Chapter 24

1.3K 62 4
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

Third Person's POV

Maaga pa lang ay nagpunta na ng bayan sina Grace para magpacheck up dahil nasa ikawalong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis, wala noon si Jade, yung iba naman ay may mga pinuntahan

Tanging si Akira lang ang nandoon kaya pinakiusapan nito ang babae na kung maari siyang samahan na ikinatango naman nito

May mga dala din itong sandata sa bag, sa bewang at sa loob ng suot na pantalon, napailing nalang si Grace pero alam niya na nag iingat lang ito at laging handa

Sumakay sila ng tricycle at nagpahatid sa isang ospital para magpacheck up, tahimik lang silang dalawa habang nakasakay, siya sa loob at si Akira naman ay sa labas, sa tabi ng driver

Isang oras ang lumipas bago sila nakarating sa ospital, medyo mahaba ang pila kaya naghintay pa sila ng ilang oras, inabot na sila ng tanghalian pero hindi pa siya natatawag kaya nagpasya muna silang lumabas para kumain,

Sa labas ng ospital ay may isnag canteen kaya doon nalang sila kumain para mabilis makabalik agad sa loob

*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

"Hapon na, wala pa din sila Grace," nag aalalang sabi ni Jade habang nakatingin sa labas ng bahay," nag aalala na ito sa asawang buntis

"Baka maraming pasyente kaya inabot na sila ng hapon?," komento ni Megan," Baka maya maya ay nandiyan na ang mga iyon,"

"Wag kang mag alala," ani ni Nanay Rita," Kasama naman niya si Akira, hindi iyon mapapahamak,"

"Sana nga po," dasal nalang niya sabay bugtong hininga, umalis sa bintana at pumunta na sa kusina para makapaghanda ng hapunan

Samantala, pasado na alas singko ng makalabas ang dalawa sa ospital, dahil sa dami ng nagpacheck up na mga buntis ay inabot na sila ng hapon, nagpunta agad sila sa paradahan ng tricycle para makauwi agad

Pero laking dismaya nila ng wala ng nakapila doon, maghihintay pa sila ng isang oras bago makasakay, kaya napaupo nalang sila doon habang naghihintay ng tricycle

"Gagabihin tayo," ani ni Akira sa katabi, na tahimik pero alam niya kinakabahan na iyon, nilingon lang siya ni Grace," Kailangan maging handa tayo sa pag uwi,"

"Ha? Bakit?," takang tanong nito sa kanya

"Bilog ang buwan," sabay tingala sa langit, at nakita nilang may buwan na at bilog iyon," Saka buntis ka kaya delikado,"

"Ano ang gagawin natin?," takot na sabi nito sa kanya, may inabot na bawang si Akira na galing sa kanyang bag

"Isuot mo," utis sa kanya," Heto," sabay abot ng holywater sa katabi," Protection mo din," isang matalim na kutsilyo na yari sa tanso ang ibinigay niya, agad iyon inilagay ni Grace sa bag

"Natatakot ako, Akira," sabay yakap sa braso niya kaya napangiti nalang siya

"Nandito naman ako," alo niya dito," Hindi natin alam kung ano ang makakasalubong natin sa daan pauwi kaya maging maingat tayo," napatango lang ito sa kanya

Past 6pm, nag may isang tricyle ang huminto, taga baryo Maligaya din ito at nakilala sila, may binili itong gamot at ilang pagkain para sa hapunan ng pamilya nito

May inihatid lang daw ito sa kabilang baryo malapit sa bayan kaya nakabalik agad, kinausap nila iyo na kung maari silang makasakay papauwi sa baryo na agad namang sinang ayunan nito

Nagmamadali na sila sa pag uwi dahil papadilim na ng mga oras na iyon, mabuti nalang at sementado ang kalsada kaya nagagawa nitong patakbuhin ng mabilis pero may ingat ang tricycle

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Where stories live. Discover now