*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*Akira's POV
Limang araw na ang nakakaraan simula ng matagpuan ko ang katawan ni Lola Andeng na wala ng buhay, bakas sa katawan nito na pinahirapan muna siya bago patayin
Patunay ang mga gasgas nito sa mga braso at paa, pero ang ipinagtataka ko ay napakaaliwalas ng kanyang mukha ng makita ko kahit na puno iyon ng mga natuyong dugo na galing sa mga mata niya
May bakas pa ng itim sa kanyang leeg, alam ko sinakal siya hanggang sa malagutan ng hininga ng mga halamang nasa tabi niya, lumuha ng dugo habang nahihirapang huminga
Hayop talaga kayong mag ama, mga demonyo kayo at mga walang kasing sama
Alam ko ang ama ni Mark ang pumatay kay Lola Andeng, dahil hinahanap nito ang kakambal ng anak niyang demonyo
Hindi nila pinatawad ang kawawang si Lola Andeng, mga hayop talaga sila
Napatingin ako sa puting papel na kasama ng bag, nakalagay sa labas niyon ang pangalan ko, kaya alam kung mahalaga ang nakalagay at nakasulat sa loob ng nakatuping papel
Agad ko iyon binuksan at binasa, nanlaki ang mga mata ko sa nabasa at nalaman, kailangan kong mahanap si Gwen dahil iyon ang ibang nakalagay sa sulat ni Lola Andeng, mamaya hahanapin ko siya sa kagubatan
Doon siya naglalagi ng gabi, iyon ang nakalagay sa sulat ni Lola Andeng, kailangan kong ipaalam iyon kay Gwen sa lalong madaling panahon
*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*:-*
Third Person's POV
Alas dose ng Hating Gabi
Habang mahimbing na natutulog ang lahat ay lumabas si Akira ng bahay, patakbong tinungo ang kagubatan para hanapin si Gwen ng mga oras na iyon, hindi siya mapalagay sa nalaman
Pero hindi niya alam ay naramdaman siya ni Rohan, tinignan lang siya ng palihim nito para hindi siya makahalata
Napapaisip si Rohan kung saan ang punta nito gayung hating gabi na ng mga oras na iyon
Nang makalabas na si Akira ay humuni ng isang huni si Rohan para papuntahin ang taga tawag nila at pasundan si Akira kung saan man ito pupunta na agad namang sinunod ng inutusan niya
Dala ang dalawang matatalas na katana na nasabit sa kanyang likuran ay mabilis siyang nawala sa kadiliman ng mga sandaling iyon
Hindi niya alam na may lihim na sumusunod sa kanya dahil abala ang isip niya namakaharap agad si Gwen
Kahol lang aso ang nadidinig niya ng mapadaan siya sa isang bahay, dinig pa niya sa labas ang pagtatalo ng mga nasa loob niyon, pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin
Mas mahalaga pa ang kanyang pupuntahan kaysa sa makialam sa away ng mag asawa
Binuksan niya ang malaking flashlight ng nakapasok na siya sa kagubatan, tinakbo isang direksiyon kung saan nandoon ang kweba na pinagtaguan nila noon ni Gwen ng makatakas sila kina Mark at ng mapatay niya ang kinikilalang amang aswang nito
Mabilis lang siya nakarating doon dahil sa kabisado niya ang daan
Napahinto siya ng makarating sa bungad ng malaki at madilim na kweba
YOU ARE READING
ASWANG: Alagad Ng Kadiliman ( Book 2 )
HorrorPagsapit ng dilim, ano ang kanyang tinatagong sindak at katatakutan? Anong uri ng mga nilalang ang nagkukubli pagsapit ng gabi? Kung saan sa umaga ay nagtatago at natutulog sila, pag lubog ng haring araw naman sila gigising at maghahanap ng pagkain ...