Chapter 76

995 60 4
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Alas otso ng Gabi

Bilog na bilog ang mapulang buwan

"Aalis na po ako," paalam ni Akira sa mga taong nasa basement

"Ma!," yakap ni Shane sa kanya

"Akira," umiiyak si Megan na nakayakap din sa kanya, pinilit nitong tumayo para mayakap ang kaibigan sa huling pagkakataon," Wag mo kami iwanan!,"

"Patawad," at kinalas niya ang mahigpit na pagkakayakap ng anak na si Shane

"Grace o sinuman sa inyo ang magkaroon ng anak na babae sa susunod na limang taon," baling niya sa mga ito," Ang unang magkakaanak ng babae makalipas ang limang taon, maaari bang ipangalan niyo sa akin? Ang susunod ay maari bang kay Gwen?,"

Tumango lang ang mga iyon na umiiyak sa kanya bago siya tuluyang tumalikod

Hinawakan naman nina Krishna, Ivan at Jade si Shane dahil hahabulin pa nito si Akira para pigilan

Umiiyak naman na tumalikod na si Akira, hindi na siya lumingon dahil baka magbago pa ang kanyang isipan

Agad siyang umakyat sa taas ng hindi na nilingon ang anak na sumisigaw, nagwawala at umiiyak

Tinatawag siya pero tinatagan na niya ang kanyang sarili

Matapos makalabas ng basement ay nakita niya doon si Gwen, naghihintay sa kanya, bakas din sa mukha nito ang lungkot

"Maaaring heto na ang huli nating pagkikita," bungad ni Gwen," Ramdam ko na katapusan ko na rin,"

"Babalik tayo, Gwen," sabay yakap niya dito,"Heto," sabay bigay ng dalawang patalim, ang usa ay kulay gold at ang isa ay kulay silver

"Para saan ito?," takang tanong nito sa kanya sabay kuha

"Kaoag magkagipaitan," paliwanag niya," Ipana mo sa akin yan, isakto mo sa puso ko," sabay turo sa dibdib niya

"Hindi ko kaya, Akira," umiiling na sabi sa kanya,

"Baka magbago lang ang isip ko," tugon niya," Ikaw ang pinakamagaling sa atin pagdating sa pag asinta gamit ang pana, kaya inaasahan kita, baka maghinala si Mark eh, maaasahan ko ba ang iyong tulong?,"

"Oo, kahit masakit gagawin ko," napatango ito sabay pahid ng mga luha, ayaw niyang siya pa mismo ang papatay sa kaibigan pero wala na siyang magagawa

Magtulungan nalang silang dalawa oara magapi nila si Mark

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Alas diyes ng Gabi

"Maligayang pagkikita!!," bungad ni Mark na nasa anyong tao pa," Malapit na ang katapusan niyong mga taga baryo! Bwahahahahha!!," malakas niyang tawa kaya nagulantang ang lahat na abala sa pakikipaglaban sa mga naunang kampon nito

Nagtangis ang bagang ni Rohan dahil alam niya ilang sandali nalang ay mawawala na ang kanyang pinakamamahal na babae

Nanlisik ang mga mga mata ni Blaze, lumabas ang mga pangil habang unti unting nagpapalit ng anyo, kasunod sina Ace at Anthony na magaling na ang mga tinamo nitong sugat at galos dahil sa ilang oras na pagpapahinga

"Makikita niyo ang aking mga alagad na hindi pa lumalaban!,"

"Lumaban ka ng patas, demonyo ka!," ani ni Anthony,"Wag kang magtago sa likuran ng mga alagad mo!,"

"Masusunod mahal kong kaibigan!," sabay yuko ni Mark na tila inaasar si Anthony sabay tawa

"Wala kaming kaibigang demonyo!," sigaw ni Anthony na nakahanda na lumaban ng mga sandaling iyon

Natawa lang si Mark habang nasa ere ito at nakahalukipkip

"Ang mga alagad ko muna ang labanan niyo bago ako," tigon nito," Magsipag kabasan na kayo!," dumagundong ang boses ni Mark na tila galing sa kailaliman ng lupa

Napatigil ang mga naglalabanan, pati ang mga aswang ay umatras at lumapit sa pwesto ni Mark

