She's an Exception [Revising]...

Від DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... Більше

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 12 (BOOM!)

1.8K 29 4
Від DONTREADINACTIVE

Kate's POV

Nandito na kaming pito sa mall. At pagkapasok na pagkapasok namin, lumipad kaagad kay Alex iyong paningin namin dahil bigla siyang pumunta sa harapan namin. "Mga pre, cr lang ako."

Tumabi bigla si Ren sa kaniya saka hinawakan ang laylayan ng polo nito. "Sasama na ako. Sasabog na rin pantog ko!"

Umalis na iyong dalawa pagkasabi ni Calvin na magtext na lang pagkatapos nila tapos naglakad lakad na muna kami para maghanap ng mapupuntahan.

"Bakla!" Sabi ni Mich na may kasamang paghampas sa braso ni Francine habang naglalakad kami.

"Aray naman, bakla!" Reklamo ni Francine, na napahawak sa hinampas na parte ng braso niya tapos bigla niyang ikinawit iyong braso niya sa braso ko.

"Samahan niyo ako." Sabay hawak sa braso namin ni Francine. "May bibilihin lang ako sa Pink Box!"

"Tara! G ako!" Sabi ni Francine saka bumitaw sa pagkakakawit sa braso ko."Hoy, bakla, sama ka?"

"Hindi, huwag na." Pagtanggi ko saka ako lumapit kina Calvin at Lance. "Itext niyo na lang ako kung tapos na kayo. Hindi ko naman puwedeng iwanan itong mga ito, hindi ba?"

"Sabagay. Sige, punta muna kami sa Pink Box." Sinabi ni Mich.

"Bilihan ka na lang namin ng kahit ano duon, ha?" Nagkibit balikat si Francine kaya tumango ako saka niya hinila si Mich paalis.

Naglakad lakad muna kaming tatlo hanggang sa may madaanan kaming stand na nagbebenta ng yogurt. Nakatitig talaga ako duon kahit na naglalakad ako kasi gusto ko nuon pero wala akong pera. Ang masama pa, nakabunggo ako kaya nagsorry ako sa nabunggo ko.

Biglang may humawak sa braso ko pagkaalis ni ateng nabunggo ko. Pagkatingin ko, si Calvin pala iyong humawak sa akin. Hinila niya ako pabalik sa yogurt stand saka niya tinawag si Lance.

"Miss, dalawa nga nuon." Itinuro ni Calvin iyong poster na may mga pictures nuong yogurt, specifically, iyong yogurt na may strawberry topping.

"Ayos, ha? Talagang dalawa lang?" Sabi ni Lance nang makalapit siya.

"Sa iniyo iyan." Nakangiting sinabi ko kay Lance. Nang ituon ko naman iyong tingin ko kay Calvin, nakasimangot siya pero nang magtagpo iyong tingin namin, ngumiti siya.

"Asa. Para sa iniyo iyan." Humarap siya sa vendor saka dumukot sa bulsa. "Isa nga rin po ng inorder nila."

Halata naman pero gusto ko pa rin magtanong just to be clear. "Para sa akin iyong isa?" Tumango si Calvin. "Okay lang naman ako. Bakit ka pa bumili ng para sa akin?"

"Dahil gusto ko?" Patanong na sagot niya. Napangiti tuloy ako't umiling. Ang cute kasi ni Calvin. I was about to say na babayaran ko na lang kaya lang inunahan niya ako sa pagsasalita. "Huwag na umangal. Nakabili na, e." Pinisil niya iyong ilong ko, which I have no idea why he did. Nag-iwas kaagad siya ng tingin tapos kinuha na iyong order na saktong katatapos lang iprepare. Binayaran niya na iyong para sa amin tapos iniabot niya sa akin iyong isang cup.

Wow, libre. I'm sure mas masarap ito kasi libre, e.

Naglakad na ulit kami nang naglakad habang kinakain iyong yogurt. Tinanong ko na rin si Calvin kung nasabi niya na ba sa dalawa, kina Alex at Ren, na pumunta na lang sa meeting place kapag natapos na sila sa cr. Nagtext naman siya sa dalawa kasi nakalimutan niya palang gawin iyon.

"Umupo na muna tayo duon." Suhestiyon ko pagkaturo ko sa vacant table sa labas ng KFC kaya napatingin rin sila duon. "Napapagod na ako sa kalalakad." Tumango silang dalawa saka kami naglakad palapit sa table at naupo. Katabi ko si Calvin tapos si Lance naman, sa harap namin.

"Laro muna tayo." Pagsisimula ni Lance.

"Anong laro?" Sabay na naitanong namin ni Calvin.

"Hold out your hands at pumikit kayo."

