She's an Exception [Revising]...

By DONTREADINACTIVE

121K 1.6K 484

PAKIUSAP, HUWAG NIYO MUNANG BASAHIN DAHIL MASISIRA LANG ANG ULO NIYO DAHIL SOBRANG GULO PA NITO! TINATANGGAL... More

She's an Exception
Chapter 1 (BOOM!)
Chapter 2 (BOOM!)
Chapter 3 (BOOM!)
Chapter 5 (BOOM!)
Chapter 6 (BOOM!)
Chapter 7 (BOOM)
Chapter 8 (BOOM!)
Chapter 9 (BOOM!)
Chapter 10 (BOOM!)
Chapter 11 (Boom!)
Chapter 12 (BOOM!)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Can I court you?
Chapter 40: Disappearance?!
Chapter 41: Condition
Chapter 42: Bad and Good News
Chapter 43: Boo
Chapter 44: Principals Office
Chapter 45: WATDAPAKINGDREAM?!
Chapter 46
Chapter 47: Problem Solved
Chapter 48: Broken to Pieces
Chapter 49: Ng dahil sa Stuff toy
Chapter 50: Reunited
Chapter 51: The Art of Gayduction
Chapter 52: Forgiven
Chapter 53: Kisspirin
Chapter 54: Tatlong piso!
Chapter 55: Parents for today
Chapter 56: Preparations
Chapter 57: Let's end this
Chapter 58: Lagot na!
Chapter 59: I do
Chapter 60: Kate Fuentes's Point of View
Chapter 61: >3<
Chapter 62: Over load!
Chapter 63: Christmas
Chapter 64: (undefined)
Chapter 65
Chapter 66: Please.. Ako nalang...
Chapter 67: Full Custody
Chapter 68: A Date not to miss
Chapter 69: First Blood~ ♫♫ (Ending)
Epilogue

Chapter 4 (BOOM!)

2.1K 30 1
By DONTREADINACTIVE

Kate’s POV

Sumenyas siya na parang nagtataboy sa likuran ko kaya napatingin ako duon. Tumingin ako duon at nakita kong naglalakad na papalabas iyong tatlong MIB. “Good morning,” Sabi niya pagkalabas ng mga MIB kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Nakangiti siya na parang asong may rabies.

Yuck!

“Hoy, ikaw!” Itinuro ko siya. “Ano ba ang kailangan mo at ipinadukot mo ako?!”

“Calm down. Is that your way of saying ‘Good Morning’?”

“Oo, so ano ang pakielam mo?! Sabihin mo na kailangan mo para makauwi na ako!”

“Why are you in a hurry? Remember? Saturday, nine AM?”

In fairness, ang sakit sa lalamunan kaya hihinaon na muna ako. “Ano ba kasi meron sa araw na ito? Spill it.”

“Spill what?” Painosente niyang tanong. Kalmutin kaya kita nang makita mong magspill sa carpet mo iyong dugo mo?

“Ano nga iyong kailangan mo?!” Nakakairita na, ha? Doesn’t he know na nagsona ako kanina at sigaw pa ako nang sigaw kaya medyo sumakit lalamunan ko?!

“Let’s sit first.” Umupo naman siya sa isang swivel chair na malapit sa bintana tapos pinaandar niya iyon papalapit sa study table sa kanan ko. At dahil sinabi niyang umupo kami, umupo ako sa kama niya. E, wala na akong makitang upuan na extra, e. Ang meron lang, iyong couch na malapit sa kaniya. Ayoko ngang tumabi sa kaniya. Baka kagatin pa ako tapos maging tibo pa ako.

“So, ano nga kailangan mo?”

Humarap naman siya sa akin. “You.” Sabay kindat niya sa akin. Kirat! Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ano daw kailangan niya?! Ako?!

“Pervert!” Napatayo ako biga. Ang manyak kasi! Ako daw kailangan niya!

