She's an Exception [Revising]...

By DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... More

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 24

1.5K 18 7
By DONTREADINACTIVE

Kate’s POV

“Kuya~ Where are you?“ Narinig naming bumukas ng pagkalakas-lakas 'yung pinto kaya napatingin kami ni Baks d'on.

At.. Shaks! Iniluwa nun ang super cute na batang babae!

Oh, My God! Ang sarap n'yang gawing Keychain!~

“Charm? Ate?“ Sabi ni Baks na napatayo sa couch.

“Kuya---.“ Hindi natapos nitong cute na cute na batang babae na ito ang sasabihin nang mag salita si Ma’am Rizza. Wow, she's really beautiful. Parang effortless ang pagpapaganda n'ya. Parang natural na eh. Nakakainggit minsan 'yung mga gan'yan. Mapapatingin ka pa minsan sa sarili mo tapos tatanungin mo pa 'yung sarili mo kung maganda ka ba o ano.

Nakakainis.

“Kate?" Hindi n'ya pinansin si Baks na tumayo tapos lumakad s'ya palapit sa'kin habang hatak 'yung bata. "What are you doing here?“ Amazement and curiousity is written all over Ma'am Rizza's Face. Pero.. Ano daw? Meaning hindi pa niya alam na dito ako nag wo-work?

“Uhh.." Napatayo ako. Mahiya naman ako kung s'ya nakatayo, na anak ng may ari ng bahay tapos ako na P.M lang ng kapatid eh nakaupo, right? "Ms. Rizza, I… work here?“ patanong kong sagot. Kasi naman, 'no! hindi niya alam kung bakit ako nandito? Really?!

“Really?!" 'Yung ngiti ni Ma'am, umabot na sa tenga n'ya. Humarap s'ya kay Baks tapos hinampas 'yung braso nito.

"Aray naman!" Singhal ni Baks kay Ma'am Rizza pero hindi pinansin ni Ma'am Rizza 'yung ginawa ni Baks.

"Blake! Why didn’t you tell me?“ Ang cute ni Ms. Rizza! Wagas maka ngiti! Nakaka-Tibs! Ay, ano ba 'tong sinasabi ko? Totoo kasi. Kung That's my Tomboy lang ako, Nako! Pinormahan ko na 'yan si Ma'am Rizza kahit mas matanda s'ya sa'kin.

“I did told you that I hired a personal maid.“ Hindi n'ya pinansin si Ma'am Rizza tapos umupo s'ya sa couch. Kinuha n'ya 'yung remote ng T.V tapos binuksan 'yun. Ang sarap batukan minsan nito ni Baks eh. Munshunga lang! Hindi pa rin nakatingin kay Ma’am Rizza at nakatutok pa rin sa T.V. Bastos!

“And you hired Kate? Hmm.. Okay." Napakunot 'yung noo ko nang ngumiting tagumpay si Ma'am Rizza. "Akyat na muna kami ni Charm sa kwarto niya. And Kate, let’s talk later. “ tapos umakyat na sila nung batang super cute! Nanggigigil ako!

Tumingin ako kay Baks na kasalukuyang nanunuod. Umupo 'ko sa tabi n'ya so magkatabi na kami.

“Hoy, Baks!“

“What?“ hindi pa rin siya natingin. Tutok kasi sa pinanunuod. Psh.

“Kapatid mo 'yung cute na bata?“

Napatingin s'ya sa'kin ng nakataas 'yung kilay. "Obvious ba?" Sarcastic n'yang sagot kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Iniwas n'ya 'yung tingin n'ya't tumingin ulit sa T.V. “Oo. Kaya ipag handa mo sila ng maiinom.“

“‘Kay“ Tumayo na 'ko't pumunsa sa kusina.

Nang maayos na 'yung ise-serve ko sa kanila, inilagay ko na sa isang tray 'yung maiinom nila tapos nilagay ko sa sala kasi for sure dun naman mag-uusap-usap 'yung mga 'yun.

Ilang saglit lang bumaba narin si Ma'am Rizza pati si Charm. Umupo sila sa tapat namin ni Baks.

“Kuya," Hindi s'ya pinansin ni Baks. Patuloy lang s'ya sa pag-inom. Ansama! Kung ako 'yung tinawag nung bata, malamang, pinansin ko na 'yan! "Is she your girlfriend?“ Napabuga ng onti si Baks nung iniinom n'ya. Hindi naman siguro pangit 'yung pagkakatimpla ko kaya n'ya naibuga 'yun. Kanina pa nga s'ya nainom eh. Malamang dun 'yun sa tanong nung bata. Whuut?! Uminit mukha ko nun ah!

"Yuck! Kadiri ka, Kapatid!" Narinig kong sigaw ni Ma'am Rizza pero hindi n'ya nagawang kunin ang atensyon ko.

Nagkatinginan kami ni Blake na…. namumula rin? Pero iniwas ko din agad tingin ko. Makita pa n'yang namumula ko. Baka bigyan n'ya pa ng meaning! Mahirap na, si Baks 'yan. Maloko rin 'yan. Lahat ng pwedeng ipang-asar sa'kin, gagawin at sasabihin n'ya maasar lang ako. Hindi nga yata mabubuhay 'to ng walang inaasar eh.

“N-no! personal maid ko siya.“ Sabi ni Baks pagkatapos n'yang punasan 'yung bibig n'ya.

“But, Kuya!~" Lumipat ng upuan 'yung bata tapos yumakap sa braso ko't tinignan ako. "She’s pretty kaya!“ Okay~ O.P ako dito sa usapang 'to. Eeksena na ako! Kasama na 'ko sa topic! Ano, nganganga 'ko habang pinag-uusapan ako dito?!

“Uhh.. Charm, right?" Hinagod ko 'yung buhok n'ya. Mamaya 'to sa'kin, gagawin ko 'tong Keychain 'pag tulog na silang lahat! Cute ka, ha?! Humanda ka! "Hindi ako girlfriend ni Blake. I’m his personal maid.“

“Pfui~“ Waa~ Ang cute! Nag pout siya at nag cross arms nang bumitaw s'ya sa'kin at umupo ng tuwid.

“Charm!" Napatingin kaming lahat kay Ma'am Rizza. Si Charm lang tinawag pero kaming lahat 'yung lumingon eh, 'no? Ganun talaga kami ka-astig! "Stay here with kuya muna ah.“ Sabi ni Ms. Rizza

Nag nod si charm at hinila naman ako ni Ms. Rizza sa papuntang kwarto ko.

“Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa Kate.“ Napalunok ako ng 'di oras. Seryosong pagkakasabi ni Ms. Rizza with matching titig pa sa'kin 'yan, ha! Kinakabahan ako!

“P-po?“ Napaupo ako sa higaan ko tapos humila s'ya ng box para upuan 'yun. Matibay naman 'yun since hindi naman 'yun gawa sa karton. Kahoy 'yun eh. Lagayan ng kung ano-ano.

“Salamat.“ This time ngumiti na siya.

Huh?

“Para sa'n po?“

“I think nang dahil sa’yo.. Nag bago si Blake.“ Dreamy n'yang pagkakasabi with matching tingala habang magkahawak 'yung dalawa n'yang kamay na parang nagdadasal sa itaas.

“Paanong nag-bago po?“ Naputol ko yata 'yung pagde-day dream n'ya. Tinignan n'ya 'ko't ngumiti.

“Alam mo bang hindi 'yan nangiti or natawa?“ Alam ng lahat 'yan, Ma'am. Huli ka na yata sa balita. Hahaha.

"O-opo Ma'am Rizza.“

“Tsk." Nag-cross arms s'ya't sumimangot habang nakatingin sa'kin. Anyare? ano'ng ginawa ko? "I set aside muna yung student-teacher relationship natin everytime na nasa labas tayo ng school, okay? We’re friends 'pag nasa labas. Ate Rizza nalang tawag mo sakin.“

“Okay po?“

“Back to what I was saying. I think nag-bago siya nang dahil sa’yo…“

Oo nga. Pansin ko nga. Pero ayoko naman maging assuming na dahil nga sa'kin kaya naging medyo normal na si Baks. Abnormal kasi 'yun kaya medyo naging normal. At saka.. May mga nagsasabi rin na ako nagpabago kay Baks. Sa pangunguna 'yun ni Francine at Mich.

“Sabi nga po nila eh. Balita ko po kasi sa school, hindi siya nakikipag kaibigan. Si Yel—Ice lang po 'yung kaibigan niya. Tapos hindi daw po siya natawa or nangiti.“

“Weird huh.." Tumango ako. Sumangayon ako sa sinabi n'yang weirdo 'yung kapatid n'ya. Abnormal 'yung bakulaw na 'yun eh. "Pero, totoo.. pati sa'min ganun 'yun. Ngumingiti pero hindi madalas. Loner 'yan. Introvert. Mas gusto n'yang nag-iisa s'ya. Laking pasasalamat na nga lang namin kay Ice kasi kahit papa'no, may nakakausap ng medyo matino si Blake eh. Hindi naman kasi matino talaga 'yun si Ice, sira-ulo rin 'yun kaya medyo matino lang talaga description ko.“

Natawa 'ko sa sinabi n'ya tungkol kay Yelo bago nagsalita.. Totoo naman kasi. Friendly yet sira-ulo 'yun. “At first,  opo.. I find It weird. pero po nung nag share siya sakin ng story--.“ Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko kasi napaatras ako sa biglang pag-abante ni Ma'am Rizza palapit sa'kin.

“Wait! What?! Nag share siya?“

“Opo. About po sa ikinikilos niya.“

“I see." Bumalik naman ulit s'ya sa pwesto n'ya't nagseryoso nanaman ng itsura. Seriously?! Bipolar ba 'to si Ma'am? "Balita ko nga rin.. Ikaw 'yung sumira ng kotse niya, nagpapula ng pisngi niya at nag bigay ng black eye sa kan'ya kaya siya nag pa ospital.“ O.A naman nung Baks na 'yun! Na black-eyean lang nag pa ospital agad? Psh. Pero..natatakot na ako kay Ma’am! Sumeryoso kasi 'yung tingin! 'Yung parang papatay. She's dead serious now!  At saka….nabalitaan niya rin 'yung mga 'yun?! Hanep lang sa radar si Ma'am! Malamang naman kasi, Kate, kapatid n'ya 'yun kaya malalaman at malalaman 'yun, shunga! Pero.. Hala! Nakakahiya!

“So-sorry po.“ Yumuko nalang ako.. nahihiya na ako! Oo, I intended na bugbugin s'ya pero.. Aish! Sira-ulo kasi s'ya!

“Hahahaha!" Inangat ko yung ulo ko "Ano ka ba!? Okay lang!“

Ano ba 'to si Ma'am?! Bipolar ba talaga 'to?!

Nacu-curious na talaga ako sa edad ni ma’am eh! Maitanong nga. Ang ganda kasi eh! PArang teenager lang!

“Ma’am, ilang taon na po kayo?“

“25 lang ako. Bakit, Mukha na ba akong matanda? Ganda ko kaya!“ Kalog si Ma'am Rizza, ha! Haha!

“Ahh..“

“Basta aalagaan mo yung kapatid kong A.B. normal, ha?“ See? Pati kapatid n'ya eh sumasang-ayon na Abnormal si Baks.

Nako, Baks. Isa kang Gwapong Abnormal.

“Opo.“

Bumalik na kami ni Ate Rizza—haha.. Sabi ni Ma'am Rizza, Ate Rizza nalang daw eh. 'Yun nga.. naabutan kong nilalaro ni Charm 'yung buhok ni Baks. Naka tali yung buhok niya pero 'di maayos. Hahaha! Epic 'yung itsura ni Baks nung tumingin sakin eh!

“Kate, Blake, alis na ako, ha? Alagaan niyo 'yan si Charm, ha? Bye~“ sabay alis ni Ate Rizza. Feel na feel ko tawagin adviser ko ng ate, ha! Hahah. EkSDi! Minsan lang 'to! Lubus-lubusin na!

“Ate Kate!“ tawag sakin ni Charm

“Bakit?“ Nilapitan ko s'ya.

“Let’s play with kuya’s hair!“ hinila ako ni Charm paupo sa sofa, so katabi ko ngayon si Baks at sa kabilang side naman ay si Charm.

“Charm!“ suway ni Baks.

“Kuya! It’s okay lang! We’ll make you pretty! Like ate Kate!“

“Aish! No.“

“Do you want me to tell your secret? Ha, kuya?“ anong secret kaya 'yun?

“Fine!“

Laugh trip tong dalawang 'to ah! Hahaha! Biruin n'yong taob si Baks kay Charm?!

Pinipigil ko kumawala ang hagalpak ko, pero ng napatingin ako kay Baks tiningnan ako ng masama. Okay…. Hindi na nga eh!

“Ate! Here!" Inabot niya sakin yung mga….MAKE UP KIT?!

“Whoa.. Bakit meron ka nito?“ Tanong ko habang tinitignan 'yung laman nung kit.

“Ate Rizza forgot na she put her make-up in my bag.“

“Ahh..“

“Pwede tumigil na kayo?" Medyo nabigla kami ni Charm kasi nagsalita bigla si Baks. "Tigilan niyo na 'ko! Stop na Charm“ naiinis na si Baks.. Uh-oh!

Napakunot 'yung noo ko nang humarap si Charm kay Baks tapos ipinasok n'ya 'yung kamay n'ya sa pocket ng bag n'ya. “Okay! I’ll tell ate nalang your—.“

Bago pa man mahila palabas ni Charm 'yung bagay na dinudukot n'ya sa bag eh napigilan s'ya ni Baks kasi kinuha n'ya agad 'yung bag kay Charm tapos niyakap n'ya 'yun. “Fine! Tapusin n'yo na! Aish!“

“Yey!“ Sigaw naming dalawa ni Charm. Tinignan naman ako ng masama ni Baks pero dinilaan ko lang s'ya't nakita ko s'yang nag-roll eyes. Naman! Ba't ang cool n'ya 'pag ginagawa n'ya 'yun?! Hindi s'ya mukhang alagad ni Barney!

Ayun nga. Itinali namin ni Charm 'yung buhok ni Baks. Tapos pinipinturahan ko na mukha niya—medyo marunong na ako kasi tinuruan ako ni Mich, just in case daw.

Habang nilalaro namin si Baks, nag uusap kami ni Charm. 7 years old lang siya at nakatira siya kasama mama nila..

After kong pinturahan yung mukha ni Baks, nagalit lang ako.

Bakit?

Eh Bwisit! Bakit kasi ang ganda nitong bakulaw na 'to?! Mas maganda pa yata sakin eh!

Sa inis ko diniinan ko yung pag bubura ng make-up sa mukha niya.

“Aray!" Hinawakan n'ya 'yung kamay ko na pinampupunas ko sa mukha n'ya tapos tinignan ako ng masama. Akala n'ya matatakot ako?! Inis ako dahil maganda s'ya! "Pandesal, ano ba?! Masa--aray!“

“Nakakainis! Nakakagigil ka, Baks!“  Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagbubura ng make-up n'ya.

“Ano bang problema mo?“ Sabi n'ya ng mai-pin n'ya 'ko sa couch. Nasa ibabaw ko s'ya habang hawak 'yung dalawa kong kamay. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin.

“Bakit ganun? Bakit parang mas maganda ka pa sa'kin pag may make-up!“

“Kilabutan ka nga sa mga pinag-sasasabi mo!“

“Ewan.." Nagpumiglas ako't umalis s'ya sa ibabaw ko. Humarap ako kay Charm na nanunuod sa'min while munching some junkfood. Ginawa kaming Sine?! Ano 'to?! Pasalamat ka, cute ka! Hinawakan ko 'yung kamay n'ya. "Tara na Charm.. Hayaan mo si Baks d'yan.“

“Sino po si Baks?“ Tanong n'ya pagkasilid n'ya ng kinakain n'ya sa bag n'ya.

“Kuya mo." Napatingin naman ako kay Baks. Sinamaan n'ya 'ko ng tingin sinamaan ko rin s'ya ng tingin with irap pa. Akala n'ya magpapatalo 'ko sa kan'ya?! Never! "Tara.. dun nalang tayo sa kwarto mo mag laro. Dala mo ba toys mo?“

“Opo, Ate! Tara!“

Ayun umakyat nalang kami.

Nainis ako! Bwisit! Bakit ganun? Ang ganda ni Baks pag may make-up!?

'Wag lang siyang magiging sugo ni Barney, nako! Sayang ka cute-an niya!

Inuulit ko! AYOKONG MAY CRUSH NA BAKLA!

Ano?! Sa'n nanggaling 'yan, ha, Brain?! Anong Crush?!

Si Baks!? Crush mo?! Nako ka! Naka-shabu ka ba?!

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
5.4M 136K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!