She's an Exception [Revising]...

Por DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... Más

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 4 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 5 (BOOM!)

2.1K 31 5
Por DONTREADINACTIVE

Kate's POV

It's Monday! May pasok na naman!

Alam niyo, grabe iyong pasalubong ni Ice! I so love him na talaga! Pinuno ba naman ng cakes and snacks iyong ref namin, paanong hindi ko pa siya mamahalin lalo? Hahaha.

Binantaan ko nga na papatayin ko si Luke, e. Na kapag kumuha siya, maghahalo ang dugo sa tubig labahan ni mama. Pati si mama nga gusto kong pagbataan pero huwag, nakakatakot si mama kalaban. At saka, boto siya kay Ice para sa akin kaya prengster kami.

Syempre joke lang iyon.

Anyhoo.

Nandito ako ngayon sa salas, sitting pretty lang. Sabi ni kasi Ice sabay na kami pumasok. E, may kotse naman sila at driver kaya okay lang.

Sayang pamasahe pa! Haha. Kuripot ba? Sensya naman.

Ayan, may bumusina na sa labas. Siya na yata iyon.

"Ate, boyfriend mo nasa labas!" Sabi ni Luke na tutok na tutok sa pinanunuod niya. Boyfriend daw. Kinotongan ko nga kaya sinamaan niya ako ng tingin pagkahawak niya sa ulo niya.

Hindi 'pa', ano! Atat masyado!

Lumabas na ako tapos we greeted each other good morning. Pumasok saya sa bahay at bumati kay mama then umalis na rin kaagad kami. Nang makarating kami sa school, lahat ng estudyante nakatingin lang sa sinasakyan naming kotse.

Bakit kaya?

Paglabas namin ni Ice, ayun nagtilian bigla iyong mga babae pati na rin iyong mga aryana.

Sabagay, gwapo talaga kasi si Ice.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Prince Ice!” Huh? Prince Ice? Pati ba naman siya?!

"Akala ko hindi na siya dito kasi wala siya these past school days!"

"Waaa!~ I love you, Prince Ice!"

"Papa Ice! Ang gwapo mo! Pakasal na tayo!~" Natawa naman ako duon sa narinig ko pagkalapit ko kay Ice. Aryana kasi iyong narinig kong sumigaw.

Puro ganiyan lang ang naririnig ko. Hanggang sa makaakyat nga kami ang daming bumabati at kinikilig na babae at aryana, e.

Matanong nga mamaya ito si Ice kung bakit ganito siya ka sikat dito.

Pumasok na kami ni Ice sa classroom tapos naupo na. As expected, puro girls na naman ang bumungad na parang na exorcist kung kiligin. Hindi na lang sila naggimme gimme, e! Nahiya pa sila! Wala namang ipinagkaiba iyon ginagawa nilang kilos sa gimme gimme kung kiligin sila.

May mga nagtataka rin kung bakit kami magkasama, pero dedma lang ako. Mawawalan ba naman ng mga magtataka kung kasama ng kinaiinisan nilang babae iyong gusto nilang lalake? Sus, naisip ko na ito kanina nuong naghihintay ako sa kaniya sa bahay. Eto namang Ice na ito nagha-'Hi' pa sa mga girls na tinitilian siya.

Psh. Talandi ka, Ice!

Mamayang lunch ko na lang itatanong kung bakit Prince Ice tawag sa kaniya dito. For sure naman alam niya kung bakit, hindi ba? Sa tagal ba naman niya dito sa eskwelahang ito, e. Hindi naman siguro ngayon lang siya tinawag na 'Prince Ice'.

Nang pumasok iyong teacher, which is si Ms. Rizza, nagulat nang makita si Ice. Tapos nag-usap sila. I think close sila kasi nagtatawanan sila, e. May pakotong kotong pa nga si Ms. Rizza kay Ice.

Second subject na naman pumasok iyong bakulaw. And guess what?

Close rin siya kay Ice. Kahit sabihin pa na tipid sumagot si Blake kay Ice, halata iyong closeness nila kasi iyong pag-uusap nila, parang naggagaguhan. Oops, bad word pala. Sorry.

Mr. Friendly ang trip ni Ice. Hahaha. Mabait kasi talaga iyan.

