Chapter 72

1.2K 65 23
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Dahil sa kadiliman na namayani sa baryo at sa ibang lugar pati na sa Lungsod ay nakaramdam na ng takot ang mga tao

Ang ilan sinasabi na katapusan na nga ng mundo dahil may mga demonyo na naman na naglilipana at paikot ikot sa simbahan

Kaya wala na silang matakbuhan at mapagtaguan kundi sa kani kanilang mga kabahayan nalang

Dahil pati sa simbahan ay may mga demonyong nagtatambay para manghuli ng kanikang mabibiktima at makakaing tao, dahil iyon ang utos ng Hari nila

Panay dasal naman ang mga matatanda sa harapa ng kanilang altar, nagbabasa ng bibliya at kung anu ano pa ang kanilang mga ginagawa para lang makapagdasal sa ating Maylikha

Halos wala na ding lumalabas na mga tao para mamasyal at mangapit bahay sa baryo

Sarado na ang mga tindahan pati na din ang palengke dahil sa kaguluhang nangyayari

Ang ilan naman kaoag bibili ay kakatukin ang mga may ari ng tindahan na doon na sa tindahan nakatira para makabili lang ng makakakain ng pamilya

Ang mga mga imbak na pagkain, ay binibigyan ang ilang pamliya na walang wala na makain at talagang mahihirap ang mga iyon

Nag iikot sila at kumakatok para lang makatulong sa mga kababaryo nila

"Tatlong araw na simula noong lumaganap ang kadiliman," ani ni Tatay Ruben habang nasa sala silang mga kalalakihan,"May apat na araw pa para matapos ito,"

"Sa loob po ng tatlong araw, Tay Ruben, ay wala pang gaanong lumulusob, nahahalata niyo ba?," ani ni Vince sa mga kasama nila doon

"Oo,"tugon ng mga ito sa kanya

"Maaaring ngayong gabi o bukas hanggang sa ikapitong araw ng paglaganap ng dilim," ani ni Rohan sa kanila,"Kaya kailangan natin maghanda ng todo,"

"Talagang pinaghanadaan tayo ni Mark," ani naman ni Ivan,"Dahil pakunti kunti pa lang ang mga lumulusob sa baryo maging sa ibang lugar,"

"Lalo na sa Lungsod," ani naman ni Jade,"May mag kapulisan naman doon, may mga baril sila at higit sa lahat nasa kanila ang malalakasa na aramas,"

"Ang kailangan lang talaga natin ay isang malaking himala sa apat na araw na natitira," ani naman ni Nanay Rita na dinalhan sila ng kape

"Asan ang mga kasama mo?," tanong ni Tatay Ruben sa asawa nito

"Nasa kwarto silang lahat, maliban kay Akira na nagkukulong sa kwarto nilang mag asawa," tugon nito na ikinakunot ng noo ni Rohan at ni Blaze

"Mukhang may problema ang misis mo, bro," pabirong ani ni Ivan kay Rohan na agad naman tumayo para puntahan ang kanyang asawa sa kanilang kwarto

Nagkindatan lang ang mga naiwan ni Rohan ng siya ay tumayo

Nag aalala na siya sa kanyang asawa dahil ilang araw na iyong balisa at palaging malungkot

Napapansin niya iyon kahit na nakangiti ito at tumatawa

Kilalang kilala na niya si Akira dahil asawa niya ito at mahal na mahal niya, alam niya kung may problema ito at kung may itinatago sa kanya

Dahil malakas ang pakiramdam niya bilang isang loob at matalas ang pandinig niya, pwera nalang kung gagamit ng pambulag at harang ang may mga kapangyarihan para hindi niya malaman kung nasa paligid lang ang mga iyon at nagmamasid

Naabutan niyang nakaupo iyon at nakatingin sa bintana na medyo nakabukas ng bahagya

Alas tres pa lang iyon ng hapon pero kung titignan akala mo ay alas otso na ng gabi dahil madilim na ng mga oras na iyon kaysa sa mga nakalipas na araw na medyo may liwanag pa

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang