*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Third Person's POV
18 years later
"Anak magsipag pasok na kayo at gabi na," ani ng isang ale sa anak na batang babae habang naglalaro kasama ang iba pang bata sa likurang bahagi ng kanilang bahay
"Mamaya na po, Nay," tanggi nito sa kanyang nanay na napailing nalang bago pumasok sa loob ng kanilang bahay
Nagpatuloy naman sa paglalaro ang anim na bata, tatlong lalake at tatlong babae, na nasa di kalayuan ang mga bahay ng mga ito
Nasa paanan sila ng bundok nakatira at tanging pagbubukid lang ang kanilang ikinabubuhay
Pasado na alas otso ng gabing iyon, at patuloy pa din sa paglalaro ang mga bata,
Panatag na kasi ang kanilang pamumuhay dahil labing walong taon ng walang gumagambalang mga aswang sa kanilang baryo
Dahil na din sa marami rami na din ang nakatira doon, na halos lahat ay mga baguhan na galing sa ibang lugar at doon nakapag asawa o nakabili ng lupang kanilang titirahan
Halos maayos na ang kanilang pamumuhay, kumpara sa mga nakalipas na mahigit labing walong taon kasama ang mga aswang na lumusob sa kanilang baryo
Marami rami na din ang mga sasakyan na bumibiyahe papalabas ng baryo at papasok kahit na sa alanganing oras
Masaya na ang lahat at tahimik na namumuhay kasama ang mag kakaibigan
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Samantala sa isang masukal na kagubatan, may isang pamayanan na di nila aakalaing nag eexist pa rin doon hanggang sa ngayon
Isang barangay na tahimik na naninirahan at naghihintay ng tamang pagkakataon para gumising at maghasik ng lagim sa buong bayan
Sila ang lahing aswang na matagal ng pinaniniwalaang nagapi ng mga lahing taong lobo at mga taong baryo ng nagdaang labing walong taon na ang nakakaraan
Ang di nila alam ay buhay pa ang mga ito, nagparami at nagpalakas para sa nalalapit nilang paghihiganti sa mga tao at taong lobo na lumipol sa kanilang lahi
Natutulog sila habang hinihintay ang pagbangon at pag gising ng pinuno nila para sa kanilang paniningil at paghihiganti at nalalapit na iyon
Sarado ang bawat pintuan, bintana at wala kang makikitang kahit anong butas na pwedeng silipan mula sa labas ng kanilang kubo
Saradong sarado ang kanilang mga bahay habang silang lahat ay natutulog at nagpapalakas
Mahigit isang daang bahay kubo ang naroroon at tabi tabing nakatayo sa isang malawak na lupain na wala pang nakakakita at nakakaalam kahit sinuman
Tahimik ang kapaligiran at wala kang ingay na maririnig kundi ang hampas ng mga sanga at dahon ng punong kahoy na dinuduyan ng malakas na hangin
Nalalapit na ang kanilang pag gising at paghihiganti
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
Someone's POV
Nalalapit na ang kanilang pagbabalik, maghahasik na naman sila ng lagim sa buong baryo
Paano na kami at sino na naman ang tutulong sa amin na puksain sila?
Natatakot ako sa maari nilang gawin sa amin, mas lumakas at mas makapangyarihan na sila ngayon, lalo na ang kanilang demonyong pinuno
Nakapagpahinga at nakapag ipon na rin sila ng lakas pati mga bagong kasapi, mas dumami pa sila ngayon at higit na mapanganib
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...