Pumikit na ako saka ko inilahad iyong kamay ko pero hindi rin naman nagtagal nang iminulat ko ang mga iyon dahil sa gulat ko, at dahil sa lamig ng kung anong bagay na ikinabit ni Lance sa pulso ko. Nang tignan ko naman iyon, posas ang bumulaga sa akin.

"H-Hoy! Lance!" Ibinaba ko iyong yogurt sa table saka ko itinuro iyong posas na nakakabit sa mga pulso namin ni Calvin. "Ba-Bakit mo kami ipinosas?"

"Oo nga? Ito ba iyong laro mo?" Tanong rin ni Calvin.

"Iyan nga iyong laro. Para masaya, hindi ba?" Sabay subo nito sa kutsarang puno ng yogurt.

"Hello? Masaya?" Napatingin ako kay Calvin, na parang wala lang nangyayari dahil kumakain pa rin ng yogurt. Ibinalik ko ulit iyong tingin ko sa kaniya saka ko siya sinimangutan. "Ayoko nga ng atensyon tapos ipoposas mo kami?"

"Basta. Hanggang sa mag-uwian tayo, dapat nakaganiyan kayo. Huwag naman kayong kj, minsan lang ito."

"Fine." Napansin ko na napatingin si Calvin sa akin pero inignora ko na lang. "Paano kapag magccr ang isa sa amin? Ano iyon, kasama rin iyong isa?"

"Edi tatanggalin iyong posas at pagkatapos magcr, ibabalik ulit." Simpleng sagot nito habang sumusubo ng yogurt.

"Ang kulit lang ng laro mo. Sige na, sige na!"

Itinuloy lang namin ang pag-uusap pero naudlot iyon nang may nagtext kay Calvin. Sina Alex raw, tinatanong kung nasaan na kami. Ibabaling ko na sana ulit kay Lance ang atensyon ko kaya lang, may nagtext rin sa akin. Kinuha ko sa bulsa ko iyong cell phone ko at tignan kung sino iyong nagtext. Sina Mich. Tinatanong ako kung nasaan na raw kami. So sinabi ko na pumunta sa KFC.

Nang makita nila kami, nagulat sila dahil sa nadatnan. Hindi ko naman sila masisisi kasi hindi araw araw na makakakita ka ng lalake't babae na nakaposas habang kumakain sa loob ng mall.

"Anong mayroon? Bakit kayo nakaposas?" Tanong ni Mich pagkaupo niya sa tabi ko.

"Game raw sabi Lance. Ayoko naman rin na maging kj so pumayag na ako." Sagot ko habang ginigitgit ni Francine.

"Ashoo." Sabay tusok ni Francine sa tagiliran ko kaya napapaiwas ako. "Sige na, bakla, sa iyo na iyan si Calvin, sa akin na si Blake, ha?"

"Tumahik ka ngang bakla ka."

Matapos tumambay ng halos isang oras, napagpasyahan naming pumunta sa food court at umorder ng pagkain. Pinagtitinginan na nga kami kaya naiilang na talaga ako. Kung makatingin pa naman, grabe. Akala siguro, kami ni Calvin. May iba pa ngang nakuha ng picture. Para namang hindi ko nahahalata. Umupo na kami sa pahabang table pagkarating namin. Katabi ko si Calvin, siyempre.

"Uhh... Excuse me lang, Lance, ha?" Napako naman iyong atensyon nila sa akin matapos ko silang patigilin sa pag-uusap. "Paano kami makakakain? Hello, nakaposas iyog kamay naming, aber?"

"Lance," Napatingin naman kami kay Calvin dahil sa ginawang pagtawag nit okay Lance. Thank God at magsasalita na rin ito si Calvin. "Alis-" Hindi niya natapos iyong sasabihin niya nang magsalita si Lance.

"You have to act as one."

Ano raw? Hindi magsink in sa utak ko.

"Ano?" Sagot namin.

"Kailangan niyo subuan ang isa't isa if you have to. Use your free hand." Okay gets ko na and I can't believe na iyon ang gusto niyang mangyari.

"What?! Paano-"

"Bahala kayo. Kayo rin mahihirapan kung hindi kayo susunod."

Tinignan ako ni Calvin kaya napatingin rin ako sa kaniya. "Mukhang no choice tayo. Okay lang ba sa iyo?"

"Ano pa bang magagawa ko?" Nakasimangot na sagot ko. "No choice tayo. Sige, we'll act as one."

Bumili na silang lahat ng pagkain at kaming tatlo lang nina Calvin at Francine ang naiwan sa table. Nagpabili na lang si Calvin ng pagkain namin dahil ayaw tumayo. At saka, parusa niya raw iyon kay Lance dahil sa mga laro nito.

"Hoy, Chained Lovers," Napatingin naman kami ni Calvin kay Mich na bigla itong magsalita. "Picture naman. Ipakita niyo iyong chained hands niyo, ha?" Sabay taas niya ng cellphone niya at itinapat iyon sa amin.