--

Eto na, oras na para lumamon. Tatanungin ko na si Ice tungkol sa Prince thingy na iyan. Malay niyo naman, magkaroon ng milagro at ako ang maging princess. hahaha.

Princess lang ng Ice ko, hindi nuong hayup na Blake na iyon! No way!

Hindi ko nga alam kung ilan ang tinatawag nilang Prince dito, e. Iyon bang prince na halos sambahin na iyong nilalakaran katulad ni Ice at Blake.

Sa kasamaang palad, kasabay namin si Blake sa lunch.

Bulungan. Bulungan nang bulungan ang mga madlang people. May mga naririnig nga rin ako na kesyo bakit daw kasama ako ng dalawang prince nila dito and everything.

Aba, mga ineng, malay ko! Si Ice lang ang dapat kong kasabay, e! Sumabit lang itong bakulaw na ito sa amin!

Sayang nga kasi dapat solo ko ngayon si Ice, umepal pa itong bakulaw na ito! Crush niya rin yata si Ice kaya sumabit pa. Ayaw pa yata niya na magkaroon kami ng alone time ni Ice. Barney!

At saka ano ba ang masama? Tao sila, tao ako. Psh. Magtaka sila kung bakit alien kasama ng dalawang gwapong nilalang nato sa isang table.

Maitanong na nga iyong Prince chuchu thingy na iyan.

"Uhh… Yelo," Tawag ko kay Ice habang nilalaro iyong tubig sa baso ko.

"Anong yelo?" Umepal naman ito si Blake!

Tinignan ko siya. "Huwag kang epal, baks, hindi ikaw."

"Psh." Itinuloy na lang niya iyong pagkain niya habang nakasimangot.

Ayan, tama iyan! Be a good dog and eat! Hmp! Epal kasi!

"Baks? Anong baks?" Sagot ng asawa ko. Huwag nang kumontra, buset!

"Baks. Short for bakulaw."

"Hahahah! Bakulaw ka pala, pre, e!" Sabi ni Ice habang tumatawang tinuturo si Blake.

"Tigilan mo nga ako!" Sabi niya kay Ice tapos tumingin sa akin nang masama. "Lakas ng loob mong sabihan akong bakulaw, ha?! Mukha ka ngang white lady sa puti mo, e! White lady. Ang sama pa ng ugali mo."

Kung masama ugali ko, ano pa siya? Tss.

"Healthy kasi ako. Paki mo?" Dinilaan ko siya sabay irap.

"Whatever."

"Anyways, Yelo,” Tumingin na lang ako kay Ice dahil naiinis ako kay Blake dahil umepal pa siya sa lunch date namin. “Bakit Prince tawag sa iniyong dalawa? Ikaw, maniniwala pa akong pwede ka maging prince, pero iyong ‘iba’ diyan, nako, ekis na." Pagtingin ko naman kay Blake, ang sama ng tingin sa akin. Pero iyong sama ng tingin niya, napalitan ng ngisi.

“Ikaw siguro crush mo ako kaya lagi mo akong inaasar, ano? Para-paraan ka rin sa pagkuha ng atensyon ko, e.”

Napanganga ako ng bahagya sa sinabi niya. Ang assuming! Ang kapal pa ng mukha!

“Spell assuming?” Magsasalita pa lang sana si Blake pero inunahan ko na siya. “B. L. A. K. E.”

“Ewan ko sa iyo.” Sabay kain niya ulit. Kita mo iyon, siya rin naman iyong talunan. Tss. “Ano na, Yelo?” Tanong ko pagkatingin ko kay Ice.

"Uhmm. Iyon ba?" Tumango ako. "Kasi gwapo kami." Nabatukan ko nga. Mayabang kasi.

Sabagay… Totoo naman kasi. Huwag na lang banggitin na sumasangayon ako, baka lumaki ulo nila, e.

"Bakit nga?" I rolled my eyes heavenwards.

"Uhm... kasi, itong si Blake," Itinuro si Blake na ang sama pa rin ng tingin sa akin habang nakain. "Matunaw naman, pre." Sabay tulak ni Ice ng pabiro kay Blake pero hindi siya natinag at hindi pa rin inaalis iyong pagtitig at pagtingin ng masama sa akin. Ang sarap lang dukutin ng mata niya. Tumingin ulit sa akin si Ice. "As I was saying, family niya may ari ng school. Technically, parang kaniya din ito." Naibuga ko tuloy iniinom ko. Buti hindi malakas. Pinunasan ni Ice iyong gilid ng labi ko. Uyy!~ Kilig ako! Haha. Pero... Ano daw!? Family ni Blake may ari ng school na ito?

