Chapter 43

1.2K 48 1
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Megan's POV

Masayang lumipas ang kapaskuhan na tahimik at payapa ang buong baryo, ang mga bata ay walang pagsidhan ng kaligayahan ng araw na iyon

Kahit kami ay ganoon din dahil parang ngayon lang ulet kami nakapag celebrate ng pasko na payapa at masaya

Sana tuloy tuloy na ito, kamusta naman ang mga aswang?

Ahahahahaha, naiisip ko kung ano ang ginagawa nila, baka nagpapalakas at nag iipon ng kalahi para sa paglusob sa amin

Pero nakahanda kami sa anumang oras na babalakin nila kaming sakupin, patayin at ubusin. Lalabanan namin si Mark, ngipin sa ngipin at lakas sa lakas

Hindi na kami papayag na malagasan at mamatayan ng isa pang kaibigan o kaanak, ipagtatanggol namin sila

Masaya din naman ang kapaskuhan namin dahil nakasama namin si Gwen kahit na sandali, nandito din ang mga magulang nila Vince at dalawang kapatid

Syempre kasama din ang mga magulang ko, kaya masaya naman dahil buo kami

Sa makalawa na ang bagong taon, handa na naman kami para sa isang masayang pagsalubong ng bagong taon

Inaayos naman ng Kapitan ang kanyang bakuran para sa isang palaro para sa mga kabataan, may mga gantimpala siyang inihanda at mga regalo para sa mga mananalo

May mga palaro din para sa mga matatanda na gaganapin bukas ang bigayan ng mga gantimpala at regalo ay sa bisperas ng bagong taon

Kaya halos lahat ay handa na para sumali sa mga palaro na gagawin kinabukasan

Nasa bayan din ang ilan sa mga kasama ko para mamalengke at bumili ng ilang kagamitan na gagamitin sa pag gawa ng kubo dahil sira na iyon at luma na din

Baka hapon na din sila makauwi dahil sa dami ng kanilang sadya sa bayan

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

"Mahihirapan silang mapatay ako," bulong ni Mark habang nakangising nakatingin sa kanyang harapan

"Kapag hindi nila nalaman ang iyong sekreto ay talagang di ka nila mapapatay aming Hari, pero oras na malaman nila ay matatalo po tayo," sang ayon ng isang matandang aswang habang pinagmamasdan din ang pinagmamasdan ng kanilang Hari habang nakangisi

"Bantayan ang buong paligid ng daanan at itong puno at ang nasa tabi nito!," utos niya sa ilang demonyo at malalakas na aswang," Kapag nawala itong bagay na ito uubusin ko kayong lahat!!," sigaw niya sa mga nandoon

Napayuko ang lahat dahil sa takot at sumagot ng buong puso

Umalis si Mark doon habang nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi

"Malapit ng magsimula ang katapusan," sabi ng matandang aswang," Oras na magsugo na siya ng mga demonyo sa kalupaan ay magsisimula na ang digmaan laban sa mga mortal,"

Nagkatinginan lang ang ilang aswang sabay sabay na nagsipag ngisihan habang natatakam na naman sa laman at dugo ng mga tao

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon