She's an Exception [Revising]...

By DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... More

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 15

1.7K 27 10
By DONTREADINACTIVE

Blake's POV

Hindi ko alam I-aakto ko pag malapit sakin si Kate. Naiilang ako dahil sa mga nangyaring away naming dalawa.

To tell you frankly, ngayon lang ako nailang sa isang tao! At hindi ko gusto 'tong nararamdaman kong pagka-ilang kay Kate.

Alam na rin ni Ice 'yung Diary issue tungkol sa'min ni Kate. Naikwento ko sa kan'ya. Sabi niya tama lang daw sa'kin na mabugbog kasi private property nga naman ni Kate 'yun.

I agree as well.. kasi naman nanalo 'yung curiosity ko.

Kainis.

I mean.. why on earth am I even this interested to know her? Dahil siguro sa attitude niya? Nakakatuwa kasi siy-- Psh. Nevermind.

'Yung tungkol naman sa kotse ko, hindi ko sinabi kay Ice pero nalaman niya rin kasi kumalat na nga yung balita na may sumira ng kotse ko. Maraming nag tatanong pero hindi ko sinasabi kung sino may kagagawan. Kasi partly may mali din ako dahil sa inakto ko back then. I was cold towards her pero that was just an act. Sa totoo lang kating kati talaga ako bugbugin o patalsikin yung mga sira ulong sumira sa kotse ni Kate.

Pero nahuli naman na yung may pakana.. tapos 'yung may pakana pala 'yung tatlong babae kong classmate na sinagot ni Kate nung first day. Nainis daw sila kay Kate kasi, First: binastos daw sila-eh sila nga bumastos kay Kate nun eh. Napanuod ko buong scene nun. Tapos nainis daw lalo sila kasi palagi niya kaming kasama ni Ice. As if naman na sila samahan namin ni Ice.

Kaya ang pinagawa ko nalang na parusa ay community service for 2 weeks. Dapat nga 1 month pero sabi ng guidance kawawa naman daw sila.

Psh. Kawawa. Mas kawawa si Kate!

Gusto ko mang mainis kay Kate dahil sa pang bubugbog niya sa'kin pero 'di ko magawa eh. Magaan loob ko sa kan'ya. Hindi siya yung babaeng clingy-I mean, iba si Kate eh. Ibang iba.

Hihingi nalang ako ng sorry sa kan'ya kahit alam kong wala akong kasalanan. Kasi lalo pa't kaibigan kami ni Ice at mag tatrabaho siya sa'kin as my personal maid dapat talaga mawala na yung Awkwardness sa amin 'pag magkasama kami ni Kate.

Oo, alam ko na si Kate 'yung ipinasok ni Ice. Medyo nagdawalang isip pa 'ko nung una kong nabasa 'yung pangalan n'ya sa kontrata pero I decided na tanggapin na rin.

Bakit kaya s'ya papasok ng trabaho? Alam kong hindi sila ganun kapera pero.. Bakit? Hindi na ba sila kayang buhayin ng magulang nila kaya gusto n'yang magkatrabaho para makatulong?

Kung ganun.. Wow.

Psh. Kinakabahan ako. Kasi naman! First time kong magsosorry sa babae tapos ako pa na walang kasalanan ako pa'ng hihingi ng paumanhin. Oo, sige, counted as kasalanan 'yung diary pero yung sa kotse? 'Yun ang wala akong alam at hindi ko kasalanan yun-aish! Nakaka bobo! Kasalanan ko din 'yun eh! Dapat kasi binanatan ko na 'yung mga ugok na 'yun at pinakitang kahit papano concern ako sa kan'ya kasi kaibigan siya ni Ice.

Weh? Concern nga ba o gusto mo na siya? - sabi ng maliit na boses sa utak ko.

Pa'no ako mag kakagusto sa kan'ya? Hindi ko siya type. Ang ingay-ingay, Amazona, Brutal, Akala mo nakakain ng amplifier sa lakas ng boses, Mabait, maganda, maputi, simple lang, maganda yung mata, -- ay teka nga! Bakit naging positive?! Aish.

nagugustuhan mo na kasi. Ayaw pa umamin - Hindi! Hindi! Napaka imposible nun! Ay ewan!

---

Lunch time na.

Eto na.. mag so-sorry na ako sa kanya.

Si Ice na dapat kong kasabay kumain, mauuna na daw kasi pupunta siyang music room. Mag gigitara nanaman 'yun. Okay na rin 'yun at least 'di na ako mag alibi ng rason dun sa ugok na 'yun. At saka. baka 'pag napanuod pa n'ya 'yung eksena na hihingi ako ng sorry.. baka pagtawanan pa 'ko nung gag*ng 'yun.

