Chapter 61

1K 57 8
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Akira's POV

Bukas na ang eclipse, ano na ang mangyayari sa amin?

Hanggang ngayon ay wala pa din ang kambal ko, ang asawa ko at ang mga kaibigan ko?

Makakaya ba namin kung isang bagsakan lang ang gagawin ni Mark?

Si Gwen hanggang ngayon ay wala pa din, halos isang buwan na namin na hindi siya nakikita, hindi naman pwede na dumalaw kami sa kanya

Manganganak na ang tatlo kaya hindi pwede na iwanan dito,

Ilang araw nalang ba bago sila makapanganak?

Mabuti at nandito na si Tita Aime para mabantayan sila, kasama ang ilang kapre na nagbabantay sa paligid namin tuwing gabi kaya halos panatag na ang aming kalooban,

Wala na din kasi lumusob na mga aswang simula ng gabing iyon, pero hindi kami kampante dahil anumang oras ay lulusob sila para sa tatlong buntis na kasama namin

"Madilim na ang kalangitan," ani ni Megan habang nakatingala," Bukas pa ang eklipse pero kinakabahan na ako,"

"Magdasal lang tayo at magtiwala sa Panginoon, hindi niya tayo pababayaan, baka makabalik na din sila mamayang gabi dito," sabi ko sa kanya na nagdadasal na sana ay makabalik na sila

"Sana nga, Akira," malungkot na tugon niya sa akin," Hindi ko alam kung kakayanin ko mag isa ang manganak kung wala si Vince at si Ace, natatakot ako,"

"Hay naku, Meg," natatawa kong sambit sa kanya," Pang apat mo na yan, ngayon ka pa ba kakabahan?," biro ko

"Grabe ka, Akira ha?," ani niyang napanguso sa akin kaya nagtawanan nalang kaming dalawa habang nakatingin sa labas ng bahay

Halos paroot parito ang mga tao na nasa labas ng kani kanilang bahay para paghandaan ang eklipse bukas ng tanghali, magaganap iyon dakong ala una y medya ng tanghali

Kaya ang tatlong buntis ay dito alng sa loob ng bahay, masama ang maabutan sila ng eklipse lalo pa at dalawang oras iyon magaganap

Iyon na yata ang pinakamatagal na eklipse na magaganap, dahil siguro sa kaoangyarihan ni Mark kaya napakatagal iyon matatapos

Sana maging maayos kaming lahat bukas at ang buong sangkalupaan

Baka ito na ang katapusan namin, ay hindi pa pala, may kasunod papala iyon

Para na akong mababaliw sa mga iniisip ko, hindi ko na alam ang gagawin ko para lang maprotektahan silang lahat

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Habang nakahiga sa kanyang kama si Akira, at nag mumuni muni ay siya namang pakita ang usang anghel at babae sa kanyang harapan

"Kamusta, Akira?," tanong ng anghel sa kanya na kanyang ikinabangon

"Kayo pala," ngumiti siya pero mababakas sa kanyang mga mata ang lungkot

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now