Chapter 57

1.3K 63 18
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Prinsipe Asul's POV

Ngayon ang araw kung saan isasama ko ang Mahal na Prinsipe sa kanilang kaharian para makausap ang kapwa niya mga engknyong puti

Kailangan din namin siya para hindi matakot sa demonyong iyon na hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang mapasunod kami

Matapos niyang guluhin ang baryo ng mga kaprw ay sa amin ang kanyang isinunod habang hindi pa niya nagagalaw ang teritoryo ng mga engkanto dahil bawal siyang tumuntong doon

Ang mas nakakatakot ay ang mga engkantong itim na pinamumunuan ng kaoatid ng kanyang ina

Ito din ang umutos na paslangin ang kapatid para mapasa kanyan ang kaharian nito na hindi naman nangyari dahil may anak ang Reyna

Hindi sila makatuntong sa kahariang iyon dahil may mga orasyon na ipinaikot ang babaylan na si Tandang Andeng

Na pinatay din ng ama ng ni Mark dahil hinahanap nito ang kakambal na gustong mapatay para lang lumakas

"Mahal na Prinsipe Asul," bungad ng aking katiwala,

"May kailangan ka ba?," tanong ko sa kanya habang nasa malalim pa din na pag iisip," May balita ba?,"

"Nasa lagusan na po ang Prinsipe ng mga engkanto at taong lobo kasama ang mga kaibigan niya,"

"Sige, susunod na ako," utos ko sa kanya, tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan ko ang aking katiwala

Pansin ko sa paligid, madami na silang nagbabantay at nag eensayo para paghandaan ang aming laban

Halos lahat ay gustong ipagtanggol ang aming kaharian, mga mahal nila sa buhay at higit sa lahat ay ang aming kalayaan na gustong mawala ng bagong Hari

Mula dito ay tanaw ko ang isang malaking puno ng balete kung saan iyon ang nag iidang daanan palabas ng aming mundo, kung mawawala iyon at mapuputol ay hindi na kami makakapunta sa kabilang mundo, at iyon ay mahirap para sa amin

Naglakad na ako pasalubong sa kanila

Pansin ko wala si Akira, tanging ang tatlong magkakaptid lang ang magkasama, ang kambal nila at ang panganay ni Vince

Nakangiti akong lumapit sa kanila

Halos kasing pantay ko lang sila ng taas at pangangatawan

Dahil kapag oras na makapasok na ang mga tulad nilang may dugo ng ibang elemento ay liliit sila at papantay sa aming mga duwende at ng iba pang elemento na nakatira dito sa kabilang mundo kung saan ang balete lang ang nagsisilbing dimensiyon namin

"Kamust, Mahal na Prinsipe?," yumuko ako, nagpugay at nagbigay galang sa kanyang harapan

"Kamusta kana sin Prinsipe Asul?," kuro nilang bati sa akin na ikinangiti ko

"Ayos lang po ako," tugon ko

"Wag muna ako pupuin, pareho lang tayo ng katayuan, Prinsipe Asul," ani ni Prinsipe Rohan sa akin

"Ikaw ang magiging hari namin oras na maipakilala na kita sa lahat ng elementong nasasakuoan mo," tugon ko,"At ang pagpapatong ng korona sa iyong ulo ang magiging dahilan niyon,"

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now