So ayun, pinicturan niya kami kahit ayaw namin. Ipinasa naman niya sa lahat iyong picture.

Pagkatapos naming kumain, naglaro naman kami sa Quantum. Nanuod rin kami ng movie at bumili ng kung ano ano. Nang dumaan kami sa Blue Magic, ibinili ako ni Calvin ng panda na stuffed toy. Gustong gusto ko iyon, sa totoo lang kaya hindi ko naitanggal iyong paningin ko duon. Mukha namang nahalata ni Calvin kaya niya binili.

Ang bait niya lang, sobra. Ang generous. Hindi naman ako humihiling, bigla niyang ibibigay. At saka, ang kapal ko naman kung humiling ako, e, hindi pa kami ganuon kaclose, hindi ba? Nakakatuwa lang rin kasi alam niya iyong mga gusto ko.

Ang swerte ng magiging girlfriend nito ni Calvin. Ang attentive, sobra.

I admit, crush ko si Calvin. Sino bang hindi magkakacrush sa kaniya? Mabait na cute pa! Hindi ko nga maintindihan iyon si Blake kung bakit ayaw na ayaw niya kay Calvin samantalang sobrang bait nito. Ganuon siguro talaga iyong ibang tao. Aayawan mo iyong taong kabaliktaran ng ugali mo.

Heto kami ngayon ni Blake, naglalakad sa corridor. Pero... Parang may mali.

Bakit parang nahahati iyong dinaraanan namin? I mean, gumigilid silang lahat tapos nagbubulungan at nakatingin pa... sa akin? Kay Blake? Hindi ko alam. Basta, nakatingin sila sa gawi namin habang naglalakad kami sa corridor.

"Blake," Hindi niya ako tinignan pero alam kong nakiknig siya kaya itinuloy ko ang pagsasalita. "May dumi ba ako sa mukha?"

"Oo." Ngumisi siya saka ako tinignan. "Iyang pagmumukha mo mismo iyong dumi."

"Ungas." Sabay tulak ko sa braso niya. "Umayos ka nga."

"Wala."

"E, bakit ganuon sila makatingin sa akin?" Pasimple kong tinignan iyong mga nadaraanan namin pero ako rin ang nagbaba ng tingin dahil nacoconscious ako. Baka naman kaya ganuon sila makatingin kasi narinig nila akong kumanta kahapon?

"Ang pangit mo kasi, e. Sanayan na lang iyan." Matawa tawang sagot niya.

Aba't! Grabe na ito sa panlalait, ha?! Kanina pa itong umaga nang-aasar!

"Ang sama ng ugali mo." Nakasimangot na sinabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako.

Hindi ko na lang pinansin iyong mga usisero't usiserang palaka at tumuloy lang kami sa paglalakad. Wala akong time isipin kung anong problema nila. May problema akong dapat problemahin kaya bakit ko pa iisipin iyong problema nila? As if naman na malulutas iyong problema ko sa pamomroblema sa problema nila.

Pero... may dumi kaya ako sa mukha? Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Tumingin naman ako sa salamin kanina.

"Aray! Bakit ka ba nanghihi..." Nanlaki mata ko dahil sa nakita ko at para akong naestatwa dahil hindi talaga ako makakilos dahil sa tinitignan ko. "la."

Nakapaskil iyong picture namin ni Calvin sa newsboard! Tapos may nakasulat pa na: The Gold digging Commoner.

Iyong picture duon sa mall! Iyong picture duon sa KFC! Iyong pinicturan kami ni Mich! Nakangiti pa nga kami tapos kita rin iyong posas. May pictures din na nagsusubuan kami - Okay, ang sagwa ng term! Hindi ko naman alam kung may ibang appropriate term pa na puwede duon!

"Ano to?! Ba-Bakit nakaposas kayo?!" Tiim-bagang na tanong ni Blake. Medyo kinabahan ako kasi parang galit yata siya.

Honestly, kinakabahan ako ngayon. Parang galit kasi talaga si Blake. Hindi niya pa ako pinakikitaan ng ganitong emosyon, e. Iba kasi iyong unang beses ko siyang nakita na magalit. Iyong natapunan ko siya ng pagkain ko noon tapos nadumihan ko iyong uniform niya dahil duon. At saka, iyong last na away namin, pinanlamigan niya lang ako, hindi iyong tulad ngayon na para siyang leon na anytime, lalamunin ako ng buhay.

"La-Laro." Napatingin siya sa akin tapos tinaasan ako ng kilay. "A-Ayoko namang maging KJ-" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko kasi umalis siya. Problema nuon? Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko yung braso niya at iniharap siya sa akin. Hindi ko alam pero may parte sa utak ko na sinasabing kailangan kong magpaliwanag. Kaya... Magpapaliwanag ako. "A-ano, Blake," Nahawakan ko siya sa braso kaya napatigil siya. "I-It's not what you think. Naglalaro lang kami-"

"Bakit ka nagpapaliwanag?" Medyo napaluwag ang hawak ko sa braso niya dahil sa tono ng boses niya. Panlalamigan niya na naman ba ako? At saka, oo nga naman, Kate. Bakit nga ba? Bakit nga ba kailangan mo magpaliwanag? "Ano ba kita? Maid lang naman kita." And with that, inialis na niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at umalis na siya.

