*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Alas diyes ng Gabi
Matapos sumugod ang mga tiktik at mga impakta ay nagsipaglabasa na din ang ilang grupo ng mga aswang
May ilan sa mga ito ay nasa anyong baboy, na hindi pangkaraniwan ang anyo at laki nito
Kakaibang baboy ito, malaki ang katawan na na hindi katulad sa karaniwang baboy
Napakaitim ng kulay nito, may mga mapupula at malalaking mata
Kakaiba ang itsura ang mga baboy na ito, malalaki ang mga ngipin nito at nakalabas labas, tapos ang itsura ng ilong ng baboy mayroong dalawang malalaking pangil na naka usli
Bukod pa doon nanginginig ang mga katawan nito habang papalusob sa buong baryo, tumatakbo ng pabilis at pabukusok pasugod sa mga tao
Ang sumunod ay ang mga taong aswang, na kung titignan ay mga tila naligo sa grasa dahil sa sobrang itim ng katawan ng mga ito
Naglalangis ang buong katawan na tila naligo sa mntika at grasa, ang mga mata ay mapupula at iyon lang ang nakikita sa mga itsura ng mga ito
Kung makatakbo ang mga iyon ay parang sa aso, gamit ang dalawang kamay sa pagtakbo sa lupa
Ang mga buhok ng mga iyon ay nakatayo na tila kinuryente
May mga ilan pang mga lahing aswang na tila kasing laki ng oso ang katawan, pero ang kaibahan lang ay sa may tiyan ng mga ito ang mga mata at malaking bunganga na siyang lumalapa sa mga biktima
May ilan din na aswang na mahahabang dila ang lumabas pero iba ang katawan ng mga ito kalahating nasa anyong kabayo at ang ilan ay nasa anyong kalabaw naman
Madidinig mula sa labas ang mga ungol, sigaw at tila nahihirapang mga boses ang madidinig na halos halo halo ang mga iyon
Kasabay ang sigaw ng taong nilalapa ng mga aswang, at iba pang kauri nito
Halos halo halo na ang mga nadidinig nila Gwen at Akira ng mga sandaling iyon, pero sa basement ay wala naman nadidinig ang mga iyon dahil sa saradong sarado ang basement
May mga aswang na tila katulad ng sa pugita ang naglalakad papunta sa grupo nila Rohan
Mahahaba ang mga paa nito at mga kamay, iyon ang ginagamit nila sa paglalakad, nakalutang ang maliit nilang katawan
Pero ang ulo ay malalaki at may matutulis at mahahabang pangil na nakalabas, kasya ang isang ulo ng bata sa laki ng kanilang mga bunganga
At ang pang huling lumabas ay ang mga kalahi ni Lindey, ang kanyang ama at ang mga kamag anakan na mga aswang
Hanggang ngayon ay may galit pa din ito sa mga bisitang dinala at inimbitahan ni Lindey sa kanilang baryo
Para makapamista noon, pero dahil din doon ay napatay nila ang anak na inaakalang bisita itong natutulog
Kaya simula noon ay pinaghahanap na nila ang limang kadalagahan pero dahil nasa pangangalaga ito ng mga taong lobo ay hindi sila makalapit
Nalaman din nila na taong lobo at magkapatid ang dalawa doon na sina Kate at Vanessa
Kaya ng malaman nila na ang dating kaibigan ng mga ito ang bagong Hari ng impyerno ay nakipag kasundo sila para maipaghiganti ang anak nila
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
Alas onse na ng Gabi
Nagtanguan na sina Gwen at Akira na lumaban na sa mga aswang dahil paparami na ng paparami ang sumusugod sa baryo
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...