"Seriously?!"

"Yeah." Sinabi ni Ice na may kasama pang pagtango habang nakatingin sa akin na parang nawiwirdohan. “Hindi mo alam?” Umiling ako dahil hindi ko talaga alam.

Pagtingin ko naman ng dahan dahan kay Blake, ayun nakasmug face. Err... Kaya pala.

Tumingin ulit ako kay Ice. "E, ikaw? Paano ka naging prince?" Kailangan kong idivert ang usapan! Baka kung ano pa ang sabihin ni Blake!

"Business partner kasi ni dad iyong mama niya tapos kasali din parents ko sa nagtayo nitong Silhouette. Uhmm, ano pa ba? Iyon lang siguro pero malamang kaya binansagan kaming prince dito kasi gwapo kami.”

Nang matapos na kaming kumain, napagdesisyunan na naming bumalik ng classroom. Ayoko na rin kaharap si Blake, hindi bale nang katabi kasi hindi ko nakikita mukha niyang nakatingin nang masama sa akin. Kapag kaharap kasi, nakakatakot lang dahil baka patalsikin niya ako sa school na ito kapag inaway ko pa siya.

Sikat pala talaga itong dalawa dito. Kasi naman bawat madadaanan naming babae halos mangisay na kapag nginingitian nitong si Ice. Tapos eto namang abno sa kabila kong side, dedma ang girls pero tilian pa rin nang tilian. Mga baliw yata, e

--

Nandito ako ngayon sa corridor ng Silhouette kasama ang aryana kong classmate na si Francine. Si Mich naman, hindi nakasama kasi inutusan siya ng teacher namin sa Fil.

Boring nga, e. Gusto ko talagang sumali sa mga extra curricular activities para may magawa. Ayaw ko naman ngumanga dito hanggang sa mag-uwian na, ano.

Kung merong archery, duon na ako!

Matanong nga.

"Hoy, Francine!"

Truth be told, gwapo si Fracine. Balita ko kay Mich, madaming may gusto dito sa nilalang na ito. Isa pa nga siya duon. Pero dati daw iyon. Kaso... iyon nga... Isa siyang aryana, na papable rin ang hanap. Pero huwag ka! May kakaibang skill kasi itong si Francine. Ang gawing babaeng babae ang boses niya! Hindi ba? Astig!

"Makahoy! Wagas?"

"Eehh... May archery ba dito sa Silhouette?"

"Oo naman yes. Why? Sali ka?" Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako.

"Oo. Gusto ko kasi talaga archery. Samahan mo naman ako, o." I pouted tapos ipinagdaop ko mga palad ko.

"Yuck! Kadiri!" Sabay supalpal niya sa mukha ko kaya tinanggal ko iyon. "Huwag mo nga kong pakitaan ng ganiyan. Para kang napossess!"

"Sige na, please! Please!" Still pouting tapos hinihila ko na pababa iyong polo niya.

"Ayoko! Kadiri ka! Bibili pa ako sa canteen."

"Eh!~ Sige na kasi please."

"Bahala ka. Kaimbyerna ka! Nasisira ang beauty ko sa iyo!" Naglakad na siya papalayo. Hala paano ito?!

Isip… isip... Paano maibabalik ang isang aryana dito?!

Napasnap ako’t napangiti nang makakuha ako ng sagot.

Lalake!

Parang ang bad ko kung gagawin ko ito, e. Pero what the heck. Boredom is killing the frizz out of me.

"Francine!" Hindi pa rin siya nalingon. "Ganda!" Pagkasigaw ko nuon, may ibang babae na naglingunan tapos iyong iba naman, napatigil sa paglalakad. Wow ang kapal ng iba. 'Ganda' daw. Sus! "Francine! One of thsee days, ipapadate kita kay Ice!" Nagslow motion siya with sway-of-invisible-hair-effect pa siya nang humarap siya sa akin. Iyong mga mata niya parang nakinang na sa narinig.

Haha. Gomen pero kailangan lang talaga kitang gamitin para mawala iyong boredom ko, Ice!~

"Ang bagal mo naman kasi, e! Bilisan mo!" Nakangiting sinabi niya. Napa-‘Yes’ pose naman ako saka ako tumakbo palapit sa kaniya.

