Chapter 20

1.4K 60 5
                                    


*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*

                          Third Person's POV

Kinabukasan, alas otso ng umaga

Nasa harapan na ang lahat ng bahay ni Kapitan Isaac para makapag meeting tungkol sa nangyayari sa kanilang baryo at kung paano iyon maiiwasan ng karamihan, lalo na ang mga bampira na naglilipanan kapag makulimlim at walang araw

"Paano po natin iyon maiiwasan, Kap?," tanong ng lalaking namatayan ng asawa dahil sa mga salot na iyon na umatake," Eh may sumasabotahe sa mga alarm na nilagay natin sa mga poste ng ilaw,"

"Oo nga po, Kap," sang ayon ng ilan

"Pati ilaw sa mga poste kahit bagong oalit, ioang araw lang pundi na po," sabi pa ng isang matanda sa kanya, napapailing nalang ang Kapitan

"Hindi natin alam kung sino ang kasabwat ng mga halimaw na iyon dito sa atin," ani ni Kap Isaac,"Di natin pwede pagbintangan ang kung sino lang,"

"Eh ano po ang gagawin natin, Kap?," tanong ng isang lolo sa kapitan nila na tila di na alam ang gagawin para makaligtas ang kanyang mga kababaryo sa salot na mga aswang at halimaw

"Pwede po bang magbigay ng opinyon?," ani ni Akira na naagaw ang tingin ng lahat

"Halika dito, iha?," ani ni Kap Isaac sa kanya kaya umakyat siya sa pinaka entablado para makita siya ng lahat

"Problema nga po natin yang alarm at mga bombilyang pinupundi ng kung sinumang nilalang na yan," panimula niya," Kailangan natin makagawa ng alarm para sa susunod na pagsalakay ng mga bampira na yun at ng mga aswang, lalo na yung babaing kasama ng mga halimaw na iyon,"

"Paano?," tanong nila

"Pag uusapan po namin ni Kapitan yan ngayon, at bukas po malalaman niyo ang lahat," paliwanag niya," Ipapatawag namin ang mga lalaking pwedeng makausap at tumulong sa amin, mahirap na po malaman ng kung sinumang kasabwat nila ang plano natin,"

"Tama yun," ani ng Kapitan," Pipili kami ng mga taong makikisama sa amin, sa ngayon umuwi muna kayo at maghanda sa mga bahay niyo, bukas ay may plano na po tayo,"

Tumango ang mga iyon bago umalis sa bahay ng Kapitan, naiwan doon sina Akira at sina Rohan

"Tara sa loob," yaya ni Kap sa kanilang anim

"Opo," sagot nila bago sumunod dito papasok sa loob ng bahay, nagpahanda ng meryenda ang Kapitan para sa kanilang lahat

Nasa library sila para walang makakarinig sa kanilang pag uusap, kahit may tao sa labas ay di sila madidinig ng mga ito dahil sa sound proof ang library nito

Pinag usapan na nila ang mga hakbang na dapat gawin at mga plano para masugpo at mapaghandaan ang pagsugod ng mga aswang lalo na ang pinakamatindi nilang kinatatakutan ay ang mga bampira, kahit maliwanag pa at makulimlim ay sumusugod na ang mga ito basta wala lang sikat ng araw

Mga makabagong bampira na ang mga kalaban nila, hindi kasi sumusugod ang mga ito lalo na sa gabi dahil ayaw din nila nakasagupa ang mga aswang na kahit kakampi nila ay kinaiinisan nila

Gusto ng mga bampirang ito na sila lang ang susugod at maghahasik ng takot sa mga taga baryo kapag makulimlim at sa gabi naman kapag nakalubog na ang araw ay ang mga nilalang naman ng kadiliman ang susugod at maghahasik ng takot sa buong baryo

Halos lagpas tanghalian na ng matapos ang kanilang pagpupulong, doon na din sila kumain ng tanghalian para pag uwi ay makapagpahinga na din sila,

Tahimik lang silang anim na naglalakad papauwi ng bahay, wala ni isa man ang nagsasalita o nagbubukas ng usapan

ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora