Chapter 42

1.1K 53 3
                                    


Nochebuena na po, tara kain na po tayo ng marami✌✌✌🍴🍴🍴🍽🍽

Exchange gift, bigayan ng regalo at nandiyan na ang inaanak para mamasko🛍🛍🛍🎁🎁🎁

Simbang gabi at mga kakaining nakaka miss kapag tapos na ang pagsimba,🕍🕍🕍😃😃😃😃

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Disyembre 24, bisperas ng Kapaskuhan

Halos abala na ang lahat para sa lulutuing pagkain na kanilang pagsasaluhan sa pagsalubong ng kapaskuhan

Ang iba ay nasa pamilihan pa para bumili ng mga karne, manok at prutas

Halos di magkamayaw ang mga tindera sa dami ng dumagsang mamimimili ng araw na iyon, halos di mahulugan ng karayom ang mga tao sa palengke kahit na napakaaga pa ng mga oras na iyon, nandoon din ang tatlong magkakaibigan para mamimili ng karne at manok

"Ilang kilo ba?," tanong ni Rohan kina Ivan at Anthony habang nasa pamilihan sila ng karne, manok at isda

"Tatlong kilong manok, apat na kilo ng karne at dalawang kilo ng isda, pampulutan natin," sabay apir ng dalawa kaya napailing nalang si Rohan

"Sige, kayo na bahala," natatawa niyang sabi sa dalawa habang namimili ng sariwang isda

Matapos makapamili ay agad na silang umuwi para matulungan pa nila ang mga kasama nila sa bahay na mag ayos at maghanda ng kanilang pang noche buena mamayang hating gabi

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

6pm

Halos mapuno ng mga bata ang lansangan sa pagkaka roling sa huling gabi bago sumapit ang pasko, nakahanda na din ang kanilang ibibigay na aginaldo sa mga pupuntang bata sa kanilang mga bahay

May mga bisita na ding nagsipag datingan sa bahay ng kanilang Kapitan

Bawat bata namapapadaan o mangangaroling sa bahay ni Kapitan ay binibigyan ng regalo o aginaldo para maging masaya ang pasko ng mga ito dahil ang katwiran nila iyon na yata ang huli at unang pasko na mangyayari sa kanila dahil sa mga nakaambang panganib

Nasa kubo naman sina Rohan, inihahanda ang mga iihawin at ihawan kung saan sila mag iihaw ng pang pulutan at pang hapunan nila

Nakaupo sa loob ng kubo ang lahat habang nagku kwentuhan at hinihintay matapos ang iniiihaw na kanilang uulamin

Nagtatawanan ang mga kababaihan habang tumatagay ang mga kalalakihan

Nasa galaan naman ang kani kanilang mga anak para bumisita sa mga bahay ng kani kanilang mga naging kaibigan

Sama sama ang mga iyon na nag ikot, may dala dalang malilit na aginaldo para maibigay sa mga masasalubong na mga batang nangangaroling

"Ang saya naman ng pasko natin," bulalas ni Grace habang karga ang anak na mahigit isang buwan na," Sana tuloy tuloy na ito,"

"Oo nga eh," pag sang ayon naman ni Megan habang inaayos ang mga baso at plato sa lamesang mahaba

"Pagkatapos ng kasiyahan, iyakan at pighati naman ang darating," bulong ni Lola Sofia," Kaya kailangan na mag iingat kayo lagi,"

"Opo, Lola," pag sang ayon nilang lahat sa matanda habang nangingiti

Pumasok na sila s loob para ilabas ang hapunan nila, gulay, isda at adobong manok ang kanilang hapunan, masaya nilang inayos ang hapag kainan

Ilang sandali pa ay nakauwi na din ang mga anak nila at sabay sabay na sila sa paghahapunan

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

"Magpakasaya kayo ngayong kapaskuhan at bagong taon," ani ni Mark habang pinagmamasdan ang mga dating kaibigan na nagtatawanan habang kumakain ng hapunan," Ito na ang magiging kahuli hulihang pasko ninyo at bagong taon," sabay ngisi ng nakakakilabot

Pinagmasdan din niya ang buong kapaligiran na nababalutan ng ibat ibang palamuti na nagsasabi na araw na ng kapanganakan ng ating Panginoon Hesukristo

Napapahalakhak lang si Mark dala ng pang uuyam sa mga mortal, lahat ay nakikita niyang abala sa buong paligid at madidinig ang masasayang tawanan ng mga iyon na lalong nagbibigay sa kanya ng rason para maghasik ng lagim

"Magsaya kayo hanggang sa gusto niyo, bwahahahahaha!," sabay lipad nito paalis doon sa pinagtataguan malaking puno ng balete

Samantala, abala na ang lahat sa kusina para sa noche buena

Karamihan sa mga bata ay tumutulong sa paghahanda ng kanilang pang nochebuena, ang mga ama ng tahanan ay inaayos ang paglulutuan ng kanilang mga iihawin para sa mga anak nila

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

11:55 pm

Nakahanda na sa mga hapag ang kani kanilang handa

Limang minuto bago magpasko ay maayos ng naka lapag ang kanilang mga pagsasaluhan

Nandiyan ang spagetti, pancit, inihaw na karne ng baboy o manok, may ibat ibang prutas sa ibang hapag

Hindi mawawala ang buko salad, macaroni salad at fruit salad, na karamihan ay pinalamig lang sa timba na nilagyan ng maraming ice

"Maligayang Pasko!," sigaw ng Kapitan na nag ikot sa buong baryo, pumatak na ang hating gabi

"Merry Christmas!!!," bati nina Megan sa mga kasama sa loob ng bahay

Nagbigayan sila ng mga regalo at nagyakapan, nandoon din si Gwen na patagong pumunta sa bahay nila Rohan dahil may mga nagroronda bago sumapit ang pasko

Sa ibang bahay at pamilya naman ay tuwang tuwa ang mga bata na inabutan ng kani kanilang mga magulang ng simpleng regalo para sa kani kanilang mga anak

Halos walang pagsidhan ng kaligayahan ang mga batang nakatanggap ng simpleng regalo mula sa kanilang mga ama at ina na halos pinag ipunan ang ipinambili ng kanilang regalo

Maya maya pa ay kumakain na ang lahat ng kani kanilang handa

Simple man, payak man at kakaunti man ang kanilang handa na pinagsasaluhan ang mahalaga sa kanila ay masaya sila, sama sama at higit sa lahat ay kompleto

Iyon lang ang mahihiling ng bawat miyembro ng kani kanilang pamilya

Buo, masaya at malayo sa panganib

Matapos ang mahigit isang oras na katuwaan, kainan at bigayan ng regalo ay nagligpit na sila ng kanilang mga kalat, inayos ang mga natirang pagkain para hindi masira

Bandang alas dos ng madaling araw ay tahimik na ang buong baryo, natutulog na ang lahat na may ngiti sa kani kanilang labi dahil sa kasayahang nadarama

Ang mga bata naman ay yakap yakap ang mga regalong ibinigay ng kanilang mga magulang hanggang sa pagtulog

Kinabukasan, 7am

Ang lahat ay dumalo para sa misa ng araw na iyon, punong puno ang simbahan, at bawat makakasalubong o katabing kababaryo ay binabati ng Maligayang Pasko at magyayakapan

Nasa bandang gitna naka pwesto sina Akira, kasama ang buong pamilya habang tahimik na nakikinig sa sinasabi ng kanilang Pari

Lumipas ang mahigit dalawang oras ng Misa ay tuwang tuwa na nag ikot sa plaza ang bawat pamilya para ipasyal, mag ikot ikot at mamili ng mga magugustuhan ng kanilang mga anak

Naging masaya ang buong maghapon ng kapaskuhan ng mga taga baryo

Hindi sila makapaniwala na naging mapayapa ang paghahanda nila sa pasko at walang mga aswang o halimaw ang gumambala sa kanilang baryo

At iyon ang kanilang ipinagpapasalamat ng malaki sa ating Amang may Likha

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

By: Akiralei28

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now