Chapter 31

1.3K 71 7
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

"AKIRA!!!! AAAAHHHHH,!!!!," sigaw ni Mark habang papalit palit ng anyong halimaw at tao dahil sa sobrang galit sa dating kaibigan, na umubos sa mga lahi ng Mandurugo," Papatayin kitang babae kaaaaahhhhh!!!,"

"Panginoon, huminahon ka po," awat ng matandang aswang na isa ding babaylan,

"May plano ka ba, tanda?," tanong niyang nanlilisik ang mga mapupulang mata na nakatingin sa matandang nakayuko sa kanyang harapan

"Maari mong tawagin ang iyong ama," ani nito sa kanya," Para humingi ng tulong,"

"Matagal ng patay ang aking ama," sagot niyamg tila naguguluhan sa kausap

"Ang totoo mong ama ang tinutukoy ko," ani ng matanda na itinaas na ang ulo mula sa pagkakayuko sa kanyang harapan

"Sino ang aking tunay na ama?," gulat niyang tanong sa matanda

"Ang haring demonyo,"sagot ng matand na napangisi sa kanyan

"Papaano?," takang tanong noya na bumalik na sa dati ang kanyang anyo

"Ang Haring Demonyo ang iyong tunay na ama," pag uumpisa nito," Ginahasa niya ang iyong tunay na ina, sakatunayan nga ay may kakambal kang babae at siya ang nakatakdang pumatay sayo,"

"Tunay na ina? At kakambal?,"

"Opo," sagot nito," Nang maisilang kayong dalawa, isang albularya ang kumuha sa inyo at pinghiwalay kayo, dinala kayo sa malayong lugar at doon namuhay ng normal,"

"Pero sino yung ama ko na kinalakihan ko at yung ama kong aswang?," takang tanong niya," At sino ang kapatid ko?,"

"Yung ama mong mortal, doon ka binigau ng matandang albularya, at yung ama mong aswang ay nagpanggap lang dahil sa utos ng Hari namin, yung kapatid mo ay hindi ko alam kung nasaan, dahio matagal ng patay ang matandang albularya, kailangan mo siyang makita para maging kakampi mo, pero kung maunahan ka nila, mamamatay ka,"

"Hindi maaari," sabi niya," Kung magiging kakampi ko soya ano ang mangyayari?,"

"Magiging imortal kana at ganoon din siya," sagot nito," Pero kapag sa kanila siya kumampi, kamatayan ang kapalit noon,"

"Kailangan mahanap ko na siya," sabi niya," Pero kailangan kong makausap muna ang tunay kong ama para makahingi ng tulong,"

"Sa undas," ani ng matanda," Eksaktong biyernes iyon at bilog ang buwan, mag alay ka ng labing tatlong bata at makikita muna ang ama mong matagal ng hindi nagpapakita sa amin,"

"Sige, hahanap ako," pangako niya sa matanda

"May isang linggo kapa para makakuha ng labing tatlong bata na malulusog at walang sakit,"

"Gagawin ko," at tinalikuran na niya ang matanda, hinanap ang mga alagad niya at nagpahanap ng mga batang may malulusog na pangangatawan para amging alay sa araw ng undas para makita niya ang kanyang ama

Kailangan niyang makausap ito, malaman kung sino ang kanyang kakambal, humingi ng karagdagang lakas pra sa paglipol ng buong baryo at ng buong mundo

Hindi siya papayag na basta basta nalamang mamatay sa mismong kamay ng kanyang kakambal, gagawa siya ng paraan para agad iyong mahanap

Alam niya kapag naging imortal na siya ay wala ng laban sa kanya maging ang lahi ng mga taong lobo, magiging alipin na niya ang mga iyon

Lalo na ang angkan nila Rohan, gagawin niyang alipin ang mga ito, at aasawahin niya si Akira bilang ganti sa kanila

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now