Chapter 22

1.4K 58 2
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

                           Megan's POV

Halos hindi magkandaugaga ang lahat sa pag aayos ng buong bahay at buong bakuran dahil sa kasal nila Ivan at Vanessa kinabukasan

Masaya kami dahil sa wakas ay ikakasal n sila bukas at bubuo na ng pamilya nila tulad namin, masaya kami dahil sa haba ng panahon na nagkawalay silang dalawa ay sila pa din ang magkakatuluyan ngayon

Malungkot lang ako dahil hindi pala kami ang mag kapatid ni Akira, simula ng araw na iyon ay iniiwasan na niya ako, masakit pero tinitiis ko, nag alala din ako dahil nung iniuwi siya ni Rohan ay wala siyang malay at may tahi siya sa braso at tiyan, malamang napaaway na naman siya, napaaway siya hindi sa tao kundi sa mga aswang

Kahit kelan padalos dalos pa rin siya mag isip at sumugod sa mga laban, hindi pa din siya nag babago, siya pa din ang Akirang nakilala ko na palaban, kahit mga aswang ay hindi inuurungan

Kelan kaya siya matututong mag isip bago sumugod at lumabang mag isa sa mga aswang?

Kahit hindi kami magkapatid ay nag aalala pa din ako sa kanya, na baka isang araw ay tuluyan na siyang mawala sa amin,

Na tuluyan na siyang mapatay ng mga aswang lalo na ni Mark, at yun ang ayaw namin mangyari, gusto ko magsama na din sila at maikasal ni Rohan, tutal may kambal na sila

Sana hanggang sa mawala kami sa mundong ito ay buo pa din kaming magkakaibigan at pamilya

At isa pang iniisip ko, sino ang kakambal ko?

May alam kaya si Akira kung sino siya?

Sana matapos na itong kaguluhan sa baryong ito at maubos na ang mga aswang at mga kampon ni Mark para sa ikatatahimik naming lahat

"Ang lalim ng iniisip ng Mahal ko ah," ani ni Vince sa akin, hindi ko na pala namalayang nasa tabi ko na pala siya at karga ang bunso namin

"Hindi naman," sabi ko sabay ngiti at halik sa pisngi niya," Masaya lang ako at ikakasal na din sina Ivan at Vanessa, sa haba haba ng kanilang pinagdaanan sa wakas sila din sa huli,"

"Oo nga eh," sang ayon niya sa akin sabay akbay at nakatingin sa mga kaibigan namin," Parang tayo din diba? Saka tignan mo sina Rohan, labing walong taon na nagkahiwalay sila ni Akira, pero tadhana pa din ang naglapit sa kanila, sana lang din ay maikasal na din sila,"

"Sana nga eh," pag sang ayon ko sa kanya

"Ipagdasal natin, Mahal," sabi nalang niya sa akin

Napatango nalang ako, iyon din ang lagi kong ipinagdarasal na sana magingvmaayis na ang lahat, iniwanan na nila ako dahil inaantok na ang anak namin

Pumunta naman ako sa sala, naabutan kong nag uusap sina Akira, ang dalawang Lola at ang iba pa

"Ano pong mayroon?," tanong ko sa kanila habang nakiumpok din

"Maupo ka, apo," ani ni Lola Andeng sa akin

"Mga lola," panimula ni Akira," Maari po bang buhay si Gwen?," tanong niya na ikinagulat ko maging ang mga kasama namin

"Paano siya mabubuhay? Eh namatay na nga siya?," takang pagtatanong ko sa kanya

"Buntis si Gwen di ba?," baling na tanong niya sa akin," Yung puso at fetus na dinukot ni Mark, iyon ang anak sana nila,"

"Kung ganoon isang inang aswang si Gwen?," may pagtatakang tanong ni Lola Andeng sa kanya

"Opo," sagot ni Akira, nakinig nalang kami sa kanila," At kung inang aswang si Gwen ay maari po siyang mabuhay uli, dahil hindi pa po niya naipapasa ang kanyang pagkakaaswang sa kanilang anak,"

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now