Tumingin siya sa akin from head to toe habang nakangisi. “Mukha namang nakuha mo iyong sinabi kong mag-ayos ka ng sarili mo.” Matawa tawang sinabi niya. “Do you even wear any pants now?” Sabay kagat niya sa lower lip niya at naglean downward siya para masilip if naka short ako. Napacross legs kaagad ako sabay hila pababa ng damit ko tapos isinabit iyon sa tuhod ko. Ngayon ko lang naalala, hindi pala kita short ko sa get up na ito!

“A-ano ba iyang si-sinasabi mo?! Ang pervert mo, ha?!”

Tumayo siya mula sa pagkakaupo tapos lumapit sa akin then tinignan ako ng seryoso saka siya bumuntong hininga.  Sakto, nautot ako nang kaonti dahil sa kaba. Lasapin mo ang utot ko! “I’ll be direct to the point. We’ll do something.”

Oh, my fluffers! So may balak talaga siyang gawin sa akin?! This calls for operation ‘Sumigaw-ka-para-mabuhay-ka’

Huminga ako ng malalim.

Ligtas siya. Walang amoy iyong pinroduce kong toxic gas.

“Yaa!~ Tulong! May rapist! Yaa!~“ Tumakbo ako ng tumakbo paikot sa kwarto pagkatayo ko mula sa kama niya tapos siya naman hinahabol ako.

“Shh! Shut up! Huwag kang sumigaw!”

“Yaa!~ Rape! Rape! Yaa!~ Tulong-” Nahuli niya ako tapos tinakpan iyong bibig ko then hinila ako at inihiga sa kama. He’s now freakin’ hovering above me. Omo!

Our faces are inches apart to the point na naaamoy ko na iyong hininga niya. In all fairness ang bango, ha? Amoy mint - Aish! Tumigil ka nga! Mare-rape ka na nga, nakuha mo pang mabanguhan sa hininga niya?! Stop it, Kate!

“Didn’t I tell you to ‘shut up!?’ You’re so paranoid! Ano ba ang pinag-iisip mo at sumigaw ka?!” Kinagat ko iyong kamay niya kaya natanggal sa pagkakatakip sa bibig ko.

Aba’t! Kuya, tatanungin mo pa ako, e, ang manyak mo?!

“Manyak ka kasi! Pagsasamantalahan mo ako! Tapos-” Tinakpan niya ulit bibig ko.

Bastusang hininga lang?! Nagsasalita pa ako, e! Pero hindi kabastos bastos iyong hininga niya dahil mabango. Iyong iba kasi, akala mo boxer. Nanununtok iyong hininga!

“Dang, you’re irritating! We’re gonna do something!” Kinagat ko ulit kamay niya. Ako pa ang irritating ngayon?! Iyang kamanyakan mo ang irritating!

“See!? Ayan ka na naman! Manyak!”

“Assignment remember?” Tumayo siya tapos umupo sa kama.

“Linawin mo kasi!” Bumangon ako at naupo na rin sa kama. Ang pangit naman kasi tignan kung nakahiga pa ako, para lang kaming may ginawang something. “Dami mo pa kasing sinasabing statement na talagang magjump ako sa conclusions. Ang arte lang. Barney ka talaga.”

“As if I’m gonna do something forbidden? You’re not even my type! You’re the total opposite of my type.” Iyang mukha mo, forbidden! Sana pala nirecord ko sa cell phone ko! Tanga lang! Hindi man siya directly umamin na barney siya, umamin pa rin siya! Total opposite ko daw type niya, e! Meaning lalake iyong type niya! Aha!

“Wow! Hiyang hiya naman ako sa iyo! Mas lalong hindi kita type! Total opposite mo type ko! Barneyng ito.”

“Aish.” Tumayo siya tapos kinuha sa gilid iyong bag niya. Binuksan niya iyon tapos kumuha ng dalawang papel at dalawang ballpen. “Here.” Inabot niya sakin yung papel at ballpen “At least I know what to write.”

“Ako rin naman, e.”

“Manghula na lang tayo.”

“Ano pa nga ba?” Sabi ko saka naming sinimulan isinulat iyong mga dapat isulat.

