Chapter 70

1.1K 53 4
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Araw ng Sabado, 9am

Nagtataka ang lahat ng tao maging sa ibang parte ng pobinsiya lalo na sa Lungsod dahil sa biglaang pagdilim ng kalangitan ng mga oras na iyon

Dahil ng bandang alas sais pa lang ay maganda ang sikat ng araw kaya nakapag pabilad pa ng kambal sina Kate at Anthony, pero ng mga oras na iyon ay bigla ang pagdilim niyon

Halos tila gabi na ng mga sandaling iyon kaya agad pumasok ang mag asawa pati sina Megan at ang ilang sa loob ng kanilang bahay

"Nagsisimula na sila," ani ni Lola Sofia,"Pero napaka aga pa, di oa nakakapanganak si Megan,"

"Hindi na po makapaghintay si Mark,"ani ni Rohan," Kailangan na natin maghanda, anumang oras ay lulusob na sila sa baryo at maging sa Lungsod,"

"Mag ikot tayo, sabihan natin si Kapitan na balaan ang lahat ng tao,"mungkahi ni Tatay Ruben kay Rohan na sinang ayunan naman nito

Silang dalawa lang ang lumabas ng bahay para may maiwan sa mga kasama nila sa loob

Isinarado na din nila ang mga bintana at nagsindi ng ilaw para magkaroon ng liwanag sa buong kabahayan

Naglagay na sina Nanay Rita, Lola Sofia at ang ilan sa kanila ng mga asin, bawang, palaspas, at ilang matutulis na kawayan na ginawa ng mga kalalakihan noong nakaraang araw sa bawat bintana, dingding at pintuan

Mga walis tingting na pinatayo sa may gilid ng pintuan na bagong bili ni Nanay Rita kasabay ang mga sako sakong asin at bawang ng nakaraang linggo

Nagkatinginan naman sina Akira at Megan ng mga sandaling iyon pero unang umiwas ng tingin ay si Akira

Tinalikuran niya ang kaibigan at pumunta sa loob ng kwarto nioa ni Rohan, maya maya pa ay inilabas na niya ang mga sandata nila, ilang karton ng paputok na binili nila ni Vanessa bago mag bagong taon

Inipon nioa iyon para sa araw na iyon

"Para saan yang mga paputok?," takang tanong ni Kate sa kanya

"Para sa mga aswang," ani ni Vanessa,"Inipon talaga naman yan ni Akira para sa araw na mapapalaban tayo kina Mark,"

"Ang dami ah," bulalas ni Ivan at binuksan ang mga iyon, napatawa nalang ito kasama si Anthony ng makita ang laman sa loob

Mga de kalidad at malalakas na paputok ang nasa loob niyon

May ilang baril at bala din silang nakita sa ilan pang karton na inilalabas niya mula sa kwarto nila ni Rohan

Mga bala ng pana na halos mga bagong gawa at hasa ang mga iyon

Nakahanda na din ang tatlong timba na pinaghalong asin, bawang at kalamansi para sa pagbababaran nila ng mga bala

Lahat ng mga pakong bala ay ibinuhos ng magkapatid na Tristan at Calvin ibinabad nila iyon doon at tinakpan

Inilagay malapit sa may bintana ang lahat ng kanilang mga kakailangan na sandata

May ilang gamit din sila na inilagay sa basement para kung magkagipitan ay may matatakbuhan sila

Lalo na ang mga bagong panganak at si Megan, at ang anak nila Grace

Nakarating naman sina Rohan at Tatay Ruben sa bahay nila kapitan at pinag usapan ang maaaring mangyari ng araw na iyon

Kaya agad silang sumakay s asasakyan ng Kapitan, gamit ang mega phone ay umikot sila sa buong baryo at nagbabala sa mga tao doon

"Maghanda kayo ng maaaring panlaban sa mga aswang!," ani ni Tatay Ruben habang nakasakay sa owner jeep,"Mga matatalas na gulok, o itak, mga buho na pinatulis ang dulo.......,"

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon