Chapter 53

1.1K 58 2
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Huwebes ng umaga

Nasa bakuran ang lahat ng Kapitan para sa maagang pagpupulong ukol sa nangyari ng nakaraang gabi

Sa pagsalakay ng sangkatutak na mga tiyanak na hindi nila alam kung saan nang galing at kung paano ganoon kadami

"Bukas biyernes santo na," ani ng Kapitan nila," Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin dahil sa demonyong si Mark at sa mga alagad niya,"

"Ano po ang gagawin natin, Kap?," tanong ng isang buntis na babae," Natatakot po kami, saka wala kaming kasama ng mga anak ko, nasa Lungsod ang aking asawa kasama ang aking ama at biyenan,"

Naoatingin ang lahat sa babaing buntis na balot ng takot at pag aalala sa kanyang kalagayan lalo na at malapit na iyon manganak

Kasama din nito ang tatlong anak na ang pinakamatanda ay edad kinse anyos, sumunod ay nasa dose, sampo at ang pinakamaliit ay nasa apat na taong gulang, halos balot din ng takot ang itsura ng mga iyon

"Sa bahay muna kayo," prisinta ni Tatay Ruben sa mag iina," Ilang araw nalang at manganganak kana,"

"Oo sa amin kana lang muna," pag samg ayon naman agad ni Nanay Rita na ikinatuwa ng babae at ng mga anak nito

"Salamat po," ani ng babae na ikinangiti naman agad ng kanilang Kapitan

"Maghanda nalang tayo para sa maaaring mangyari bukas, isaradong maigi ang mga bintana at pintuan, maglagay ng mga bawang, asin at palaspas sa mga bintana at pintuan. Walis tingting sa pintuan, buntot oagi at hasaing mabuti ang mga gulok at itak niyo,"

"Marami pa po kaming buho sa silong, Kpa," ani ng isang lalake," Pwede sila makakuha sa bahay, o kaya kumuha na tayo ngayon ng mga kawayan,"

"Sige magandang suhestiyon yan," ani ng Kapitan kaya sumang ayon agad ang lahat ng kalalakohan sa knilang baryo

Matapos makapagpulong ay kanya kanya na silang alis para kumuha ng gulok at pumuyol ng mga kawayan na nasa kagubatan

Sumama din sina Rohan para tumulong sa mga kababaryo nila, samantala inakay naman ng iba ang mag iina na lumipat muna sa bahay nila Tatay Ruben pansamantala habang wala pang kasama ang mga ito sa bahay nila

Lumipas ang maghapon na naging abala ang lahat sa pagpapatulis ng kawayan, paglalagay ng mga sin, bawang at oalaspas sa kanilang mga dingding, bintana at pintuan

Sa silong naman ay nagsaboy din sila ng mg aasin na kung sakaling may aswang na darating at s asilong agad ang punta ay nakahanda na sila

Alas sais ng hapon, sarado na ang bawat kabahayan, nagmistulang sementeryo ang buong baryo dahil sa katahimikan

Wala ka ng makikitang mga babaing nagtsitsismisan, mga kalalakihang nag iinuman at higit sa lahat mga batang masayang naglalaro sa ilalim ng liwanag ng buwan

Naging napakatahimik at napakahaba ng gabi para sa mga taga baryo

Samantala sa ibang baryo ay kabaliktaran ang nangyari, halos lahat ng mga tao doon y nas alabas ng kani kanilang bahay

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt