ganyan kayo. 'Wag naman kayong KJ."

"Psh. Fine!" Napatingin ulit ako sa kan'ya. Ibinaling ko kasi 'yung atensyon ko kay Lance kanina eh. Fine? Okay na sa kan'ya? Napangiti ako dun kahit pa nakasimangt s'ya nang sabihin n'ya 'yun. "Eh pa'no 'pag mag C.C.R ang isa sa'min? Ano 'yun, kasama din 'yung isa?" Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yun. Pero pumayag siya! Ang saya saya ko! Ang babaw pero ang saya ko.

"Edi tatanggalin 'yun posas at pagkatapos mag C.R babalik ulit."

"Aish. Kulit. Sige na sige na!"

Naramdaman kong nag vibrate yung cell phone ko. Kinuha ko sa bulsa ko gamit yung free hand ko at tinignan kung sino 'yung nagtext. Sila Ren at Alex pala.

Ano pre? Balita? Successful ba? - Text ni Ren

Takte naman, Pre! Sa'kin nalang kasi si Kate eh! - Alex. Siraulo talaga to. Napaka chick boy! Hindi ko pa nga nakukuha si Kate tapos hinihingi na n'ya? At saka, asa naman s'yang ibibigay ko sa kan'ya si Kate 'pag naging kami.

So tinext ko naman sila na successful 'yung plano ko at mag kita-kita nalang kami sa tapat ng KFC kung nasaan kami.

May nag text din kay Kate. Sabi niya tinatanong daw kung nasaan na kami. So sinabi ko na papuntahin nalang dito sa tapat ng KFC kasi dito magkikita lahat.

Nang makita nila kami, nagulat sila pero 'yung pagka gulat nung dalawang ungas syempre acting lang. Kasabwat sila eh.

"Ano'ng meron? Bakit kayo nakaposas?" Tanong ni Mich pagkaupo n'ya sa tabi ni Kate.

"Game daw sabi Lance. Eh ayoko naman din na maging KJ so pumayag na ako." Sabi naman ni Kate na biglang ginitgit ni Francine. Bakit kailangang gitgitin si Kate sa isang upuan? Tsk.

"Ashoo..." Sabay tusok ni Francine sa tagiliran ni Kate. Napapaiwas naman si Kate. "Sige na Bakla, sa'yo na 'yan si Fafa Calvin, sa'kin na si Blake, ha!"

"Tumahik ka ngang Bakla ka!" Sabi naman ni Kate pagkatulak kay Francine paupo sa katabing upuan n'ya.

"Guys, Kain muna tayo." Suggestion ko. Nag nod naman sila.

Pumunta kami sa Food court at umorder ng pagkaen. Pinag titinginan na nga kami eh. Akala siguro 'kami' ni Kate.

Well, sana maging kami.

May ibang nakuha ng picture-psh. Parang hindi ko nahahalata. Si Kate naiilang na dahil sa sitwasyon namin pero ako ineenjoy ko.

Umupo na kami sa pahabang table. Katabi ko si Kate siyempre. Ayos tong plano na 'to, ha? Sobrang nakakalapit ako kay Kate. Ang saya saya!

"Uhh.. Excuse me lang Lance, ha?" Napako naman 'yung atensyon namin kay Kate. "Pa'no kami kakaen? Eh nakaposas 'yung kamay namin aber?" Nako patay! Ang shunga ko! Kainis! 'Di ko nanaman naisip 'to!

No Choice.

"Lance," Napatingin naman sa'kin si Lance na nakataas 'yung isang kilay. Taena. Bakit gan'yan 'yung kilay n'ya? "Alis-" Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko nang magsalita si Lance

"You have to act as one." Ano daw? Hindi mag-sink in sa utak ko eh.

"Ano?" Sagot namin ni Kate.

Sabay pa talaga kami. Uyy!~ Soul Mate! Hahaha. Tae. Ang bading ng naiisip ko!

"Kailangan niyo subuan isa't-isa if you have to. Use your free hand." Okay gets ko na! Lance is doing me a favor and I really appreciate that. Alam n'ya sigurong gustong-gusto ko talagang mapalapit kay Kate.

"What?! Paano---."

"Bahala kayo. Kayo rin mahihirapan." Sabi n'ya tapos kumain na s'ya.

Okay. Masaya at the time na tetense ako!

Tinignan ko si Kate. "Mukhang no choice tayo." Napatingin naman s'ya sa'kin. "Okay lang ba sa'yo?"

"Ano pa ba'ng magagawa ko. No choice tayo. Fine! Sige, we'll act as one." Grabe. Ang saya ko. Ang babaw ba ng bagay na nagpapaligaya sa'kin? Wala 'kong pake. Basta masaya 'ko, okay na 'yun.

Habang nakain kami sinusubuan ko siya, minsan naman siya. Parang 'kami' talaga. Katuwa.

"Hoy! Chained Lovers!" Napatingin naman kami ni Kate kay Mich na biglang sumigaw. "Picture naman! Pakita n'yo 'yung chained hands n'yo ah!" Sabay taas n'ya ng cellphone n'ya at itinapat 'yun sa'min.

So ayun. Pinicturan nya kami. Pinasa naman niya sa lahat yung picture. Ganda lang ng ngiti ni Kate. Hindi lang ngiti eh. Lahat yata sa kan'ya.

Pagkatapos naming kumain nag laro naman kami sa quantum. Nanuod ng movie at bumili ng kung ano-ano. Nang dumaan kami sa Blue Magic, ibinili ko si Kate ng Panda na stuff toy. Gustong gusto niya yata kasi kanina niya pa tinitignan. So yun. Ibinili ko na para sa kanya.

"Thank you dito Calvin, ha?" Sabay yakap n'ya sa Stuff toy na binili ko para sa kan'ya.

"Nah, It's okay. pambawi narin sa inconvenience."

Naglakad na kami after nun. Nasa gilid ko si Kate. Sana lagi nalang s'yang nand'yan sa tabi ko.

So 'yun, oras na para matapos ang kaligayahan.

Oras na para umuwi kasi mag-didilim na.

Tinanggal na ni Lance yung posas at hinatid na sila isa isa pauwi.

Nang nasa bahay na ni Kate, nagulat lang ako kasi ang laki ng bahay. Napansin niya yata yung galat namin at inexplain niya kung kanino 'yun. Sa mga Felix pala. Pamilya na may ari ng School. So nag tatrabaho siya kay Blake Felix bilang Personal Maid. Nirequest niya rin sa'min na 'wag ipagkalat sa school. So ayun. Umuwi na kami--- Iisang bahay lang kami.

Kaya siguro nagpaalam pa s'ya kay Blake kanina dahil sa kan'ya pala s'ya nagtatrabaho.

"Thank you talaga mga Pre!" Sabi ko sa kanila pagkabukas ko ng ref. Kumuha 'ko ng Pitcher tapos nagsalin sa baso ng tubig.

Nandito kami sa kusina. Dito kami dumiretso eh.

"Wala yun! Anytime!" Sabi ni Lance na may kinakagat na mansanas.

"Bilisan mo kilos mo at 'wag mo ng pakawalan at baka agawin ko pa." Sabay tawa ni Alex pagkakuha n'ya ng chips sa cupboard.

"Makatulog na nga." Sabi ni Ren pagkalapag n'ya ng baso at umalis na sa kusina.

Ang saya saya lang.. hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko eh! Maitext nga si Kate!

To Kate <3

Thank you for accompanying us sa mall. I had fun. Good Night and Sweet Dreams.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...