Chapter 80

1K 62 5
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Ang Katapusan

Alas tres ng Madaling araw

"Mamamatay kana aking Gwen!," ani ni Mark kay Gwen

"Ako ang harapin mong demonyo ka!," sabay bunot ng kanyang espada at hinarap si Mark

Pinutol niya ang isang kamay nito na siyang dadampot sana kay Gwen

Humiyaw ng pagkalakas lakas si Mark ng maputol ang kamay nito

Kaya sa galit ay ginamit ang isang kamay na panghawi kay Akira

Tumalsik siya sa mga apoy at napalabas sa bilog na iyon, pero ininda niya ang sakit ng katawan at ang nasunog na kaliwang braso

Bago pa siya malapitan ng ina nila Vince ay hinila siya papasok gamit ang galamay ni Mark na tumubo at para na itong isang pugita sa dami ng galamay

Hinila siya sa paa para lalo niyang maramdaman ang hapdi at sakit ng kanyang mga sugat at paso

Dinig nila ang hiyaw ni Akira ng ipasok ulet siya sa bilog na apoy

Nalapnos ang kanyang kanang paa ng dumaan siya sa apoy na iyon, dahil sa hila hila ay wala siyang magawa

Wala din silang magawa dahil hindi sila makalapit doon kaya hindi din nila matulungan ang dalawa, napakainit ng apoy na nilikha ni Mark

"Ahahahahaha!," dinig nilang tawa ni Mark ng makitang namimilipit si Akira dahil sa tinamong sunog sa kaliwang braso at sa kanang binti niya

"Uurrgghh!," daing pa niya ng maramdaman ang isang galamay ni Mark na tumusok sa kanyang tiyan

Napaubo siya ng dugo kaya lalong naawa sa kanya si Gwen na ngayon ay hinang hina na din dahil sa mga tinamong sugat, galos at mga paso sa ibat ibang bahagi ng katawan

Napapikit nalang si Akira, kailangan na niyang kumilos bago pa siya tuluyang mamatay sa kamay ng kanyang kakambal n demonyo

Samantala

Ang mga engkantong itim at mga maligno ay nagapi na ni Prinsesa Acacia, naitali na niya lahat ang mga iyon sapamamagitan ng kanyang mga baging na may tinik

Nanghihina na ang mga ito dahil sa halamang nakapulupot sa buong katawan ng mga iyon

Sinisipsip ng halamang nakapulupot sa mga ito ang kanilang dugo kaya lalong lumaki ang mga ito at nahirapang makatakas ang mga engkantong itim at mga maligno na nasa harapan niya

Si Ptinsipe Asul naman ay ang mga nuni at mga duwendeng itim ay naikulong na niya sa isang nalaking kulungan na gawa sa kidlat

Kaya kapag magtatangka ang mga ito na makatakas ay nakukuryente sila, nanghihina sipa dahil ang kapangyarihang iyon ay galing sa liwanag, kaya wala silang magawa kundi ang umatungal ng umatungal

Tuloy tuloy lang sa pagpatay ng mga aswang sina Rohan, Czesar at ang amang lobo

Wala na kawala ang mga iyon dahil sa tatlong pwersang nagsanib

Ang mga amaranhig naman ay binubuhusan ng tubig ng ilang mga taong baryo para lang matalo ang mga iyon at mapatay

O kaya ay gas at sinisilaban na nila iyon para mamatay at maging abo

Sa Lungsod naman ay halos nagapi na ng mga anghel ang mga aswang, tikbalang at ilang tiyanak na sumugod

Ang mga natitirang aswang ay ipanaubaya na nila sa mga kapulisan bago sila umalis doon at bumalik sa kalangitan

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now