Yeah! Effective!

Pero lagot ako nito kay Ice.

Nang makapunta na kami ni Francine sa training ground ng archers, nagsign-up ako tapos, I shot some arrows at sabi naman ng trainer impressive daw.

Hello? Archer kaya ako sa dati kong school.

Iniwan na ako ni Francine dahil sinabi ko na magsstay lang ako sa ground. Buong magdamag ako pumana kasi na miss ko talaga humawak ng bow. At saka free day naman ngayon kasi may ginagawa iyong mga teacher.

Parang nakakatakot naman hawakan iyong mga bow nila dito. Paano ba naman kasi, mga mukha mamahalin! Tapos halata pang alagang alaga. Mas mamahalin ang bows nila dito kesa sa bows namin duon sa dati kong school. E, kasi naman, hindi ba, prestigious itong school na ito. So malamang sa malamang mamahalin mga gamit dito.

May napansin akong papalapit sa akin. Napansin ko lang sa peripheral vision ko. May dalang bow; archer din siguro. Hindi ko na lang pinansin. Mauna siyang mamansin.

Tumingala ako habang nakapikit kasi mataas sikat ng araw, tapos nagpunas ako ng pawis gamit iyong kamay ko.

"Here." Napatingin ako sa nagsalita. Si Blake pala. May inooffer siyang panyo.

"No thanks. It's okay. I'm good." Nagfocus na lang ulit ako sa paglalaro pero bago ko pa man bitawan iyong string para maitira na iyong arrow, napatigil ako at napaatras dahil sa gulat kasi pinunasan niya iyong pawis ko.

Oh-kay?! Ano ang ginagawa niya?

"What are you doing?" Kunot noo kong tanong. Bigla naman siyang lumapit ulit sa akin tapos pinunasan niya ulit iyong pawis ko.

"Can't you state the obvious?" Sabi niya habang patuloy pa rin sa pagpunas ng pawis ko. Napaiwas lang ako ng tingin nang bigla siyang tumitig sa akin.

"I can. Pero, bakit mo pinupunasan pawis ko? E, hindi ba’t sabi ko okay lang?"

"I'm trying to be nice here, okay? So stop blabbering and just be thankful." Be Thankful…

Nakatingin lang ko sa kaniya habang napupunta na sa pisngi ko iyong kamay niyang may hawak na panyo.

"Th-thanks." Mabait naman din pala siya kahit papano… I think? “Sige na,” Umatras ako saka tumingin sa mga target. “Salamat.”

Habang napana kami, may isang bagay akong naisipan na itanong sa kaniya.

"Hey," Binitawan ko iyong string kaya lumipad na iyong arrow.

"Hmm?"

"Archer ka din?"

"Nah. I just do this ‘cause I like this sport. And you? " English naman nang english ito. Buti marami akong baon na english words kaya naiintindihan ko siya.

"Ah. Archer na ako. I love archery kasi.  And besides, I just got in the team. Pero… allowed ka ba gumamit ng bow? Kasi hindi ba’t archer lang dapat gumamit nito? "

"I'm the school owner's son so it's okay."

"Ah... Okay."

Ilang saglit lang rin nang dumating si Ice. Ang seryoso ng mukha niya na nakatingin kay Blake.

Problema nito?

"O, Yelo, ano ang ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Hindi kasi kita makita, e. Free day natin ngayon tapos hindi man lang tayo maggala." Nakasimangot na sinabi niya. Aww. Cute.

"Ashoo... Miss mo lang ako, e." Tinusok tusok ko iyong tagiliran niya kaya napapa-iktad siya.

"Yabang mo!" Hinawakan niya iyong mga kamay kong kumikiliti sa kaniya tapos tinitigan niya ako habang nakangiti. "Pero pwede na din." Sabi niya habang nakangiting nakatitig sa mga mata ko.

Bwisit ito! Kinilig ako sa pwede na din niya! Hahah.

"Che!" Umiwas ako ng tingin para itago iyong pamumula ng ngiti ko. "Sumali ka na lang sa amin. Pwede ka rin naman, hindi ba? "

"Oo, pwede iyan. Kuha lang ako ng para sa akin." Nginitian niya muna ako bago siya tumalikod at naglakad paalis.