Hihintay ko muna lumabas 'yung mga kaklase ko saka ko siya kakausapin. Nag papahuli rin naman to lumabas kaya dito ko nalang siya kakausapin sa room.

Nang makalabas na silang lahat, napansin kong kasama si Kate dun na nakikipag usap kay Mich at France.

Aish. So hahanapin ko pa to? Ano ba 'yan?!

Nang mapadpad ako sa cafeteria tinanong ko siya dun sa dalawa niyang kasama. Ang sabi 'di daw siya sumabay sa kanila. Hindi din nila alam kung sa'n nag punta kasi ayaw naman sabihin.

So ayun nga, nilibot ko pa ulit bawat sulok ng school kahit nagugutom na ako.

Nakakaewan naman. As of now.. dapat kumakain na 'ko eh, peor eto ako, hinahanap 'yung babaeng hihingian ko ng pasensiya kahit hindi ko naman totally kasalanan lahat ng perwisyong umikot sa'min.

Nang mapadaan ako sa garden, nandun siya, kumakain mag-isa sa ilalim ng puno.

Ni-ready ko muna sarili ko kasi baka mag sigawan nanaman kami nito.

Nang nilapitan ko siya halatang nagulat siya pero na compose niya rin agad sarili niya. Pangit ba ko para ganun nalang i-react niya?

"Hi." bati ko. tinignan niya lang ako. "Pwedeng tumabi? Favorite spot ko rin kasi to eh." I lied. Hindi naman talaga ako nag pupunta dito sa garden, lagi kasi ako sa lab natutulog pag may free time o bored ako. Minsan naman pumapana lang ako.

Hindi pa din siya umiimik. Halatang galit siya eh.

Naupo ako sa tabi niya atsaka sumandal sa puno at naglabas ng libro mula sa bag ko. Pagka pwesto ko, inayos niya yung kinakain niya atsaka nilagay sa bag. Tatayo sana siya pero bago pa siya tumayo hinawakan ko yung braso nya.

"Ano ba?!" Aba't kung maka sigaw kala mo bingi kausap.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo. Kaya pwede, kung mang iinis ka, lang bitawan mo na 'ko?!" Pinipilit n'yang hilahin 'yung kamay mula sa pagkakahwak ko pero hindi ko binitawan at mas hinigpitan pa 'yun.

"No. umupo ka muna. Mag-uusap tayo."

"Wow. Kung maka utos, ano 'ko utusan mo? Bitaw na nga!" hindi pa niya yata alam na ako magiging master niya sa trabaho. Aish. Di nag basa ng contract.

"Umupo ka muna..Please.." I said in my most sincere way. Bihira lang ako mag 'please' ah.

Mukha naming napansin niyang sincere ako at gusto ko talaga siya makausap-aba dapat lang!

Umupo siya sa tabi ko ng hindi parin ako tinitignan.

"Ano ba kasi sasabihin mo?" Sabi n'ya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"'Yung nangyari dun sa diary.. Sorry. Hindi ko naman talaga--."

"Babasahin? Nabasa mo na, Blake. Ano pa ngayon ihaharap ko sa'yong mukha eh halos lahat ng sikreto ko nabasa mo na yata? " sinabi niya nang 'di parin tumitingin sakin.

"Actually.. onti palang nabasa ko dun, siguro tatlong entry mo palang." Bumalik ka naman kasi agad, edi sana nabasa ko pa 'yung iba.... Takte! Ano, Blake?!

"Kahit na Blake. Isa ka rin naman pala sa mga mag bibigay ng problema sakin."

"Kaya nga sorry, pati dun sa may sasakyan, hindi naman talaga ako yung may kagagawan o let's say 'yung nag utos sa mga ungas na 'yun na sirain sasakyan mo." napatingin siya sakin tapos nag smirk. Oh, ano nanaman nasabi ko?

"Owss? Talaga lang, ah? Eh kung tignan mo ko nun parang sinasabi mo na rin na ikaw may kagagawan eh. Wow lang talaga.. tapos sasabihin mo hindi ikaw nagpa sira. Tapos anong ginawa mo? Naka tayo ka lang dun. Kung hindi ikaw 'yung may pakana nun sana pinigilan mo sila. Kasi parang kahit sino naman makakita nun siguro pipigilan yung mga sumisira nung kotse eh. Tapos-- " hindi ko s'ya pinatapos magsalita. Nagsalita 'ko tapos tinakpan ko 'yung bibig n'ya.

"Kasi nga ayokong ipakita na concern ako at baka kung anong isipin mo." nanlaki mata niya sa isinigaw ko. Psh. Napa amin pa tuloy na concern ako. At saka.. totoo naman eh. 'Yung ibang babae kasi, magawan lang ng simpleng bagay, nag-a-assume agad na gusto sila nung lalake. Malay ko ba na isa rin s'ya sa mga ganun.