Na tila nag hihintay sa mga paparating na mga kakampi ng mga sandaling iyon

Mula sa bungad ng baryo, ang mga taong tiktik ang naandoon

Tumingala sa bilog at pulang buwan ang pinuno ng mga ito, ibinuka ang mga bibig na may itim na ibon na unti unting lumalabas kasabay ng malapot na likido o laway nito ay iniluwa ng pinuno sa kanyang dalawang palad na magkadikit

Nagsipaglapitan ang mga kalahi nito na umabot sa isang daan, bawat isa ay inilalabas ang dila para makakuha ng likidong nasa palad ng kanilang pinuno

Ang bawat makakakuha ng likido ay namimilipit s asakit na pagulong gulong sa lupa, hanggang sa halos lahat ay ganoon ang ginagawa dahil sa pagpapalit ng kanilang anyo

Nagpalit ng anyo ang pinuno nila na isang malaking uwak, itim na itim na halos hindi na makita kung wala ang liwanag ng malaki at pulang buwan

Maya maya pa ay natapos ng magpalit ang mga iyon ng anyo

May malalaking aso na kasing laki ng sa kalabaw, maiitim ang kulay ng mga ito, nanlilisik ang mga mapupulamg mga mata, tumutulo ang malapot na laway mula sa bibig ng mga ito

Naglabasan ang matutulis na mga ngipin at mga kuko bago tumakbo papasugod sa looban ng baryo

Kasunod ang mga naglalakihang mg apusa na kasing laki ng ordinaryong aso, nanlilisik din ang mga mapupulang mga mata bagi sumunod sa mga nauna sa kanila at nasa huli naman ang kanilang pinuno na ang dila ay umabot na sa dibdib nito sa sobrang haba

May mga malalaking pakpak na nakatupi sa likuran nito bago sumunod sa mga alagad na nagtatakbuha papunta sa mga taong nagtataka at nagimbal ng makita ang mga iyon

Sa likurang bahagi naman ng baryo, ay mga impakta ang nakahanda ng lumusob, ang lahi ni Melanie

Agad silang nagpalit ng anyo, mula sa mga magagandang mukha at mga matitipunong katawan ay napalitan iyon ng napakapanget ng mukha na ni sa panaginip ay hindi mo gugustuhing makita o mapanaginipan

Tumulis ang mga bibig na kagaya ng sa aso, ang mga mata ay lumaki na tila luluwa na sa mga lagayan

Nagkaroon ng balahibo ang buong katawan, tinubuan ng mga pangil ang bunganga, tumulo ang mga laway sa mga bibig nito

May malalaking tainga, may mahahabang kuko at higit sa lahat ay wala ng kasuotan ang mga iyon

Agad umungol si Melanie na tila nagbibigay na iyon ng hudyat para sumugod na sa buong baryo

Sa dalawang grupong aswang na sumugod ay nahirapan na agad ang mga taong baryo dahil sa mga impakto at tiktik na sumugod sa kanila

Kahit ang mga taong lobo din ay nahihirapan na sa mga kalaban nila, dahil sa kaliwat kanan na mga pagsugod ng mga iyon

Hindi pa sumusugod ang ilan pang mga grupo ng aswang na nagtatago mula sa kadiliman

May mga nuno at ilang mga elemento na ng dilim ang sumugod na din sa kanila at iyon ang hinarap ng grupo nina Prinsipe Asul at Prinsesa Acacia

Kaya sila na ang hinarap ng mga ito dahil nga sa kagaya nila ang mga ito

Halos ang lahat ng elemento na kagaya nila ay sila na ang humarap at lumaban

Pati na din ang mga kapre ay lumaban na din sa mga tikbalang at mga tiyanak na gustong sumugod sa mga kaibigan nila

Nandoon na din ang mga nasasakupan ni Rohan at si Tandang Selmo, kasama ang ilan sa mga kawal ng palasyo

Halos hindi mahulugan ng karayom ang mga naglalaban sa gitna ng kalsada at sa mga kalapit bahay sa mga ito

Nasa labas na din ng bahay sina Gwen at Akira nagmamasid sa paligid habang naghahanda na paglaban sa mga aswang na susugod sa bahay nila

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Ilang chapter nalang ang natitira kaya abangan na po ang katapusan

By: Akiralei28

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Место, где живут истории. Откройте их для себя