Pagbalik ni Ice, may dala na siyang bow tapos nagpadamihan kaming shot sa target.

Si Blake, marunong. Close fight kami, pero I won. Si Ice naman… Hahaha! Hindi marunong. Ayun tinuruan ko pa. Napakatrying hard niya kanina.

We shot arrows for an hour or two? I dunno either, basta I enjoyed their company. Nagtatawanan kasi kami habang napana.

--

Blake's POV

Boring.

Walang makulit. Wala kasi si Ice, absent siya. Ewan ko kung saan na naman pupunta iyon. Ibinilin pa niya kanina sa text itong si Kate. Ang laki, laki na ni Kate, pababantayan pa sa akin. At saka, hindi ko na problema kung lapitan siya ng lalake. Sabi kasi ni Ice, huwag daw akong magpapalapit ng lalake kay Kate, bukod sa akin. Tss.

Kung hindi lang sila magbestfriend, iisipin ko na magsyota sila, e.

Kanina pa ako inaantok. Naghehead bang na nga yata ako, e. Wala na akong pake! Matutulog na ako! As if naman na pagagalitan nila ako. Ha! Bahala sila. Antok na antok na talaga ako.

Iniubob ko iyong ulo ko sa armchair ko tapos pumikit. Hindi pa man rin ako nakakatagal ng tulog, may pangahas na daliri na kumalabit sa akin.

Kapipikit ko pa lang yata! Langya!

Marahas kong idinilat iyong mga mata ko tapos iniangat ko iyong ulo ko mula sa pagkakaubob.

Humanda kang pangahas ka.

Tinignan ko iyong pangahas na kumalabit sa akin mula sa kaliwa ko. Wala na kasing nakaupo sa kanan ko dahil ako na ang nakaupo sa pinakagilid sa tabi ng bintana.

Si Kate pala iyong pangahas na gumising sa akin. Si Kate na akala mo foundation day araw araw dahil sa puti.

May lahi ba na Korean itong babaeng ito?

"What?" Inis na sabi ko sa kaniya. E, sino ba naman kasing hindi maiinis kung binulabog ka kapag patulog ka na, hindi ba?

"Pahingi ng one whole-" Shet! Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita kaagad ako.

"Wala." Saka ko inubob ulit iyong ulo ko sa armchair.

Tae, manggigising lang dahil sa papel?!

"Isa kang baklang nagdadalaga." Narinig kong bulong sa tenga ko.

Aba't!

Wala na! Nawala na iyong antok ko! Bwisit ka, Kate!

"Anong sabi mo?" Tanong ko na may halong galit sa boses pagkaharap ko sa kaniya. Nakita ko siyang nakatutok at taimtim na nakikinig ‘kunwari’ sa teacher namin sa harap. Humarap naman siya sa akin habang kagat iyong ballpen niya.

"Ano'ng ano'ng sabi ko?" Pagmamaang maangan niya. Ha! Kilala ko boses mo, ugok!

Inapakan ko nga iyong paa niya. Malakas iyong ginawa kong pag-apak. Isa kasing pagkakamali na bulabugin ako sa tulog tapos sinabihan pa niya ako ng ganuon? Ha!

"Aray..." Halatang hindi siya makasigaw, e. Alam niya sigurong kasalanan niya rin kaya hindi siya sumigaw. Aba, dapat lang! "Mukha kang bakla!" Pasigaw na bulong sa akin. Aba talagang!

"Mukha kang white lady. Tapos ang usapan." Sabi ko tapos isinuot ko iyong headset ko saka kunwaring nakikinig at hindi siya pinapansin pero hindi naman talaga ako nakikinig sa headset dahil naka-off iyong cellphone ko. Paano ako makikinig kung wala naman akong mapakikinggan? Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto ko siyang asarin o badtripin, e.

E, binadtrip niya rin ako, e. Gantihan lang.

"Nako... Patawarin ako ni God baka mapatay kitang bakulaw ka..." Narinig kong sinabi niya na halatang nanggigigil.

The sound of her irritation is music to my ears.

Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang dismissal.

Sa wakas.

Inubob ko muna iyong ulo ko sa desk. Oo na, palagi na akong nakaubob. E, ano naman? Tinatamad ako, e. Hihintayin ko muna sila maglabasan bago ako lumabas. Ayoko kasi makipagsiksikan. May mga naririnig akong nagpapaalam sa akin pero dinededma ko na lang. Paki ko sa kanila? Hindi ko ikasasaya iyang mga pamamaalam nila.