Sana si Yelo na lang ka partner ko, e! At least I know what to write about him.

After namin isulat ang gusto at ayaw namin sa isa’t isa, umalis na ko. Pero siyempre, pinicture-an ko muna iyong bahay bago ako tuluyang umalis. Ipapa-print ko kasi iyon tapos ididikit ko sa aparador ko para kapag binuksan ko, may inspiration ako. Nako, okay na na bahay ang inspirasyon kesa naman sa lalake. Pero siyempre, exception iyong mga anime characters kasi nakakakilig na sila, pwede ko pa sila angkinin at i-ship ang sarili ko sa kanila!

Hindi man lang nga ako pinahatid nuong barney na iyon samantalang pinadukot ako! Nagpaparinig pa nga ako kanina pero itinulak niya lang ako papalabas sa kwarto niya. Good thing at alam ko itong lugar na ito at isang sakayan lang iyong distance pabalik sa bahay ko. Pero malayo pa rin talaga kung tutuusin. Lalakad pa kasi ako tapos sasakay ng tricycle.

At super no choice ako dahil madadaanan ko talaga iyong eskinitang kinatatakutan ko kapag ganitong oras na. Magdidilim na kasi, e. At saka ang haba ng eskinitang iyon!

Nang makarating ako sa dulo ng eskinita, nagdasal muna ako at tumawag sa lahat ng santo na kilala ko habang nakaharap sa duon. Napagpasyahan ko nang lumakad papasok sa eskinita habang nagma-mumble ng prayer.

“Mish~” Sabi ng isa sa dalawang dugyot na nag-iinuman sa hindi kalayuan.

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy lang sa paglakad, pero mas binilisan ko, habang nagre-recite ng prayer. Sa wakas naman rin at nalagpasan ko na sila.

Jusko. May narinig pa akong kanta.

“R.I.P to the girl you used to see. Her days are over. Baby, she’s over~”

Hayop lang! Sakto, ha?! Ang galing!

“Mish!~ Humintho ka mu-muna.” Nilingon ko sila pero hindi ako huminto. Ano ako?! Tanga?! Jusko, ang lapit na nila!

“Ang baho niyo, mga malalanding dugyot!” Sigaw ko sa kanila tapos tumakbo na ako.

At thank God talaga dahil nakalabas ako sa sinusumpa kong eskinita. Buti na lang at may mga tao na sa dulo ng eskinita.

Iyong pakiramdam ko talaga kanina ay iyong kapag namatay, may makikita kang maliwanag na ilaw sa dulo. Ganuon. Iyong ilaw na iyon ay iyong dulo ng eskinita.

Hayop ka talaga, Blake! Kasalanan mo ito! Kung ako namatay, hindi ka na matatahimik dahil mumultuhin kita forever!

Gusto niyo malaman kung ano sinulat ko? Eto lang naman.

What I Like About Blake Felix - One Word: ‘Nothing’

What I Hate About Blake Felix – Mayabang. Pervert. Laging Late. Nagpapakidnap. Mahangin.

Iyon lang, baka kapag mabasa ng kapatid niya iyong isinulat ko, which is our adviser, kapag ipinakita ng teacher namin sa Filipino iyong mga isinulat ko dahil kapatid nga ni Ms. Rizza si Blake, magalit sa akin at ideduct ang grade ko. Pero… Prangka na kung prangka. That’s what this whole assignment is about naman, e.

Haay nako… Sana lang hindi Iparecite sa amin iyon dahil sa tingin ko may fan girls si Blake sa school at baka paslangin ako nuong mga iyon.

Bahala na si Barney kapag nangyari iyon.

--

Hapon na ako nakauwi.

Nakakahiya nga, e. Naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle na naka-PJs ako. Pinagtinginan tuloy ako.

Bwisit na Blake talaga iyon! Hinayupak! Ang sama ng ugali! Hindi man lang ako pinahatid sa mga MIB niya! Ang aga aga kasi magpakidnap!

Well, what should I expect? Heartthrob siya sa school – na probably ay alam niya - at mayaman siya tapos kapatid niya pa adviser namin sa school, isang teacher sa school, kaya siguro over confident iyon sa mga pinaggagagawa at sa sarili niya. May narinig pa nga akong ibang babae at aryana duon sa school na tinatawag siyang 'Prince', e.

Napaisip nga ako nuon, e. Inisip ko talaga kung may nabubuhay pa bang prinisipe sa Pinas. Hello! Ang alam ko talaga wala! Lakas lang maka-Korean drama nuon kung meron!

But still... Paano siya naging prince ng school? Pati... Heartthrob?

Heartthrob, oo, pwede. Oo, mayaman siya, and I really can't deny na gwapo talaga – iyon nga lang, may defect kasi barney siya. Tapos may kapatid pa siyang teacher sa school. Iyon ba ang mga dahilan kaya siya binansagang prince ng Silhouette High? Ang shallow naman.

Pero marami rin namang gwapo duon, ha?! Hindi lang siya! Si Francine – Oo, gwapo talaga iyon, iyon nga lang, barney rin. Iyong ibang boys sa school! Tapos iyong apat na magkakabanda – iyon lang, hindi ko pa nakikita iyong pagmumukha nila. But since I trust Mich’s eyes and taste sa mga lalake, I’ll assume na lang na gwapo talaga iyong apat.

Anyway, pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto, boses na kaagad ni mama narinig ko.

"San ka na naman nanggaling na bata ka?! Umaga ka nawala, hapon ka na bumalik?!" Nakapamewang na tanong niya sa akin.

Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko, ma.

Gusto ko sanang sabihin kaso huwag na lang. Alam ko naman na kapag sinabi ko iyon, giyera na naman. Tapos itatanong pa kung ano ang nangyari? Ha! Huwag na lang!

Alangan naman sabihin kong: ‘Ma, nakidnap po ako. Tapos after ako pakawalan ng kumidnap sa akin, hindi ako hinatid pauwi. Tapos pagdaan ko pa sa kinasusuklaman kong eskinita, hinabol ako ng dalawang Pinoy's M.D. Mga malalandin digyot po iyon in case na hindi niyo alam.’

"Sorry, ma. Galing ako sa classmate ko." I lied! Techically, hindi naman talaga kasi classmate ko si Blake. Pero ang corny ng excuse ko. Ano ako? Siraulo para pumunta sa classmate ko nang ganito suot ko? Ha! No way! Kinidnap lang naman ako kaya ako napunta sa classmate ko, e!

Bumuntong hininga siya tapos lumapit sa akin. "Nakong bata ka talaga, sobrang gala mo! Sana nagpaalam ka man lang para alam namin kung saan ka pupunta para hindi kami hanap nang hanap sa iyo. Nautusan ko pa tuloy iyong kapatid mo para hanapin ka."

Ma, seriously?! Ako?! Gala?! Tignan niyo nga iyong kutis ko at ikumpara sa mga kakilala niyong mga gala! Ang layo kaya!

"Ok po. Sorry po, ma. Akyat na po ako." Sinabi ko na lang para matapos na.

Paakyat pa lang sana ako nang tawagin ulit ako ni Mama.

Augh! Mama, napapagod na po ako~

"Kate!" Nilingon ko si mama at tumigil ako sa paghakbang paakyat. "May tumawag pala ditong lalake kanina, hinahanap ka." Lalake?

"Sino daw po?"

"Hindi sinabi pangalan, e. Basta tawagan mo daw siya dito." Bumaba ako ulit tapos kinuha ko iyong papel kung saan yata isinulat yata ni mama iyong number nuong lalake. "Ikaw, ha? Baka may boyfriend ka na?! Nako, yari sa akin iyan. May akalaan na para sa iyo."

Napailing na lang ako dahil nag-aadik na naman si mama. May nakalaan raw. Sus. Asa naman.

"Wala po, ano." Hindi pa nga ako trip ligawan ni Ice, e. Pakipot rin kasi. Gustuhin ko man na ako na lang manligaw, hindi pwede dahil baka paslangin ako ni mama pati ni kuya Gelo. Pangit kasi sa paningin nila iyong babae ang nanliligaw – probably, pati sa mata ng iba pa. Tss. Ang K.J ng mga mata nila.

Umakyat na ulit ako tapos kinuha iyong cell phone sa bulsa ko. Buti na nga lang at naisipan kong magpaload kagabi. On the third ring sinagot na iyong tawag.

"Hello?"

"Pumunta ka sa park kung gusto mo pang makita kapatid mo." May lalaking sumagot. Malaki boses niya.

Wala akong kilala na may ari ng boses na ito! Hindi ko rin naman pinamimigay number namin sa bahay o kahit number ko. Sino kaya ito?

"Sinong kapatid? Dalawa kapatid ko."

"Si Luke. Hawak ko siya ngayon."

Trending ba ang kidnapan ngayon?! Kanina, ako, ngayon, iyong kapatid ko naman?!

Mamarkahan ko talaga iyong kalendaryo mamaya kapag nakuha ko na si Luke! 'World Kidnap-an Day' ang isusulat ko.

Pero sisiguraduhin ko muna kung totoo sinasabi nito. Baka kasi adik lang ito sa kanto namin na walang magawa sa buhay niya.

"Baka ibang Luke iyan? Ilang taon? Ano ang apelyido? Kailan birthday niyan? Saan nakatira? Blood type?" LOL. Saan ko nakuha iyong blood type? Ni hindi ko rin nga alam blood type ko, e.

“Huwag ka na ngang maraming tanong! O, ate mo!” Nakarinig naman ako ng tunog na hindi maintindihan tapos biglang may sumigaw. “Ate! Tulong!"

Putchie! Si Luke nga!

Pagkatapos ko marinig iyong sigaw ni Luke, nakarinig na naman ako ng something. "A-ano ang kelangan mo? Bakit mo kinuha kapatid ko?"

"Ikaw.”

“Ha?!” Kawindang! Ako?! Ako raw kailangan niya?! Manyak siguro ito!

“Basta. Pumunta ka na sa park. Huwag kang magsasama ng kahit na sino kung gusto mo pang makita kapatid mo." After he said that, inend niya na iyong tawag.

Hindi na ko mag-aayos, kahit mukha na kong ewan, walang ligo at haggard look, wala akong pake! Lumabas ako at tumakbo papuntang park. May mga tumatawag sa akin pero dinededma ko na lang. May mga unggoy rin na nasipol pero dedma ulit! Mga Pinoy's M.D! Mga Pinoy's Malalanding Uhugin! Alangan naman pansinin ko pa iyang mga iyan, ano! Nasa tamang pag-iisip pa ako!

Kelangan ko pumuntang park para mailigtas ang kapatid ko!

Nang makarating ako sa park, ang una kong ginawa ay naglibot dahil hindi naman kasi sinabi ni Manong Kidnaper iyong exact location dito sa park kung saan kami mag-E.B---Este meet pala. Meet. Hindi E.B, meet pala.

Ang shunga lang ni manong, hindi ba? Hindi sinabi kung saan dito sa park. Ano ako? Manghuhula?

One-sided text mates nga kami, e! Paano, text ako nang text, hindi naman nagrereply! Hayup lang!

Nalibot ko na yata every point ng park pero wala naman, e!

Baka nagtitrip lang iyong kapatid ko? Pero kahit parehas kaming may aning hindi naman aabot sa ganitong point iyong trip nuon sa akin.

Baka nga kasi trip lang ito? Believe it or not, hindi man adik ang kapatid ko, marami naman siyang kakilalang adik sa kanto namin. Baka kinuntsaba niya lang talaga.

Nang mapagod na ako, umupo ako sa isang bench.

Parang hindi nga ako kinakabahan, e. Hindi ko naman alam kung bakit, pero pumapasok sa isip ko na trip lang ito or what.

"Ate~"

Nanlaki iyong mga mata ko nang marinig ko iyong sumigaw.

Boses ni Luke iyon, ha?!

Lumingon ako sa unggoy na nasa likod. "Luke!" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Nasaan si Manong Kidnaper?!" Tanong ko sa kaniya saka ako lumingon lingon sa pagbabakasakaling makita ko iyong text mate ko kanina.

Bigla naman siyang tumawa.

Huh? Bakit tumatawa ito?

"Bakit ka tumatawa? Siguro nanghugot ka lang ng adik sa kanto natin, ano?!" Binitawan ko siya. Tumatawa pa rin siya so sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil naman siya.

Aba! Dapat lang!

"At talagang sumugod ka pa nang nakapantulog mo, ha?!" Sabay tawa niya nang wagas habang nakaturo sa akin.

"E, monggi ka pala, e!" Kinotongan ko siya kaya napahawak siya sa parteng ng ulo niya na kinotongan ko. "May tumawag ba naman na kidnap ka daw, e! Teka. Nasaan si Manong Kidnaper?!"

"Hoy, Manong Kidnaper! Lumabas ka na po diyan!" Talagang inemphasize niya pa iyong 'Manong Kidnaper’, e. Talagang dapat kasi ie-emphasize ko ngala-ngala ng dugong na iyon!

May tumunog naman sa gilid namin kaya napatingin ako duon.

Ang gwapo niyang kidnaper!

"Yelo?!" Ngitian niya lang ako. Gwapo… Tumakbo ako palapit sa kaniya tapos niyakap ko siya. "Welcome Back!~" Sabay pingot sa tenga

"Aray! Kate, ano - aray!" Sabi niya habang hawak iyong kamay ko na nakahawak sa tainga niya. Sana kasi hindi ganiyan paghawak. Dapat iyong nakaintertwine.

"Siraulo ka! Bakit mo kinidnap kapatid ko?!"

"Ehh!~ Aray. Para may - aray! Thrill kapag nakita mo ako. Kate, ansaket!"

"Dapat lang sa iyo iyan! May pa thrill thrill ka pang nalalaman!"

"Aray, Kate! Tama na-a-aray! Sorry na! Bitaw na, please!"

"Ewan ko sa iyo! Tignan mo, napasugod ako na ganito ang itsura ko!" Sabay turo ko sa suot kong get-up. Tinignan naman niya. Nakakablush! Tinignan niya ako! Well, dati pa naman niya ako tinitignan pero nakakablush pa rin! Hahahaha.

"Sorry na!"

May tawa nang tawa na unggoy sa gilid ko. Akala siguro niya nakalimutan ko siya.

"Aray, ate! Pati ba naman ako!?" Sabi ni Luke na napahawak din sa kamay ko na nakapingot sa kaniya.

Magkabilang unggoy tuloy iyong hawak ko. Mga mahal kong unggoy.

"Oo! Alangan naman ako?! Ako ba nagtrip?! Kayong dalawa kaya iyon!"

"Ar-ouch! Kate, stop na please!"

"Ouch mo mukha mo! Nagpunta ka lang sa ibang bansa 'ouch' na ipinalit mo sa aray!”

"Sorry na!" Sabay na sinabi ni Luke at ni Ice.

"Aish. Hindi pa tayo tapos! Uuwi na tayo! Ikaw, Yelo! Hindi pa tayo tapos! Sumunod ka!"

Binitawan ko na iyong tenga nila. Pulang pula, e! Mwahahaha!

"Lagot ka." Sabi ni Luke kay Ice with lagot-ka hand gesture

"Ikaw rin naman." Sabi ni Ice sabay dila.

Minsan talaga iniisip ko kung sino ba ang mas isip bata. Kung si Ice ba o si Luke (Well, bata naman talaga si Luke pero iyong utak niya, pang matanda.) At heto na nga, nakuha ko na ang sagot.

Mas isip bata si Ice.

"Teka nga, Kate, suotin mo ito, o." Hinubad niya iyong jacket niya tapos ibinalot niya sa akin iyon. "Madaming manyak diyan tapos ganiyan pa suot mo. Bakit kasi lumabas ka nang nakaganiyan lang?"

