Chapter 78

1K 58 5
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Ikapitong araw ng Kadiliman

Alas dose na ng Hating Gabi

"Ngayon na ang ikapitong araw simula ng kumalat ang kadiliman," ani ni Akira,"Kailangan na natin iyong tapusin," nakatingin siya kay Gwen

"Oo, tama ka," pag sang ayon nito sa kanya sabay tango

"Hanggang sa muling pagkikita natin,"sabay yakap sa isat isa

Tumakbo na silang dalawa pasugod sa mga aswang na halos malipol na ang buong baryo

Pagod na ang lahat sa pakikipaglaban

Ang mga taong naiwan sa loob ng kani kanilang bahay ay nagdarasal nalang para sa matinding himala

Tuwang tuwa naman si Mark habang nakatingin sa mga kampon niya na panay ang kain ng mga tao

Alam niya anumang sandali ay mananalo na sila sa labanang iyon

"Sige ubusin niyo silang lahat!," uyos pa nito sabay tawa, may mga naglabasan na namang nga aswang mula sa kagubatan ng mga sandaling iyon

"Tumigil kana!," sigaw ni Gwen sabay pana sa demonyong nasa harapan nila

Tumagos ang pana na sa braso nito pero hindi manlang nasaktan, natawa pa iyon habang inaalis iyon

"Gwen, Gwen, Gwen," nakangiti nitong nilapitan ang kanyang Reyna bago sinakal habang nakangisi,"Nagpaalam ka na ba sa mga kaibigan mo? Sa kakambal mo? Lalo na mga magulang mo?," tanong nito kay Gwem habang unti unting nagbabago ng anyo

"De-demonyo k-ka!," bigkas nitong nahihirapang huminga dahil pahigpit na ng pahigpit ang pagkakasakal nito sa kanya ng mga sandaling iyon

"Oo, matagal na akong demonyo," tugon pa nito bago tumawa

"Mamatay ka na!," sigaw ng isang boses mula sa likuran ni Mark sabay saksak ng isang gulok sa likuran niya

Nanlaki ang mga mata ni Mark ng makitamg si Akira iyon, tumagos lang sa katawan nito ang gulok hanggang sa tiyan sa harapan

Pero hindi man lang ito nasaktan

Tumawa lang ito ng tumawa bago binitawan si Gwen at hinarap siya

"Tayo ang maglaban, Akira," ngisi nitong sambit bago unti unting nagbago ng anyo ng tuluyan

Pumula ang mga mata nitong lumaki ng na kasing laki ng sa kamao ng bagong silang na sanggol

Namumula ang mga balat na tila sa isang litson, naalis ang mga suot na damit na tila nalusaw sa tindi ng init

Tinubuan ng mga balahibo ang buong katawan ni Mark habang humahaba ang mga braso nito na na hanggang sa tuhod at ang mga kuko na umabot na sa lupa ng mga sandaling iyon

Tinubuan ng malalaking pakpak, mga ngipin na matutulis na halos lumabas na sa kanyang bunganga

Tumangkad ang kaharap nilang demonyo, may isa pa itong kamay na nasa tagiliran sumulpot, mga binting mahahaba at mga kuko sa paa na halos kayang pumatay ng tao

"Ngayon papatayin ko na kayo!," ani nito gamit ang malaki at nakakatakot na boses sa magkaibigan

Humanda nalang sa paglaban ang magkaibigan, handa na nilang itaya ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng nakararami

Nakita naman iyon nina Rohan at Blaze, gustuhin man nilang tulungan ang dalawa lalo na si Akira ay wala silang magagagwa

Mas marami kasi silang kinakalabang mga aswang at ang ilan sa kanilang mga kalahi ay sugatan na at nagpapagaling pa ang mga iyon

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now