"Hala."

Inangat ulo ko kasi narinig ko si Kate na nagsabi ng 'Hala' after ng tunog ng gamit na nalaglag. Tinulugan ko na lang rin kasi tatanga tanga. Siyempre, kahit pa masama ako sa kaniya, dapat ko pa rin siyang tulungan dahil I'm still a concerned ciziten… Err... Citizen na lang. Hindi ako concerned.

Habang dinadampot namin iyong mga notebook, may pumasok na kalokohan sa isip ko. Heto na naman, dinedemonyo na naman ang utak ko.

Si Kate talaga ang nagsisindi ng kalokohan sa katawan ko.

Hindi ko pinahalata na nagtago ako ng isang notebook niya para mamroblema siya. Sarap kasi niya asarin. Pikon kase.

Nag-'Thank you' naman siya sabay alis. May pahabol pa ngang 'bakulaw', e. Nako, kung hindi ka lang talaga babae. Pero... Nice! Hindi niya nahalata. Mwahahaha.

Inilabas ko naman sa likod ko iyong notebook. Ipinasok ko kasi sa polo ko sa likod. Nang tignan ko iyon, napangiwi ako.

Psh. Pink iyong notebook, puro hearts pa. Girls will always be girls.

Kadiri.

Biruin niyong girly rin pala iyong babaeng iyon, hindi lang halata?

Binuksan ko iyong notebook para tignan kung anong subject iyon.

Diary niya pala itong hawak ko?

Nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko ba o hindi, pero nanalo ang curiosity . So binasa ko iyong una, pangalawa, pangatlo, hanggang sa magtuloy tuloy na.

Pfffftt~

Damn, lagi na lang niya akong pinatatawa!

--

Kate's POV

Nang nasa gate na ako, dinouble check ko gamit ko kung kumpleto. Habit na kasi, e.

Kumpleto naman, except sa... diary ko.

Bumalik ulit ako kung saan ako nanggaling kanina at kung saan ako nagsulat sa diary. "Sorry." May nabunggo kasi akong lalake. Dinampot ko iyong nalaglag niyang dalawang libro tapos iniabot sa kaniya iyon. Ang bango niya. Amoy baby. Hindi ko namukhaan iyong lalake kasi, pagkaabot ko sa kaniya nuong libro, habang nakatungo, nagsorry ako tapos kumaripas ulit ng takbo.

“Miss!” Narinig kong sigaw niya. Alam ko na ako iyong tinawag niya kasi kami na lang iyong nasa corridor pero hindi ko na lang pinansin kasi mas mahalaga na makuha ko iyong diary ko nang maisalba ko iyong kahihiyan ko.

Nang maisip ko ang isang lugar kung saan ko nailabas iyong diary, tumakbo kaagad ako papunta duon.

Sa classroom namin.

Sana wala nang tao duon. Pero… Kung sakaling wala nang tao dun, baka nalock na iyong pinto!

Naman, e!

So ayun, run like the wind and drama ko. Pawisan iyong mukha ko. Para na nga akong naligo, e. Habang papalapit ako nang papalapit sa room, may naririnig akong tumatawang lalake sa loob ng classroom.

Ghad! Bigla akong kinabahan. Baka kasi binabasa na niya iyong diary ko. Nanduon iyong deepest, darkest secrets ko... including iyong entry na may crush ako kay Ice! Ilang pages iyon! Nako naman!

Pagpasok ko, napatingin sa akin iyong lalake na kung humalakhak, e, akala mo wala nang bukas.

Si Blake pala iyon.

Hawak niya iyong diary ko!

"O? Bumalik ka." Ngumiti siya. Hindi ngiting tao kung hindi ngiting aso. Ibinaba niya iyong diary ko sa armchair niya tapos ibinaba niya rin iyong mga paa niyang nakataas mula sa isa pang upuan.

"N-nabasa mo?"

"Alin?" Still wearing his smirk, sinabi niya iyon.

Ghad! Nabasa niya yata iyong tungkol kay Ice!

Tumakbo ako papalapit sa kaniya para kuhanin iyong diary ko kaso tumayo siya at itinaas iyong diary tapos sinimulan na naman niyang basahin.