Awww... Ang sweet talaga ng Ice ko... Teka?! Ice ko?! Hahaha. Feelingera na naman ako! Pagbigyan niyo na kasi minsan lang ito, promise. Hahaha. Ewan ko lang kung matutupad ko iyang promise ko. Haha.

Naglakad na kami pauwi habang nakaakbay sakin si Ice. Inaamin ko, kinikilig ako sa ginagawa niya. Ang bango, bango niya pa. Sobra! Amoy yelo! Hahaha. Wala namang amoy ang yelo, e. Lettuce lang iyong pinag-iisip ko.

Tapos ano daw? Para daw hindi na ako tignan ng mga manyak diyan sa tabi tabi? Haha. Protective much si Ice! Nakaka-in lababo lalo!

"Kayo ba magbest friend lang talaga kayo, o, ano?" Biglang tanong ni Luke.

Ano ba ang mga itinataong nito ni Luke?! Nakakagulat!

"Oo naman, ano! BFF ko ito si Yelo!" Hindi bestfriend forever, boyfriend forever ang BFF ko kay Ice. Pero siyempre, mapapalitan iyong ng HBF; Husband forever. Kilig! Hahaha.

"Oo nga. He-he."

"Ayaw pa mag-aminan, may gusto naman sa isa't isa." Bata ba ito?! Bakit ganito isip nito?!

Oo nga pala, si Luke ang batang mama. Bakit pa ako nagtataka kung ganuon siya mag-isip?

Sinipa ko nga sa likod. Hindi naman malakas na sipa, parang patulak na sipa lang. Ayan nadapa. Tinawanan ko na lang siya dahil mukha siyang diver sa sahig.

"Aray! Ang sadista mo, ate!" Bumangon siya mula sa pagkakadapa niya saka nagpagpag ng damit. "Susumbong kita kay mama!"

"Ilan nahuli mong isda?" Tanong ni Ice habang natawa. I'm in heaven~

"Magsumbong ka! Samahan pa kita, e!" Pang-asar ko kay Luke.

Habang nag lalakad kami, hinampas ng isang salita iyong utak ko.

Pasalubong!~

"Hoy, Yelo! Baka may nakakalimutan ka?"

"Akala ko hindi mo na maaalala, e." Sabay tawa niya habang ginugulo iyong buhok ko.

Tell me, ano ang nae-envision niyo? Mukhang kami, hindi ba?! Ang tumanggi, joksak! (Saksak iyan. Term sa Counter Strike)

"Adik ka ba?! Hello?! As if naman na makalimutan ko iyong pasalubong mo!"

"Ikaw talaga." Itinigil na niya iyong panggugulo sa buhok ko. "Sige, sige, dalahin ko na lang bukas. Madami dami kasi, e."

"Talaga?" Kasing kinang na ng mga tala ang aking mga mata. (Wow!) E, sabi kasi ni Ice marami daw, e! Knowing him? Hindi kuripot iyan sa akin! Kung hindi nga lang kami magbestfriend, lalagyan ko ng malisya iyong mga ginagawa niya para sa akin, e. Para kasing nanliligaw, e. Sobrang sweet!

"Oo naman, ano! Special ka, e!" Sabay kurot sa pisngi ko habang nakangiti.

Teka... Ano daw?! S-Special?

Tignan niyo! Sa sobrang kilig ko, nabulol pa utak ko!

"Baka special child." Binulong ni Luke pero narinig ko. Ahuh. Panira ka, ha? Sinamaan ko nga ng tingin. Ayon! Ngiting anghel ang unggoy!

Nang makauwi na kami, nagulat si mama kasi ngayon na lang niya ulit nakita si Ice. Alam niya rin kasi na nasa ibang bansa si Ice, e. Close kasi sila kaya ganuon.

At siyempre, nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Nakikain na rin si Ice ng dinner sa amin. Welcome na welcome iyan dito. Kilalang kilala na kasi ng buong family ko ito, e. Sa sobrang close niya sa amin, may duplicate key siya ng bahay namin. At saka, magkaibigan kasi mga magulang namin kaya ganuon na lang kami magtiwala sa kaniya.

Nang inantok na ako, pinauwi ko na siya. Ayaw pa ngang umuwi. Sa kwarto na lang daw siya ni Luke matutulog o kaya duon sa kwarto ni kuya Gelo. Iyong unggoy naman, okay lang daw. Pero sabi ko dapat ayusin na niya iyong mga pasalubong ko at saka iyong mga gagamitin niya sa school kasi nakamiss siya ng one week. Tapos ayun, no choice kaya umuwi na lang din.

Napatingin naman ako kay mama nang magsalita siya pagkapunta namin sa kusina nang makalabas na si Ice sa bahay. "Ang gwapo ni Ice, anak, ano?" Sabi ni mama habang inaayos iyong pinagkainan namin.

"Hehe. Oo nga po, e." Sabi ko habang nilalaro iyong apple na hawak ko. Pinaiikot ikot ko lang so hindi naman siya malalamog.

"Alam mo, botong boto ako kay Ice. Kung liligawan ka nuon, papayag ako kasi kilala ko naman iyong batang iyon. Alam kong mabait na bata iyon." Tumingin siya sa akin pagkalapag niya ng plato na may kanin. Ako naman nanlaki iyong mga mata. Seriously?! So kay Ice lang talaga siya papayag na makatuluyan ko?! Nice! Kawindang, ha?! "Hindi pa ba naniligaw sa iyo iyon?"

Ano daw?! Ano ba ito?! Para namang ibinebenta na ako?!

Pero okay lang kung si Ice naman iyong buyer! Mwahahaha!

"Ma!" Iyong totoo, Kate? Kunwari ka pa, gustong gusto mo naman!

"Sus. If I know, crush mo iyon si Ice." Sabay tawa niya. Usi naman nito ni mama!

"Opo, mama!" Biglang epal ni Luke na tumabi sa akin tapos kinuha iyong apple na hawak ko. "Nabasa ko sa diary niya-" Hindi ko na pinatapos si Luke at tinakpan ko iyong bibig niya. Takte itong batang ito! Binasa iyong diary ko?! Humanda ito sa akin. Argh! Makakakita siya ng babaeng sparta!

"He-he-he..." Tumayo ako tapos, habang nakatakip pa rin iyong bibig ni Luke gamit iyong mga kamay ko, hinila ko siya. "Sige po, akyat na kami, ma. Ay lab yow."

At pagkasarang pagkasara ng kwarto niya nang makaakyat kami, pinatay ko na siya sa hampas ng unan nang madampot ko iyon sa kama niya.

R.I.P Luke Fuentes.

Mwahahaha.

Siyempre joke lang iyong pinatay part. I love this kid kahit na may tililing ito, ano.

"Bakit kasi ayaw mo pang umamin kay kuya Ice?" Sabi niya pagkaupo niya sa kama habang hinihingal. Naghabulan ba naman kami, e.

"Wala ka na duon!"

"Sabagay…" Kumunot naman iyong noo ko nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa tapos umiling iling siya na nakangiting aso. "Imposible namang magustuhan ka nuon. Mga gusto nuon ay iyong mga katulad ni Diana Zubiri." Sabay tawa niya. "E, ikaw? Ano ang laban mo kay Diana Zubiri?" Ayan, tumawa siya nang tumawa habang hawak iyong tiyan niya. Napahiga na nga siya sa kama niya, e.

"Mukha kang barney!" Sigaw ko sa kaniya pagkasara ko ng pinto.

Grabe. Bumaba tuloy self-esteem ko. Ikumpara ba naman ako duon sa crush nila na si Diana Zubiri, e!

Oo, masakit mang tanggapin pero crush ni kuya Gelo, Luke at Ice iyong Diana Zubiri na iyon!

Continue Reading

You'll Also Like

489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...