Aray. Naiiyak ako. Naiiyak ako. Bakit parang ang sakit lang?

Tama naman iyong tanong niya, hindi ba? Ano ka nga ba naman niya, Kate? Bakit naisipan mo pang magpaliwanag? Wala naman kayong relasyon, e. At ano ka nga ulit niya? A! Maid lang pala niya ako.

Ano bang pakielam ni Blake sa iyo, Kate?

Wala siyang pakielam sa iyo. Bakit ka nag-eexpect na pakikinggan niya ang paliwanag mo, na hindi mo rin alam kung bakit kailangan mong sabihin? Maid ka lang niya. Huwag mong isipin na girlfriend ka niya at pakikinggan niya ang paliwanag mo dahil gusto niya ng sagot. Huwag kang umasta na parang girlfriend ka niya. Itatak mo iyan sa utak mo. Maid ka lang niya. Maid, Kate. Maid.

Naglakad na lang ako papuntang Garden. Hindi muna ako papasok. Itatambay ko na lang muna itong sakit na nararamdaman ko.

Sino ba kasi iyong nagpaskil nuon duon. Iyong mga kasama lang... Tama. Isa sa kanila.

Tinawagan ko si Francine at nagtanong pero hindi raw siya. Ipinost niya iyong mga picture sa Facebook, oo pero hindi raw siya. Ganuon rin si Mich. Sa Nocturnal Sun naman, number lang ni Calvin ang mayroon ako, so siya lang ang natawagan ko.

I just hope na malaman ko na kung sino iyong nagpaskil nuong mga iyon.

Naisip ko na naman si Blake. Iyong iniakto at mga sinabi niya sa akin. Bakit may gumuguhit na sakit sa dibdib ko?

Hindi ko na maintindihan iyong sarili ko.

"Kate, nasaan ka-"

"Sino?" Walang kabuhay buhay kong tanong.

"What?"

"Calvin, sino iyong nagpaskil ng mga picture natin sa board?!" Naisigaw ko tapos napasabot din ako sa buhok ko dahil sa hindi maintidihang frustration na bigla kong naramdaman.

"Teka, Kate! Bago ko sagutin iyan, nasaan ka muna?"

"Calvin," Napahikbi ako't napaupo sa ilalim ng puno habang sapo iyong noo ko. Yeah, umiiyak ako dahil bigla kong naisip si Blake pati iyong nangyari sa corridor. "Pakausap nga sa mga kaibigan mo." Pakiusap ko habang nahikbi.

"Nasaan-"

"Please, Calvin! Pakausap lang sa kanila!"

Iniabot niya sa tatlo iyong cell phone. Nakausap ko naman bawat isa. Ang sabi nila, hindi rin daw nila alam. Si Lance ipinost lang rin sa Facebook iyong mga picture and that's it! Pero wala raw talaga silang alam kung sino yung nagpaskil nuong mga picture namin.

God, ano po ba to? Kahapon lang, ang saya, saya ko tapos ngayon ang gulo, gulo?

"Kate-" Sigurado na akong si Calvin ang kausap ko kaya pinutol ko ang sinasabi niya.

"Calvin, sigurado ba kayong wala kayong alam?" Then again, humihikbi na naman ako. Bakit ko tinanong si Calvin ng ganuon? Hindi ko pa kasi masyadong kilala iyong mga kabanda niya kaya medyo wala pa akong tiwala sa kanila. Kahit pa kasi sabihin na palagi kaming nagtetext at nag-uusap, mahirap pa rin ang magtiwala ng basta basta, hindi ba?

"Oo nga, Kate. Nasaan ka na nga? Nag-aalala na ako sa iyo. Kanina ka pa umiiyak." Sinabi niya na may bahid ng pag-aalala sa boses.

"Calvin, not now, please."

"Kate, Wait-"

I ended the call.

Uuwi na lang ako. Hindi muna ako babalik sa bahay ni Blake. Parang hindi ko pa siya kayang harapin ngayon.

Ano niya nga ulit ako? Oo, nakakabobong tanong dahil paulit ulit ako. Pero ano niya nga ulit ako? Maid, hindi ba? Kaibigan niya rin ako. Kaya bakit siya magbibitaw ng salitang, kahit hindi masakit, nasaktan ako, tapos bakit siya nagalit nang makita niya iyong mga iyon?

Hindi talaga kita mabasa, Blake. Pati sarili ko, naguguluhan na ako kung bakit ako nasasaktan sa mga sinabi mo. Ang lakas lang ng impact. Parang binagsakan ako ng Hiroshima bomb sa sakit.

Buong gabi ako nag-isip. May sumagi pa nga sa isip ko na magquit na ako sa trabaho ko kasi parang may kutob ako na may mga hindi inaasahang mangyayari kung magsstay pa ako sa bahay ng mga Felix. Ewan ko kung dapat ba akong maniwala sa premonition kong iyon o ano. Wala naman rin ako masyadong ginagawang trabaho. In fact, feeling ko, parang inuutusan lang ako sa bahay kung mag-utos si Blake. Technically, inuutusan niya lang talaga ako sa bahay. Ang ibig ko sabihin, sa bahay namin. Iyong utos lang ni mama, ganuon. Siyempre, hindi ba, ang unfair naman kung tutuloy pa ako. I should not take this job for granted.

So yeah. Pag-iisipan ko kung magququit na talaga ako. Kapag hindi pa ako nakapag-isip ng rason para magstay by this day, I'm gonna quit.

Nang buksan ko ang cell phone ko habang nakahiga, madaming texts akong nareceive. Puro sa circle of friends ko lang galing.

Heto na naman iyong pakiramdam ko na may kinalaman na naman si Blake.

Habang nagsscroll kasi ako ng messages, hindi ko alam pero inaasahang ko na sana nagtext si Blake. Pero wala. As in wala.

Napatulala tuloy ako. Kamusta na kaya si Blake? Nasaan na kaya siya? Kumain na kaya iyon? Iyong assignments, ginawa ba niya?

Napaupo ako habang nanlalaki ang mga mata. Is it possible na gusto ko si Blake? "My God." Pumikit ako'y bumuntong hininga saka humiga. "Imposible."

Tsk. Stop thinking about Blake, Kate! Para kang tanga, ha?!

Kaya lang... Inaatake na naman ako ng pagkaabnormal ko kaya nga kahit anong gawin ko, puro Blake lang laman ng utak ko. Hindi na naman ako makakatulog ng maayos nito.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Ice, bumalik ka na kasi dito! Baka sakaling ikaw, maintindihan mo ako.

Mas matindi pa yata magiging kabaliwan ko rito kaysa duon sa kabaliwan ko noon kay Ice. To think na hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil kay Blake, sobrang nababaliw na ako. Nasasaktan pa.

Nagtext rin sila na bukas, kapag uwian na, may practice raw ng lines sa bahay raw nina Calvin. Psh. Bakit kasi duon pa? Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Gusto ko. Gusto ko rin na makita iyong kakulitan niya. At saka... Nahihiya pa akong humarap duon dahil sa inasal ko sa kaniya kahapon. Parang ang kapal kasi ng mukha ko para sigawan siya. Kung tutuusin, wala naman siyang ginawa pero binastos ko siya kahapon.

Nakakahiya ka, Kate.

"Bakla, humihinga ka pa ba?" I snapped back to reality dahil sa pagssnap ni Mich sa harap ng mukha ko. Mukha rin siyang worried nang makita ko iyong itsura niya.

Worried ba siya kasi nababaliw na ako?

"Ano ba kasing iniisip mo riyan at parang ang deep deep?" Sabi ni Francine habang nainom ng Chuckie.

"Ewan. Naguguluhan lang ako."

"Saan naman?" They both said in chorus tapos nagscoot over pa sila palapit sa akin. Siguro nacurious kung saan ako naguguluhan.

"Sa trabaho ko." Napayuko ako't inubob ko ang mukha ko sa braso ko na nakapatong sa table. "Sa tingin ko dapat na akong magquit."

Iyon talaga ang initial plan pero hindi pa ako sure kung dapat na ba akong magquit or what. Kasi, ang naisip ko, una kong naisip actually, kung lalayo ako kay Blake, hindi na ako mapapraning. Pero, siyempre, duon lang iyon sa bahay nila. Kapag sa labas ng bahay, puwede na akong lumapit sa kaniya. Pero imposible naman na magawa ko iyon kasi trabaho ko na pagsilbihan siya, hindi ba?

"Ano?! Bakit?!" Okay. Sabay na naman nilang sinabi and this time pasigaw pa.

Iniangat ko ang ulo ko saka ko sila sinimangutan. "Basta. Kapag natapos ang araw na ito nang hindi pa ako nakakapag-isip ng rason para magstay sa trabaho ko, that's it, I'll quit."

"Sayang naman. Hindi mo na makikita ang oh~ so~ hot na sizzling abs ni baby Blake - aray naman!" Ayan. Ang halay kasi, nabatukan tuloy.

Abs...

Then again, napabuntong hininga ako.

Tinawag naya akong pandesal noon dahil sa nagniningning na abs niya. Err... Wala. Isa pa rin itong bulag si Francine, e. Hindi pa matatawag na abs iyong kay Blake kasi hindi pa iyon umuubok.

"Ang halay mo talagang bakla ka, ano? Namumroblema na iyong tao, abs pa rin nasa isip mo? Astig ka talaga!"

Napangiti na lang ako dahil bigla silang nagharutan. Buti na lang at nandito itong dalawang ito. Parehas kasi nilang kaya na pagaangin iyong loob ko, knowing and unknowingly, ng mabilisan. Minsan, wala silang kaalam alam, napapagaan na nila iyong loob ko through simple gestures; katulad ngayon. Medyo napagaan nila iyong loob. Ilang buwan ko pa lang silang nakakasama pero grabe na iyong attachment ko sa kanila dahil nararamdaman ko na mahalaga ako para sa kanila.

"Thank you, gays." Nakangising sinabi ko.

So, heto. Sabay kaming tatlo nina Mich at Francine papunta sa bahay ni Calvin. Nagtext na kasi iyong iba na naroon na raw sila. Mag sosorry na rin ako kay Calvin dahil sa inasal ko. Nabastos ko kasi siya, e. Hindi ko naman iyon ginusto. God knows na hindi ko gustong tratuhin ng ganuon si Calvin. Nadala lang talaga ako ng halo halong emosyon na bumalot sa akin.

Pagdating namin sa bahay, hindi na ako nagulat sa laki ng nadatnan ko. Alam ko naman na lahat ng estudyante ng Silhouette, malalaki ang bahay. Sanayan na lang iyan. Wala na iyong shock effect na mapapanganga ka dahil sa laki ng bahay.

Pinapasok kami ng maid at inilead sa malaking sala nila kung nasaan iyong iba. At ang rami nila. Puro mga nakasubsob iyong iba sa sahig dahil sa may isinusulat, idinodrawing at kung ano ano pa. Iyong iba nga hindi na yata magkandaugaga dahil sa rami ng ginagawa.

"Hi, guys." Nagwave ako at ngumiti nang napatingin sila sa akin. Pero lagot ako rito. Hindi ako nakaattend ng practice kahapon tapos hindi pa ako nakapagpaalam.

"Buti na lang at magpapractice ka na ngayon, Kate." Nilapitan ako ni president Ria, na director rin namin, saka binatukan.

Ang sakit, ha?

"Sorry." Sabi ko habang hinihimas iyong ulo ko. "So game? Nasaan na iyong mga script... wait. Nasaan si Calvin?"

Wala kasi iyong lalakeng iyon, hindi ko makita. Inilibot ko pa ulit ang paningin ko, hoping na nasa paligid lang si Calvin pero wala talaga.

"Nasa kitchen. Kumuha lang ng maiinom natin." Sabay talikod niya at pumamewang. Siguro naingayan na rin. "Hoy!" Napatingin naman iyong mga kaklase namin sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya. No wonder siya ang pinili para maging president. "Umayos kayo!"

"Teka," kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin. "Sundan ko na."

"Tawagin mo na rin sina Ren, Alex at saka si Lance."

"Teka... parang wala naman sila dito? Baka nasa mga bahay-" Wala kasi iyong mga iyon dito. Saan ko naman sila tatawagin?

"Iyong magkakabandang iyon, sa iisang bahay lang nakatira which is sa bahay na ito."

Okay, hindi nga?

"Talaga?" Ang astig naman. Teka, si Calvin pa pala. "Tutulungan ko pa pala si Calvin. Teka." So ayun. Pumunta ako ng kitchen at nakita ko nga si Calvin duon na inaayos iyong mga baso para mailagay sa isang tray. Bakit siya ang gumagawa niyan? Hindi ba't may maid sila? Oh well, baka gusto niya lang talaga tumulong by means of that. "Need help?"

Nagulat ko pa yata kasi nabitawan niya iyong baso kaya nabasag ang ilan sa mga iyon. Yikes!~ Hindi naman ganuon kalakas iyong pagkakasabi ko nuon para magulat siya, ha?

"K-Kate?" Nanlalaki iyong mga mata niya nang humarap siya sa akin. Ano ba ako? Multo? Bakit ganuon reaction niya?

"Parang kang nakakita ng multo." Sabay tawa ko. "Tulungan na nga kita." Lumapit ako sa kaniya tapos dinampot ko iyong mga bubog na nagkalat sa sahig. Yumuko naman rin siya tapos hinawakan iyong kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Huwag na. Ako na. Baka masugatan ka." Aww. Sweet. Inalis ko iyong pagkakahawak niya sa kamay ko at nagpulot ulit. Partly, kasalanan ko naman kung bakit niya nabitawan iyong baso kaya dapat lang na tumulong ako.

"Ano ka ba? Okay lang." Itinuloy ko iyong pagpulot sa mga bubog. "Kasalanan ko naman rin kasi nagulat kit – aw." Putchie! Nasugatan ako! Ang yabang mo kasi, Kate!

"Sabi ko kasi sa iyo ako na. Teka." Tumayo siya at kinuha iyong first aid kit na nakasabit sa counter. "Akin na kamay mo, lilinisan ko"

Naupo lang kaming dalawa sa sahig habang nililinis niya iyong sugat ko. Wala namang bubog sa part na ito kasi nilinis niya muna. Maliit lang naman rin iyong sugat ko. Para kaming baliw kasi may upuan naman dito pa kami naupo.

Oo nga pala magsosorry ako. Muntik ko na makalimutan.

"Uhh... Ano..." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Napatingin naman siya sa akin. Napansin ko ngang napatingin siya sa labi ko tapos lumunok siya. Weird. Ibinalik niya rin naman iyong tingin niya sa akin. "Calvin, sorry pala sa inasal ko kahapon. Masyadong lang occupied iyong utak ko ng kung ano ano. So-"

"Ano ka ba? Okay lang. I understand." Sabay pisil niya sa pisngi ko pagkalapag niya nuong mga hawak niya. "Nag-alala talaga ako sa iyo ng husto kahapon."

Sabi ko nga, ang swerte ng magiging girlfriend nitong lalakeng ito. Ang thoughtful, shet!

"Sorry."

"Iyan, okay na." Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Bigla niya kasing dinampian ng halik iyong daliri ko na nilagyan niya ng band aid. "Huwag mo na ulit pababayaan sarili mo. Ikaw talaga."

Ain't Calvin a sweetie? Grabe. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kaniya. Now I know.

Dinala na namin iyong mga baso at iyong I-don't-know-how-many-liter-of-juice sa mga kasama namin. Ang dami namin kaya alam kong mauubos kaagad iyong mga dinala namin. Pinagsama ba naman kasi iyong dalawang section, ewan ko na lang.

So far, ayos naman iyong practice. Magulo dahil sa ingay pero nakaya naman naming magmemorize ng maayos. Alas otso nang makauwi ako. Ang nadatnan ko lang sa salas, iyong mga maid na naglalakad papunta sa kung saan. Binati ko sila kaya ginantihan nila ako ng ngiti at nang mawala na sila sa paningin ko, umakyat na ako. Iniayos ko na iyong mga dapat ayusin. I kept on chanting it's for the best sa isip ko para pakalmahin ang nagwawala kong puso. Yeah... I think it's for the best.

Tutol man ang puso ko, magpapaalam muna ako kay Blake bago ako umalis. Ang rude naman kasi kung aalis na lang ako bigla bigla. May pinagsamahan naman kami kahit papaano at saka, kaibigan ko kaya iyon.

"Blake?" Kinakatok ko nang kinaatok iyong pintuan niya habang tinatawag siya pero hindi pa rin nabukas. After who-knows-how-many-knocks-I-did, bumukas na rin iyong pinto. Bagong gising lang yata siya. Iyong itsura niya kasi, ang gulo, gulo ng buhok niya tapos nakataas pa iyong damit niya.

"Why?" Humikab siya saka nagkusot ng mata. Ilang beses ko hiniling sa isip ko na sana, hindi dumilat si Blake dahil alam kong raratratin niya ako ng tanong kapag nakita niya iyong mga dala kong gamit. At laking pasasalamat ko naman dahil hanggang ngayon, nakapikit pa rin siya.

"Blake, I just wanted to say I..." Say the word, Kate. Kaya mo iyan. Mabigat man loob ko, pero kailangan kong sabihin ito. "I... I quit." Napatigil siya sa pagkusot ng mata tapos nanlaki mata niya sa sinabi ko.

"Ba-bakit ka magkuquit?"

"I... I think it's for the best."

"Kate..." Buong araw ko siyang hindi nakausap kaya ang sarap lang sa pakiramdam na marinig iyong pagbanggit niya sa pangalan ko. Ang sarap pakinggan. Ang lakas tuloy ng kabog ng puso ko.

"I don't want to take this job for granted, Blake. Ayoko maging unfair sa iyo." Tumawa ako ng mahina saka ko hinigpitan iyong pagkakahawak ko sa duffle bag na bitbit ko. "Para akong binabayaran para lang tumira dito at ayoko nuon."

Iyong trabaho kasi na mayroon ako, iyong tipo ng trabaho na hindi ka mapapagod. Ang swerte ko na nga kung tutuusin dahil sa trabaho ko pero kailangan ko itong bitawan dahil wala na rin naman akong rason para magstay pa sa trabaho kong ito. Ayos na iyong kotse ni kuya, na rason kung bakit pumasok sa tabahong ito. At saka, isa pa, may ibang tao na mas nangangailangan ng trabahong ito. Kaya kung aalis ako, may ibang makikinabang sa trabahong iiwanan ko.

"Kate..." Mahinang pagtawag niya sa akin. Ano ba ito si Blake? Bakit parang napipi? Nasaan na iyong tapang niya noong huli kaming nagkausap?

"Sige na." Nginitian ko siya't tinapik sa balikat pagkabitaw ko ng isa kong kamay sa duffle bag. "Kita kits na lang bukas sa school. Umattend ka pala ng practice bukas, ha? Baka mawalan ka ng grade, sige ka. Bye, Blake. Good Night."

Naglakad na ako pababa. Bawat hakbang, parang sobrang bigat. Parang ayoko kasi umalis sa bahay na ito.

Sa tabi niya.

"Kate, bakit?!" Napatigil ako nang bila siyang sumigaw. Dumagundong tuloy dahil sa lakas ng boses niya. Hindi na ako magtataka kung narinig siya ng ibang tao sa bahay.

"Ha?" Nilingon ko siya. Malalaking hakbang ang ginawa niya hanggang sa napatigil na siya sa harap ko.

"Ba-Bakit ka aalis? Ayaw mo na ba rito? Ayaw mo na ba akong pagsilbihan?"

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo-"

"Dahil ba sa sinabi ko? I'm sorry."

"N-No." Inilapag ko iyong bag ko tapos iwinave ko ang dalawang kamay ko para sabihin na hindi naman iyon iyong dahilan. "It's not your fault. T-Totoo naman iyong sinabi mo. Ang babaw naman ng rason na iyon para umalis ako rito, ano. At saka, hindi iyon iyong rason kung bakit ako aalis. Wala na rin kasi akong rason para magstay pa dito. Nasabi ko naman na sa iyo, hindi ba? Ayokong itake for granted itong trabaho na ito."

"Kate, I didn't mean to say that. Hindi ko sinasadya. Sorry. I was a bad friend to you from the start. Sorry. At saka, hindi pa ba rason iyong kailangan kita para magstay ka?"

Bakit ganito iyong mga sinasabi niya? Hindi naman sweet o ano pero grabe iyong pakiramdam na nararamdaman ko. Naiiyak ako sa tuwa dahil sa pagkakaalam na kailangan niya ako at nalulungkot rin dahil aalis na ako.

Mamimiss ko itong bahay na ito.

Mamimiss ko si Blake.

"Y-You were not! Huwag kang magsalita ng ganiyan."

"Huwag ka nang umalis. W-Wala na akong utusan dito."

Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay dahil sa narinig kong sinabi niya. Nakukuha ko pa talagang pag-taasan siya ng kilay samantalang nasasaktan ako. Ang weird ko na talaga.

"Ang rami, rami mo kayang maid. May mga MIB ka pa." Umiling ako saka ko dinampot iyong bag ko. "Sige na, uuwi na ako."

"S-Sigurado ka ba?" Hinawakan niya ang magkabilang pulso ko saka ako tinitigan sa mata. "A-Ayaw mo n-na magtrabaho rito?"

"I've made up my mind. Ayoko talagang maging unfair sa iyo. Ang laki rin ng sinasahod ko kung tutuusin, ano tapos wala naman akong ginagawa masyado. Feeling ko, hindi ko deserve makatanggap ng ganuon buwan buwan." Ikinalas ko na ang pagkakahawak niya sa pulso ko dahil sobra na iyong kabog ng dibdib ko. Bago niya nga binitawan, pinisil niya pa. "Uuwi na ako. Naitext ko na rin kasi si kuya na sunduin ako. Baka papunta na iyon. Bye."

Bumaba na ako at iniwan siya sa hagdan. Ang bigat ang ng pakiramdam ko. Bakit parang ayaw ko pang umalis sa bahay na ito? Bakit parang ayokong umalis sa tabi niya? Aish. Mamimiss ang ko lahat sa bahay na iyon.

Si Charm.

Iyong mga ex co-maids ko.

Iyong sobrang bilis na Wi-Fi.

Iyong mga pagkain.

Siyempre pati yung ex-master ko, si Blake. Mamimiss ko kasama iyon. Iyong kulitan, asaran, bonding, basta, lahat lahat.

Niyakap ko na lang si Ruu sa pag-aasam na antukin. Si Ruu iyong stuffed toy na panda na ibinigay sa akin ni Calvin. Yeah, I named it. Bumuntong hininga ako. "Ang gulo ng life, ano, Ruu? Buti pa ikaw, walang pinoproblema." Pinisil ko iyong ilong nito saka ko hinigpitan iyong pagkakayakap ko. "Makatulog na nga. Nababaliw na ako."

Продовжити читання

Вам також сподобається

Chasing Hell (PUBLISHED) Від KIB

Детективи / Трилер

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
560K 28.6K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
Project: Yngrid Від Alesana Marie

Наукова фантастика

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...