"Dear Diary…"

"A-akin na kasi, Blake, e." Tumalon talon ako pero hindi ko talaga maabot!

Talon lang ako nang talon habang inaabot iyong diary ko na itinaas niya. Matangkad kasi, e! Kainis!

"Today, may nadaanan akong aso. Sabi ko pa sa aso. 'Ay, ang cute! Ang fluffy!'"

"B-Blake, please naman, oh?!" Habang natalon ako para abutin iyong diary ko, natulo luha ko. Ayan naiyak na ako sa kahihiyan. Sino ba ang hindi? Siyempre, may chance na ibunyag niya iyong nararamdaman ko para Ice. Edi kapag ginawa niya iyon, tapos hindi niya naman ako gusto – which is halata naman – masisira iyong pagkakaibigan namin. Medyo kontento na nga ako sa estado namin ni Ice, e. Kahit wala nang relasyon relasyon, basta hindi niya ako nilalayuan, okay lang.

"Kaso bigla akong tinahulan. Kaya nasabi ko talaga duon sa aso, 'Hala! Inaano kita?'" Tumingin siya sa akin habang natawa. Nag-isang line na nga iyong mga mata niya, e. Naging guhit na lang. Chinito kasi. "Hahaha. At talagang kinausap mo iyong aso, ha?"

Ililipat pa sana niya sa next page kaso nagdilim na talaga paningin ko sa galit, sa sama ng loob, sa kahihiyan, at sa kung ano ano pa.

Itinulak ko siya kaya napabagsak siya. Tumama rin iyong likod niya sa isang upuan kaya napangiwi siya pagbagsak niya. Umibabaw ako sa kaniya tapos inupuan ko siya sa tiyan. Nakashort naman ako kaya okay lang.

"Ano ba ang problema mo?!" Marahas kong pinunasan iyong mga luhang natulo. Ayokong ipakita sa kaniya na umiiyak ako, kahit na alam niyang umiiyak na ako. "Bakit mo binasa?! Hindi mo ba alam yung salitang ‘privacy’?!" Sinampal ko siya kaya binitawan niya iyong diary ko tapos humawak siya sa pisngi niya na sinampal ko.

"Kate, get off me!" Sabi niya habang sinusubukan ako ialis sa pagkakaupo sa kaniya. Hawak niya iyong magkabilang bewang ko pero hindi talaga ako umaalis.

"Ngayong nabasa mo na iyong mga tinatago kong sikreto, masaya ka na ba, ha?! Masaya ka na?!"

"Ano ba, Kate?! I was just joking-" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Kahit malabo, napansin kong nababasa na ng mga luha ko iyong mukha niya.

"Joking?! Ha?! Joking?! Ayos ka rin naman pala magjoke, e! Nakakainis ka!" Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa akin tapos pinaghahampas ko lang siya sa dibdib habang iyak ako nang iyak.

Grabeng kahihiyan ito. Ano pa ang ihaharap ko sa kaniyang mukha ngayon?

Nang mapagod na ako, tatayo pa lang sana ako pero bago iyon, may gagawin muna ako.

"Huwag na huwag mo akong kakausapin kahit kalian!" Isang malakas na sampal muna ang ibinigay ko.

Kitang kita ko na iyong pamumula ng pisngi niya na nilikha ng sampal ko. I don't care! Serves him right! Bago ako makalabas ng tuluyan sa room, kinuha ko muna iyong diary ko tapos bigla siyang sumigaw.

"Damn! You're gonna pay for doing this to me!" Wow. Lakas ng loob niyang maningil. Parang lumalabas na ako pa may kasalanan, ha?! E, siya kaya itong nagi-invade ng privacy!

Tumakbo na ako pababa ng hagdan. Nang nasa second floor na ako, nakita ko iyong isa kong kaklase. Nakita niya yata akong naiyak kaya tinawag niya ako. Nginitian ko lang siya kahit na patuloy lang sa pagtulo iyong mga luha ko tapos nilagpasan siya.

Ang sama, sama ng ugali ng barneyng bakulaw na iyon! Bagay lang talaga sa kaniya ang tawaging bakulaw… No! Barneyng bakulaw pala dahil ugali at utak bakulaw siya!

Seguir leyendo

También te gustarán

3.3M 90.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
979K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."