"Co-concern ka?" 'di makapaniwalang tanong n'ya pagkaalis ko ng kamay ko mula sa pagkakatakip ko sa bibig n'ya.

"Oo." Umiwas ako ng tingin. "Ayoko lang talaga ipahalata pero concern ako. Kasi kahit papano magaan loob ko sa'yo kahit ang ingay mo at kahit sadista ka." nakatingin lang ako sa baba.. grabe ako naman nahihiya ngayon sa mga pinag sasasabi ko.

"Ga-ganun?"

"Kaya.. Sorry na, dahil pinaki-elaman ko yung diary mo." Pinipitas-pitas ko 'yung ilang damo dahil nahihiya na talaga 'ko sa mga pinag-sasasabi ko.

"Okay.. Apology accepted," Napatingin ako sa kan'ya. "Sorry din kung nabugbog kita, ha? Kasi... 'yung kotseng 'yun hiniram ko lang sa kuya ko kaya ganun nalang ako maka react. Kung sa'kin naman 'yun okay lang basta maka bawi ako sa gagawa nun eh. Sorry ulit. " nag smile siya. Grabe lang, hindi ko napansin na ganito pala kaganda tong amazonang to kapag naka ngiti-Tss.. ano ba'ng pinag sasasabi ko?

"Okay lang. Kasalanan ko din naman eh." I gave her my sweetest smile. Ngayon nalang ulit ako nag bigay ng ganitong ngiti sa ibang tao. I think we're gonna be good friends.

"Friendly and make up hug?" inextend niya yung dalawang kamay niya. Ano daw? Friendly and make up HUG?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero onti onti akong tumango.

Nung niyakap niya ako, parang kusa nalang gumalaw yung kamay ko tapos niyakap din siya. Bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko nung magkayakap kami. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang sarap sa pakiramdam. Siguro dahil sa ayos na kami o 'di kaya---

Kumalas na siya sa yakap kaya kumalas na rin ako. "Corny ba? Kasi ganyan ako sa mga kaibigan ko 'pag nag kakaayos kami after ng away namin." So, kaibigan na niya ako? Nice.

"Hindi. Ayos lang."

"So... Friends?" Inilahad n'ya 'yung kamay n'ya for a shake hand.

"Friends." And I gladly accepted it.

We exchanged smiles while staring at each other.

*Gruu*

Bwisit! Bakit ngayon pa kumulo tiyan ko!

"Bwahahahahahah!"

"Aish! Tawanan daw ba?" Yumuko ako tapos niyakap ko 'yung sarili ko sa bandang tiyan. Nakakahiya!

"Kumain ka ba? Bakit ganun nalang mag rebelde 'yung tiyan mo!? Galit na galit na sa'yo yan kasi ayaw mong lagyan ng laman! Hahahah!" tawa lang siya ng tawa habang pagulong gulong sa damuhan habang hawak yung tiyan niya. Psh. Parang bata. Ang cute lang tignan.

"Akin na 'yang bag mo! Nandito pa yung pagkain mo eh!" kinuha ko yung pagkain niya sa bag pero inaagaw niya. Nag aagawan lang kami ng pagkain.

"Hoy! Akin yan! Wag mo kainin!" Sabi n'ya habang pilit na hinahatak 'yung baunan sa'kin.

"Kasalanan mo kung bakit ako gutom! Nilibot ko pa 'tong school, kaya sakin na 'to!"

"Ako pa ngayon may kasalanan? Haha. Bahala ka. Kainin mo na yan." Binitawan na n'ya rin! Sa wakas! "Kaso baka hindi mo magustuhan yan kasi ako nag luto, eh hindi pa ako masyado marunong mag luto.

"Oh? Ikaw nag luto?" binuksan ko 'yung baunan. Ano 'to? "Hindi nga siguro masarap to. Amazona nag luto eh. hahaha."

"Ang sama mo! Anong amazona!? Akin na nga 'yan! Nilalait mo pa eh! Manghihingi na nga lang, lalaitin pa!"

Iniwas ko 'yung baunan kasi akmang kukunin na n'ya. Tumawo ako't itinaas 'yun dahil tumayo s'ya para kunin 'yung baunan. "Hindi na! sayang 'to no! Laman tiyan din 'to!" Itinulak ko s'ya tapos tinutukan ng tinidor habang nakatingin sa kan'ya ng masama. Nag-pout lang s'ya tapos naka-cross arms na umupo. Umupo na 'ko sa tabi n'ya't sinimulan ko ng kainin 'yung pagkain niya. Masarap nga eh. Masyado lang niyang dina down sarili niya.

Masaya ko. Sobrang saya. Kasi ayos na kami. Sana wala nang maulit na issue between us.

Ngayon napatunayan kong ibang klaseng babae talaga si Kate.

She's so fun to be with.

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]